Home / Romance / The Disguised Maid In The Wolf's Den / Chapter 84 – Claiming Her

Share

Chapter 84 – Claiming Her

Author: M.E Rodavlas
last update Last Updated: 2024-10-25 01:45:13

Tahimik ang tatlo sa silid na naka-check in para kay aeros, walang umiimik sa mga ito. Ang isa ay nakaupo sa kama, tulala ito at tila hindi pa gising ang diwa. Ang isa naman ay nakaupo sa sahig at nakasandal sa dingding, nakatakip ang kamay nito sa isa niyang mata na may pasa. Paminsan minsan ay tinitingnan nito nang masama ang isa pa na nakaupo sa kama, kaharap lang niya ito. May mahaba itong buhok at nakasuot ito ng magandang dress.

"Wala bang magsasalita sa inyo kung ano ang nangyayari?" Tanong ng pinaka makisig sa tatlo. Bumaling ito sa gilid kung saan naroon ang nakaupong lalaki na nasa sahig. "Ano ang ginagawa mo dito Vance? Ang pagkaka-alam ko ay ikaw ang naunang umuwi sa ming lahat." Bumaling naman s'ya sa kanyang likuran kung saan nakaupo ang isa na may mahabang buhok. "At ikaw Jules, hindi ko akalaing...... Tama ba ang hinala ko sa'yo?"

Ang may mahabang buhok na nakaupo sa likod ni Aeros ay walang iba kundi si Julius. Yumuko ito at ikinubli ang kanyang mukha sa suot niya
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 85 – The Revelation Of Their Secret Relationship

    "O Raul, nag-kape ka na ba? Halika't mag-almusal ka muna." Paanyaya ni Ms. Mildred sa papalapit na hardinero. Nasa kusina ito habang nagtitimpla ng kape."Salamat na lang Mildred, nag-almusal na ko." Sagot ng may-edad na lalaki."Ganun ba? Bakit ka nga pala nandito, may kailangan ka ba?""Meron lang sana akong gustong ibalik kay ser aeros.""Tulog pa siya nang ganitong oras. Ang mabuti pa ay ibigay mo na lang sa kin at ako na ang bahalang magbigay sa kanya mamaya pag gising niya."Napakamot sa kanyang ulo si mang Raul, makikitaan ito ng pag-aalinlangan.Nang hindi kumikilos ay nilingon ito ng mayordoma. "Bakit? May problema ba?""Ang totoo niyan, medyo nakakahiya kasi itong iaabot ko e, kaya gusto ko sana na kay ser aeros ko ito direktang ibibigay."Naintriga ang matandang babae, napatingin ito sa kamay ng hardinero para tingnan ang kung ano ang ibibigay nito sa amo ngunit wala namang hawak ito. "E ano ba ang ibibigay mo? Hindi ko ba puwedeng makita yan?""Puwede naman..... Oo nga no?

    Last Updated : 2024-10-25
  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 86 – Results

    Kumunot ang noo ni Esmeralda. "Anong sinabi mo, may lihim na relasyon si Aeros at si Agnes?""Opo, lola Esmie." Sumulyap si Cindy sa namumutlang si Agnes. Hawak nito nang mahigpit ang pitsel na may lamang juice. Magsasalin sana ito sa baso ngunit nanigas na ito dahil sa kanyang sinabi. Ngumisi siya kay agnes. "O bakit naging tuod ka na diyan Agnes, hindi mo akalaing magsasalita ako, no? Natatakot ka na ba–"Biglang hinampas nang malakas ni Aeros ang mesa, pinandilatan nito ang babae. "Shut up Cindy! You're so full of nonsense. Kung anu-ano ang sinasabi mo.""Heh, talaga ba? Alam na alam mo kung nagsasabi ako ng totoo, hindi ko nga lang maintidihan kung bakit parang ayaw na ayaw mong malayo sayo ang panget na babaeng to, ginayuma ka ba niyan kaya ka nagkakaganyan?" Hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ni Cindy na natalo siya sa isang katulad lang ni Agnes gayong kitang-kita naman ang kalamangan niya dito. May pag-aalalang bumaling si Aeros sa kanyang lola. "Grandma, huwag ka

