It was Monday and first day ni Valentina sa Joaquin Groups. Ang una niyang ginawa ay pumunta sa HR para ibigay ang pinirmahan niyang kontrata. Pinadala iyon sa kaniya ni Drake mismo at sinabihan siyang ibigay niya sa HR bago siya pumunta sa office nito.
Nang umalis siya sa HR ay dumiretso muna siya sa ladies room para mag-retouch kahit pa nga kare-retouch niya lang bago pumasok sa building ng mga ito. Pero kinakabahan siya at mas lalakas ang loob niya kung 100 percent sure siya na maganda siya sa first day roon.
For her first day, pinili niyang magsuot ng itim na sleeveless dress at pinatungan niya ng itim ring blazer dress. Hindi niya sinarado ang blazer dress para kita pa rin ang figure niya. For her shoes, pinili niya ang gray pumps na favorite niya. Three inches ang takong niyon. Gray din ang bag na napili niyang gamitin that day. She looked stylish and elegant sa suot niya. Nakakadagdag pa sa pagiging elegante ng look niya ang alun-alon niyang buhok na kinulayan niya ng blonde.
Nang makuntento sa itsura niya ay pumunta na siya sa office ni Drake na nasa 50th floor ng building. May reception area sa labas ng office ni Drake at nakangiting lumapit siya sa babaeng nandoon.
“Hi, may I help you?” tanong nito at sandali siyang natulala. Masyadong maganda ang babae. Napalunok siya. Natotomboy yata siya.
“Hi, I’m Valentina Miles. I’m here to see Drake- I mean Mr. Drake Joaquin.”
“Oh ikaw iyong bagong secretary. I’m Helena, Mr. Drake’s secretary.” Nakangiting sabi nito.
Napangiti siya. “Ikaw ang papalitan ko?”
Nawala ang ngiti nito. “Ahm no. I’m not resigning or fired. Secretary ka ni-”
Biglang bumukas ang opisina ni Drake at napatingin sila ni Helena doon. Nagulat siya nang makita ang ekspresyon ng mukha ni Drake. Ang sama ng tingin nito kay Helena. At si Helena ay biglang napuno ng takot ang mukha.
“G-good morning sir.” Sabi nito. “Ahm, Ms. Miles here to see you, sir.” Medyo nanginginig pa ang boses nito.
She rolled her eyes at tiningnan ng masama si Drake. “Be nice, Drake.” Sabi niya. For some reason, hindi siya natatakot rito.
Dahan-dahang bumaling sa kaniya ang matatalim na tingin ni Drake. Para bang nagulat ito na makita siya roon, which means ang atensyon nito ay na kay Helena lang kaya hindi agad siya napansin.
Interesting.
Biglang ngumiti si Drake. “I’m nice Val.” Pero nang tumingin ulit ito kay Helena ay wala na ulit ang ngiti nito.
Naiintindihan niya kung bakit natatakot ang lahat kay Drake. Masiyado naman kasi talagang seryoso ang mukha nito. Sa katunayan kung hindi siya Villamayor baka natakot rin siya rito. But she was raised to be feared and not to fear.
“Leni bring coffee for everyone to the office downstairs pero bago iyon, ihatid mo muna si Val sa office ng kapatid ko.”
“Yes, sir.”
Leni? Napangiti si Val at pinaglipat-lipat ang tingin kina Drake at Helena. Mukhang may something sa mga ito. Hindi siya makapaghintay na asarin si Drake tungkol kay- natigilan siya nang ma-realize ang sinabi nito.
“Wait, hindi ikaw ang boss ko?” naguguluhang tanong niya at bumalik ang kaba niya. This time, domoble pa yata iyon. Pero bakit siya kabado? Siguro naman makakasundo niya ang mga kapatid ni Drake. Well, except kay Devon na hindi niya kailangang alalahanin dahil wala naman ito sa Pilipinas.
Umiling si Drake. “Sumama ka muna kay Leni. May tatapusin lang ako at susunod din ako agad.” Sabi nito at bumalik sa office nito.
“Tara na po, Ms. Miles.”
Nginitian niya si Helena. “Please, tawagin mo na lang akong Val.”
