Ten years later: Present day
“Mommy, help. The waves will take me.”
Napatingin si Val sa dalampasigan nang sumigaw ang anak niyang si Victoria. Napangiti siya nang makitang kunwari itong tumatakbo palayo sa mga alon. Puro talaga ito kalokohan.
Napapangiting kumaway siya rito at mas lumuwang pa ang ngiti niya nang kargahin ito ng uncle River nito. Kaya panatag siya na walang mangyayaring masama rito dahil kasama nito si River.
“They look like a real father and daughter duo.” Sabi ni Ginny na kasama niya sa open cottage na tinatambayan nila.
Sa kasalukyan ay nasa Camarines Sur sila kung saan nakatira ang mommy ni River. Doon din siya napadpad noon nang sumama siya kay River para lumayo sa pamilya niya. At nang lumipas ang isang buwan at nalaman niyang buntis nga siya, doon din siya naglagi. Buti na lang at masyadong mabait ang mommy ni River kaya kahit nang umalis si River para sa pag-aaral nito sa Maynila ay hindi siya nag-iisa.
Naging katuwang niya si Mama Donna, ang mommy ni River, sa pagbubuntis at pagpapalaki kay Victoria. Nag-insist pa ito na tawagin niya itong Mama. Si River ay nanatiling mabuting kaibigan sa kaniya at madalas silang bisitahin roon at imbes na tumagal ng isang buwan sa Davao sa daddy nito ay two weeks lang ito roon tuwing bakasyon dahil mas gusto raw nitong kasama si Victoria. Si Ginny ay hindi nila natiis at ipinaalam rin nila ni River kung nasaan siya kaya nakapag-attend pa ito ng binyag ni Victoria at naging ninang pa ito.
Pero nagdesisyon siya na huwag ng magpakita sa pamilya niya. Ni hindi niya alam kung matatanggap pa siya ng mga ito. Ang sabi ni River ay ipinapahanap pa rin siya ng pamilya niya hanggang ngayon. Pero sa mga balita noon sa TV at dyaryo, inanunsyo ng lola niya na nasa Rome siya at nag-aaral. Siguro para makaiwas sa eskandalo. Ano na lang kasi ang sasabihin ng iba kung malaman ng lahat na naglayas ang isa sa mga apo ng mga Villamayor?
Nang lumipat sila sa Maynila ni Victoria, five years ago ay pinlano niyang puntahan ang lola niya sa bahay nito sa Maynila pero sa huli ay pinigilan niya ang sarili. Inisip niya ang magiging kalagayan ni Victoria. Imposibleng tanggapin ito ng pamilya niya at ayaw niyang makaranas ng rejection ang baby niya. Wala na nga itong daddy eh tapos makakaranas pa ito ng rejection sa iba.
“Umamin na ba sya sa’yo?” tanong ni Ginny.
“Who?” tanong niya at s******p ng buko juice.
“Huwag ka ngang magmaang-maangan diyan. Alam mong si River ang tinutukoy ko.”
Napatingin siyang muli kina River at Victoria. Gumagawa na ang mga ito ng sand castle. “River and I are just friends.”
“Friends daw. Hmmp.”
Hindi niya na lang ito pinansin. Pero alam niya talaga na may gusto sa kaniya si River. Noon pa man bago niya pa makilala si Devon. Napapikit siya nang maisip ang lalaki. It’s been ten years at ramdam niya pa rin ang sakit sa dibdib niya.
Gusto niyang umiyak ng umiyak at sumigaw. Hindi niya pa rin matanggap ang ginawa nito sa kaniya. Pero sa tuwing makikita niya si Victoria ay lumuluwag ang dibdib niya. Ang anak niya ang nagtulak sa kaniya na mag-move forward. Ito ang dahilan kaya nilakasan niya ang loob niya.
“By the way, I might need a new job.” Sabi niya para ibahin ang usapan.
“Why? Ang dami mo namang clients.”
Nagawa niya pa ring gumradweyt as an architect dahil sinuportahan siya ni Mama Donna. Hindi mayaman ang pamilya ni River sa mother side pero nakakaluwag ang mga ito at nurse si mama Donna. Isa pa, ang daddy naman ni River ang nagpapaaral kay River kaya solo ni Mama Donna ang sahod nito. Sa kasalukyan ay isa siyang independent contractor. Kahit pa nga maraming kompanya ang gustong kumuha sa kaniya at pwede rin siyang magkaroon ng sarili niyang architectural firm, mas pinili niyang maging independent contractor.
That way, wala siya masyadong bakas na maiiwan. Dahil kung may sarili siyang firm, mas madali para sa pamilya niya ang mahanap siya. Tutal never pa siyang nawalan ng kliyente at kahit papano ay may ipon siya. Never silang nagutom ng anak niya at nagagawa pa nilang mabili ang mga gusto nila. Nagagawa rin nilang magbakasyon kahit saan nila gustuhin.
Napatingin siya kay Victoria. “She’s turning 10 this February.” Sabi niya habang titig na titig sa anak. Kamukhang-kamukha niya ito. Sa katunayan ang tanging nakuha lang nito kay Devon ay ang mga mata nito. Sa tuwing tinititigan siya ni Victoria ay palaging pumapasok sa isipan niya ang mukha ni Devon.
Imposible talaga na makalimutan niya si Devon.
“So?”
“So she’ll be in high school soon. And then college.” Sabi niya na tinawanan ng malakas ni Ginny.
“Nanay na nanay talaga ang dating mo. Ang OA mo. Mag-relax ka nga. College agad?”
Napabuntung-hininga siya. “Gin, lumaki tayo na asal mga prinsesa at gusto kong iparanas iyon sa anak ko, okay? May ipon ako, marami, pero ayoko na sakto lang ang pera ko sa mga pangangailangan namin. At kapag tumuntong siya ng high school and then college mas lalaki din ang gastos niya sa school. I want her to live as a princess.” Napailing siya. “No as a queen.”
Kaya nga pinangalanan niya itong Victoria Elizabeth Miles. Pangalan ng mga reyna ang dalawang pangalan ng anak niya, at ang Miles naman ay apelyido na pinili niya noong nagpapalit siya ng apelyido para hindi siya matunton ng pamilya niya. Miles ang second name ni Devon and for some reason gusto niyang may parte pa rin ni Victoria ang connected sa tatay nito kaya iyon ang pinili niya.
“I understand.” Sabi ni Ginny. “Can you work as a secretary?”
“Sure, why not?”
