“Oh, Helen—ikaw naman eh.” Tumawa si Vicky habang lumapit siya at niyakap ang braso ni Frank. “Bahala na… Darling, binibiro lang kita. Halika, dadalhin kita sa labas.”“Vicky…” Mukhang naiinis si Frank, pero bilang isang lalaki, palihim siyang natuwa. Muntik na niyang masabing “Ang galing mo, Vicky”—pakiramdam niya ay nadagdagan ng ilang taon ang buhay niya nang makita pa lang niya ang magagandang dalagang ito. Kahit na ganun, naramdaman niyang may mali sa gitna ng tawanan. Habang tinakpan ni Helen ang mga mata niya, dapat ay gagabayan siya ni Vicky palabas ng kwarto, ngunit parang pabasa nang pabasa ang lapag sa kung anong dahilan. “Hahaha!” Tumawa si Vicky habang tinanggal niya ang tuwalya. "Eh?"Biglang napansin ni Frank na nasa gilid siya ng mainit na hot spring, at bago pa niya ito matignan nang maayos, sinipa siya ni Vicky!“Ano—”Naramdaman ni Frank na nabalot siya nang kung anong malambot at nanlaki ang mga mata niya habang tumawa nang malagim si Vicky. Hindi ni
Mas lalong naging aligaga si Helen pagkatapos maitalaga bilang head ng Lane family. Naglaho siya nang isang buong linggo habang nakipag-usap siyang muli kay Trevor Zurich. Kahit na ganun, bigla siyang nagpakita sa hilltop mansion ni Frank sa Skywater Bay isang araw. Hinila niya siya mula sa mesa at tinulak siya papasok ng kotse sa harapan. “Sasama ka sa'kin sa Zamri,” sabi niya habang pinaandar niya kaagad ang kotse, at nanood sina Winter Lawrence at ang iba pa sa pagtataka. “Sa Zamri? Bakit?” Tanong ni Frank, hindi pa siya masyadong nahihimasmasan. “Hihiramin kita kay Vicky,” sabi ni Helen, sabay nag-itsa sa kanya ng isang kasunduan at ballpen at nag-utos, “Ikaw ang magiging head of security ng Lane Holdings at ang personal bodyguard ko. Pumirma ka lang dito at pumayag sa kasunduan.”“Pumayag sa kasunduan?” Tumawa si Frank habang tinitigan niya ang mga gamit sa harapan niya. “Anong binabalak mo, mahal kong Ms. Lane? Pipirmahan ko ba ang sarili kong kamatayan rito, at pwede ba
Tumawa si Frank. “Ayan, Ms. Lane. Pinirmahan ko ang kontrata ng pang-aalipin mo.”“Wag kang magulo. Nagmamaneho ako!” Sigaw ni Helen, ngunit hindi niya napigilang mapangiti nang bahagya nang sinilip niya ang kasunduan. Pagkatapos ng higit dalawang oras ng pagmamaneho, nakarating sina Frank at Helen sa Zamri at dumiretso sa isang thirty-floor building. Pagkatapos niyang bumaba at iitsa ang mga susi niya sa isang security guard na naroon para salubungin siya, sa wakas ay pinaliwanag na ni Helen kung bakit niya siya dinala rito. “Isa itong billion dollar investment company na pagmamay-ari ng Lane family at ang pangunahing yaman nila. Bilang head ng pamilya, natural na kailangan kong mamuno, ngunit maraming board members ang nagsama-sama laban sa'kin, hindi sila pumapayag na makisama dahil isa akong mahinang babae.”“Isang mahinang babae?” Singhal ni Frank habang tinignan si Helen mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng isang business suit kung saan nakasilip ang parte ng collarbon
