Share

Kabanata 4

Nakakuha ng pambihirang kapangyarihan si Leon pagkatapos niyang bumalik sa buhay, at kahit na hindi niya pa siya sanay dito, higit sa sapat ito para harapin ang dalawang lalaki. Ang isa pang lalaki ay natulala nang makita niya ang nangyari, at kinuha ni Leon ang pagkakataong ito para kumapit sa lalaki bago sila pumunta sa tubig.

Nakita ni Iris ang pangyayari at naisip siya kung mamamatay na magkasama ang dalawa.

May komplikadong ekspresyon sa kanyang mukha. Ang lalaking ito ay nakakairita, pero sinakripisyo ni Leon ang buhay niya para iligtas si Iris kahit na nagkataon lang ang pagkikita nila sa gabing ito.

Ang mga binti ni Iris ay mahina ngayon, at kailangan niyang gumapang para makarating sa dulo ng tubig. Ang mga emosyon niya ay magulo dahil hindi siya sigurado kung gusto niyang umahon sa tubig si Leon o hindi. Niligtas nga siya ni Leon, ngunit hinawakan at nakita nito ang katawan niya, bukod pa dito ay hinalikan siya nito habang nagaganap ang mouth-to-mouth resuscitation.

Kinagat ni Iris ang labi niya at naghintay siya, ngunit hindi nagpakita ng senyales si Leon na aahon siya. Nagtaka si Iris kung namatay o nabuhay si Leon at hindi siya sigurado as kapalaran nito.

Namuo ang luha sa kanyang mga mata at wala siyang magawa para pigilan ang mga ito.

Makalipas ang ilang sandali, narinig niya ang tunog ng pagbusina. Ang mga bodyguard ng mga Young ay nagsimula na sa paghahanap sa kanya.

Sinuot niya ang mga damit ni Leon at nagpatuloy siya sa paghihintay. Nang makumpirma niya nang hindi umahon sa tubig si Leon, sinabi niya ng mahina sa ilog, “Ang pangalan ko ay Iris Young. Puntahan mo ako minsan…”

Tumalikod si Iris at umalis siya, ngunit hindi niya alam na narinig ni Leon ang sinabi niya mula sa ilalim ng tubig.

‘Iris… Isang magandang pangalan!’

Pagkatapos bumalik sa bahay, tila nawala sa sarili si Iris habang inutusan niya ang grupo ng mga bodyguard na lumangoy sa ilog at hanapin si Leon. Ngunit, sa huli, hindi nila ito mahanap.

Ang alam lang nila ay ang pangalan niya ay Leon Wolf, kilala siya bilang isang manugang na tumira na parang isang aso sa pamilya ng asawa niya.

Ang isa sa mga bodyguard ay nahanap ang ID card mi Leon, at sinabi nito na nahanap ang ID card sa recycling center.

Tila may kakaiba sa sitwasyon na ito.

Naghintay sina Marilyn at Helen sa labas ng Civil Records Office.

Paminsan minsan, tinaas ni Marilyn ang braso niya para tumingin sa kanyang relo. Lumaki ang galit niya sa bawat lumipas na minuto.

Nagkasundo na sila ni Leon na magdidivorce sila ngayong umaga, ngunit halos tanghali na at wala pa ring bakas ni Leon.

Bukod pa dito, hindi umuwi si Leon ng buong gabi, at ang cellphone niya ay hindi matawagan nang tumawag si Marilyn kanina. Walang ideya si Marilyn kung saan pumunta si Leon at wala siyang paraan para matawagan ito.

Habang naubos ang pasensya ni Marilyn, nagpakita rin si Leon sa huli. Halos naghihingalo si Leon habang tumatakbo mula sa malayo.

Punit punit ang mga damit niya, at tila siya ang imahe ng kahihiyan!

Pagkatapos takutin ni Leon si Iris, natuklasan niya na si Iris ay ang anak ng isang impluwensyal na pamilya. Dahil dito, hindi siya umahon sa tubig at nagdesisyon siya na magtago sa tubig. Pagkatapos isipin ni Iris na patay na si Leon at nagsalita siya sa tubig, napansin ni Leon na may mga bodyguard pa rin na naghahanap sa lugar. Kaya naman lumangoy siya sa ilog ngunit nawalan siya ng malay dahil sa lahat ng nangyari sa kanya nang gabing ‘yun.

Sa oras na gumising na siya, alas nueve na ng umaga.

Agad niyang naalala ang divorce niya kay Marilyn, at ito ang rason kung bakit nag madali siyang pumunta dahil gusto niya na maging malaya mula kay Marilyn sa madaling panahon.

Gayunpaman, lumapit si Marilyn kay Leon at tinaas niya ang kamay niya para sampalin ng malakas si Leon.

“Saan ka nanggaling kagabi, walang kwenta ka! Hindi ba’t sinabi ko sayo kagabi na magdidivorce tayo nitong umaga? Halos tanghali na ngayon! Sinasayang mo ang oras ko!” Ang sabi ni Marilyn.

“Busy ako kagabi…”

Tinakpan ni Leon ang kanyang mukha. Gusto niya rin sampalin si Marilyn kung may lakas ng loob lang siya! Sa huli, ang nagawa niya lang ay kagatin ang kanyang ngipin at tiisin ang kahihiyan.