    Last Updated : 2024-10-26
  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 87 – Eviction

    Dahil walang makuhang impormasyon si Vance tungkol kay "agatha" kung kaya't nagdesisyon itong kumuha na ng private investigator para malaman ang lahat tungkol sa nakukursunadahang dalaga. Katulad ni Aeros, inakala niyang pumalpak ang private investigator na kanyang inupahan nang ang i-presenta nito sa kanya ay ang impormasyon tungkol kay Agnes. Magrereklamo sana siya sa palpak nitong trabaho nang ipaliwanag nito ang nakalap niyang impormasyon:Base sa kanyang imbestigasyon, ang magandang dalaga sa larawan na ibinigay sa kanya ni vance para imbestigahan ay hindi nagngangalang "agatha" kundi–Agnes Zara Dela Fuentes. Ang naturang larawan ay kuha sa party ni Aeros sa tulong ng cctv camera. Nagkaroon ng pagtataka si Vance kung bakit tila dalawa ang pangalan ng dalaga, ngunit hindi iyon ang nagbigay sa kanya ng malaking pagdududa, kundi, ang sumunod na impormasyon:Base sa record, si Agnes na nabibilang sa pamilya dela Fuentes ay nawala sa kanila para mag stay-in ng trabaho, at lumalab

    Last Updated : 2024-10-27
  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 88 – In Desperation

    Nanilukhod si agnes at umiyak. "D-donya Esmie, pakiusap po, hindi po ako kagaya ng iniisip n'yo, seryoso po ako sa pag-ibig ko sa apo n'yo, at ganun din po siya sa kin....... Sana naman po ay bigyan n'yo kaming dalawa ng pagkakataon.""Tama na! Ayoko nang marinig pa ang mga sasabihin mo dahil kahit kailan, hindi kita magagawang tanggapin sa pamilya namin, kaya umalis ka na!" Sigaw ni Esmeralda. Sa kabila ng protesta ni Agnes at Ms. Mildred ay naging buo pa rin ang pasya nito."Hindi mo ba narinig si donya esmie? Ang sabi n'ya ay lumayas ka na raw." Hinila ni Cindy si Agnes sa damit nito at kinaladkad palabas ng mansiyon habang nakikiusap ito. Nang tangkain ni Ms. Mildred na umawat ay pinagbantaan ito ni Esmeralda, kaya ang tanging umalalay sa dalaga ay si Vance.Itinulak ni Cindy si Agnes palabas ng gate pagkatapos ay nakangisi niyang pinagmasdan ito. "E ano kung may maganda kang mukha, basura ka pa rin naman. Ito ang tandaan mo Agnes, a.k.a Agatha; sa kin lang si Aeros at hindi

    Last Updated : 2024-10-28
  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 89 – The Painful Past

    "O aeros, bakit parang nagmamadali ka yata? Saka, saan ka pupunta, wala pang breaktime a?" Tanong ni Fredericko nang masalubong nito ang humahangos na pamangkin. Kasama niya ang kanyang assistant at galing sila sa isang meeting sa labas.Hindi nag-abalang sumagot ang binata, nilagpasan lang nito ang tiyuhin at nagdudumaling nagtungo sa private elevator. Lalabas ito ng kumpanya ngunit hindi nito dala ang kanyang mga gamit."Stop right there! Tinatanong kita, saan ka pupunta?" Sigaw ni Fredericko nang hindi ito pansinin ng pamangkin."Please uncle..... not now, I have an emergency!" Sigaw pabalik ni Aeros bago makapasok sa elevator."W-what? Anong emergency?" Pagtataka ni Fredericko, ngunit walang sumagot dito. Dahil dito ay hiningi niya ang kanyang telepono sa kanyang assistant at tumawag sa mansyon. Napatingin ang mga empleyado na nasa lobby nang makita ang humahangos na si aeros, ang mga babae ay hindi na nagkaroon ng pagkakataong batiin ito nang mabilis itong lumagpas sa kani

