Share

The Devil's First Mistake
The Devil's First Mistake
Author: yanalee

Chapter One

Author: yanalee
last update Huling Na-update: 2022-10-28 17:16:44

Ten years ago…

“Hindi mo ako pwedeng iwan Dev.” Naiiyak na sabi ni Valentina sa kasintahang si Devon.

Katabi niya itong nakasandal sa pader ng tree house. Ang tree house ay nasa mapunong parte ng Hacienda Joaquin na pag-aari ng pamilya ni Devon. O mas angkop sabihin na pamilyang umampon kay Devon at sa apat pa nitong kapatid.

Kasasabi lang nito sa kaniya na bukas na ang byahe nito papuntang New York para doon mag-aral. Pero alam nilang hindi lang iyon ang dahilan. Gusto ni Hernan Joaquin, ang adopted father ni Devon, na ilayo ang partygoer nitong anak sa Pilipinas dahil nakakasira daw ito ng reputasyon.

Si Hernan Joaquin kasi ay isa sa mga batikang actor sa bansa at isang business mogul. Mas sumikat pa ito nang mag-ampon ito ng limang orphans kahit pa nga single ito. Para sa mata ng publiko, isa itong ulirang single father na may matabang puso kahit pa nga playboy ding maituturing si Hernan Joaquin. Sa edad nito ay iba’t ibang babae pa rin ang nalilink dito.

“Ayaw kitang iwan V.” Madamdaming sagot ni Devon. Kung ang iba ay Val ang tawag sa kaniya, ito ay simpleng V lamang ang palayaw sa kaniya at gusto niya iyon. “Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang malayo sa’yo.” Hinawakan nito ang isa niyang kamay.

Napaluha na si Val. Hindi niya akalain na aabot sila sa ganito, lalo na’t halos isumpa nila ang isa’t isa noong una silang magkakilala.

“Hindi ko rin kayang mawalay sa’yo. Anong gagawin na’tin?” sabi ni Val.

Hindi agad nakasagot si Devon pero halatang nag-iisip ito. Napaisip na din siya sa kung anong maaari nilang gawin. Hanggang sa may maisip siya.

“Wait, isa ba sa dahilan kaya ipapadala ka sa New York ay ang relasyon natin?”

Tutol sa relasiyon nila ang kani-kanilang pamilya sa napakaraming dahilan.

Una, dahil bata pa raw sila pareho. Pero kalokohan iyon. 18 years old na siya at si Devon naman ay 20 taong gulang na.

Pangalawa, ayon sa lola Mildred niya na isang sikat na aktres sa bansa, makakasira daw sa reputasyon nila ang pakikipagrelasyon sa isang tulad ni Devon. Ampon lang kasi si Devon at ni hindi nito kilala ang tunay nitong mga magulang dahil iniwan lamang ito sa labas ng simbahan sa Quiapo. Lumaking walang maayos na guidance si Devon kaya napariwara ito at sa katunayan ay nakilala nito si Hernan Joaquin nang subukan nitong nakawan ang sikat na aktor. Imbes na dalhin sa mga pulis o disiplinahin ay inampon ito ni Hernan Joaquin. Sampung taong gulang lamang noon si Devon.

At ang huling rason kung bakit ayaw ng mga pamilya nila na magkarelasyon sila ay dahil magkaaway ang mga ito mula pa man noon. Ang usap-usapan ay dahil noong kabataan daw ng lola niya at ni Hernan Joaquin ay muntik ng ikasal ang mga ito hanggang sa lokohin ni Hernan ang Lola Mildred niya.

“Pwede tayong lumayo.” Biglang sabi ni Devon na ikinagulat ni Val.

“Anong ibig mong sabihin?”

Bago pa man sumagot si Devon ay biglang kumulog sa labas at napasigaw si Val at napayakap pa siya kay Devon.

