Share

Kabanata 3

Ang sementeryo ay matatagpuan sa isang tagong lugar!

Kampante si Leon na walang mga multo dito, ngunit hindi niya ito masasabi para sa sabi-sabi na may mga lobo sa lugar na ito. Basa ang babae pagkatapos siyang hilahin mula sa ilog, at hindi siya makakapag lakad ng malayo dahil sa mga sugat niya. Base sa layo ng lugar, halos sigurado nang walang makakapagligtas sa kanya. Para sa isang babae na ang susi ng kotse ay hingais sa ilog, at ang cellphone ay nabasag, ang isang gabi dito ay mas malala pa kaysa sa kamatayan.

Sa kasamaang palad, para sa kanya, si Leon ay may intensyon na naparusahan siya dahil sa wala siyang utang na loob.

Naglakad palayo si Leon.

“Lintik ka! ‘Wag mo akong iwanan dito!”

Sinubukan ng babae na habulin si Leon, ngunit nabigo siya habang umalis ng galit si Leon. Nagmura ng malakas ang babae at nalungkot siya, dahil hindi niya inaasahan na ang isang babae na tulad niya ay magdurusa ng ganito sa mga kamay ng isang karaniwang tao.

“Lintik ka! Kapag nalaman ko kung sino ka, sisiguraduhin kong magbabayad ka!” Ang sigaw ng babae na may pangalang Iris Young.

Pagkatapos itong sabihin in Iris, nagdesisyon si Leon na hindi pansinin si Iris kahit na ayaw kumilos ni Leon ng ganito kanina.

Nang makita ni Iris na pawala na si Leon sa paningin niya, gusto niyang umiyak ngunit walang tumulo na luha. Naputol ang takong ng kanyang high heels, at nanginig siya dahil sa lamig ng hangin dahil ang katawan niya ay basa pa rin. Tumingin siya sa paligid at naramdaman niya ang nakakatakot na kapaligiran. Kahit na walang mga lobo sa paligid, walang makakapagsabi kung may mga multo na lumabas dahil isa itong sementeryo.

Kinamuhian niya ng buong buo si Leon, dahil hindi pa siya trinato ng masama ng buong buhay niya bilang mahal na eldest daughter ng pamilya niya.

Samantala, nagsimulang magsisi si Leon sa kanyang ginawa makalipas ang ilang minuto ng kanyang pag alis. Isa siyang mabuting tao na may mabuting puso, at kung wala ang kabaitan niya, hindi niya dapat ililigtas si matandang Elder Manson noon at tiniis ang lahat ng kalupitan ng mga Manson. Noong nagsalita siya sa babae kanina, nilabas niya lang ang lahat ng sama ng loob niya kela Marilyn at Helen, sa inosenteng si Iris. Ang maikling paglalakad niya ay nagbigay sa kanya ng pagkakataon para kumalma, lalo na at may mahinang hangin na umiihip sa kanya.

Naisip niya, ‘Isa siyang babae. Ang gawin ito sa kanya ay sobra na para sa akin. Kahit na wala siyang makitang mga lobo o multo, magkakasakit pa rin siya kapag iniwan ko siya dito ng buong gabi. Habang buhay akong lalamunin ng konsensya ko kapag may masamang nangyari sa kanya. Sapat na ang takutin siya ng konti. Hindi ko dapat siya iwanan ng buong gabi dito.’

Tumalikod si Leon at hinanap niya ang babae.

Sa oras na dumating siya sa lugar kung saan niya iniwan si Iris, wala na ito.

Nabalisa si Leon. Hinanap niya ang buong lugar ngunit wala siyang makita kundi ang high heels nito.

Hindi ito maganda!

Alam ni Leon na nasa panganib si Iris, at sa oras na marinig niya ang paghingi ng tulong ni Iris. Tumakbo siya sa direksyon ng tunog at muling bumalik ang galit niya. Sa huli ay bumalik ang dalawang lalaki, at hindi na lamang ang pagpatay kay Iris ang pakay nila. Ang kahit sino ay makakahula na ang mga lalaki ay magkakaroon ng pagnanasa kapag bumalik sila at nakita nila si Iris na basang basa.

Halos nakahubad na si Iris sa oras na makita siya ni Leon. Sa puntong ito, hindi na inisip ni Leon na wala siyang laban sa dalawang lalaki at lumapit siya para sipain ang mga ito. Pagkatapos ay tumingin siya sa baba at nakita niya na si Iris ay nasa huling mga piraso ng damit nito. Kahit anong pagtago ni Iris, hindi niya maitago ang nakabunyag at makinis na balat niya. Napatingin si Leon sa magandang hugis ng katawan ni Iris at naisip niya na isa ito sa pinakamagandang mga babaeng nakita niya.

At least, mas maganda ito sa hugis ni Marilyn nang sumilip siya noong naliligo ito.

“Ayos ka lang ba?”

