Dahil hindi nag-dinner ay nagutom si Valentina bago pa man maghatinggabi. Kanina ay ipinatawag siya ng pamilya niya na kumain at pinuntahan pa siya ng daddy niya para kumbinsihin, pero tinatagan niya ang loob at hindi lumabas ng kwarto. Kahit ng sabihin ng daddy niya na wala ang lola niya at may pinuntahan ay hindi pa rin siya nakumbinsi ng mga ito.
Talagang masama ang loob niya sa mga ito, dahil lumalabas na walang pakialam ang mga ito sa kasiyahan niya. Gusto lang ng mga ito na maging perpekto siya, sumunod sa lahat ng utos ng mga ito at huwag gumawa ng ikasisira ng reputasyon ng mga Villamayor.
Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto niya at pigil na pigil ang sariling huwag tumakbo kahit pa nga gutom na gutom na siya. Nasa third floor pa naman ang kwarto niya at napakalayo ng kusina. Kung bakit ba naman kasi nakalimutan niyang sabihan ang mayordoma nila na wala ng stocks ng pagkain sa refrigerator sa kwarto niya.
Pagdating sa second floor ay bigla siyang kinabahan nang makita ang ilaw na halata sa ilalim ng pinto ng library nila. Ibig sabihin may tao, or mga tao pa sa library. Napatingin siya sa suot na relo.
"Mag-aalas-dose na pero may gising pa din?" tahimik niyang tanong.
Dahan-dahan siyang nag-tiptoe para siguradong wala talagang ingay, pero nang matapat siya sa mismong pinto ng library ay narinig niya ang mga boses mula sa loob. Na-curious siya kaya tumigil siya para makinig.
“Hindi na tayo pwedeng maghintay pa. Nakapagdesisyon na ako.” Ang lola Mildred niya iyon.
“Saan kaya ito nanggaling kanina at wala sa dinner?” naisip ni Val.
“Pero mommy, Rome?” ang mommy niya naman iyon.
“Makakaya niya na bang mag-isa roon?” ang daddy niya naman iyon at halatang-halata ang lungkot at pag-aalala sa boses nito.
“Hindi ko yata kayang mawalay sa baby ko, mommy.” Sabi ng mommy niya at muntik na siyang mapasinghap.
Tinakpan niya ang bibig para hindi makagawa ng ingay. Siya ang pinag-uusapan ng mga ito.
“Wala na tayong choice, Monica.” Sabi ng lola niya sa mommy niya. “Kailangan nating ipadala si Val sa Rome. Sa New York ang punta ng anak ni Joaquin, at masyadong malayo iyon sa Rome.”
“Hindi ko alam ang iisipin.” Sabi ng daddy niya. “Isa pa, mapapapayag ba natin si Val na pumunta ng Rome?”
“Matagal niya ng gustong pumunta ng Rome dahil sa kurso niya. Mapapayag natin siya. Kung hindi man, kahit hilahin ko siya pasakay ng eroplano para lang mawala ang impluwesya ng mga Joaquin sa kaniya, gagawin ko.” Matigas na wika ng lola niya.
Matagal niya na ngang gustong pumunta ng Rome dahil maganda ang mga architectural designs ng mga buildings roon, lalo na ng mga historical buildings, pero nag-iba na ang mga plano niya sa buhay.
Animo’y nakalimutan niya ang gutom at agad na pumihit pabalik sa kwarto niya. Hinihingal na napasandal siya sa pinto ng kwarto niya. Pilit niyang kinalma ang sarili dahil kailangan niyang mag-isip ng maayos.
Napahawak siya sa bracelet niya dahil kinakabahan siya, at dahil doon ay napatingin siya sa bracelet at agad na naisip si Devon. Parang may sariling isip ang mga paa niya na gumalaw at naglakad papunta sa walk-in closet niya. Kumuha siya ng malaking backpack at sinimulang punuin iyon ng mga gamit.
Nang matapos ay agad niyang tinungo ang pinto. Palabas na siya nang parang may pumigil sa kaniya. Naiiyak na bumalik siya sa loob at lumapit sa typewriter niya. May laptop at computer siya pero nag-i-enjoy pa rin siyang gumamit ng typewriter.
