Chapter 13: Ilegal na pagpasok"OO. KASI wala akong pambayad sa 'yo ngayon, kaya gumawa ako ng ganyan..." sabi ni Skylar na halatang nahihiya. "Pero Jeandric, huwag kang mag-alala. Magtatrabaho ako nang mabuti para mabayaran kita."Nagkunwari si Jeandric na hindi narinig ang sinabi niya, tinitigan lang ang nakasulat na halaga sa kontrata at nagsalita. "Skylar, tinuruan ba ng PE teacher ang math mo? Isang anim na milyon lang naman ang utang mo, bakit nakasulat dito na seven million?"Namula si Skylar sa kahihiyan, yumuko, at kinakabahang hinawakan ang dulo ng damit niya. "Kasi... malapit nang maoperahan si Terra pero kulang pa kami ng halos isang milyon para sa hospital bill. Wala na akong ibang malapitan kaya gusto kong humiram pa sa'yo ng isang milyon..."Hindi inaasahan ni Jeandric na pupunta si Skylar para humiram ng pera kaya napakibit-balikat ito. Naalala bigla ang banta ni Jaxon dito. "Parang hindi yata puwede...""Bakit?" Napatingala si Skylar, halos maiyak na sa sobrang pag-aa
Chapter 14: I will pay you with my bodyPAGKARINIG NG sinabi ni Skylar, mas lalong tumigas ang ekspresyon ni Jaxon. Lumapit siya, hinawakan ang payat na braso ni Skylar, at marahas itong hinila palabas ng kwarto. Napangiwi si Skylar at napaiyak sa sakit."Jaxon, huwag naman ganito. Pakinggan mo muna ako bago ka magdesisyon, pwede ba?" Alam ni Skylar na hindi magiging banayad ang pakikitungo sa kanya ni Jaxon kaya yumakap siya nang mahigpit sa suot nito at tumangging bumitaw.Walang pakialam si Jaxon sa mga sinasabi ni Skylar at mabilis niya itong hinila palabas. Dahil sa lakas ng paghila ni Jaxon, nawalan si Skylar ng balanse at nabangga ang ulo nito sa pinto."Aray—!" Napaluha si Skylar sa sakit at sinapo ang nasaktang ulo. Tumigil si Jaxon at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nanatiling mahigpit ang hawak niya at malamig ang boses nang magsalita. "What do you fúcking want, Skylar? Ilang beses na kitang binalaan na huwag ka nang magpakita sa harapan ko. Ano pang ginagawa mo rito?
Chapter 15: Sinadyang alisinSI JELLY BEANS ang panganay na anak sana nina Skylar at Jaxon. Noong nagdadalang-tao siya kay Jelly Beans, nasa ikalawang taon pa lang siya sa kolehiyo. Gusto ni Jaxon na tumigil siya sa pag-aaral, mag-alaga ng bata at maging stay at home wife. Tumanggi siya at nagpunta sa ospital para magpalaglag. Pero habang nakahiga na siya sa operating table, bigla siyang nagdalawang-isip. Ayaw niyang ipalaglag si Jelly Beans. Hindi niya pala kaya. Bago kasi siya operahan, nagsagawa ng ultrasound ang doktor sa kanya. Nakita niya ang bawat maliit na galaw ng anak sa tiyan; narinig ang pintig ng puso nito. Habang nakikita at naririnig iyon, unti-unting gumuho ang matibay niyang kagustuhan na alisin ang anak. Noong mga oras na iyon, naramdaman niya ang koneksyon nilang dalawa ng anak at nahuli na lang niya sarili na umiiyak dahil mahal na pala niya ang anak at hindi na niya kayang patayin ito. Tumanggi si Skylar na ituloy ang operasyon sa kanya at isosorpresa niya sana
Chapter 16: Hindi matiisPUMIKIT si Skylar habang iniinda ang matinding sakit sa puso. Handa na siyang paalisin muli ni Jaxon. Ngunit bago pa man niya tuluyang maisara ang kanyang mga mata, bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Dumilim ang paligid at nawalan siya ng malay habang bumagsak sa lupa.Mapait na ngumiti si Skylar bago pa mawalan ng ulirat. Ayos lang na himatayin siya. Kapag wala siyang malay, hindi na niya mararamdaman ang sakit sa kanyang puso, hindi ba? Hindi ni Skylar alam na sa pagbagsak nito, mabilis na lumapit si Jaxon at sinalo ang nawalan ng malay na babae. Yumuko si Jaxon at maingat na binuhat si Skylar gamit ang matitibay na mga braso. Ang malalim at itim na mga mata ni Jaxon ay punong-puno ng lungkot na tila hindi niya kayang itago. Para siyang may hawak na isang napakahalagang kayamanan habang buhat-buhat niya si Skylar pabalik sa villa.Mahigpit na niyakap ni Jaxon ang katawan ni Skylar at ramdam niya ang lamig sa buong katawan nito. Nang bumaba ang tingin niy
