Napayuko nang tahimik si Fleur sa banta ni Mark. Gayunpaman, nakikita rin ni Frank na mukhang hindi kuntento and iba pang mga miyembro ng Lane family. Natural lang na hindi sila matuwa kapag naitalaga si Helen bilang head ng Lane family nang ganito mabilis—ang totoo, binanggit mismo ni Fleur ang mismong nasa isip ng lahat. Kahit na hindi sila lantarang magpoprotesta bilang respeto para kay Mark, susubukan nilang isabotahe si Helen nang palihim para maging mahirap ang lahat para sa kanya. Sina Frank at Helen na ang bahalang magpakita ng kung anong meron sila. Sa kaisipang iyon, magalang na tumango si Frank kay Mark. “Mr. Lane,” sabi niya. “Naniniwala akong dapat nating ipagpatuloy ang pustahan nating tatlo ni Helen. Kikita kami ng isang bilyon sa loob ng dalawang buwan para magiging head ng Lane family si Helen nang walang nagdududa sa kakayahan niya.”“Ano?” Nabigla si Mark sa suhestiyon ni Frank—inanunsyo na niyang si Helen ang magiging susunod na head ng Lane family, per
Lalo na't hindi maisip nina Fleur at ng mga kagaya niya kung paano kikita si Frank ng isang bilyon mula sa farm resort. At kapag umalis si Frank sa Riverton, mababawi nila ang pamumuno sa pamilya at wala nang masasabi si Mark tungkol dito.Binibigay lang niya ang gusto nila mismong mangyari… “Kung ganun, yun lang ang lahat,” sabi ni Mark. “Frank, Helen… sana'y di niyo ako madismaya.”Nang tumalikod si Mark at pumasok sa manor kasama ng pamilya niya, biglang bumalik si Helen sa dati niyang sarili. “Frank…” bulong niya. “Kaya ba talaga nating gawin to? I-Imposible yun, di ba? Isang bilyong dolyar ang pinag-uusapan natin!”Natunaw ang pagiging ice queen niya nang pinakita niya ang tunay niyang sarili, at miserable niyang hinila ang manggas ni Frank. Talagang hindi na siya kagaya ng determinado at malakas na babae kanina at naging isang miserableng dalaga. Halos napalakas nang tawa si Frank. “Tumatawa ka?! Ang sama mo!” Namula si Helen habang kagat ang labi niya sa inis. “Pa
Sa pag-aalok nila ng pampababa ng buhay at panggagamot ng mga sakit, sobrang nag-aalala ang mayayaman pagdating sa kalusugan nila at sa kung gaano pa katagal ang mga buhay nila. Sa ganitong paghahanda at sa pag-endorso ni Dan Zimmer ng Flora Hall, nagkandarapa sila para sa hyper premium experience ng farm resort. Dahil napakarami ng mga request na natanggap nila, walang nagawa sina Helen at Vicky kundi magtayo ng isang auction para sa hyper premium experience ng farm resort. Natural na pwedeng magtampisaw ang mga nananalo sa hot spring nila habang nanonood ng concert ni Noel. Wala nang mas gaganda pa sa serbisyong ito, at wala lang ang pera kumpara rito! “Oh, Ms. Lane, pakiusap! Si Kurt Stinson ang boss ko!”“Malapit na kaibigan ni Mr. Lawrence si Ms. Stinson… Nagtulungan sila para mabawi ang pabrika mula sa mga Salazar, natatandaan mo?”“Ah, Ms. Lane—ako to, si Gerald Simmons. Haha… Naisip ko sana kung pwede akong magpa-reserve para sa hyper premium experience? Si Mr. Lawren
Mabilis na umiling si Gina. “Hindi… Nagkamali ka siguro ng rinig.”Takot pa rin siya kay Vicky at wala siyang nagawa kundi ngumiti nang pilit, sabay hinila si Cindy habang tumakas siya. Gayunpaman, bago sila nakaalis, ngumiti si Vicky sa kanila. “Teka. Gusto niyo ng reserbasyon para sa hyper premium experience ng farm resort, ano?”"Eh?" Kaagad na lumingon si Gina habang tumango at ngumiti nang nambobola. “Syempre naman! Oh, napakabait mo talaga, hindi ka nagtatanim ng galit—”“Oh, pero di pa ako tapos.” Ngumisi si Vicky. “Ang sasabihin ko sana ay pwede kayong dumalo sa auction mamayang gabi kung gusto niyo ng reserbasyon.”“Ano?” “H-Hindi mo kami ililibre?”Parehong nanigas sina Gina at Cindy na takang-taka. “Syempre hindi. Binibigyan ko lang kayo ng payo.” Umiling si Vicky. Napansin roon nina Gina at Cindy na pinaglalaruan lang sila ni Vicky. Gayunpaman, hindi sila nagtangkang magsalita at umalis na lang sila nang nanggagalaiti. “Hahaha…” Tumawa nang malakas si Vicky
