Ayaw na ayaw talaga ni Frank sa mga taong walang alam na patuloy na nagsasalita habang sinusubukan niyang iligtas ang buhay ng isang tao. Hindi ito nakakatulong sa kalmadong isipan nq kailangan ng isang manggagamot. Sasagot sana ang malaking lalaki, ngunit napahinto siya sa malamig na tingin ni Frank, at kinilabutan siya. Agad din niyang pinigilan ang mga salitang nasa dulo ng kanyang dila, kahit na isa siyang beteranong miyembro ng nangungunang gang sa East City. May pakiramdam lang siya na hindi nagbibiro si Frank—kapag nagsalita pa siya, talagang papatayin siya ni Frank. Samantala, dahil tumigil sa pagsasalita ang malaking lalaki, tumalikod si Frank at inilabas niya ang mga karayom na ibinigay sa kanya. Itinusok niya ang unang karayom sa gitna ng tuktok ng ulo ng pasyente bago niya itinusok ang higit sa dalawampung karayom sa buong katawan ng pasyente, dahilan para magmukha siyang parang isang porcupine. Pagkatapos, idiniin ni Frank ang buong palad niya sa pusod ng lal
Naiilang na ngumiti si Kurt at dahan-dahang bumangon. “Salamat ulit sa pagliligtas mo sa'kin, Mr. Lawrence. May kailangan pa akong asikasuhin, kaya mauuna na akong umalis—tsaka, kung sakali man na pumunta ka at si Ms. Zimmer sa mga establisyemento ko, sagot ko na ang lahat.”Pagkatapos, humarap siya sa malaking lalaki sa tabi niya, at sinabing, “Bravo. Bayaran mo ng doble ang Flora Hall para sa anumang serbisyong binigay nila sa’tin.”“Masusunod, Mr. Stinson,” ang agad na sagot ni Bravo. Gusto sanang tumanggi ni Janet, ngunit hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon dahil nagbayad sila ng pera. Pagkatapos nito, umalis si Kurt kasama si Bravo. Pagsakay nila sa kotse nila, tinititigan ni Bravo si Kurt, at mukhang nag-aalinlangan siyang magsalita. Nang makita iyon ni Kurt, nagtanong siya, “Magsalita ka na. Bakit ka nag-aalinlangan?”Dahil sinabi iyon ni Kurt, agad na nagsalita si Bravo, “Sa tingin ko may kakaiba kay Mr. Lawrence, boss.” “Ano ‘yun?”“Sa tingin ko pumatay na siy
Naiwang nakanganga si Janet habang nakikinig sa usapan nila.Itinuturing ng kanyang lolo ang Skyfresh Vine bilang isang kayamanan mula pa noon, ngunit ibinibigay niya ito ngayon kay Frank nang libre? Hindi ba parang masyadong mataas ang tingin niya sa binatang ito?Gayunpaman, sa takot niyang magsalita, tumalikod siya at umalis, at nagmadali siyang kunin ang baging upang ibigay ito kay Frank.Ngumiti si Frank nang tumango siya kay Dan, nagulat siya na madali niyang makukuha ang Skyfresh Vine. “Maraming salamat, Mr. Zimmer."Sa pagtataka niya, nagtanong si Dan, “Nagtataka lang ako, Mr. Lawrence… Anong gamot ang gagawin mo gamit ang Skyfresh Vine?”Bilang isang manggagamot, alam niya ang mga katangian ng Skyfresh Vine.“Mayroong malaking peklat sa mukha ang ex-wife ko na gagamutin ko gamit ng Skyfresh Vine,” ang paliwanag ni Frank.“Teka, kaya mag-alis ng mga peklat?”“Hindi ang mismong halaman, pero magiging mabisa ito kapag ginawa itong gamot.”“Oh!” Ang namamanghang sinabi ni
Pareho silang masaya na nakakita sila ng pamilyar na mukha makalipas ang maraming taon, at agad na nagtanong si Gina, “Anong ginagawa mo dito?’“Ah, nagkasakit lang si Mr. Yates at dinala siya dito sa ospital.” Ngumiti si Greg. “Pumunta ako dito para bisitahin siya.”“Si Mr. Yates?” Nagtatakang nagtanong si Gina.“Ang chief ng commerce guild ng Riverton, si Timmy Yates,” ang sagot ni Greg.Nabigla si Gina. “Kilala mo siya? Anong koneksyon mo sa kanya?”“Parang, partners,” natawa si Greg. “Nagsimula ako ng isang pharmaceutical company dalawang taon na ang nakakaraan at yumaman ako agad, at nagsimula akong makipag-usap kay Mr. Yates kamakailan sa pag-asang magkakaroon kami ng partnership. Natural lang na bisitahin ko siya dahil may sakit siya.”“Oh!” Ang sabi ni Gina. “Ang layo na ng narating mo, naging partner mo ang isang bigatin sa loob lang ng ilang taon mula noong huli kitang nakita.”“Swinerte lang ako,” ang sagot ni Greg. “Kung ganun, anong ginagawa mo dito, Gina?”Bumunto
