Chapter 6: Huwag kayong lumapit
HINDI namalayan ni Skylar na umalis na si Jeandric dahil sa lalim ng iniisip at naiwan sila ni Jaxon sa mahabang pasilyo.
Naninibago at kinakabahan si Skylar; mabilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung paano makitungo kay Jaxon. Nag-iisip si Skylar kung magsasalita siya para basagin ang katahimikan pero bigla nang naglakad palayo si Jaxon.
“Jaxon...” Agad niyang hinawakan ang kamay nito. Mainit iyon, hindi tulad ng malamig at walang emosyon na ekspresyon ng mukha nito.
“Sa nangyari ngayong gabi... Salamat... Maraming salamat...” Nauutal ang boses niya habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ng lalaki.
Hindi sumagot si Jaxon. Tila hindi niya narinig ang sinabi ni Skylar. Nakatitig lang ito sa kamay ng babae, tila naguguluhan.
Dahil doon, inakala ni Skylar na galit si Jaxon sa paghawak na ginawa niya. Agad niya itong binitiwan at yumuko para humingi ng paumanhin. “S-Sorry, Jaxon.”
Nang bitiwan niya ang kamay nito, bahagyang gumalaw ang kamay ni Jaxon at parang hahabulin ang kamay niya ngunit agad nitong nahuli ang sarili. Sa inis, sumigaw ito kay Skylar.
“Go away!”
Nanginig si Skylar sa sigaw nito kaya agad siyang napapikit. Nang muli siyang dumilat, malayo na si Jaxon. Malalaki ang mga hakbang nito papalayo kasama ang mga bodyguard.
Nanatili si Skylar sa kinatatayuan, gulong-gulo ang isip. May kurot sa puso niya habang pinapanood ang papalayong si Jaxon. Napangiti siya ng mapait.
“Bakit pa ako naniwala kay Jeandric? Kung talagang may pakialam ka pa sa akin, paano mo ako nagagawang itaboy nang ganito?”
---
PAGLABAS ni Jaxon sa Bright Lights Club, binuksan agad ng isa sa mga tauhan ang pinto ng sasakyan. Tahimik siyang sumakay habang si Wallace naman ang nagmaneho. Sa rearview mirror, napansin ni Wallace ang malamlam na titig ni Jaxon sa pintuan ng club. Nakaigting ang panga, parang galit pa rin.
Nakakatakot ang ekspresyon ni Jaxon. Ngayon lang nakita ni Wallace ang ganoong pagkakainis ng boss. Agad nitong pinaandar ang sasakyan.
Habang umaandar ang sasakyan, natanaw ni Jaxon si Skylar na tulala at nakatitig sa kawalan. Binawi agad ni Jaxon ang tingin at malamig na tinanong si Wallace, “Who's that old man?”
“Old man, Sir?” Nalito si Wallace.
Napakunot ang noo ni Jaxon at inis na nagsalita, “Her blind date, damn it!”
Doon lang naintindihan ni Wallace na ang tinutukoy nito ay si Mr. Lapuz. “Ah, si Mr. Lapuz, Sir. Negosyante siya ng mga toilet cleaning appliances, may mahigit limang bilyon ang assets.”
“Five billion, huh,” malamig na sabi ni Jaxon. “In ten days, I don't wanna see his company in this industry. Make sure to block all his possible connections.”
“Yes, Sir Jaxon.”
“Anyway, do you know the person who slapped her yesterday?”
“Sir, natuklasan na po. Ang boss ni Miss Skylar Aquino mismo ang gumawa noon,” sagot ni Wallace.
“Make him pay the price.”
“Sir, puputulin ba ang kamay?” tanong ni Wallace, napapalunok ng laway sa kaba.
“Cut off his hands?” Matalim na tingin ang ibinigay ni Jaxon. “Who am I? Jeandric?”
“Sorry, Sir.”
“Ruin their business. Make their businesses declare bankruptcy. You know what to do, Wallace.”
“Y-Yes, Sir.”
---
HINDI na umuwi si Skylar matapos ang gulong nangyari. Takot siya na bugbugin ng ama niyang si Lito kaya nagpasya siyang pumunta sa ospital para alagaan ang kapatid niya. Habang naghihintay ng sasakyan, biglang may humintong isang itim na van sa harap niya.