Nang tumalikod si Helen at tumakas papasok sa fitting room, nakita iyon ni Vicky at bumalik din siya sa loob. “Oh, bakit ka nahihiya?” Tumawa siya. Hindi nagtagal, narinig si Helen na naiinis na sumigaw at nanlaban. “Anong ginagawa mo, Vicky?!”“Oh, Helen! Hindi nakikita sa labas, pero ang ganda talaga ng katawan mo…”“Wag mo kong hawakan! Binabalaan kita… Ah! Tumigil ka!”Napaubo si Frank sa mga boses ng kababaihan habang nagharutan sila. Lumingon siya palayo, ngunit nakita niya ang isang retail assistant na palihim na tumatawa, at lalo siyang nahiya. -Ang opening ceremony ng farm resort ng Lane Holdings ay naganap kinabukasan ng tanghali, isang okasyon ng magara at maluhong paghahanda. Salamat sa walang tigil na pagpapakalat ng balita at pag-eendorso rito, ang munting farm resort ay naging sikat na sikat sa Riverton. Naghanda pa si Frank ng handaan para sa okasyon para sa pagdating ng napakaraming mayayaman at makapangyarihang personalidad. Daan-daang luxury cars ang
Sumigaw si Rory habang sumama ang mukha niya, “Hindi na nga niya ako binigyan ng direksyon—trinato niya pa ako nang pabastos! Hindi ba niya kilala kung sino ako?”“Ano?”“Anong nangyayari rito?”Nakatawag ng atensyon ng marami ang sigaw ni Rory, at maging ang mayayaman at makakapangyarihan ay nagulat nang nakita nila siya. Lalo na't siya ang top singer ng Draconia na may hukbo-hukbo ng mga tagahanga. Nagkataon lang na si Samus, isa sa mayayamang binatang naroon, ay isang matinding tagahanga niya. Nang makitang galit ang idolo niya, lumapit siya at tinulak si Frank habang sumigaw, “Hindi mo ba kilala kung sino si Ms. Thames?! Siya ang pinakamagaling na singer sa bansa at nanalo siya ng maraming awards! Sino ka ba sa tingin mo para bastusin siya?!”Kumunot ang noo ni Vicky sa malayo nang narinig niya ang kahulugan at lumapit siya. “Anong nangyayari rito?!”Halatang nakilala ni Rory si Vicky at tinitigan niya siya mula ulo hanggang paa. Mayabang siyang suminghal. “Ano bang ti
Maging sina Gina at Cindy ay nakaupo kasama ng mayayaman at mahahalagang panauhin. Hindi nagtagal ay umakyat sa entablado sina Frank, Helen, Vicky, Trevor, at iba pang mga host ng event sa gitna ng palakpakan. Kinuha ni Frank ang mikropono mula sa emcee at ngumiti sa lahat. “Maraming salamat sa lahat sa pagpunta sa opening ceremony ng munting resort na ito. Ang farm resort ng Lane Holdings ay opisyal na ngayong nagbubukas, at ibabalik namin nang limang beses ang binayad ng kahit na sinong panauhing magpapasyang ang therapy at mga palabas na pinangako ng patalastas namin ay hindi totoo! Umaasa akong mabuti ang kalusugan ng lahat ng narito—magpakasaya kayo!”Narinig ang malakas na palakpakan, na sinundan ng pagbibigay nina Helen at Vicky ng maiikling salita bilang kinakatawan ng kani-kanilang mga kumpanya. Pagkatapos, nang natapos ang ribbon-cutting ceremony, opisyal nang bukas ang farm resort. Hindi nagtagal ay tumayo si Noel sa entablado para sa concert niya, na sinamahan ng i