Tumingin si Kallum Gaetz sa board members na nakaupo sa paligid ng mesa at kalmadong ngumiti. Tinawag niya pa ang magandang sekretarya niya para sindihan ang tabako niya, pagkatapos ay bumuga ng malaking usok bago tumingala at tumawa. “Ano bang dapat nating ipag-alala? Isang babae at malayong kamag-anak ng Lane family… Iniisip niya bang pwede natin siyang maging boss dahil lang bigla siyang dumating? Sino ba siya sa tingin niya?”Pagkatapos ay dumilim ang ngiti niya. “Basta’t magtutulungan tayo, ano bang magagawa ng babaeng iyon sa'tin? Kailangan lang natin siyang kalabanin nang sama-sama, magprotesta at tumangging sumunod sa kahit na anong polisiyang gawin niya… Duda talaga akong tatagal siya nang isang buwan laban sa'tin. Sa huli, mapagtatanto niya ang katotohanan at babalik siya sa pinagmulan niya!”Tinaas ng ibang board member ang mga hinlalaki nila sa suhestiyon ni Kallum. Siya talaga ang boss dito!Kahit na ganun, tumayo ang isang nakasalaming lalaking mukhang medyo mahina a
Nang bumukas ang pinto ng elevator, lumabas sina Helen at Frank. Narinig ni Helen ang maingay na tawanan mula sa conference room, ngunit nanatili siyang walang pakialam habang kalmado at determinado siyang naglakad sa hallway at pumasok. Kaagad na nanahimik ang conference room. Habang sinundan ni Frank si Helen, nakita niyang nagulat ang board members sa kagandahan ni Helen, at narinig pa nga niya ang iba na napabulalas. Narinig nilang maganda ang bagong chairwoman, pero hindi sa ganitong lebel!Isang malamig na dalagang may perpektong mukha? Isa siyang pangarap na makuha ng kahit na sinong lalaki! Kung kaya't nakatitig ang mga mata nila kay Helen nang hindi makatingin palayo. Para naman kay Helen, hindi siya nagmukhang nainis sa nakakasulasok na amoy ng tabako sa kwarto, at sa halip ay naglakad siya papunta sa upuan ni Kallum habang dala ang isang tambak ng document folders. “Mr. Gaetz, tama? Wala bang nagsabi sa’yong yan ang upuan ng chairperson?”Tanong niya kay Kall
Tumingin si Kallum sa iba pang board members at hinubad ang sapatos niya para ilagay ang paa niya sa mesa, nang para bang nasa sarili niya siyang bahay. Suminghal siya, pagkatapos ay nagtanong, Ano? Paano mo kukumpiskahin ang shares ko, Ms. Lane? Akala mo ba matatakot ako sa mga banta mo? Sige, gawin mo—tignan nating kung kaya mo talagang gawin ang banta mo.”Kaagad ding sumali ang iba pang board members at ipinahayag ang pagtutol nila. “Malayong kamag-anak ka lang ng Lane family, Helen Lane! Matagal nang si Mr. Gaetz ang nasusunod dito—magpakita ka naman ng respeto!”“Oo nga. Sinusubukan ng isang babaeng kagaya mong mamuno sa'min? Talagang masyado kang bilib sa sarili mo!”“Nagyabang ka kaagad sa sandaling pumasok ka at inutusan mo si Kallum na ibigay ang upuan niya?! Tumayo ka lang diyan at manahimik ka!”“Pwede mo kaming ipagtimpla ng kape dahil wala ka namang ginagawa… At gusto ko dagdagan mo ng gatas.”Habang tumawa nang malakas ang board members, lumamig ang mga mata ni
Mabilis na sumang-ayon ang ibang board members kay Kallum. “Oo nga! Imposibleng susunod kami sa'yo!”“Naiintindihan kong bigla kaming nagkakaroon ng bagong lider… pero isang babae at isang miyembro ng Lane family? At hindi pa nga nakakapunta sa Zamri?”“Hindi ka lang tumangging magpakabait sa unang araw mo sa trabaho, pinagyayabang mo pa ang awtoridad mo… Ano yun, may bago ka pang patakaran sa conference room? Binibiro mo ba ako?”“Wala kang kakayahan, impluwensya, at koneksyon. Ano, magpapasok ka ba ng bagong kliyente sa'min gamit ng magandang mukha mo?”"Pfft… Hahaha…"Patuloy na ininsulto ng board members si Helen, habang may isang manyak pang minamata siya dahil sa kabataan at kagandahan niya. “Tapos na ba kayo?”Nanatiling walang pakialam si Helen habang pinanood niya sila. Matatag pa rin siyang nakatayo sa tabi ng meeting table nang tumigil sila sa kakatawa. Pagkatapos, prangka siyang nagsalita, “Ang Lane family ang nagpasyang ako ang mamumumo sa investment company na
