Nagulat si Frank—sa umpisa, simple lang ang tono ni Lily, pero para bang tinaas ng tugtugin ang boses niya na hinayaang bumalot ang kanta niya sa tao.Nanahimik din ang basement bar sa perfomance niya. Naiwang nakatulala ang mga lalaki at babae sa dalagang nakasuot ng disenteng damit, na ang boses ay hindi magpapatalo sa mga sikat na mang-aawit. Kahit ang isang taong walang alam sa musika na kagaya ni Frank ay nalamang magaling siyang kumanta. Pagkatapos, nang sinabayan siya ni Kat sa chorus, para bang umalingawngaw ang boss nila sa buong bar. Nanahimik at nasabik ang mga manonood mula rito. Bumuntong-hininga si Tilda, ang dalaga sa tabi ni Frank. Tumango si Frank nang hindi niya namamalayan. Sa kabilang banda, nakatitig si Mandy sa mga dalaga nang puno ng inggit. -Nang natapos si Lily sa huling kanya, natulala ang manonood nang isang segundo bago pumalakpak nang malakas. Maging si Willy ay napatayo sa front row at walang humpay na nagbigay ng papuri, “Ang galing! Tala
Ramdam na ramdam ni Kat na siya ang habol ni Soren sa request niya para sa isang love ballad at talagang nainis siya rito. Sumama ang mukha ni Eder, ang may-ari ng bar. “Ano, tatanggihan mo ba ang request ng customer? Sinusubukan mo bang sirain ang reputasyon ng bar ko?”“Hindi, hindi, syempre hindi.” Mabilis na mapagpaumanhing ngumiti si Lily. “Kakanta kami.”Habang nagsalita siya, lumingon siya kay Kat nang may nagmamakaawang tingin. “Pakiusap…”Kumunot ang noo ni Kat sa inis ngunit bumuntong-hininga siya. “Sige. Bahala na.”“Sandali!” sumigaw ang matabang lalaki habang tumayo siya. “Dalawandaang libo para sa My Heart Will Go On!”“Dalawandaang libo?!” Nagulat ang lahat ng tao sa bar. Hindi makatotohanan ang ganitong halaga ng pera para sa isang request!“Hah!” Mayabang na tumingin sa paligid ang matabang lalaki na hawak pa rin ang magandang kasama niya. “Sino pang gustong mag-bid?”“Limandaang libo,” tumayo ulit si Soren habang nagtaas siya, sabay tinignan ang matabang la
Kinakabahan rin si Tilda, ang babaeng nakaupo sa tabi ni Frank. Pagkatapos ay lumingon siya kay Soren nang nagmamakaawa, “Wala ka bang pwedeng gawin, Soren?! Kailangan nating tulungan si Kat!”Gayunpaman, napakamot lang ng ulo si Soren. Sinundan niya ang titig ni Frank at napansin niyang ang lalaki sa front row ay ang pangalawang anak na lalaki ni Emilio Sorano na si Willy Sorano. Isa sila sa Four Families ng Morhen, at tiyak na hindi sila kayang banggain ni Soren. Kahit na isa siyang Lionheart, malayong kamag-anak lang siya—malayong-malayo kay Willy, na nagmula sa direktang lahi nila. Higit pa roon, ginastos na niya ang lahat ng pocket money niyang limang daang libo. Dahil dito, sumimangot si Soren at nagpaliwanag nang pabulong, “Di niya ba nakikita? Si Willy Sorano yan! Kapag nagalit siya…”Hindi niya tinapos ang sinabi niya, pero naintindihan ito ng iba—hindi kayang kalabanin ni Soren si Willy. “Hahayaan na lang ba natin siyang pahiyain sila Kat?!” Kontra ni Tilda n
Natural na karamihan sa The Spades ay takot sa impluwensya ng mga Sorano.Karamihan sa mga pamilya nila ay pangkaraniwan lang—o mahihirap—at wala silang kalaban-laban sa mga Sorano. Wala silang magawa kundi sumuko sa nakangising si Willy. “Kat…” Naiilang na tumingin kay Kat si Rosa, ang keyboardist nila. “Ano…” Nagulat si Kat nang napagtanto niyang nakatingin sa kanya ang mga miyembro ng banda niya nang hindi natutuwa. “Hindi lahat ay nabubuhay ng komportable kagaya mo.”“Oo. Gusto rin naming magkaroon ng pamumuhay para sa pamilya namin at matupad ang mga pangaral namin…”Nanahimik si Kat nang nakita niya ang mga nagsisising ekspresyon sa mga mukha nila, at sa huli ay ngumiti siya at umiling. “Heh… Kung ganun, rerespetuhin ko ang desisyon niyo.”Nagsimula siyang umalis, ngunit hinablot siya ng nanggagalaiting si Eder. “Saan ka naman pupunta?”“Maghihiwalay na ang banda, at uuwi na ako,” malamig na sagot ni Kat. Suminghal naman si Eder. “Sa tingin mo pwede mong gawin ang
