Ngumisi si Frank. “Ms. Lionheart, hindi ba masyado ka namang kampante? At saka, payo lang—tignan mong maigi ang hawak mo. Talaga bang may isandaang taong halaga ng medicinal value yan?”“Ano?” Nabigla si Sif ngunit di niya tinignan ang Hyperion Root niya habang sumagot siya, “Ito ang Hyperion Root—hindi ako nagkakamali. Magkakabuhol ang mga ugat nito, kulay dilaw na parang kristal at may sariwang amoy. Paanong hindi to naging isandaang taon?”“Hindi tama yan.” Umiling si Frank at ngumiti. “Ms. Lionheart, ang Hyperion Root ay tinutubuan ng isang tertiary root sa bawat sampung taon, kaya bakit di mo simulang bilangin kung ito ang tamang bilang?”Sa wakas ay nagkaroon ng pagdududa si Sif dahil sa mga sinabi ni Frank—kung tama ang alaala niya, dapat sampu ito. “Isa, dalawa, tatlo…” Nagsimula siyang magbilang, at bumagsak ang mukha niya nang huminto siya sa siyam. Nagbilang siya nang paulit-ulit, ngunit siyam lang ang tertiary roots ng Hyperion Root. At siguradong-sigurado siyang wal
Hindi, hindi lang siya napaglaruan—walang refund para sa kahit anong items na binebenta sa auction at walang responsibilidad ang mga auctioneer para rito. Ang halaga at kagustuhan para magbid sa bawat isang item ay nakasalalay sa kaalaman ng bawat bidder. Walang ibang masisisi kung nagkulang sila sa kaalaman. Natural na pwedeng banggitin ni Sif ang apelyido niya. Pero kahit na pwede nitong mapakiusapan ang Leaf family na ibalik ang pera niya, kakalat ang balita tungkol sa kakulangan niya sa kaalaman. Hindi niya kaya ang kahihiyang iyon kagaya ng kung gaano niya kinaiinisang matawag na isang palpak na mayaman. Dahil dito, wala siyang magagawa kundi saluhin ito para sa ngalan ng pamilya niya. Kahit na ganun, doon nagpasya si Travis na ngumiti para lang idiin ito. “Kung ganun, Ms. Lionheart—pwede ka nang tumigil sa pagyayabang niyan ngayon, di ba?”“Ahem.” Mabilis na sinubukan ni Tavis na ayusin ang gulo. “Hindi mo dapat sabihin yan, Mr. Zurich. Hindi man mature ang Hyperion Ro
Sumigla ang mga mata ni Sif sa mga salita ni Tavis. Oo! Natalo man siya, pero hindi ibig sabihin nito ay nanalo sina Frank at Trevor!Ibang tinaas ang baba niya, mahabang niyang tinuro ang emerald hale pearl na hawak ni Frank. “Kahit na nagkamali ako sa edad ng kayamanan ko, isa pa rin itong kayamanan—hindi maikukumpara ang perlas mong yan dito! Ano bang kinasasaya mo diyan, bumili ka ng isang perlas na wala pang isang milyon ang halaga gamit ng dalawa?!”“Tama. Ano bang kinatutuwa mo?” Singhal din ni Tavis. Tumawa lang sa pagkamuhi si Trevor. “At masaya akong gawin iyon. Handa akong magbayad ng dalawang bilyon basta't ito ang gusto ni Mr. Lawrence, kahit na isa lang itong bato.”Natural na ang tinutukoy ni Trevor ay ang tunay na bato na binili ni Sif sa halagang 2.5 billion, kung kaya't nanggalaiti siya. “Ano naman ngayon?!” Singhal ni Sif nang nagngingitngit ang ngipin. “Oh, at nakalimutan kong sabihin sa'yo—ang hale pearl na hawak mo? Binili yan ni Bail Leaf mula sa pamilya