Naningkit ang mga mata ni Kallum at ngumisi siya nang mabangis. “Hmph. Wag mong isiping kaya mo kaming takutin! Aalis? Sige—tignan natin kung paano mo patatakbuhin ang kumpanya nang mag-isa!”“Oo! Sasama kami sa'yo, Kallum!”“Tignan natin kung anong magagawa niya nang wala tayo!”“Luluhod ka at magmamakaawa!”Tumayo ang lahat ng board members na pinamunuan ng kanilang senior members. Tanging ang mapayat na si Owen Briggs ang nanatiling nakaupo. Gusto niya ring tumayo, pero natakot siya dahil napansin niya ang matalim na titig ni Helen. Lalo na't nasa delikadong posisyon ang accounting department niya, dahil sila ang may hawak sa lahat ng financial data at ledgers para sa kumpanya. At dahil matagal nang nililinis ni Owen ang kalat ng iba pang board members nang walang katapusan, mas mabuting mamatay na lang siya kung talagang nagsimulang magtanong si Helen. Gayunpaman, hindi ganun ang kaso para sa ibang board members. Lalo na't siguradong-sigurado sila na sysuko si Helen
"Hahaha…"Biglang tumawa nang malakas si Frank pagkatapos tumingin sa paligid, na nagpatulala sa mga papalapit na mga siga. “Anong problema?” Nag-aalalang lumingon si Helen kay Frank—nabaliw ba siya dahil gumastos siya ng limandaang milyon sa isang walang kwentang lote ng lupa?Habang lumitaw ang iba't-ibang posibilidad sa isipan niya, nakatitig na lang si Helen kay Frank habang ngumiti siya sa kanya at kindat. “Kung tama ang kutob ko, mukhang sinayang to ng nanay mo.”“Ano?”Nanlaki ang mga mata ni Helen sa pagtataka, at lalo siyang nag-alala na baka talagang nabaliw na si Frank. Gayunpaman, tumingin si Frank sa paligid niya sa loob ng lote. “Gigibain ang lahat ng nakatayo sa lupa na'to sa susunod na dalawang linggo. Handa ang Zamri City Hall na magtayo ng highway sa lupang to.”“Alam mo ba kung anong ibig sabihin nun?” Ngumisi siya kay Helen, at tinapos ang sasabihin niya bago siya nakasagot. “Tataas ng sampung beses ang halaga ng loteng to! Hahaha… Talagang swinerte tayo, H
Napuno ng malamig na dismaya ang puso ni Helen nang tumayo siya sa dulo ng lote at inobserbahan ito. Hindi lang mga opisina—maging mga pabrika ay hindi praktikal na itayo rito sa layo ng lote mula sa main road!Kahit na may mga proyekto sa loob ng lugar, nagsimula nang tumabingi ang bawat isang block nito. May mga kamay din sa pader—malinaw na senyales ito ng pagguho “Frank… Limandaang milyon… Para sa lupang to! Talagang nalugi tayo rito.” Malungkot na bumuntong-hininga si Helen—sa pananaw niya, walang kwenta ang lupang ito!Wala ring laman ang mga proyekto, at karamihan ng mga unit ay bakante. “Pero malay mo lang.” Ngumiti si Frank at nagpunta sa mga proyekto bago nakakilos si Helen. Hindi sila masyadong nakalayo nang nakita nila ang isang grupo ng mga sigang nagtitipon nang sama-sama habang naglalaro ng poker sa sira-sirang lobby. Mukhang mga bata pa sila ngunit kakaiba ang pananamit nila. Ang isa sa kanila, na nakaharap sa pintuan, ay nakita sina Helen at Frank na puma