Gayunpaman, sa sandaling nagsimulang magmakaawa si Lily kay Eder, sumagot si Kat, “Tigilan mo na yan, Lily. Hindi ako kakanta para sa mga basurang kagaya nila.”“Pero…” Kinakabahang nanood si Lily habang pinalibutan ng mga bodyguard si Kat. “Hahaha! Magaling, magaling!” Tumawa si Willy. “Talagang nagustuhan kita ngayon, iha—matapang ka! Kunin niyo siya at dalhin sa kama ko. Babasagin ko ang mabangis na kuting na'to mamaya.”Nang makitang napakawalanghiya ni Willy at hindi man lang siya nagtangkang magpanggap, napuno na sa wakas si Frank at tumayo kahit na napalingon si Soren sa pagtataka. “Magtitip ako ng sampung milyon,” kalmado niyang sabi, na nagpagulat sa buong bar. “S-Sampung milyon?!”“Yan ang tunay na mayaman! Sampung milyon… Kahit ang isang A-list ay hindi nakakakuha ng ganitong karangalan!”Lahat sila, kabilang na si Willy, ay napalingon kay Frank. Tiyak na nagalit si Willy at nilingon niya ang mukha ng taong bumastos sa kanya… pero napansin niya ring masyadong pam
Kung talagang pinakanta ni Eder ang The Spades ng Bitch kay Willy at nagalit siya, sisisihin rin siya ni Willy…“Ano? Ikaw ang nagsabing palaging tama ang customer, di ba?” Bahagyang ngumiti si Frank, na bumalik sa upuan niya at dumekwatro nang may maliit na ngiti. “Ano, masyado bang mababa ang tip na'to para sa'yo?”“Oh—hindi, syempre hindi, sir.” Pinunasan ni Eder ang pawis sa noo niya nang medyo naiilang. Kahit na ganun, pinagngitngit niya ang ngipin niya at tinibayan ang sarili niya habang tinitigan ang gintong card sa pagitan ng mga daliri ni Frank. Sampung milyon, at lahat ng tip sa banda ay hahatiin sa dalawa sa pagitan ng bar at ng banda! Ibig sabihin nito ay makakakuha siya ng limang milyong—madadanyosan ang bar sa kahit anong ikalulugi nito!Ang mangangahas ang mananalo… Higit pa roon, wala siyang karapatang mangialam sa away ng mayayamang tao. Ang kailangan niya lang gawin ay maging kagamitan.“Narinig mo siya. Gusto niya ng isa pang kanta—kakanta ka ba o hindi?!”
Nagwala ang lahat sa alok ni Frank. “Isandaang milyon?!”“Puta, saan siya nanggaling? Nagtip siya ng isandaang milyon para lang paglaruan si Willy Sorano?!”“Ano?” Napanganga rin si Kat kay Frank mula sa stage at nagtanong nang may pagdududa, “Saan ka kukuha ng isandaang milyon, Master Lawrence?”“Wag kang mag-alala. Kumanta ka na lang,” sagot ni Frank. Umiral si Kat, pero nag-aalala pa rin siya. “Tumigil ka na lang. Sumosobra ka na.”“Ayaw ko.” Bahagyang ngumiti si Frank. “Hoy!” Sigaw ni Kat. “Kat… Sa tingin ko dapat umalis na lang tayo,” sabi ni Lily sa malapit nang sumasakit ang ulo. Gusto niya lang kumanta at sumikat, pagkatapos ay tulungan ang pamilya niya. Ang naramdaman niya lang ang ay sakit, pagkatapos masangkot sa away ng mamamayan. “Sa tingin ko wala tayong matatakasan, Lily,” sabi ni Rosa na tumuro sa isa sa 1.9 metro kataas na bodyguards na nakatayo sa malapit. Pagkatapos ay napansin ni Lily na hindi talaga pakakawalan ni Eder ang isang gintong gansang
“Hahaha…” Pumalakpak at nakaturo si Willy kay Frank habang tumawa siya nang walang katapusan. “Oh, akala ko pa naman talagang may ibubuga ka… Bobo at sinungaling ka lang!”“Oh, papatayin niya ko sa kakatawa… Limang sentimo sa account niya…”“Pero talagang ang tapang niya…”“Ibig kong sabihin, hindi ako magsisinungaling na meron akong isandaang milyon kung limang sentimo kang ang meron ako, at sa harapan pa nga ni Mr. Sorano!”Bagong mukha si Frank kaya hindi siya kilala ng mga panauhin at tumawa sila nang mabangis sa mukha niya. Gayunpaman, nakakunot ang noo ni Frank pagkatapos makita ang card na ibinato ni Eder sa kanya. Ibinato niya ito sa lapag habang kalmadong umiling. “Hindi ito ang card ko.”“Ano?” Nagtaka si Eder.Nagpatuloy lang si Soren sa pagtawa at tinapik si Frank sa balikat. “Haha! Alam kong ayaw mong mapahiya, pero wag mong isiping makakatakas ka sa ginawa mo. Kung ako sa'yo, tatakbo na ako!”“Nakalimutan mo na ba, Soren?” Suminghal si Mandy. “Sinubukan niya ri