Share

The Girl He Silently Admires From A Distant
The Girl He Silently Admires From A Distant
Author: Kyssia Mae Tagalog

1: Bullied

She's Hailey. Rich in name but poor in reality. She hated her name because of all names why does it have to be Hailey? She's bullied due to that hilarious name and even she, looked down herself. She's not suitable for this name like what others said. Ano ba kasi ang naisip ng ina niya para ipangalan sa kaniya ang nakakaaya-ayang pangalan na ito?

"Hailey, anak..." Tawag sa kaniya ng ina. Linggo ngayon at wala siyang pasok. Napabuga siya ng marahas na hininga. Kasabay ng pagbaba niya sa kaniyang kama na may mabibigat na yapak patungo sa sala.

"Ma, naman! Ilang beses ko ba dapat sabihin sa'yo sa huwag mo akong tawagin sa pangalan na iyan?" Sigaw niya at napapikit siya sa pagkakabuwesit.

Nagulat ang kaniyang ina sa kakaibang niyang inasta. "A-Anak? Ano ba ang nangyari at ganiyan ka makapagsalita? Ano bang meron sa pangalan mo, eh ang ganda nga niyan? Hailey."

Bigla ay nakakaramdam ng pagkakakonsensya si Hailey sa kaniyang inasal. Na realize niyang hindi niya dapat iyon ginawa dahil labas naman ang kaniyang ina sa naging karanasan niya sa eskwelahan. "Pasensya na, mama. Nadala lang ako sa script na inaaral ko sa arts na ipi-presenta namin bukas." Pag-sisinungaling niya.

Ang kaninang kaba at nabubuhay na galit sa puso ng ina ay natuppog at napalitan ng kaluwalhatian sa naging excuse ng anak. Napapapalakpak pa ito. "Ano ka ba naman, anak. Dapat sinabi mo sa'kin na foreplay lang pala iyon para naman maihanda ko ang sarili ko. Ginulat mo ko do'n ah!"

Peke na lamang na napapatawa si Hailey, "Gano'n po ba, ma? Kamusta naman po ang acting ko? Pasado ba sa inyo?" Sige lang Hailey at magsinungaling ka pa, tingnan natin kung hindi magiging abo iyang kaluluwa mo sa impyerno kakagawa mo ng kasinungalingan. Tahimik na sambit niya sa likod ng kaniyang isipan.

"Super, anak! Eh, hindi ko nga inakala na acting mo lang 'yun eh! Mukha kasing makarealidad. Good job anak ko!" Nilapitan siya nito at niyakap. Walang nagawa si Hailey kundi ang yakapin pabalik ang kaniyang ina. "Mas lalo mo pang pagbutihin anak, ha? Alam mo namang tayo lang dalawa ang magkaabay sa buhay. Alam kong mahirap, pero ipangako mo sa'kin na hindi ka susuko sa pagsungkit ng pangarap mo, okay?" Marahan at may pagmamahal na sambit ng kaniyang ina sa kaniya na dahilan kung bakit nangilid ang luha sa kaniyang mga mata.

"Opo, ma."

---

Ang pangalan ng ina niya ay Heather. Lakas din maka sosyal ng ina ng mama niya kaya hindi niya rin masisisi ang mama niya na pangalanan siya ng maganda. Lalo na't hindi lang simple ang ganda niya at ang lahi na nakuha niya.

Yes, ang ama niya ay isang British. May dugo rin siyang British. Pero hindi nila kasama ang ama niya ngayon dahil may iba din itong pamilya at kasalukoyang namumuhay sa ibang bansa. Ang masaklap pa roon ay hindi siya kilala ng kaniyang ama, o kahit siya ay hindi kilala ito. Tanging kuwento lang ng kaniyang ina ang baon niya to sustain her curiousity mula no'ng nagkaisip siya. Ang trabaho naman ng kaniyang ina ay isang club dancer. Kahit gano'n man ang trabaho ng kaniyang ina ay hindi niya ito ikinakahiya at mas minahal pa niya lalo ito. Swerte nga siya at hindi siya nito inabandona at inalagaan siya hanggang sa lumaki. Hindi gaya ng iba na kauri ng kaniyang ina ay tinatapon ang anak sa pagkakamali para maligtas lang ang trabaho at ang mga mukha nila. Mahirap magpalaki ng anak, lalo na't nagiisa ka. At gusto ni Hailey na masuklian niya ang kaniyang ina sa lahat ng sakripisyo nito.

Maganda si Hailey. Ang kaniyang balat ay natural na krema at ang kaniyang buhok ay natural din na kulay bronze, wavy at may pagkamahaba. Kahit hindi siya mag make up ay maganda pa rin siya. Matangkad at may saktong pangangatawan.

Subalit, sa kabila ng kaniyang kagandahan ay nabu-bully pa rin siya ng mga kaklase niyang may allergy sa mahihirap. Papaano ba kasi at laki lang siya sa scholarship ng school kaya siya nakapag-aral sa prehistisyusong unibersidad.

Kahit anong tapang niya ay wala pa rin talaga sa mga ito iyon. Ang masaklap pa ay, siya pa ang nadedehado, siya rin ang nadidiin sa kasalanan na hindi niya naman pinasisismunoan.