Nang tumango ito ay sandali niyang nakalimutan ang kaba niya. “Wow, nagawa mong mapangiti si Count Dra-I mean si sir Drake.” Sabi nito nang nasa elevator na sila pababa.
“Pamilyar kami sa isa’t isa. We also know each other from we were young.” Tumango ito. “And feel free to call him Count Dracula in front of me, hindi kita isusumbong.”
Tumawa ito. Tumawa rin siya. Ganunpaman, sigurado siyang alam ni Drake na tinatawag itong Count Dracula ng lahat.
“By the way, Ms Miles, I mean Val, how do you take your coffee?”
“With three sugar and milk instead of creamer. Mahilig ako sa matamis.”
“Parehas tayo.” Sabi nito.
Sakto namang bumukas na ang elevator at narating nila ang 47th floor. Bumalik na naman ang kaba niya.
“Maghintay ka na lang sa office na iyon.” Itinuro nito ang nag-iisang pinto roon. “Magtitimpla lang ako ng coffee ninyong lahat.” Sabi nito at iniwan na siya.
Kinakabahan man ay pumunta na siya sa office. Tumaas ang kilay niya sa nadatnan.
Masyadong malaki ang office na iyon at salamin ang isa sa mga walls. Kita tuloy ang tanawin ng buong Maynila sa labas. Pero masyadong simple ang office na para bang wala pang nag-ayos roon. Malinis na ang buong office at nandoon na ang malaking table ng magiging boss niya pero wala iyong kalaman-laman. May isa pang table sa right corner ng office na siguro ay kaniya. Sa left corner naman ay may sofa set at low table na pwedeng upuan ng mga bisita.
Agad na gumana ang isipan niya kung paano dedekorasyunan ang buong opisina. As an architect, sideline niya din ang interior designing. Hindi na siya makapaghintay sa transformation ng office nila. Papagandahin niya iyon ng bonggang-bongga.
Narinig niya ang pagbukas ng pinto sa likod niya. “Drake, I have lots of ideas to-” humarap siya at agad na natameme. Dahil hindi si Drake ang lalaki sa may pinto.
It was Devon Miles Joaquin.
Halatang nagulat rin ito na makita siya. Pareho silang titig na titig sa isa’t isa at hindi alam ang gagawin or sasabihin. Anong ginagawa nito roon? Dapat ay nasa New York ito.
Hindi siya pwedeng magkamali si Devon nga ang lalaking nagbukas ng pinto. Mature na ito masyado kaysa huli nilang pagkikita. Mas prominent na bawat parte ng mukha nito. His nose looked haughtier and his cheekbones more well-defined. Ang arrogant tuloy nitong tingnan. May kaunting stubbles din ito na nagpapadagdag pa sa pagka-mature ng mukha nito. But his black hair was still long at nakatali iyon sa likod nito and his eyes are still as black as she remembered.
But he’s definitely bigger. Mas malaki na ang mga balikat nito at sigurado siyang puro muscle ang nasa ilalim ng suot nitong itim na three-piece suit. God, he looked like he just came out from a Men’s fashion magazine.
“God, why is he so freaking handsome?” tahimik niyang reklamo.
Mula nang huli silang magkita ay hindi nawala sa isipan niya ang mukha nito pero hindi pa rin niya nai-ready ang sarili sa katotohanang mas gumwapo pa ito. Gusto niyang-
“What the hell are you doing here?”
Bigla itong sumigaw at para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Agad siyang bumalik sa reality at nanliit ang mga mata. Hindi siya dapat naga-gwapuhan rito. At higit sa lahat dapat ay galit siya rito dahil iniwan siya nito pagkatapos kunin ang virginity niya.
Taas-noong sinalubong niya ang mga mata nito. “What the hell are you doing here?”
Nag-apoy ang mga mata nito at nakita niya ang paggalawan ng mga bagang nito. Sigurado siyang mas ikinainis nito na inulit niya lang ang tanong nito.
“I asked you first.” Sabi nito.
“At ayaw kitang sagutin kaya tinanong din kita.” Nakataas ang kilay na sabi niya.