“Well, ang swerte mo. May nabanggit sa’kin si Natasha noong isang araw kung may kilala akong gustong magtrabaho as a secretary.” Tukoy nito sa pinsan nito. Ibigay ko sa’yo number niya. “Sabihin mo na lang kaibigan kita at nagkakilala tayo sa bookstore. Hindi ka niya makikilala as Valentina Villamayor.”
Tumango-tango siya at kinuha ang phone niya. Dinikta ni Ginny ang number ng pinsan nito isinave niya. Mamaya ay kokontakin niya ito.
Biglang sumipol si GInny at nakita niyang nakatingin ito kay River. "Look at him." kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Look at those abs."
"Ahm..."
"He's like a god and he loves you. Paano mo nagagawang iignore ang tulad niya." OA nitong sabi.
"Ginny, he's our friend." sabi niya at tumayo. “Halika na nga, gusto kong makipaglaro sa baby ko.”
“Mommy, look at my castle.” Sabi agad ni Victoria nang makalapit sila ni Ginny. “It has 3 floors.”
Napangiti siya. “Wow, baby. Ang ganda naman niyan.” Hanga talaga siya rito dahil ang elaborate ng design ng sand castle nito. Dahil sa trabaho niya as an architect ay exposed si Victoria sa mga house designs.
Isa pa likas na genius ito. Kaya nga nito nagawang lampasan ang Grade 4 at 5.
“When I grew up, I will build a house this big. With lots of floors.”
Bigla siyang binalot ng lungkot at nagkatinginan silang magkakaibigan. Mas mataas pa sa tatlong floor ang mansion na kinalakhan niya. At nalulungkot siya dahil hindi niya mapatira sa ganoon kalaking bahay ang anak niya. They live in an exclusive condo building at masyadong malaki ang unit nila pero walang-wala iyon sa mansion ng mga Villamayor, or sa mansion ng mga Joaquin, ang pamilya ng daddy nito.
“Then I will give it to you mommy.” Biglang sabi ni Victoria.
Nagkatinginan ulit silang magkakaibigan. Ngumiti sina River at Ginny, habang siya ay pinipigilan ang sariling huwag maluha. “Talaga baby V?”
Ayaw niya sana itong tawaging V dahil naaalala niya si Devon sa palayaw na iyon pero isang araw noong 4 years old ito ay bigla na lang itong nag-request na tawagin niya itong Queen V.
“Yes po mommy. You deserve a castle.”
Hindi niya na napigilan ang sarili at niyakap ito ng mahigpit. Napatili ito at napatawa ng malakas. “Ang bait talaga ng baby ko.” Sabi niya rito at pinupog ito ng halik.
Wala na talagang papantay sa pagiging ina. Worth it na worth it ang pag-iwan niya sa dating buhay niya.
*****
Nang dumating ang Lunes ay maagang pumunta si Valentina sa Royalty Hotel and Restaurant. Doon siya kakatagpuin ng mag-iinterview sa kaniya for the executive asistant position. Sa totoo lang ay medyo duda siya sa nangyayari. Una, tanging sa e-mail lang sila nag-usap ng HR personnel na nag-assist sa kaniya. Iyon ang e-mail na ibinigay ng pinsan ni Ginny.
Second, sa huli ay sinabi nitong sa hotel na iyon magaganap ang final interview, which is weird. Bakit hindi na lang sa kompanya mismo? Feeling niya mai-scam siya pero may tiwala siya kay Ginny at may tiwala si Ginny sa pinsan nito. At isa pa, ang hotel na iyon ay isa sa pinakamalaking hotel chain sa bansa. Imposibleng ma-scam siya roon. Only the rich and famous can get inside there. She knows dahil madalas siya doon noong Villamayor pa siya.
“Hi, I’m Valentina Miles.” Sabi niya sa receptionist ng restaurant. Iyon ang instruction sa kaniya ng nakausap niya. Magpakilala lang daw siya. Nang magpalit siya ng apelyido ay inalis niya rin ang second name niya na Jade dahil masyadong halata.
Nginitian siya ng receptionist. “I’ll take you to your table ma’am. They’re already waiting for you.”
Kinakabahang sumunod siya sa receptionist. Sinabi ba nitong “They?” Ibig sabihin, hindi lang isa ang mag-iinterview sa kaniya? Pero nang makarating sila sa mismong restaurant ay iba na ang naging dahilan ng kaba niya. Sa pinakadulo ng restaurant ay naroon si Drake Joaquin, kasama ang isa pang lalaki na pamilyar din sa kaniya. Ang table ng mga ito ay table for three at bakante pa ang isang upuan.
Nanlalaki ang mga matang napatigil siya sa paglalakad. “Wait.” Bigla niyang sabi. Nilingon siya ng receptionist.
“Yes ma’am?”
Inilibot niya ang mga mata sa paligid. Lahat ng table ay occupied at ang table lang nina Drake ang may bakanteng upuan. Buti na lang at busy ang mga ito sa pag-uusap kaya hindi pa siya nakikita ng mga ito. “Iyon ba ang table na pagdadalhan mo sa’kin?”
Tumango ang receptionist. “Yes ma’am.”
“Shit.” Hindi niya napaigilang sabi na ikinagulat ng receptionist. Pinilit niyang ngumiti. “Ahm, I mean, shit, naiihi ako. Punta muna ako sa restroom and ako na lang ang bahalang pumunta sa table na iyon.” Sabi niya.
Nakangiting tumango ito. “Sure ma’am. The restroom is that way.”
Tumango siya. Alam niya kung nasaan ang restroom roon. “Okay thanks.” Sabi niya at nanlaki ang mga mata niya nang pag-angat niya ng tingin ay nagsalubong ang mga mata nila ni Drake. Kumunot ang noo nito. Agad siyang umiwas ng tingin at mabilis na pumihit papunta sa restroom.
Ang totoo ay rason niya lang iyon dahil aalis na talaga siya. Pero masyadong halata kung aalis agad siya kaya napilitan siyang pumasok talaga sa restroom. Hiling niya lang ay hindi siya namukhaan ni Drake. Kunsabagay masyadong malaki ang restaurant at malayo pa siya sa table nito. Isa pa lampas ten years na mula nang huli silang magkita. At dahil nga hindi magkasundo ang mga pamilya nila, iilang beses lang din silang nagkausap noon nang minsang bumisita si Drake sa hacienda ng mga ito.
