Sa mga araw at linggo na wala si Cindy ay tila natahimik ang buhay ni Agnes sa mansyon, masaya ang dalaga dahil pakiramdam niya ay nasolo rin niya si Aeros nang walang asungot. "Huy, huy! Saan mo ko dadalhin? May trabaho pa ko!" Saway ni Agnes nang bigla siyang hilahin ng amo sa kung saan."Just follow me okay? Maya-maya lang ay aalis na rin ako. Kailangan kong mag-overtime kaya wala na kong oras para sa'yo mamaya." Sagot ng lalaki. Naintindihan naman iyon ni Agnes kaya nagpatangay na lang siya dito.Dinala ni Aeros ang dalaga sa pool area kung saan ay hindi nagagawi ang mga maid. "Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Agnes.Nang tingnan niya ang mga mata ng amo ay nakita niyang ang pagnanasa nito. Napalunok siya, tila alam na niya ang nais nito. "Let's try to do it in the pool, that's definitely exciting." Bulong ni Aeros, pagkatapos ay dinil@@n niya ang tenga ng dalaga na nagpakilig dito. Nagulat na lamang si Agnes nang yakapin siya ng binata, pagkatapos ay bigla silang tumalo
"O ba't naging estatwa na kayo diyan?" Bumaling si Lucy kay Agnes. "Ikaw Agnes, baka kung ano na naman ang ginawa mo ha, ano yung tungkol sa inyo ni ser Aeros?""Um, lucy..... ano kasi e... Wala naman yun, pinag-uusapan lang namin yung tungkol sa darating na birthday ni ser Aeros, malapit na kasi e. At dahil siya ang personal maid niya, tinatanong ko si Agnes kung ano ang balak ng amo natin sa birthday niya.""Ay oo nga pala ano!" Nanlaki ang mga mata ni Lucy sa excitement, tila nalimutan na nito ang narinig kanina. "Naku siguradong masaya yan! Siguradong paghahandaan yan ni donya Esmie, ano?"Nagkatinginan sila Becca at Agnes at alanganing tumango ang mga ito. "O-oo, tama ka." Kinagabihan, habang nagpapalit ng mga punda ng kanyang unan ay may biglang kumatok sa silid ni Ms. Mildred. Pagbukas ng matanda ay tumambad ang mukhang nag-aalangang si Becca. "O Becca, may kailangan ka?""M-may itatanong lang po sana ako, p-puwede po bang pumasok?" Pagpasok ay nilaro-laro ni Becca ang ka
"Aeros, Aeros, buksan mo ito!" Sigaw ni Esmeralda sa labas ng pinto ng VIP suite ng kanyang apo."A-anong gagawin natin?" Natatarantang wika ni Agnes sa loob ng silid habang palakad-lakad ito. "Agnes..." Hinawakan ni Aeros ang dalaga sa magkabilang balikat nito. "Ano kaya kung sabihin na natin kay grandma ang tungkol sa tin?""Ano? Hindi puwede!" Naalala ni Agnes ang ibinahagi ni Esmeralda sa kanya noon kung bakit sensitibo ito at kung bakit hindi ito makakapayag na magkaroon ng relasyon ang mga katulong sa mansyon sa kanilang amo lalo na sa kanyang apo. "Nasaktan ang lola mo sa nangyari noon, kaya akala mo ba ay basta niya tayo papayagan?""Pero, anong gagawin natin? Wala kang mapagtataguan, mahuhuli ka rin niya."Lumingon si Agnes sa paligid at napadako ang paningin niya sa bintana. Tinungo niya iyon at sinilip, meron doong veranda na puwede niyang pagtaguan nang saglit. Nangislap ang mga mata nito nang makaisip ng solusyon. "May naisip na ko! Pero huwag ka sanang mabibigla sa
