Share

The Ex-Husband's Revenge
The Ex-Husband's Revenge
Author: Dragonsky

Kabanata 1

Ang 26-taong gulang na si Leon Wolf ay isang kasal na lalaki na ang kahihiyan ay kilala sa buong Springfield City. Nakatira siya sa isang bahay kasama ang pamilya ng asawa niya—ang mga Manson—at trinato siya na parang isang alipin sa tatlong taon ng kasal nila. Bago lang sa kanya ang dignidad niya, ngunit isang gabi, nagsawa na siya!

Sa nakalipas na tatlong taon, araw-araw siyang nagtrabaho na parang kabayo sa kumpanya ng mga Manson, ngunit ang sahod niya ay kailangan niyang ibigay sa asawa niyang si Marilyn na siyang hindi niya man lang malapitan.

Tuwing umuuwi siya ng gabi, kailangan niyang gawin ang maglaba, magmop, magluto, at iba’t ibang mga gawaing bahay. Gayunpaman, nagsikap siya ng hindi nagrereklamo.

Naisip niya na gawin ang lahat ng ito para mapatunayan niya ang halaga niya sa asawa niya para makumbinsi niya ito na makasama niya hanggang sa pagtanda nila, ngunit ang kabayaran na natanggap niya ay isang malaking regalo—isang sanggol!

Ang asawa niya—na siyang hindi niya man lang malapitan—ay buntis, at magiging isang ama na siya!

Ngunit, maituturing ba ito na isang magandang balita?

“Mahirap ba maglaba ng damit o magmop ng sahig, Leon? Walang kwenta ka! Wala ka bang magawa na tama? Bakit ka namin hahayaan na manatili dito kasama namin kung mas mabuti pa ang trabaho ng isang aso kaysa sa trabaho mo?”

Ito ang malupit na mga salita ng biyenan ni Leon, si Helen Manson. Tumuro siya sa mukha ni Leon habang pinapagalitan niya ito na parang wala nang bukas.

Tumingala si Leon, at ang mga mata niya ay namula sa galit.

“Helen!” Kinagat ni Leon ang ngipin niya at pinigilan niya ang boses niya sa kanyang lalamunan.

“‘Wag mo akong tawagin sa pangalan ko. Hindi ka nararapat na banggitin ang pangalan ko!”

Si Helen ay may ekspresyon na may pagkasuklam.

Nanatiling tahimik si Leon at hindi siya sumagot.

Noong nakaraang tatlong taon, nagkataon na nakasalubong niya ang head of the family ng mga Manson nang sinumpong ang sakit nito bigla.

Ang tawag sa kanya ay Elder Manson, pinasan siya ni Leon patungo sa hospital ng halos walong kilometro. Ang matandang lalaki ay nagamot ng nasa oras at naligtas siya dahil sa kabaitan ni Leon.

Naisip siguro ni Elder Manson na kailangan niyang bayaran ang kabaitan ni Leon, ipapakasal niya ang apo niya, si Marilyn, kay Leon. Ang buong pamilya ay tumanggi dito, ngunit ang matandang lalaki ay hindi nakinig sa kanila.

Simula noon, tumira na si Leon sa mga Manson ng tatlong taon.

Tatlong taon!

Kahit ang pinakamalamig na mga tao ay magiging malapit sa isang tao na kasama nila ng tatlong taon, ngunit imposible ito para sa malupit na mag-ina!

Si Marilyn at ang pamilya niya ay mababa ang tingin kay Leon, dahil lang isang ampon si Leon na walang family background.

Kahit na anong sikap ni Leon, patuloy lang sila Marilyn sa pagpuna sa kahit anong gawin niya.

Si Elder Manson lang ang tanging tao sa pamilya na trinato siya ng patas.

Tuwing nandyan si Elder Manson para protektahan siya, ang biyenan niyang si Helen ay pipigilan ang sarili nito—ng kaunti lang.

Simula nang pumanaw si Elder Manson mula sa sakit noong nakaraang isang buwan, silang lahat ni Helen ay magsikap lalo para palayasin si Leon.

Sa loob ng pamilyang ito, trinato siya ng mas malala pa kaysa sa isang aso…

Bumukas ang pinto at pumasok si Marilyn, amoy alak siya. May suot siyang usong damit at itim na silk stockings, ang mahabang mga binti niya at ang nakakaakit na mukha niya ay hindi matiis ng kahit sinong lalaki.

Dahil bumalik na siya, tumingin si Leon sa kanya at kumirot ang puso ni Leon. Hindi maintindihan ni Leon kung paano nagawa ni Marilyn na uminom kahit na buntis ito!

Ang unang ginawa ni Leon ay lumapit para suportahan si Marilyn, ngunit agad siyang tinulak palayo nito.

“Lumayo ka sa akin! Mag empake ka ngayon at umalis ka na dito. Magdidivorce tayo sa Civil Records Office bukas!”

“Ano! Bakit?!”