Agad naman siyang niyakap ng mahigpit ni Devon at isiniksik niya ang mukha sa dibdib nito. Alam ni Devon kung gaano siya katakot sa kulog.

“Don’t worry, I’m here.” Hinimas-himas ni Devon ang likod ni Val. “It’s okay, hindi kita pababayaan V.”

Sa labas ay tuluyan ng bumuhos ang malakas na ulan. Wala silang ibang marinig kundi ang patak ng ulan sa bubong ng tree house at malalakas na kulog. Buti na lang matibay ang tree house dahil sinigurado ng magkakapatid na Joaquin na natutulugan iyon at hindi lang basta laruan. Kunsabagay hindi na mga bata ang mga ito kaya ginawa ang tree house na iyon hindi para laruan kundi talagang pasyalan o pahingahan kapag tumatambay ang mga ito sa gawing iyon ng Hacienda Joaquin.

 “Natatakot ako, Dev.” Umiiyak na sabi ni Val.

“I know V.” bulong ni Devon at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. “I’m here. Hindi kita iiwan.”

Lalo lang siyang napaiyak dahil sa narinig. Dahil kasasabi lang nito sa kaniya kanina na bukas na ang alis nito patungong America kaya posibleng iwan din siya nito.

Dahil lumakas ang iyak niya ay nabahala si Devon at iniangat nito ang mukha niya para magtama ang mga mata nila, pero umiling-iling siya at isinubsob ulit ang mukha sa dibdib nito.

“Look at me V.” nangungusap ang magandang boses nito. Wala siyang nagawa kundi ang umangat ng tingin at muling nagtama ang mga mata nila.

“Iiwan mo ako.” Parang nagsusumbong na sabi niya rito. Ang mga luha niya ay nag-unahan sa pagtulo sa mga pisngi niya.

Napuno ng lungkot at awa ang mga mata ni Devon. “Nasasaktan ako kapag umiiyak ka V.” hinalik-halikan nito ang pisngi niya na para bang pinupunasan nito ang mga luha niya sa pamamagitan ng mga halik. “I love you so much, at hinding-hindi kita iiwan. I promise.”

Nagpatuloy ito sa paghalik sa buong mukha niya, hanggang sa mapunta sa mga labi niya ang mga labi nito. Sa una ay dampi lang ang halik nito, ngunit paulit-ulit nitong hinalikan ang mga labi niya hanggang sa tumugon siya.

Hindi na napigilan ni Val ang sarili. Gumalaw na rin ang mga labi niya. Ang mga braso niya ay kusang yumakap sa leeg nito. Si Devon ay mas humigpit ang yakap sa kaniya. Kinabig siya nito palapit sa katawan nito at naramdaman niya ang tigas ng katawan ng kasintahan. Ang lamig na dala ng ulan ay napalitan ng init habang palalim ng palalim ang halikan nilang dalawa.

Ramdam pa ni Val nang dilaan ni Devon ang loob na parte ng mga labi niya. Napaungol siya at para siyang sinilaban. “Dev, I love you.”

“I love you too, Baby.” Walang anu ano’y iniangat siya ni Dev at namalayan niya na lang na nakakandong na siya rito.

Nagkatitigan sila. Puno ng pagmamahal ang mga mata ng bawat isa. Walang sabi-sabing nagtagpo muli ang mga labi nila. Sa pagkakataong iyon ay mas malalim pa ang halik na kanilang pinagsasaluhan.

Si Devon ay mas nagiging mapangahas na sa paghaplos sa likod niya. Si Val ay wala sa isip na pigilan ang kasintahan. Gusto niya ang nangyayari at wala siyang tutol kahit saan man sila humantong ng mga oras na iyon. Nagmamahalan sila.