Natahimik ang lahat habang nakatingin sa babae, tila kinilala nila ito. Napaatras naman si Lucy nang makita ang hindi pamilyar ngunit magandang babae. "S-sino ka? Dapat si Agnes ang nandito a."Kumitid ang mga mata ni Esmeralda, tila hindi pa rin ito kumbinsido kung may itinatago nga ang apo sa kanya. "Aeros, sino siya?"Dahan-dahang humakbang si Aeros sa magandang babae, kahit namumula nang husto ang mukha nito ay hindi maikakaila ang kariktan nito. Hindi akalain ng binata na muli niyang makikita ito kaya hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging reaksyon.Nagbigay ng pahiwatig sa tingin ang magandang babae na umayos ang binata ng kilos dahil kung hindi ay mahalata sila. Tila naunawaan naman iyon ni Aeros na agad nagbalik sa disposisyon nito. Nilapitan niya magandang babae at hinapit ito sa bewang pagkatapos ay humarap ito sa kanyang lola. "Grandma, she's my girlfriend...... Ag-.... um, a-agatha."Natitigan nang husto ni Esmeralda ang magandang babae mula ulo hangang paa, na
"Grandma, what it's all about? Huwag n'yong sabihin tungkol pa rin ito sa nangyari kanina?" Kunot-noong tanong ni Aeros habang papasok sa villa hawak ang kamay ni Agnes.Kinunutan din ni Esmeralda ng noo ang apo nang ipaalala nito ang nangyari kanina. "Puwede bang mag-move on na tayo? Didn't I already apologized to you dahil sa kapusukan ko? Gusto mo pa bang lumuhod ako sa harapan mo? I know I was wrong, and I'm sorry, isn't that enough?"Binitiwan ni Aeros ang kamay ng nobya at inalo-alo ang kanyang lola. "I'm sorry, that's not what I meant. How do I have a heart to let you do that. Huwag ka nang magalit grandma, okay?"Tinapik-tapik ni Esmeralda ang bisig ng binata. "S'ya! Kalimutan na natin ang nangyari kanina, that was an awful incident. Let's move on.""Okay, but.... bakit mo kami gustong makausap? You even wanted to talk to my girlfriend?"Naupo ang tatlo sa sala. Dumating si Ms. Mildred na may dalang tray ng calming tea. Bago umalis ay sumulyap muna ito sa magandang "bisit
Maganda ang mood ni Agnes habang nagpupunas ito ng lamesang pinagkainan ng almusal ng kanilang tatlong amo. Nagha-hum pa ang dalaga habang gumagawa ng gawain. Kagabi ay palabas lamang nila ni aeros na kunwari'y ihahatid siya ng binata kung saan siya nakatira. "Nagpalipas" muna sila sa kotse at sa hudyat ni Ms. Mildred ay bumalik na rin sila sa mansyon. Nagdiretso si Agnes sa maid's quarter. Suot ang kung ano ang kanyang suot pagpunta sa hotel, hindi siya pinagdudahan ni Dina.Natigilan siya nang maramdaman ang mga matatamang tingin ng kung sino sa kanya. Napalingon siya kila Lilibeth at preciosa na hindi pa rin nag-aalis ng tingin sa kanya. Bumuntong-hininga siya. "Kung meron kayong gustong sabihin o itanong, sabihin n'yo na. Hindi kasi ako kumportable sa mga tingin n'yong yan e."Pagkasabi niyon ay agad naglapitan ang dalawa. "Hoy Agnes, magsabi ka ng totoo, ano yung nangyari sa party? Totoo bang kayo na ni ser Aeros? Bakit bigla mong tinanggal ang makeup disguise mo at nagpakilalan
Tahimik ang tatlo sa silid na naka-check in para kay aeros, walang umiimik sa mga ito. Ang isa ay nakaupo sa kama, tulala ito at tila hindi pa gising ang diwa. Ang isa naman ay nakaupo sa sahig at nakasandal sa dingding, nakatakip ang kamay nito sa isa niyang mata na may pasa. Paminsan minsan ay tinitingnan nito nang masama ang isa pa na nakaupo sa kama, kaharap lang niya ito. May mahaba itong buhok at nakasuot ito ng magandang dress."Wala bang magsasalita sa inyo kung ano ang nangyayari?" Tanong ng pinaka makisig sa tatlo. Bumaling ito sa gilid kung saan naroon ang nakaupong lalaki na nasa sahig. "Ano ang ginagawa mo dito Vance? Ang pagkaka-alam ko ay ikaw ang naunang umuwi sa ming lahat." Bumaling naman s'ya sa kanyang likuran kung saan nakaupo ang isa na may mahabang buhok. "At ikaw Jules, hindi ko akalaing...... Tama ba ang hinala ko sa'yo?"Ang may mahabang buhok na nakaupo sa likod ni Aeros ay walang iba kundi si Julius. Yumuko ito at ikinubli ang kanyang mukha sa suot niya
