Mas lalong nagalit si Marilyn habang pinag isipan niya ang nangyari.Hindi nagtagal, tumayo si Brody mula sa sahig at dismayado siya. Mukha siyang miserable habang siya ay may asul na ilong at namamaga na mukha.“Imposible! Si Iris ang eldest young lady ng mga Young! Isa siyang respetadong tao. Walang kahit sino sa mga mayaman at makapangyarihang mga lalaki sa Springfield ang nakakuha ng atensyon niya, kaya paano ito nagawa ng isang basura na tulad ni Leon!”“Baka silang dalawa ay magkakilala lang…”Tinakpan ni Brody ang mukha niya at umungol siya sa sakit.Si Iris ay isang diyosa sa mga mata niya, kabaliktaran ng mababang tingin niya kay Leon. Mas mauna pa siyang mamamatay kaysa maniwala na may espesyal na relasyon sa pagitan ni Leon at Iris!“Tama ka! Hindi magkakagusto si Iris kay Leon maliban kung bulag siya… Pero kung iisipin, kahit na bulag si Iris, hindi niya magugustuhan ang isang basura na tulad ni Leon!”Ngumiti ng nanunuya si Marilyn, at ang puso niya ay medyo gumaan
“Ano ang nangyayari, Cheryl? Sabihin mo sa akin ang nangyari!” Ang sabi ni Wendell.“Pinsan! Sakto ang pagdating mo. Ang dalawang pulubi na ito ay gumagawa ng gulo at sumisira sa imahe ng hotel natin…”Tumuro ang supervisor kela Iris at Leon ng may mapanghamak na ekspresyon.Tumingin si Wendell sa direksyon kung saan nakaturo si Cheryl at agad niyang nakita si Iris.Sa unang tingin niya ay humanga siya, dahil nabighani siya sa magandang mukha at marangal na kilos ni Iris.Pagkatapos, ang ekspresyon niya ay nagbago agad, at namuo ang pawis sa kanyang noo!Minsan lang nagpapakita sa publiko si Iris, at ang ang ilan na hindi parte ng mga mayayaman at makapangyarihang mga indibidwal ay hindi alam kung ano ang itsura niya.Hindi kwalipikado si Wendell para makilala si Iris, ngunit dahil ang negosyo ng mga Young ay may koneksyon sa maraming industriya, madalas nilang inaasikaso ang ilan sa mga VIP guests o mga bigating customer ng kumpanya para tumuloy ang mga ito sa The Sovereign Hot
Nag isip ng malalim si Leon, ngunit bumalik agad siya sa sarili.Naglakad siya patungo kay Iris at hinila niya ang braso nito bago siya bumulong, “Kalimutan mo na siya, Iris. Sanay na ako sa ganitong pagtrato sa akin…”Kumirot ang puso ni Iris. Nararamdaman niya ang pait sa mga salita ni Leon, pati na rin ang bahid ng inferiority complex nito.“Miss Young, kasalanan ito lahat ni Cheryl. Didisiplinahin ko siya. Pakiusap ay bigyan niyo siya ng pagkakataon na matuto sa kanyang pagkakamali,” Ang tapat na pagmamakaawa ni Wendell.Ang galit niya kay Cheryl ay lumabas na. Kailangan niyang masigurado na hindi na kikilos ng ganito si Cheryl sa susunod. Maaaring pagbigyan si Cheryl sa pagkakataong ito, ngunit kapag naulit ito, ito na rin ang katapusan ni Wendell.“Tumayo ka! Dahil gusto kang pagbigyan ng kaibigan ko, papayag ako na bigyan ka ng isa pang pagkakataon. Sana ay matuto ka na magbago sa susunod!” Ang malamig na sinabi ni Iris.Kaya niyang pagbigyan ang mga tao kapag kinakailanga
“Oo nga pala, Leon, naalala ko na sinaksak ka ng lalaki ‘yun kagabi. Ayos… ka lang ba? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?” Ang tanong ni Iris ng nag aalala.Naalala niya ang imahe na sinaksak ng lalaki si Leon sa dibdib gamit ang kutsilyo, ngunit ang kakaibang bagay ay buhay pa rin si Leon na para bang walang nangyari sa kanya.Nagsimulang magduda si Iris sa nakita niya kagabi.“Ayos lang ako. Ayos lang ang sugat ko.”Hinawakan ni Leon ang kanyang dibdib, ngunit aksidente niyang nahawakan ang sugat. Kumunot ang noo niya at napaungol siya sa sakit.“Ano ang problema? Masakit ba? Sige, pupunta tayo sa hospital ngayon!”Tumayo bigla si Iris at may kabadong ekspresyon sa kanyang mukha.“Hindi ito masyadong masakit. Hindi gaano tumatagal ang sakit, at nawawala agad ito pagkatapos nito dumating. Sa tingin ko ay hindi ko na kailangan pumunta ng hospital.”Ang sakit ay nabawasan habang hinimas ito ni Leon ng ilang beses.Gusto niyang tanggalin ang damit niya para tingnan ang sugat
