Huminga nang malalim si Frank at sinabihan si Trevor, “Magbid ka lang.”“Sige. 400 million!” Tinaas ni Trevor ang paddle niya ang walang pag-aalinlangan. “500 million.” Mayabang na ngumiti si Sif at pinagpatong ang mga braso niya sa dibdib niya nang para bang pinapanood sina Frank at Trevor na magmukhang tanga. “600 million!” Nanatiling walang pakialam si Trevor habang nagpatuloy siyang magbid. “One billion!” Humikab si Sif nang sumagot siya. Doon tumayo si Frank at tinitigan nang masama si Sif habang malamig siyang nagtanong, “Kung ganun, gustong-gusto mo talaga akong matalo para sa bagong yon, Ms. Lionheart?”“Syempre hindi.” Ngumisi si Sif habang ibinalik niya kay Frank ang bawat isang salita niya. “Isa tong auction—magbibid ako, at mabibili ang item. May Baras ba na walang pwedeng magbid laban sa'yo?”Mas lalong sumama ang mukha ni Frank na suminghal habang lumingon kay Jenny at sumigaw, “Two billion!”Pagkatapos, lumingon siya kay Sif at tahimik na umangil. “Makukuha k
Nanahimik ang lahat sa paligid ni Sif nang dahil sa sigaw niya—siya pa rin ang heiress ng mga Lionheart, at walang maglalakas-loob na hamunin siya. “Maghintay ka lang!” Suminghal si Sif at tinitigan nang masama si Frank. Tumingin lang si Frank sa kanya nang parang wala siyang ginawa na lalong nagpainis sa kanya. -Hindi nagtagal, dinala sa stage ang susunod na auction item—isang emerald pearl. “Nakuha ito ng tatay ko mula sa South Sea, at pagkatapos ng mahabang pagsusuri ay nalaman naming isa itong milagrosong hiyas na nagpapahaba ng buhay,” sabi ni Jenny. May bakas ng pait na lumitaw sa mukha niya habang nawala niyang namatay ang tatay niya sa biglaang natural na dahilan—humaba nga ang buhay niya. Habang umiling, pinakalma ni Jenny ang sarili niya at nagsabing, “Magsisimula sa 20 million ang bidding, at ang bawat isang pagtaas ay naka-set sa 2 million. Magsisimula na ngayon ang bidding!”Malamig na tumawa si Sif nang natapos si Jenny. “Sandali, ang perlas na yun? Hindi n
Ngumisi si Frank. “Ms. Lionheart, hindi ba masyado ka namang kampante? At saka, payo lang—tignan mong maigi ang hawak mo. Talaga bang may isandaang taong halaga ng medicinal value yan?”“Ano?” Nabigla si Sif ngunit di niya tinignan ang Hyperion Root niya habang sumagot siya, “Ito ang Hyperion Root—hindi ako nagkakamali. Magkakabuhol ang mga ugat nito, kulay dilaw na parang kristal at may sariwang amoy. Paanong hindi to naging isandaang taon?”“Hindi tama yan.” Umiling si Frank at ngumiti. “Ms. Lionheart, ang Hyperion Root ay tinutubuan ng isang tertiary root sa bawat sampung taon, kaya bakit di mo simulang bilangin kung ito ang tamang bilang?”Sa wakas ay nagkaroon ng pagdududa si Sif dahil sa mga sinabi ni Frank—kung tama ang alaala niya, dapat sampu ito. “Isa, dalawa, tatlo…” Nagsimula siyang magbilang, at bumagsak ang mukha niya nang huminto siya sa siyam. Nagbilang siya nang paulit-ulit, ngunit siyam lang ang tertiary roots ng Hyperion Root. At siguradong-sigurado siyang wal