May nakasalang ng papel sa typewriter kaya nag-type na lang siya. Maikling mensahe lang iyon at nabasa pa ng mga luha niya. Nang matapos ay pinunasan niya ang mga luha niya at tuluyan ng lumabas.
Nang mapadaan muli sa Library ay kontodo ingat siya dahil may ilaw pa rin sa loob niyon. Dumaan siya sa may dirty kitchen palabas ng bahay nila. Sobrang madilim sa labas at ilang sandaling nagdalawang-isip siya dahil sa takot.
Pero alam niyang kailangan niya ng umalis ng gabing iyon. Knowing her grandmother, bukas na bukas din ay ipapadala siya nito sa Rome. With that in mind, lakas loob siyang humakbang sa dilim. Gamit ang cellphone niya as flashlight ay tinakbo niya ang daan na magdadala sa kaniya sa Hacienda Joaquin.
Dahil malalawak ang mga lupain nila ay halos kalahating oras din siyang tumakbo bago narating ang Hacienda Joaquin. Ang dinaanan niya ay deretso sa mismong back garden ng bahay. Agad siyang nagtago sa isa sa mga bushes roon at tinawagan si Devon.
Nakailang tawag na siya ay hindi pa rin nito sinasagot ang phone nito at nag-aalala na siya.
“Is he asleep?” naisip niya.
Maghahating-gabi na pero bukas pa naman ang mga ilaw sa loob ng mansion. Susubukan niya sanang tawagan ito ulit nang agawin ang atensyon niya ng isang kotse na lumabas mula sa gawi ng garahe.
Napatayo siya nang makita kung sino ang mga sakay niyon. Si Devon at apat pang lalaki na sigurado siyang mga kapatid nito. Na-meet niya na dati at ilang beses ng nag-krus ang landas nila ni Drake Joaquin, ang panganay nitong kapatid, at sigurado siyang si Drake ang nasa passenger seat.
Nanlaki ang mga mata niya nang mapansin ang hawak ni Devon. Medyo malayo sa kaniya ang mga ito pero sigurado siyang cellphone ang hawak nito. Muli niyang tinawagan si Devon pero muli ay hindi nito sinagot ang tawag niya.
Unti-unti na siyang pinanghihinaan ng loob. Saan ito pupunta at bakit hindi nito sinasagot ang tawag niya?
“Hey.”
Muntik na siyang mapasigaw nang may magsalita sa likod niya. Nang harapin niya ito ay agad siyang napatingin sa baril na nakasukbit sa bewang nito. Masiyado siyang focus sa dumaang sasakyan, hindi niya napansin ang paglapit nito.
“Sino ka at anong ginagawa mo rito?”
Napatingin na siya sa mukha nito at napalunok. Sobrang seryoso ng mukha nito. Sigurado siyang isa ito sa mga guards ng Hacienda Joaquin. Pero nasa back garden na siya. Pati ba naman back garden ay binabantayan ng mga ito? Pwera na lang kung nagra-round check ito.
“Ah, friend po ako ni Devon. May ibibigay sana ako sa kaniya.”
Sa isipan niya ay dasal siya ng dasal na maniwala ito. Siguro naman hindi siya nito mamumukhaan na isa siyang Villamayor. Hinagod siya nito ng tingin at tinitigan ang mukha niya.
Then he spoke, “Wala si Master Devon.”
Master? Never na nasabi sa kaniya ni Devon na Master ang tawag rito ng mga empleyado ng mga Joaquin.
“Ah ganoon po ba? Saan po siya nagpunta?”
Lihim rin siyang nagdasal na sumagot ito. Ilang sandaling parang nag-isip muna ito bago sumagot. “Papunta na silang magkakapatid sa airport.”
“What?” halos pabulong na tanong niya.
“Pumunta dito ang mga kapatid ni Master Devon para lang maihatid siya sa airport.” Paglilinaw pa ng guard.
“A-akala ko bukas pa ang alis niya.” Napahawak na siya sa bracelet niya at nilaro-laro iyon.
Umiling ang guard. “Ngayong gabi ang flight niya.”
