Nakaupo si Frank sa loob ng tearoom, umiinom siya ng tsaa at iniisip kung kailan babalik si Dan. Di kalaunan, lumabas siya at nakita niya na abala ang lahat ng mga nurse sa iba't ibang mga silid. Noong sandaling iyon, umalingawngaw ang mga sigaw sa may pasilyo. Pinuntahan ito ni Frank at nakita niya na dinuduro ng isang malaking lalaki si Janet habang nagsasalita siya, “Alam mo ba kung anong ginagawa mo?! Kapag may nangyari sa boss ko, susunugin ko ang lugar na ‘to!” Pinupunasan ni Janet ang pawis sa kanyang mga kilay habang nagsasalita siya, “Huminahon ka. Sinusubukan ko siyang tulungan.”Tumingin si Frank sa pasyente sa may kama, na nangingitim na ang mukha at malinaw na nasa bingit ng kamatayan. Sa sandaling iyon, sinabi ni Janet sa nurse sa tabi niya na, “Lindsay, kumuha ka ng isang vigor pill mula sa pharmacy.”Tumango ng paulit-ulit ang nurse sa mga sinabi ni Janet, ngunit sumimangot si Frank at ginulo niya sila. “Hindi ‘yun gagana. Hindi ang kalusugan ng pasyente ang
Ayaw na ayaw talaga ni Frank sa mga taong walang alam na patuloy na nagsasalita habang sinusubukan niyang iligtas ang buhay ng isang tao. Hindi ito nakakatulong sa kalmadong isipan nq kailangan ng isang manggagamot. Sasagot sana ang malaking lalaki, ngunit napahinto siya sa malamig na tingin ni Frank, at kinilabutan siya. Agad din niyang pinigilan ang mga salitang nasa dulo ng kanyang dila, kahit na isa siyang beteranong miyembro ng nangungunang gang sa East City. May pakiramdam lang siya na hindi nagbibiro si Frank—kapag nagsalita pa siya, talagang papatayin siya ni Frank. Samantala, dahil tumigil sa pagsasalita ang malaking lalaki, tumalikod si Frank at inilabas niya ang mga karayom na ibinigay sa kanya. Itinusok niya ang unang karayom sa gitna ng tuktok ng ulo ng pasyente bago niya itinusok ang higit sa dalawampung karayom sa buong katawan ng pasyente, dahilan para magmukha siyang parang isang porcupine. Pagkatapos, idiniin ni Frank ang buong palad niya sa pusod ng lal
Naiilang na ngumiti si Kurt at dahan-dahang bumangon. “Salamat ulit sa pagliligtas mo sa'kin, Mr. Lawrence. May kailangan pa akong asikasuhin, kaya mauuna na akong umalis—tsaka, kung sakali man na pumunta ka at si Ms. Zimmer sa mga establisyemento ko, sagot ko na ang lahat.”Pagkatapos, humarap siya sa malaking lalaki sa tabi niya, at sinabing, “Bravo. Bayaran mo ng doble ang Flora Hall para sa anumang serbisyong binigay nila sa’tin.”“Masusunod, Mr. Stinson,” ang agad na sagot ni Bravo. Gusto sanang tumanggi ni Janet, ngunit hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon dahil nagbayad sila ng pera. Pagkatapos nito, umalis si Kurt kasama si Bravo. Pagsakay nila sa kotse nila, tinititigan ni Bravo si Kurt, at mukhang nag-aalinlangan siyang magsalita. Nang makita iyon ni Kurt, nagtanong siya, “Magsalita ka na. Bakit ka nag-aalinlangan?”Dahil sinabi iyon ni Kurt, agad na nagsalita si Bravo, “Sa tingin ko may kakaiba kay Mr. Lawrence, boss.” “Ano ‘yun?”“Sa tingin ko pumatay na siy