Mula sa sasakyan ay lumabas ang mga matitipunong lalaki at lumapit kay Skylar. Sinubukan niyang tumakbo pero agad siyang nahuli at naisakay sa van.
“Ahhh!” sigaw niya, nanginginig sa takot. “Tulong—!”
Naputol ang sigaw niya nang takpan ang bibig niya at hatakin papaloob ng van. Nanginginig ang buong katawan ni Skylar. Ang mga lalaking kumuha sa kanya ay may mga tattoo, mukhang mga taong hindi gagawa ng mabuti. Natatakot siya!
“S-Sino kayo? Hindi ko kayo kilala! Baka maling tao ang nakuha n’yo!”
Lumapit ang isang lalaking balbas-sarado, tinitigan si Skylar mula ulo hanggang paa at saka nagsalita. “Hindi kami nagkamali, Miss. Ikaw ang babaeng ibinenta ni Lito sa boss namin—si Skylar Aquino.”
“Ano sinasabi mo?! Ibinenta niya ako sa boss n'yo?!” Mas lalong tumahip ang dibdíb ni Skylar sa takot.
Ngumisi ang lalaki kay Skylar, inilapit ang bibig sa tainga niya at malaswàng bumulong habang natatawa, “Maganda ang boses mo, ah? Pero mas maganda siguro kapag umuungól ka, ‘no.”
Sinimulan siyang hawakan ng lalaki pero umiiwas siya. “Babayaran ko kayo! Triple sa presyo na binayad ng papa ko! Huwag n'yo akong saktan, please!”
“Triple?” Tumawa ang lalaking balbas-sarado habang nakatingin sa kanya, napapailing. “Ang yabang mo, ha? Talagang kaya mo? Alam mo ba kung magkano ang utang sa sugal ng tatay mo sa boss ko?”
Umiling si Skylar. Itinaas ng balbas-sarado ang dalawang daliri at ginalaw sa harap niya, “Two million bawat laro. Ang tatlong beses na talo niya ay anim na milyon. Mayroon ka ba n'on?”
Nanlaki ang mata ni Skylar. Hindi na nga umabot ng one hundred thousand ang lahat ng cash at ipon niya, paano pa kaya ang anim na milyon?
Nakita ng balbas-sarado ang gulat na reaksyon ni Skylar at hinamak siya ng nakangisi, “Sa itsura mong iyan, malabo kang magkaroon ng anim na milyon. Kaya mas mabuti pa, sumama ka na lang sa nightclub. Mag-entertain ka ng mga customer. Malay mo, may dumating na isang sugar daddy. Kung magustuhan ka, baka makuha mo agad ang pambayad para sa utang.”
Dadalhin siya sa nightclub para kumuha ng customers?
Nablangko si Skylar sa narinig. Natakot siya nang husto at nawala sa isip ang dapat gawin. Agad siyang nagsalita at nagmakaawa. Baka madaan sa awa at pakawalan siya.
“Parang awa n'yo na po... Huwag n’yo akong idaan sa ganito. Promise, gagawa ako ng paraan para bayaran ang utang ng papa ko. Huwag niyo lang akong ipadala sa nightclub, please...”
Punong-puno ng takot ang mga mata ni Skylar at nanginginig ang kanyang boses habang umiiyak. Alam niyang hindi niya kayang ibenta ang sarili para lang mabayaran ang utang ng kanyang ama.
Tinitigan siya ng lalaki mula ulo hanggang paa na may kung ano sa ngisi nito. “Ang ganda mo talaga. Alam mo, gusto ko talagang palayain ka pero ayaw pumayag ng boss ko. Kaya ganito na lang, sumama ka sa amin. Kung masaya kami sa serbisyo mo, baka i-refer ka namin sa mga mayayamang customer para makaipon ka kaagad ng pambayad. Ano, deal?”
Natulala si Skylar. Ibig sabihin, siya na ang sunod na magiging biktima nila. Agad siyang umatras at niyakap ang sarili sa takot.
Ano na ang gagawin niya? Sarado ang pinto ng sasakyan kaya hindi siya makakatalon palabas. Wala rin siyang cellphone dahil hinablot agad ang bag na dala niya ng mga taong ‘to. Wala siyang lakas laban sa mga lalaking ito. Nagagalit siya sa sarili dahil hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili.
Tama ang sinabi ni Jaxon noon. Kung wala ang proteksyon nito, para siyang puppet na madaling kontrolin ng iba. Wala siyang kakayahang ipagtanggol ang sarili kahit kaunti.