Ang sabi ni Greg, “Helen Lane. Siya ang may-ari ng Lane Holdings at kamakailan ay nakuha niya ang partnership ng mga Turnbull.”May napagtanto si Dan at natawa siya, “Oh, hindi mo na kailangang alalahanin ang tungkol dun—mayroon nang taong gagamot sa kanya. Hindi magtatagal ay gagaling na siya.”Kung sabagay, alam ni Dan na wala siyang kailangang gawin dahil tutulungan ni Frank si Helen. Sa katunayan, kung hindi makakatulong si Frank, baka hindi rin siya mapagaling ni Dan.“Uhh…” Marami pang gustong sabihin si Greg, ngunit ibinaba na ni Dan ang tawag.“Greg? Anong sinabi ni Mr. Zimmer?” Agad na nagtanong si Gina.“Oh…” Nag-alinlangan sandali si Greg bago niya sinabi kay Gina na, “Huwag kang mag-alala. Pumayag si Mr. Zimmer na tulungan ang anak mo, pero medyo matatagalan bago niya siya matulungan. Magiging ayos lang ang lahat, pangako ‘yan.”Masayang-masaya si Gina. “Oh, maraming salamat, Greg! Hindi ko talaga inasahan na aasa ako ulit sa’yo kapag kailangan ko ng tulong—kasing hus
Tahimik na nakaupo si Helen sa kama, nasa isang tabi ang kanyang phone na naka silent mode.Biglang umilaw ang screen nito, at agad niyang nakilala na kay Frank ang number na tumatawag dahil kabisado niya ito.Ibinaba niya ang tawag ng walang pag-aalinlangan, iniisip niya na napakapangit na niya at natatakot siya na laitin siya ni Frank. Muling tumawag ng dalawang beses si Frank pagkatapos nun, ngunit paulit-ulit niyang binabaan ng tawag si Frank bago niya ibinlock ang kanyang number. Sa sandaling iyon, dumating si Gina kasama si Greg, at agad siyang nagtanong, “Tingnan mo kung sinong nandito, Helen!”Si Helen, na malungkot pa rin, ay agad na sumimangot. “Labas.”“Ayos lang ang lahat Helen. Nandito siya para tulungan ka…”Lumapit na si Greg kay Helen bago pa matapos sa pagsasalita si Gina, at lihim siyang humanga sa magandang mukha ni Helen. Hindi niya inakala na nagtataglay ng natural na kagandahan ang anak ni Gina… Nakakapanghinayang na sinira ito ng isang malaking peklat,
Umalis si Frank sa Verdant Hotel, at nagtungo siya sa silangan papunta sa isang restaurant.Isa itong magandang lugar na walang gaanong tao, at mas gusto niya ang ganitong tahimik na lugar.Inorder niya ang ilan sa specialty ng restaurant at masaya siyang kumakain noong narinig niya ang isang komosyon.Lumingon si Frank at nakita niya si Gina na kasama ang isang lalaki na ngayon lang niya nakita.Tumingin si Gina sa paligid, at tumango siya. “Napakagaling mong pumili, Greg. Ang ganda ng lugar na ‘to.”“Haha,” natawa si Greg. “Dating tindero sa labas ng eskwelahan natin ang may-ari nito, at mayaman na siya ngayon. Magugustuhan mo dito.”Naging emosyonal si Gina. “Oo… Talagang ibinalik mo ako sa mga panahon na high school pa tayo, ngayong nabanggit mo ang tungkol dito.”“Tara, umupo tayo malapit sa bintana. Maganda ang tanawin dito,” ang sabi ni Greg habang naglalakad siya papunta sa mesa na katabi ng kay Frank, at hinila niya ang isang bangko ng parang isang maginoo para kay Gina
Tumingin ng masama si Frank kay Greg. “Sino ka ba sa akala mo, para sabihin sa’kin na umGina snorted pompously. "Don't think yougMayabang na suminghal si Gina. “Huwag mong isipin na pwede mo nang gawin ang anumang gusto mo dahil lang ikaw ang lalaki ni Vicky Turnbull! Si Greg ang business partner ni Timmy Yates—maging. si Vicky Turnbull ay kakailanganin siyang igalang!” “Wala ‘yun.” ang sabi ni Greg sa kanya bago siya muling tumingin kay Frank. “Ayaw kang makita ni Gina, kaya umalis ka na, kung hindi ako mismo ang magpapalayas sa'yo.”Ngumiti si Frank at tumingin siya sa dalawa. “Kung ganun sa kabila ng lahat ng ‘yun, ang matandang ‘to ay ang bago mong boyfriend? Huwag mong pilitin ang sarili mo kung napakatanda mo na ngayon, tanda. Dapat manatili ka na sa bahay at ipahinga mo ang likod mo.”“Ikaw ang may gusto nito, bata!” Hindi inasahan ni Greg na ganoon kayabang si Frank at sinuntok niya ng kanyang kamao ang mukha ni Frank.Isa siyang atleta sa paaralan noong high school pa,