Naiwang nakanganga si Janet habang nakikinig sa usapan nila.Itinuturing ng kanyang lolo ang Skyfresh Vine bilang isang kayamanan mula pa noon, ngunit ibinibigay niya ito ngayon kay Frank nang libre? Hindi ba parang masyadong mataas ang tingin niya sa binatang ito?Gayunpaman, sa takot niyang magsalita, tumalikod siya at umalis, at nagmadali siyang kunin ang baging upang ibigay ito kay Frank.Ngumiti si Frank nang tumango siya kay Dan, nagulat siya na madali niyang makukuha ang Skyfresh Vine. “Maraming salamat, Mr. Zimmer."Sa pagtataka niya, nagtanong si Dan, “Nagtataka lang ako, Mr. Lawrence… Anong gamot ang gagawin mo gamit ang Skyfresh Vine?”Bilang isang manggagamot, alam niya ang mga katangian ng Skyfresh Vine.“Mayroong malaking peklat sa mukha ang ex-wife ko na gagamutin ko gamit ng Skyfresh Vine,” ang paliwanag ni Frank.“Teka, kaya mag-alis ng mga peklat?”“Hindi ang mismong halaman, pero magiging mabisa ito kapag ginawa itong gamot.”“Oh!” Ang namamanghang sinabi ni
Pareho silang masaya na nakakita sila ng pamilyar na mukha makalipas ang maraming taon, at agad na nagtanong si Gina, “Anong ginagawa mo dito?’“Ah, nagkasakit lang si Mr. Yates at dinala siya dito sa ospital.” Ngumiti si Greg. “Pumunta ako dito para bisitahin siya.”“Si Mr. Yates?” Nagtatakang nagtanong si Gina.“Ang chief ng commerce guild ng Riverton, si Timmy Yates,” ang sagot ni Greg.Nabigla si Gina. “Kilala mo siya? Anong koneksyon mo sa kanya?”“Parang, partners,” natawa si Greg. “Nagsimula ako ng isang pharmaceutical company dalawang taon na ang nakakaraan at yumaman ako agad, at nagsimula akong makipag-usap kay Mr. Yates kamakailan sa pag-asang magkakaroon kami ng partnership. Natural lang na bisitahin ko siya dahil may sakit siya.”“Oh!” Ang sabi ni Gina. “Ang layo na ng narating mo, naging partner mo ang isang bigatin sa loob lang ng ilang taon mula noong huli kitang nakita.”“Swinerte lang ako,” ang sagot ni Greg. “Kung ganun, anong ginagawa mo dito, Gina?”Bumunto
Ang sabi ni Greg, “Helen Lane. Siya ang may-ari ng Lane Holdings at kamakailan ay nakuha niya ang partnership ng mga Turnbull.”May napagtanto si Dan at natawa siya, “Oh, hindi mo na kailangang alalahanin ang tungkol dun—mayroon nang taong gagamot sa kanya. Hindi magtatagal ay gagaling na siya.”Kung sabagay, alam ni Dan na wala siyang kailangang gawin dahil tutulungan ni Frank si Helen. Sa katunayan, kung hindi makakatulong si Frank, baka hindi rin siya mapagaling ni Dan.“Uhh…” Marami pang gustong sabihin si Greg, ngunit ibinaba na ni Dan ang tawag.“Greg? Anong sinabi ni Mr. Zimmer?” Agad na nagtanong si Gina.“Oh…” Nag-alinlangan sandali si Greg bago niya sinabi kay Gina na, “Huwag kang mag-alala. Pumayag si Mr. Zimmer na tulungan ang anak mo, pero medyo matatagalan bago niya siya matulungan. Magiging ayos lang ang lahat, pangako ‘yan.”Masayang-masaya si Gina. “Oh, maraming salamat, Greg! Hindi ko talaga inasahan na aasa ako ulit sa’yo kapag kailangan ko ng tulong—kasing hus
Tahimik na nakaupo si Helen sa kama, nasa isang tabi ang kanyang phone na naka silent mode.Biglang umilaw ang screen nito, at agad niyang nakilala na kay Frank ang number na tumatawag dahil kabisado niya ito.Ibinaba niya ang tawag ng walang pag-aalinlangan, iniisip niya na napakapangit na niya at natatakot siya na laitin siya ni Frank. Muling tumawag ng dalawang beses si Frank pagkatapos nun, ngunit paulit-ulit niyang binabaan ng tawag si Frank bago niya ibinlock ang kanyang number. Sa sandaling iyon, dumating si Gina kasama si Greg, at agad siyang nagtanong, “Tingnan mo kung sinong nandito, Helen!”Si Helen, na malungkot pa rin, ay agad na sumimangot. “Labas.”“Ayos lang ang lahat Helen. Nandito siya para tulungan ka…”Lumapit na si Greg kay Helen bago pa matapos sa pagsasalita si Gina, at lihim siyang humanga sa magandang mukha ni Helen. Hindi niya inakala na nagtataglay ng natural na kagandahan ang anak ni Gina… Nakakapanghinayang na sinira ito ng isang malaking peklat,