“Ang ganda mo talaga. O teka, huwag kang umatras. Sumunod ka na lang sa gusto namin. Papayag ka rin naman, e,” sabi ng mga lalaki habang dahan-dahang papalapit kay Skylar na panay naman ang atras.
“Huwag kayong lalapit! Ahh—”
*
Chapter 7: First day"‘HUWAG kayong lumapit sa akin—’Biglang tumayo sa pagkakaupo si Skylar, pinagsiklop ang kanyang mga kamao at gumawa ng kilos na parang aatake sa mga lalaking lalapit sa kanya. Sumigaw siya ng malakas, "Kahit mamatay ako, hindi ko hahayaang magtagumpay kayo sa balak n'yo!"Pagkatapos niyang sabihin iyon, ginamit niya ang lahat ng lakas niya para buksan ang pinto ng sasakyan nang malakas. Kaysa maabuso ng mga nakakadiring lalaking ito, mas mabuti pang wakasan niya ang lahat! Mamàtay na kung mamamàtay! Dahil sa gulong likha ni Skylar, nagkagulo sa loob ng sasakyan, naging baliko ang pagmamaneho ng kotse kaya nauntog siya sa matigas na bintana ng sasakyan. Nahilo siya at pakiramdam niya ay may mainit na likido na dumadaloy sa kanyang noo. Hinipo niya ito at nang makita ang kanyang kamay, puno ito ng dugo."Hoy, bigote, ayusin mo! Huwag mong hayaang mamatay siya."Naging maingay bigla ang loob ng sasakyan. Sa sobrang hilo, parang nakikita ni Skylar ang mga anyo ng mg
Chapter 8: You're disgustingYUMUKO si Jaxon at hinalîkan ang labi ni Skylar na naamoy niya agad ang matapang na amoy ng alak. Kasabay nito, ang malaki nitong kamay ay humawak sa kanyang dibdîb...Nagulat si Skylar at agad na nagpumiglas. Pilit niyang itinulak si Jaxon habang mahigpit na tinatakpan ang kanyang dibdib. Sa takot, sumigaw siya, "Jaxon, huwag kang gumawa ng kalokohan!""Kalokohan 'to, Skylar?" malamig na tanong ni Jaxon habang pinisil ang pisngi niya at pilit na itinaas ang mukha niya para tumingin sa mga mata nito. "Hindi ba ito ang gusto mo? Hindi ba’t kaya ka nagtatrabaho sa lugar na ito ay para paglaruan at aliwin ang mga lalaki?""Jaxon, nagkakamali ka..." Hindi pa man natatapos ang paliwanag niya, bigla ulit siyang hinàlikan ni Jaxon. Kasabay nito, may narinig siyang tunog ng damit na napunit, at ramdam niya ang malamig na hangin sa kanyang dibdib. Mabilis niyang tinakpan ito ng kanyang mga kamay.Pero huli na. Hinawakan ni Jaxon ang balikat niya at itinulak siya na
Chapter 9: KapalitNARINIG ni Skylar ang bahagyang pangungutya at panunukso sa tono ni Jaxon. Napahiya siya at namula ang mukha.Oo nga naman, ano bang maibibigay niyang kapalit para tulungan siya nito? Si Jaxon ay mayaman at makapangyarihan, wala nang kulang sa buhay ng lalaki. Samantalang siya, isang mahina at kaawa-awang babae na paulit-ulit na ibinebenta ng sariling ama para mabayaran ang utang sa sugal. Ano nga bang maibibigay niya?Dahil dito, unti-unting nawala ang liwanag sa mga mata ni Skylar at ang kamay niyang mahigpit na nakakapit sa laylayan ng pantalon ni Jaxon ay kusang bumitaw.Sinubukan niyang tumayo at umalis pero hinuli siyang muli ni Jaxon at hinawakan nito ulit ang kanyang baba. "Sagutin mo ako, anong benefits ang maibibigay mo? Kung magustuhan ko ang alok mo tutulungan kita ulit."Napanganga si Skylar sa gulat at tumingin sa kanya nang may halong pag-aalala. Hindi siya makaisip ng anumang benepisyo na maibibigay niya. Sa huli, naglakas-loob siyang magtanong, "I