Nag-aalala talaga si Gina na baka magbago ang isip ni Frank at mauwi sa wala ang pambobola niya sa nagdaang kalahating oras. Gayunpaman, halatang wala siyang dapat ipag-alala dahil wala talagang anjalam si Frank sa limandaang milyon. Ang totoo, tinawagan niya kaagad si Trevor Zurich para sabihan siyang ipadala ang pera sa account ni Gina at pirmahan ang pangalan niya sa kasunduan. Nakasimangot si Helen nang natapos siya habang nakangiti naman si Gina. “Oh, Frank,” sabi niya. “Bakit di ka manatili rito ngayong gabi? Ililibre ko kayo ni Helen ng hapunan.”“Di na kailangan,” mahinang sagot ni Frank habang umiiling. “Bibisitahin ko ang lupa at titignan ko kung meron akong mapaggagamitan rito, para hindi ako mawalan masyado ng pera.”Sinsero ang sagot ni Frank, kasabay ng pagdating ng notification kay Gina mula sa bangko. Nakahinga nang maluwag si Gina nang makita iyon at kaagad na nabawasan ang sigla niya. As ng totoo, nakahiga na siya sa kama at pumikit. “Sige, hindi na kita
“Hindi interesado si Frank.”Tumayo kaagad si Helen sa pagitan nila Gina at Frank habang nakatitig nang maigi sa nanay niya nang sumigaw siya, “Alam ko kung anong binabalak mo g gawin, pero ikaw ang nagdala sa sarili mo sa sitwasyong ito, kaya akuin mo yan. Wag mong isiping idamay si Frank sa problema mo!”“Bakit ba palagi kang kumakampi sa iba?!” Sigaw ni Gina sa kanya sa inis. “Mamamatay ako kung hindi ko maibebenta ang lupang iyon! Hindi ba dapat may gagawin si Frank kung gusto niyang pakasalan ang anak ko?!”“Binigyan ka ni Frank ng ruby, pero nawala mo yun!” Sagot ni Helen na nagbanggit ng dating hinanakit dahil ayaw niyang guluhin ng pamilya niya si Frank. “Yun… Iba yun!” Sagot ni Gina, na halatang walang kumpyansa, ngumiti di nagtagal ay nagmatigas at sumigaw, “Nawala namin ang ruby, pero nakaraan na yun! Anak kita, at iba na ang posisyon mo ngayong kontrolado mo na ang Lane Holdings at ang Lanecorp. Hindi lang yun, meron ka lang magarang farm resort na kumikita ng milyones
“Tama!”Hinampas ni Gina ang noo niya pagkatapos marinig ang suhestyon ni Cindy at napasigaw sa realisasyon, “Bakit di ko naisip yan? Ang talino mo talaga, Cindy!”“Sigurado yan, pero…”Suminghal si Candy, sabay sandaling lumingon kay Helen habang nakasimangot. “May hindi nakakakita roon.”Alam ni Helen na siya ang ibig sabihin ni Cindy pero hindi siya bumaba sa lebel nila, at seryosong nagsabi, “Hindi gagana yan. Magiging matalino ang kahit na sinong may ganito kalaking halaga ng pera—hindi magiging kaakit-akit ang lupang iyon kahit bilang pain.”Malamig na tumawa si Cindy, hindi siya nabahala na gumagawa siya ng gulo. “Oh, sinasabi mo bang hindi matalino si Tita Gina? Palihim ang pang-iinsulto mo!”Sumama ang mukha ni Gina—kahit na nagkamali siyang paniwalaan si Peter, nainis pa rin siya na iinsultuhin siya ng anak niya nang ganito. “Hindi iyon ng ibig kong sabihin, Ma…”Bumuntong-hininga si Helen at umiling dahil wala na siyang lakas para ipaliwanag pa ang sarili niya. “Bah
Walang naisagot si Gina sa sagot ni Helen at bumangon mula sa kama para tumakbo papunta sa pader at iuntog ang ulo niya rito habang sumisigaw. “Oh, Helen! Pasensya na talaga… Wala akong ibang pagpipilian… Magpapakamatay na lang ako para makabawi sa'yo—”Sa ilang untog lang, tumulo na ang dugo mula sa benda niya. Gayunpaman, nahawakan siya ni Helen at sumigaw, “Tigil! Hindi ako makakapagbayad kapag namatay ka rito! Mag-isip ka ng paraan para mabawi ang pera! Tawagan mo si Peter at sabihan mo siyang pumunta rito ngayon din!”“S-Sige…” Dinampot ni Gina ang phone niya at mabilis na tinawagan ang numero ni Peter, ngunit binaba ito ni Peter pagkatapos itong tumunog nang kaunti. “Ano? Anong nangyayari?” Gulat na sabi ni Gina. Kasabay nito, lumingon si Helen kay Frank—hindi kaya nakuha na ni Kit Jameson si Peter?“Tatawagan ko siya.” Lumapit si Frank kay Gina, kinuha ang numero ni Peter mula sa kanya, at tumawag. Sumagot si Peter pagkatapos ng dalawang ring nang may kalmadong tono.
