"Ano kaya mo pa ba? Siguraduhin mo ang isasagot mo, may deal tayo. Kapag sinabi mong hindi mo na kaya, mapapawalang bisa na ang naunang deal natin." Nakagat ni Aeros ang labi. "I-I won't give up.....k-kaya.... itigil mo ang.... pag-iisip na makakawala ka sa kin, dahil h-hindi mangyayari yun!" "Okay, kung yan ang gusto mo, naisip ko pa namang tapusin na ang paghihirap mo." Ani Agnes at nagpatuloy na sa ginagawa. "Ahhh...." Napasinghap at n@p@-vngol si Aeros nang biglang dakmain ni Agnes ang naghuhumindig niyang hinaharap. Tama ang dalaga dahil nagbutil-butil na ang kanyang pawis dahil kanina pa nila ito ginagawa ngunit hanggang ngayon ay hindi pa siya nil@b@b@$@n, palagi kasi siyang binibitin ng dalaga. "Can you just....g-give it to me? Can't you s-see? I'm suffering...." Naawa si Agnes sa nakikitang hitsura ng binata, ngunit sinabi niya dito na parurusahan n'ya ito kaya kailangan niya itong tiisin. "Magtiis-tiis ka lang muna, anong malay mo, baka maawa ako sa'yo." At patuloy ni
Diri-diretso si Cindy sa itaas ng mansyon, kinabog si Agnes nang makumpirma ang plano nito kaya kaagad niya itong sinundan. "Cindy! Cindy, tumigil ka!" Ngumisi ito sa kanya. "Heh, bakit natatakot ka? Kanina lang ang tapang-tapang mo a? Tingnan ko lang kung saan ka ngayon pupulutin." Sa kabila ng suot nitong high heels ay mabilis itong nakakapaglakad at kaagad narating ang silid ni Esmeralda. Kinatok niya ito nang kinatok na animo'y urgent ang kanyang pakay. Hinila ito ni Agnes at tinangkang ilayo sa pinto ngunit itinulak siya nito. Nang walang magbukas ng pinto ay pinihit na ni Cindy ang doorknob at diri-diretsong pumasok. Natigilan ito nang hindi makita ang donya sa loob. Nang lumabas si Cindy ay hinarang ito ni Agnes. "Cindy, mag-isip ka nga muna, kapag nalaman ni donya Esmie ang tungkol sa min ni Aeros, mapapa-walang bisa na rin ang deal n'yo dahil wala ka nang alas na hawak laban sa min." Natigilan ang babae nang marinig iyon. Naisip niyang may punto ang dalaga kung mangya
Dahan-dahan sa pagmamaneho si Julius dahil lasing ang kasamang lalaki sa sasakyan na ngayon ay natutulog na. Nilingon niya ito pagkatapos ay inihinto muna ang kotse sa tabi. Nang mahihinto na ay pinakatitigan niya mukha ng among kaibigan. Nang marinig niya dito na meron itong pagtingin sa dalawang babae ay hindi niya masyadong inintindi iyon dahil alam naman niyang gawain na nito ang matipuhan ang mga magagandang babaeng makita nito at sanay na siya dito. Ngunit nang marinig na may damdamin ito sa personal maid nito ay napaisip siya nang malalim; posible nga kayang magseryoso ang kaibigan sa isang babae? Ngunit ang hindi niya matanggap ay sa katulong na may hindi kaaya-ayang hitsura pa ito nagkagusto. Dahan-dahan siyang lumapit sa katabi at hinimas ang mukha nito. Bumuntong-hininga siya. 'Aeros, ang hirap pala ng ganito no, kahit malapit ako sayo hindi mo naman alam ang tunay kong nararamdaman ko para sa'yo. Mandidiri ka kaya sa kin kung malaman mong, yung kaibigan mo mula college