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 90 – Fight For Love

    Si Esmeralda ay merong nag-iisa at negosyanteng kapatid na lalaki. Katulad ng mga Villacorte, maganda din ang takbo ng negosyo at kilala din ito sa business world. Ngunit sa isang iglap ay bumagsak ang negosyo nito dahil may nagnakaw ng mga mahahalaga at confidential files ng kumpanya, at dahil dito ay unti-unting bumagsak ang stocks na nauwi sa pagkalugi ng negosyo nito. Nang pa-imbestigahan ay lumabas na isang empleyado na may apelyidong dela funetes ang may kagagawan ng lahat. Ang nasabing empleyado ay walang iba kundi ang kapatid ni Eduardo, na ama ni Agnes. Matapos nitong pagnakawan ang kumpanya ng kapatid ni Esmeralda ay hinimok nito si Eduardo na magtayo ng sarili nilang kumpanya gamit ang maliit lamang na kapital. Walang kaalam-alam si Eduardo na nanggaling pala sa nakaw ang magiging pundasyon nila sa pagtatayo ng sarili nilang negosyo.Dinamdam nang husto ng kapatid ni Esmeralda na si Eugenio ang nangyari, bilang isa sa mga tinitingala sa larangan ng negosyo ay hindi n

    Last Updated : 2024-10-30
  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 91 – Finally Official

    "O Aeros! Iho, nandito ka pala. Napasyal ka?..... Halika tuloy ka." Magiliw na bati at paanyaya ni Marina nang makita ang hindi inaasahang bisita sa pinto ng kanilang bahay. "Sandali lang ha, maupo ka muna at ikukuha kita ng maiinom." At nagtungo ito sa kusina.Hindi nabigyan ng pagkakataong magsalita ang binata, hindi tuloy nito nasabi ang kanyang pakay. Habang mag-isang nakaupo sa sala ay iginagala ni Aeros ng tingin ang kabuuan ng bahay. Hindi ganoon kalaki ang villa ngunit makikita pa rin na may nakaririwasang pamumuhay ang naninirahan doon."Maring, nasaan ka? Nakita mo ba yung necktie na bagong bili ko?" Sigaw at tawag ni Eduardo habang bumababa sa hagdanan, makikita na medyo iritado ito dahil hindi nito makita ang gamit na kanyang hinahanap. Pagbungad niya sa sala ay nagulat at natigilan siya nang matanaw si Aeros na hindi niya inaasahang makikita nang ganoong kaaga. "E-aeros Villacorte?"Tumayo ang binata at magalang na bumati. "G-good morning po.... tito."Napamaang si Eduard

    Last Updated : 2024-11-03
  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 92 – Insistence For Plan Execution

    "Listen, hanggang ngayon ay nagkikita pa rin sila Aeros at Agnes, at walang naging epekto sa kanila ang pagtutol ni lola esmie sa kanila. Knowing Aeros, you know he's kind of persistent kaya kailangan na nating gumawa ng paraan."Prenteng sumandal sa kanyang kinauupuan si Vance, hindi ito makikitaan ng pag-aalala at pagkabalisa hindi katulad ni Cindy. "Bakit parang nagwo-worry ka nang husto diyan? dati naman ay matiyaga kang naghihintay kay Aeros a, that's unlikely you."Natigilan si Cindy at nag-iwas ng tingin. Inayos niya ang sarili at iwinaksi ang kanyang pag-aalala, mariin niyang itinaggi ang sinabi ni Vance. "Ano ba ang sinasabi mo diyan? Alam mo ang sitwasyon naming mga ronchillo diba? Siyempre kailangan ko nang mag magmadali, isa pa, ito ang task na ibinigay ng dad ko sa kin.""Kunsabagay....... So, ano ang gagawin natin? May plano ka na ba?"Kumitid ang mga mata ni Cindy. "Well, ganito....".."Ayos ka lang?" Tanong ni Agnes sa kasamang lalaki."Oo, okay lang ako." Sagot ni A