Pagkatapos murahin sandali ng lahat si Peter, binalik ni Helen ang usapan. “Ma, paano ka nasaktan?”Umiling si Cindy at mahinang nagsabi, “Hindi mahanap ni Tita Gina si Peter o si Larry, kaya nagpunta siya sa Zomber Group para bawiin ang pera niya. Tumanggi sila dahil pumirma siya sa kasunduan, kaya nakipagtalo siya. Pagkatapos, medyo nagkapisikalan sila at nauntog siya sa pader.”“Ma… Talagang ang laki ng pagkakamali mo ngayon!” Bumuntong-hininga si Helen dahil alam niyang hindi lang si Gina ang may kasalanan dito. Masyado lang talagang masama ang anak niyang lalaki, na niloko pa ang sarili niyang nanay at pagkatapos ay ginawa rin iyon sa ate niya. Binenta pa nga niya ang sarili niyang ate para sa pera. Masasabi ngang hindi lang siya walanghiya, napakasama pa niya. Kumunot ang noo ni Helen. “Kalma ka lang, Ma. Sabihin mo lang sa'kin—magkano ang nawala sa'yo? Titignan ko kung kaya kitang matulungang bayaran ito.”Binuksan ni Gina ang bibig niya, ngunit lumingon siya kay Cindy
“Oh? Helen, nandito ka na pala!” Sigaw ni Cindy Zonda habang pumasok siya sa ward ni Gina sa sandaling iyon, at bumuntong-hininga siya nang nakita niya si Helen. “Kailangan mo na talagang tulungan si Tita Gina ngayon.” “Ano yun?” Tanong ni Helen kahit na naiinip na siya. “Ano nang magsasabi sa kanya,” sabi ni Gina. Biglang naglaho ang galit niya habang sinubukan niyang umiyak, ngunit hindi niya ito magawa. “Oh, Helen… Patawad talaga!” sigaw niya at mukhang handa nang iuntog ang ulo niya sa pader, pero pinigilan siya ni Helen. “Anong nangyayari, Mama?” Takang-taka si Helen—anong problema na naman ang dinala ni Gina sa kanya?!“Helen, kilala mo ba si Larry Jameson? Isa sa Three Bears ng Zamri?” Tanong ni Cindy sa sandaling iyon. “Larry Jameson?” Napatalon ang puso ni Helen sa pangalang iyon. “Oo. Bakit?”“Bumalik kasi si Peter sa Riverton ilang araw ang nakaraan at dumiretso siya sa'kin, sabi niya may seryosong business deal siya para sa'kin…” huminto si Gina nang humihikbi.
Ang masaklap pa roon, parte nito ang kapatid ni Larry!Bumuntong-hininga si Helen. “Wala lang si Larry kumpara sa kapatid niya—ang lalaking iyon ang tunay na puso ng Zomber Group na nagtatago sa dilim. Siya ang nagplanong gamitin ka, dahil sinabi niya yun sa'kin!”Napaluhod si Peter at nanigas. Kapag nalaman ng kapatid ni Larry kung sinong pumatay kay Larry, tiyak na madudurog ang isang kagaya niyang hindi pinoprotektahan at hindi mahalaga!“A-Anong dapat kong gawin?! Helen… Frank! Pakiusap, kailangan niyo kong tulungan!”Pinagpatong ni Frank ang mga braso niya sa dibdib niya at suminghal, nang halatang hindi siya interesadong masangkot dito. “Hahayaan ko sanang mabuhay si Larry, pero nagpumilit kang patayin siya. Kailangan mo lang harapin ang kapalit nito ngayon.”“Tama si Frank. Harapin mo yan nang mag-isa,” malamig na pagsang-ayon ni Helen. “Sa tingin mo tutulungan pa rin kita pagkatapos mo kong ibenta, nang walang pakialam kung anong mangyayari sa Lanecorp o sa dangal ko?!”H