Umalis si Frank sa Verdant Hotel, at nagtungo siya sa silangan papunta sa isang restaurant.Isa itong magandang lugar na walang gaanong tao, at mas gusto niya ang ganitong tahimik na lugar.Inorder niya ang ilan sa specialty ng restaurant at masaya siyang kumakain noong narinig niya ang isang komosyon.Lumingon si Frank at nakita niya si Gina na kasama ang isang lalaki na ngayon lang niya nakita.Tumingin si Gina sa paligid, at tumango siya. “Napakagaling mong pumili, Greg. Ang ganda ng lugar na ‘to.”“Haha,” natawa si Greg. “Dating tindero sa labas ng eskwelahan natin ang may-ari nito, at mayaman na siya ngayon. Magugustuhan mo dito.”Naging emosyonal si Gina. “Oo… Talagang ibinalik mo ako sa mga panahon na high school pa tayo, ngayong nabanggit mo ang tungkol dito.”“Tara, umupo tayo malapit sa bintana. Maganda ang tanawin dito,” ang sabi ni Greg habang naglalakad siya papunta sa mesa na katabi ng kay Frank, at hinila niya ang isang bangko ng parang isang maginoo para kay Gina
Tumalon si Peter palabas ng kotse sa sandaling iyon nang sumisigaw habang tumakbo siya papunta sa isang abandonadong pabrika. “Mr. Jameson! Mr. Jameson! Nadala ko na si Frank Lawrence—sabihan mo ang mga tao mong patayin siya!”"Hehe…"Isang lalaking nasa animnapung taong gulang ang lumabas mula sa pabrika kagat ang isang tabako sa bibig niya at nakasuot ng isang pinstripe suit. Kaagad siyang nakilala ni Frank—si Larry Jameson ito. Kausap niya si Helen noon sa Zamri lease bid, at kasama niya si Juno noon. Naalala rin ni Frank na sinabi ni Helen na isa siya sa Three Bears ng Zamri. At ngayon, bumuga ng usok si Larry habang pinanood niyang bumaba si Frank, nang tumatawa. “Ikaw alam si Frank Lawrence, ang asawa ni Helen Lane?”“Tama ka.” Naglakad si Frank at tumayo sa harap ni Larry habang umiiling kay Peter na mabilis na nagtago sa likod ni Larry. “Akala ko inayos mo na ang sarili mo pagkatapos mong umalis sa Riverton, pero lumalabas na nakakadiri ka pa rin pala.”“Nakakadiri? D
Sumigaw si Frank, “Nasaan ang kapatid mo, Peter Lane?!”Nang napatalon at muntik mabitawan ang phone niya, sumama ang ekspresyon ni Peter nang nakita niyang si Frank iyon. “Malay ko! Wag mo kong tanungin!” Naiinis na sigaw ni Peter at bumalik siya sa laro niya. Nainis si Frank habang nanood siya, lalo na't dahil nakapatong ang paa niya sa mesa ni Helen. Nag-iwan ng marka ang mga sapatos niya sa dokumento sa ibaba nito. "Mr. Lawrence?" Pumasok si Lily sa sandaling iyon at napansin niya si Frank. Siya ang sekretarya ni Helen na lumipat mula sa Lane Holdings ng Riverton, at hinila niya si Frank sa tabi habang bumulong siya, “Nawala ang phone ni Ms. Lane kagabi, at hindi namin ito mahanap magdamag. Kakaalis niya lang papunta sa ospital para bisitahin ang nanay niya, at sinabihan niya akong ipaalam ito sa'yo pag bumalik ka nang wala siya.”Nakinig si Frank, ngunit napansin niyang nakasilip si Peter sa kanya. Nang lumingon siya kay Peter, bumalik si Peter sa phone niya at dumal