    Last Updated : 2024-11-03

Latest chapter

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 120 – The End

    Lumabas si Ivan at nagalinga-linga sa paligid ng entrance ng hotel, napakamot ito ng ulo. 'Akala ko ba ay may mga babaeng naka-abang dito sa labas na gustong makapuslit sa bachelor's party niya Aeros, ba't wala naman?' muli siyang naghanap at naglakad-lakad, hanggang sa makita n'ya ang isang kahina-hinalang babae. 'Ayun!' agad niya itong nilapitan.Tila nabulabog ang babae kung kaya't bigla itong lumayo. "Teka miss, sandali!" Pinigilan ito ni Ivan bago pa ito makatakbo . "Huwag kang matakot sa kin, hindi ako masamang tao...." Inilabas n'ya ang kanyang doctor's ID at ipinakita iyon. "Isa akong doktor kaya nakakasiguro kang matino akong tao."Napamaang ang "babae" nang masilayan si Ivan, ngunit tila hindi s'ya nakilala nito. Palihim siyang napa-palatak. 'Matino? May matino ba na bigla na lang lalapit sa hindi n'ya kilala at pipigilan pa itong umalis?'Tinakpan ng "babae" ang kalahati ng kanyang mukha gamit ang kanyang mahabang buhok, at gamit ang pinaliit at pinalambot na boses ay sum

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 119 – Bachelor's Party And Bridal Shower

    Nang ginanap ang bachelor's party ay ilan sa mga babaeng nakakakilala kay aeros sa kanilang social circle ang nagtangkang pumuslit kung saan ito dinadaos, sa pagbabakasakaling maangkin nila ito sa huling pagkakataon. Pagkatapos kasi ng bachelor's party ay ikakasal na si Aeros kaya ito na lamang ang kanilang pagkakataon. Ngunit dahil sa higpit ng seguridad ay walang kahit na sino ang nagtagumpay na makapasok.Inginuso ng ivan kay vince ang isang matangkad na lalaking nakatayo na naka shades sa isang tabi. "Ano yan? Bakit may ganyan?""A, yan ba? Ano pa ba? edi proteksyon." Nagkaroon ng malaking pagtataka si Ivan. "P-proteksyon?! Tama ba ako ng dinig?" Kinalikot pa nito ang kanyang tenga na wari'y nililinis n'ya iyon.Tila nandiri si Vince, bahagya itong ngumiwi at lumayo nang kaunti sa kaibigan doktor. "Doktor ka diba? Siguro ay dapat mo na'ng check-up-in iyang tenga mo, mukhang mahina na ang pandinig mo e, o kaya baka marami ka na'ng tutuli."Lumapit si Ivan at niyakap ang kaibigan,

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 118 – Wedding Plan

    Magmula nang hindi na nakakapunta sa kumpanya si Agnes ay dinadalhan na ito ng trabaho ni Gerald, lalo na kapag naiipon na iyon sa opisina nito, at iyon ang dahilan ng pagparoon nito. Naisip ni Gerald ang kanyang inasta'ng bigla na lamang pagsingit sa pag-uusap ng iba. "Um.... P-pasensya na."Pumalatak si Aeros ngunit ngumisi ito. "Ayos lang. Alam mo, tamang-tama ang dating mo. Tinatanong mo kung sino ang ikakasal, diba?" Hinawakan n'ya ang kamay ni Agnes. "Kami ni Agnes ang ikakasal, pumunta ka ha."Kitang-kita ni Gerald ang asta'ng may panunuya ni Aeros sa kanya, naiinis man ay hindi naman n'ya magawang tingnan ito nang masama. Nalalaman din niyang talunan na s'ya nito kaya maaaring totoo ang sinasabi nito. Bumaling siya kay Agnes. "Totoo ba yun Agnes, magpapakasal ka na?"Sumagot si Agnes. "Oo Gerald. Magpapakasal na kami ni Aeros."Hindi nakapagsalita si Gerald ngunit halos malukot na n'ya nang hindi sinasadya ang hawak na document envelope."Bakit nga pala pumunta ka nang gani