Chapter 10: Hindi nakakatakot ang kamàtayanHINDI UMUWI si Skylar at sa halip ay dumiretso siya sa ospital. Pagdating niya roon, nakita niyang gising pa ang kapatid niyang si Terra. Nakaupo ito sa tabi ng kama, nakatitig sa bintana na parang tulala. Ang maputlang mukha nito ay parang wala nang buhay. Nang makita ni Skylar ang kalagayan ng kanyang kapatid, hindi niya napigilan ang pag-agos ng luha mula sa mga mata. Pero pilit niyang pinigil ito para hindi makita ng kapatid ang kanyang lungkot. Dahil kung malulungkot siya, mas nasasaktan lang si Terra at baka isipin nito na nagiging pabigat na ito sa kanya. May sakit na si Terra kaya dapat niyang iwasan na palungkutin pa ang kalooban nito. Binuksan niya ang pinto at pumasok.Narinig ni Terra ang pagbukas ng pinto kaya agad itong lumingon. "Ate, nandito ka na?""Natakot akong malungkot ka rito kaya sinamahan kita," sagot ni Skylar habang naupo sa tabi ng kama at hinaplos ang ulo ng kapatid. "Kumusta ka? Masama ba ang pakiramdam mo ngay
Chapter 11: Jelly BeansSI SKYLAR ay nakaramdam ng init sa puso dahil ramdam niya ang pag-aalala ni Terra kaya't ngumiti siya rito at hinaplos ang buhok nito. "Huwag kang mag-alala, Terra. May tumulong na sa akin. Freelancer na ako ngayon at hindi na kailangan pang magtrabaho sa nightclub.""Totoo ba 'yan, Ate?" Ang mukha ni Terra ay biglang lumiwanag mula sa pagiging malungkot nito. "Sino ang tumulong sa 'yo? Si Kuya Jaxon ba? Bati na kayong dalawa?""H-Hindi siya," umiiling na sagot ni Skylar, medyo namutla ang kanyang mukha. Sana nga si Jaxon, para naman kahit papaano ay mapatunayan niyang may puwang siya sa puso nito. Pero hindi kasi si Jaxon ang tumulong sa kanya. "Sino? Bagong boyfriend mo ba?" tanong ni Terra na nanlalaki ang mga mata sa pag-uusisa. Sa labas ng pinto, si Jaxon na nagmamasid at nakikinig ay biglang nanliit ang malalim nitong mga mata nang marinig ang sinabi ni Skylar. Para hindi mabahala ang kapatid, nagsinungaling si Skylar dito. "Hindi niya ako natulungan t
Chapter 12: Contract"YOU DON'T have to know," sagot ni Jaxon at tumayo para umakyat sa kwarto sa itaas. Ngunit bago siya makapasok, huminto siya at tumingin kay Jeandric. Sa malamig na boses na puno ng utos, nagsalita si Jaxon. "In the future, without my permission, you are not allowed to help her again. Even if she is desperate and dying, you are not allowed to help her again. Otherwise, I will disown you as my brother."Natulala si Jeandric, tahimik na nakatingin sa likuran ni Jaxon na naglalakad palayo. Sa wakas, naibuka nito ang bibig para magtanong. "Bakit mo ginagawa 'to? Nasasaktan din siya sa nangyari kay Jelly Beans, Kuya. Hindi lang ikaw ang nasaktan."Hindi sumagot si Jaxon at nagpatuloy lang sa paglakad. Siya lang ang nakakaalam kung gaano kasakit ang kirot na bumabagabag sa kanyang puso. Walang alam si Jeandric kaya nasasabi nito iyon. Napabuntong-hininga si Jeandric. Hindi nito matiis ang nakikitang sitwasyon ng dalawa. It's been five years but they can't move forward
Chapter 13: Ilegal na pagpasok"OO. KASI wala akong pambayad sa 'yo ngayon, kaya gumawa ako ng ganyan..." sabi ni Skylar na halatang nahihiya. "Pero Jeandric, huwag kang mag-alala. Magtatrabaho ako nang mabuti para mabayaran kita."Nagkunwari si Jeandric na hindi narinig ang sinabi niya, tinitigan lang ang nakasulat na halaga sa kontrata at nagsalita. "Skylar, tinuruan ba ng PE teacher ang math mo? Isang anim na milyon lang naman ang utang mo, bakit nakasulat dito na seven million?"Namula si Skylar sa kahihiyan, yumuko, at kinakabahang hinawakan ang dulo ng damit niya. "Kasi... malapit nang maoperahan si Terra pero kulang pa kami ng halos isang milyon para sa hospital bill. Wala na akong ibang malapitan kaya gusto kong humiram pa sa'yo ng isang milyon..."Hindi inaasahan ni Jeandric na pupunta si Skylar para humiram ng pera kaya napakibit-balikat ito. Naalala bigla ang banta ni Jaxon dito. "Parang hindi yata puwede...""Bakit?" Napatingala si Skylar, halos maiyak na sa sobrang pag-aa