Pagod si Frank nang umalis siya sa cafe at nagpasyang tatanggihan na niya si Helen kapag may iba pa siyang ganitong pakiusap sa hinaharap. Kahit na ganun, tinitigan niya ang itim na Maserati convertible na nakaparada sa labas habang umalingawngaw ang mga salita ni Juno sa isipan niya: “Walang maitutulong sa'yo kung magiging kalaban mo ako. Tanggapin mo ko nang parang isang mabuting bata, at ibibigay ko sa'yo ang impormasyon sa Draconia na gusto mo. Tanggapin mo ang impormasyong ito bilang pagpapakita ng sinseridad ko—mayroong hindi tapos na construction project na nasa labasan ng Zamri. Gayunpaman, pwede mong sabihin si Ms. Lane na kunin ito, dahil babawiin ito ng gobyerno para gibain sa susunod na ilang araw. Sa mga panahong iyon, lalaki nang sampung beses ang halaga nito!”Saan mo nakuha ang impormasyong iyan?” Tanong ni Frank. Misteryosong ngumiti si Juno sa kanya. “Sikreto yan, maliban na lang kung umoo ka…”Dahil dito, pagkaalis niya sa cafe kinuha ni Frank ang phone niya
Sinara niya ang laptop at tinitigan nang masama ni Frank si Clarity. “Ano ba talagang gusto mo?!”“Wala. Gusto kita, yun lang!” Ngumiti si Clarity at mas lalong nainis si Frank. "Hmph." Hindi siya pinansin ni Frank at tumalikod para umalis. “Hoy, teka!”Hinablot ni Clarity ang braso niya at mapagpaumanhing ngumiti. “Kalma ka lang. Hindi mo ba gustong malaman kung sino ako, Donn Lawrence?”“Ano?!” Lumingon si Frank. “Alam mo ang pangalan ko?! Magsalita ka! Sino ka?!”“Ano…”Misteryosong umiling si Clarity. “Isa akong palaboy kagaya mo.”Pinagana ni Frank ang Five-Peat Archaeus niya sa sandaling iyon at handang umatake—dahil tumanggi siyang magtino nang nagpakabait siya, kailangan niya lang magpakatatag!Pero kahit na umatras si Clarity, makarisma siyang nakangiti. “Oh, kalma ka lang! Gaano ba kaiksi ang pasensya mo? Pwes, dahil gusto mo talagang malaman, siguro pwede kong sabihin sa'yo… Marami akong pangalan, kaya alin ang dapat kong sabihin sa'yo? Oh, tama.”Bigla na lang
Gayunpaman, narinig ni Helen ang malanding boses ni Clarity sa kabilang linya at sumigaw siya, “Ano?! Anong ginagawa mo diyan, Frank?”“Sandali, ikaw yun?!”Napangiwi si Frank nang naalala niya—kaya pala pamilyar si Clarity sa kanya. Siya ang kasama ng isa sa mga importanteng taong dumalo sa bid event sa Zamri!Inimbitahan niya siya sa masquerade ball, pero hindi niya ito inisip dahil hindi siya interesado. At ngayon, nagpakita talaga siya rito sa Morhen…“Ano bang gusto mo?” sigaw niya nang nakatitig nang masama kay Clarity habang nasalo niya ang paa niya. Napabulalas si Clarity. “Oh, nasasaktan ako… Hindi naman sa ayaw ko, pero talaga bang gagawin natin to sa harapan ng napakaraming tao?”Habang tumuro siya, lumingon si Frank para makita ang ibang panauhing dumating sa cafe at nakatitig sa kanila. Mukha talagang naglalandian sila habang hawak ni Frank ang binti niya. “Tsk, tsk… Mga baboy talaga ang mga lalaki ngayon…”“Hala, sa pampublikong lugar pa talaga? Napakabastos
Nakadagdag lang sa karisma ni Clarity ang nunal sa ilalim ng mata niya. Ang totoo, maraming lalaki ang hindi makakatiis sa kanya. “Anong problema, Frank?” Para bang naramdaman ni Helen na may mali sa screen at bahagyang kumunot ang noo niya. “Wala lang.” Umiling si Frank nang nag-aalangang bumitaw kundi ay tiyak na magseselos at magkakamali ng akala si Helen. Ngunit sa kanila ng kaba niya, hindi siya sasayaw sa tono ni Clarity. Naintindihan niyang habang mas maganda ang babae, mas lalo silang mapanganib. Kagaya nito, tiyak na may binabalak siya kapag mukha siyang intresado sa isang tao. At nilinaw ng pagpunta sa kanya ni Clarity nang dalawang beses na hindi ito nagkataon lang, at may binabalak siya. Samantala, binuksan ni Helen ang presentation file sa kabilang linya at pinakilala ang proyekto nang may propesyonal na script. “Ms. Clarity, gumuhit kami ng mga plano at blueprint para sa resort na hinihiling mo. Tignan niyo…”Inabot nang mas mababa sa sampung minuto ang u
