Natahimik ang paligid at ang ilan ay napanganga pa. "My god, what's wrong with Trixie, is she's sick? Hindi naman sinasadya nung maid e." Wika ng isang babae sa mesa nila aeros."Well, knowing Trixie, hindi niya basta palalagpasin yan. I think she's hurt. Tingnan mo o, umuusok pa yung pagkain kaya malamang mainit yan.""What the h*ll is wrong with you, ba't hindi ka naman nag-iingat?" Ani Trixie habang bahagyang nagtatatarang at ipinapagpag ang kanyang paa. Matapos niyang punasan ang natapong sisig ay tumambad sa kanya ang pamumula ng kanyang binti at paa. Lalo itong nagalit at nagpupuyos na bumaling kay Agnes na noo'y tila hindi pa rin makapaniwalang nakatanggap siya ng malakas na sampal mula sa babae. Sapu-sapo nito ang namumula niyang pisngi."What now?! Anong gagawin mo kung magka peklat ako nang dahil sa katangahan mo? Akala mo ba ay mababayaran mo ko?"Tatayo sana si Aeros para lapitan ang dalawa ngunit biglang kumandong si Cindy dito. "Aeros ~ you don't have to meddle to t
"May alam akong bagong bukas na bar, sabi ng kakilala ko na nakapunta na doon ay okay naman daw kahit kulang pa sa ayos, subukan natin. Ano, game?" Tanong ng isang lalaking nagmamaneho ng isang van sa kanyang mga kasama."Sure! Walang problema sa kin. Kayo ba?" Tlanong ng katabi ng nagmamaneho sa mga kasama niya sa likod."Ayos lang sa kin.""Ako rin.""Game ako... Ikaw Vance?" Tanong ng isang lalaki sa likod. Nilagpasan nito ang isang lalaki na kanina pa masama ang timpla. Hindi nga niya alam kung paano nagawa ng mga kasama n'ya ang isama ito."Kahit ano. Ikaw ba Aeros, ayos lang ba sayo?""Bahala kayo...." Walang pakialam na sagot ni Aeros. Hindi talaga n'ya gustong sumama sa grupo dahil mas gusto niya ang tahimik at gusto muna sana niyang mapag-isa ngunit wala na siyang magawa nang hilahin siya ni Vance at ng chubby'ng lalaki sa grupo.Natahimik ang mga tao sa loob ng sasakyan. Nalalaman nilang kanina pa masama ang timpla ni Aeros. Hindi na sana nila papansinin ang pagsusungit
"Alfie, halika dito." Tawag ni Eduardo sa bunsong anak na naglalaro sa di-kalayuan. "Tawagin mo ang ate Agnes mo at hindi pa kumakain yun."Bago pa man makaalis ang bata ay pinigilan ito ni Marina. "Ako na lang at baka mapagod ang bata." Lumapit ito sa lamesa at tiningnan ang pagkaing inihahanda ni Eduardo para sa anak na babae."Ikaw?" Takang tanong ni Eduardo sa asawa dahil nalalaman niyang hindi maganda ang relasyon nito sa kanyang unica hija. Maging si Alfie ay nagtataka rin sa kanyang step mother."Ano ka ba Edward, bakit naman ganyan ka kung makatingin sa kin? Hindi ba ko puwedeng magmalasakit kay Agnes? E para ko nang anak yun, hindi ba?"Iwinaksi ni Eduardo ang pagdududa at hinayaan ang asawa sa gusto nito, ngunit dinala nito ang pagkain ng dalaga pag-akyat nito.Kumatok si Marina at sa pahintulot ni Agnes ay pumasok ito. Nadatnan nito ang dalaga habang naglalagay ito ng mga skin care products. Dahil nasa sarili n'yang pamamahay kung kaya hindi na kailangang mag make-up di
Pinuntahan ni Marina si Mylene sa kuwarto nito at inabutan n'ya itong nagbubuklat ng isang fashion magazine. Galit niyang hinablot iyon. "Bakit na naman 'ma?" Tanong ni Mylene habang sinusubukan kunin ang magazine sa ina ngunit inilayo iyon ni Marina. "Hindi ba mahigpit kitang binilinan nung sinundo kita pabalik dito? Anong sinabi ko sayo?"Nagkibit-balikat lang si Mylene, hindi nito inintindi ang katanungan ng ina. Sumandal ito sa headboard ng kanyang kama. "Ano ba yung sinabi mo? Hindi ko matandaan e."Ang masama nang mukha ni Marina ay lalong pang sumama nang makita ang inasta ng anak. Sinunggaban niya ito sa braso. "Ako ba talaga Mylene ay ginagalit mo? Wala ka na ngang silbi, ganyan ka pa! Hindi mo ba talaga sineseryoso ang mga sinasabi at ang mga ibinibilin ko sayo, ha?!" Singhal niya "Aray! You're hurting me!" Kumawala si Mylene mula sa mahigpit na pagkakakapit ng ina at galit na tumayo. "Ano bang problema 'ma? Baka nakakalimutan mo na meron ka pang dapat ipaliwanag sa kin..