Kaya niya talaga hate ang mga mayayaman. Masyado itong mga matapobre sa mga kauri niyang hindi pobre. Akala mo naman kasi na madadala nila ang yaman nila hanggang sa hukay.

---

"Hey, nerdy lewd stuff beauty!" Papasok pa lang siya sa kaniyang classroom nang sumalubong naman sa kaniya ang Tres Maria ng section A education II ng second building.

Yumuko siya at inayos ang pagkaka-kabit ng kaniyang glasses. Yes, she's wearing an eyeglasses. May deperensya siya sa mata kaya kinakailangan niya ng glasses upang makakakita ng malinaw.

"Hey, why aren't you looking at us? Are you a coward, huh?!" Nilapitan siya ng isang babase na may matuwid at maitim na buhok. Maganda ito at may pagka foreigner. Ito ang leader ng cheering squad sa unibersidad at mismong secretary ng SSC.

Tikom niya ang kaniyang bibig at pilit na lumihis ng daan. Pero naghahanap talaga ng gulo ang tatlo at sinadya siyang harangan. Maaga pa kaya walang masyadong tao. Pero kahit may maraming tao, ang mga tao naman ay walang pakealam sa mga ginagawa ng mga ito sa kaniya.

"May lakas ka na ng loob para suwayin kami, ha?" Wika ng isa at sinampal siya ng walang preno. Napasinghap siya, lalo na nang tumilapon ang kaniyang glasses. "Hindi ba't sinabi namin sa'yo na ipasa mo sa'min ang answers sa test matapos mong sumagot?!" Dagdag nito. Kahit naiiyak siya ay hindi siya umiyak. Ayaw niya magmukhang hangal at katawa-tawa sa harapan ng mga ito. Bagkus ay inabala niya ang kaniyang sarili na hanapin ang eyeglasses niya.

"Seriously?! You're ignoring us?!" Hirit ng isa at hinablot siya sa buhok kaya siya napapatayo at napapahiyaw.

"A-Aray!" Hinawakan niya ang braso ng may hawak sa kaniya ngayon at pilit na inilalayo. Pero sa higpit ng pagkakahawak no'n ay malabong magagawa niyang ilayo iyon.

"Ano bang meron ka, Hailey? Matalino ka lang, pero mahirap ka! Mayamanin nga ang pangalan mo, pero saksakan ka pa rin ng hirap! Hindi ka yayaman sa katalinohan mo, tandaan mo 'yan!" At saka siya walang awa na tinulak ng marahas. Kaya siya napasalampak sa malamig na tiles ng sahig. May nakapa pa siya na parang matikain at do'n niya lang napagtanto na mantika nga na may harina ang kaniyang nauupoan. Hindi man niya malinaw na nakikita, alam niya sa senses niya 'yun. "Once born poor, you'll die poor! Kahit anong kayud mo sa buhay, you will not be rich!"

'Thud!'

"Diyan ka bagay! Sa harina na may mantika. Atleast, magmukha kang kwek-kwek na kagaya ng tinitinda ng nanay mo!" Panglalait pa ng isa at tinawanan pa ng dalawa.

"Hahahaha!"

Sa pagkakataon pa na iyon ay nagsidatingan na ang iba pa nilang schoolmates at pinagtitinginan lang siya ng mga ito, wala man lang nag abala na tumulong sa kaniya. Bagkus ay pinagtawanan pa siya at kinuhanan ng pictures at inupload sa social media with a hashtag, #kwekkwek na anak ng isang prosti ang ferson.

Ayaw man niyang umiyak ay napapaiyak pa rin siya, sobra-sobra na ang kahihiyan na idinawit ng mga ito sa kaniya at kahit siya ay hindi man lang niya magawang tulongan ang sarili niya.

"K-Kung sinasabi niyong hindi ako yayaman sa talino, bakit pa kayo nagabala na lumapit sa'kin at takutin ako?" Makahulogan niyang tanong sa pinatigas na boses.

Natahimik ang tatlonat pati na rin ang mga nakikinood. Umangat ang kilay ni Vanessa, ang secretary ng SSC. "Who are you to question us that? Ano bang pakealam mo?"

Kunwari ay natawa si Hailey sa pabalang nitong sagot sa katanungan niya. "Sabagay, Miss Vanessa, naging mayamanin ka naman sa pagiging bobo mo. Galingan mo nalang para mas maging mayaman ka pa, ayus ba? Tiyaka, huwag kang magalala, o will not bother to question you guys once na tatantanan niyo na rin ako." Sagad sa kaniyang boto ang mga panglalait ng mga ito, at hindi na niya kayang magtiis pa sa ganitong estado kung hahayaan niyang tatapaktapakan siya nito lagi.

Ang mala-victorious na mukha ng tatlo ay nagusot at tila na insulto niya ito ng bongga. "Y-you! Ang lakas ng loob mong--"

Napapikit si Hailey ng mariin nang maramdaman niyang sasampalin siya ni Vanessa at sasaktan pa ng dalawa nitong alepores. Napapahigpit ang kapit niya sa sahig at inihahanda ang sarili na makatanggap ng pananakit sa mga ito nang...

"That's enough, Vanessa. Grace. Leah." May biglang nagsalita at pumagitna sa kanila. That deep baritone voice was unknown to her hearing at ngayon lang niya iyon narinig.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status