"Why?" Tanong ni Aeros kay Federicko nang makita niya ang mga tingin nito sa kanya. "Did I say something wrong!" Aniya na tila walang bahid ng pagsisinungaling. Siniko ni Agnes ang tagiliran ng binata ngunit tinapik-tapik siya nito."Well, let's order our food at medyo nagugutom na ko." Ani Mr. Alcaraz. Nang kukunin na ng waiter ang order ni Jessica ay tinapik niya ito dahil tila wala ito sa sarili at wari'y may malalim na iniisip. "Anong nangyayari sayo?" Kunot-noo niyang tanong dito."S-sorry grandpa...." Bahagyang nataranta ang babae at agad umorder. Basta lang itong nagsabi ng kanyang order nang hindi niya pinag-iisipan, tila wala ito sa mood kumain.Makalipas ang bente minuto ay dumating na ang kanilang pagkain. Habang kumakain ay nag-uusap sila Fredericko at Mr. Alcaraz ng tungkol sa negosyo. Paminsan-minsan ay kinakausap ni Fredericko ang pamangkin para ipaliwanag dito ang ilang detalye sa kanilang pinaguusapan kaya kailangang makinig nito kahit wala itong interes.Napaangat
Kinahapunan, dahil wala na rin namang business commitment na kailangang harapin si Federicko kasama si aeros kung kaya ay pareho silang libre ngayon. Inaya ni Fredericko ang pamangkin na pumunta sa turist spot sa lugar na iyon ngunit tumanggi ito. Ikinatwiran nito na pupuntahan nito ang mag kaibigan, ngunit ang totoo ay merong ibang plano si Aeros.Nang umalis na ang kanyang tiyuhin ay kinontak niya ang private venue ng resort. "Hello, magbu-book ako..... Mamaya, bago magdilim."Nang dumating na ang oras ay tumungo si Aeros sa silid ni Agnes. Para maiwasan ang pagsusupetsa ni Fredericko, matapos ang tanghalian ay agad nagkulong sa kanyang kuwarto ang dalaga hanggang sa mag dapit-hapon na."Mag-dress ka may pupuntahan tayo." Ani Aeros pagbungad sa dalaga. "Ano pang ginagawa mo? Hurry up! Baka bumalik agad si uncle." Ulit niya nang manatiling nakatayo si Agnes."Ano kasi e. Kailangan ko ba talagang mag-dress? Puro kasi pantalon ang dinala ko e."Hinayaan na lang ni aeros si Agnes na su
Pagulong-gulong sa malambot na kama di Agnes habang kinikilig ito. Ka-chat niya ang kasintahang si Aeros. Hindi niya mapigilang kiligin dahil sa mga chat nito. Bigla tuloy siyang napaisip. Ganito rin kaya ito sa mga ka-fubu nito?Maya-maya, isang panibagong notification na naman ang nagpakilig sa kanya kasunod ng pag-aaya nito sa kuwarto nito. Nag-isip muna si Agnes bago sumagot. Dahil sa pagbabawal ni Fredericko na magsama sila sa iisang silid ay malinaw sa kanya kung ano ang iniiwasan nitong mangyari, ngunit ang hindi alam ni Agnes ay iniiwasan lang ni Fredericko na masaktan siya nang dahil sa pamangkin. Humagikhik si Agnes habang binabasa ang chat ni Aeros:'Kung puwede lang sanang pakasalan na kita ngayon para lagi na tayong mag-kasama. Nang sa ganun, kahit ilang Fredericko o ilang Esmeralda pa ang humadlang sa ting dalawa, hindi na nila tayo mapaghihiwalay.'Sinagot iyon ni Agnes. 'Alam kong wala kang takot sa uncle mo, e paano kaya kung malaman ni donya Esmie na tinatawag mo
Sa mga araw at linggo na wala si Cindy ay tila natahimik ang buhay ni Agnes sa mansyon, masaya ang dalaga dahil pakiramdam niya ay nasolo rin niya si Aeros nang walang asungot. "Huy, huy! Saan mo ko dadalhin? May trabaho pa ko!" Saway ni Agnes nang bigla siyang hilahin ng amo sa kung saan."Just follow me okay? Maya-maya lang ay aalis na rin ako. Kailangan kong mag-overtime kaya wala na kong oras para sa'yo mamaya." Sagot ng lalaki. Naintindihan naman iyon ni Agnes kaya nagpatangay na lang siya dito.Dinala ni Aeros ang dalaga sa pool area kung saan ay hindi nagagawi ang mga maid. "Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Agnes.Nang tingnan niya ang mga mata ng amo ay nakita niyang ang pagnanasa nito. Napalunok siya, tila alam na niya ang nais nito. "Let's try to do it in the pool, that's definitely exciting." Bulong ni Aeros, pagkatapos ay dinil@@n niya ang tenga ng dalaga na nagpakilig dito. Nagulat na lamang si Agnes nang yakapin siya ng binata, pagkatapos ay bigla silang tumalo