Kung tutuusin, estranghero ang mga Joaquin sa kaniya, maliban kay Devon. Pamilyar lang siya sa mga ito dahil sikat nga ang mga ito. Hanggang ngayon ay “Famous Orphans” pa rin ang tawag ng media at publiko sa magkakapatid. At dahil nga isa ito sa mga “Famous Orphans” ay hind niya maiwasang magkaroon ng balita tungkol sa magkakapatid. Kaya nga alam niya ring nasa New York pa rin si Devon. Hindi na ito bumalik ng Pilipinas mula nang pumunta ito sa New York ten years ago.
Napatingin siya sa reflection niya sa salamin. Ibang-iba na talaga ang itsura niya sa itsura niya noon as a Villamayor. Lalo na ang buhok niya.
“Dev, makikilala mo pa kaya ako kapag nagkita tayo ulit?” malungkot niyang bulong sa reflection niya. Nang ma-realize ang ginawa ay napailing-iling siya. Hindi dapat siya maghangad na magkita pa silang muli. Kung magkataon man, siguradong hindi na siya makikilala nito dahil ibang-iba na ang itsura niya.
Malaki ang posibilidad na hindi nga rin siya namukhaan ni Drake. Lakas-loob na lumabas siya ng restroom pero agad na bumagsak ang balikat niya nang tumambad sa kaniya si Drake. Nakasandal ito sa pader sa labas mismo ng restroom na para bang hinihintay siya.
Ganunpaman, pasimple siyang naglakad na para bang hindi niya ito napansin at hindi niya ito kilala. “Please, Lord, don’t let him recognize me. Please. Please…” tahimik niyang dasal.
Her prayers went unanswered. Bigla na lang itong nagsalita nang bahagya siyang lumampas rito.
“Seriously, Valentina.” Natigil siya sa paglalakad. “Magkukunwari ka na hindi mo ako nakita?”
“Shit talaga.”
Dahan-dahan siyang pumihit paharap rito. Muntik na siyang mapaatras nang magtama muli ang mga mata nila. Nakakatakot talaga ito. Noon pa man ay lagi ng seryoso ang mukha ni Wylan Drake Joaquin. The man was labelled by the public as the strict and serious. Others even call the eldest Joaquin orphan as Count Dracula. Bagay nga iyon rito.
“Ako ba kausap mo?” painosenteng tanong niya kay Count Dracula, este Drake. Ngumiti pa siya ng matamis knowing na ang isang Villamayor ay never na ngingiti sa isang Joaquin. Sana maisip nito na imposible talagang maging si Valentina Villamayor siya.
Napailing-iling ito. “Quit it Val. Alam kong ikaw ‘yan at alam ko ring ikaw ang ka-meeting ko. The one I’m interviewing.”
“I don’t know what you’re talking about. Hindi kita kilala. Although pamilyar ka sa’kin. Lumalabas ka ba sa TV or sa mga dyaryo, sa mga news?” Lihim siyang nagpasalamat na umattend siya ng drama classes noong college siya as a hobby. Dahil sigurado siyang ang galing ng acting niya ng mga oras na iyon.
Hindi sumagot si Drake. Nanatili lang itong nakatitig sa kaniya. Gusto niyang iiwas ang tingin pero wala sa personalidad niya ang maging duwag. Hinding-hindi siya susuko sa isang staring contest. May dugo yata siyang Villamayor.
Hanggang si Drake mismo ang naunang sumuko. Umiling-iling ito at gusto niyang mapangiti. Nagawa niyang pasukuin ang isang Joaquin, hindi lang basta Joaquin, kundi ang panganay sa mga ito. Pero biglang nagsalita si Drake at natigil siya sa tahimik na pag-congrats sa sarili.
“Are you okay?”
Natigilan siya sa tanong nito. Bakit siya nito tinatanong kung okay lang siya? Napansin niya ring lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. Napuno ng concern ang mga mata nito habang titig na titig na ulit sa kaniya.
Bigla ay hindi na bagay rito ang palayaw nitong Count Dracula.
“Okay ka lang ba?” tanong ulit nito nang hindi pa rin siya sumagot. Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. “Walang nangyari sa’yo?”
“Anong ibig mong sabihin? Of course, I’m okay.” Napabuntung-hininga siya. Sa nakikita niyang concern sa mukha nito ay nawalan na siya ng lakas na tumanggi na siya nga si Valentina Jade Villamayor. “I’m okay Drake. Bakit mo naitanong? What made you think na hindi ako okay?” naguguluhan niyang tanong at mas naguguluhan siya sa concern na ipinapakita nito.
“Because Val, sampung taon ka ng nawawala. We don’t believe what your family told the media. Masyadong magkaaway ang mga pamilya natin, kaya walang sikreto sa pamilya natin. Lahat ng nangyayari sa kabilang hacienda ay alam sa kabila. Hindi ako magtataka kung may spy ang lola mo sa hacienda namin at ganoon din ang daddy ko sa hacienda ninyo. Alam naming naglayas ka. We’re worried.”
Natigilan na naman siya. Worried ang mga ito sa kaniya? Bakit? Hindi niya maiwasang isipin kung kasama kaya sa nag-worry sa kaniya si Devon? Napailing-iling siya. Imposible. At ayaw niya ng umasa. Baka nga naging masaya pa ito nang mabalitaan na naglayas siya dahil ibig sabihin hindi siya maghahabol rito.
“I’m okay, Drake. Walang masamang nangyari sa’kin. But yes, naglayas ako pero safe at okay ako sa pinuntahan ko. I went to a friend.”
Tumango-tango ito at para bang nakahinga ng maluwag. “Buti naman. Now let’s go to our table so we can talk more.”
Akma nitong hahawakan ang siko niya para i-guide siya papunta sa mismong restaurant pero iniiwas niya ang sarili.
“I’m sorry pero sa tingin ko hindi magandang ideya na magtrabaho ako para sa’yo.”
“Why not?”
“Kailangan ko pa ba talagang sagutin iyan?”
“Kung inaakala mo na hahayaan kitang basta na lang umalis, nagkakamali ka.”
Tumaas ang isang kilay niya. “Huh? Well kung inaakala mo rin na mapapasunod mo ako sa gusto mo ng basta-basta, nagkakamali ka. I know your reputation Drake, at hindi uubra sa’kin ang pagiging bossy at controlling mo. Siguro naman kahit papano, pamilyar ka sa ugali ko. I’m Valentina Jade Villamayor.”
Ang tagal niya ng hindi ginagamit ang pangalan na iyon kaya siguro biglang sumikip ang dibdib niya ng mga oras na iyon. Parang gusto niyang maiyak. Lalo na nang magsalita si Drake.
“And Valentina Jade Villamayor was raised a princess.” Tumango-tango si Drake. “But you’re not a Villamayor anymore, right Val?”