Chapter 17: Babalik na siya sa Pilipinas"KUYA JAXON, narinig ko na muntik nang may kumuha kay Sky---" Binuksan ni Jeandric ang pinto ng kwarto ni Jaxon. Pagbukas nito, nakita ng lalaki si Jaxon na nakapatong kay Skylar. Ang mga salitang dapat sana nitong sasabihin ay napatigil sa lalamunan. "Get the fúck out!" Agad na hinila ni Jaxon ang kumot para takpan ang katawan ni Skylar at tumingin kay Jeandric nang malamig, puno ng galit ang boses niya."Ba't ka galit na galit?" Nahihiyang hinaplos ni Jeandric ang ilong nito at isinara ang pinto. Bago umalis, kumatok pa ito sa kasasara pa lang na pinot at nagsabi. "Itigil mo na 'yan dahil may pag-uusapan tayo."Dahil naistorbo ni Jeandric, nawala na ang mood ni Jaxon. Tumayo siya, tiningnan ang natutulog na si Skylar, nagbihis at bumaba para alamin kung anong sinadya ni Jeandric dito. Pagkakita ni Jeandric sa kanya na mukhang inis na inis, natawa ito at kitang-kita sa mukha ni Jeandric na satisfied ito sa nagawa. "Tapos ka na agad sa ginaw
Chapter 18: Contractual WifeNATULALA si Skylar ng limang segundo, huminga nang malalim at mahina siyang nagtanong. "Ibig mo bang sabihin, kapalit ng isang milyon, magiging asawa mo ako? B-Bibilhin mo ako, i-iyon ba?""Oo." Walang ekspresyon sa mukha ni Jaxon habang sinasabi iyon. "Kailangan ng kapatid mo ng isang milyon para sa operasyon, dagdag pa ang anim na milyong utang na tinubos ko kay Jeandric. Ang utang mo sa akin ay pitong milyon. Kapag pumayag kang pakasalan ako, pagkatapos ng isang taon, ang utang na iyon ay ituturing kong bayad na.""Bakit... bakit kailangan pang hintayin ang isang taon pagkatapos ng kasal bago mabayaran?" Kagat-labi si Skylar habang tinitingnan siya nang may kaba, pakiramdam niya ay may ibang kahulugan ang mga salita ni Jaxon. Tahimik at mariing pinaglapat ni Jaxon ang mga labi at pagkatapos mag-isip sandali, sumagot ito sa tanong ni Skylar. "This is just a contractual marriage, Skylar. Magtatagal ng isang taon. Pagkatapos ng isang taon, pareho na tayon
Chapter 19: Walang dignidadUMAKYAT si Skylar sa itaas at nang buksan ang pinto pagkatapos ay pumasok sa loob, kalalabas lang din ni Jaxon mula sa banyo, nakatapis lamang ng tuwalya na tumatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito. Ang walong hubog na abs nito na nakabilad sa harapan ni Skylar ay napaka-sexy na parang kaya nitong akitin ang sinumang titingin dito. Itinaas ni Jaxon ang malamig nitong mga mata at tinitigan siya. "Come here, Skylar."Mababa ang boses nito pero ramdam ang hindi mapapantayang utos at awtoridad dito. Malalim na huminga si Skylar at lumapit kay Jaxon nang may kaba sa puso. Iniabot ni Jaxon ang tuwalya sa kanya.Napakunot ang noo ni Skylar, hindi niya agad naintindihan ang ibig sabihin nito pero nang makita niyang basa ang buhok ni Jaxon, mabilis niyang naunawaan. Gusto ni Jaxon na punasan niya ang buhok nito na parang isang taga alaga siya nito. Napakagat sa labi si Skylar at tinitigan ang tuwalya nang buong sampung segundo bago niya ito kinuha at maingat na
