Beranda / Romance / The Desperate Deal with Sandro Escalera / Chapter 3: Instant Billionaire

Share

Chapter 3: Instant Billionaire

Penulis: LunariaCuesta
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-20 13:30:39

Chapter 3: Instant Billionaire

Imbes na si Claire ang sumagot, si Sandro ang nagsalita. 

“She’ll receive just compensation. Her decision is final, Attorney. Ms. Claire will marry me.”

“That settles it, can we now move on to the contract signing?” dugtong ng abogado. 

Parang kaswal na pirmahan lang ang naganap sa loob ng opisina. Limang minuto pagkatapos, kasal na kaagad si Claire at Sandro. Masigabo silang pinalakpakan ni Attorney at Carlo. Hanggang ngayon, hindi pa rin sila makapaniwalang nakatali na ang pinaka-hot na bachelor ng Metro Manila sa isang babaeng wala man lang sinabi sa yaman niya. 

“We’ll discuss the terms and conditions in the car,” seryosong saad ni Sandro. 

Parang mekaniks lang sa laro kung magsalita si Sandro. Wala namang ibang nagawa si Claire kundi sumunod dahil huli na kung uurong pa siya. Paglabas nila ng opisina, pinapasok ni Sandro ang asawa sa kotse. Sabay silang nagkatitigan at ang dating pala-ngiting binata ay biglang naging malamig makitungo. 

Unang nagsalita si Claire, “Ngayong mag-asawa na ta–”

Pinutol siya kaagad ni Sandro. “You don't have to live with me. Here's my card, you can spend it however you want. I'll also leave you a key to the villa, sasamahan ka ni Carlo kung sakaling gusto mong doon na lang tumira.”

Walang ibang naisagot si Claire kundi panlalaki ng mata. Naiwan niya rin nakaawang ang bibig na siyang kinatawa ni Sandro sa isip. Para sa kaniya barya lang ang binibitawan, pero kay Claire sobra na ito para bilhin ang buhay nilang magkapatid. 

“Abusado na yata ako kung tatanggapin ko ang mga alok mo. Hindi mo naman kailangang magbigay ng kung ano-ano.” pambabara ni Claire. 

Nagkibit-balikat lang ang asawa sa pangangatwiran niya. “Judging by your dress, you need more than just one of my debit cards. Also, Carlo ran the profiling, take the money so won't drown in medical expenses.”

Sa sobrang bilis ng koneksyon ni Sandro nagawa na nitong paimbestigahan ang dalaga. Isang tawag lang sa mga alalay, naungkat na kung anong klaseng buhay ang pinanggalingan ni Claire. Nakakahiya mang aminin pero totoo ang sinabi ni Sandro. 

Nakapikit niyang kinuha ang card sa kamay ng asawa. Labag sa loob ni Claire ang gumastos ng perang hindi niya pinaghirapan, pero wala na siyang ibang pagpipilian dahil buhay ng kapatid ang nakataya. 

“Pangako, babayaran kita kapag nakabenta na ako ng mga libro.” dagdag nito. 

“There’s no need for that, wifey,” malumanay na sagot ni Sandro. “You’ve done me a big favor just by saying yes. I'll do what I can to save your brother.”

Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Claire sa katagang ginamit ng asawa. Tinatawag naman siya ni Logan ng mga endearments pero ito ang unang beses na nakaramdam siya ng kakaibang sensasyon sa tiyan. 

Di niya tuloy mapigilang magtanong, “Wifey? May call sign na kaagad tayo?”

Imbes na sumagot ng diretso, tumingin muna si Sandro sa kaniyang relo. Mukhang malapit na itong ma-late sa meeting.

“It’s just for the show. Don't expect too much from a casanova.” saad ng asawa. 

Kahit alam na niyang ‘yon ang sasabihin ni Sandro, nanlumo pa rin si Claire. Nahirapan tuloy siyang iwaglit sa isip ang katagang casanova. Paniguradong babaero ang pinakasalan niya. 

Hihirit pa sana si Claire ng isang tanong pero biglang kumatok sa bintana si Carlo. Papaalalahan nito ang pinsan na malapit nang magsimula ang meeting kasama ang ilang investors. 

“You have to leave, I have an important meeting,” paalam nito kay Claire. 

Tumango lang sa kaniya ang dalaga at kusang lumabas ng pinto. Alam naman ni Claire na sa papel lang sila mag-asawa at hindi pupwedeng humingi siya ng oras at atensyon nito.

Pag-apak niya sa labas, nag-aantay ang isang itim na limousine. May ilang bodyguards din na nakasuot ng unipormeng pang-pormal. Bahagyang nahiya si Claire, pakiramdam niya sobra-sobra na ang ibinigay sa kaniya ni Sandro. 

“Ihahatid ka nila sa ospital. Pero babalaan lang kita, nasa loob kasi ang ina ni Sandro, at medyo may pagkamasungit siya,” sabi ni Carlo. 