Nang nagsimulang mag-usap ang mga kababaihan, biglang ngumisi nang tuso si Vicky. “Teka lang. Tatawag ako…” sabi niya habang dinampot ang phone niya mula sa gilid ng pool at tinawagan ang isang pamilyar na numero. “Hello, darling?”“Anong ginagawa mo?!” Nanlaki ang mga mata ni Helen na nakaramdam ng panganib. “Shh…” Kinindatan siya ni Vicky bago nagpatuloy sa pag-arte niya. “Oo. Hindi gumagana ang hot spring namin ni Helen… Oo, tignan mo, dali!”Nang binaba niya ang tawag, ngumisi siya kay Helen. “Vicky… Urgh…” Malamang na alam ni Helen kung anong binabalak ni Vicky at hindi niya siya mapakiusapan. Kahit na gusto niyang magsaya sa hot spring kasama ni Frank, napatingin siya sa paligid ng pool na punong-puno ng mga kababaihan. Kapag dumating si Frank, hindi ba…Sa gulat niya, doon napansin ni Helen na nakaramdam siya ng interes sa kung paano kikibo si Frank… na sinundan naman ng pagkakonsensya. “Hindi, hindi siya pupunta rito. Ibigay mo sa'kin ang phone, Vicky!” galit niy
"Hahaha…"Biglang tumawa nang malakas si Frank pagkatapos tumingin sa paligid, na nagpatulala sa mga papalapit na mga siga. “Anong problema?” Nag-aalalang lumingon si Helen kay Frank—nabaliw ba siya dahil gumastos siya ng limandaang milyon sa isang walang kwentang lote ng lupa?Habang lumitaw ang iba't-ibang posibilidad sa isipan niya, nakatitig na lang si Helen kay Frank habang ngumiti siya sa kanya at kindat. “Kung tama ang kutob ko, mukhang sinayang to ng nanay mo.”“Ano?”Nanlaki ang mga mata ni Helen sa pagtataka, at lalo siyang nag-alala na baka talagang nabaliw na si Frank. Gayunpaman, tumingin si Frank sa paligid niya sa loob ng lote. “Gigibain ang lahat ng nakatayo sa lupa na'to sa susunod na dalawang linggo. Handa ang Zamri City Hall na magtayo ng highway sa lupang to.”“Alam mo ba kung anong ibig sabihin nun?” Ngumisi siya kay Helen, at tinapos ang sasabihin niya bago siya nakasagot. “Tataas ng sampung beses ang halaga ng loteng to! Hahaha… Talagang swinerte tayo, H
Napuno ng malamig na dismaya ang puso ni Helen nang tumayo siya sa dulo ng lote at inobserbahan ito. Hindi lang mga opisina—maging mga pabrika ay hindi praktikal na itayo rito sa layo ng lote mula sa main road!Kahit na may mga proyekto sa loob ng lugar, nagsimula nang tumabingi ang bawat isang block nito. May mga kamay din sa pader—malinaw na senyales ito ng pagguho “Frank… Limandaang milyon… Para sa lupang to! Talagang nalugi tayo rito.” Malungkot na bumuntong-hininga si Helen—sa pananaw niya, walang kwenta ang lupang ito!Wala ring laman ang mga proyekto, at karamihan ng mga unit ay bakante. “Pero malay mo lang.” Ngumiti si Frank at nagpunta sa mga proyekto bago nakakilos si Helen. Hindi sila masyadong nakalayo nang nakita nila ang isang grupo ng mga sigang nagtitipon nang sama-sama habang naglalaro ng poker sa sira-sirang lobby. Mukhang mga bata pa sila ngunit kakaiba ang pananamit nila. Ang isa sa kanila, na nakaharap sa pintuan, ay nakita sina Helen at Frank na puma
Nag-aalala talaga si Gina na baka magbago ang isip ni Frank at mauwi sa wala ang pambobola niya sa nagdaang kalahating oras. Gayunpaman, halatang wala siyang dapat ipag-alala dahil wala talagang anjalam si Frank sa limandaang milyon. Ang totoo, tinawagan niya kaagad si Trevor Zurich para sabihan siyang ipadala ang pera sa account ni Gina at pirmahan ang pangalan niya sa kasunduan. Nakasimangot si Helen nang natapos siya habang nakangiti naman si Gina. “Oh, Frank,” sabi niya. “Bakit di ka manatili rito ngayong gabi? Ililibre ko kayo ni Helen ng hapunan.”“Di na kailangan,” mahinang sagot ni Frank habang umiiling. “Bibisitahin ko ang lupa at titignan ko kung meron akong mapaggagamitan rito, para hindi ako mawalan masyado ng pera.”Sinsero ang sagot ni Frank, kasabay ng pagdating ng notification kay Gina mula sa bangko. Nakahinga nang maluwag si Gina nang makita iyon at kaagad na nabawasan ang sigla niya. As ng totoo, nakahiga na siya sa kama at pumikit. “Sige, hindi na kita