Habang nasa kasagsagan ng pag-mamaneho ang isang makisig na binata ay may biglang tumawag dito. Inilagay niya ang kanyang bluetooth headset sa isa niyang tenga at sinagot ang tawag. "Bakit? Nagmamaneho ako, mamaya ka na lang tumawag.""Dude, seryoso? Mukhang nalimutan mo'ng monthly check-up mo ngayon a." Sagot ng lalaki sa kabilang linya.Biglang nagpreno ang lalaki. Nahimas nito ang sentido. "Oo nga pala." Mula nang magkaproblema ito tungkol sa kanyang p@gk@l@l@ki ay nagkaroon na siya ng regular monthly check-up sa doktor niyang kaibigan. "Meron lang akong aasikasuhin, importante kasi ito e. Uunahin ko muna ito bago ako pumunta sa hospital mo."Napaangat ng kilay ang doktor sa kabilang linya. "At ano naman ang importanteng bagay na yan, mas importante pa ba iyan kaysa sa um, alam mo na." Nangunot ang noo ng binata. "Oo importante nga ito. Pupunta na lang ako diyan kapag na settle ko na ito. Sige na." Gusto sanang mag usyoso ng doktor ngunit pinagbabaan na n'ya ito. Nagpatuloy siya
Hindi na nagawang lingunin ni Aeros ang kinaroroonan ni Dianne nang biglag pihitin ni Agnes ang ulo nito pagbalik. "Dito ka lang tumingin, nag-uusap tayo, diba?"Umangat ang gilid ng labi ng binata at niyakap si Agnes. "Sure." Hinayaan ni Agnes na yakapin siya ni Aeros at habang nakayakap ito sa kanya ay sumesenyas naman siya kay Dianne na umalis na ito. Nagtaka si Mylene nang makita ito, mabuti na lamang ay hindi ito nagtanong at nag-usisa pa.Nang makaalis na ang kaibigan ay itinulak na palayo ni Agnes ang binata, muling naging malamig ang pakikiharap niya dito. "Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?"Bahagyang napamaang si Aeros dahil kanina lang ay mainit ang pagtanggap nito sa kanya ngayon ay biglang naging malamig na ito. Lumingon s'ya sa kanyang likuran, pakiramdam tuloy n'ya ay may mali. "Can we talk somewhere else?""Bakit kailangan pa nating lumayo kung puwede naman tayong mag-usap dito." Naupo si Agnes sa sofa."But..." Napalingon si Aeros kay Mylene na noo'y pinanonood s
Nag-iba ng tingin si Aeros, lumayo ito at nahagod ang buhok. Tila bigla itong hindi mapakali. "Well, you are.... You're.... S-something special..." Nangislap ang mga mata ni Agnes. "A-no?..... Ano ako sayo?" Napalunok si Aeros. "Don't get me wrong...." Kaagad niyang sagot. "Y-you're... you're my personal maid, kaya.... k-kaya special ka sa kin." Tila gumuho ang pag-asa ni Agnes sa isang iglap nang marinig ito. Ikinubli niya ang kapaitang nararamdaman at malamig na tumingin sa bintana. "Oo nga naman. Huwag kang mag-aalala, hindi ko nakakalimutan yung deal natin, kaya nga ako bumalik diba?....... May kailangan ka pa ba?" "W-wala na." Pagkasabi niyon ay walang lingon-lingong lumabas ng silid si Agnes. Pag-alis nito ay nalamukos na lang ni Aeros ang mukha sa inis sa kanyang sarili. ........Kinabukasan ay hindi pumasok sa kumpanya si aeros. Nang tawagan siya ng tiyuhin dahil doon ay nagbigay lang siya ng mababaw na dahilan kaya hindi siya tinigilan nito. Nilagay ng binata sa