Hindi, hindi lang siya napaglaruan—walang refund para sa kahit anong items na binebenta sa auction at walang responsibilidad ang mga auctioneer para rito. Ang halaga at kagustuhan para magbid sa bawat isang item ay nakasalalay sa kaalaman ng bawat bidder. Walang ibang masisisi kung nagkulang sila sa kaalaman. Natural na pwedeng banggitin ni Sif ang apelyido niya. Pero kahit na pwede nitong mapakiusapan ang Leaf family na ibalik ang pera niya, kakalat ang balita tungkol sa kakulangan niya sa kaalaman. Hindi niya kaya ang kahihiyang iyon kagaya ng kung gaano niya kinaiinisang matawag na isang palpak na mayaman. Dahil dito, wala siyang magagawa kundi saluhin ito para sa ngalan ng pamilya niya. Kahit na ganun, doon nagpasya si Travis na ngumiti para lang idiin ito. “Kung ganun, Ms. Lionheart—pwede ka nang tumigil sa pagyayabang niyan ngayon, di ba?”“Ahem.” Mabilis na sinubukan ni Tavis na ayusin ang gulo. “Hindi mo dapat sabihin yan, Mr. Zurich. Hindi man mature ang Hyperion Ro
Sumigla ang mga mata ni Sif sa mga salita ni Tavis. Oo! Natalo man siya, pero hindi ibig sabihin nito ay nanalo sina Frank at Trevor!Ibang tinaas ang baba niya, mahabang niyang tinuro ang emerald hale pearl na hawak ni Frank. “Kahit na nagkamali ako sa edad ng kayamanan ko, isa pa rin itong kayamanan—hindi maikukumpara ang perlas mong yan dito! Ano bang kinasasaya mo diyan, bumili ka ng isang perlas na wala pang isang milyon ang halaga gamit ng dalawa?!”“Tama. Ano bang kinatutuwa mo?” Singhal din ni Tavis. Tumawa lang sa pagkamuhi si Trevor. “At masaya akong gawin iyon. Handa akong magbayad ng dalawang bilyon basta't ito ang gusto ni Mr. Lawrence, kahit na isa lang itong bato.”Natural na ang tinutukoy ni Trevor ay ang tunay na bato na binili ni Sif sa halagang 2.5 billion, kung kaya't nanggalaiti siya. “Ano naman ngayon?!” Singhal ni Sif nang nagngingitngit ang ngipin. “Oh, at nakalimutan kong sabihin sa'yo—ang hale pearl na hawak mo? Binili yan ni Bail Leaf mula sa pamilya
Tinitigan ni Sif si Frank na para bang nababaliw na siya. “Mahirap bang aminin na tanga ka? Kinailangan mong magpanggap na baliw, at para kanino?”Nagbulungan rin ang lahat ng tao sa paligid nila. “Binenta ng mga Lionheart ang hale pearl sa Leaf family sa halagang dalawandaang libo?”“Imposible… Di ba binili ito ni Trevor Zurich sa halagang 200 million?”“Ano bang alam mo? Ganun lang talaga ang mayayaman—mga tanga sila.”Habang karamihan sa kanila ay lumingon kay Frank dahil tumatawa siya nang malakas, karamihan sa kanila ay sumang-ayon kay Sif—nabaliw na si Frank dahil malaki ang naging pinsala nito sa kanya. Kaya palaging sinasabi ng mga tao na handa ka dapat na mawala ang lahat kapag kinalaban mo ang mga Lionheart! Habang lalong nag-ingat ang lahat nang tumingin sila kay Sif, mas lalo naman siyang yumabang. “Narinig mo yun? Hindi lang ako—minamata kayo ng lahat ngayong alam na nila! Pero tumatawa ka pa rin… Hindi mo ba alam na nakakahiya ka?”“Ganun ba?” Inayos ni Frank a
“Sa tingin mo hindi ka magmumukhang tanga sa ginagawa mo? Hindi, mas magmumukhang tanga ka lang! Hahaha… Huh?”Biglang tumigil sa pagtawa si Sif nang nakita niya ito—ang maliit na usbong na nasa palad ni Frank pagkatapos mabasag ng hale pearl. Walang duda… Tumutubo ang usbong sa loob ng perlas!At kahit na maliit ito, malinaw ito kagaya ng isang perpektong hiyas. Ang hugis nito ay gawa ng isang master craftsman, at napakaliwanag ng kulay emerald na kinang nito na masakit itong titigan nang matagal!Higit pa roon, makikita ang matingkad na berdeng dagta na dumaloy sa malinaw na usbong at ang sandamakmak na vigor na dala nito. Kahit ang isang tanga ay makikitang espesyal ito. “H-Hindi ba isa yang Hale Marrow? Hindi ba alamat lang yun?!” Tumili si Tavis nang napakalakas pagkatapos ng sandaling pagkagulat nang walang pakialam sa pagligtas sa kahihiyan ni Sif. Nagkagulo ang auction hall sa sandaling iyon. “Hale Marrow? Ano yun?”“Puta, ang Hale Marrow! Maliit lang ang tyansa n