"O Raul, nag-kape ka na ba? Halika't mag-almusal ka muna." Paanyaya ni Ms. Mildred sa papalapit na hardinero. Nasa kusina ito habang nagtitimpla ng kape."Salamat na lang Mildred, nag-almusal na ko." Sagot ng may-edad na lalaki."Ganun ba? Bakit ka nga pala nandito, may kailangan ka ba?""Meron lang sana akong gustong ibalik kay ser aeros.""Tulog pa siya nang ganitong oras. Ang mabuti pa ay ibigay mo na lang sa kin at ako na ang bahalang magbigay sa kanya mamaya pag gising niya."Napakamot sa kanyang ulo si mang Raul, makikitaan ito ng pag-aalinlangan.Nang hindi kumikilos ay nilingon ito ng mayordoma. "Bakit? May problema ba?""Ang totoo niyan, medyo nakakahiya kasi itong iaabot ko e, kaya gusto ko sana na kay ser aeros ko ito direktang ibibigay."Naintriga ang matandang babae, napatingin ito sa kamay ng hardinero para tingnan ang kung ano ang ibibigay nito sa amo ngunit wala namang hawak ito. "E ano ba ang ibibigay mo? Hindi ko ba puwedeng makita yan?""Puwede naman..... Oo nga no?
Dahil matagal nang kilala nila Agnes si Gerald kung kaya ay palagay na ang loob nila dito at ganun din naman ang huli. Nagpunta ito sa villa para maghatid ng ilang files kay Agnes dahil hindi na ito nakakapunta sa kumpanya gawa ng abala ito sa pag-aalaga sa kanyang anak.Pagdating ni Gerald ay pinagsilbihan ito ni marta at binigyan ng isang tasa ng kape. Ilang saglit lang ay may biglang nag-doorbell sa labas kaya kinailangang lumabas ni Marta. Pagbalik ay kasama na nito sila aeros at Fredericko. Nang makita si Aeros ay agad tumayo si Gerald para hinarangan ito. Sa kanyang senyas ay iniwanan sila ni Marta, pagbaling sa hindi inaaasahang bisita ay marahas n'ya itong tinanong: "Anong ginagawa mo dito? Anong kailangan mo?" Matapos magpalitan ng ilang pangungusap ay ngumisi si gerald sa katanungan ni aeros: "Anong ibig kong sabihin? Hindi mo pa rin ba makuha? Ano ba ang pagkakaintindi mo?""Puwede ba, ayokong makipaglaro ng pala-isipan sa'yo, ano bang malay ko kung nag-aasume ka lang? D
Pag-alis ni Esmeralda ay hindi na mapakali si Aeros, paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang huling kataga ng kanyang lola na meron silang anak ni Agnes. Naupo s'ya sa gilid ng kama at nakagat ang kanyang hinlalaki, pagkatapos ay muli siyang tumayo at nagpalakad-lakad.Kung ibang tao ang nagsabi niyon sa kanya ay tiyak na magkakaroon siya ng malaking pagdududa, ngunit iba kung ang kanyang lola ang nagsabi. Ngunit naiisip din n'ya na maaaring nag-iilusyon lang ang matanda dahil sa kagustuhan nitong magkaroon na ng apo sa tuhod. Dahil nga dito kung kaya ay kamuntikan na itong mapaglalangan ni Cindy noon.Ganun pa man ay meron'g parte ng kanyang utak ang nagsasabi sa kanya na maaaring posible nga iyon. 'M-magiging ama na ko?' aniya sa kanyang loob, bigla niyang nadagukan ang sarili. 'Mali, hindi pala..... ama na pala ako pero ngayon ko lang nalaman.' Mababakas kay Aeros ang excitement at tila gusto nitong mag selebra. Nagbabadya din ang pag-ngiti ng kanyang labi ngunit pilit n'ya
