Gayunpaman, sa sandaling nagsimulang magmakaawa si Lily kay Eder, sumagot si Kat, “Tigilan mo na yan, Lily. Hindi ako kakanta para sa mga basurang kagaya nila.”“Pero…” Kinakabahang nanood si Lily habang pinalibutan ng mga bodyguard si Kat. “Hahaha! Magaling, magaling!” Tumawa si Willy. “Talagang nagustuhan kita ngayon, iha—matapang ka! Kunin niyo siya at dalhin sa kama ko. Babasagin ko ang mabangis na kuting na'to mamaya.”Nang makitang napakawalanghiya ni Willy at hindi man lang siya nagtangkang magpanggap, napuno na sa wakas si Frank at tumayo kahit na napalingon si Soren sa pagtataka. “Magtitip ako ng sampung milyon,” kalmado niyang sabi, na nagpagulat sa buong bar. “S-Sampung milyon?!”“Yan ang tunay na mayaman! Sampung milyon… Kahit ang isang A-list ay hindi nakakakuha ng ganitong karangalan!”Lahat sila, kabilang na si Willy, ay napalingon kay Frank. Tiyak na nagalit si Willy at nilingon niya ang mukha ng taong bumastos sa kanya… pero napansin niya ring masyadong pam
Kung talagang pinakanta ni Eder ang The Spades ng Bitch kay Willy at nagalit siya, sisisihin rin siya ni Willy…“Ano? Ikaw ang nagsabing palaging tama ang customer, di ba?” Bahagyang ngumiti si Frank, na bumalik sa upuan niya at dumekwatro nang may maliit na ngiti. “Ano, masyado bang mababa ang tip na'to para sa'yo?”“Oh—hindi, syempre hindi, sir.” Pinunasan ni Eder ang pawis sa noo niya nang medyo naiilang. Kahit na ganun, pinagngitngit niya ang ngipin niya at tinibayan ang sarili niya habang tinitigan ang gintong card sa pagitan ng mga daliri ni Frank. Sampung milyon, at lahat ng tip sa banda ay hahatiin sa dalawa sa pagitan ng bar at ng banda! Ibig sabihin nito ay makakakuha siya ng limang milyong—madadanyosan ang bar sa kahit anong ikalulugi nito!Ang mangangahas ang mananalo… Higit pa roon, wala siyang karapatang mangialam sa away ng mayayamang tao. Ang kailangan niya lang gawin ay maging kagamitan.“Narinig mo siya. Gusto niya ng isa pang kanta—kakanta ka ba o hindi?!”
Nagwala ang lahat sa alok ni Frank. “Isandaang milyon?!”“Puta, saan siya nanggaling? Nagtip siya ng isandaang milyon para lang paglaruan si Willy Sorano?!”“Ano?” Napanganga rin si Kat kay Frank mula sa stage at nagtanong nang may pagdududa, “Saan ka kukuha ng isandaang milyon, Master Lawrence?”“Wag kang mag-alala. Kumanta ka na lang,” sagot ni Frank. Umiral si Kat, pero nag-aalala pa rin siya. “Tumigil ka na lang. Sumosobra ka na.”“Ayaw ko.” Bahagyang ngumiti si Frank. “Hoy!” Sigaw ni Kat. “Kat… Sa tingin ko dapat umalis na lang tayo,” sabi ni Lily sa malapit nang sumasakit ang ulo. Gusto niya lang kumanta at sumikat, pagkatapos ay tulungan ang pamilya niya. Ang naramdaman niya lang ang ay sakit, pagkatapos masangkot sa away ng mamamayan. “Sa tingin ko wala tayong matatakasan, Lily,” sabi ni Rosa na tumuro sa isa sa 1.9 metro kataas na bodyguards na nakatayo sa malapit. Pagkatapos ay napansin ni Lily na hindi talaga pakakawalan ni Eder ang isang gintong gansang
“Hahaha…” Pumalakpak at nakaturo si Willy kay Frank habang tumawa siya nang walang katapusan. “Oh, akala ko pa naman talagang may ibubuga ka… Bobo at sinungaling ka lang!”“Oh, papatayin niya ko sa kakatawa… Limang sentimo sa account niya…”“Pero talagang ang tapang niya…”“Ibig kong sabihin, hindi ako magsisinungaling na meron akong isandaang milyon kung limang sentimo kang ang meron ako, at sa harapan pa nga ni Mr. Sorano!”Bagong mukha si Frank kaya hindi siya kilala ng mga panauhin at tumawa sila nang mabangis sa mukha niya. Gayunpaman, nakakunot ang noo ni Frank pagkatapos makita ang card na ibinato ni Eder sa kanya. Ibinato niya ito sa lapag habang kalmadong umiling. “Hindi ito ang card ko.”“Ano?” Nagtaka si Eder.Nagpatuloy lang si Soren sa pagtawa at tinapik si Frank sa balikat. “Haha! Alam kong ayaw mong mapahiya, pero wag mong isiping makakatakas ka sa ginawa mo. Kung ako sa'yo, tatakbo na ako!”“Nakalimutan mo na ba, Soren?” Suminghal si Mandy. “Sinubukan niya ri