“But it’s almost midnight.” naiiyak na reklamo niya.
Hindi sumagot ang guard. Humakbang ito palapit sa kaniya at napuno siya ng takot. "Kung ako sayo ineng, uuwi na ako dahil sabi mo nga maghahating-gabi na."
Napakurap-kurap siya at walang sabi-sabing tumakbo pabalik sa dinaanan niya papunta roon. Hindi niya na pinansin ang dilim. Kabisado niya ang lugar. Tutal kahit naman buksan niya ang flashlight ng phone niya ay hindi niya pa rin makikita ang daan dahil panay na ang tulo ng mga luha niya.
Sa likod muli siya ng bahay dumaan pero wala na siyang pag-iingat. Hindi na siya magtataka kung magising ang buong bahay dahil sa ingay niya. Pero narating niya ang kwarto niya ng walang abala.
Dumiretso siya sa kama niya at nagtalukbong ng kumot. Napahagulgol na siya. Ang sikip sikip ng dibdib niya at parang sasabog iyon. Sobrang sakit. Noon lang siya nakaramdam ng ganoong sakit.
Napahawak siya sa bracelet niya. Hindi siya makapaniwala na nagawa iyon ni Devon sa kaniya. Nagsinungaling ito sa kaniya. Plano lang ba talaga nito na kunin ang virginity niya?
Well, anak ito ni Hernan Joaquin. Isa itong kilalang playboy. And Devon was a known troublemaker and partygoer before she met him. Kaya nga ito nandoon sa Davao eh.
“You’re my fire.”
Napahagulgol siyang muli nang maisip ang sinabi nito. Napahawak siya sa tiyan niya at nanlaki ang mga mata nang may ma-realize.
Paano kung magbunga ang nangyari sa kanila ni Devon?
Napatigil siya sa pag-iyak at humihingal na tumayo. Nagpalakad-lakad siya sa tabi ng kama niya habang nilalaro ang bracelet na bigay ni Devon. Hindi niya alam ang gagawin.
Bukas ay siguradong ipapadala na siya sa Rome ng lola niya. Paano kung mabuntis siya at nandoon siya? Mahihirapan siya sa Rome dahil wala siyang kaalam-alam roon.
“Shit, anong gagawin ko?” tahimik niyang tanong. “Paano kung mabuntis nga ako? Kung nagawa nina lola na magsinungaling na maysakit siya para lang paghiwalayin kami ni Devon, anong kaya nilang gawin kapag nabuntis ako ng isang Joaquin?”
Baka pilitin siya ng mga ito na ipalaglag iyon.
“No, ipipilit ko na huwag ipalaglag ito.” Pangako niya.
She feels weird. Kanina lang may nangyari sa kanila ni Devon at for sure ay wala pang nabubuo sa tiyan niya pero concern na agad siya sa future baby niya na hindi pa nga sure kung meron.
Pero paano nga kung may mabuo? Isipin niya pa lang na baka pilitin siyang magpalaglag ay parang gusto niya na ring mamatay.
Or worse paano kung pagbigyan siya ng mga ito pero hindi tanggapin ng mga ito ang anak niya? Paano kung itago siya ng mga ito sa publiko?
Kakayanin niya bang iparanas iyon sa anak niya? Ang magtago sila dahil kahihiyan ang tingin sa kanila ng pamilya niya? Napailing-iling siya at napahawak sa tiyan niya.
Napatingin siya sa phone niya nang bigla iyong tumunog. It was Devon calling. Hindi siya nakagalaw. Imbes na sagutin iyon ay napahawak ulit siya sa bracelet na suot. Nang tumigil iyon sa pagtunog ay nakatanggap naman siya ng text mula rito.
"V, baby. Sori, I missed ur calls. Naiwan ko phone ko sa treehouse. Kakukuha ko pa lng."
Nanghihinang nabitawan niya ang phone niya. Nagsisinungaling ito. Nakita niya ito na may hawak na phone sa kotse. At halatang hindi ito papunta sa tree house.
He lied to me. At doon niya nasigurado na ginamit nga lang siya nito at ng mga oras na iyon ay baka nasa eroplano na ito.