“Kung hindi ako dumating dito, hindi ko matutuklasan na nagdala ka ng isang hindi sibilisadong lalaki sa bahay!” Ang malamig na sinabi ng matandang lalaki.“Sino ang hindi sibilisado?! Bakit niyo sasabihin ang isang bagay na napakasakit? Kaibigan ko si Leon. Walang namamagitan sa amin!”Hindi natutuwa si Iris.“Sinasabi mo ba talaga sa amin na walang namamagitan sa inyo, ngayon at hinawakan mo siya ng ganun? Sino ang niloloko mo? Wala ka bang dignidad kahit na may araw pa, Iris? Kung ganun, gawin mo na rin ito sa labas ng bahay!” Ngumiti ng nanunuya ang magandang babae.“Wala na kayong pakialam dito! Pwede kong gawin ang kahit anong gusto ko, at wala kayong karapatan para utos-utusan ako!”Tumingin ng masama si Iris sa babae, at ang poot sa pagitan nila ay lumalala.“Gilbert, tingnan mo siya! Nagiging bastos at walang galang siya!”Inalog ng magandang babae ang braso ng matandang lalaki ng may mapagpanggap na ekspresyon.“Ano ba ang problema mo, Iris? Gustuhin mo man ito o hind
Gayunpaman, alam ni Leon na hindi niya matatanggap ang pera dahil hindi ito sa kanya.“Lagi na lang pera ang solusyon mo. Sa tingin mo ba ay magaling ka na dahil may pera ka? Sinabi ko na sayo na gusto ko si Leon. Hindi ako magpapakasal sa kahit sino maliban sa kanya! Hindi ko hahayaan na magkahiwalay kami dahil sayo, kahit na mamatay ako!” Ang sagot ni Iris.Sa paglaki ni Iris, hindi siya nakatanggap ng pagmamahal sa tatay niya simula noong pumanaw ang nanay niya. Tuwing kailangan niya ang tatay niya, bibigyan lamang siya nito ng pera. Noong tumagal, umabot sa punto na nagsawa na si Iris sa tatay niya!“Sige, bahala ka! Hahanapin ko ang lolo mo ngayon!”Ang mukha ni Gilbert ay namutla sa galit at tumalikod siya para umalis.Sa mga nakalipas na taon, lumala ang distansya ng mag-ama, at ang relasyon nila ay lumala habang tumatagal.Ngayon at ang anak niya ay malaki na at may sariling kumpanya at karera na ito, hindi niya na ito makontrol kahit na gustuhin niya.Ang tanging tao sa
Maliban kay Elder Young, nakaupo rin sina Gilbert at Daisy sa tabi niya sa hall.Nagpatuloy na tumingin ng malamig si Gilbert kay Leon, dahil ang nangyari sa villa ay nagbigay ng masamang first impression kay Leon.Samantala, mabait ang ugali ni Elder Young. Inutusan niya pa ang mga katulong na magbigay ng tsaa at tubig para kay Leon ng hindi man lang nagpapakita ng kahit isang bahid ng panunuya o panlalait.“Lolo, ipapakilala ko po sa inyo si Leon. Siya po ang nagligtas sa akin kagabi…”Pagkatapos ay isinalaysay ni Iris ang buong kwento.“Maraming salamat sa pagligtas sa buhay ng apo ko, Leon. Lagi naming tatandaan ang kabaitan mo! Ang kabutihan ng isang tao, kahit gaano kaliit, ay lagi dapat bayaran Sabihin mo sa akin, may gusto ka ba na kahit ano? Gagawin ng pamilya namin ang aming makakaya para matupad ang mga kahilingan mo.”Ngumiti ng mabait si Elder Young.“Salamat po, pero wala po akong gusto na kahit ano…”Umiling si Leon.Niligtas niya si Iris kagabi para sa hustisya
Pagdating sa pagkakakilanlan, background, o family business, si Graham ay mababa kumpara sa kilalang pamilya na tulad ng mga Young. Ngunit, pagdating sa reputasyon at katayuan, siya ay maikukumpara kay Elder Young.Tutal, ang kahit sinong nagkasakit ay kilala siya bilang mahusay na doctor sa Springfield City. Maraming mayaman at makapangyarihang indibidwal ang lumapit sa kanya para magpagamot.“Sana ay pagpasensyahan mo ako sa biglang pag dating, Elder Young. Gusto kong ireassess ang kondisyon mo…”Pinagdikit ni Graham ang mga kamay niya at ngumiti siya.Biglang nagkasakit si Elder Young nitong nakaraang kalahating buwan, kung saan ang dibdib niya ay sumikip at hirap siyang huminga.Si Graham ang gumamot sa sakit ni Elder Young noon.Sa mga oras na ‘yun, dalawa silang pumayag na magkaroon ng isa pang checkup pagkalipas ng kalahating buwan, at kung walang problema na dumating sa sumunod na checkup, ang kondisyon niya ay masasabing magaling na.“Salamat sa abala, Graham.”“Walang