“You insolent bi-” biglang may tumulak dito at muntik na itong matumba. “Fuck.”
Kung hindi siya kabado at galit ay matatawa siya sa itsura nito. Napatingin siya sa nagtulak rito. It was Drake at ang seryoso na naman ng ekspresyon ng mukha nito.
“Don’t call her a bitch.” Sabi ni Drake kay Devon.
“Anong pakialam mo kung anong itawag ko sa kaniya?” Galit na bulyaw ni Devon.
Hindi sumagot si Drake na halatang mas ikinagalit ni Devon. Tuluyang pumasok si Drake at nagulat siya nang magsunuran rito ang tatlo pang lalaki. Kumunot ang noo niya nang makita sina Tyron, Wilder at Gabriel. Sa mga ito ay sina Wilder at Gabriel ang ngayon niya lang nakita sa malapitan. Nakita niya na ang mga ito noong inihatid ng mga ito sa airport si Devon.
Sa ibang pagkakataon ay mamumula siya sa pagtitig sa mga ito. Heck, sino ba naman ang hindi maaapektuhan kung limang lalaki na nagagwapuhan ang kasama sa iisang room?
“Oh, the show has begun.” Sabi ni Tyron na ngiting-ngiti.
Kumunot ang noo niya nang mapansin na ngiting-ngiti rin sina Wilder at Gabriel habang palipat-lipat ang tingin ng mga ito sa kaniya at kay Devon.
“What the hell are you all doing here?” bulyaw na naman ni Devon pero sa pagkakataong iyon ay sa mga kapatid na nito.
“Tssss,” napatingin sa kaniya si Devon pero ibinaling niya ang mga mata sa magkakapatid. “FYI, iyan lang ang alam niyang itanong.”
“You!!!” galit na naglakad si Devon palapit sa kaniya pero biglang nagsalita si Drake.
“Devon!” nagbababala ang tono nito dahilan para tumigil si Devon.
Muntik nang manlaki ang mga mata ni Val. Takot din pala si Devon kay Drake. Sa isiping iyon ay mas lumakas ang loob niya. Hinding-hindi siya magpapakita ng kahinaan dito.
“We’re here to welcome you to the company, Dev.” Sabi ni Gabriel.
“And to watch the show.” Nakangising sabi ni Tyron.
“What show?” tanong niya.
Hindi siya sinagot ng mga ito at naglakad papunta sa mga sofa. Nagsipag-upuan sina Tyron, Wilder at Gabriel samantalang si Drake ay hinarap si Devon. Magsasalita na sana ito nang bumukas ulit ang pinto at pumasok naman si Helena na may dalang tray na may lamang anim na mugs ng coffee. Ibig sabihin alam nito na nandoon ang magkakapatid na Joaquin at sila lang ni Devon ang walang alam.
“Leni, nice.” Sabi ni Tyron at tumayo para tulungan ang babae sa dala nito.
“Her name is Helena.” Sabi ni Drake at napatitig siya rito. May something talaga sa dalawang ito.
“Helena huwag kang magtaka kung tanungin ka rin nito,” tinuro ni Val si Devon at narinig niya ang pag-ungol nito. “kung anong ginagawa mo rito.”
“Ahm, nagdala lang ako ng coffee.” Sabi ni Helena na halatang naguguluhan sa nangyayari.
“At least may sumagot na sa tanong mo.” Inosenteng sabi ni Val kay Devon.
Sa reaksiyon ng mukha nito ay siguradong gusto na siya nitong i-murder. Nakakuyom na din ang mga kamao nito.
“Nakaabot ka pa sa palabas, Leni.” Sabi ni Gabriel at narinig niya na namang umungol si Drake.
“So Drake doesn’t want anyone calling Helena Leni. Interesting.” naisip ni Val.
“Palabas?” halatang confused din si Helena.
“Just sit and watch.” Sabi ni Wilder at hinila paupo sa tabi nito si Helena.
Tumingin muna si Helena kay Drake bago ito tumango kina Wilder. Nagulat siya nang biglang magbukas ng malaking pack ng popcorn si Tyron. Dahil naka-focus siya kay Devon kanina, hindi niya napansing may dala itong pagkain.