Si Devon ay nabigla nang maglakbay na rin ang mga kamay ni Val. Ang mga palad nito ay parang dinadama ang mga muscles niya mula dibdib hanggang tiyan. Dahil sa ginagawa ni Val ay mas naging mapangahas a si Devon. Ipinasok nya ang isang kamay sa loob ng t-shirt ni Val. Una niyang dinama ang init ng likod nito. Napakakinis ng girlfriend niya at napakalambot ng kutis nito. Pakiramdam niya ay mababaliw siya kung hindi niya ito madama ng buong-buo.

Kaya naglikot pa ang mga kamay niya pababa hanggang sa dumako iyon sa legs ni Val na litaw sa maikling shorts nito. Una pa man ay gusto niya na ang mga legs ni Val, mahahaba iyon at makikinis. Iyon ang una niyang napansin nang una niya itong masilayan three months ago sa peryaan sa bayan nila.

“Oh V, I want to feel you.” hindi napigilang sambit ni Devon. “You’re my fire.”

Hindi nagdalawang-isip si Val. Hinawakan niya ang laylayan ng Tshirt niya at itinaas iyon. Tinulungan naman siya ni Devon. Ilang sandaling nakatitig lang ito sa kaniya kaya medyo nailang siya. Napayuko siya.

Hinawakan ni Devon ang baba niya para itaas ang mukha niya. “You’re so beautiful, V.” madamdaming sabi nito at hinalikan ulit siya. Muli silang nagyakap at muling naglakbay ang mga kamay nila para damhin ang init ng isa’t isa.

Ilang sandali pa’y si Devon naman ang naghubad ng suot niyang hoodie jacket. Napasinghap si Val nang magdikit muli ang mga katawan nila dahil ramdam na nila ang init ng balat ng isa’t isa.

“Dev, my god.” Parang mababaliw na si V pero sandaling tumigil si Devon.

“V, okay lang ba sa’yo ang ginagawa natin. Baka-”

Hindi siya natapos sa sinasabi dahil si Val na mismo ang humalik sa kaniya. “Just kiss me and love me.” Sabi ni Val.

Alam niyang nagpapaka-gentleman si Devon. Gusto nitong siguraduhin na hindi siya napipilitan lang sa nangyayari sa kanila.

Of course hindi siya napipilitan lang dahil mahal na mahal niya ito at alam niyang mahal na mahal din siya nito.

Naging mabilis ang mga pangyayari. Habang sa labas ay patuloy ang pagpatak ng ulan at malakas na kulog at kidlat, sa loob ng tree house ay ramdam ng dalawa ang mainit nilang pagmamahalan.

Ni hindi nila naisip na maaaring magbunga ang nangyari sa kanila. Ang tanging nasa isipan lang ni Devon ay ang madama ng buong-buo si Val at si Val naman ay ang iparamdam kay Devon ng buong-buo ang pagmamahal niya rito.

Alam nila pareho na hinding-hindi nila pagsisisihan ang nangyari.

Kaya nakatulog pa sila na magkayakap at may ngiti sa mga labi.

*****

Nagising sina Devon at Val na magkayakap. Wala ng ulan sa labas at papadilim na rin. Ayon sa mga relong suot nila ay mag-alas sais na ng gabi. Agad na bumangon si Val at nagbihis.

“Shit, papagalitan ako nina mama at lola.” sabi niya.

Mula nang malaman ng pamilya niya na nakikipagrelasyon siya kay Devon na isang Joaquin at mortal na kaaway ng pamilya niya, naging mahigpit na sa kaniya ang mga ito. Sikreto lamang ang mga pagtatagpo nila ni Devon. Kaya nga doon sila sa tree house dahil tanging ang magkakapatid na Joaquin lamang ang tumatambay roon. At ng mga panahong iyon ay nasa Maynila lahat ng kapatid ni Devon kaya walang iistorbo sa kanila.

“V.”

Napatingin si Val kay Devon. Tapos na rin itong magbihis. “Iiwan mo ba talaga ako?” malungkot na tanong niya at naiiyak na naman siya.