Tumulo ulit ang mga luha niya. Nanghihinang napaupo siya sa sahig at sumandal sa kama niya. Wala siyang ginawa kungdi ang umiyak ng umiyak.
Hanggang sa tumunog muli ang phone niya. Sa pagkakataong iyon ay text naman iyon mula kay River.
"Val, I know 2log ka na. Pro ndi ksi kta makontak knina. 10 am alis ko tom. Kita tayo b4 I go."
Bigla siyang nakaramdam ng guilt. Busy kasi siya maghapon kay Devon kaya hindi niya pinansin ang mga tawag at text nito. At ngayon, pati ang best friend niya ay iiwan rin siya. Matatagalan din bago sila magkita muli at-
Natigilan si Val at unti-unti ay isang plano ang nabubuo sa isipan niya. Agad niyang dinayal ang number ni River.
“Riv.”
“Hey, Val. Ba’t gising ka pa?”
“It’s a long story but I need your help.”
“What? Why? May problema ba? Nasaan ka?” halata ang concern sa boses nito.
“Sa ngayon nasa bahay ako. I’m safe pero gusto kong sumama sa’yo.”
Tumawa si Riv. “Pffft, sa tingin mo ba papayagan ka ng lola mo? Probinsya ang pupuntahan ko Val.”
“Bakit, probinsya din naman ang Davao ah? It’s more city now, but still a province.”
“Val, dito sa Davao nakatira ka sa isang Hacienda. Doon sa Bicol, simple lang ang buhay ni mommy.”
Hindi siya nakasagot. Separated kasi ang parents ni River. Ang daddy nito ay isang kilalang doktor sa bansa, habang ang nanay nito ay isang nurse na sa kasalukuyan ay nasa Bicol at doon namamalagi. At tuwing bakasyon tulad ng mga panahong iyon ay hinahati ni River ang oras nito sa dalawa. Sa Maynila nag-aaral si River pero tuwing bakasyon, kapag April ay sa daddy nito sa Davao ito nag-i-stay. At kapag May ay sa mommy naman nito sa Bicol.
“Riv,” huminga siya ng malalim. “Hindi alam ng lola ko na sasama ako sa’yo.”
“What the hell are you talking about?”
And then she told him everything. Lahat ng nangyari sa kanila ni Devon, ang kasinungalingan ng lola at mommy niya, at ang plano ng mga ito na ipadala siya sa Rome. Sinabi niya rin dito pati na ang pagtatraydor sa kaniya ni Devon.
Bago man lang matapos ang tawag nila ay buo na ang desisyon ni Val. Sasama muna siya kay Riv hanggang sa masigurado niya kung buntis siya o hindi.
Kung buntis siya, then hindi na siya babalik.
Kung hindi siya buntis, she’s pretty sure her family will welcome her again when she comes back.
*****
Kinabukasan ay maagang nagising si Devon. Alas kwatro pa lang ng madaling-araw ay nag-aayos na siya. Isang malaking backpack ang dala niya at kinuha niya lahat ng ipon niya. Nagdala rin siya ng mga gamit na pwede niyang ibenta, just in case na hindi agad siya makakuha ng trabaho. Kailangan niyang suportahan si Val. Hindi niya ito pagtatrabahuhin. Val was raised a princess, at ayaw niya itong mahirapan.
Dinala niya ang ilang mamahaling relo niya at mga kwintas at bracelets. May mga singsing din siya na pure gold and silver.
Maingat siyang bumaba ng hagdan at sa likod ng bahay dumaan. Gustuhin niya mang sunduin si Val ay mas makakabuti kung magkahiwalay silang lumusot sa kani-kanilang pamilya. If ever man na mahuli sila ay hindi agad mahahalata ang plano nilang magtanan. Kapag nahuli sila at nalaman ng mga ito ang plano nila, mas hihigpitan sila ng mga ito. Baka imbes na mamayang hapon ay ora mismo siyang ilipad ng daddy niya papuntang New York. Walang imposible kay Hernan Joaquin.
Pagdating niya sa bus station ay sinigurado niyang nasa ulo niya ang hood ng jacket niya. Itinuon niya rin ang mga mata sa direksyon na panggagalingan ni Val.