Napalunok sa kaba si Claire. Unang araw pa lang ng kasal pero makikilala na kaagad niya ang mayamang ina ni Sandro. Ang mas malala pa, hindi man lang pormal o mamahaling tingnan ang suot niyang damit. Marahil tama nga ang asawa kanina, sa pananamit pa lang halatang kailangan na ng pera ni Claire.

Pinagbuksan siya ni Carlo ng pinto, at wala nang ibang nagawa si Claire kundi pumasok na lang. Katabi niyang nakaupo ang isang babaeng ubod ng puti at kinis ang kutis. Nakasuot ito ng malaking sumbrero kahit nasa loob ng kotse at may hawak ding Channel bag sa isang kamay. Ni tingnan si Claire ng maayos sa mata hindi nito ginawa. 

“What’s your name?” malamig na tanong ng babae. 

Halos hindi nakadaloy ang hininga ni Claire sa takot. Sa boses pa lang mukhang kaya na siya nitong kainin ng buhay. 

“C–claire Batumbakal po. Nice meeting you po, Ma'am.”

Inunat niya pa ang kamay at nagbakasaling tatanggapin man lang ito ng kaniyang biyanan. Binaba naman ni Viola ang sumbrero at tiningnan mula ulo hanggang paa si Claire. Nagtaas pa ito ng kilay at ngumiwi. 

“My son is that desperate to marry a rugged whore. Magkano naman ang habol mo sa anak ko?” mataray na bara nito.

Napaatras si Claire sa sinabi niya. Bagama't maling sumagot sa matatanda, hindi napigilan ni Claire ang pambibintang sa kaniya. 

“Wala po akong intensyong magpakayaman sa anak ninyo. Napilitan lang din akong pakasal–”

Mabilis na sumingit si Viola sa paliwanag niya. “5 million in cash, leave my son immediately.” 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 4: In-law Wars

    Chapter 4: In-law Wars“Pero Ma'am, Hindi ko po intensyong magpakayaman dahil sa pera ninyo. Mahirap lang po kami pero hindi ko tatanggapin ‘yan.”May dignidad na tinanggihan ni Claire ang bulto ng perang iniharap sa kaniya ni Viola. Isinara niya pa ang brief case at itinabi iyon. Kinagalit ito ng biyenan niya, “You’re a proud one, huh? Just admit it, sinadya mong pakasalan ang anak ko dahil kailangan mo ng perang pampa-opera.”Bahagyang naluha si Claire sa masakit na bintang ni Viola. Hindi niya maitatanggi na tama ito. Nagawa niyang magpakasal kay Sandro maisalba lang ang kapatid mula sa bingit ng kamatayan. “Babayaran ko rin po agad ang lahat ng ginastos. Hindi ko po sinasadyang galitin kayo. Kailangan ko lang po talaga ngayon ng pera.” Sinubukan pang magpaliwanag ni Claire pero taas noo lang na nagmatigas ang kaniyang biyenan. Malamig na tumugon si Viola, “I’ll never accept a rat like you in my family. Don't put up your hopes about your brother's recovery, you don't have the me

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-20
  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 5: Damsel in Distress 

    Chapter 5: Damsel in Distress “Logan wag! Parang awa mo na!” humihikbing turan ni Claire habang nakaibabaw sa kaniya si Logan. Agresibo siya nitong hinahalikan at madiing hinahawakan ang mga kamay. Sa sobrang lakas nito, hindi niya magawang kumawala. Habang mas nagpupumiglas si Claire, mas lalong tumitindi ang pagnanasa sa kaniya ni Logan. “Dapat pala matagal ko nang ginawa ‘to,” sumisinghot na sambit ni Logan. Halos maubos na niya ang pabangong nakadikit sa balat ni Claire pero hindi pa rin siya makontento. Unti-unting bumaba ang kamay niya sa damit ng dating nobya. Patuloy na nagmakaawa sa kaniya si Claire. “Logan, kilala kita at hindi ikaw ‘to. Pakawalan mo na ako…” umiiyak na pagsusumamo nito.Parang nabingi si Logan sa lahat ng pakiusap sa kaniya. Pati konsensya yata ay wala na siya. Ngayong makukuha na niya ang gusto mula kay Claire, hindi na papayag si Logan na may pumigil sa kaniya. Pinunit nito ng buong pwersa ang damit, kahit natatakpan pa ng panloob, mas lalong nag-ini

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-20
  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 6: The Newly Weds