Nakagat ni Agnes ang labi at naikuyom niya ang kanyang mga kamay sa kanyang damit.Sinunggaban ni Ms. Mildred ang braso ni Agnes at hinila ito sa kanyang kuwarto. Pagkasara ng pinto ay pinagmasdan niya ang dalaga mula paa hanggang ulo. "Magsabi ka ng totoo, nanggaling ka ba itaas, sa kuwarto ni ser Aeros? Magsalita ka!" Pigil pigil niya ang kanyang boses habang nakatiim ang kanyang bagang. Hindi niya lubos maisip kung ano ang kanyang gagawin kung totoo man ang kanyang kutob.Tumango si Agnes."Huwag mo akong tanguan, sumagot ka nang maayos; nanggaling ka ba sa kuwarto ni ser Aeros?" "O-opo." Mahinang sagot ng dalaga na halos bumubulong na. Nakayuko lang ito.Napatakip sa kanyang bibig si Ms. Mildred nang lalong lumaki ang posibilidad sa kanyang hinala. Hinawakan niya si Agnes sa magkabilang braso. "M-may ginawa ba s'ya....s-sayo?"Nang hindi sumagot ang dalaga ay nagpuyos na ang matanda. "Sumagot ka, mat ginawa ba si ser Aeros sa'yo?!" Napaigtad si Agnes nang suminghal ito. "Um...."
"Ano, hindi siya pumasok sa kumpanya?" Nahilot ni Esmeralda ang sariling noo. "Nasaan siya ngayon?....." Napapalatak ito sa naging sagot ng tao n'ya sa kabilang linya. "Sa isang mumurahing hotel, kasama si Agnes?..... O sige, ituloy mo lang ang pagsunod-sunod sa kanya." Matapos ang ilang habilin ay ibinaba na niya ang telepono. 'Mukhang hindi ko talaga mapaghihiwalay ang dalawa, e ano kaya kung....' Bigla siyang may naisip at agad tinawagan ang kanyang assistant. "Alamin mo ang contact number ng pamilya ni Agnes, ngayon na."Makalipas ang mahaba-habang paghihintay ay nakuha na n'ya ang kanyang kailangan. Agad niyang tinawagan ang contact number ni Eduardo ngunit hindi ito sumasagot. Naisip na lang niyang maaaring abala ang ama ng dalaga dahil isa din itong negosyante. Hindi nag-aksaya ng panahon si Esmeralda, sunod niyang tinawagan ang ikalawang magulang ni Agnes– si Marina. "O, sino ba to?" Tanong ng may hindi kaaya-ayang boses ng isang babae sa kabilang linya, mababakas na may edad
Nagpupuyos si Esmeralda nang bumalik ito sa kanyang kotse, nang makita ng kanyang driver na tila mainit ang ulo ng amo pagkagaling nito sa loob ng café ay agad nitong binuksan ang pinto. Pagpasok sa loob ay eksaktong nag-ring ang cellphone ni Esmeralda. Isinantabi niya muna ang inis na nararamdaman mula sa pakikipag-usap kay Agnes. "O Cindy, bakit?..... Hindi ba't sinabi ng doktor kahapon na ayos naman ang bata, bakit nag-aalala ka pa?.... O s'ya, sige pupuntahan kita." Iniutos niya sa driver na dumiresto sa hospital."Lola Esmie...." Tumayo si Cindy at sinalubong ang kararating lang na si Esmeralda. Nasa isang hospital ito ngayon para ipa check-up ang kanyang pagbubuntis, nakapila ito dahil wala itong appointment. Kumunot ang noo nito Esmeralda habang tinitingnan ang mahabang pila. "Bakit hindi ka muna nagpa-appoint? Tuloy kailangan mo pang pumila."Yumuko si Cindy na tila nahihiya ito. "Biglaan po kasi ang pagpapa check-up ko e, kasi bigla pong sumakit ang tiyan ko." Nang marinig
"Maupo ka." Ani Esmeralda sa kararating lang na si Agnes. Matapos ang birthday party ng dalaga ay saka lang niya nakita ang ilang miss call mula dito. Nang tumawag uli ito at nang sagutin niya iyon ay diretsahan nitong sinabi na makipagkita siya dito bukas, pagkasabi ng oras at lokasyon ay agad ibinaba ni Esmeralda ang telepono nang hindi man lang pinagsasalita si Agnes.Naupo ang dalaga at pasimpleng sumulyap sa matanda. Hindi niya mapigilang makaramdam ng kaba dahil nag-iba na ang