Hindi agad siya nakasagot. Feeling niya kapag nagsalita siya ay pipiyok siya. Aminin niya man o hindi, namimiss niya ang pamilya niya at ang pagiging Villamayor. Hindi madali ang lahat. Oo nga naging katuwang niya sina River at Mama Donna, but it was different. She still misses her real family.
Bumuntung-hininga si Drake. “Look, Val. Let’s just talk. I promise, hindi malalaman ng pamilya mo na nagkita tayo.”
Sandali siyang nag-isip at sa huli ay napatango na lang. “But I won’t be working for you.”
Kumibit ito ng balikat. “Still, susubukan kong kumbinsihin ka.”
“Hindi mo ako mapapa-oo.”
“You know Val, one thing you should know about us Joaquins, we love challenges.”
Iiling-iling na naglakad na siya pabalik sa mismong restaurant. Sumunod ito sa kaniya.
“Oh by the way, kasama ko ang isa kong kapatid.”
Napapreno siya sa narinig at muli itong hinarap. “Devon?”
“No. Tyron.”
“Oh good.” Sabi niya pero hindi niya mapigilan ang ma-disappoint, which is weird. Una dahil nakita niya ang kasama nito kanina, that wasn’t Devon. Isa pa si Devon dapat ang kahuli-hulihang lalaki na gugustuhin niyang makita kaya hindi dapat siya ma-disappoint na hindi ito ang kasama ni Drake roon. Dapat magpasalamat pa siya.
Ano ang gagawin ni Devon kapag nalaman nitong nagkaanak sila? Nang maisip si Victoria ay pinagsisihan niyang pumayag pa siyang pagbigyan si Drake. Pero hindi na siya makakaatras ngayon. Bibilisan niya na lang ang pagkain para makaalis agad siya.
Nakatingin na sa kanila si Tyron habang palapit sila sa mesa at nang makalapit sila ay pilyo itong ngumiti at tumayo. “Hey you. Tyron Gray Joaquin at your service.” Inilahad nito ang kamay.
Hindi niya napigilan ang mapangiti at tinanggap ang palad nito. “Valentina Miles. Pleasure meeting you.”
“Oh honey, the pleasure is mine.” Kinindatan siya ni Tyron. “You are so beautiful.”
Tumaas ang isang kilay niya pero hindi niya mapigilang ma-amuse sa ginagawi nito. “Your reputation precedes you, Mr. Joaquin.” Kilala talaga ito sa pagiging charmer.
Tumawa ito at sa wakas ay binitawan na ang kamay niya. “Please call me Tyron, or Ty for short. Or Gray.”
“Gray?” confused na tanong niya.
“Full name ko is Tyron Gray.” Napatango-tango siya sa sinabi nito. Alam niya iyon. “At kapag interesado ako sa isang babae, I prefer na Gray ang itawag niya sa’kin. It makes me feel more mysterious. And women love mystery. Nakakadagdag sa appeal ko.” Nakangiting sabi nito.
Hindi napigilan ni Valentina ang mapahalakhak. Hindi siya makapaniwalang saktong-sakto ang palayaw rito ng media. Tyron Gray Joaquin is definitely a charmer.
Natatawang napatingin siya kay Drake. Masama ang tingin nito kay Tyron at kulang na lang ay batukan nito ang kapatid. “Umupo ka nga.” Utos nito kay Tyron. Tumatawang sumunod si Tyron.
Well, well, tama rin ang media sa aspect na iyon. Takot ang mga nakababatang Joaquin kay Drake at sinusunod ng magkakapatid lahat ng sabihin ng panganay sa mga ito.
“Please take a seat Val.” Sabi ni Drake sa kaniya na agad niya ring sinunod. The man even pulled a chair for her. What a gentleman.
“Let’s order first.” Masiglang sabi ni Tyron at sinenyasan ang waitress na nakatoka sa table nila.
Since nakita niyang busy pa sa pagtingin sa menu ang dalawa ay nauna na siyang nagsabi ng order niya.
“I’ll have your quiche Lorraine and some green salad.” Nakangiting sabi niya. “And give me your best sparkling wine.”
Pagkatapos niya ay nag-order na rin ang magkapatid. Nang makaalis ang waitress ay natawa siya sa itsura ni Tyron. Para bang amazed na amazed ito sa kaniya.
“You know French cuisine?” sabi ni Tyron.
“Yeah. It’s my favorite along with Italian.”
“Akala ko mahilig ka sa Mexican food.” Biglang sabi ni Drake.
Nagulat siya sa sinabi nito. “Naalala mo?” tumango ito. Isang beses kasi ay nagkita sila sa isang mexican restaurant at may ka-date siya noon. “Sinabi ko lang iyon sa ka-date ko. I lied.” Nasa kabilang table noon si Drake at narinig nito ang sinabi niya. “Wow, ang galing ng memory mo. That was like 12, 13 years ago?”
“13 years.” Ngumiti si Drake.
“Okay, what’s happening?” halata ang confusion sa mukha ni Tyron at nagpapalipat-lipat ang tingin nito sa kaniya at kay Drake. “And you’re smiling!” sabi nito kay Drake. “Ba’t ka nakangiti. Natatakot ako.”
Kunwari ay kinilabutan si Tyron at natawa siya. Hindi kasi palangiti si Drake.
Binatukan ni Drake ang kapatid. Napakamot na lang sa ulo si Tyron. Aminin niya man o hindi, nag-i-enjoy siyang kasama ang mga ito. Kung sana nga lang hindi magkakaaway ang mga pamilya nila noon, baka magkakaibigan na sila noon pa man. Besides iisang mundo ang ginagalawan nila. Mundo ng mga Rich and Famous.
Bigla siyang nalungkot nang maisip niya na naman ang pamilya niya. Kumusta na kaya ang mga ito?
“She’s Val.” Simpleng sagot ni Drake.
“Alam ko nakita ko rin ang CV niya kaya alam ko ang pangalan niya.” Inosenteng sabi ni Tyron.
Bumuntung-hininga si Drake na para bang nawawalan na ito ng pasensya sa kapatid. “Hindi mo ako nage-gets. Siya si Valentina.”
“Alam ko nga. Valentina ang pangalan niya. Paulit-ulit naman ‘to. Nakita ko ang CV niya.” Sabi pa ni Tyron at tumingin ulit sa kaniya. “Can I call you Val? Your name is beautiful but-” natigilan ito at unti-unti ay nanlaki ang mga mata. “Oh my God.”
Napatayo si Tyron at pumunta sa gawi niya na ikinagulat niya. Grabe naman yata ang reaksiyon nito.