Naramdaman niyang nagbuhol ang kalamnan niya lalo na nang may nagtanong kay Frank nang malakas kung ibebenta niya ang Hale Marrow sa halagang limampung bilyon. Dalawandaang milyon para sa limampung bilyon—hindi na kailangang sabihing kumita nang napakalaki si Frank!Kinalaban niya sana ang bid ni Frank kung alam niya lang ang salamangkang tumutubo sa loob ng hale pearl, at talagang pinagsisihan niya ngayong hindi niya ito ginawa! Kung pwede lang, babalik siya sa nakaraan para sampalin ang sarili niya nang dalawang beses!Bigla na lang, pinatunog ni Trevor ang dila niya nang tuwang-tuwa. “Kumusta, Ms. Lionheart? Hindi ko inakalang ibinenta ng pamilya mo ang Hale Marrow sa Leaf family para lang sa halagang dalawandaang libo. Ang masasabi ko lang ay… Tsk, tsk.”Tuwang-tuwa rin si Frank, at bihira siyang matuwa sa kahit na ano—ang Hale Marrow ay isang napakapambihirang kayamanan, at mas pambihira pa kaysa sa Five Elemental Wonders. Hindi na sa pagpapagaling sa sarili niya—kikita n
Pagkatapos, biglang naningkit ang mga mata niya sa pagbabanta. “Kapag nalaman kong binastos mo uli si Mr. Lawrence o sumobra ka, kahit si Ms. Lane ay hindi ka mapoprotektahan mula sa'kin!”Pagkatapos nito, suminghal siya at umalis Nakahinga nang maluwag si Cindy pagkatapos niyang umalis at lumingon naman siya kay Frank. Handa na siyang tumingin nang masama kay Frank, ngunit mabilis siyang yumuko nang naalala niya ang babala ni Gene. “Umalis ka na. Walang lugar ang kumpanya para sa'yo, at wala nang makakapagligtas sa'yo kapag nangyari to ulit!”Pagkatapos ng malalamig na salitang iyon, hinabol ni Helen si Gene at naiwan si Frank kasama ni Will. Mukhang kabado si Will dahil kanina pa siya naghihintay na magsalita. “May mahalagang bagay kang dapat malaman, Mr. Lawrence.”“Mahalagang bagay?” Napahinto ang puso ni Frank dahil alam na niyang kumilos na si Sif Lionheart base lang sa ekspresyon ni Will. Pinasunod niya si Will sa opisina niya, at sa sandaling naupo sila, nagpaliwan
Kahit na paparusahan nang matindi ni Gene si Cindy kung naibang okasyon lang ito, nasa presensya siya ni Frank at nirespeto niya siya. Dahil dito, nagtanong siya, “Ano sa tingin mo ang dapat nating gawin rito, Mr. Lawrence?”“Ako—”Bago pa nakapagsalita si Frank, bumukas ang pinto ni Helen, at nagmadaling lumabas si Helen matapos marinig ang kaguluhan sa hallway. Muntik na siyang mahimatay sa inis nang nakita niya si Cindy—paanong naroon pa siya at nagdala ng mas marami pang gulo para a kanya?Kahit na ganun, hindi niya hahayaang magkamali siya sa presensya ng iba, at tumango siya kay Frank. “Nakabalik ka na.”Pagkatapos, lumingon siya kay Gene at nagtanong, “At sino naman ang ginoong ito?”Ngumiti naman si Gene. “Isang lalaking binayaran ni Frank para magpanggap na si Gene Pearce, ang pinakamayamang tao sa east coast.”Natulala si Helen sa kakaibang pagpapakilala, ngunit may talino siya para maintindihan ito pagkatapos tumingin kay Cindy. “Urgh, malas ka talaga…”Nakahilo