Iniabot ni Tyron ang isang mug kay Leni. Umiling si Leni dahil alam nitong hindi ito kasali sa mga tinimplahan nito ng kape.
“It’s okay, you can have my coffee.” Sabi ni Tyron.
“Pero paano ka?”
“Iinumin ko na lang ang kay Dev.” Sabi ulit ni Tyron at walang nagawa si Helena kungdi tanggapin ang mug.
“Now, continue.” Sabi ni Wilder sa kanila.
Napabuntung-hininga siya at napatingin kay Drake. “Explain.”
“Yes, explain.” Sabi naman ni Devon at napatingin siya rito.
“Oooh, nag-aagree na agad sila sa isa’t isa.” Sabi ni Gabriel at sabay sila ni Devon na napatingin rito. Amused si Val pero si Devon ay mukhang papatay.
“Nakaka-disappoint ang isang story kung magkasundo agad ang dalawang bida. Give us more tea. We want tension.” Sabi ni Tyron. “I’m a writer. I know this kind of stuff.” Mayabang na sabi nito. Bukod kasi sa pamumuno sa TV entertainment ng Joaquin Groups, TV producer at scriptwriter din si Tyron.
Napailing-iling na lang si Val. Obvious na nandoon ang magkakapatid dahil curious ang mga ito sa interaction nila ni Devon. Binalingan niya si Drake. “Drake what is this nonsense? Anong ginagawa niya rito?”
“Ha?” narinig niya ang pagreact ni Devon. “Anong ginagawa ko dito? Pag-aari ng pamilya ko ang lupang kinatatayuan ng building na kinatatayuan mo ngayon.”
Napakurap-kurap si Val. Biglang bumalik sa isipan niya ang una nilang pag-aaway noon sa sayawan. Halos ganoon din ang sinabi nito noon. Napalunok siya at pilit na inignore ang sakit sa dibdib niya.
“Drake, pwede bang i-explain mo na ang kalokohang ito. Pagod ako at mas gusto kong magpahinga.” sabi ni Devon.
“Val is going to be your secretary.” Sabi ni Drake.
“No!” Halos sabay na sigaw nila ni Devon.
Tiningnan siya ng masama ni Devon. Tinaasan niya ito ng kilay.
“Hindi ako tatagal na kasama siya sa iisang office. Fire her.” Sabi ni Devon.
Hindi inaasahan ni Val ang tindi ng sakit na bumalot sa dibdib niya dahil sa sinabi ni Devon. Tulad niya ay hindi rin siya tatagal na kasama ito sa iisang office, or kahit sa iisang building, pero ang marinig iyon mismo sa bibig nito ay nagdulot sa kaniya ng kakaibang sakit.
“Hindi ko gagawin iyon.” Sabi ni Drake.
“Why not? May karapatan akong pumili ng sekretarya ko.”
“You’re being a brat, Dev.” Mahinahong sabi ni Drake pero si Devon ay kulang na lang mang-gulpi. Nag-aapoy ang mga mata nito.
“I’m being reasonable. I will not work with her. At least, let’s change secretaries. I can have Leni.”
Nag-apoy din bigla ang mga mata ni Drake. “You can’t have her, and her name is Helena. Ilang beses ko bang sasabihin?”
“Ikaw ang may gusto sa kaniya,” tinuro siya ni Devon pero ni hindi siya nito tiningnan. “Di ikaw ang makipagtrabaho sa kaniya.”
Napalunok siya. Nadagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya. Pero nuncang ipakita niya iyon kay Devon. Ang kapal ng mukha nito na ayawan siya. mas ayaw niya naman dito.
“Dev, you’re being rude.” Biglang sabi ni Gabriel at napatingin siya sa magkakapatid.
Nagulat siya nang makitang masama ang tingin ng magkakapatid kay Devon, at nang mapatingin si Tyron sa kaniya ay bigla itong ngumiti ng matamis at kinindatan pa siya.
“I. Don’t. Care.” Matigas na wika ni Devon at napatingin siya rito.