"O ba't naging estatwa na kayo diyan?" Bumaling si Lucy kay Agnes. "Ikaw Agnes, baka kung ano na naman ang ginawa mo ha, ano yung tungkol sa inyo ni ser Aeros?""Um, lucy..... ano kasi e... Wala naman yun, pinag-uusapan lang namin yung tungkol sa darating na birthday ni ser Aeros, malapit na kasi e. At dahil siya ang personal maid niya, tinatanong ko si Agnes kung ano ang balak ng amo natin sa birthday niya.""Ay oo nga pala ano!" Nanlaki ang mga mata ni Lucy sa excitement, tila nalimutan na nito ang narinig kanina. "Naku siguradong masaya yan! Siguradong paghahandaan yan ni donya Esmie, ano?"Nagkatinginan sila Becca at Agnes at alanganing tumango ang mga ito. "O-oo, tama ka." Kinagabihan, habang nagpapalit ng mga punda ng kanyang unan ay may biglang kumatok sa silid ni Ms. Mildred. Pagbukas ng matanda ay tumambad ang mukhang nag-aalangang si Becca. "O Becca, may kailangan ka?""M-may itatanong lang po sana ako, p-puwede po bang pumasok?" Pagpasok ay nilaro-laro ni Becca ang ka
Lumabas si Ivan at nagalinga-linga sa paligid ng entrance ng hotel, napakamot ito ng ulo. 'Akala ko ba ay may mga babaeng naka-abang dito sa labas na gustong makapuslit sa bachelor's party niya Aeros, ba't wala naman?' muli siyang naghanap at naglakad-lakad, hanggang sa makita n'ya ang isang kahina-hinalang babae. 'Ayun!' agad niya itong nilapitan.Tila nabulabog ang babae kung kaya't bigla itong lumayo. "Teka miss, sandali!" Pinigilan ito ni Ivan bago pa ito makatakbo . "Huwag kang matakot sa kin, hindi ako masamang tao...." Inilabas n'ya ang kanyang doctor's ID at ipinakita iyon. "Isa akong doktor kaya nakakasiguro kang matino akong tao."Napamaang ang "babae" nang masilayan si Ivan, ngunit tila hindi s'ya nakilala nito. Palihim siyang napa-palatak. 'Matino? May matino ba na bigla na lang lalapit sa hindi n'ya kilala at pipigilan pa itong umalis?'Tinakpan ng "babae" ang kalahati ng kanyang mukha gamit ang kanyang mahabang buhok, at gamit ang pinaliit at pinalambot na boses ay sum
Nang ginanap ang bachelor's party ay ilan sa mga babaeng nakakakilala kay aeros sa kanilang social circle ang nagtangkang pumuslit kung saan ito dinadaos, sa pagbabakasakaling maangkin nila ito sa huling pagkakataon. Pagkatapos kasi ng bachelor's party ay ikakasal na si Aeros kaya ito na lamang ang kanilang pagkakataon. Ngunit dahil sa higpit ng seguridad ay walang kahit na sino ang nagtagumpay na makapasok.Inginuso ng ivan kay vince ang isang matangkad na lalaking nakatayo na naka shades sa isang tabi. "Ano yan? Bakit may ganyan?""A, yan ba? Ano pa ba? edi proteksyon." Nagkaroon ng malaking pagtataka si Ivan. "P-proteksyon?! Tama ba ako ng dinig?" Kinalikot pa nito ang kanyang tenga na wari'y nililinis n'ya iyon.Tila nandiri si Vince, bahagya itong ngumiwi at lumayo nang kaunti sa kaibigan doktor. "Doktor ka diba? Siguro ay dapat mo na'ng check-up-in iyang tenga mo, mukhang mahina na ang pandinig mo e, o kaya baka marami ka na'ng tutuli."Lumapit si Ivan at niyakap ang kaibigan,