Tinitigan ni Sif si Frank na para bang nababaliw na siya. “Mahirap bang aminin na tanga ka? Kinailangan mong magpanggap na baliw, at para kanino?”Nagbulungan rin ang lahat ng tao sa paligid nila. “Binenta ng mga Lionheart ang hale pearl sa Leaf family sa halagang dalawandaang libo?”“Imposible… Di ba binili ito ni Trevor Zurich sa halagang 200 million?”“Ano bang alam mo? Ganun lang talaga ang mayayaman—mga tanga sila.”Habang karamihan sa kanila ay lumingon kay Frank dahil tumatawa siya nang malakas, karamihan sa kanila ay sumang-ayon kay Sif—nabaliw na si Frank dahil malaki ang naging pinsala nito sa kanya. Kaya palaging sinasabi ng mga tao na handa ka dapat na mawala ang lahat kapag kinalaban mo ang mga Lionheart! Habang lalong nag-ingat ang lahat nang tumingin sila kay Sif, mas lalo naman siyang yumabang. “Narinig mo yun? Hindi lang ako—minamata kayo ng lahat ngayong alam na nila! Pero tumatawa ka pa rin… Hindi mo ba alam na nakakahiya ka?”“Ganun ba?” Inayos ni Frank a
“Sa tingin mo hindi ka magmumukhang tanga sa ginagawa mo? Hindi, mas magmumukhang tanga ka lang! Hahaha… Huh?”Biglang tumigil sa pagtawa si Sif nang nakita niya ito—ang maliit na usbong na nasa palad ni Frank pagkatapos mabasag ng hale pearl. Walang duda… Tumutubo ang usbong sa loob ng perlas!At kahit na maliit ito, malinaw ito kagaya ng isang perpektong hiyas. Ang hugis nito ay gawa ng isang master craftsman, at napakaliwanag ng kulay emerald na kinang nito na masakit itong titigan nang matagal!Higit pa roon, makikita ang matingkad na berdeng dagta na dumaloy sa malinaw na usbong at ang sandamakmak na vigor na dala nito. Kahit ang isang tanga ay makikitang espesyal ito. “H-Hindi ba isa yang Hale Marrow? Hindi ba alamat lang yun?!” Tumili si Tavis nang napakalakas pagkatapos ng sandaling pagkagulat nang walang pakialam sa pagligtas sa kahihiyan ni Sif. Nagkagulo ang auction hall sa sandaling iyon. “Hale Marrow? Ano yun?”“Puta, ang Hale Marrow! Maliit lang ang tyansa n
Naramdaman niyang nagbuhol ang kalamnan niya lalo na nang may nagtanong kay Frank nang malakas kung ibebenta niya ang Hale Marrow sa halagang limampung bilyon. Dalawandaang milyon para sa limampung bilyon—hindi na kailangang sabihing kumita nang napakalaki si Frank!Kinalaban niya sana ang bid ni Frank kung alam niya lang ang salamangkang tumutubo sa loob ng hale pearl, at talagang pinagsisihan niya ngayong hindi niya ito ginawa! Kung pwede lang, babalik siya sa nakaraan para sampalin ang sarili niya nang dalawang beses!Bigla na lang, pinatunog ni Trevor ang dila niya nang tuwang-tuwa. “Kumusta, Ms. Lionheart? Hindi ko inakalang ibinenta ng pamilya mo ang Hale Marrow sa Leaf family para lang sa halagang dalawandaang libo. Ang masasabi ko lang ay… Tsk, tsk.”Tuwang-tuwa rin si Frank, at bihira siyang matuwa sa kahit na ano—ang Hale Marrow ay isang napakapambihirang kayamanan, at mas pambihira pa kaysa sa Five Elemental Wonders. Hindi na sa pagpapagaling sa sarili niya—kikita n
Gayunpaman, walang intensyon si Frank na makipagnegosasyon at direkta siyang tumanggi. “Pasensya ka na, Ms. Lionheart—may paggagamitan akong malaking bagay para sa Hale Marrow ko, at hindi ko to ibebenta kahit magkano pa ang ialok mo sa'kin.”“Ano?!” Nabigla si Sif at uminit ang ulo niya. Ito ang unang beses na may tumanggi sa kanya, ang heiress ng Lionheart!“Nagmamabuting-loob na nga ako rito!” sigaw niya. “Alamin mo ang lugar mo at ibigay mo yan sa'kin ngayon din! Walang kahit na sinong tumatanggi sa'kin, at palaging ibinibigay ng lahat ang kahit na anong gusto ko!”Tinaas lang ni Frank ang isang kilay niya at ngumiti. “Talaga? Paano mo nagawang ipaliwanag ang panghoholdap gamit ng mga makatarungang mga salita? O baka sa'yo rin ang lugar na'to? Siguro naman alam mo rin dapat kung paano sumunod sa patakaran, Ms. Lionheart?”“Manahimik ka! Ang salita ko ang batas!” Mayabang na sigaw ni Sif habang nakatitig nang masama kay Frank. “Sisiguraduhin ng mga Lionheart na magiging sulit
