Share

Kabanata 5

“Pasensya na, Miss Manson. Ayon sa marriage law, may isang buwan ng cooling-off kapag nagfile kayo ng divorce. Bukod pa dito, wala sa asawa niyo ang ID card niya, kaya hindi agad natin mapoproseso ang divorce…”

May isang babaeng staff member na mabait na ibinalik ang lahat ng mga dokumento kay Marilyn.

“Ano?! Bakit may cooling-off bago makipag divorce?! Tawagin mo ang manager mo. Gusto ko siyang makita para maproseso agad ito!”

Galit na hinampas ni Brody ang mesa.

“Sir, sumusunod lang ako sa patakaran…”

Hindi masaya ang babaeng staff, ngunit nanatili siyang mabait.

“Kalokohan! Sinabi ko sayo na tawagin mo ang manager mo! Bingi ka ba?” Sumigaw ng malupit si Brody.

Gumawa siya ng ingay sa punto na nakatingin ng kakaiba ang lahat sa kanya.

Ito ang unang pagkakataon na may nangyaring ganito sa lugar na ito.

Sa sandaling ito, napansin din ito ng mga senior official sa loob ng Civil Records Office, at may isang matandang lalaki na medyo mataba na lumapit ng nagmamadali.

“Ikaw pala, Brody… Kumalma ka. Hindi alam ni Amber kung sino ka. Hindi niya sinasadyang… patawad…”

Ngumiti ang matandang lalaki bago siya tumalikod at pinagalitan ang babaeng staff. “Kilala mo ba kung sino ito, Amber? Siya ang boss ng Sullivan Enterprises. Humingi ka ng tawad sa kanya!”

“Sullivan Enterprises?”

Nabigla ang mga tao sa paligid.

Ang Sullivan Enterprises ay isang kilalang kumpanya sa Springfield City. Ang total ng assets nito ay umabot sa kalahating bilyon at lubos ang kayamanan nito. Siya ay isang tao na hindi dapat galitin.

“Patawad po, Mister Sullivan. Nagkamali po ako. Pagbigyan niyo po sana ako…”

Sa sobrang takot ni Amber ay mabilis siyang yumuko kay Brody para humingi ng tawad.

Natuwa si Brody dahil dito, at kasabay nito, natuwa siya na nakatingin ang mga tao sa paligid niya na puno ng paghanga.

“Mister Loewe, pabilisin niyo ang divorce para sa babae ko. At iregister niyo na rin ang kasal namin!”

“Okay, gagawin ko na ito ngayon!”

Ngumiti ang matandang lalaki at inasikaso niya ang divorce sa pagitan ni Leon at Marilyn pati na rin ang kasal sa pagitan ni Marilyn at Brody.

“Ang galing mo, darling! Mahal ko ang ganitong ugali mo!” Kumapit si Marilyn sa braso ni Brody na parang isang pusa at sinabi niya ito ng nahihiya.

Ang kapangyarihan ni Brody ay ipinagmamalaki nila Marilyn at Helen.

“Sino siya? Paano niya nakilala ang eldest young master ng Sullivan Enterprises?”

“Isa siyang maswerteng babae!”

Hindi mapigilan ng mga tao sa paligid na tumingin kay Marilyn na puno ng inggit, halata ang pagkainggit ng ilan sa mga babae.

Napunta sa spotlight si Marilyn habang tumawa at ngumiti siya. Naging pasikat siya!

Samantala, ang lahat ay naisip agad na inagaw ang posisyon ni Leon sa relasyon. Tumitig ang lahat sa kanya ng kakaiba, ang ilan ay naaawa sa kanya habang ang ilan ay nanglait.

Sa huli, mas lalong napahiya si Leon, at gusto niya na lang maghukay at magtago sa butas!

Pagkatapos makuha ang divorce certificate, ang nakasimangot na si Leon ay paalis na sana nang pigilan siya ni Brody.

“Aalis ka na agad? Hindi kita hahayaang umalis ng basta basta!”

Ngumiti ng malamig si Brody.

Dumilim ang ekspresyon ni Leon. “Ano ang binabalak mong gawin sa akin?”

“Ano sa tingin mo? Sinayang mo ang oras ng babae ko ngayong umaga, at tumatanggi ka na magdivorce sa dahilan mo na nawala mo ang ID card mo! Sa tingin mo ba ay hahayaan ko lang ang lahat ng ‘yun?” Ngumisi si Brody.

“Sinabi ko naman na, hindi ba? Hindi ako tumanggi na makipag divorce at nawawala ang ID card ko…”

Pinigilan ni Leon ang galit niya.