Magmula nang hindi na nakakapunta sa kumpanya si Agnes ay dinadalhan na ito ng trabaho ni Gerald, lalo na kapag naiipon na iyon sa opisina nito, at iyon ang dahilan ng pagparoon nito. Naisip ni Gerald ang kanyang inasta'ng bigla na lamang pagsingit sa pag-uusap ng iba. "Um.... P-pasensya na."Pumalatak si Aeros ngunit ngumisi ito. "Ayos lang. Alam mo, tamang-tama ang dating mo. Tinatanong mo kung sino ang ikakasal, diba?" Hinawakan n'ya ang kamay ni Agnes. "Kami ni Agnes ang ikakasal, pumunta ka ha."Kitang-kita ni Gerald ang asta'ng may panunuya ni Aeros sa kanya, naiinis man ay hindi naman n'ya magawang tingnan ito nang masama. Nalalaman din niyang talunan na s'ya nito kaya maaaring totoo ang sinasabi nito. Bumaling siya kay Agnes. "Totoo ba yun Agnes, magpapakasal ka na?"Sumagot si Agnes. "Oo Gerald. Magpapakasal na kami ni Aeros."Hindi nakapagsalita si Gerald ngunit halos malukot na n'ya nang hindi sinasadya ang hawak na document envelope."Bakit nga pala pumunta ka nang gani
"Grandma!" Tawag ng nagmamadaling si Aeros. Nang papunta si Esmeralda kila Agnes ay kasunod ito sa pag-aalala na baka mag take advantage ito kay Agnes at sabihin ang hinanaing nito tungkol kay Aaron. Gustung-gusto na kasi nitong makasama ang bata. Lumapit s'ya at binulungan ito. "What are you doing?""Aeros, anong ginagawa mo dito, hindi ka ba pupunta sa kumpanya ngayon?" Tanong ni Esmeralda, tila hindi nito inintindi ang tanong ng apo. "Mabuti na rin na nandito ka, nang sa ganun ay mapag-usapan na natin ang magiging kasal niyong dalawa ni Agnes.""G-grandma?" Napasulyap si Aeros kay Agnes sa pag-aalalang baka nabigla ito.Hindi alam ni Agnes ang magiging reaksiyon, tama nga ang kanyang iniisip, ngunit hindi pa siya makakasagot sa ngayon dahil meron pa siyang dapat ikonsidera."Ano sa tingin mo iha, puwede ka ba ngayon para makapag meeting na tayo ng tungkol sa pag-iisang dibdib n'yo ni Aeros?" Nakangiting tanong ni Esmeralda.Napakamot ng ulo si Agnes "Um.... Ano po kasi e..."Nang
Biglang tumayo si Aeros sa kanyang kinauupuan at nagpaalam sa kanyang lola. "Grandma, pupunta na lang uli kami ni Agnes sa ibang araw. Huwag na po kayong sumama sa kanya pagbalik, promise, sa susunod ay dadalhin na namin dito sa Aaron." At hinila na nito patayo ang nagtatakang si Agnes."Ha? Aalis na agad kayo? Kay bilis naman! Dito na lang kayo mananghalian." Ani Esmeralda, sinunggaban nito ang kamay ni Agnes at tumingin dito nang may halong pakikiusap.Bumaling si Agnes kay Aeros. "Oo nga naman Aeros, dito na lang tayo mananghalian para magkasama pa kayo ni don- ni lola Esmie." Aniya nang hindi nauunawaan ang sitwasyon ng pagkakaganito ni Aeros."Um...." Hindi alam ni aeros kung papayag ba sa gusto ng dalawa o hindi, para kasing sinisilihan ang tumbong nito at tila hindi makatagal nang nandoon si Easton.Nahalata ni Easton ang nakaiilang na sitwasyon kaya nagkusa na ito. "Ehem..... Grandma, ang mabuti pa ay babalik na lang ako sa ibang araw. Maiwan ko na muna kayo." Aalis na sana it
Nang maibigay na ni Gerald ang mga dokumento kay Agnes ay umalis na rin ito. Dahil sa nangyari ay wala siyang balak pang magtagal doon lalo na nang sitahin siya ni Agnes tungkol sa lihim na kumpetisyon na isinagawa nila ni aeros. Alam niyang maaari nga itong magalit sa kanya ngunit hindi niya inaasahan na kagagalitan siya nito nang naroroon si Aeros, nagkaroon tuloy ito ng pagkakataon para tuyain siya, kaya agad na rin siyang nagpaalam.Matapos makapag usap at matapos maging malinaw ang lahat ay doon na nananghalian si Aeros, matapos kumain ay nagtungo naman sila ni agnes sa mansyon ng mga Villacorte."O bakit?" Tanong ni Aeros nang biglang bitiwan ni Agnes ang kanyang kamay, nasa pintuan na sila ngayon. "Nag-aalala ka ba? ako na ang nagsasabi, tanggap ka na ng lola ko kaya wala nang magiging problema.""P-pero...."Hinawakan ni Aeros nang mahigpit ang kamay ni Agnes. "Nandito ako kaya huwag kang mag-alala. Kung sakali mang umatras si grandma sa sinabi niya, sa pagkakataong ito ay