Ano pa bang punto ng auction ng Leaf family? Bakit di na lang nila ipamigay ang bawat isang gamit sa mga Lionheart?!“Hmph. Kung ganun, mauuna na ako.”“Oo nga, masyado namang malaki ang mga Lionheart para kalabanin natin.”Sa huli, tumayo ang isa sa mga bidder at umalis… at hindi nagtagal, grupo-grupo silang umalis. “Huh… Teka, sandali, sandali, wag kayong umalis!” Tinawag sila ni Jenny mula sa stage, ngunit karamihan ng bidders at nag-impake na para umalis. Lalo na't malinaw na ngayong wala silang dahilan para dumalo sa auction na ito. “Ano…” Natulala si Sif habang pinanood niya ang lahat na umalis ng auction hall. Hindi niya inasahang aalis na lang nang ganun-ganun ang lahat. Pero simple lang ang dahilan nila, at si Frank ang nagsimula nito—kung may kahit na sino sa kanilang makakuha ng kayamanan ngayon, makakaalis lang sila sa permiso ni Sif.Kapag sinabi niya, oras na para ibigay ito—o mahaharap sila sa bangis ng mga Lionheart. At dahil wala sa kanila ang kayang tang
Pagkatapos kunin ang Blue Fangs at ihanda sila para bantayan ang mga proyekto, mayroong kakaibang namomroblemang ekspresyon si Frank sa mukha niya asa sandaling nakasakay siya sa kotse niya. “Anong problema, Frank?” mabilis na tanong ni Frank. “Hindi…” Namomroblemang tumingin si Frank sa kanya, ngunit sa huli ay sumuko siya at bumuntong-hininga. “Sige, sasabihin ko sa'yo ang totoo—Ang kliyente mong si Ms. Clarity ay isang assassin na pinakamataas sa Blackrank.”“Ano?!”Nagulat si Helen—nakikita niya mula sa presensya ni Clarity na espesyal siya, pero wala sa hinagap niya ang pagiging top assassin. Nanahimik siya, tuyo ang lalamunan niya habang lumingon siya kay Frank at nahirapang magsalita. “Sinasabi mo bang dapat tanggapin ng Lanecorp ang pagiging kliyente niya?”“Hindi, hindi yun ang ibig kong sabihin.” Umiling si Frank at nagpaliwanag, “Sinabi niya lang sa'kin kung sino siya at hindi man lang tinago ang pagkatao niya.”“Kung ganun, ano palang habol niya?”Natawa si Helen
“Teka, wag kayong magbigay-galang sa'kin.” Kumaway si Frank sa kanila. “Hindi ako interesadong maging gang leaders. Bantayan niyo lang ang mga sarili niyo at lumayo kayo sa gulo.” Pagkatapos, hinablot ni Frank ang mohawk ni Ted at inalog ito, sabay sabing, “At saka, ayusin niyo ang itsura nito. Maghahanda ako ng uniporme para sa lahat—mula sa araw na'to, mga empleyado na kayong lahat ng health and security department ng Lanecorp!”“Ano?” Bulalas ni Ted, na hindi masyadong naintindihan kung anong nangyayari. “Anong ibig mong sabihin sa ‘ano’?! May sasabihin ka ba tungkol diyan?” Tanong ni Frank habang tinitigan ang mga siga. Karamihan sa kanila ay mabilis na lumuhod sa pasasalamat. Hindi nila pinangarap na maging mga siga, dahil karamihan sa kanila ay sinusubukan lang na mabuhay. Minalas lang sila sa kapanganakan nila, kakulangan ng edukasyon, at kakayahan. Dahil dito, kahit na may ilang nag-aalangang sumailalim sa isang malaking kumpanya, karamihan sa kanila ay mukhang napuno
