“Sino ang lalaking yun? Hindi kaya’t siya ang boyfriend ni Ms. Shear?”“Hindi naman siguro? Si Ms. Shear ang isa sa four most beautiful women sa Springfield City at siya ang hiya ng mga Shear. Sa katayuan ni Cynthia, ang pagkakaroon ng isang boyfriend ay malamang na magkakalat ito ng balita sa buong Springfield City. Hindi pa natin narinig ang tungkol dito.”“Oo, tama. Sa tingin ko ay ang lalaking ito ay ang bagong assistant o secretary ni Ms. Shear…”…Habang nakatingin habang paalis ng mabagal sina Leon at Cynthia, pinag usapan ito ng lahat. Sa huli, marami sa kanila ang naisip na si Leon ay ang bagong assistant o secretary ni Cynthia, kaya mas naging kalmado sila.Sa president’s office, inutusan ni Cynthia ang ilang mga empleyado na iusog ang isang mesa, pinaupo niya si Leon sa tabi niya. Nakaupo sila ng malapit sa isa’t isa, kaya mas madali na mag trabaho sila ng magkasama.Noong umalis na ang mga empleyado, sina Leon at Cynthia na lang ang naiwan sa opisina.“Cynthia, pwede
Ang 26-taong gulang na si Leon Wolf ay isang kasal na lalaki na ang kahihiyan ay kilala sa buong Springfield City. Nakatira siya sa isang bahay kasama ang pamilya ng asawa niya—ang mga Manson—at trinato siya na parang isang alipin sa tatlong taon ng kasal nila. Bago lang sa kanya ang dignidad niya, ngunit isang gabi, nagsawa na siya!Sa nakalipas na tatlong taon, araw-araw siyang nagtrabaho na parang kabayo sa kumpanya ng mga Manson, ngunit ang sahod niya ay kailangan niyang ibigay sa asawa niyang si Marilyn na siyang hindi niya man lang malapitan.Tuwing umuuwi siya ng gabi, kailangan niyang gawin ang maglaba, magmop, magluto, at iba’t ibang mga gawaing bahay. Gayunpaman, nagsikap siya ng hindi nagrereklamo.Naisip niya na gawin ang lahat ng ito para mapatunayan niya ang halaga niya sa asawa niya para makumbinsi niya ito na makasama niya hanggang sa pagtanda nila, ngunit ang kabayaran na natanggap niya ay isang malaking regalo—isang sanggol!Ang asawa niya—na siyang hindi niya man
Paalis si Leon sa sementeryo pagkatapos bisitahin ang Elder Manson, ngunit bago pa siya umalis sa lugar, nakita niya ang isang babaeng nakasuot ng pang opisina na nakatayo sa entrance. Maganda ang katawan nito, at nagtataka si Leon kung bakit ang ganitong klase ng tao ay bibisita sa sementeryo sa gitna ng gabi sa halip na natutulog sa bahay. Makapal din ang makeup ng babae, at sinuri ni Leon ang babae dahil dito.Tila hindi masaya ang babae at bumulong ito ng, “Lintik na pulubi.”Madalas ay hindi pinapansin ni Leon ang ganitong pananalita dati dahil wala siyang mapapala kung sumagot siya sa kanila. Gayunpaman, dahil nagulat siya sa pagbubuntis ng asawa niya sa ibang lalaki, at ang pagpapalayas sa kanya sa bahay, sumama ang loob niya. Gusto niyang ilabas ang kanyang nararamdaman. Sa init ng ulo niya, lumapit siya sa babae at sinabi niya, “Ang aga pa para ialok mo ang sarili mo dito! Magkano ang singil mo para sa isang gabi? Nagkataon lang na nasa good mood ako ngayon!”Sa katotohanan
Ang sementeryo ay matatagpuan sa isang tagong lugar!Kampante si Leon na walang mga multo dito, ngunit hindi niya ito masasabi para sa sabi-sabi na may mga lobo sa lugar na ito. Basa ang babae pagkatapos siyang hilahin mula sa ilog, at hindi siya makakapag lakad ng malayo dahil sa mga sugat niya. Base sa layo ng lugar, halos sigurado nang walang makakapagligtas sa kanya. Para sa isang babae na ang susi ng kotse ay hingais sa ilog, at ang cellphone ay nabasag, ang isang gabi dito ay mas malala pa kaysa sa kamatayan.Sa kasamaang palad, para sa kanya, si Leon ay may intensyon na naparusahan siya dahil sa wala siyang utang na loob.Naglakad palayo si Leon.“Lintik ka! ‘Wag mo akong iwanan dito!”Sinubukan ng babae na habulin si Leon, ngunit nabigo siya habang umalis ng galit si Leon. Nagmura ng malakas ang babae at nalungkot siya, dahil hindi niya inaasahan na ang isang babae na tulad niya ay magdurusa ng ganito sa mga kamay ng isang karaniwang tao.“Lintik ka! Kapag nalaman ko kung