Sa puntong ito, dumating si Helen at minura niya si Leon sa oras na nakita niya ito na nakatayo lang.

“Ano ang ginagawa mo, Leon? Dalhin mo ang isang bacha ng tubig at linisin mo ang paa ni Lulu!”

Lumapit si Helen kay Marilyn ng may malambing na ekspresyon. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ng babae at tinanong niya ng nag aalala, “Bakit ka umiinom ng maraming alak? Hindi ito maganda para sa sanggol. Pinaghirapan mo na mabuntis kay Brody, kaya hindi mo dapat hayaan na may mangyari sa bata.”

Umaasa siyang magkaroon ng apo kahit na ang sanggol ay may ilang buwan pa bago isilang dahil ang isang anak na lalaki lang ang paraan para ang anak niya ay maging asawa ni Brody. Ang tanging rason kung bakit hinayaan niya si Leon na manatili dito ay dahil hindi siya sigurado sa kasarian ng sanggol—tutal, may kailangan mag alaga sa anak niya, at mas magastos kung kumuha sila ng babysitter.

“‘Wag ka nang mag abala na linisin ang paa ko! Nagdusa na ako sa pagiging walang kwenta mo sa nakalipas na tatlong taon, Leon! Magdivorce na tayo bukas!”

Tumingin ng malamig si Marilyn kay Leon.

Naramdaman ni Leon na para bang ang puso niya ay tinusok ng maraming karayom. Alam niya na hindi pa siya karapat dapat para kay Marilyn, ngunit nagpatuloy siya na magsikap at tiisin ang lahat ng tatlong taon dahil umaasa siyang tanggapin siya ni Marilyn.

Ngunit, hindi niya alam na gusto na mag divorce ni Marilyn kapalit ng lahat ng pagsisikap niya!

“Tama ka!” Naintindihan agad ito ni Helen. “Tutal, nasa atin na ng anak ni Brody, at masisira ang reputasyon natin kapag kumalat ang balita na nakatira pa rin si Leon kasama natin.”

“Pagod na ako. Pwede mo ba akong dalhin sa kwarto para makapag pahinga ako? Nandidiri ako kapag nakikita ko ang tangang ito!”

Hinimas ni Marilyn ang tiyan niya at nagsimula siyang mag alala kung ang ibang mga babae sa paligid ni Brody ay susubukan nang pumagitan sa kanila kapag lumaki na ang tiyan niya. Habang tinulungan ni Helen si Marilyn papunta sa kwarto nito, nilait niya si Leon, “Bakit nandito ka pa rin? Mananatili ka ba dito para alagaan mo ang sanggol na hindi sayo?”

Sa isang iglap, ang puso ni Leon ay napuno ng kahihiyan, galit, at iba’t ibang mga masasamang emosyon. Pakiramdam niya ay isa siyang abandonadong aso na pinalayas sa tahanan nito. Ang lahat ng ari arian niya mula noong nakalipas na tatlong taon ng kasal nila—pati na rin ang ID Card—ay tinapon sa basurahan, at ang nangingibabaw na emosyon ngayon ni Leon ay ang kanyang pagkadismaya.

Wala na siyang tirahan.

Sa tatlong taon na ito, ang lahat ng mga kinita niya sa trabaho ay ibinigay sa kanyang biyenan at hindi man lang siya nabigyan ng kahit isang sentimo.

Naglakad sa kalye si Leon at dumating siya sa sementeryo, kung saan naramdaman niya ang malamig na hangin sa loob ng kadiliman.

Tumayo siya sa harap ng lapida ng may malungkot na ekspresyon, ngunit hindi siya lumuha.

Hindi niya alam kung dapat siyang magalit, malungkot, o madismaya.

Tumingin siya ng tahimik sa lapida ng pumanaw na si Elder Manson, ang tanging tao na nagprotekta sa kanya nitong nakalipas na tatlong taon. Pagkatapos siyang palayasin ng bahay, dumalaw si Leon sa matandang lalaki ng isa pang beses.

Kahit na ang layunin niya ay dumalaw, wala siyang pera at hindi niya kayang bumili ng kahit mumurahin na mga bulaklak.

“Salamat po sa pag aalaga sa akin nitong mga nakalipas na tatlong taon, Sir…”

“Magdidivorce na po kami ni Marilyn bukas…”

“Nabigo po ako na maging isang tao na inaasahan niyo na maging matagumpay…”

Pula ang mga mata ni Leon. Lumuhod siya sa madilim na gabi at yumuko siya ng maraming beses sa lapida ni Elder Manson. Mahirap ilarawan ang pait ng kalungkutan sa kanyang puso.

Nang tapos na siya dumalaw, nilabas niya ang isang pendant, hinawakan niya ito, at umupo siya sa lupa habang nakasandal siya sa lapida.

Ang hindi alam ni Leon, ang pendant ay umilaw ng puting liwanag, na tila naramdaman nito ang galit at kahihiyan sa loob niya…

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status