Pagkatapos mag-isip sandali, sabi n Frank, “Kung ganun, may iaalok ako kung gusto niyo kong pakinggan.”“May iaalok ka?” Nabigla si Ted, ngunit lumitaw ang pag-asa sa mga mata niya habang tumingin siya kay Frank. Hindi talaga sila aalis ng Zamri kung hindi kailangan!Tumango si Frank. “Tutulungan kitang pabagsakin ang dalawa pang gang para makabalik ka sa Zamri. Ang kondisyon naman para roon ay pagsisilbihan niyo ang Lanecorp. Sa ibang salita…”Pagkatapos, nakangiti niyang tinuro si Helen at tinapos ang pangungusap niya, “Susundin niyo siya, ang board chairwoman ng Lanecorp.”“Ano?!” Napanganga si Helen. Sa kabilang banda, sinadya rin ni Frank na sumimangot nang nakita niyang nakanganga rin sina Ted at ang mga tauhan niya. “Ano, umaayaw ba kayo?”“Syempre hindi!” Sagot ni Ted. “Hindi kami aalis ng Zamri maliban na lang kung kailangan dahil nandito ang mga kaibigan at pamilya namin. Pero…”Habang naiilang na huminto si Ted, nagpatuloy si Frank, “Pero ano?”“Pero…”Napatitig
Nang makitang handa nang tumakbo ang Blood Wolves, pinigilan ni Frank ang lider nilang si Terry ‘Ted’ Cotton na sumunod sa kanila. Aaminin niyang napabilib siya sa lalaking ito, lalo na't napakadramatiko niya sa suntok niya kanina. Kahit na ganun, napansin ni Ted mula sa isang suntok na iyon na hindi nila kayang manalo laban kay Frank, at sumuko siya. Dito pa lang ay isa na siyang desididong tao. “Sinusubukan niyo bang tumakas? Pwes, huli na ang lahat.” Ibinalik ni Frank ang banta ni Terry, pero di nagtagal ay ngumiti. “Siya nga pala, hindi ito ang buong gang mo, hindi ba?”“Ano…?” Nagbutil-butil ang pawis ni Terry sa tanong ni Frank—atatakihin niya ba ngayon ang Blood Wolves?!Kahit na ganun, lumunok siya at hinanda ang sarili para sumagot. “Tama ka, sir. Maliit na grupo lang kami ng Blood Wolves… merong hindi pagkakasundo sa loob ng gang, at wala akong nagawa kundi lumipat dito kasama ng mga bata ko…”“Hindi pagkakasundo? Talaga?” Lumapit si Frank habang hinihimas ang baba
Sa mga utos ni Terry ‘Ted’ Cotton, susugod ang mga siga kay Frank at pagpipira-pirasuhin siya!Kahit na ganun, naningkit ang mata ni Ted sa napakaaroganteng lalaki at nakaramdam ng kaunting pag-iingat. Hindi kaya isa siyang miyembro ng mahalagang pamilya o apprentice ng isa sa South Sea Sects?“Matapang ka, bata,” sabi niya. “Saan ka nagmula?”“Wala. Ako lang si Frank Lawrence, ang head ng health and security department ng Lanecorp,” kampanteng sagot ni Frank. Nasamid si Ted. Lanecorp? Yung kumpanya?At ang head ng health and security department ng Lanecorp… Natagalan si Ted bago ito mapagtanto, ngunit napahiya siya nang naintindihan niya kung anong sinasabi ni Frank. Head ng health and security department ng Lanecorp?! Ibig sabihin lang nito ay isa siyang pinagandang security guard! At may lakas ng loob ang isang security guard na pagbantaan siya?!Sa galit, sumigaw si Ted habang tinuro niya si Frank sa sandaling iyon, “Sugod! Baliin niyo ang bawat isang buto sa kataw
Malinaw na armado ang lahat ng mga siga dala ang mga baseball bat at machete nila at hinarangan ang daan paalis ni Helen. Sa isang iglap, biglang sumigla ang tahimik na sira-sirang gusali. Vroom!Umingay ang mga makina ng motor at sumunod ang mga sipol habang humarurot ang isang dosenang mga sangganong nakamotor. Kumaskas ang mga huling nila habang huminto sila sa tabi nina Frank at Helen. Ngayon, talagang napalibutan na sila. “Huli na para umalis pa kayo!” Pagmamayabang ni Terry at tumawa nang malakas. Nagsimula ring tumawa ang iba pang mga siga—dahil sabay-sabay na tumawa ang higit isang daan sa kanila, halos maramdamang yumanig ang gusali. “Ano bang gusto niyo?!” Sigaw ni Helen, habang dismayado niyang napagtantong nakapasok sila sa literal na lungga ng mga lobo. Kahit na kampante siya sa kakayahan ni Frank, nag-aalala pa rin siya dahil napakarami nila sa Blood Wolves. “Ano bang gusto ko?!”Biglang dumura si Ted sa lapag at tinitigan nang mapangbanta si Frank haban