Puno ng pagsisisi, tinanggal ni Leon ang damit niya at hinagis niya ito kay Iris para matakpan ang katawan nito.

Mabilis na tinakpan ni Iris ang katawan niya gamit ang mga damit, ngunit nagalit siya nang makita niya na ang tagapagligtas niya ay si Leon. Naisip niya na gusto niyang sampalin sa mukha si Leon, ngunit napasigaw siya dahil sa eksena na nakita niya sa dulo ng kanyang mga mata.

“Mag ingat ka!” Ang sigaw niya, ngunit huli na ang lahat.

Ang lalaking may itim na suit, ay isang maskuladong lalaki. Si Leon naman ay may normal na katawan lang at nabigo siya na pigilan ang atake ng lalaki. Sa isang sipa, lumipad si Leon ng ilang metro ang layo. Pagkatapos ay nilabas nito ang kutsilyo na nahulog nito kanina at ngumisi.

“Gusto mo bang mamatay?”

Ang lalaking may itim na suit ay umapak sa dibdib ni Leon at tinaas niya ang kumikinang na kutsilyo niya para patayin si Leon.

Sa likod niya, nagsalita ang lalaking nagtanggal ng damit ni Iris kanina at ang sinipa palayo ni Leon, “Marco, makapangyarihan ang mga Young, at hindi magtatagal bago nila tayo mahanap. Hindi na tayo pwede mag aksaya ng oras. Ikaw na ang bahala sa kanila at ‘wag kang magkakamali!”

‘Parang ikaw naman hindi nagkakamali.’ Ang hindi natutuwa na naisip ni Marco. Tutal, mapapatay na sana nila si Iris kung ang ang lalaking ‘yun ay hindi sumunod sa pagnanasa nito.

Gayunpaman, hindi ito ang oras para magtalo kung sino ang tama, at agad na sinaksak ni Marco si Leon sa dibdib gamit ang kutsilyo.

Tumalsik ang dugo sa buong lugar!

Sa huling paghinga ni Leon, kinagat niya ang kanyang labi, kumapit siya ng mahigpit sa hita ni Marco, at sumigaw siya kay Iris.

“Takbo! Wala nang halaga ang buhay ko, kaya hindi mahalaga kung mamatay ako. Iligtas mo ang sarili mo! ‘Wag kang mag alala sa akin!”

Ngumiti ng mapait si Leon kay Iris bago siya mamatay. Kahit na galit siya sa loob, nanatili siyang tapat sa huling mga sandali ng buhay niya.

Nagdesisyon siya na hindi na siya magiging isang mabait na tao sa susunod na buhay niya.

Ngumiti ng mapait si Leon at napuno siya ng iba’t ibang emosyon, kasama na ang dismaya, lungkot, at kawalan ng pag asa.

Ang katawan ni Iris at tumigas sa gulat. Tila nabasa niya ang kalungkutan ni Leon mula sa ngiti nito, at malayo ito sa matapang at malakas na ugali na ipinakita nito kanina.

Hindi tumakas si Iris dahil alam niya na walang kwenta ito kapag namatay si Leon.

Nang makita niyang namatay si Leon, ang magandang mukha ni Iris ay namutla at bumagsak siya sa sahig.

Kahit na tinakot siya ni Leon kanina, nalungkot siya nang makita niya na isinuko ni Leon ang buhay nito para maligtas siya.

Kasabay nito, bumuhos ang dugo mula sa dibdib ni Leon at dumaloy ito papunta sa pendant na nasa leeg niya.

Walang nakapansin sa puting ilaw sa pendant na pumasok sa katawan ni Leon mula sa sugat.

‘Ako ang ninuno ng mga Wolf, at ang pagkakakilanlan ko ay hindi mababa kumpara sa mga maalamat na diyos. Kung nakatadhana ang isa sa mga kadugo ko, mamanahin nila ang nasa loob ko…”

Nang malapit na siyang mamatay, ang isip ni Leon ay napuno ng mga impormasyon.

Makalipas ang ilang sandali, tila bumalik siya sa liwanag habang ang maptulang mukha niya ay naging pula at may kakaibang kapangyarihan na dumaloy sa katawan niya.

“Ikaw ang susunod, Iris!”

Ang lalaking may itim na suit ay ngumisi at lumapit siya kay Iris habang hawak ang kutsilyo.

Nakaupo si Iris sa lupa ng may takot at lungkot sa kanyang mukha.

“Sa likod mo!”

Sumigaw ng galit ang lalaki ngunit huli na ang lahat.

Kinuha ni Leon ang kutsilyo mula sa lupa, tumayo siya bigla, at sinaksak niya ang lalaking may suot na itim na suit mula sa likod.

“Paanong…”

Ang lalaking may itim na suit ay lumingon bigla, tumitig siya ng may malaking mata kay Leon, at bumagsak siya sa lupa. Patay na siya bago pa siya makapag isip, ‘Paano ka nabuhay?’

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status