Nagtama ang mga mata nila. Nag-aapoy pa rin ang mga mata nito. Bakit ba ito galit na galit sa kaniya, eh diba dapat siya ang galit na galit rito?
Ito ang nang-iwan.
“Drake,” binalingan niya ang panganay na Joaquin. “Ayoko ng magtrabaho rito.”
“Pumirma ka na ng kontrata, Val. You’re working here.”
“But-”
“No more buts. Nag-usap na tayo. Makakabuti kung nandito ka. Safe ka dito.”
“I doubt that.” Sabi niya at tiningnan si Devon pero nakatingin ito kay Drake.
“Safe din siya sa ibang lugar. Hindi niya kailangang mag-stay rito.” Galit na sabi ni Devon.
Napabuntung-hininga si Drake na para bang hindi na alam ang gagawin.
“Dev, she’s working here at buo na ang desisyon ko. Isa pa, hindi ka ba masaya na nandito siya at safe-”
“Not at all.” Agad na sabi ni Devon.
Napakurap-kurap si Val para pigilan ang pamamasa ng mga mata niya.
“FYI, hindi rin ako masaya na nandito ka.” Bulyaw ni Val kay Devon.
Nagsukatan ulit sila ng tingin nito. Hinding-hindi siya susuko rito. Minsan na siyang kinawawa nito, no more.
“Dev,” Nagsalita muli si Drake. “We were so worried nang mawala siya noon.” Sabi pa ni Drake at nagkaroon ng pag-asa si Val.
Woried din sa kaniya si Devon noon? Kahit nasa New York na ito?
“Never akong nag-aalala sa kaniya. Bakit mo nasabing worried ako?”
Parang gumuho ang mundo ni Val sa narinig mula kay Devon.
“Liar.” Sabi ni Wilder.
“I wasn’t worried.” Seryosong sabi ni Devon. “Bakit ako mag-aalala eh alam ko kung saan siya nagpunta?”
Nanlaki ang mga mata niya. Anong ibig sabihin nito? Alam niyang hindi lang siya ang nagulat sa rebelasyon ni Devon.
“Oooh, the plot thickens.” Sabi ni Tyron at ipinasa ang popcorn kay Wilder.
Nag-i-enjoy talaga ito sa show na pinapanuod ng mga ito. Sa kasamaang-palad siya at si Devon ang starring sa show na iyon.
“What are you talking about?” tanong ni Drake kay Devon.
Naghintay rin siya sa sagot nito. Paano nitong nalaman kung saan siya nagpunta? At kung alam nito, ano pa ang alam nito? Agad na pumasok sa isipan niya si Victoria.
“It doesn’t matter.” Nadismaya siya sa sagot ni Devon. “Drake, listen to me, this won’t work, okay? Get rid of her.”
Ano siya bagay na basta na lang pwedeng iitsa nito? Well, hindi na iyon nakapagtataka, dahil iyon din ang ginawa nito sa kaniya noon. Pagkatapos siyang tikman ay bigla na lang siya nitong initsa na para bang wala na siyang halaga dahil nakuha na nito ang gusto sa kaniya.
Napabuntung-hininga ulit si Drake. “Dev, anong dahilan mo kung bakit ayaw mong nandito siya? Natatakot ka ba?”
“Ha!” parang hindi makapaniwala si Devon sa narinig. “At bakit naman ako matatakot?”
“Bakit nga ba?”
Ilang sandaling nagsukatan ng tingin sina Drake at Devon at ilang sandali ring tanging pag-nguya ng popcorn ang maririnig sa paligid.
“Ooooh the plot thickens.” Sabi ni Wilder.
“Nasabi ko na iyan.” Sabi naman ni Tyron.
“Oooh the tension intensifies.” Sabing muli ni Wider.
Nainig niya ang pag-hmmm nina Tyron at Gabriel.
“That’s a good one.” Sabi Tyron at nag-apiran ang mga ito.
Napaungol si Devon at binalingan ang mga kapatid. “Hindi ba kayo tatahimik?”
Sabay-sabay na umiling ang mga ito.