Hindi niya ito matext dahil napag-usapan nilang iwan ang mga cellphone nila. Because, again, walang imposible sa daddy niya at sa lola ni Val. They can do anything, including tracing them through their phones.
Pero napag-usapan naman nila ni Val kung saan mismo sila magkikita kaya hindi ito mahihirapan na hanapin siya.
Ilang minuto na siyang naghihintay nang imbes na si Val ay isang pamilyar na lalaki ang naglalakad mula sa direksyon na panggagalingan ni Val. Isa ito sa mga guards ng Hacienda Joaquin. Tanda niya ito dahil sa nunal nito sa kaliwang panga nito.
“What on earth is he doing here?” tahimik niyang tanong at mas ibinaba ang hoodie sa mukha niya.
Ngunit kahit anong takip niya sa mukha niya ay tumigil pa rin ito sa harapan niya. Maglalakad sana siya palayo pero nagsalita ito.
“Master Devon, may dala akong sulat para sainyo.”
Natigilan siya. “Sulat?” masyado na siyang na-curious kaya hindi muna siya tumakbo palayo rito.
Iniabot nito sa kaniya ang isang maliit na envelope. Pink iyon at may seal na heart. Bigla siyang kinabahan. Valentina loves pink and everything in a shape of heart. Kahit mga bags nito ay hugis puso.
Mabilis niyang binuksan ang envelope. Kahit ang lamang papel niyon ay pink. Kumunot ang noo niya nang makitang printed ang nakasulat sa papel. Alam niyang tamad magsulat si Val. Lagi nitong sinasabi sa kaniya na wala itong notebook at lahat ng notes nito sa school ay printed o di kaya’y digital. At dahil kilala itong apo ni Mildred Villamayor, pinagbibigyan ito ng mga teacher nito. Ang mga ito pa nga ang nagbibigay kay Val ng mga notes ng mga lessons na pwede nitong i-review.
But still, ilang beses na rin silang nagsulatan ni Val at lagi ay sulat-kamay ang mga sulat nito sa kaniya. He felt special dahil nag-eeffort ito.
Pero bakit printed ang hawak niyang sulat ng mga oras na iyon?
Devon,
I’m sorry. Hindi ako makakasama sa’yo. I think masyado tayong nagpapadalus-dalos. Isa pa hindi pa ako ready magtrabaho. At mamimiss ko ang mga magulang ko, lalo na ang lola ko.
This is goodbye. I’m sorry. I hope you enjoy your life in New York.
---Valentina
Napailing-iling siya at kinuyumos ang papel na hawak. “No, I don’t believe this.” Galit na sabi niya sa guard na ni hindi niya alam ang pangalan. “Saan mo ito nakuha?”
“Ibinigay niya po iyan sa’kin kagabi. Nasa back garden siya at nahuli kong sumisilip sa bahay. Nang kwestyunin ko siya, sabi niya gusto niya lang ibigay ‘yang sulat na 'yan sainyo. Kaso halos umaga na kayo umuwi ng mga kapatid ninyo kaya hindi ko na naibigay kagabi. At ngayong umaga ay sinundan ko kayo rito.”
Napailing-iling siya habang nakikinig. Imposible ang sinasabi nito. Pinagsisisihan niya na hindi niya nasagot ang mga tawag ni Val kagabi. Paano kung nang mga oras na nakikipag-inuman siya sa mga kapatid niya ay naguguluhan na ito? Kung sinagot niya ang mga tawag nito, eh di sana napanatag niya ang loob nito na okay lang ang gagawin nila.
Walang sabi-sabing tumakbo siya papunta sa direksyon na panggagalingan ni Valentina. Papunta iyon sa Hacienda Villamayor. Kailangan niya itong makausap para baguhin ang isipan nito.
Pero bago pa man siya makalayo ay napatingin siya sa bus na paalis ng estasyon na kinaroroonan nila. Sa isa sa mga bintana ay nakita niya si Valentina at hindi ito nag-iisa. Katabi nito si River.
Sabi nito sa sulat ay mamimiss nito ang lola at mga magulang nito, so bakit ito aalis? Camarines Sur ang nakasulat sa gilid ng bus. Alam niyang sa Bicol iyon dahil nadaanan nilang magkakapatid iyon nang minsang pumunta sila sa Albay.