Umubo si Helen at nagsabing, “Ipapadala ko sa'yo ang address. Pwede ka nang pumunta roon. Tandaan mo, pipirma ka ng kontrata, pero pagkatapos lang ng video conference. Naiintindihan mo?”“Oo,” tango ni Frank, pagkatapos ay lumingon sa mapayapang mansyon at bumuntong-hininga. Lumabas na bumiyahe siya nang ganito kalayo para ang sa tsaa…Kahit na ganun, hindi siya nagpaligoy-ligoy at nagmaneho papunta sa address na binigay sa kanya ni Helen sakay ng Maybach niya. Nang pumasok siya sa itinakdang café kalahating oras ang nakalipas, nakita niya ang isang pamilya na mukha roon at nagulat siya. “Ikaw yung nasa Waver Street…”Si Clarity nga iyon. Nakasuot siya ng hapit na itim na palda at blouse na may mababang kwelyo at eleganteng umiinom ng kape niya. Ngumiti ang mga pulang labi niya nang nakita niya si Frank, tapos dinilaan niya ang mga daliri niya habang makarisma siyang nagsabi, “Nagulat akong ang aga nating nagkita, pogi.”Hindi napaatras si Frank, kundi nagulat lang siya. Tu
Sumuko na sa wakas si Frank sa pagtataka niya at kumunot ang noo niya. “Tinawag mo ko rito para lang uminom ng tsaa?!”Inisip niyang maigi ang tatay niya sa biyahe papunta rito, ang nagsusumamong mga mata niya at ang pagsasabi niyang nabibilang na ang mga araw niya…“Ano, may problema ba?”Ngumiti si Godwin pagkatapos uminom ng tsaa niya. “Magaling magtimpla ng tsaa si Silverbell. Pwede mo siyang utusang magtimpla nito para sa'yo mula ngayon.”“Bahala ka sa buhay mo!” Suminghal si Frank at tumalikod para umalis. Inisip niyang kahit papaano ay ipapaliwanag ng tatay niya ang sarili niya, ngunit trinato na naman siya nitong parang bata kagaya ng kadalasan niyang ginagawa, at walang sinabi. Nanood si Silverbell habang umalis siya at nag-aalalang tumingin kay Godwin, “Ayos lang ba talaga to?”“Ano namang hindi ayos dito?”Ngumiti si Godwin at uminom ulit ng tsaa. “Wag kang mag-alala—iniwan ko na ang lahat ng dapat kong iwan sa kanya, at kagaya ng sabi nila, masaya ang walang nalal
Mag-isang umalis si Frank sa Turnbull Estate sa sumunod na araw. Wala siyang sinabihan kung saan siya pupunta habang mag-isa siyang nagmaneho sa labasan ng Morhen. Maliit lang ang mansyon pero nakatayo ito sa gitna ng maliit na gubat—isang tahimik at malinis na lugar malayo sa maingay na siyudad. Kumalma ang puso ni Frank makita niya lang ito, at umapak siya siya sa front door. Naamoy niya ang bango ng tsaang nagmumula sa drawing room. Isang sinauna at pamilyar na boses ang nagmula sa pinto niya. “Ah, nandito ka.”“Oo,” sagot ni Frank habang pumasok siya para makita ang ama niya, ang Lord of Southern Woods, na nakaupo nang maayos. Mayroon siyang antigong tasa sa tabi ng mga daliri niya at naamoy ni Frank ang bango nito kanina. “Maupo ka.” Isang magandang anino ang lumitaw mula sa kung saan dala ang isa pang tasa ng tsaa at magalang itong nilapag sa kabilang dulo kung saan nakaupo si Godwin Lawrence. Lumingon si Frank para makitang siya ay walang iba kundi si Silverbell,