Nilapitan siya nito at ikinulong ang mukha niya sa mga palad nito. “Let’s leave, V. May sarili akong pera. Tama na iyon para makapagsimula tayo.”

Dahil naranasan ni Devon ang maging palaboy sa Quiapo at magnanakaw noong bata pa ito, naging mahalaga para dito ang magkaroon ng sariling ipon na kinukuha nito sa allowance na binibigay ni Hernan Joaquin.

Napabuntung-hininga si Val at tumango. Napangiti si Devon.

“Pero natatakot ako, Dev.”

Dinampian niya ng mabilis na halik ang mga labi ng dalaga. “I’m scared too V. Pero mas natatakot ako na mawalay sa’yo.”

Napatango-tango si V. Ganundin siya. At siguradong maghihiwalay sila kapag nag-stay sila. Their families will do everything to keep them apart. At isipin pa lang iyon ni Valentina ay para na siyang mamamatay.

“Anong gagawin natin?”

Madalian silang nagplano kung saan sila pupunta. Napagdesisyunan nila na magkita bukas ng alas-singko sa sakayan ng bus. Hindi sila pwedeng magdala ng kotse dahil mahahalata sila.

“Ihahatid kita sainyo.” Sabi ni Dev nang pauwi na sila.

Umiling si Val. “No. Umuwi ka na sainyo dahil late na. Baka magduda sila kapag sobrang late ka ng nakauwi. Isa pa kailangan mo na ring mag-ayos para sa pag-alis natin. Don’t worry, okay lang ako. Safe ako sa loob ng lupain ninyo at lupain namin nuh?”

“But-”

“No more buts.” Sabi ni Val at ngumiti. “Don’t worry mula bukas lagi mo na akong makakasama.”

Napangiti na si Devon. May punto ito. Safe rin talaga ito sa lupain ng mga pamilya nila. Kahit pa magkaaway ang mga family nila, hindi ito gagawan ng masama ng mga empleyado sa Hacienda Joaquin kung sakali mang may makakita rito.

Matapos ang isang maalab na halik ay naghiwalay ang dalawa at umuwi sa kaniya-kaniyang bahay.

Habang naglalakad pauwi ay napapangiti pa si Val. Hindi niya kasi lubusang maisip na hahantong sila sa ganoon ni Devon. Gayung noong una silang magkita ay kulang na lang isumpa niya ito.

Three months ago…

“Who’s that?” Tanong ni Val sa kaibigan niyang si Ginny habang nakatingin sa lalaking pinagkakaguluhan ng mga kababaihan sa isang sulok ng peryaan kung saan sila namamasyal.

Bisperas ng pyesta sa nayon nila at tampok ang isang peryaan at sayawan ng gabing iyon. At sapat ang mga ilaw sa paligid para lubusan niyang mapagmasdan ang lalaki.

Ang lalaki ay halatang mas matanda sa kanila ni Ginny. Kadedebut lang nila noong isang buwan. Ang lalaki ay halatang nasa twenties na. Matangkad ito at matipuno. Ang mukha nito ay parang ang tapang, siguro dahil sa napakatangos nitong ilong o sa itim na itim nitong mga mata. Itim na itim rin ang buhok nito na halos hanggang balikat ang haba.

“He looks familiar.” Sabi niya.

Para bang naramdaman nito ang pagtitig niya dahil bigla itong umangat ng tingin at iniikot ang mga mata sa paligid na parang may hinahanap. Hanggang sa magtama ang mga mata nila. Unti-unti itong ngumiti, at hindi lang basta ngiti ang ibinigay nito sa kaniya. Ang pilyo ng ngiti nito at napalunok siya.

It was the most beautiful smile she’d ever seen.

But then, bigla na lang itong kumindat. And for some reason ay nadismaya siya dahil doon. Tumaas ang isang kilay niya. Sino ba ‘to sa akala nito? Hindi ba siya nito kilala?