“Paano naman magiging busy ang isang walang kwentang tulad mo? Sumiping ka ba sa iba dahil galit ka sa nangyari kagabi.” Lumapit si Helen ng may kakaibang tingin sa kanyang mukha.

“Masyadong mataas ang tingin niyo sa kanya, Mom! Walang kahit sinong babae ang magkakagusto sa kanya, maliban kung bulag sila! Kahit maghanap siya ng prostitute, wala rin naman siyang pera para bayaran sila!”

Tumawa ng mapanglait si Marilyn.

Namutla ang mukha ni Leon, pagkatapos ay namula ito, at hindi niya magawang tumingin dahil sa dalawang babaeng nanglalait sa kanya.

“Hindi na mahalaga ito. Nasusuka ako kapag nakikita kita! Gawin na natin ang divorce na ito para matapos na!”

Suminghal ng malamig si Marilyn bago siya tumalikod at naglakad ng mayabang patungo sa entrance ng Civil Records Office.

Sa mga sandaling ito, awkward na sinabi ni Leon, “Sa tingin ko ay hindi natin ito magagawa. Nawawala ang ID ko. Noong pinalayas niyo ako kagabi, tinapon niyo ang lahat ng ari arian ko sa basura. Kasama ang ID card ko sa mga dokumentong ‘yun, pero dahil hindi niyo ito napansin. Ngayon ay napunta na ito sa tambakan ng basura para sunugin, hindi na mahahanap ang ID card ko.”

“Ano?”

Nabigla si Marilyn at tumalikod siya para tumitig kay Leon at sinabi niya ng nakangisi, “Gumagawa ka lang ng dahilan para hindi ka makapag divorce, hindi ba? Sino ang niloloko mo sa pagsabi mo na nawawala ang ID card mo? Lalaki ka ba?”

Idinagdag ni Helen, “Syempre. Kung ayaw mo ng divorce, sabihin mo lang! O masaya ka ba na may ibang lalaki ang asawa mo? Baka masaya ka na magpalaki ng isang batang hindi mo anak?”

“Sinasabi ko ang katotohanan. Nawawala ang ID card ko. At kasalanan niyo rin ito! Bakit laging ako na lang?”

Humigpit ang kamao ni Leon at namula ang kanyang mga mata.

Kahit na gusto niya agad makipag divorce kay Marilyn, wala siyang magagawa kung wala siyang ID card.

Sa mga sandaling ito, may dalawang sasakyan—isang mamahaling Porsche at isang itim na Audi—ang huminto sa harap ni Leon.

Nang bumukas ang pinto ng Porsche, may isang lalaki na nasa 26 o 27 taong gulang ang edad ang lumabas ng kotse. May suot siyang shades at mga mamahaling designer clothes.

Makalipas ang ilang sandali, ang dalawang bodyguard na may suot na suit at leather shoes ay lumabas ng Audi at sumunod sa lalaki na may marangal at magarang paraan.

Mabilis na nakuha nito ang atensyon ng mga tao nasa paligid.

Alam ng lahat sa isang tingin pa lang na ang lalaking ito ay isang anak ng mayamang pamilya.

“Brody, nandito ka…”

Ang pamilya ni Marilyn ay tila masaya, para bang nagbago sila at binati nila ang mga ito ng mapambola.

Tinanggal ni Brody ang shades niya at mayabang niyang tinanong, “Hindi ba’t sinabi mo na makikipag divorce ka sa asawa mo ngayon? Hindi mo pa natapos ang proseso ng divorce?”

“May balita ako sayo! Ang walang kwentang lalaki na ito ay sinasadya na maging late, at ayaw niyang makipag divorce dahil sinabi niya na nawawala ang ID card niya! Hindi ba’t mahirap paniwalaan!”

Tumingin ng malupit si Marilyn kay Leon.

“Sino ang nagsabi na hindi ka pwede makipag divorce ng walang ID card? Kaibigan ko ang manager dito! Sumama kayo sa akin, tatapusin na natin ito!”

Nilagay ni Brody ang kamay niya sa baywang ni Marily habang nakatingin siya ng malamig kay Leon. May masamang tingin sa kanyang mga mata habang sinabi niya, “Binabalaan kita, bata. Sumunod ka na parang isang bata at magpatuloy ka sa divorce. Kung gumawa ka pa ng paraan para maging malapit kay Marilyn, sisiguraduhin ko na pagsisisihan mo ito ng habang buhay!”

“Narinig mo ba ‘yun? Kahit na wala kang ID card, sisiguraduhin ng asawa ko na matuloy ang divorce! Tingnan natin kung anong kalokohan ang maisip mo ngayon!”

Ngumiti ng mayabang si Marilyn kay Leon at hinalikan niya si Brody sa pisngi. Silang dalawa ay nakipaglandian sa isa’t isa habang pumasok sila ng gusali.

Walang pagdududa na bagay sila sa kasamaan nila!

Humigpit ang kamao ni Leon at napuno ng galit ang mga mata niya.

Hindi lang sa pinagtaksilan siya ni Marilyn, sinasadya pa nilang maglandian sa harap ni Leon. Walang hangganan ang kasamaan ni Marilyn!

Gayunpaman, pinaalala ni Leon sa sarili niya na malapit niya nang makuha ang kalayaan, kaya kumalma siya at naglakad siya patungo sa Civil Records Office sa likod nila Marilyn, Brody, at Helen.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status