"Hahaha…"Biglang tumawa nang malakas si Frank pagkatapos tumingin sa paligid, na nagpatulala sa mga papalapit na mga siga. “Anong problema?” Nag-aalalang lumingon si Helen kay Frank—nabaliw ba siya dahil gumastos siya ng limandaang milyon sa isang walang kwentang lote ng lupa?Habang lumitaw ang iba't-ibang posibilidad sa isipan niya, nakatitig na lang si Helen kay Frank habang ngumiti siya sa kanya at kindat. “Kung tama ang kutob ko, mukhang sinayang to ng nanay mo.”“Ano?”Nanlaki ang mga mata ni Helen sa pagtataka, at lalo siyang nag-alala na baka talagang nabaliw na si Frank. Gayunpaman, tumingin si Frank sa paligid niya sa loob ng lote. “Gigibain ang lahat ng nakatayo sa lupa na'to sa susunod na dalawang linggo. Handa ang Zamri City Hall na magtayo ng highway sa lupang to.”“Alam mo ba kung anong ibig sabihin nun?” Ngumisi siya kay Helen, at tinapos ang sasabihin niya bago siya nakasagot. “Tataas ng sampung beses ang halaga ng loteng to! Hahaha… Talagang swinerte tayo, H
Napuno ng malamig na dismaya ang puso ni Helen nang tumayo siya sa dulo ng lote at inobserbahan ito. Hindi lang mga opisina—maging mga pabrika ay hindi praktikal na itayo rito sa layo ng lote mula sa main road!Kahit na may mga proyekto sa loob ng lugar, nagsimula nang tumabingi ang bawat isang block nito. May mga kamay din sa pader—malinaw na senyales ito ng pagguho “Frank… Limandaang milyon… Para sa lupang to! Talagang nalugi tayo rito.” Malungkot na bumuntong-hininga si Helen—sa pananaw niya, walang kwenta ang lupang ito!Wala ring laman ang mga proyekto, at karamihan ng mga unit ay bakante. “Pero malay mo lang.” Ngumiti si Frank at nagpunta sa mga proyekto bago nakakilos si Helen. Hindi sila masyadong nakalayo nang nakita nila ang isang grupo ng mga sigang nagtitipon nang sama-sama habang naglalaro ng poker sa sira-sirang lobby. Mukhang mga bata pa sila ngunit kakaiba ang pananamit nila. Ang isa sa kanila, na nakaharap sa pintuan, ay nakita sina Helen at Frank na puma
Nag-aalala talaga si Gina na baka magbago ang isip ni Frank at mauwi sa wala ang pambobola niya sa nagdaang kalahating oras. Gayunpaman, halatang wala siyang dapat ipag-alala dahil wala talagang anjalam si Frank sa limandaang milyon. Ang totoo, tinawagan niya kaagad si Trevor Zurich para sabihan siyang ipadala ang pera sa account ni Gina at pirmahan ang pangalan niya sa kasunduan. Nakasimangot si Helen nang natapos siya habang nakangiti naman si Gina. “Oh, Frank,” sabi niya. “Bakit di ka manatili rito ngayong gabi? Ililibre ko kayo ni Helen ng hapunan.”“Di na kailangan,” mahinang sagot ni Frank habang umiiling. “Bibisitahin ko ang lupa at titignan ko kung meron akong mapaggagamitan rito, para hindi ako mawalan masyado ng pera.”Sinsero ang sagot ni Frank, kasabay ng pagdating ng notification kay Gina mula sa bangko. Nakahinga nang maluwag si Gina nang makita iyon at kaagad na nabawasan ang sigla niya. As ng totoo, nakahiga na siya sa kama at pumikit. “Sige, hindi na kita