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 117 – The Wedding

    "Grandma!" Tawag ng nagmamadaling si Aeros. Nang papunta si Esmeralda kila Agnes ay kasunod ito sa pag-aalala na baka mag take advantage ito kay Agnes at sabihin ang hinanaing nito tungkol kay Aaron. Gustung-gusto na kasi nitong makasama ang bata. Lumapit s'ya at binulungan ito. "What are you doing?""Aeros, anong ginagawa mo dito, hindi ka ba pupunta sa kumpanya ngayon?" Tanong ni Esmeralda, tila hindi nito inintindi ang tanong ng apo. "Mabuti na rin na nandito ka, nang sa ganun ay mapag-usapan na natin ang magiging kasal niyong dalawa ni Agnes.""G-grandma?" Napasulyap si Aeros kay Agnes sa pag-aalalang baka nabigla ito.Hindi alam ni Agnes ang magiging reaksiyon, tama nga ang kanyang iniisip, ngunit hindi pa siya makakasagot sa ngayon dahil meron pa siyang dapat ikonsidera."Ano sa tingin mo iha, puwede ka ba ngayon para makapag meeting na tayo ng tungkol sa pag-iisang dibdib n'yo ni Aeros?" Nakangiting tanong ni Esmeralda.Napakamot ng ulo si Agnes "Um.... Ano po kasi e..."Nang

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 116 – Reconcilation (2)

    Biglang tumayo si Aeros sa kanyang kinauupuan at nagpaalam sa kanyang lola. "Grandma, pupunta na lang uli kami ni Agnes sa ibang araw. Huwag na po kayong sumama sa kanya pagbalik, promise, sa susunod ay dadalhin na namin dito sa Aaron." At hinila na nito patayo ang nagtatakang si Agnes."Ha? Aalis na agad kayo? Kay bilis naman! Dito na lang kayo mananghalian." Ani Esmeralda, sinunggaban nito ang kamay ni Agnes at tumingin dito nang may halong pakikiusap.Bumaling si Agnes kay Aeros. "Oo nga naman Aeros, dito na lang tayo mananghalian para magkasama pa kayo ni don- ni lola Esmie." Aniya nang hindi nauunawaan ang sitwasyon ng pagkakaganito ni Aeros."Um...." Hindi alam ni aeros kung papayag ba sa gusto ng dalawa o hindi, para kasing sinisilihan ang tumbong nito at tila hindi makatagal nang nandoon si Easton.Nahalata ni Easton ang nakaiilang na sitwasyon kaya nagkusa na ito. "Ehem..... Grandma, ang mabuti pa ay babalik na lang ako sa ibang araw. Maiwan ko na muna kayo." Aalis na sana it

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 115 – Reconciliation

    Nang maibigay na ni Gerald ang mga dokumento kay Agnes ay umalis na rin ito. Dahil sa nangyari ay wala siyang balak pang magtagal doon lalo na nang sitahin siya ni Agnes tungkol sa lihim na kumpetisyon na isinagawa nila ni aeros. Alam niyang maaari nga itong magalit sa kanya ngunit hindi niya inaasahan na kagagalitan siya nito nang naroroon si Aeros, nagkaroon tuloy ito ng pagkakataon para tuyain siya, kaya agad na rin siyang nagpaalam.Matapos makapag usap at matapos maging malinaw ang lahat ay doon na nananghalian si Aeros, matapos kumain ay nagtungo naman sila ni agnes sa mansyon ng mga Villacorte."O bakit?" Tanong ni Aeros nang biglang bitiwan ni Agnes ang kanyang kamay, nasa pintuan na sila ngayon. "Nag-aalala ka ba? ako na ang nagsasabi, tanggap ka na ng lola ko kaya wala nang magiging problema.""P-pero...."Hinawakan ni Aeros nang mahigpit ang kamay ni Agnes. "Nandito ako kaya huwag kang mag-alala. Kung sakali mang umatras si grandma sa sinabi niya, sa pagkakataong ito ay

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 114 – New Chapter?