Chapter 20: Ikaw ang pinakamagandang regaloNAPANSIN ni Jaxon na nanginginig ang katawan ni Skylar pero patuloy siyang naging agresibo at ayaw mahinto ang tagpong iyon. Hinalikan niya si Skylar nang marubdob, puno ng pag-aangkin at diin, at ang kamay niyang nakahawak sa ulo nito ay lalong humigpit - parang gusto niyang gawing parte ng kanyang katawan si Skylar.Ang mga labi nilang pareho ay puno ng amoy ng alak. Hindi niya alam kung dahil sa tindi ng halîkan nila, pero ang amoy ng alak ay lalong naging matapang. Habang nagtatagal ang halîkan, tila pareho silang nalalasing.Ang lungkot sa mga mata ni Skylar ay unti-unting nawala at namula ang kanyang magkabilang pisngi, hindi mapigilan na ilapit ang sarili kay Jaxon. Sinipsip at kinagat-kagat ni Jaxon ang mga labi ni Skylar, minsan magaan, minsan mabigat ang kilos. Nagdulot ito ng banayad na kiliti na nagpa-blangko sa isip ni Skylar. Ang mga kamay ni Skylar na nasa gilid ay kusang umangat at niyakap ang leeg ni Jaxon nang mahigpit.M
Napatigil si Olga ng dalawang segundo, tapos biglang ngumisi na parang may narinig siyang malaking biro. "Skylar, paano kung ikaw ang matalo?""Luluhod ako at magbibigay galang sa 'yo ng tatlong beses at magiging alipin mo. Tatawagin kitang master sa tuwing magkikita tayo!" Malakas at buo ang loob ni Skylar pero si Julia naman ay napaluha sa narinig.Alam niyang napakaliit ng tsansa nilang manalo pero handa pa ring ipaglaban ni Skylar ang laban na ito kahit kapalit ang kanyang dignidad, para lang mapaluhod si Olga at mapilitang humingi ng tawad.Ito ang klase ng pagmamahal at pamilya na hindi niya kailanman natanggap sa pamilya Feliciano."Sige, Skylar, sinabi mo 'yan ha. Huwag kang aatras," nakangising sabi ni Olga na parang alam na niyang panalo na siya.Hindi nagpatalo si Skylar, ngumiti siya nang malamig at paikot-ikot na tiningnan si Olga. Matigas at matapang ang kanyang boses nang magsalita siya, "Mga bisita, narinig n'yo naman ang usapan namin ni Miss Feliciano. Pwede ba kayong
Chapter 111: Pustahan"HMPH, kailangan mo pa bang itanong? Ako ang panganay na anak ng pamilya Feliciano. Anong karapatan niyang kausapin ako kung isa lang siyang anak sa labas na iniwan ng nanay niya at walang nagpalaki?" Nagtaas-baba ang boses ni Olga.Tinitigan si Olga ni Julia habang mahigpit na nakakuyom ang kamao nito. "Olga, don't cross the line. Wala tayo sa bahay ng pamilya Feliciano ngayon!""So ano ngayon?" Tinaas ni Olga ang kanyang baba, puno ng pangmamaliit at kayabangan ang kanyang mga mata. "Ano? May lakas ka bang saktan ako?"SLAP! Isang malakas at matunog na sampal ang biglang umalingawngaw sa hangin.Nanigas ang mayabang na ngiti ni Olga, hindi makapaniwala habang nakatingin kay Skylar na sumampal sa kanya.Kalmado ang mukha ni Skylar at nang magtagpo ang kanilang mga mata, nakangiti ang mga mata ni Skylar na parang walang ginawang aksyon. "Pasensya ka na, hindi ko lang napigilan ang sarili ko."Namula sa kahihiyan at galit ang pisngi ni Olga. Galit siyang tuming
Sa gilid, napapailing na lang si Lancer, ang tauhan ni Yorrick.'Boss, hindi mo ba alam na ang pinakamahal at pinakamagandang jadeite rough stone na dala natin mula Myanmar ay isang simpleng bato lang ang itsura? Ang obvious naman ng gusto mong gawin. Kung ganito rin lang, bakit hindi mo na lang ampunin si Miss Skylar at ibigay sa kanya ang buong Casino Royal?'Natupad na ni Yorrick ang kanyang pakay sa paglapit kay Skylar. Pumasok sila sa elevator kasama ang iba pa at nagpaalam siya sa kanila. Bilang leader ng Leeds Family Hall Group, natural lang na mas mataas ang trato sa kanya sa Casino Royal kumpara kina Jaxon at ibang bisita. May sarili siyang private elevator para makababa at makakyat.Pagpasok sa elevator, agad niyang inutusan si Lancer, "Pag nakita mo si Lito mamaya, sabihin mo sa kanya na dapat niyang tulungan si Skylar na manalo sa stone gambling competition ngayong gabi at gawin siyang third leader sa Casino Royal."Walang masabi si Lancer kundi napalabi na lang ito. ...