pakikitungo at ang pakikiharap nito sa kanya. Kung noon ay lagi itong nakangiti sa kaniya, ngayon ay malamig na ito at makikitaan din ito ng pagka asiwa sa kanya na animo'y may nagawa siyang kasalanan."Siguro'y naisip mo na kung bakit ako nakipagkita sa'yo."Naikuyom ni Agnes ang mga kamao sa kanyang kandungan. "Patawarin n'yo po sana ako, pero hindi ko po lalayuan si Aeros.""Huwag mo munang sabihin yan, meron kang dapat makita't malaman na maaaring magpabago ng desisyon mo."Kinabahan bigla si Agnes
"Donya Esmie, ayos ka lang ba? May problema po ba kayo?" Tanong na may kahalong pag-aalala ni Ms. Mildred. Nitong mga nagdaang araw ay napapansin niya na tila laging may malalim na iniisip ang donya. Paminsan-minsan ay nakikita rin niya ang pagbubuntung-hininga nito na tila ba meron itong pinoproblema."Huwag mo na lang akong pansinin, meron lang akong iniisip."Naupo ang mayordoma sa tapat ni Esmeralda, nasa patyo sila ngayon. "Problema po ba sa inyong pamilya ang iniisip n'yo, bakit hindi n'yo ibahagi sa kin at baka makatulong ako."Sinulyapan ni Esmeralda si Ms. Mildred at bumuntong-hininga. "Mukhang kilalang-kilala mo na talaga ako ano?"Bahagyang nagtawa ang mayordoma. "Siguro nga po. Kasi, wala naman kayong ibang iniisip at wala namang ibang mahalaga sa inyo kundi ang kapakanan ng pamilya n'yo."Napahawak sa kanyang noo si Esmeralda. "Nalilito kasi ako Mildred, hindi ko alam kung anong desisyon ang dapat kong piliin, nagtatalo ang loob ko. Pasensya na kung hindi ko masasabi sa
"F-f*ck!.... Hey, r-relax.... we're almost there..." Mahina at namamaos na wika ni Aeros sa nobya habang hawak niya nang mahigpit ang puwit@n nito para hindi ito mahulog. "Ungghh...." Isang p@g-vngol lang ang isinagot ni Agnes pagkatapos ay yumakap ito nang mahigpit sa leeg ng nobyo, ang kanyang mga binti ay nakayakap din nang mahigpit sa bewang nito. "S-sige pa...." Anas nito, pagkatapos ay iginiling giling nito ang kanyang balakang. Nagpakawala ng buntong-hininga ang pawisang si Aeros. "A-alright, do you want to.... take the lead?" Pagkatanong ay umupo siya sa nakatakip na inidoro habang nakakandong sa kanya si Agnes. Pinunasan muna niya ang pawis nito sa mukha. "Alright, I'm yours, you can move now...." At dahan-dahan niyang iginiya sa pag-galaw ang balakang ng kapareha hanggang sa bumilis iyon nang bumilis."Ahhh....." Vngol ni Agnes na tila nasisiyahan sa kanyang ginagawang pag-indayog at pag-domina sa kandungan ng binata."Ahhh.... A-agnes....." Sagot-vngol ni Aeros. Nang ma
'Sino kaya itong tumatawag sa kin nang ganitong dis-oras ng gabi, hindi kaya si Aeros ito?' Pagtataka ni Agnes paglabas ng banyo habang pinupunasan ang basa niyang buhok, bagong ligo ito. Nang maisip na baka ang nobyo ang tumatawag sa kanya ay agad niyang dinampot ang kanyang cellphone at naupo sa gilid ng kama, ngunit nabigo siya nang ang hindi kilalang numero ang tumambad sa kanya. 'Sino kaya ito?'Nagdalawang-isip siya kung sasagutin ba o hindi ang tawag dahil baka frank caller o wrong number lang ito. Subalit nang hindi ito tumigil sa pagri-ring ay naisip niya na baka kilala siya nito at baka talagang may pakay ito sa kanya. Sa huli ay sinagot na rin niya ang tawag. "Hello?...Sino ito at anong kailangan mo?""Hello ma'am...." Sagot ng isang babae sa kabilang linya. "Isa po akong receptionist, kayo po ba si agnes? puwede po ba kayong pumunta dito? Nandito po kasi si Mr. Aeros Villacorte sa hotel namin, dinala po siya dito ng kaibigan niya dahil lasing po siya at ayaw daw po'ng umuw