Kasinungalingan lang ba ang rason na ibinigay nito sa kaniya?
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at unti-unting nare-realize kung ano ang nangyayari. Bumalik sa isipan niya lahat ng mga nangyari sa pagitan nila ni Val mula nang magkakilala sila.
“Was everything a lie? But why sleep with me, V?”
Naikuyom niya ang mga palad na lalong ikinagusot ng sulat nito. Hanggang sa maramdaman niya ang pagtulo ng ulan. At dahil doon ay hindi niya naiwasang maalala ang unang beses na aminin niya sa sarili na may gusto siya kay Val.
Two months ago…
“How long ba bago ka makarating dito?”
Napatingin si Devon sa babaeng nagsalita at agad na napangiti. Isang beses niya pa lang itong nakikita pero hindi niya makakalimutan ang mukha ni Valentina Jade Villamayor. Two weeks na ang nakakaraan mula nang encounter nila sa sayawan.
Nang mga oras na iyon ay nasa labas sila ng mall. Papunta siya sa kotse niya nang madaanan ito sa may entrance at may kausap sa phone. Nakasuot ito ng sleeveless blouse at mini skirt. Muntik na siyang mapasipol sa sobrang sexy nito. He could stare at those legs forever.
“Kalahating oras? That’s like forever.”
Mas lumuwang ang ngiti ni Devon. Halatang napaka-spoiled ni Valentina. Naglakad siya palapit dito at sinadya itong banggain.
“What the hell?” sigaw nito at parang slow motion na pinanuod nila pareho ang pagtalsik ng phone nito sa semento na ng mga oras na iyon ay matubig na dahil sa ulan.
“My phone. Oh my God!!!” naiiyak na sabi ni Valentina.
Si Devon ay hindi alam ang gagawin. Wala sa plano niya na madisgrasya ang phone nito. Walang anu-ano’y lumagapak ang palad nito sa pisngi niya.
“Okay, I deserve that.” Nakangiwing sabi niya habang nakahawak sa pisnging nasaktan.
“It’s you!!!” sabi nito nang magtama ang mga paningin nila.
Nginitian niya ito ng matamis. “Hi, we meet again.”
KItang-kita niya ang pagtagis ng mga bagang nito at ang apoy sa magaganda nitong mga mata. Pero imbes na maalarma ay nakyutan pa siya rito.
“Aaaargh, you’re a bane to my existent. Paano na’ko uuwi ngayon kung hindi ko matatawagan ang driver ko?”
Ang OA naman nito. Pwede naman itong mag-commute. May mga taxi naman at alam naman ng lahat kung nasaan ang Hacienda Villamayor. “Here, you can use my phone.”
Tiningnan siya nito ng masama. “Hindi ko memorize ang number ng driver ko, or ng kahit na sino.”
Napangisi siya. “Well then, we have no choice. Nandiyan ang kotse ko, ihahatid kita sainyo.”
“Ha?” tumaas ang isang kilay nito at tumawa. As if iyon na ang pinaka-ridiculous na bagay na narinig nito.
“No thanks.” Sabi nito at tinalikuran siya with a flip of her hair. At dahil masyadong mahaba ang buhok nito ay natamaan pa siya noon. Imbes na magalit ay nabighani siya sa bango ng buhok nito.
Pero nakakailang hakbang pa lang si Valentina ay biglang kumulog at bigla itong napaupo sabay sigaw. Nawala ang ngiti niya at agad itong nilapitan. Sunod sunod ang kulog at sumigaw din ito ng sumigaw kaya wala siyang nagawa kungdi ang ikulong ito sa mga braso niya at itago ito sa katawan niya. Ramdam niya ang panginginig nito.
“I got you babe. I got you.” Bulong niya rito.
Iyon ang kauna-unahang beses na naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya dahil sa isang babae. At nangako siya sa sarili na kahit anong mangyari ay poprotektahan niya ang babaeng yakap.
He will do everything for Valentina Jade Villamayor.