Chapter 110: Totoong ugnayanNAIINIS si Jaxon sa pag-iisip na may balak si Yorrick kay Skylar. Kung hindi lang ito matanda at leader ng Leeds Family, matagal na sana niyang binugbog ito.Determinado si Skylar na sumali sa stone betting competition. Alam ni Jaxon na hindi niya ito mapipigilan kaya tinignan niya ito. "Handa ka na ba?""Malapit na akong matapos." Mabilis na inayos ni Skylar ang sarili at lumabas. "Pasensya na, Mr. Leeds, napaghintay ko kayo.""Ayos lang, tatlong minuto lang naman akong naghintay." Sa mga sandaling iyon, nagpalit na ng damit si Yorrick. Tinanggal niya suit at ngayon ay casual long sleeve shirt na lang iyon at pantalon. Nabawasan ang kanyang tapang at mas nagmukhang bata ang aura niya.Nakatayo si Yorrick sa tabi ni Wallace, may isang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon, at may dignidad na parang isang tunay na leader. Hindi tulad ni Jaxon na laging mukhang malamig at matigas, si Yorrick ay mukhang mas approachable at madaling lapitan.Napatingin si Skylar
Kumindat si Skylar at ngumiti. "Nagseselos ka ba?""Magseryoso ka nga!" tiningnan siya ni Jaxon nang masama.Napatingin si Skylar sa kanya saka biglang tumawa."SKYLAR!" Galit na galit si Jaxon na parang gusto na nitong sakalin ang babae. "Pasensya ka na, hindi ko lang napigilan." Ngumiti si Skylar na parang nag-a-apologize, saka niya kinawit ang mga kamay sa leeg ni Jaxon at tinitigan ito nang seryoso. "Honey, parang nagseselos ka yata ngayon."Napatitig si Jaxon sa kanya, nagpipigil ng galit habang mariing magkalapat ang kanyang mga ngipin.Ngunit si Skylar ay nakangiti pa rin, pinagmamasdan si Jaxon nang may lambing. Ang kanyang mahahabang pilikmata ay nagbigay ng banayad na anino sa ilalim ng ilaw. Ang kanyang mapupulang labi ay bahagyang gumalaw, pero hindi siya nagsalita.Biglang napalunok si Jaxon.Kunwari ay hindi napansin ni Skylar ang nag-iinit na tingin nito. Inabot niya ang necktie nito at pinaglaruan ito gamit ang kanyang daliri."Si Yorrick ay isa lang namang guwapo, ma
Chapter 109: May gustoNARINIG ni Jaxon na sinabi ni Yorrick na ang mananalo sa kompetisyon ng stone betting ay maaaring magkaroon ng pagkakataong maging third in command ng Casino Royal. Pero hindi man lang nagbago ang kanyang ekspresyon ng galit, dahil hindi niya iniisip na hahayaan ni Yorrick na mapunta sa ibang tao ang pamamahala ng casino.Si Audrey at Jeandric ay pareho rin ng iniisip tulad kay Jaxon kaya hindi sila masyadong interesado sa posisyon na magiging premyo. Pero si Skylar biglang kumislap ang mga mata sa excitement at nagtanong kay Yorrick nang may ngiti, "Mr. Leeds, kung manalo ako sa competition, maaari din ba akong mag-apply bilang third boss ng Casino Royal?"Hindi naman ito tinanong ni Skylar dahil lang sa kakulangan sa kaalaman o inosente siya kundi dahil iniisip niyang malakas ang impluwensya ni Yorrick. At dahil malalaking tao ang katulad ng lalaki, hindi ito basta-basta magbabawi ng salita. Kaya kapag sinabi nitong oo, ibig sabihin totoo iyon.Kaya desidido