"Listen, hanggang ngayon ay nagkikita pa rin sila Aeros at Agnes, at walang naging epekto sa kanila ang pagtutol ni lola esmie sa kanila. Knowing Aeros, you know he's kind of persistent kaya kailangan na nating gumawa ng paraan."Prenteng sumandal sa kanyang kinauupuan si Vance, hindi ito makikitaan ng pag-aalala at pagkabalisa hindi katulad ni Cindy. "Bakit parang nagwo-worry ka nang husto diyan? dati naman ay matiyaga kang naghihintay kay Aeros a, that's unlikely you."Natigilan si Cindy at nag-iwas ng tingin. Inayos niya ang sarili at iwinaksi ang kanyang pag-aalala, mariin niyang itinaggi ang sinabi ni Vance. "Ano ba ang sinasabi mo diyan? Alam mo ang sitwasyon naming mga ronchillo diba? Siyempre kailangan ko nang mag magmadali, isa pa, ito ang task na ibinigay ng dad ko sa kin.""Kunsabagay....... So, ano ang gagawin natin? May plano ka na ba?"Kumitid ang mga mata ni Cindy. "Well, ganito....".."Ayos ka lang?" Tanong ni Agnes sa kasamang lalaki."Oo, okay lang ako." Sagot ni A
"O Aeros! Iho, nandito ka pala. Napasyal ka?..... Halika tuloy ka." Magiliw na bati at paanyaya ni Marina nang makita ang hindi inaasahang bisita sa pinto ng kanilang bahay. "Sandali lang ha, maupo ka muna at ikukuha kita ng maiinom." At nagtungo ito sa kusina.Hindi nabigyan ng pagkakataong magsalita ang binata, hindi tuloy nito nasabi ang kanyang pakay. Habang mag-isang nakaupo sa sala ay iginagala ni Aeros ng tingin ang kabuuan ng bahay. Hindi ganoon kalaki ang villa ngunit makikita pa rin na may nakaririwasang pamumuhay ang naninirahan doon."Maring, nasaan ka? Nakita mo ba yung necktie na bagong bili ko?" Sigaw at tawag ni Eduardo habang bumababa sa hagdanan, makikita na medyo iritado ito dahil hindi nito makita ang gamit na kanyang hinahanap. Pagbungad niya sa sala ay nagulat at natigilan siya nang matanaw si Aeros na hindi niya inaasahang makikita nang ganoong kaaga. "E-aeros Villacorte?"Tumayo ang binata at magalang na bumati. "G-good morning po.... tito."Napamaang si Eduard
Si Esmeralda ay merong nag-iisa at negosyanteng kapatid na lalaki. Katulad ng mga Villacorte, maganda din ang takbo ng negosyo at kilala din ito sa business world. Ngunit sa isang iglap ay bumagsak ang negosyo nito dahil may nagnakaw ng mga mahahalaga at confidential files ng kumpanya, at dahil dito ay unti-unting bumagsak ang stocks na nauwi sa pagkalugi ng negosyo nito. Nang pa-imbestigahan ay lumabas na isang empleyado na may apelyidong dela funetes ang may kagagawan ng lahat. Ang nasabing empleyado ay walang iba kundi ang kapatid ni Eduardo, na ama ni Agnes. Matapos nitong pagnakawan ang kumpanya ng kapatid ni Esmeralda ay hinimok nito si Eduardo na magtayo ng sarili nilang kumpanya gamit ang maliit lamang na kapital. Walang kaalam-alam si Eduardo na nanggaling pala sa nakaw ang magiging pundasyon nila sa pagtatayo ng sarili nilang negosyo.Dinamdam nang husto ng kapatid ni Esmeralda na si Eugenio ang nangyari, bilang isa sa mga tinitingala sa larangan ng negosyo ay hindi n