Bagaman nagkakaroon ng udyok si Agnes na lapitan si Aeros ngunit hindi niya magawa dahil sa hiya. Na-misinterpret pala niya ito at mali ang kanyang iniisip tungkol dito.Maya-maya lang ay pinutol na ni Aeros ang pakikipag-usap sa kanyang lola. Nang makita ni Agnes na papalabas na ito ng fire exit ay tumakbo siya palayo, tila wala pa siyang lakas ng loob na harapin ito. Aalis na muna siya para na ring mapag-isipan ang dapat niyang gawin.Tulala si Agnes nang magbalik ito sa kanyang suite. "Kumusta Agnes, nahanap mo ba ang nobyo mo? Nagkausap ba kayo? Nagkaayos na ba kayo?" Agad na tanong ni Marta.Nagbalik sa kanyang wisyo si Agnes at napamaang sa matandang katulong. "Inabutan ko po siya pero hindi po kami nagka-usap...... Saka, nanay Marta, hindi ko na po nobyo si Aeros, hiwalay na po kami at nananatili pa rin pong ganun hanggang ngayon kaya paano naman po kami magkakabalikan?"Hindi inintindi ni Marta ang sinabi ni Agnes. "Doon din naman kayo pupunta, may kutob akong magkakabalikan
Nang sumunod si gerald sa hotel ay nagtaka nang husto si Agnes nang makita ang mukha nito na may mga pasa at band aid. "Ged, napaano ka?" "Nadisgrasya ako pagkuha ko ng document. Natisod ako at nadapa, tapos bumagsak ako, tumama ang mukha ko sa mesa.""G-ganun ba? Pero......" Nagkaroon ng pagdududa si Agnes dahil sa kanyang nakikita ay mukha namang hindi ang pagtama sa lamesa ang dahilan ng pagkakabugbog ng mukha ni Gerald, sa halip, sa kanyang nakikita ay mukhang nakipag away ito.Hindi sinabi ni gerald kay Agnes ang tungkol sa kumpetisyon nila ni Aeros. Sa hotel gagawin ng dalawa ang huli nilang paghaharap at dahil nandoon na rin naman sa hotel ay inayos na ni Gerald ang lahat ng kakailanganin...........Sa araw ng kompetisyon:"Akala ko ay hindi ka na darating e."Pumalatak si aeros. "Ano'ng tingin mo sa kin?""Kung ganun, ihanda mo na ang sarili mo para matalo, dahil hindi kita pagbibigyan." Nilingon ni Gerald ang nakasarang pinto. Naisip n'ya ang kakatwang sitwasyon ni Aeros;
Pag-alis nila aeros at Fredericko ay agad nag-impake ng ilang gamit si Agnes para sa kanila ni Aaron. Dahil madalian ay tinulungan na siya ni Marta sa pag-iimpake. Nagtanong ito. "Bakit biglaan naman yata ang pag-alis mo iha, mag-a-out of town ka ba? Saka bakit pati gamit ni Aaron ay iniimpake mo, isasama mo ba ang bata?""Opo, isasama ko po ang anak ko pero hindi po kami mag-a-out of town, mag -i-stay po muna kami sa hotel."Napamaang si Marta. "Magho-hotel kayo ni Aaron? Ano na naman ang gagawin n'yong mag-ina doon?""Nanay Marta, katulad po ng sinabi ko, doon na muna kami...... nag-aalala po kasi ako na baka bumalik uli ang ama niya at kunin siya nang sapilitan sa kin."Natigilan si Marta. "T-teka..... yung lalaki kahapon, ibig mong sabihin...."Bumuntong-hininga si Agnes. "Opo, tama po kayo. Siya po si Aeros, ang ama ni Aaron.""Aba, e ka-guwapo naman pala ng dati mong nobyo! Pero, bakit ganito na ang sitwasyon n'yo ngayon? Puwede ko bang itanong kung ano ang nangyari sa inyong da