Bago pa man makapagtanong si Yorrick ng "sino," agad na sumingit si Jaxon at diretsong idineklara ang kanyang karapatan, "Girlfriend."Girlfriend?Nang marinig ito ni Yorrick, agad na nawala ang ngiti sa kanyang mga mata at napalitan ng lalim at dilim.Hindi ba't sinabi ni Lito na kasal na si Skylar kay Jaxon? Bakit ni Jaxon ipinakilala si Skylar sa iba bilang nobya lang?Napansin ni Lancer ang pagkalito at pagkainis ni Yorrick kaya agad itong bumulong sa tainga nito, "Lihim silang nagpakasal. Sinasabi na may prejudice ang mga magulang ni Jaxon kay Miss Skylar at iniisip nilang hindi siya bagay kay Jaxon Larrazabal. Natatakot si Jaxon na paghiwalayin sila ng mga magulang niya, kaya hindi nila isinapubliko ang kanilang kasal."Lalo pang hindi natuwa si Yorrick sa narinig.Maganda, may magandang pangangatawan at may maayos na pamilya ang anak niya. Ano bang hindi bagay sa batang ito sa harap niya?Kapag nagalit si Yorrick, malala ang magiging epekto. Kaya naman agad siyang bumawi."Dahi
Chapter 108: PakikipagkumpitensyaHindi lang si Mayor Tecson ang nagulat, kundi pati na rin ang lahat ng naroroon ay naging curious sa sinabi ni Yorrick.Tama, hindi ba nila sinabi na matagumpay nilang na-hack ang surveillance system ng Casino Royal at natanggal na ang lahat ng video?Paano pa nagkaroon ng surveillance video na pwedeng panoorin?Sa harap ng pagkamausisa ng lahat, bahagyang ngumiti si Yorrick. "System lang ang nagkaaberya pero hindi ibig sabihin na hindi na ito maaayos."Pagkatapos niyang sabihin iyon, itinaas niya ang isang kamay.Agad namang iniabot ni Lancer na nakatayo sa tabi ni Yorrick, ang hawak nitong tablet."Matapos ang agarang pag-aayos ng mga technician ng Casino Royal, naibalik na ang surveillance system." Habang nagsasalita, inabot ni Yorrick ang tablet kay Mayor Tecson. "Kinopya ko ang surveillance video na hinahanap mo."Napakurap si Mayor Tecson na hindi makapaniwala, kinuha ang tablet at nakita niyang nakapause sa screen ang isang video playback page.
Siya mismo si Yorrick Leeds, ang kasalukuyang chairman ng Leeds Family Hall Group.Si Lancer, ang pangalawang pinuno ng Casino Royal, ay magalang na sumama sa kanya habang may hawak na tablet. Ang matangkad at matikas niyang tindig ay parang may dalang awtoridad sa bawat hakbang, suot ang isang itim na three piece suit. Mas naging strikto ang itsura. Kumurap si Skylar at tinitigan ang gwapong mukha ni Yorrick, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.Hindi niya maipaliwanag, pero sa unang beses na makita niya ang lalaking ito, pakiramdam niya ay may halong kaba at pananabik ang puso niya. Parang may matagal nang koneksyon at pamilyaridad na hindi niya mawari.Hindi natuwa si Jaxon sa paraan ng pagtitig ni Skylar kay Yorrick. Hinila niya pabalik ang ulo nito. "Ano bang iniisip mo? Nandito ang asawa mo! I'm here!"Natawa si Skylar at bahagyang hinampas si Jaxon sa tagiliran gamit ang siko. "Huwag kang magalit. Nagtataka lang ako. Hindi ko naman kilala ang gwapong lalaki na 'yan pero