Ten years later: Present day“Mommy, help. The waves will take me.”Napatingin si Val sa dalampasigan nang sumigaw ang anak niyang si Victoria. Napangiti siya nang makitang kunwari itong tumatakbo palayo sa mga alon. Puro talaga ito kalokohan.Napapangiting kumaway siya rito at mas lumuwang pa ang ngiti niya nang kargahin ito ng uncle River nito. Kaya panatag siya na walang mangyayaring masama rito dahil kasama nito si River.“They look like a real father and daughter duo.” Sabi ni Ginny na kasama niya sa open cottage na tinatambayan nila.Sa kasalukyan ay nasa Camarines Sur sila kung saan nakatira ang mommy ni River. Doon din siya napadpad noon nang sumama siya kay River para lumayo sa pamilya niya. At nang lumipas ang isang buwan at nalaman niyang buntis nga siya, doon din siya naglagi. Buti na lang at masyadong mabait ang mommy ni River kaya kahit nang umalis si River para sa pag-aaral nito sa Maynila ay hindi siya nag-iisa.Naging katuwang niya si Mama Donna, ang mommy ni River, s
It was Monday and first day ni Valentina sa Joaquin Groups. Ang una niyang ginawa ay pumunta sa HR para ibigay ang pinirmahan niyang kontrata. Pinadala iyon sa kaniya ni Drake mismo at sinabihan siyang ibigay niya sa HR bago siya pumunta sa office nito. Nang umalis siya sa HR ay dumiretso muna siya sa ladies room para mag-retouch kahit pa nga kare-retouch niya lang bago pumasok sa building ng mga ito. Pero kinakabahan siya at mas lalakas ang loob niya kung 100 percent sure siya na maganda siya sa first day roon. For her first day, pinili niyang magsuot ng itim na sleeveless dress at pinatungan niya ng itim ring blazer dress. Hindi niya sinarado ang blazer dress para kita pa rin ang figure niya. For her shoes, pinili niya ang gray pumps na favorite niya. Three inches ang takong niyon. Gray din ang bag na napili niyang gamitin that day. She looked stylish and elegant sa suot niya. Nakakadagdag pa sa pagiging elegante ng look niya ang alun-alon niyang buhok na kinulayan niya ng blonde.
Nakakuyom ang mga kamao ni Valentina habang hinihintay ang elevator na bumukas. Nagpupuyos ang loob niya dahil kay Devon. Napakawalang-puso nito. Ito na ang nang-iwan, ito pa ang galit na galit. Pero ang mas ikinaiinis niya ay ang pagtitig nito kay Helena kanina anng biglang magcomment ang babae sa kunwaring SHOW na pinapanuod nito ang iba pang Joaquin brothers. Para sa mga ito, ay isang nakaka-entertain na palabas ang pagkikita nilang muli ni Devon, at kontodo comment ang mga ito. At nang mag-comment si Helena ay tinitigan ito ni Devon. "God, am I jealous?" tahimik niyang tanong sa sarili. Awtomatikong pumasok sa isipan niya ang mukha ni Devon. He looked so mature, so different, and yet so familiar. Ramdam niya ang kirot sa dibdib niya."And why the hell is he so handsome?" hindi niya napigilang sabi. "Who's handsome?" Muntik na siyang mapatili sa gulat. Tiningnan niya ng masama si Drake pero nakangiti lang ito sa kaniya. Gusto niya itong bugbugin dahil ito ang dahilan ng proble
Naiiyak si Valentina habang pinagmamasdan ang anak na si Queen V habang nagdodrawing ito sa drawing tablet nito. Naiiyak siya dahil naiisip niya si Devon. Kung noon ay hindi siya masyadong nagi-guilty na hindi ipaalam kay Queen V ang pangalan ng daddy nito, ngayon ay nagi-guilty na siya. Dahil una, lumalaki na ang anak niya at mas nakakaintindi na ito ngayon kaysa noon. Pangalawa, nasa bansa na ang ama nito.Devon is back. Nasa malapit lang ito. Hindi niya maiwasang maisip na nagiging unfair siya kay Queen V at kay Devon na rin. "Mommy, I want you to wear this."Kumunot ang noo niya. Nakatitig pa rin si Queen V sa drawing tablet nito. Tulad niya ay hilig nito ang pagdrawing. Ang pagkakaiba lang nila, siya ay tanging mga building and interior design ang dinodrawing, samantalang si Queen V ay malawak ang hilig nito na idrawing. Nang hapong iyon ay mga damit ang dino-drawing nito. Kanina pa ito nag-de-design ng mga gowns. Mula sa sopang kinauupuan niya ay tumabi siya rito sa sahig na