“Aaargh, damn you all.” Nagtatagis ang mga bagang ni Devon. “Fine, Drake. Let her work here. I don’t care. As long as she doesn’t disturb me or talk to me.”
Inignora ulit ni Val ang sakit sa dibdib niya at nilapitan si Devon. “How dare you decide for the both of us. Hindi porke’t pumayag ka na ay papayag na rin ako.” Sabi niya rito at humarap kay Drake. “Drake, buo na rin ang desisyon ko. Hindi ako magtatrabaho rito.”
Ngumiti ng makahulugan si Drake at narinig niya ang pagsinghap ng mga nakaupo sa sofa, including Helena. Masyado ba talagang nakakagulat na ngumiti si Drake.
“Val, my dear Val.” Sabi ni Drake at narinig niya ang pag-ungol ni Devon. “Bakit natatakot ka din ba?”
Napanganga siya, pero hindi agad siya nakasagot. Naunahan siya ni Devon na magsalita.
“She should be.”
“Wow,” hinarap niya ito at namewang. “At ba’t naman ako matatakot sa’yo? Sino ka naman sa akala mo?”
Nagsukatan sila ng tingin ni Devon. Hindi lang sakit ang nasa dibdib niya, kungdi galit na rin. Hinding-hindi niya ito mapapatawad sa ginawa nito noon. At lalo na sa inaasta nito ngayon na para bang kasalanan niya ang lahat. Pagkatapos siyang gamitin nito at iwan, pwes kung ayaw nito sa kaniya, mas lalong ayaw niya rito.
Nag-aalab pa rin ang mga mata nito dahil sa galit sa kaniya. Hindi siya makapaniwala na tanging galit lang ang nasa mga mata nito. Samantalang noong huli silang magkita ay puno iyon ng pagmamahal. Humakbang palapit sa kaniya si Devon. Humakbang din siya.
Hanggang sa halos magdikit na ang mga katawan nila at dinig niya na ang paghinga nito. Heck, she can smell his breath now. His breath smelled like mint and something sweet. Hinaluan pa iyon ng pabango nito na nagpapagulo sa utak niya. Para siyang nahihipnotismo na mas lumapit dito.
Pero bago siya gumalaw ay gumalaw na si Devon, dahilan para tuluyang magdikit ang mga katawan nila. His chest touches her breasts. Ilang layers ang suot niya at suot nito pero ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito.
At hindi niya alam kung namamalikmata lang siya pero unti-unting nag-iiba ang nakikita niya sa mga mata nito. Nag-aapoy pa rin ang titig nito pero ibang klase na ng pag-aalab ang naroon. It’s almost like he –
“Well, then it’s settled.”
Para siyang biglang natauhan nang marinig ang boses ni Drake. Si Devon ay biglang umatras at nang tingnan niya itong muli ay nag-iwas ito ng tingin na para bang hindi matagalan ang makita siya. Nakakuyom pa rin ang mga kamao nito kaya nasigurado niyang galit pa rin ito.
Naikuyom niya rin ang mga palad at hinarap ulit si Drake. “Drake, like I said…”
“Kung pareho kayong walang ikinatatakot, then wala tayong problema.” Sabi ni Drake.
“This is ridiculous!” reklamo niya.
“Tsk. Then leave.” Sabi ni Devon at naglakad papunta sa pinto.
“Oooh, to be continued.” Biglang sabi ni Helena at napatingin silang lahat rito.
Halata ang gulat sa mukha ng lahat. Kahit si Devon ay napatigil at napatingin kay Helena. Bigla siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na emosyon habang tinitingnan si Devon na nakatitig kay Helena. Kanina ay ipinilit nito na si Helena na lang ang maging secretary nito kaysa siya.
Am I jealous?
Nakagat niya ang labi at umiwas ng tingin. Walang sabi-sabing naglakad siya papunta sa pinto. Sinadya niyang banggain si Devon para lang maputol ang pagtitig nito kay Helena.
“Val, wait.” narinig niyang tawag ni Drake.
Hindi niya ito pinansin pero agad din itong nakasunod sa kaniya.
