Tumango si Frank. “Kung ganun, kasado na ang lahat.”“Sandali…” Biglang nag-aalangang sabi ni Noel. “Ano yun? May mga isyu ba kagaya ng mga Sorano?” Tinaas ni Frank ang isang kilay niya at kampanteng nagsalita, “Wag kang mag-alala. Hindi sila banta.”“Hindi, syempre hindi ako nag-aalala hangga't nasa paligid ka, Mr. Lawrence.” Tumawa si Noel. “Ang pinag-aalala ko ay malapit na silang kumuha ng entrance exams, tama?”"Oh…"Habang hindi apektado ang iba sa The Spades, nakangiwi naman si Kat—malinaw na siya ang pinakamahina pagdating sa klase sa grupo nila. -Pagkatapos pumayag ng The Spades sa isang deal sa Lycoris Entertainment, umuwi silang lahat. At nang nakabalik sina Frank at Kat sa cottage, kaagad na bumalik si Kat sa kwarto niya. Hindi niya binulabog si Frank buong gabi. Pagkatapos ng isang gabi ng kapayapaan, nagsasanay si Frank kinaumagahan nang natanggap niya ang isang tawag mula kay Ned Janko.“Abel Loggins? Bakit niya ako hinahanap?”Lumalabas na hinahanap ni
“Ano?!”Naguluhan ang mga Turnbull pagkatapos ipasa ni Abel ang mensahe ni Frank. Mukhang natulala ang pangatlong kapatid ni Glen na si Zac Turnbull. “Sabi mo Lawrence ang apelyido ng mentor mo? Pero wala akong kilalang kahit na sinong manggagamot na may ganitong apelyido, lalo na ang nakatira sa Morhen…”“Kahit na ganun, kailangan nating mag-isip. Seryoso ang sakit ni Papa,” seryosong sabi ni Glen. “Magtanong-tanong ka. Alamin mo kung meron sa pamilya nating nakakakilala sa isang manggagamot na nagngangalang Lawrence… Siya nga pala, Mr. Loggins, alam mo ba kung anong buong pangalan ng mentor mo?”“Frank Lawrence,” matapat na sagot ni Abel.“Sige, magtanong-tanong ka tungkol kay Frank Lawrence—teka, Frank Lawrence?!” May napagtanto si Glen at hindi makapaniwalang tumingin kay Abel. “Isa ba siyang binatang nagmula sa Riverton?”Tumango si Abel. “Hindi ko alam kung mula siya sa Riverton… pero bata pa nga siya.”“Ano?! Si Frank Lawrence ba ang tinutukoy mo?!” Napatayo si Yonca Wel
Sabi ni Glen, “Pupuntahan ko siya. Sana makumbinsi ko siyang tulungan si Papa at sukuan si Vicky—kapag ginawa niya yun, gagantimpalaan natin siya.”Kaagad na sumabat si Yonca sa suhestiyon niya. “Wag na wag mong gawin yan! Hindi mo alam kung gaano kayabang ang batang yun. Imposibleng pasukuin siya kay Vicky! Kapag ibinaba mo ang sarili mo, hindi siya magpapasalamat—mas lalo lang siyang yayabang!”“Glen.” Tumayo rin si Zac. “Pwede akong kumuha ng mas maraming tao at dalhin siya rito nang pwersahan.”“Mag-ingat ka!” Sigaw ni Glen. Sumigaw siya nang malakas sa kapatid niya sa kabila ng edad niyang animnapu. “Sinong magtatangkang pilitin ang isang manggagamot na magtrabaho nang labag sa loob niya?! At wag kang mag-alala—handa akong gantimpalaan siya ng higit pa sa nararapat para sa kanya. Pwede ang lahat basta't mabuhay lang si Papa.”Habang hinihimas ang balbas niya at nakangiti, dagdag niya, “Hindi tayo mag-aalala na baka tanggihan niya tayo.”“Umasa lang tayo na alam ng batang yun
"Haha…"Mahina at mainit na tumawa si Glen. “Lalo na't isa kami sa Four Families ng Morhen. Hindi kami nagtitipid.”“Talaga ba? Parang di ko makita.” Ngumisi naman si Frank. “Yan si Frank Lawrence?”Isa pang grupo ang sumugod sa front gates sa sandaling iyon, at ang nangunguna sa kanila ay walang iba kundi si Zac mismo. “Sinabi ko sa inyong wag pumunta rito.” Kumunot ang noo ni Glen sa kanya, pagkatapos ay kay Frida na nasa tabi niya. “Sinabi mo sa kanya ang tungkol sa lugar na'to, ano?”“Ako…”Gustong makipagtalo ni Frida, ngunit ang mga importanteng taong kagaya nila ay hindi madaling maloko. Yumuko siya at inamin ang kasalanan niya nang tahimik. Sa kabilang banda, tumingin si Zac kay Frank. “Hah! Ito pala ang mentor na sinasabi ni Abel Loggins? Napakabata pa niya…”Habang nagdududang tumingin kay Frida, nagtanong siya, “Hindi ka naman nagsisinungaling sa'min, ano?”“Hindi.” Mahinang umiling si Frida. “Si Mr. Lawrence… ay hindi mapapantayan sa medisina.”“Hmph. Bata.”
