Share

Chapter 60 – Screwed Up

"Bingi ka ba? Hindi mo narinig ang sinabi ko? Uulitin ko pa ba? O sige, makinig kang mabuti ha, paki linis na rin ang tenga mo." Ani Cindy habang nilalaro-laro ang dulo ng kulot niyang buhok. "Katulad ng narinig mo kay lola esmie, darating ang araw na magpapakasal kami ni aeros at siyempre, dito niya ako ititira..." Ngumiti ito na tila nangangarap nang gising.

Naikuyom ni Agnes ang kamao nang marinig iyon bagaman napanatili niya ang normal niyang ekspresyon. Ayaw niyang ipakita sa babaeng kaharap na naapektuhan siyang sa sinabi nito.

"O ano, ba't hindi ka na makapagsalita diyan? Baka may gusto kang sabihin like, best wishes, good luck, I'm so happy for you.... Ano na?" Aniya habang binabangga-bangga ang balikat ni Agnes na animo'y nang-iinis ito.

Nagtimpi ang dalaga at hindi pinatulan ang provocation ng babae, ngunit nakaisip ito ng pambawi dito. "Teka, huwag mong sabihing nanggaling ka sa tulog, nananaginip ka pa yata e."

Tumigil si Cindy at nangunot ang kilay nito. "Ano?" Tanong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status