Nakakuyom ang mga kamao ni Valentina habang hinihintay ang elevator na bumukas. Nagpupuyos ang loob niya dahil kay Devon. Napakawalang-puso nito. Ito na ang nang-iwan, ito pa ang galit na galit. Pero ang mas ikinaiinis niya ay ang pagtitig nito kay Helena kanina anng biglang magcomment ang babae sa kunwaring SHOW na pinapanuod nito ang iba pang Joaquin brothers. Para sa mga ito, ay isang nakaka-entertain na palabas ang pagkikita nilang muli ni Devon, at kontodo comment ang mga ito. At nang mag-comment si Helena ay tinitigan ito ni Devon. "God, am I jealous?" tahimik niyang tanong sa sarili. Awtomatikong pumasok sa isipan niya ang mukha ni Devon. He looked so mature, so different, and yet so familiar. Ramdam niya ang kirot sa dibdib niya."And why the hell is he so handsome?" hindi niya napigilang sabi. "Who's handsome?" Muntik na siyang mapatili sa gulat. Tiningnan niya ng masama si Drake pero nakangiti lang ito sa kaniya. Gusto niya itong bugbugin dahil ito ang dahilan ng proble
Naiiyak si Valentina habang pinagmamasdan ang anak na si Queen V habang nagdodrawing ito sa drawing tablet nito. Naiiyak siya dahil naiisip niya si Devon. Kung noon ay hindi siya masyadong nagi-guilty na hindi ipaalam kay Queen V ang pangalan ng daddy nito, ngayon ay nagi-guilty na siya. Dahil una, lumalaki na ang anak niya at mas nakakaintindi na ito ngayon kaysa noon. Pangalawa, nasa bansa na ang ama nito.Devon is back. Nasa malapit lang ito. Hindi niya maiwasang maisip na nagiging unfair siya kay Queen V at kay Devon na rin. "Mommy, I want you to wear this."Kumunot ang noo niya. Nakatitig pa rin si Queen V sa drawing tablet nito. Tulad niya ay hilig nito ang pagdrawing. Ang pagkakaiba lang nila, siya ay tanging mga building and interior design ang dinodrawing, samantalang si Queen V ay malawak ang hilig nito na idrawing. Nang hapong iyon ay mga damit ang dino-drawing nito. Kanina pa ito nag-de-design ng mga gowns. Mula sa sopang kinauupuan niya ay tumabi siya rito sa sahig na
Ten years ago… “Hindi mo ako pwedeng iwan Dev.” Naiiyak na sabi ni Valentina sa kasintahang si Devon.Katabi niya itong nakasandal sa pader ng tree house. Ang tree house ay nasa mapunong parte ng Hacienda Joaquin na pag-aari ng pamilya ni Devon. O mas angkop sabihin na pamilyang umampon kay Devon at sa apat pa nitong kapatid.Kasasabi lang nito sa kaniya na bukas na ang byahe nito papuntang New York para doon mag-aral. Pero alam nilang hindi lang iyon ang dahilan. Gusto ni Hernan Joaquin, ang adopted father ni Devon, na ilayo ang partygoer nitong anak sa Pilipinas dahil nakakasira daw ito ng reputasyon.Si Hernan Joaquin kasi ay isa sa mga batikang actor sa bansa at isang business mogul. Mas sumikat pa ito nang mag-ampon ito ng limang orphans kahit pa nga single ito. Para sa mata ng publiko, isa itong ulirang single father na may matabang puso kahit pa nga playboy ding maituturing si Hernan Joaquin. Sa edad nito ay iba’t ibang babae pa rin ang nalilink dito.“Ayaw kitang iwan V.” Mad
Madilim na nang makauwi si Val mula sa treehouse. Sa kusina siya dumaan at patakbong inakyat ang mataas na hagdan ng mansion ng lola niya. Nasa third floor kasi ang kwarto niya.Nakahinga siya ng maluwag nang marating niya ang pinto ng kwarto niya nang walang nakakasalubong.Ngunit pagbukas niya ay napasinghap siya sa gulat. Bumulaga sa kaniya ang lola at Mommy niya na halatang naghihintay sa kaniya. Nakapwesto ang mga ito sa sofa set sa isang sulok ng kwarto niya. Sa sobrang laki ng kwarto niya ay may sariling mini-living room iyon.“Where have you been?” seryosong tanong ng lola Mildred niya.“Ah kina Ginny po, grandma.” Pilit niyang ngiti at hinalikan ang mga ito sa pisngi.Hindi napansin ni Val na nagtinginan ang mommy at lola niya ng makahulugan. Ang isipan kasi ni Val ay nasa plano pa nilang pagtanan ni Devon bukas.“May kailangan po ba kayo sa’kin? Maliligo na po sana ako.”Nagkatinginan ulit ang mga ito bago nagsalita ang mommy niya. “Anak, may sasabihin sa’yo ang grandma mo.”