Pasensyoso at seryosong lalaki si Gene pasalamat sa mga taon niya bilang isang negosyante, at hindi talaga siya bababa sa lebel ni Cindy. Gayunpaman, ang mga salita niya ay halatang isang insulto para kay Frank at sa posisyon niya.“Ayos lang, Mr. Lawrence. Hayaan mong patunayan ko ang sarili ko.”Tinaas niya ang isang kamay niya para pigilan si Frank bago siya kumilos at bumunot siya ng isang makintab na gintong cars mula sa bulsa niya. Sa katotohanan, sa sobrang kintab nito ay nasilaw sandali ang mga empleyado ng Lanecorp. “Ano yan?” Kumunot naman ang noo ni Cindy at hindi niya ito nakilala. “Isa itong custom gold card na gawa mismo para sa executives ng Pearce Group. Ang kahit na sinong may dala nito ay kayang bumili nang hindi kailangang magbayad sa kahit na anong establisimyento sa ilalim ng tatak namin.”Nang nakangiti, tinuro ni Gene ang mukhang nakatatak sa gold card. “Ms. Zonda, hindi ba kamukha ko ang tao sa larawang ito?”“Kamukha?” Kinuha ni Cindy ang gold card na
Kahit na ganun, habang nakatulala si Gene, mukhang sanay na rito si Frank habang nakatayo siya sa tabi ni Gene. “Wag mo siyang isipin. Payaso lang siya.”Hindi pinansin ni Frank si Cindy. Handa siyang lampasan siya at pumunta sa opisina ni Helen kasama ni Gene. “Hoy, hoy, hoy. Teka.”Biglang lumapit si Cindy at humarang sa daraanan ni Gene. “May problema ba?” Tanong ni Gene, na nailang sa pagkamuhi sa mga mata ni Cindy. Siya ang pinakamayamang tao sa east coast—wala pang trumato sa kanya nang ganito noon!“Huhulaan ko. Dahil inimbitahan ka ni Frank, ibig sabihin nito ay ikaw si Gene Pearce, ang pinakamayamang tao sa east coast?”“Oo, ako nga.” Kalmadong tumango si Gene. Kumunot ang noo ni Frank at sinigawan si Cindy, “Umayos ka, Cindy! Wag ka nang gumawa ng gulo!”“Imposible! Ako, gumagawa ng gulo?”Ngumisi si Cindy, at tinitigan niya si Gene habang pinapatunog ang dila niya. “Sa totoo lang, hindi mo ba kayang kumuha ng propesyonal? Napakaputla ng bayarang aktor mo na p
Napangiti si Gene nang nahimasmasan siya. “Ang isang talentong kagaya mo… Ang head ng health and safety department? Sobra namang…”Kung iisipin, sa kakayahan ni Frank, dapat ay isa siyang board member na personal na may parte sa polisiya ng kumpanya. Pero head lang siya ng health and safety department? Sa madaling salita, isang pinabangong security guard? Nabigla talaga rito si Gene!“Hehe…” Tumawa lang si Frank, nang hindi galit at hindi nagpaliwanag. Habang medyo emosyonal, lumingon si Gene kay Frank at binigyan siya ang matapat na alok. “Mr. Lawrence, bakit di ka na lang sumali sa Pearce Group a halip na maging security guard dito? Maghahanda ako ng posisyong nababagay sa'yo, kasama ng isang lugar sa board bilang policy makers sa Pearce Group. Magtiwala ka sa'kin—mas magiging maliwanag ang kinabukasang aasahan mo kasama ko.”Umiling si Frank. “Masyado kong mahal ang kalayaan ko at ayaw na ayaw kong madamay sa masalimuot na usapan ng malalaking kumpanya.”“Higit pa roon…” H
Bubuksan pa lang ni Helen ang pinto ng opisina niya at papasok nang sumigaw si Cindy, “Hah! Wag kang masyadong mayabang, Helen! Distraksyon lang ang lahat ng ginawa mo kanina—tama ako, ano? Hindi niyo kayang kunin ni Frank ang mga loteng iyon mula kay Gene Pearce, ano?” Huminto si Helen sa paglalakad at lumingon para titigan nang namumuhi si Cindy. “Mali ka. Naniniwala akong makukuha talga ni Frank ang lupang kailangan ng Lanecorp. Nangako siya sa'kin, at hindi niya ako ipapahiya.”“Hah! Ikaw na nagsabi! Kung ganun, mananatili ako rito!” Nagmamatigas na sigaw ni Cindy. “Tingnan natin kung anong magagawa ni Frank… At ano namang gagawin mo kapag di niya nagawa?”“Bababa ako bilang boses chairwoman ng Lanecorp.” Suminghal si Helen at pumasok sa opisina niya. “Hahaha! Sige… sabi mo, eh!” Tumawa si Cindy at naramdaman niyang umakyat ang dugo sa utak niya. Dahil iniwan siya ni Will, naniwala siyang dinidiin ni Helen ang sugat niya sa pagpapalayas sa kanya pabalik ng Riverton, at wala
