Share

Kabanata 2

Paalis si Leon sa sementeryo pagkatapos bisitahin ang Elder Manson, ngunit bago pa siya umalis sa lugar, nakita niya ang isang babaeng nakasuot ng pang opisina na nakatayo sa entrance. Maganda ang katawan nito, at nagtataka si Leon kung bakit ang ganitong klase ng tao ay bibisita sa sementeryo sa gitna ng gabi sa halip na natutulog sa bahay. Makapal din ang makeup ng babae, at sinuri ni Leon ang babae dahil dito.

Tila hindi masaya ang babae at bumulong ito ng, “Lintik na pulubi.”

Madalas ay hindi pinapansin ni Leon ang ganitong pananalita dati dahil wala siyang mapapala kung sumagot siya sa kanila. Gayunpaman, dahil nagulat siya sa pagbubuntis ng asawa niya sa ibang lalaki, at ang pagpapalayas sa kanya sa bahay, sumama ang loob niya. Gusto niyang ilabas ang kanyang nararamdaman. Sa init ng ulo niya, lumapit siya sa babae at sinabi niya, “Ang aga pa para ialok mo ang sarili mo dito! Magkano ang singil mo para sa isang gabi? Nagkataon lang na nasa good mood ako ngayon!”

Sa katotohanan, walang kahit isang sentimo si Leon sa kanyang bulsa. Nanginig siya ng kaunti habang nagsasalita at nag aalala siya na isang prostitute ang babae, dahil wala siyang pambayad.

Mabuti na lang at namutla ang mukha ng babae habang nakatitig siya kay Leon pagkatapos marinig ang sinabi nito.

Mukhang isa siyang matinong babae.

Palihim na gumaan ang loob ni Leon.

Nagdusa siya sa mga Manson ngayong araw at bumagsak na siya sa pinakamababang punto ng buhay niya. Nang makita niya na nakatingin ng masama ang babae sa kanya, idinagdag niya sa kanyang sinabi, “Bakit ka nakatitig? Hindi mo ba narinig ang tanong ko? Tinanong kita kung magkano ang singil mo sa isang gabi. Ano ang problema? Inaasahan mo ba na magpapakita ako ng dignidad kahit na nandito ka at binebenta mo ang sarili mo? May karanasan ako sa pakikipaglaban, kaya ikaw dapat ang magpasalamat sa akin para sa isang good time.”

Mas lalong nagalit ang babae sa sinabi niya at agad itong sumigaw, “Ano ang pangalan mo? Saang kumpanya ka galing?”

“Ano ang pakialam mo? Iniisip mo ba na pumunta sa lugar ko?”

Hindi isang tanga si Leon para sabihin sa kung sino ang tungkol sa sarili niya.

“Walang hiya ka!”

Namula ang mukha ng babae sa galit, ngunit wala siyang magagawa kundi ang tumakbo palayo kay Leon, at sumama ang loob ni Leon dahil dito.

Habang paalis na si Leon, nakita niya ang dalawang kahina hinalang tao na pumunta sa sementeryo. Ang bawat isa sa kanila ay may hawak na sako at tali.

Tila hindi nila nakita si Leon dahil ang lugar ay masyadong madilim at ang paligid ay puno ng mga puno at lapida.

Alam ng kahit sinong matalinong tao na may masama silang binabalak.

Kumunot ang noo ni Leon at naisip niya na may balak silang masama sa babaeng ‘yun at nagdesisyon siya na sumunod sa kanila ng palihim. Pagkatapos, mula sa likod, agad na inatake ng dalawang lalaki ang magandang babae na tila naghihintay sa sementeryo, at pinasok nila ito sa loob ng sako. Ang bibig ng babae ay nilagyan ng mabahong medyas, at walang nagawa ang pagpipilit nito na tumakas.

Hindi nagtagal, ang mas malakas na lalaki ay pinigilan ang paggalaw ng babae habang ang isang lalaki naman ay dinala ang isang mabigat na bato at tinali ito sa sako.

Ang dalawang lalaki ay binuhat ang bato at hinagis nila ito sa ilog.

Lumaki ang mga mata ni Leon!

Papatayin nila ang babae!

Ang unang balak ni Leon ay ang tumakbo palayo, ngunit nag aalala siya na magugulat ang mga lalaki sa tunog na magagawa niya habang ginagawa ito. Dahil dito, nagtago lang siya sa likod ng lapida at naghintay siya hanggang umalis na ang dalawang lalaki bago siya sumilip ng maingat.

Pagkatapos itong pag isipan, tumalon si Leon sa tubig. Masasabing isa siyang duwag na lalaki, ngunit ang mga prinsipyo niya simula pa noong bata siya ang nagkumbinsi sa kanya na hindi lang siya pwedeng tumayo at manood habang sinusubukang patayin ang isang babae sa harap niya.