Siya si Valentina Jade Villamayor, ang nag-iisang babaeng apo ni Mildred Villamayor, isang sikat na aktress sa bansa at isa sa pinakamayamang tao sa buong Davao. Kaya walang lalaki ang basta-basta na lang nakikipagkaibigan sa kaniya. For them, she is basically a royalty.

Higit sa lahat, kilala siya ng lahat, lalo na ng mga bachelors sa lugar nila at maging sa buong bansa dahil lumabas na rin siya sa ilang movies at TV shows ng lola niya. She was even featured in some teen magazines in the country. Pero hindi niya talaga hilig ang maging celebrity kaya pa-extra-extra lang siya.

And so it annoys her that this man, this good-for-nothing man, had the audacity –

“That’s Devon Miles Joaquin.” Biglang sabi ni Ginny.

Natigilan siya. Kahit iyon ang una nilang pagkikita ay kilala niya ang lalaki. Isa ito sa mga ampon ng kapitbahay nilang si Hernan Joaquin. Ang Hacienda Villamayor kasi at Hacienda Joaquin ay magkatabi. At kaya naman pala pamilyar ito. Sadyang sikat ang magkakapatid na Joaquin. The media even calls them ‘The Famous Orphans.’

Pero bakit nasa Davao ang lalaki? Si Hernan Joaquin pati na ang lima nitong ampon ay sa Maynila naglalagi.

“Ang alam ko pinadala siya rito ng Daddy niya dahil ang dami niyang gulong kinasangkutan sa Maynila. Madalas daw kasing mag-bar at mag-party.”

Kumunot ang noo niya at hinarap si Ginny. “Saan mo nalaman ang tsismis na iyan?”

“Hindi tsismis kung totoo.” Biglang sabi ng isang lalaki sa likod niya. Napangiti siya nang tumabi sa kaniya si River. Bestfriend rin nila ni Ginny si River. “Anyway, wala tayong pakialam kung bakit siya nandito, let’s go dancing.”

Agad siyang hinila ng mga kaibigan niya pero ramdam niya ang pagtayuan ng mga balahibo niya. Hindi niya napigilan ang sariling lumingon, at muling nagtama ang mga mata nila ni Devon Miles Joaquin.

Napasimangot na siya. Hindi ba nito alam na it’s rude to stare? Halatang ang lakas ng tiwala nito sa sarili at siguro’y iniisip na matutuwa siya dahil binibigyan siya nito ng atensyon. Well, masyado siyang maraming manliligaw at hindi niya kailangan ng isa pa.

Pagdating sa sayawan ay nagkatuwaan silang magkakaibigan. Hanggang sa magbago ang music at naging romantic iyon. Agad silang nagpartner ni River habang si Ginny ay nakahanap din ng partner nito.

Ilang minuto na silang nagsasayaw nang biglang may bumangga sa likod niya. “What on earth?” angil niya at hinarap ang bumangga sa kaniya.

It was Devon Miles Joaquin. And he’s smiling like a devil.

“Anong nginingiti-ngiti mo diyan?” angil niya rito.

Agad na nabura ang ngiti nito na para bang hindi makapaniwala sa reaction niya. Sinasabi niya na nga ba, sanay na sanay ito na lahat ng babae ay nahuhumaling dito at ini-expect nito magiging ganoon din siya.

Well, nagkakamali ito.

Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib at taas-noong hinagod ito ng tingin mula ulo hanggang paa. “You’re new here and this is my territory. Kung ako sa’yo, huwag mo akong iinisin.”

“Wow.” Umiling-iling ito at tumingin sa paligid.

Noon niya lang din napansin na nakapalibot na sa kanila ang mga nagsasayawan at tumigil na rin ang music. Hindi iyon nakapagtataka. Alam ng lahat kung sino silang dalawa at magkaaway ang mga pamilya nila. Para sa audience nila, isang entertainment ang nangyayari.