“Oh my God!” ulit nito sa mas malakas na boses dahilan para pagtinginan sila ng mga tao sa paligid pero parang wala itong pakialam. Kahit si Drake a chill lang. Siguro dahil sanay na ang mga ito na pinagtitinginan ng mga tao.
Nanlaki ang mga mata niya nang may ma-realize. Masyadong sikat ang mga ito. “Shit, baka may kumuha ng pictures natin.” Nag-aalalang sabi niya kay Drake.
Umiling ito. “No. This is a very exclusive establishment. Walang gagawa niyan dito. Pero Tyron, umupo ka nga. You’re making her uncomfortable.”
Agad na sumunod si Tyron. “I’m sorry.” Nginitian niya ito. “Pero hindi ako makapaniwala na ikaw nga ‘yan. Wow, Valentina Jade Villamayor in the flesh.”
Nahihiyang kumibit siya ng balikat.
“Are you okay? How are you?”
Natigilan na naman siya dahil sa nakikitang concern sa mukha ni Tyron. Ni hindi siya nito killala noon pero concern ito. Paano pa kaya ang totoong pamilya niya? Nanikip ang dibdib niya at namasa ang mga mata niya pero kumurap-kurap siya at huminga ng malalim para kalmahin ang sarili.
“I’m fine. Nang umalis ako sa’min, pumunta ako sa friend ko sa probinsya at doon ako nag-stay hanggang sa makatapos ako ng college. Then I came here in Manila.”
“So totoo lahat ng nasa CV mo.”
Bago siya sumagot ay dumating ang mga pagkain nila. Hinintay niya munang makaalis ang mga servers bago siya nagsalita.
“Yes, well except sa apelyido ko.”
Ramdam niyang titig na titig sa kaniya si Tyron pero tahimik lang ito at hinahayaan lang si Drake na magtanong.
“Contractual architect ka talaga?”
Tumango siya. “Yes.”
“Iyon ang rason kung bakit ikaw ang napili namin sa lahat ng nag-apply.” Sabi ni Drake at napailing-iling siya.
“No. Sinabi ko na sa’yo hindi na ako magwo-work sainyo. I can’t.”
Nagkatinginan sina Tyron at Drake at kumunot ang noo niya. Halatang may hindi sinasabi sa kaniya ang mga ito.
“Hear me out first, Val.” Seryosong sabi ni Drake. “Ang inaaplayan mo ay secretarial position at ikaw ang napili namin dahil may alam ka sa architecture, or in general, sa real estate. Sa lahat ng nag-apply ikaw lang ang may background sa real estate.”
“Real Estate? Bakit?” Sa dinami-rami ng negosyo na sakop ng Joaquin Groups, hindi kasama ang Real Estate sa mga iyon.
“We’re trying to launch a real estate company.” Sa wakas ay nagsalita si Tyron. “It’s a new company na pamamahalaan-”
“It’s our new company.” Biglang agaw ni Drake sa sinasabi ni Tyron. Napayuko si Tyron at uminom ng tubig nito. “Work for us, Val.”
Napabuntung-hininga siya. “I can’t.”
“Matanong ko lang, bakit kailangan mo ng pangalawang trabaho. Kulang ka ba sa clients?”
Umiling siya. “No, but I need to earn more money so I can save for-” hindi niya naituloy ang sasabihin. “Ahm, so I can save. Balak kong mag-migrate sa ibang bansa.” Pagsisinungaling niya.
Shit, muntik niya ng masabi ang tungkol kay Victoria. Bigla siyang napainom ng wine niya.
“I see. So work for us, Val. Kung ang inaalala mo ay ang pamilya mo, gagawin ko ang lahat para itago ka sa kanila.”
Nanlaki ang mga mata niya. Ino-offeran ba siya nito ng proteksyon? “Anong sinasabi mo?”
“Believe it or not, naiintindihan ko kung bakit ginusto mong makawala sa pamilya mo. Kahit hindi mo sa’min sabihin ang eksaktong rason naiintidihan ko.”
“Naiintindihan namin.” Sabi ni Tyron.
“Minsan nakaka-suffocate ang mga buhay natin. So ang sinasabi ko lang, ilang taon ka ng nagtatago at ang galing mo. I’m really impressed. Hindi ka nila nahanap. Pero kung magtatrabaho ka sa’min, sa Joaquin group, mas liliit ang worries mo na mahahanap ka nila dahil never nilang iisipin na magtatrabaho ka para sa mga Joaquin.”
Tumaas ang dalawang kilay niya. Ngayon ay alam niya na kung bakit ipinagkatiwala ni Hernan Joaquin kay Drake ang buong Joaquin Groups kahit noong kaga-graduate lang nito sa college. It’s because Drake is a very intelligent man.
May punto ito. Never siyang hahanapin ng mga Villamayor sa kompanya ng mga Joaquin. It’s the perfect hiding place. Pero kahit na, ayaw niyang makita si Devon at kailangan niyang protektahan si Victoria.
But then again, Devon hasn’t been in the Philippines for a decade. Usap-usapan na imposible na itong bumalik. So anong ikinatatakot niya?
“Pag-iisipan ko, Drake. This will be a big decisin for me.”
Nagkatinginan muli ang magkapatid, then nagsalita si Drake. “Dodoblehin ko ang in-offer naming sahod mo.”
Nanlaki ang mga mata niya at bigla rin siyang nagduda. “Bakit determinadong-determinado kayong makumbinsi ako?” nagkatinginan ulit ang magkapatid. “Kung plano ninyo akong gamitin laban sa pamilya ko-”
“No, of course not.” Seryosong sabi ni Drake. “Wala kaming pakialam sa away ni dad at ng lola mo. Hindi kami masasamang tao Val.”
“It’s just that we were worried, you know.” Sabi ni Tyron. “Nang mawala ka, naapektuhan din kami.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Your family accused us. Kami ang unang pinagdudahan nila kasi nga ‘yong tungkol sainyo ni Devon at nagkataon pa na noong araw na nawala ka ay naroon kami.”
“What? Oh my God, I’m sorry. Hindi ko naisip na pagbibintangan kayo ng family ko. I’m sorry.”
“It’s okay, Val. Isa pa kung isa sa’min ang nawala, for sure ang pamilya mo din ang unang babalingan ni daddy.” sabi ni Tyron.
Tama si Tyron pero nagi-guilty pa rin siya. Iyon ba ang dahilan kaya never ng bumalik si Devon sa Pilipinas dahil pinagbintangan ito ng pamilya niya sa pagkawala niya?