    Bagaman nagkakaroon ng udyok si Agnes na lapitan si Aeros ngunit hindi niya magawa dahil sa hiya. Na-misinterpret pala niya ito at mali ang kanyang iniisip tungkol dito.Maya-maya lang ay pinutol na ni Aeros ang pakikipag-usap sa kanyang lola. Nang makita ni Agnes na papalabas na ito ng fire exit ay tumakbo siya palayo, tila wala pa siyang lakas ng loob na harapin ito. Aalis na muna siya para na ring mapag-isipan ang dapat niyang gawin.Tulala si Agnes nang magbalik ito sa kanyang suite. "Kumusta Agnes, nahanap mo ba ang nobyo mo? Nagkausap ba kayo? Nagkaayos na ba kayo?" Agad na tanong ni Marta.Nagbalik sa kanyang wisyo si Agnes at napamaang sa matandang katulong. "Inabutan ko po siya pero hindi po kami nagka-usap...... Saka, nanay Marta, hindi ko na po nobyo si Aeros, hiwalay na po kami at nananatili pa rin pong ganun hanggang ngayon kaya paano naman po kami magkakabalikan?"Hindi inintindi ni Marta ang sinabi ni Agnes. "Doon din naman kayo pupunta, may kutob akong magkakabalikan

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 113 – Overheard

    Nang sumunod si gerald sa hotel ay nagtaka nang husto si Agnes nang makita ang mukha nito na may mga pasa at band aid. "Ged, napaano ka?" "Nadisgrasya ako pagkuha ko ng document. Natisod ako at nadapa, tapos bumagsak ako, tumama ang mukha ko sa mesa.""G-ganun ba? Pero......" Nagkaroon ng pagdududa si Agnes dahil sa kanyang nakikita ay mukha namang hindi ang pagtama sa lamesa ang dahilan ng pagkakabugbog ng mukha ni Gerald, sa halip, sa kanyang nakikita ay mukhang nakipag away ito.Hindi sinabi ni gerald kay Agnes ang tungkol sa kumpetisyon nila ni Aeros. Sa hotel gagawin ng dalawa ang huli nilang paghaharap at dahil nandoon na rin naman sa hotel ay inayos na ni Gerald ang lahat ng kakailanganin...........Sa araw ng kompetisyon:"Akala ko ay hindi ka na darating e."Pumalatak si aeros. "Ano'ng tingin mo sa kin?""Kung ganun, ihanda mo na ang sarili mo para matalo, dahil hindi kita pagbibigyan." Nilingon ni Gerald ang nakasarang pinto. Naisip n'ya ang kakatwang sitwasyon ni Aeros;

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 112 – Competition

    Pag-alis nila aeros at Fredericko ay agad nag-impake ng ilang gamit si Agnes para sa kanila ni Aaron. Dahil madalian ay tinulungan na siya ni Marta sa pag-iimpake. Nagtanong ito. "Bakit biglaan naman yata ang pag-alis mo iha, mag-a-out of town ka ba? Saka bakit pati gamit ni Aaron ay iniimpake mo, isasama mo ba ang bata?""Opo, isasama ko po ang anak ko pero hindi po kami mag-a-out of town, mag -i-stay po muna kami sa hotel."Napamaang si Marta. "Magho-hotel kayo ni Aaron? Ano na naman ang gagawin n'yong mag-ina doon?""Nanay Marta, katulad po ng sinabi ko, doon na muna kami...... nag-aalala po kasi ako na baka bumalik uli ang ama niya at kunin siya nang sapilitan sa kin."Natigilan si Marta. "T-teka..... yung lalaki kahapon, ibig mong sabihin...."Bumuntong-hininga si Agnes. "Opo, tama po kayo. Siya po si Aeros, ang ama ni Aaron.""Aba, e ka-guwapo naman pala ng dati mong nobyo! Pero, bakit ganito na ang sitwasyon n'yo ngayon? Puwede ko bang itanong kung ano ang nangyari sa inyong da

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status