Bumalik ang tingin ni Devon sa kaniya. “Your territory?” tumawa ito ng nakakainis. “Sa pagkakaalam ko, property namin ang lupang kinatatayuan natin ngayon.”

Tama ito. Pero hindi niya pinahalatang may pakialam siya. Taas noo pa rin siya.

“Property ninyo? Bakit sino ka ba?”

Napasinghap ang mga tao sa paligid, pati na si Devon. Alam niyang hindi nito matatanggap na hindi niya ito kilala. Para kasi dito ay sikat ito porke ba anak ito ni Hernan Joaquin.

“You don’t know me?” hindi talaga ito makapaniwala.

Well, ngayon pa lang dapat na nitong malaman na hindi lahat ng babae ay nababaliw rito.

“Oo, hindi.” Painosenteng sabi niya.

“Val, sinabi ko sa’yo kanina na siya si-”

Tiningnan ni Val ng masama si Ginny kaya bigla itong tumahimik. Ibubuking pa siya nito.

“Hmm, huwag kang magalit sa kaibigan mo, hindi bagay sa’yo kapag galit ka.”

Napakurap siya. Anong sinasabi nito?

“Your nose.” Sabi nito.

Wala sa sariling napahawak siya sa ilong niya. Alam niyang matangos ang ilong niya at isa iyon sa mga assets niya. She’s proud of her nose.

“”Masyadong lumalaki ang mga butas ng ilong mo kapag galit ka. Tapos may lumalabas pang usok, kaya ang pangit talaga.” Sabi nito at umiiling-iling pa.

Feeling niya talaga ay may lumabas na usok sa mga butas ng ilong at tainga niya dahil sa narinig. Bumalik na ang ngiti sa mukha ni Devon at dinig niya ang pagtatawanan ng ilang tao sa paligid nila.

“You son of a-” simula niya pero bigla siya nitong tinalikuran. Hahabulin niya na sana ito pero pinigilan siya nina River at Ginny. “Bitawan ninyo ‘ko.”

“No, think of your grandma.” Pabulong na sabi ni River. “Makakarating sa kaniya na nakipag-usap ka sa isang Joaquin.”

“Tama si River, Val. Kaya mas okay kung huwag mo ng palakihin ito.”

Huminga siya ng malalim at ikinuyom ang mga palad. Nang gabing iyon ay isinumpa niyang gagantihan niya si Devon Miles Joaquin dahil sa ginawa nitong pagpapahiya sa kaniya.

But two weeks later, they have their first kiss.

-end of flashback-

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Tina Mays
English, please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Devil's First Mistake   Chapter Two

    Madilim na nang makauwi si Val mula sa treehouse. Sa kusina siya dumaan at patakbong inakyat ang mataas na hagdan ng mansion ng lola niya. Nasa third floor kasi ang kwarto niya.Nakahinga siya ng maluwag nang marating niya ang pinto ng kwarto niya nang walang nakakasalubong.Ngunit pagbukas niya ay napasinghap siya sa gulat. Bumulaga sa kaniya ang lola at Mommy niya na halatang naghihintay sa kaniya. Nakapwesto ang mga ito sa sofa set sa isang sulok ng kwarto niya. Sa sobrang laki ng kwarto niya ay may sariling mini-living room iyon.“Where have you been?” seryosong tanong ng lola Mildred niya.“Ah kina Ginny po, grandma.” Pilit niyang ngiti at hinalikan ang mga ito sa pisngi.Hindi napansin ni Val na nagtinginan ang mommy at lola niya ng makahulugan. Ang isipan kasi ni Val ay nasa plano pa nilang pagtanan ni Devon bukas.“May kailangan po ba kayo sa’kin? Maliligo na po sana ako.”Nagkatinginan ulit ang mga ito bago nagsalita ang mommy niya. “Anak, may sasabihin sa’yo ang grandma mo.”