“Kung gusto mong makabawi sa’min, then work for us.” Nakangiti na ulit si Tyron at balik na ang kapilyuhan sa mga mata nito. “Tulungan mo kami sa bago naming company.”
She sighed. “Sure ako na pagsisisihan ko ‘to balang-araw pero bahala na. Okay.”
Nagkatinginan ang magkapatid at lumuwang ang mga ngiti.
“See Val,” sabi ni Tyron at itinuro si Drake. “Dahil sa’yo dalawang beses ng ngumiti si Drake sa loob lang ng isang oras. You must be sent from heaven.”
Pinilit niyang ngumiti. Alam niyang may punto si Drake na hindi nga siya hahanapin ng pamilya niya sa kompanya ng mga ito. Nagi-guilty rin siya na pinagbintangan ang mga ito ng pamilya niya nang maglayas siya kaya may atraso siya sa mga ito. Ito ang paraan niya para makabawi. Tutal malaki ang magiging sahod niya at siguradong mag-i-enjoy siyang magtrabaho para kay Drake. Magaling itong businessman, marami siyang matutunan rito.
Isa pa, maliit ang posibilidad na bumalik sa Pilipinas si Devon at kung magkataon man, imposibleng magtrabaho agad-agad ito sa Joaquin Group. Kapag nalaman niyang pabalik na ito sa Pilipinas, agad siyang mag-re-resign.
Dahil sa naisip ay gumaan na ang dibdib ni Val. Magiging maingat na lang siya sa lahat ng oras para hindi malaman ng mga ito ang tungkol sa anak niya. Lihim siyang nagpasalamat na hindi niya kailangang i-mention ang pagiging single mother niya sa CV niya.
Walang anu-ano’y tumunog ang phone niya na nasa table. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang si Victoria iyon at kita ang picture nito habang tumutunog ang phone niya.
Mabilis niyang dinampot ang phone at nag-aalalang napatingin kina Drake. Si Tyron ay busy sa kinakain nito pero si Drake ay titig na titig sa kaniya.
“Ahm excuse muna. Sagutin ko lang ‘tong tawag.”
Hindi niya na hinintay na sumagot ang mga ito at tumayo. Mabilis siyang pumunta sa may hallway papunta sa restroom.
“Baby, hey. Is everything alright?” agad niyang tanong.
“Mommy, I miss you.”
Napangiti siya sa sinabi nito. “I miss you too baby but you know I’m in a meeting.” Sabi niya. Pero ang totoo ay ito ang uunahin niya kahit ano pang ginagawa niya. Kahit sino pa ang ka-meeting niya, kapag kailangan siya nito ay ito ang uunahin niya.
“Oh I forgot. I’m sorry mommy.”
“It’s okay baby. I love you so much.”
“I love you too, mommy. Sige po balik ka na sa meeting ninyo.”
“Okay, pero may gusto ka bang ipabili sa’kin mamaya bago kita sunduin?”
“Hmmm.” Ilang sandaling nanahimik ito at nag-isip. “Belgian waffle mommy. Doon sa snack bar na pinuntahan natin with Aunt Ginny. I love the waffles from there.”
Masyado iyong malayo sa daraanan niya pero anything for her baby queen. “Okay baby, I’ll get you the biggest one.” Sabi niya.
Pagkatapos magpalitan ulit ng “I love you” ay pinatay niya na ang tawag. Nakangiti siyang bumalik sa table nila pero bigla siyang kinabahan nang mapansin na nakatingin si Drake sa phone niya.
Nakita kaya nito ang mukha ni Victoria? Kamukha niya si Victoria at nakuha nito ang mga mata ni Devon. Kung natitigan ito ng maayos ni Drake, posibleng magduda ito.
“Everything’s fine?” tanong nito.
“Yeah, sure.” Kinakabahang sabi niya at kinuha ang bag niya. “Anyway, kailangan ko ng umalis. I’m really looking forward to work with you guys.”
“Kami din Val, kami din.” Makahulugang sabi ni Tyron.
Inignora niya ang kaba sa dibdib niya nang tumalikod siya at maglakad papunta sa exit. Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na wala siyang rason para kabahan.
But then her first day at work came, at nadiskubre niya na dapat nga siyang kabahan at isang malaking pagkakamali ang pagpirma niya ng kontrata.
It was Monday and first day ni Valentina sa Joaquin Groups. Ang una niyang ginawa ay pumunta sa HR para ibigay ang pinirmahan niyang kontrata. Pinadala iyon sa kaniya ni Drake mismo at sinabihan siyang ibigay niya sa HR bago siya pumunta sa office nito. Nang umalis siya sa HR ay dumiretso muna siya sa ladies room para mag-retouch kahit pa nga kare-retouch niya lang bago pumasok sa building ng mga ito. Pero kinakabahan siya at mas lalakas ang loob niya kung 100 percent sure siya na maganda siya sa first day roon. For her first day, pinili niyang magsuot ng itim na sleeveless dress at pinatungan niya ng itim ring blazer dress. Hindi niya sinarado ang blazer dress para kita pa rin ang figure niya. For her shoes, pinili niya ang gray pumps na favorite niya. Three inches ang takong niyon. Gray din ang bag na napili niyang gamitin that day. She looked stylish and elegant sa suot niya. Nakakadagdag pa sa pagiging elegante ng look niya ang alun-alon niyang buhok na kinulayan niya ng blonde.