Chapter 14PAGKARINIG NG sinabi ni Skylar, mas lalong tumigas ang ekspresyon ni Jaxon. Lumapit siya, hinawakan ang payat na braso ni Skylar, at marahas itong hinila palabas ng kwarto. Napangiwi si Skylar at napaiyak sa sakit."Jaxon, huwag naman ganito. Pakinggan mo muna ako bago ka magdesisyon, pwede ba?" Alam ni Skylar na hindi magiging banayad ang pakikitungo sa kanya ni Jaxon kaya yumakap siya nang mahigpit sa suot nito at tumangging bumitaw.Walang pakialam si Jaxon sa mga sinasabi ni Skylar at mabilis niya itong hinila palabas. Dahil sa lakas ng paghila ni Jaxon, nawalan si Skylar ng balanse at nabangga ang ulo nito sa pinto."Aray—!" Napaluha si Skylar sa sakit at sinapo ang nasaktang ulo. Tumigil si Jaxon at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nanatiling mahigpit ang hawak niya at malamig ang boses nang magsalita. "What do you fúcking want, Skylar? Ilang beses na kitang binalaan na huwag ka nang magpakita sa harapan ko. Ano pang ginagawa mo rito? Do you want me to hurt you?
"Hmm?" Nag-angat ng tingin si Audrey mula sa strawberry platter, may 47-carat pink diamond ring sa bibig nito. "Alam kong bad mood ka lately, pero hindi naman kailangang gumastos ng ganito kalaki." Napakamahal ng dessert na ‘to, parang ang pera ng Lim family galing lang sa hangin."Maikli lang ang buhay, kaya dapat mag-enjoy habang kaya pa. Kakainin at iinumin ko na ang gusto ko habang buhay pa ako. Kung hindi, baka patayin ako ni Barbara at ng anak niya balang araw tapos ni hindi ko man lang naranasan ang masarap na pagkain," ani Audrey na parang walang pakialam, habang pinupunasan ang pink na diamond ring, inilagay nito iyon sa kahon ng alahas at iniabot kay Skylar. "Ano 'to?" Medyo kumunot ang noo ni Skylar, hindi niya maintindihan kung ano na naman ang trip ni Audrey. "Kunin mo. Ibigay mo kay Terra bilang regalo sa kanyang ika-18th birthday." Mabilis na tumanggi si Skylar, iniiling ang ulo. "Hindi, sobrang mahal nito. Hindi ko pwedeng tanggapin." Pinaningkitan siya ng mat
Chapter 35: Bati na ba tayo o hindiINAKALA ni Skylar na na si Audrey ay magpapakita ng ugaling isang nakatatandang kapatid at papagalitan si Barbara. Sasabihin nito na masyado si Barbara na makasarili at walang alam at ang ganitong ugali ay sisira sa magandang reputasyon ng kanilang negosyo. Pero hindi ni Skylar inaasahan na ang unang magsasalita ay ang matangkad na lalaki sa tabi niya. Si Jaxon. "Audrey, I want this store." Hindi ito tanong kundi utos. "Sige, aasikasuhin ko ang mga papeles para sa transfer mamaya." Isang luxury shop lang iyon. Hindi pipiliin ng Lim family na kalabanin si Jaxon dahil sa ganitong maliit na bagay. Halos maiyak si Barbara sa galit. Hindi lang tindahan ang nawala rito pati na rin dignidad nito. "Manager," malamig na sinabi ni Jaxon, kasabay ng bahagyang pag-angat ng labi nito. Takot na lumapit ang manager. "Mr. J-Jaxon, ano po ang kailangan ninyo?" Tiningnan ni Jaxon si Barbara nang malamig. "Tandaan mo ang mukha niya. Huwag na huwag mo siy