“Kalokohan! Sa tingin mo ba ay madali akong lokohin?”

Ngumiti ng mapanglait si Brody at tumalikod siya para utusan ang dalawa niyang mga bodyguard. “Saktan niyo siya. Turuan niyo ng leksyon ang tangang ito! Ipakita niyo sa kanya kung ano ang mangyayari kapag niloko niya ako!”

“Masusunod po!”

Ang dalawang bodyguard ay ngumiti ng masama at tinaas nila ang mga kamao nila para suntukin si Leon.

Sanay sa combat training ang dalawang bodyguard at agad nilang hinagis si Leon sa sahig. Nagawa lang ni Leon na itago ang kanyang ulo at yakapin ang kanyang mga tuhod, tinanggap niya ang mga suntok at sipa ng mga bodyguard.

“Nakakaawa naman siya!”

“Inagaw ang asawa niya at binugbog pa siya!”

“Mas gugustuhin ko pang mamatay kung walang kwenta ako na tulad niya!”

Ang lahat ay nagbubulungan habang nakatingin kay Leon, napuno sila ng simpatya at panlalait.

Alam nila na ito ay maaaring simula pa lamang, dahil sa impluwensya ng Sullivan Enterprises na siguradong sisira sa kinabukasan ni Leon!

Ngunit, biglang may dumating na malakas na tunog ng pag preno ng mga kotse.

Ang isang extended, modified version ng isang nakakatakot na Rolls-Royce, kasunod ng dalawang itim na Mercedes-Benz, ay huminto sa labas ng Civil Records Office.

Ang pinto ng Rolls-Royce ay bumukas, at may isang maganda, matangkad, at kaaya-ayang 23 o 24 taong gulang na babae ang lumabas ng kotse. Tila elegante ang taong ito.

Sa likod ng glamorosong babae ay may anim na mga bodyguard.

Ang bawat isa sa mga bodyguard ay may malaking katawan at malupit na mga mata. Sa isang tingin pa lang, makikitang sila lahat ay top-notch combat trainees.

“Diyos ko, si Iris!”

“Ang babae na nasa rank one ng top four beautiful women sa Springfield City! Ito ay si Iris, ang eldest daughter ng mga Young!”

May ilang mga nakakilala sa magandang babaeng ito at hindi nila mapigilan na saibihin ito.

Hindi isang public figure si Iris, at kaunti lang sa mga tao ang nakakita sa kanya ng personal.

Gayunpaman, mataas ang reputasyon niya, dahil siya ang jewel ng mga Young at ang isa sa apat na pinakamagandang babae sa Springfield City.

Sa oras na may nagsabi ng pagkakakilanlan ni Iris, napagtanto agad ng lahat na ang glamoroso at magandang babae sa harap nila ay ang diyosa na hinahangaan ng karamihan sa mga lalaki sa Springfield City.

“May sabi-sabi na kahit kailan ay wala pang boyfriend si Iris at single siya. Bakit siya pupunta sa Civil Records Office ngayon?”

“Nagkaroon na ba siya ng boyfriend? Plano niya bang magpakasal?”

May kakaibang tingin ang lahat sa kanilang mga mukha, at sa sandali na may bulungan, na maaaring ang rason kung bakit nandito si Iris ay para kunin ang marriage certificate nito, ang lahat ng mga lalaki sa paligid ay tila heartbroken.

Kasabay nito, ang inggit sa puso ng bawat lalaki ay lumala, dahil nagtataka sila kung sino ang maswerteng lalaki na nagustuhan ng diyosa na si Iris!

Hindi pinansin ni Iris ang tingin ng lahat, naglakad siya sa hall, at dumiretso siya sa direksyon ni Brody.

Namula ang mukha ni Brody, at ang puso niya ay tumibok ng sabik.

Siya ang eldest young master ng Sullivan Enterprises at kilala siya sa business circle. Natural lang na nakilala niya na si Iris dati.

Natulala siya sa unang beses niyang makita si Iris, at pagkatapos nito ay naging pangarap niya na rin si Iris!

Gayunpaman, ang mga Young ang pinakamakapangyarihang pamilya sa Springfield City, may impluwensya sila sa militar, pulitika, at business.

Kaya naman, mas makapangyarihan sila kaysa sa Sullivan Enterprises at malayo ang agwat nila dito.

Kahit na ito ang gusto ng puso ni Brody, hindi niya binalak na ligawan si Iris.

Tutal, hindi siya kwalipikado para gawin ito!

Ngunit, sa kanyang ikinagulat, si Iris ang mismong lumapit sa kanya, at nasabik siya ng sobra sa punto na nawala siya sa sarili niya!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status