Sumigla na naman ang bar pagkaalis ni Willy. “Puta, talagang napauwi ng kuyang yun si Willy Soriano! Wag na nating maliitin si Frank Lawrence ngayon!”“Baka may relasyon siya sa mga Lawrence, ang isa sa Four Families ng Morhen?”“Baka nga!”“Bwisit, tapos ang lakas pa ng tawa ko… Hindi naman siguro siya magtatanim ng galit, ano?!”Habang sabay-sabay na nag-usap ang lahat, magalang na lumapit si Eder kay Frank at naiilang at nambobolang ngumiti. “Sir, natanggap na namin ang bayad niyo… Ipapaalam ko sa bangko na ibalik ang natitirang 900 million sa account niyo.” “Mabuti.” Tumango si Frank at wala nang sinabi.Sa tabi nila, walang masabi si Soren habang nagpakumbaba si Eder kay Frank. Pinagpawisan ang noo niya habang kumabog ang dibdib niya. Bigla niyang naalala ang nabasa niya sa internet noon…‘Yan lang ang perang meron ka, pero barya lang yan para sa'kin.’Sa huli, si Soren ang payaso—ang lahat ng kayamanan ng ama niya ay walang binatbat sa barya ni Frank!Lalo na't isan
“Wag mo nang tanggihan ang pera—Wala namang pakialam si Master Lawrence sa pera na yun, di ba?” Sabi ni Kat, sabay taas ng kilay kay Frank. Sa gulat niya, umiling si Frank sa kanya. “Hindi, may pakialam ako.”“Ano?!” Nanlaki ang mga mata ni Kat. “Bakit ang damot mo! May isang bilyon ka sa account mo, tapos babawiin mo ang pera namin?!”“Hindi, hindi sila,” sabi ni Frank, sabay lumingon sa iba pang miyembro ng The Spaces bago bumalik kay Kat. “Yung sa'yo lang ang gusto ko.”“Ano?!” Galit na sigaw ni Kat. “Hindi patas yun! Pangit ba ang pagkakakanta ko? Hindi ko ba ginalingan?”"Urgh…"Hinimas ni Frank ang sentido niya at umiling. “Pag-isipan mo. Anong iisipin ng tatay mo kung bigla siyang nakahanap ng sampung milyon sa account mo?”Bago sila umalis sa cottage ni Kat, nakikita na ni Frank na nag-aalala si Nash Yego na baka kumilos si Frank sa anak niya. Wala talagang ganitong intensyon si Frank, pero magiging tanong pa rin kung bakit biglang lumitaw ang sampung milyon sa accoun
Natulala ang The Spades na hindi makapaniwala nang sinabi sa kanila ni Frank na nagmamay-ari siya ng isang showbiz company—at ang Lycoris Entertainment pa nga!Kahit ang mga estudyanteng kagaya nila ay narinig na ang tungkol dito dahil sikat ito sa buong East Coast, at hindi nila inasahang makakasali sila sa ganito kalaking kumpanya!Kahit na ganun, napalitan ng pagdududa ang tuwa nila. Si Kat, na madalas na pranka, ay direktang sumigaw, “Teka lang, Master Lawrence! Hindi ba masyado namang malabo yun?! Narinig kong si Noel York mismo ay nagtatrabaho sa Lycoris!”“Hmm, tama ka tungkol diyan.” Tumango si Frank. Tatawagan ko siya at irerekomenda ko kayo sa kanya.”Pagkatapos nito, kinuha niya ang phone niya at ginawa nga ang sinabi niya, habang magkapatong ang mga braso ni Kat sa dibdib niya at nagdududang nakasinghal. “Sige, magsalita ka lang. Ikaw, magiging kaibigan ka ni Noel York?”Hindi nagtagal, isang malinaw na boses ang nagsalita mula sa kabilang linya. “Hello, Mr. Lawrence
Tumango si Frank. “Kung ganun, kasado na ang lahat.”“Sandali…” Biglang nag-aalangang sabi ni Noel. “Ano yun? May mga isyu ba kagaya ng mga Sorano?” Tinaas ni Frank ang isang kilay niya at kampanteng nagsalita, “Wag kang mag-alala. Hindi sila banta.”“Hindi, syempre hindi ako nag-aalala hangga't nasa paligid ka, Mr. Lawrence.” Tumawa si Noel. “Ang pinag-aalala ko ay malapit na silang kumuha ng entrance exams, tama?”"Oh…"Habang hindi apektado ang iba sa The Spades, nakangiwi naman si Kat—malinaw na siya ang pinakamahina pagdating sa klase sa grupo nila. -Pagkatapos pumayag ng The Spades sa isang deal sa Lycoris Entertainment, umuwi silang lahat. At nang nakabalik sina Frank at Kat sa cottage, kaagad na bumalik si Kat sa kwarto niya. Hindi niya binulabog si Frank buong gabi. Pagkatapos ng isang gabi ng kapayapaan, nagsasanay si Frank kinaumagahan nang natanggap niya ang isang tawag mula kay Ned Janko.“Abel Loggins? Bakit niya ako hinahanap?”Lumalabas na hinahanap ni