Nakakuyom ang mga kamao ni Valentina habang hinihintay ang elevator na bumukas. Nagpupuyos ang loob niya dahil kay Devon. Napakawalang-puso nito. Ito na ang nang-iwan, ito pa ang galit na galit. Pero ang mas ikinaiinis niya ay ang pagtitig nito kay Helena kanina anng biglang magcomment ang babae sa kunwaring SHOW na pinapanuod nito ang iba pang Joaquin brothers. Para sa mga ito, ay isang nakaka-entertain na palabas ang pagkikita nilang muli ni Devon, at kontodo comment ang mga ito. At nang mag-comment si Helena ay tinitigan ito ni Devon. "God, am I jealous?" tahimik niyang tanong sa sarili. Awtomatikong pumasok sa isipan niya ang mukha ni Devon. He looked so mature, so different, and yet so familiar. Ramdam niya ang kirot sa dibdib niya."And why the hell is he so handsome?" hindi niya napigilang sabi. "Who's handsome?" Muntik na siyang mapatili sa gulat. Tiningnan niya ng masama si Drake pero nakangiti lang ito sa kaniya. Gusto niya itong bugbugin dahil ito ang dahilan ng proble
Naiiyak si Valentina habang pinagmamasdan ang anak na si Queen V habang nagdodrawing ito sa drawing tablet nito. Naiiyak siya dahil naiisip niya si Devon. Kung noon ay hindi siya masyadong nagi-guilty na hindi ipaalam kay Queen V ang pangalan ng daddy nito, ngayon ay nagi-guilty na siya. Dahil una, lumalaki na ang anak niya at mas nakakaintindi na ito ngayon kaysa noon. Pangalawa, nasa bansa na ang ama nito.Devon is back. Nasa malapit lang ito. Hindi niya maiwasang maisip na nagiging unfair siya kay Queen V at kay Devon na rin. "Mommy, I want you to wear this."Kumunot ang noo niya. Nakatitig pa rin si Queen V sa drawing tablet nito. Tulad niya ay hilig nito ang pagdrawing. Ang pagkakaiba lang nila, siya ay tanging mga building and interior design ang dinodrawing, samantalang si Queen V ay malawak ang hilig nito na idrawing. Nang hapong iyon ay mga damit ang dino-drawing nito. Kanina pa ito nag-de-design ng mga gowns. Mula sa sopang kinauupuan niya ay tumabi siya rito sa sahig na
Ten years ago… “Hindi mo ako pwedeng iwan Dev.” Naiiyak na sabi ni Valentina sa kasintahang si Devon.Katabi niya itong nakasandal sa pader ng tree house. Ang tree house ay nasa mapunong parte ng Hacienda Joaquin na pag-aari ng pamilya ni Devon. O mas angkop sabihin na pamilyang umampon kay Devon at sa apat pa nitong kapatid.Kasasabi lang nito sa kaniya na bukas na ang byahe nito papuntang New York para doon mag-aral. Pero alam nilang hindi lang iyon ang dahilan. Gusto ni Hernan Joaquin, ang adopted father ni Devon, na ilayo ang partygoer nitong anak sa Pilipinas dahil nakakasira daw ito ng reputasyon.Si Hernan Joaquin kasi ay isa sa mga batikang actor sa bansa at isang business mogul. Mas sumikat pa ito nang mag-ampon ito ng limang orphans kahit pa nga single ito. Para sa mata ng publiko, isa itong ulirang single father na may matabang puso kahit pa nga playboy ding maituturing si Hernan Joaquin. Sa edad nito ay iba’t ibang babae pa rin ang nalilink dito.“Ayaw kitang iwan V.” Mad
Madilim na nang makauwi si Val mula sa treehouse. Sa kusina siya dumaan at patakbong inakyat ang mataas na hagdan ng mansion ng lola niya. Nasa third floor kasi ang kwarto niya.Nakahinga siya ng maluwag nang marating niya ang pinto ng kwarto niya nang walang nakakasalubong.Ngunit pagbukas niya ay napasinghap siya sa gulat. Bumulaga sa kaniya ang lola at Mommy niya na halatang naghihintay sa kaniya. Nakapwesto ang mga ito sa sofa set sa isang sulok ng kwarto niya. Sa sobrang laki ng kwarto niya ay may sariling mini-living room iyon.“Where have you been?” seryosong tanong ng lola Mildred niya.“Ah kina Ginny po, grandma.” Pilit niyang ngiti at hinalikan ang mga ito sa pisngi.Hindi napansin ni Val na nagtinginan ang mommy at lola niya ng makahulugan. Ang isipan kasi ni Val ay nasa plano pa nilang pagtanan ni Devon bukas.“May kailangan po ba kayo sa’kin? Maliligo na po sana ako.”Nagkatinginan ulit ang mga ito bago nagsalita ang mommy niya. “Anak, may sasabihin sa’yo ang grandma mo.”
Dahil hindi nag-dinner ay nagutom si Valentina bago pa man maghatinggabi. Kanina ay ipinatawag siya ng pamilya niya na kumain at pinuntahan pa siya ng daddy niya para kumbinsihin, pero tinatagan niya ang loob at hindi lumabas ng kwarto. Kahit ng sabihin ng daddy niya na wala ang lola niya at may pinuntahan ay hindi pa rin siya nakumbinsi ng mga ito.Talagang masama ang loob niya sa mga ito, dahil lumalabas na walang pakialam ang mga ito sa kasiyahan niya. Gusto lang ng mga ito na maging perpekto siya, sumunod sa lahat ng utos ng mga ito at huwag gumawa ng ikasisira ng reputasyon ng mga Villamayor.Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto niya at pigil na pigil ang sariling huwag tumakbo kahit pa nga gutom na gutom na siya. Nasa third floor pa naman ang kwarto niya at napakalayo ng kusina. Kung bakit ba naman kasi nakalimutan niyang sabihan ang mayordoma nila na wala ng stocks ng pagkain sa refrigerator sa kwarto niya.Pagdating sa second floor ay bigla siyang kinabahan nang makita ang ila
Naiiyak si Valentina habang pinagmamasdan ang anak na si Queen V habang nagdodrawing ito sa drawing tablet nito. Naiiyak siya dahil naiisip niya si Devon. Kung noon ay hindi siya masyadong nagi-guilty na hindi ipaalam kay Queen V ang pangalan ng daddy nito, ngayon ay nagi-guilty na siya. Dahil una, lumalaki na ang anak niya at mas nakakaintindi na ito ngayon kaysa noon. Pangalawa, nasa bansa na ang ama nito.Devon is back. Nasa malapit lang ito. Hindi niya maiwasang maisip na nagiging unfair siya kay Queen V at kay Devon na rin. "Mommy, I want you to wear this."Kumunot ang noo niya. Nakatitig pa rin si Queen V sa drawing tablet nito. Tulad niya ay hilig nito ang pagdrawing. Ang pagkakaiba lang nila, siya ay tanging mga building and interior design ang dinodrawing, samantalang si Queen V ay malawak ang hilig nito na idrawing. Nang hapong iyon ay mga damit ang dino-drawing nito. Kanina pa ito nag-de-design ng mga gowns. Mula sa sopang kinauupuan niya ay tumabi siya rito sa sahig na
Nakakuyom ang mga kamao ni Valentina habang hinihintay ang elevator na bumukas. Nagpupuyos ang loob niya dahil kay Devon. Napakawalang-puso nito. Ito na ang nang-iwan, ito pa ang galit na galit. Pero ang mas ikinaiinis niya ay ang pagtitig nito kay Helena kanina anng biglang magcomment ang babae sa kunwaring SHOW na pinapanuod nito ang iba pang Joaquin brothers. Para sa mga ito, ay isang nakaka-entertain na palabas ang pagkikita nilang muli ni Devon, at kontodo comment ang mga ito. At nang mag-comment si Helena ay tinitigan ito ni Devon. "God, am I jealous?" tahimik niyang tanong sa sarili. Awtomatikong pumasok sa isipan niya ang mukha ni Devon. He looked so mature, so different, and yet so familiar. Ramdam niya ang kirot sa dibdib niya."And why the hell is he so handsome?" hindi niya napigilang sabi. "Who's handsome?" Muntik na siyang mapatili sa gulat. Tiningnan niya ng masama si Drake pero nakangiti lang ito sa kaniya. Gusto niya itong bugbugin dahil ito ang dahilan ng proble
It was Monday and first day ni Valentina sa Joaquin Groups. Ang una niyang ginawa ay pumunta sa HR para ibigay ang pinirmahan niyang kontrata. Pinadala iyon sa kaniya ni Drake mismo at sinabihan siyang ibigay niya sa HR bago siya pumunta sa office nito. Nang umalis siya sa HR ay dumiretso muna siya sa ladies room para mag-retouch kahit pa nga kare-retouch niya lang bago pumasok sa building ng mga ito. Pero kinakabahan siya at mas lalakas ang loob niya kung 100 percent sure siya na maganda siya sa first day roon. For her first day, pinili niyang magsuot ng itim na sleeveless dress at pinatungan niya ng itim ring blazer dress. Hindi niya sinarado ang blazer dress para kita pa rin ang figure niya. For her shoes, pinili niya ang gray pumps na favorite niya. Three inches ang takong niyon. Gray din ang bag na napili niyang gamitin that day. She looked stylish and elegant sa suot niya. Nakakadagdag pa sa pagiging elegante ng look niya ang alun-alon niyang buhok na kinulayan niya ng blonde.