Bago pa makatapos si Glen, tumatawa na nang malamig si Frank. “Ang galing—good cop, bad cop routine na naman? Layas,” sabi ni Frank nang nakasinghal habang kinakawayan si Glen paalis. “Nararapat lang sa tatay mo ang kamatayan niya base sa pag-asta ng mga anak niya. Wag ka nang magsayang ng laway at lumayas ka na.”Nang bumalik siya sa loob ng cottage, huminto siya at tinitigan nang masama si Glen, sabay malamig na nagdagdag, “Naalala ko—dadalo ako sa taunang hapunan ng pamilya mo. Kapag nalaman kong papakasalan ni Vicky si Titus Lionheart nang labag sa loob niya… Hmph!”Pagkatapos nito, sinara niya nang malakas ang pinto, at naiwan sina Gina at Nash na nakatayo roon. “Mr. Turnbull…” Walang nasabi si Nash. Pagkatapos maipit sa pagitan nina Glen at Frank, wala siyang magawa at hindi niya alam kung anong sasabihin dahil hindi niya kayang banggain ang kahit na sino sa kanila. Hinigpitan ni Glen ang kamao niya habang nagpapalit-palit ang ekspresyon sa mukha niya. Gayunpaman, bag
Nang nakita ni Zac si Glen na humakbang palabas ng front gates, nagmadali siya sa kanya at nagtanong, “Kumusta?”“Bakit pa? Malinaw na tumanggi ang batang yun.” Suminghal si Yonca sa tabi niya. “Yun na nga ang sinasabi ko kanina pa—mali ang ginagawa natin. Dapat sinabihan natin ang mga Lionheart na ipadala ang mga elite nila para itali siya at dalhin siya kay Mr. Turnbull. Kapag tumanggi pa rin siya, putulin na lang natin ang braso niya!”“Tumigil ka na nga!” Sinigawan siya ni Zac sa inis nang makita ang madilim na ekspresyon sa mukha ng kuya niya. Mas maganda sana ang kinahinatnan ng lahat kung hindi siya nagpumilit na pumunta!“Ano, may sinabi ba akong mali?!” Sumigaw si Yonca nang nakapamaywang. “Kailangan nating gumamit ng dahas sa puntong ito—anong iisipin ng iba sa pamilya natin kung uuwi tayo nang walang narating?!”Pak!Kahit na nakasimangot at dumura si Yonca habang dumadada siya, sa wakas ay naubos na ang pasensya ni Glen at sinampal siya nang malakas sa mukha. “Argh
Huminga nang malalim si Zac habang lumamig ang ekspresyon niya. “Dahil hindi gumana ang pakikiusap ni Glen… Mukhang kailangan ko nang gumamit ng mas mahirap na paraan!”“Tama!” Sabi ni Yonca sa tuwa. “Kung kailangan, hanapin mo kung saan siya nakatira at kumuha ka ng ilang hostage. Duda akong hindi siya susuko sa puntong iyon! Walang dahilan ang Turnbull family na magsayang ng oras sa mga kagaya niya!”Tumango si Zac at sumugod muli sa cottage ni Nash kasama ng mga tao niya. Tumayo siya sa bakuran habang sumigaw, “Frank Lawrence! Naging makatwiran ang kuya ko, pero pinalayas mo siya! Sa tingin mo ba madali kaming paikutin?! Sumama ka sa'min at tulungan mo ang tatay ko, kundi ay magpapadala ako ng tao sa Riverton para kumuha ng ilang hostages!”Narinig siya ni Frank at kaagad na nagalit. Para sa kanya, hindi pwedeng hawakan ang mga tao sa paligid niya—kapag talagang nangahas ang mga Turnbull na hawakan sina Helen at ang iba pa, hindi problema sa kanyang bunutin ang buong pamilya na
Habang naniningkit ang mga mata, sumigaw si Frank, “Bibigyan kita ng huling pagkakataon para kay Vicky. Lumayas ka sa paningin ko, o mamamatay kayong lahat dito!”Sumama ang mukha ni Zac at sumigaw siya pabalik, “Sumosobra ka na! Akala mo ba kaya mong labanan ang buong Turnbull family nang mag-isa?!”Nang makitang gusto pa rin siyang pagbantaan ni Zac, bumuntong-hininga si Frank at biglang tumingala. “Binigyan kita ng pagkakataon, pero ikaw ang naghanap nito!”Bigla na lang, naglaho siya kasabay ng isang malakas na hangin. “Ano?!” Bulalas ni Zac habang nasa ibabaw na niya si Frank bago pa niya ito mapansin. Nang nakaunat ang hintuturo niya, naningkit ang mga mata ni Frank habang mahina siyang nagsabi, “Point Break.”“Mr. Turnbull! Kaagad siyang tinulak ng Ascendant rank na Turnbull retainer. Bang!Sumabog mula sa dulo ng mga daliri ni Frank ang isang bugso ng pure vigor kasama ng mga ilusyon ng mga dragon. Ang Ascendant rank na Turnbull retainer, matapos hindi nakaiwas kaa