Ten years ago… “Hindi mo ako pwedeng iwan Dev.” Naiiyak na sabi ni Valentina sa kasintahang si Devon.Katabi niya itong nakasandal sa pader ng tree house. Ang tree house ay nasa mapunong parte ng Hacienda Joaquin na pag-aari ng pamilya ni Devon. O mas angkop sabihin na pamilyang umampon kay Devon at sa apat pa nitong kapatid.Kasasabi lang nito sa kaniya na bukas na ang byahe nito papuntang New York para doon mag-aral. Pero alam nilang hindi lang iyon ang dahilan. Gusto ni Hernan Joaquin, ang adopted father ni Devon, na ilayo ang partygoer nitong anak sa Pilipinas dahil nakakasira daw ito ng reputasyon.Si Hernan Joaquin kasi ay isa sa mga batikang actor sa bansa at isang business mogul. Mas sumikat pa ito nang mag-ampon ito ng limang orphans kahit pa nga single ito. Para sa mata ng publiko, isa itong ulirang single father na may matabang puso kahit pa nga playboy ding maituturing si Hernan Joaquin. Sa edad nito ay iba’t ibang babae pa rin ang nalilink dito.“Ayaw kitang iwan V.” Mad
Madilim na nang makauwi si Val mula sa treehouse. Sa kusina siya dumaan at patakbong inakyat ang mataas na hagdan ng mansion ng lola niya. Nasa third floor kasi ang kwarto niya.Nakahinga siya ng maluwag nang marating niya ang pinto ng kwarto niya nang walang nakakasalubong.Ngunit pagbukas niya ay napasinghap siya sa gulat. Bumulaga sa kaniya ang lola at Mommy niya na halatang naghihintay sa kaniya. Nakapwesto ang mga ito sa sofa set sa isang sulok ng kwarto niya. Sa sobrang laki ng kwarto niya ay may sariling mini-living room iyon.“Where have you been?” seryosong tanong ng lola Mildred niya.“Ah kina Ginny po, grandma.” Pilit niyang ngiti at hinalikan ang mga ito sa pisngi.Hindi napansin ni Val na nagtinginan ang mommy at lola niya ng makahulugan. Ang isipan kasi ni Val ay nasa plano pa nilang pagtanan ni Devon bukas.“May kailangan po ba kayo sa’kin? Maliligo na po sana ako.”Nagkatinginan ulit ang mga ito bago nagsalita ang mommy niya. “Anak, may sasabihin sa’yo ang grandma mo.”

Dahil hindi nag-dinner ay nagutom si Valentina bago pa man maghatinggabi. Kanina ay ipinatawag siya ng pamilya niya na kumain at pinuntahan pa siya ng daddy niya para kumbinsihin, pero tinatagan niya ang loob at hindi lumabas ng kwarto. Kahit ng sabihin ng daddy niya na wala ang lola niya at may pinuntahan ay hindi pa rin siya nakumbinsi ng mga ito.Talagang masama ang loob niya sa mga ito, dahil lumalabas na walang pakialam ang mga ito sa kasiyahan niya. Gusto lang ng mga ito na maging perpekto siya, sumunod sa lahat ng utos ng mga ito at huwag gumawa ng ikasisira ng reputasyon ng mga Villamayor.Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto niya at pigil na pigil ang sariling huwag tumakbo kahit pa nga gutom na gutom na siya. Nasa third floor pa naman ang kwarto niya at napakalayo ng kusina. Kung bakit ba naman kasi nakalimutan niyang sabihan ang mayordoma nila na wala ng stocks ng pagkain sa refrigerator sa kwarto niya.Pagdating sa second floor ay bigla siyang kinabahan nang makita ang ila