    Huling Na-update : 2022-10-28
  • The Devil's First Mistake   Chapter Three

    Dahil hindi nag-dinner ay nagutom si Valentina bago pa man maghatinggabi. Kanina ay ipinatawag siya ng pamilya niya na kumain at pinuntahan pa siya ng daddy niya para kumbinsihin, pero tinatagan niya ang loob at hindi lumabas ng kwarto. Kahit ng sabihin ng daddy niya na wala ang lola niya at may pinuntahan ay hindi pa rin siya nakumbinsi ng mga ito.Talagang masama ang loob niya sa mga ito, dahil lumalabas na walang pakialam ang mga ito sa kasiyahan niya. Gusto lang ng mga ito na maging perpekto siya, sumunod sa lahat ng utos ng mga ito at huwag gumawa ng ikasisira ng reputasyon ng mga Villamayor.Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto niya at pigil na pigil ang sariling huwag tumakbo kahit pa nga gutom na gutom na siya. Nasa third floor pa naman ang kwarto niya at napakalayo ng kusina. Kung bakit ba naman kasi nakalimutan niyang sabihan ang mayordoma nila na wala ng stocks ng pagkain sa refrigerator sa kwarto niya.Pagdating sa second floor ay bigla siyang kinabahan nang makita ang ila

    Huling Na-update : 2022-10-28
  • The Devil's First Mistake   Chapter Four

    Ten years later: Present day“Mommy, help. The waves will take me.”Napatingin si Val sa dalampasigan nang sumigaw ang anak niyang si Victoria. Napangiti siya nang makitang kunwari itong tumatakbo palayo sa mga alon. Puro talaga ito kalokohan.Napapangiting kumaway siya rito at mas lumuwang pa ang ngiti niya nang kargahin ito ng uncle River nito. Kaya panatag siya na walang mangyayaring masama rito dahil kasama nito si River.“They look like a real father and daughter duo.” Sabi ni Ginny na kasama niya sa open cottage na tinatambayan nila.Sa kasalukyan ay nasa Camarines Sur sila kung saan nakatira ang mommy ni River. Doon din siya napadpad noon nang sumama siya kay River para lumayo sa pamilya niya. At nang lumipas ang isang buwan at nalaman niyang buntis nga siya, doon din siya naglagi. Buti na lang at masyadong mabait ang mommy ni River kaya kahit nang umalis si River para sa pag-aaral nito sa Maynila ay hindi siya nag-iisa.Naging katuwang niya si Mama Donna, ang mommy ni River, s

    Huling Na-update : 2022-10-28
  • The Devil's First Mistake   Chapter Five

    It was Monday and first day ni Valentina sa Joaquin Groups. Ang una niyang ginawa ay pumunta sa HR para ibigay ang pinirmahan niyang kontrata. Pinadala iyon sa kaniya ni Drake mismo at sinabihan siyang ibigay niya sa HR bago siya pumunta sa office nito. Nang umalis siya sa HR ay dumiretso muna siya sa ladies room para mag-retouch kahit pa nga kare-retouch niya lang bago pumasok sa building ng mga ito. Pero kinakabahan siya at mas lalakas ang loob niya kung 100 percent sure siya na maganda siya sa first day roon. For her first day, pinili niyang magsuot ng itim na sleeveless dress at pinatungan niya ng itim ring blazer dress. Hindi niya sinarado ang blazer dress para kita pa rin ang figure niya. For her shoes, pinili niya ang gray pumps na favorite niya. Three inches ang takong niyon. Gray din ang bag na napili niyang gamitin that day. She looked stylish and elegant sa suot niya. Nakakadagdag pa sa pagiging elegante ng look niya ang alun-alon niyang buhok na kinulayan niya ng blonde.