Ten years later: Present day“Mommy, help. The waves will take me.”Napatingin si Val sa dalampasigan nang sumigaw ang anak niyang si Victoria. Napangiti siya nang makitang kunwari itong tumatakbo palayo sa mga alon. Puro talaga ito kalokohan.Napapangiting kumaway siya rito at mas lumuwang pa ang ngiti niya nang kargahin ito ng uncle River nito. Kaya panatag siya na walang mangyayaring masama rito dahil kasama nito si River.“They look like a real father and daughter duo.” Sabi ni Ginny na kasama niya sa open cottage na tinatambayan nila.Sa kasalukyan ay nasa Camarines Sur sila kung saan nakatira ang mommy ni River. Doon din siya napadpad noon nang sumama siya kay River para lumayo sa pamilya niya. At nang lumipas ang isang buwan at nalaman niyang buntis nga siya, doon din siya naglagi. Buti na lang at masyadong mabait ang mommy ni River kaya kahit nang umalis si River para sa pag-aaral nito sa Maynila ay hindi siya nag-iisa.Naging katuwang niya si Mama Donna, ang mommy ni River, s
Dahil hindi nag-dinner ay nagutom si Valentina bago pa man maghatinggabi. Kanina ay ipinatawag siya ng pamilya niya na kumain at pinuntahan pa siya ng daddy niya para kumbinsihin, pero tinatagan niya ang loob at hindi lumabas ng kwarto. Kahit ng sabihin ng daddy niya na wala ang lola niya at may pinuntahan ay hindi pa rin siya nakumbinsi ng mga ito.Talagang masama ang loob niya sa mga ito, dahil lumalabas na walang pakialam ang mga ito sa kasiyahan niya. Gusto lang ng mga ito na maging perpekto siya, sumunod sa lahat ng utos ng mga ito at huwag gumawa ng ikasisira ng reputasyon ng mga Villamayor.Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto niya at pigil na pigil ang sariling huwag tumakbo kahit pa nga gutom na gutom na siya. Nasa third floor pa naman ang kwarto niya at napakalayo ng kusina. Kung bakit ba naman kasi nakalimutan niyang sabihan ang mayordoma nila na wala ng stocks ng pagkain sa refrigerator sa kwarto niya.Pagdating sa second floor ay bigla siyang kinabahan nang makita ang ila
Madilim na nang makauwi si Val mula sa treehouse. Sa kusina siya dumaan at patakbong inakyat ang mataas na hagdan ng mansion ng lola niya. Nasa third floor kasi ang kwarto niya.Nakahinga siya ng maluwag nang marating niya ang pinto ng kwarto niya nang walang nakakasalubong.Ngunit pagbukas niya ay napasinghap siya sa gulat. Bumulaga sa kaniya ang lola at Mommy niya na halatang naghihintay sa kaniya. Nakapwesto ang mga ito sa sofa set sa isang sulok ng kwarto niya. Sa sobrang laki ng kwarto niya ay may sariling mini-living room iyon.“Where have you been?” seryosong tanong ng lola Mildred niya.“Ah kina Ginny po, grandma.” Pilit niyang ngiti at hinalikan ang mga ito sa pisngi.Hindi napansin ni Val na nagtinginan ang mommy at lola niya ng makahulugan. Ang isipan kasi ni Val ay nasa plano pa nilang pagtanan ni Devon bukas.“May kailangan po ba kayo sa’kin? Maliligo na po sana ako.”Nagkatinginan ulit ang mga ito bago nagsalita ang mommy niya. “Anak, may sasabihin sa’yo ang grandma mo.”
Ten years ago… “Hindi mo ako pwedeng iwan Dev.” Naiiyak na sabi ni Valentina sa kasintahang si Devon.Katabi niya itong nakasandal sa pader ng tree house. Ang tree house ay nasa mapunong parte ng Hacienda Joaquin na pag-aari ng pamilya ni Devon. O mas angkop sabihin na pamilyang umampon kay Devon at sa apat pa nitong kapatid.Kasasabi lang nito sa kaniya na bukas na ang byahe nito papuntang New York para doon mag-aral. Pero alam nilang hindi lang iyon ang dahilan. Gusto ni Hernan Joaquin, ang adopted father ni Devon, na ilayo ang partygoer nitong anak sa Pilipinas dahil nakakasira daw ito ng reputasyon.Si Hernan Joaquin kasi ay isa sa mga batikang actor sa bansa at isang business mogul. Mas sumikat pa ito nang mag-ampon ito ng limang orphans kahit pa nga single ito. Para sa mata ng publiko, isa itong ulirang single father na may matabang puso kahit pa nga playboy ding maituturing si Hernan Joaquin. Sa edad nito ay iba’t ibang babae pa rin ang nalilink dito.“Ayaw kitang iwan V.” Mad