“Hindi interesado si Frank.”Tumayo kaagad si Helen sa pagitan nila Gina at Frank habang nakatitig nang maigi sa nanay niya nang sumigaw siya, “Alam ko kung anong binabalak mo g gawin, pero ikaw ang nagdala sa sarili mo sa sitwasyong ito, kaya akuin mo yan. Wag mong isiping idamay si Frank sa problema mo!”“Bakit ba palagi kang kumakampi sa iba?!” Sigaw ni Gina sa kanya sa inis. “Mamamatay ako kung hindi ko maibebenta ang lupang iyon! Hindi ba dapat may gagawin si Frank kung gusto niyang pakasalan ang anak ko?!”“Binigyan ka ni Frank ng ruby, pero nawala mo yun!” Sagot ni Helen na nagbanggit ng dating hinanakit dahil ayaw niyang guluhin ng pamilya niya si Frank. “Yun… Iba yun!” Sagot ni Gina, na halatang walang kumpyansa, ngumiti di nagtagal ay nagmatigas at sumigaw, “Nawala namin ang ruby, pero nakaraan na yun! Anak kita, at iba na ang posisyon mo ngayong kontrolado mo na ang Lane Holdings at ang Lanecorp. Hindi lang yun, meron ka lang magarang farm resort na kumikita ng milyones
“Tama!”Hinampas ni Gina ang noo niya pagkatapos marinig ang suhestyon ni Cindy at napasigaw sa realisasyon, “Bakit di ko naisip yan? Ang talino mo talaga, Cindy!”“Sigurado yan, pero…”Suminghal si Candy, sabay sandaling lumingon kay Helen habang nakasimangot. “May hindi nakakakita roon.”Alam ni Helen na siya ang ibig sabihin ni Cindy pero hindi siya bumaba sa lebel nila, at seryosong nagsabi, “Hindi gagana yan. Magiging matalino ang kahit na sinong may ganito kalaking halaga ng pera—hindi magiging kaakit-akit ang lupang iyon kahit bilang pain.”Malamig na tumawa si Cindy, hindi siya nabahala na gumagawa siya ng gulo. “Oh, sinasabi mo bang hindi matalino si Tita Gina? Palihim ang pang-iinsulto mo!”Sumama ang mukha ni Gina—kahit na nagkamali siyang paniwalaan si Peter, nainis pa rin siya na iinsultuhin siya ng anak niya nang ganito. “Hindi iyon ng ibig kong sabihin, Ma…”Bumuntong-hininga si Helen at umiling dahil wala na siyang lakas para ipaliwanag pa ang sarili niya. “Bah
Walang naisagot si Gina sa sagot ni Helen at bumangon mula sa kama para tumakbo papunta sa pader at iuntog ang ulo niya rito habang sumisigaw. “Oh, Helen! Pasensya na talaga… Wala akong ibang pagpipilian… Magpapakamatay na lang ako para makabawi sa'yo—”Sa ilang untog lang, tumulo na ang dugo mula sa benda niya. Gayunpaman, nahawakan siya ni Helen at sumigaw, “Tigil! Hindi ako makakapagbayad kapag namatay ka rito! Mag-isip ka ng paraan para mabawi ang pera! Tawagan mo si Peter at sabihan mo siyang pumunta rito ngayon din!”“S-Sige…” Dinampot ni Gina ang phone niya at mabilis na tinawagan ang numero ni Peter, ngunit binaba ito ni Peter pagkatapos itong tumunog nang kaunti. “Ano? Anong nangyayari?” Gulat na sabi ni Gina. Kasabay nito, lumingon si Helen kay Frank—hindi kaya nakuha na ni Kit Jameson si Peter?“Tatawagan ko siya.” Lumapit si Frank kay Gina, kinuha ang numero ni Peter mula sa kanya, at tumawag. Sumagot si Peter pagkatapos ng dalawang ring nang may kalmadong tono.