    Huling Na-update : 2022-10-28
  • The Devil's First Mistake   Chapter Six

    Nakakuyom ang mga kamao ni Valentina habang hinihintay ang elevator na bumukas. Nagpupuyos ang loob niya dahil kay Devon. Napakawalang-puso nito. Ito na ang nang-iwan, ito pa ang galit na galit. Pero ang mas ikinaiinis niya ay ang pagtitig nito kay Helena kanina anng biglang magcomment ang babae sa kunwaring SHOW na pinapanuod nito ang iba pang Joaquin brothers. Para sa mga ito, ay isang nakaka-entertain na palabas ang pagkikita nilang muli ni Devon, at kontodo comment ang mga ito. At nang mag-comment si Helena ay tinitigan ito ni Devon. "God, am I jealous?" tahimik niyang tanong sa sarili. Awtomatikong pumasok sa isipan niya ang mukha ni Devon. He looked so mature, so different, and yet so familiar. Ramdam niya ang kirot sa dibdib niya."And why the hell is he so handsome?" hindi niya napigilang sabi. "Who's handsome?" Muntik na siyang mapatili sa gulat. Tiningnan niya ng masama si Drake pero nakangiti lang ito sa kaniya. Gusto niya itong bugbugin dahil ito ang dahilan ng proble

    Huling Na-update : 2022-11-03
  • The Devil's First Mistake   Chapter Seven

    Naiiyak si Valentina habang pinagmamasdan ang anak na si Queen V habang nagdodrawing ito sa drawing tablet nito. Naiiyak siya dahil naiisip niya si Devon. Kung noon ay hindi siya masyadong nagi-guilty na hindi ipaalam kay Queen V ang pangalan ng daddy nito, ngayon ay nagi-guilty na siya. Dahil una, lumalaki na ang anak niya at mas nakakaintindi na ito ngayon kaysa noon. Pangalawa, nasa bansa na ang ama nito.Devon is back. Nasa malapit lang ito. Hindi niya maiwasang maisip na nagiging unfair siya kay Queen V at kay Devon na rin. "Mommy, I want you to wear this."Kumunot ang noo niya. Nakatitig pa rin si Queen V sa drawing tablet nito. Tulad niya ay hilig nito ang pagdrawing. Ang pagkakaiba lang nila, siya ay tanging mga building and interior design ang dinodrawing, samantalang si Queen V ay malawak ang hilig nito na idrawing. Nang hapong iyon ay mga damit ang dino-drawing nito. Kanina pa ito nag-de-design ng mga gowns. Mula sa sopang kinauupuan niya ay tumabi siya rito sa sahig na

    Huling Na-update : 2022-11-08

Pinakabagong kabanata

  • The Devil's First Mistake   Chapter One

    Ten years ago… “Hindi mo ako pwedeng iwan Dev.” Naiiyak na sabi ni Valentina sa kasintahang si Devon.Katabi niya itong nakasandal sa pader ng tree house. Ang tree house ay nasa mapunong parte ng Hacienda Joaquin na pag-aari ng pamilya ni Devon. O mas angkop sabihin na pamilyang umampon kay Devon at sa apat pa nitong kapatid.Kasasabi lang nito sa kaniya na bukas na ang byahe nito papuntang New York para doon mag-aral. Pero alam nilang hindi lang iyon ang dahilan. Gusto ni Hernan Joaquin, ang adopted father ni Devon, na ilayo ang partygoer nitong anak sa Pilipinas dahil nakakasira daw ito ng reputasyon.Si Hernan Joaquin kasi ay isa sa mga batikang actor sa bansa at isang business mogul. Mas sumikat pa ito nang mag-ampon ito ng limang orphans kahit pa nga single ito. Para sa mata ng publiko, isa itong ulirang single father na may matabang puso kahit pa nga playboy ding maituturing si Hernan Joaquin. Sa edad nito ay iba’t ibang babae pa rin ang nalilink dito.“Ayaw kitang iwan V.” Mad

DMCA.com Protection Status