Naligtas agad ni Leon ang babae mula sa tubig. Wala siyang pakialam kung basa at naghihingalo siya, at agad niyang tinanggal ang tali ng sako. Sa kasamaang palad, hindi niya napansin na katabi niya lang ang kutsilyo na nahulog ng isa sa mga lalaki.

Sa ibang lugar, ang dalawang lalaki ay pumunta sa kalsada sa labas ng sementeryo, kung saan nakapark ang isang high-end luxury SUV.

Ang dalawa ay papasok na ng kotse nang kapain ni Marco ang kanyang bota.

Agad na nagbago ang ekspresyon niya.

“Lintik, nalaglag ang kutsilyo ko! Naiwan siguro sa bandang ilog… Dapat tayong bumalik para kunin ‘yun. May mga fingerprint ‘yun…”

Tumakbo ang dalawang lalaki patungo sa ilog.

Nang buksan ni Leon ang sako, ang babae na nasa loob ay basang basa. Ang puting damit ng babae at ang maikling palda nito ay basa, nakakapit ang mga damit sa katawan ng babae at mas naging halata ang kurba ng magandang katawan nito. Ang puting damit nito ay nagbunyag ng maliit na black lace bra.

Isang pambihirang tanawin ito!

Hindi mapigilan ni Leon na lumunok. Akala niya na si Marilyn ay isang babaeng ubod na ng ganda, at hindi niya inaasahan na ang babaeng nasa harap niya ay mas maganda pa ng sobra kaysa kay Marilyn.

Matagal na naiwan ang babae sa ilalim ng tubig at ang mukha niya ay maputla at hindi siya makahinga. Walang ibang magagawa si Leon kundi ang ilagay ang isang kamay niya sa malaking dibdib nito at bigyan niya ang babae ng mouth-to-mouth resuscitation.

Sa kanyang ikinagulat, ang dibdib ng babae ay malambot at ang labi nito ay mas malambot, tila may tamis pa sa labi nito.

Hindi mapigilan ni Leon ang kanyang imahinasyon.

Pagkatapos, nakahinga na ulit ang babae dahil kay Leon.

“Bleagh—”

Umubo ng tubig ang babae. Ang mga pilikmata niya ay nanginig at nagising na siya.

Ang babae ay nakaramdam ng init sa kanyang mga labi. Nang lumingon siya, nakita niya na hinihimas ni Leon ang hita niya, kaya sinipa niya si Leon patungo sa ilog dahil sa galit.

Pinagalitan ng babae si Leon, “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo at hinihipuan mo ako?! Manyak! Kadiri!”

Nabigla si Leon at nahulog siya sa tubig.

Nahirapan siya ng ilang beses sa ilog bago siya nakaakyat sa lupa. Sa mga sandaling ito, mas mukha siyang nakaawa kaysa kanina.

Nagdusa na siya ng sobra ngayong araw at tumingin siya sa galit na ekspresyon ng babae. Hindi na siya nag abala na ipaliwanag ang nangyari sa babaeng ito.

“Pare-pareho lang ang mga babae! Niligtas kita at binigyan kita ng mouth-to-mouth, pero sa halip na pasalamatan mo ako, sinipa mo ako papunta sa ilog! Wala bang tinuro sayo ang mga magulang mo? Sa tingin ko ay dapat kitang parusahan para matuto ka!”

Ang sabi ni Leon habang lumapit siya sa babae. Nataranta ang babae, at ang buong katawan niya—pati na ang dibdib at boses niya—ay nanginig. “Uy, ‘wag kang magbiro!”

Kung may taong gumawa ng masama sa kanya sa isang liblib na lugar at hinagis siya pabalik ng tubig, walang makakahanap ng kahit anong ebidensya.

Kinuha ni Leon ang basang cellphone at susi ng kotse ng babae. Hinagis niya sa lupa ang cellphone para sirain ito at hinagis niya sa tubig ang susi ng kotse!

“Tingnan natin ang ugali mo ngayon!”

Sinabi ng galit ni Leon, “Ikaw ang walang utang na loob, hindi ba? Nasa liblib na lugar tayo ngayon, at sinira ko nag cellphone mo. Paano kung uamlis ako ngayon at tumawag ako ng taxi pauwi? Paano ka makakaligtas dito? Hindi ka pwedeng tumawag ng taxi gamit ang phone mo, hindi mo mabubuksan ang kotse mo ngayon at nasa ilog ang susi mo. Gusto mo bang umuwi? Managinip ka! Aalis na ako dito kung saan wala kang makakain. Isa itong sementeryo, kaya sigurado ako na marami kang kasama sa gabi.”

Pagkatapos, naglakad palayo si Leon.

Sa sobrang takot ng babae ay nanginig siya at sumigaw siya, “Hindi! ‘Wag! ‘Wag mo itong gawin! Pakiusap!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status