Pagkatapos murahin sandali ng lahat si Peter, binalik ni Helen ang usapan. “Ma, paano ka nasaktan?”Umiling si Cindy at mahinang nagsabi, “Hindi mahanap ni Tita Gina si Peter o si Larry, kaya nagpunta siya sa Zomber Group para bawiin ang pera niya. Tumanggi sila dahil pumirma siya sa kasunduan, kaya nakipagtalo siya. Pagkatapos, medyo nagkapisikalan sila at nauntog siya sa pader.”“Ma… Talagang ang laki ng pagkakamali mo ngayon!” Bumuntong-hininga si Helen dahil alam niyang hindi lang si Gina ang may kasalanan dito. Masyado lang talagang masama ang anak niyang lalaki, na niloko pa ang sarili niyang nanay at pagkatapos ay ginawa rin iyon sa ate niya. Binenta pa nga niya ang sarili niyang ate para sa pera. Masasabi ngang hindi lang siya walanghiya, napakasama pa niya. Kumunot ang noo ni Helen. “Kalma ka lang, Ma. Sabihin mo lang sa'kin—magkano ang nawala sa'yo? Titignan ko kung kaya kitang matulungang bayaran ito.”Binuksan ni Gina ang bibig niya, ngunit lumingon siya kay Cindy
“Oh? Helen, nandito ka na pala!” Sigaw ni Cindy Zonda habang pumasok siya sa ward ni Gina sa sandaling iyon, at bumuntong-hininga siya nang nakita niya si Helen. “Kailangan mo na talagang tulungan si Tita Gina ngayon.” “Ano yun?” Tanong ni Helen kahit na naiinip na siya. “Ano nang magsasabi sa kanya,” sabi ni Gina. Biglang naglaho ang galit niya habang sinubukan niyang umiyak, ngunit hindi niya ito magawa. “Oh, Helen… Patawad talaga!” sigaw niya at mukhang handa nang iuntog ang ulo niya sa pader, pero pinigilan siya ni Helen. “Anong nangyayari, Mama?” Takang-taka si Helen—anong problema na naman ang dinala ni Gina sa kanya?!“Helen, kilala mo ba si Larry Jameson? Isa sa Three Bears ng Zamri?” Tanong ni Cindy sa sandaling iyon. “Larry Jameson?” Napatalon ang puso ni Helen sa pangalang iyon. “Oo. Bakit?”“Bumalik kasi si Peter sa Riverton ilang araw ang nakaraan at dumiretso siya sa'kin, sabi niya may seryosong business deal siya para sa'kin…” huminto si Gina nang humihikbi.
Ang masaklap pa roon, parte nito ang kapatid ni Larry!Bumuntong-hininga si Helen. “Wala lang si Larry kumpara sa kapatid niya—ang lalaking iyon ang tunay na puso ng Zomber Group na nagtatago sa dilim. Siya ang nagplanong gamitin ka, dahil sinabi niya yun sa'kin!”Napaluhod si Peter at nanigas. Kapag nalaman ng kapatid ni Larry kung sinong pumatay kay Larry, tiyak na madudurog ang isang kagaya niyang hindi pinoprotektahan at hindi mahalaga!“A-Anong dapat kong gawin?! Helen… Frank! Pakiusap, kailangan niyo kong tulungan!”Pinagpatong ni Frank ang mga braso niya sa dibdib niya at suminghal, nang halatang hindi siya interesadong masangkot dito. “Hahayaan ko sanang mabuhay si Larry, pero nagpumilit kang patayin siya. Kailangan mo lang harapin ang kapalit nito ngayon.”“Tama si Frank. Harapin mo yan nang mag-isa,” malamig na pagsang-ayon ni Helen. “Sa tingin mo tutulungan pa rin kita pagkatapos mo kong ibenta, nang walang pakialam kung anong mangyayari sa Lanecorp o sa dangal ko?!”H