Tiningnan ng saleslady ang black card, bahagyang nanginig ang bibig nito at namula ang mukha sa kahihiyan. Napangiti si Skylar sa nakita at saka nagtanong. "Pwede mo na bang i-wrap ito para sa akin ngayon?" Nahihiya, tumango ang saleslady, nanginginig ang mga kamay habang kinukuha ang bracelet mula sa counter. Halos tumulo ang pawis nito sa noo sa kaba. Sa buong mundo, ang may hawak ng black card ay alinman sa mga sikat na personalidad o mga super wealthy people sa upper class. Alinman sa dalawa, hindi nito kayang bastusin o balewalain ang mga ito. Pero kanina, trinato nito nang masama ang may-ari ng black card na ito. Alam ng saleslady na literal na naghukay ito ng sarili nitong libingan. Habang nanginginig ang saleslady na kinukuha ang bracelet mula sa counter, pinilit nitong ngumiti at ipinaliwanag ang disenyo at craftsmanship ng bracelet kay Skylar, umaasa na makakabawi ito. Pero biglang sumulpot si Barbara. "Huwag mo nang pag-aksayahan ng oras ‘yan, akin na ang bracelet
Chapter 34: Kapatid sa labasBAHAGYANG tumaas ang kilay ni Audrey. "Alam mo bang si Barbara ang nagpakalat ng pekeng malaswang video mo?" Tumango si Skylar. "Oh..." Tinanggal ni Audrey ang sunglasses nito, tumingala sa langit at huminga nang malalim. Sa tiyak na tono, nagsalita ito. "Ibig sabihin, alam mo rin na ako ang nag-utos kay Jeandric na humanap ng scapegoat para sa kanya." Bahagyang tumango si Skylar. Kumunot ang noo ni Audrey at tumingin nang diretso sa mga mata ni Skylar. "Galit ka ba sa akin?" Umiling si Skylar. "Pinsan mo siya kaya natural lang na protektahan mo siya." Napangisi si Audrey at isinuot muli ang sunglasses. "Kung ako lang, gusto ko na ngang patayin siya." Nanlaki ang mga mata ni Skylar sa narinig dahil hindi niya inaaasahan iyon kay Audrey. Laging nakakaalalay si Audrey kay Barbara na parang babysitter na nga ito kaya ang malaman pala na may may galit pala si Audrey na sobrang lalim kay Barbara ay kagulat-gulat. Habang naglalakad si Audrey papa
"Gawin mo na lang ang inuutos ko. Ang dami mo pang sinasabi!" mariing sagot ni Jaxon na puno ng galit. Pagkatapos nito, agad niyang binaba ang tawag. Hindi naman niya gustong gawing komplikado ang lahat, pero ang problema, malinaw na ayaw ni Skylar magsalita tungkol sa nararamdaman nito. Kung gusto nitong magkwento, hindi sana ito umiiyak nang walang sinasabi. Mahimbing ang tulog ni Skylar, kaya hindi siya nagising kahit na nakarating na sila sa bahay. Dahan-dahang binuhat siya ni Jaxon papunta sa banyo. Tinanggal niya ang damit nitong amoy alak, hinugasan ang katawan niya gamit ang maligamgam na tubig at sabon, at pagkatapos ay inilagay siya sa kama at tinakpan ng kumot. Basa pa ang suot ni Jaxon habang nakaupo sa gilid ng kama. Pinagmasdan niya ang bahagyang namumulang pisngi ni Skylar. Unti-unting nawala ang lamig sa kanyang mga mata, at yumuko siya para halikan nang marahan ang noo nito. "Good night," mahinang sabi niya, puno ng lambing. Kinabukasan, paggising ni Skyla
Chapter 33: Hinala"THEN TAKE it off. Tingin mo sinong natatakot sa gagawin mo, Skylar?" Desidido si Skylar sa banta kaya inabot niya ang zipper ng damit sa likod ng leeg niya at hinila pababa. Kitang-kita ang makinis niyang balat nang unti-unting lumilitaw dahil sa paghuhubàd niya ng damit. "Siraulo ka ba?!" Agad na lumaki ang mga mata ni Jaxon sa galit at mabilis na lumapit para pigilan siya. Lalo namang nasaktan si Skylar dahil sa matalas nitong boses. Tumingala siya at tinitigan si Jaxon, tapos ay bigla siyang umiyak. "Baliw ka talaga, Jaxon! Bakit mo ako sinisigawan..." Ang boses niyang puno ng hinanakit ay parang dagok sa puso ni Jaxon. "Tumigil ka nga!" Sigaw ni Jaxon, lalo pang nagalit dahil umiiyak siya. Gusto nitong paluin si Skylar para maramdaman nito kung ano talaga ang pagiging masungit. Pero mas lalo pang lumakas ang iyak ni Skylar. Namumula na ang mga mata niya habang bumubulong. "Ayoko tumigil... Buhatin mo ako... gaya ng dati..." Parang bata si Skylar na
