Share

Chapter 68 – Her Comeback

Hindi na nagawang lingunin ni Aeros ang kinaroroonan ni Dianne nang biglag pihitin ni Agnes ang ulo nito pagbalik. "Dito ka lang tumingin, nag-uusap tayo, diba?"

Umangat ang gilid ng labi ng binata at niyakap si Agnes. "Sure."

Hinayaan ni Agnes na yakapin siya ni Aeros at habang nakayakap ito sa kanya ay sumesenyas naman siya kay Dianne na umalis na ito.

Nagtaka si Mylene nang makita ito, mabuti na lamang ay hindi ito nagtanong at nag-usisa pa.

Nang makaalis na ang kaibigan ay itinulak na palayo ni Agnes ang binata, muling naging malamig ang pakikiharap niya dito. "Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?"

Bahagyang napamaang si Aeros dahil kanina lang ay mainit ang pagtanggap nito sa kanya ngayon ay biglang naging malamig na ito. Lumingon s'ya sa kanyang likuran, pakiramdam tuloy n'ya ay may mali. "Can we talk somewhere else?"

"Bakit kailangan pa nating lumayo kung puwede naman tayong mag-usap dito." Naupo si Agnes sa sofa.

"But..." Napalingon si Aeros kay Mylene na noo'y pinanonood s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status