Nang bumalik si Helen sa Lanecorp, nakita niyang nag-iimpake si Cindy at handa nang umalis, ngunit dumada muna siya sa bawat isang empleyado sa malapit. “Bakit di niyo hulaan kung anong nangyari pagkatapos makinig ng pinsan ko sa mahal niyang asawa at pumunta sa Drenam Limited? Sabi niya ibibigay ni Gene Pearce ang limang loteng nakuha niya sa bid, pero anong nangyari? Hindi man lang iyon alam ng valet niya! Oh, para silang sinampal sa mukha bang dumating kami roon!“Tsk, tsk… Nakita niyo sana ang mukha nina Helen at Frank… Napakalungkot ng mukha nila! Oh, ang sakit ng tiyan ko kakatawa! Isipin niyo yun—si Gene Pearce ang pinakamayamang tao sa east coast! Bakit siya makikinig kay Frank? Sino ba siya sa tingin niya?”“Oh siya, aalis na ako.” Tumawa siya habang inimpake niya ang lahat ng gamit niya at nagsimulang umalis. “Pwede kayong manatili rito habang pinapabagsak nina Helen at ng ex-husband niya ang kumpanya niyo!”Kahit na ganun, nakasalubong niya si Helen, na narinig ang laha
Hindi alam ni Zorn kung paanong nagawa ni Frank na iwasan ang obserbasyon niya kanina, ngayon kit nakahinga pa rin siya nang maluwag pagkatapos maramdaman ang tunay na hangganan ng lakas ni Frank. Kahit na malakas ang isang tunay na Birthright rank, wala pa ring laban si Frank sa kanya!“Mamatay ka na!!!” Sigaw ni Zorn habang binuhos niya ang lahat ng lakas niya sa pinakamalakas na atake niya at ayaw niya ng karagdagang problema. Nakasalalay dito kung mapapatay niya si Frank. Natural na ginagawa niya lang ito dahil nakita niyang mamamatay talaga si Frank para ipagtanggol si Gene. Kapag nagpasya si Frank na umiwas, tatama naman kay Gene ang atake ni Zorn at tiyak na mamamatay siya. Dahil dito, kung gustong mabuhay ni Frank si Gene, kailangan niyang saluhin ang atake niya!Lumabas ang itim at puting pure vigor mula sa palad ni Zorn, naghalo sa isang kulay abo na gumawa ng bagyo. Yumanig ang buong building—ganito ang pinakamalakas na atake ng isang Ascendant rank. "Hmph…"
Kalmadong binasa ni Gene ang sitwasyon. Dahil bata pa si Frank at magaling sa panggagamot, tiyak na wala siyang oras para magsanay ng martial arts nang maigi. Baka nga ang pagsalag niya sa atake ni Zorn kanina ay umubos sa lakas niya—kapag nagtagal siya rito, magiging masaklap ang kamatayan niya kagaya ng nangyari sa mga martial artist na dinala ni Gene. At dahil iniligtas na ni Frank ang buhay niya, ayaw makita ni Gene na ibuwis ni Frank ang buhay niya nang ganito. Dahil dito, sabi niya, “Mr. Lawrence, sa pagitan naming dalawa ito ni Mr. Lawrence. Wag kang mangialam—umalis ka na habang pwede pa.”“Hehe…” Tumawa si Frank sa halip na umalis, na lumingon pa nga kay Gene para magtanong, “Sigurado ka bang di ako mananalo, Mr. Pearce?”“Oh…” Napatunganga si Gene sa tanong niya. Hindi niya masasabing naniniwala siya kay Frank dahil ayaw niyang ibuwis ni Frank ang buhay niya. At pagkatapos mag-isip nang matagal, umiling si Gene sa pagsuko. “Mr. Lawrence, magkaibigan kami ni Zorn