"Skylar, hindi dahil kinakampihan ko si Barbara. Sa totoo lang, mas mahalaga ka sa akin kaysa sa kanya. Pero limang taon na ang nakalipas, nangako ako kay Audrey na papakawalan si Barbara. Ayokong sirain ang pangako ko kay Audrey, kaya..." malungkot na sabi ni Jeandric."Ganoon na lang? Titiisin ko lahat ng sakit at lulunukin na lang ang lahat ng hirap?!" Galit na galit si Skylar. Kung ibang bagay lang ito, baka hindi na niya pinagtuunan ng pansin dahil pinsan ni Audrey si Barbara. Pero ang insidenteng ito ang sumira ng malaking bahagi ng buhay niya. Hindi lang niya natapos ang pag-aaral at nawalan ng tsansa na makahanap ng maayos na trabaho, kundi pati ang dangal at pagkatao niya ay labis na naapektuhan. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya malimutan ang araw na nilait siya ng mga kaklase. Pinagsabihan siyang mababa ang moral at bastos - pakawala. Hinagis nila ang mga gamit niya, pinunit ang kanyang damit at pinaalis siya sa eskwela. May ilang lalaking kaklase rin na nanood ng v
Chapter 32: Ang totoong may sala"LIMANG taon na ang nakalipas, tinulungan ko si Barbara sa isang bagay. Pinasahan ko ang kapatid ko para i-upload ang isang malaswang video kung saan ang isang babaeng estudyante ay may nude videos. Pero nalaman ko kalaunan na may koneksyon pala ‘yung babaeng estudyante kina Jaxon at Jeandric. Kaya ayun, nakulong ang kapatid ko nang dahil sa kanila," sabi ng lalaki at napahinto na tila nabulunan. Pagkatapos ay nagpatuloy ito, "Si Barbara, ‘yang babaeng ‘yan, natatakot na kung mabunyag ko ang totoo, babalikan siya nina Jaxon at Jeandric dahil siya ang nag-utos n'on. Kaya hinahayaan niyang perahan ko siya nang paulit-ulit..." Nakainom na nang husto ang lalaki, kaya deretso nitong nasabi ang lahat. Kung nasa tamang isip ito, siguradong hindi nito sasabihin kahit kanino ang lahat, kasi katulad ni Barbara, takot din ito na gantihan nina Jaxon at Jeandric. Ang nangyari sa kapatid ng lalaki ang pinakamalinaw na halimbawa—nakakulong pa rin iyon hanggang nga
“Audrey!” sigaw ni Skylar, galit at namumula sa hiya. Talagang ang tanong nito ay palala nang palala. Malamig ang tingin ni Jaxon at nagsalita. “Kailangan mo ba ng ruler para sukatin?” Tiningnan si Jaxon ni Audrey nang may ngiti. “Kung willing kang sukatin dito sa harap ng lahat, maghahanap ako ng ruler.” “Okay, maglalaro pa ba tayo o hindi?” inis na tanong ni Jeandric at pinatay ang hawak na sigarilyo. Pagod na ito sa laro, lalo na’t hindi ito nakakakuha ng pagkakataong magtanong kahit kailan. Ang malas talaga nito. Lahat naman ng mata ay nakatingin kay Skylar na parang sinasabi na: 'Sagutin mo na, Skylar.' Nanlamig ang anit ni Skylar dahil sa mga titig nila. Umupo siya nang matuwid at medyo nanginig, 'A-Ako... pipiliin ko ang dare.' Hindi sa ayaw niyang sabihin ang totoo pero hindi naman niya nasukat kailanman ang “bagay” ni Jaxon, kaya wala siyang ideya sa sukat nito. Basta… hindi "maliit" si Jaxon. "Audrey, mag-isip ka na ng dare! Dali na!" sigaw ng grupo na aliw na ali