Mabilis na nakahanap ng magaling na hacker ang assistant ni Esmeralda nang utusan niya itong alamin ang kinaroroonan ni Agnes dahil na rin sa kuneksyon ng pamilya Villacorte. Nang gabing iyon ay nabuksan ng inupahang hacker ang naka lock na F@cebook account ni Agnes at doon tumambad sa kanya ang malaking impormasyon na agad niyang ipinadala sa kanyang amo kasama ang impormasyon kung saan ito nakatira.Nagitla si Esmeralda sa nalaman lalo na nang ipadala sa kanya ng kanyang assistant ang larawan ng isang buwan'g gulang pa lang na si Aaron. Doon niya biglang naalala ang isang buwang gulang din na sanggol na kanilang nakita ng caregiver sa mall. Nang kanyang paghambingin ay nakumpirma niyang malaki ang pagkakatulad ng dalawa.Napahawak sa kanyang dibdib si Esmeralda, ngayon niya natiyak kung bakit ganu'n ang kanyang naramdaman nang makita ang bata, kung bakit siya nakakaramdam ng koneksyon para dito. Malakas ang kanyang kutob na ang sanggol na iyon at ang anak ni Agnes sa larawan na i
Gabi na nang umalis si easton dahil marami silang napag-usapan ng kaniyang lola. Pag-alis ni Easton ay naroon pa rin sa malaking sala si Esmeralda, tila malalim ang iniisip nito.Maya-maya ay lumapit si Ms. Mildred. "Donya Esmie, nakahanda na po ang hapunan. Nasaan na po si ser Easton, hindi po ba siya dito maghahapunan?""Umalis na, meron daw siyang kailangang imi-meet." Ani ng tulalang si Esmeralda."Donya esmie, ayos ka lang ba? Parang ang lalim ng iniisip n'yo a.""Naisip ko lang ang mga napag-usapan namin ni Easton. Alam mo, tama yung sinabi niya sa kin: kaming tatlo lang ang tunay na nagmamalasakit kay Aeros pero kaming dalawa lang ni Fredericko ang pinaka pinagkakatiwalaan n'ya, pero...... anong ginawa ko? Binigo ko siya. Ayun, umalis tuloy siya at nagpaka layo-layo."Nang maramdaman ng mayordoma na tila sinsisi na naman ng donya ang sarili ay inalo-alo n'ya ito. Hindi muna kumain ng hapunan si Esmeralda dahil wala pa itong gana. Nang maka-alis si Ms. Mildred ay kinuha ni Esm
"M-ma'am!.... K-kanina pa ba kayo nakabalik? Ba't ang aga n'yo naman ata'ang umuwi, diba dapat mamaya pang hapon ang uwi n'yo?" Tanong ng isang nagulat at kararating lang na yaya nang datnan ang kanyang among babae na nakaupo sa sala. "Analyn, mukhang nakakalimutan mo yata kung ano ang papel mo sa pamamahay na ito para tanungin ako nang ganyan." Sagot ng magandang babae na tinawag na "ma'am" ng kararating lang na yaya.Naging awkward ang kanilang pag-uusap, napayuko sa pagkapahiya ang nagngangalang Analyn at hindi nakasagot. Mabuti na lamang ay bigla niyang naalala ang kanyang alaga kaya nagkaroon ito ng excuse para hindi pansinin ang sinabi ng amo. Hinila niya ang dalang stroller papasok ng villa. "Ipinasyal ko po si Aaron, kasi nag-iiyak siya kanina e." Bahagyang umangat ang kilay ng magandang babae sa sofa nang marinig iyon. "Nag-iiyak? Paanong nag-iiyak, e hindi naman iyakin si Aaron?" Tumayo siya at nilapitan ang sanggol sa stroller na noo'y mahimbing na'ng natutulog. May pag
"Señora, mukhang bagay na bagay po ito sa inyo o. Ang elegante ng disenyo at ang ganda ng kulay, bakit hindi n'yo po ito subukan?" Wika ng isang caregiver sa kanyang amo habang itinuturo ang isang magandang blouse. Naroon sila sa isang mamahaling boutique ng isang mall. "Señora?" Tawag niya nang hindi siya pansinin nito. Nakatingin lang ito sa isang stroller na naroon sa isang tabi sa labas. Lumapit siya sa matanda. "Señora, may problema po ba?""Ludy, tingnan mo nga yun, yung stroller na yun....." Turo ng señora sa stroller. "Tingnan mo nga kung may bata doon, kanina ko pa kasi napapansin yun doon e."Nilapitan ng caregiver ang naturang stroller at agad bumalik sa kanyang amo. "Meron pong baby sa loob, at ang cute cute n'ya. Ngumiti agad siya sa kin nang makita ako." Aniya na tila nagigiliwan sa sanggol, ni hindi n'ya napansin ang pagbabago sa ekspresyon ng kanyang amo.Biglang lumabas ng boutique ang Señora at tinungo ang kinaroroonan ng sanggol kasunod ang kanyang caregiver. Nang