Dahil hindi nag-dinner ay nagutom si Valentina bago pa man maghatinggabi. Kanina ay ipinatawag siya ng pamilya niya na kumain at pinuntahan pa siya ng daddy niya para kumbinsihin, pero tinatagan niya ang loob at hindi lumabas ng kwarto. Kahit ng sabihin ng daddy niya na wala ang lola niya at may pinuntahan ay hindi pa rin siya nakumbinsi ng mga ito.Talagang masama ang loob niya sa mga ito, dahil lumalabas na walang pakialam ang mga ito sa kasiyahan niya. Gusto lang ng mga ito na maging perpekto siya, sumunod sa lahat ng utos ng mga ito at huwag gumawa ng ikasisira ng reputasyon ng mga Villamayor.Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto niya at pigil na pigil ang sariling huwag tumakbo kahit pa nga gutom na gutom na siya. Nasa third floor pa naman ang kwarto niya at napakalayo ng kusina. Kung bakit ba naman kasi nakalimutan niyang sabihan ang mayordoma nila na wala ng stocks ng pagkain sa refrigerator sa kwarto niya.Pagdating sa second floor ay bigla siyang kinabahan nang makita ang ila
Ten years later: Present day“Mommy, help. The waves will take me.”Napatingin si Val sa dalampasigan nang sumigaw ang anak niyang si Victoria. Napangiti siya nang makitang kunwari itong tumatakbo palayo sa mga alon. Puro talaga ito kalokohan.Napapangiting kumaway siya rito at mas lumuwang pa ang ngiti niya nang kargahin ito ng uncle River nito. Kaya panatag siya na walang mangyayaring masama rito dahil kasama nito si River.“They look like a real father and daughter duo.” Sabi ni Ginny na kasama niya sa open cottage na tinatambayan nila.Sa kasalukyan ay nasa Camarines Sur sila kung saan nakatira ang mommy ni River. Doon din siya napadpad noon nang sumama siya kay River para lumayo sa pamilya niya. At nang lumipas ang isang buwan at nalaman niyang buntis nga siya, doon din siya naglagi. Buti na lang at masyadong mabait ang mommy ni River kaya kahit nang umalis si River para sa pag-aaral nito sa Maynila ay hindi siya nag-iisa.Naging katuwang niya si Mama Donna, ang mommy ni River, s

It was Monday and first day ni Valentina sa Joaquin Groups. Ang una niyang ginawa ay pumunta sa HR para ibigay ang pinirmahan niyang kontrata. Pinadala iyon sa kaniya ni Drake mismo at sinabihan siyang ibigay niya sa HR bago siya pumunta sa office nito. Nang umalis siya sa HR ay dumiretso muna siya sa ladies room para mag-retouch kahit pa nga kare-retouch niya lang bago pumasok sa building ng mga ito. Pero kinakabahan siya at mas lalakas ang loob niya kung 100 percent sure siya na maganda siya sa first day roon. For her first day, pinili niyang magsuot ng itim na sleeveless dress at pinatungan niya ng itim ring blazer dress. Hindi niya sinarado ang blazer dress para kita pa rin ang figure niya. For her shoes, pinili niya ang gray pumps na favorite niya. Three inches ang takong niyon. Gray din ang bag na napili niyang gamitin that day. She looked stylish and elegant sa suot niya. Nakakadagdag pa sa pagiging elegante ng look niya ang alun-alon niyang buhok na kinulayan niya ng blonde.