Nakakuha ng pambihirang kapangyarihan si Leon pagkatapos niyang bumalik sa buhay, at kahit na hindi niya pa siya sanay dito, higit sa sapat ito para harapin ang dalawang lalaki. Ang isa pang lalaki ay natulala nang makita niya ang nangyari, at kinuha ni Leon ang pagkakataong ito para kumapit sa lalaki bago sila pumunta sa tubig.Nakita ni Iris ang pangyayari at naisip siya kung mamamatay na magkasama ang dalawa.May komplikadong ekspresyon sa kanyang mukha. Ang lalaking ito ay nakakairita, pero sinakripisyo ni Leon ang buhay niya para iligtas si Iris kahit na nagkataon lang ang pagkikita nila sa gabing ito.Ang mga binti ni Iris ay mahina ngayon, at kailangan niyang gumapang para makarating sa dulo ng tubig. Ang mga emosyon niya ay magulo dahil hindi siya sigurado kung gusto niyang umahon sa tubig si Leon o hindi. Niligtas nga siya ni Leon, ngunit hinawakan at nakita nito ang katawan niya, bukod pa dito ay hinalikan siya nito habang nagaganap ang mouth-to-mouth resuscitation.Kinag
“Pasensya na, Miss Manson. Ayon sa marriage law, may isang buwan ng cooling-off kapag nagfile kayo ng divorce. Bukod pa dito, wala sa asawa niyo ang ID card niya, kaya hindi agad natin mapoproseso ang divorce…”May isang babaeng staff member na mabait na ibinalik ang lahat ng mga dokumento kay Marilyn.“Ano?! Bakit may cooling-off bago makipag divorce?! Tawagin mo ang manager mo. Gusto ko siyang makita para maproseso agad ito!”Galit na hinampas ni Brody ang mesa.“Sir, sumusunod lang ako sa patakaran…”Hindi masaya ang babaeng staff, ngunit nanatili siyang mabait.“Kalokohan! Sinabi ko sayo na tawagin mo ang manager mo! Bingi ka ba?” Sumigaw ng malupit si Brody.Gumawa siya ng ingay sa punto na nakatingin ng kakaiba ang lahat sa kanya.Ito ang unang pagkakataon na may nangyaring ganito sa lugar na ito.Sa sandaling ito, napansin din ito ng mga senior official sa loob ng Civil Records Office, at may isang matandang lalaki na medyo mataba na lumapit ng nagmamadali.“Ikaw pala,
“Miss Young, nandito ka ba para kausapin ako…”Bumati ng sobrang bait si Brody na parang isang aso na kumakawag ang buntot, ngunit hindi siya lumuhod at dinilaan ang paa ni iris.Hindi man lang tumingin si Iris kay Brody at tumingin lang siya kay Leon. Sa sandali na makita niya si Leon, may lumabas na pag asa sa kanyang malamig at magandang mukha.Ginawa niya ang lahat para hanapin si Leon kagabi, dahil naniniwala siya na buhay pa rin si Leon!Hindi pa pwedeng mamatay ang lalaking ‘yun pagkatapos siya nitong hipuan.Determinado niyang ginamit ang mga tauhan ng mga Young nitong umaga para makuha ang bawat detalye tungkol kay Leon. Sa huli ay natuklasan niya ang tungkol sa plano ni Leon na idivorce si Marilyn.Dahil dito, agad siyang pumunta sa Civil Records Office para malaman kung mahahanap niya si Leon.Tama nga siya, may nakita siyang kamukha ni Leon na nasa sahig habang niyayakap nito ang ulo nito. Hindi malinaw na nakita ni Iris ang itsura nito, at hindi niya ito makumpirma
Ang malutong na sampal ay tumunog sa buong opisina pagkatapos itaas ni Iris ang kamay niya para bigyan si Marilyn ng isang malakas na sampal.“Ah, walang hiya ka para sampalin ako!” Hinawakan ni Marilyn ang mga pisngi niya. Ang mga mata niya ay namula sa galit habang sinugod niya si Iris ng may masamang balak.Mabilis kumilos si Iris at sinampal niya ng backhand si Marilyn sa kabilang pisngi.Hindi tanggap ni Marilyn na ipahiya siya ng ganito. Napaatras siya at nireklamo niya kay Brody, “Darling, sinampal ako ng p*ta na ito! Bigyan mo ako ng hustisya!”“Mukha mo, hustisya!”Galit na sinampal ng malakas ni Brody si Marilyn at bumagsak ito sa sahig.Nabigla si Marilyn sa sampal at tila hindi siya makapaniwala. “Sinabi ko sayo na sampalin mo siya! Bakit ako ang sinampal mo?”“Para sayo ang sampal na ‘yun! Kilala mo ba kung sino siya?” Ang galit na sinabi ni Brody.Nabigla si Marilyn at napagtanto niya na nagkamali siya.Ang mga Sullivan ay isang bago at sikat na mayamang pamily