"Mukhang malalim ang iniisip mo dad a." Ani Agnes sa ama habang nakadungaw ito sa veranda. "May problema ba?"Nagpakawala ng buntong-hininga si Eduardo, pagkatapos ay inakbayan ang anak. "Wala naman. Ano ang tingin mo dito sa villa'ng nabili natin, mas malaki 'to kaysa sa dati.""Bakit nga pala mas malaki pa sa dati nating tinitirhan ang binili mo dad, e tatatlo lang naman tayo?""Ayos na rin ito para kung sakaling bumuo na ng pamilya si Alfie sa hinaharap, hindi siya mapapahiya kapag iniuwi na n'ya dito ang mapapangasawa niya."Napapalatak si Agnes. "Dad, ang layo at ang tagal pa nun a, ang bata-bata pa ng kapatid ko no.""Alam ko naman yun, pero ayos na rin siguro kung paghandaan natin yun nang maaga."Maya-maya lang ay biglang may sumingit sa gitna ng dalawa. Isiniksik nito ang sarili at yumakap sa magkabilang bewang nila."Bakit Alfie, may kailangan ka ba?" Tanong ni Eduardo sa kanyang bunso."Wala po, narinig ko kasi ang pangalan ko e, tinatawag n'yo po ako?" Sagot ng bata.Nagta
Mula sa condo ni Aeros ay nagtungo naman si Vance sa condo ni Cindy para kumpirmahin dito ang hinala ngunit nakakailang katok na siya ay wala pa ring nagbubukas. Tinawagan n'ya ito ngunit hindi din nito sinasagot. Dumilim ang mukha ni Vance, tila pinagtataguan siya ng babae. Hindi siya tumigil sa pag-contact dito. Maya-maya lang ay may sumagot na sa kabilang linya: "O Vance, napatawag ka? Akala ko ba ay dapat magkanya kanya na–""Nasa labas ako ng Condo mo, buksan mo ang pinto." Putol ni Vance."At ano naman ang kailangan mo, wala ako diyan.""Nasaan ka?""Nandito ako kila Aeros..... Dito na kasi ako titira magmula ngayon hanggang sa maikasal kami...." May pagmamalaking sagot ni Cindy. "Huwag mong sabihing pupuntahan mo ko dito." Hindi siya sinagot ng lalaki dahil pinutol na nito ang linya. Ipinagkibit-balikat lang ni Cindy ang pagtawag ni Vance, subalit hindi nito akalaing pupuntahan nga siya nito sa mansyon."Ano, hinahanap ako ni Vance? Bakit daw?" Tanong ni Cindy kay Ms Mil
"My goodness dude, what a big scoop!..... No way! You and Cindy...... were having a baby?" Usisa ni Vince paglabas ng mansyon, nakasunod ito kay aeros."Don't believe her bullsh*t, you know what kind of manipulative bi*ch she is...... Kailanman ay hindi ko kikilalanin ang bata sa tiyan n'ya.""But dude.... let's say that Cindy is indeed having an affair with a lot of men, but what if at the end of the day ay napatunayan na sayo nga yung bata, anong gagawin mo?"Pumasok sa sasakyan si Aeros. "Hindi ko magiging problema yun, atleast not for now...""What?" Tanong ni Vince habang inilalagay ang kanyang seatbelt. "Anong ibig mong sabihin?""Never mind. Basta I'm a hundred percent na hindi ako magkaka-anak sa ibang babae maliban kay agnes." Nang maisip ang dalaga ay tila nahawi ang karimlan kay aeros, ang pagkagalit niya dahil sa ginawa ni Cindy ay nawala. Hindi lang n'ya masabi kay Vince na hindi siya "tinatayuan" sa ibang babae kundi tanging sa kasintahan lang, kaya kumpiyansa siyang hin