    Chapter 6: Newly Weds“Do you want me to drop you off at the hospital?” walang emosyong tanong ni Sandro. Hindi na lang pinansin si Claire ang tono ng asawa, “Bisitahin ko muna si Bryan. Do’n na rin muna ako matutulog,” tugon nito habang nakatingin sa bintana ng kotse. Ramdam na ramdam niya ang lamig sa loob, ngunit hindi ito dahil sa aircon. Ni lingunin siya ni Sandro, hindi nito ginawa. Buong biyahe silang tahimik at nagsasalita lang kung may kailangang itanong ang asawa kay Claire. Sa bilis nitong magmaneho, nakarating sila kaagad ng ospital. Bago bumaba si Claire, nagbilin sa kaniya si Sandro. “I’ll have one of my bodyguards to look after you. I've also decided to bring Bryan home. He'll be treated by the best doctors there.”Umalma si Claire sa kaniya. Kagaya ng paglipat kay Bryan, hindi man lang ito nagpaalam sa kaniya; ngayon uulitin niya na naman ito. “Dapat siguro tanungin mo muna ako kung anong balak ko, hindi ba?” Bumaling sa kaniya ang asawa habang nakapikit na minama

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-01
  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 7: Mother Knows Best

    Chapter 7: Mother Knows Best“I’m telling you,” bungad ni Viola sa kakarating lang na anak. “Divorce that gold digger and marry Stephie!”Walang emosyong lumingon sa kaniya ang anak. Unang tingin pa lang kay Viola, alam ni Sandro kung hanggang saan ang galit nito. Kung kaya lang nitong bumuga ng apoy, paniguradong magiging abo siya kinabukasan. “I have my own life, Mom. I'm not a kid anymore, you shouldn't meddle with my life decisions,” malamig niyang tugon bago umakyat sa itaas na palapag.“She won't be part of this family, I'll never accept her!” pahabol ni Viola bago tuluyang nakaalis ang anak.Hindi na lang pinansin ni Sandro ang nagwawalang ina. Tinungo niya ang sariling kwarto para magpahinga at mag-empake. Bukas na bukas, titira siyang kasama ang babaeng pinakasalan ngayong araw. Sa sobrang pagod, walang ibang nagawa si Sandro kundi ang pumasok sa banyo at maligo. Ang bawat patak ng maligamgam na tubig sa kaniyang balat ay pinaalala kung pa’no hinawakan ni Claire ang kaniyan

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-03
  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 8: Crinkles

    Chapter 8: CrinklesBuong gabing hindi lumabas si Claire sa kwarto ng kapatid. Laman siya ng balita at kwento sa bawat sulok ng ospital. Kahit hindi siya magpakilala sa nurse, magalang siyang binabati ng mga ito bilang Mrs. Escalera. “Kung ako naman talaga maganda na ang apelyido, paniguradong ipagyayabang ko rin ‘yon,” mapagbirong sabi ni Bryan kay Claire habang nag-aayos. Hanggang ngayon kasi mabaho at panget pa rin ang apelyidong Batumbakal para sa kaniya. Ito rin ang sinisisi niyang dalhin kung bakit karamihan ng natitipuhan niya ay umaatras. Umiling na lang sa kaniya si Claire. “Alam mo, ipagpasalamat mo pa rin dapat ‘yan. Tandaan mong walang ibang pamana ang Tatay sa atin kundi ang apelyido niya.” “Oo na, ‘yan ka na naman sa pagiging seryoso. Buti na lang at ‘di ka tinutubuan ng crinkles sa mukha,” pambabarang tugon ng kapatid. Biglang bumukas ang pintuan bago pa makasagot si Claire. Narinig yata ni Carlo ang pinag-uusapan nila habang papasok ito. “Crinkles? Kawawa naman an

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-05
  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 9: Intercom

    Chapter 9: Intercom “Deal. Kahit may sakit ako kaya kitang itumba mag-isa,” mayabang na sagot ni Bryan. Napaatras si Claire sa biglang pagpayag nito. Ginawa yata siyang kuting ng sariling kapatid–basta lang siyang ipinupusta kay Sandro! Pilit siyang umalma sa asawa para kumbinsihing bawiin ang sinabi. “Bakit parang hindi niyo man lang ako tinanong kung payag ba ako sa pustahan ninyo?” naiinis na tanong ni Claire. Napangisi ng malapad si Sandro sa kabilang linya. Alam niyang hindi naman siseryosohin ni Bryan ang banta, gusto niya lang talagang makita ang reaksyon ng asawa. Bago niya ibaba ang tawag, biniro niya muna si Claire. “Why? We're already married, aren't we?,” preskong tanong nito. “So that means I can also impregnate you.” Halos maputol ang hininga ni Claire sa pinagsasabi ng asawa. Naunahan niya pa tuloy itong ibaba ang tawag. Kahit si Carlo na nanonood lang napapatawa kung paanong habulin ni Claire ang kaniyang hininga. Mukhang malayo talaga ito sa ibang babaeng m

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-07
  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 10: My Love

    Chapter 10: My LoveHindi na hinintay ni Carlo ang hapunan bago umalis. Nagkaroon kasi ito ng biglaang meeting kaya naiwang mag-isa si Bryan at Claire sa mansyon kasama si Sandro. Pasado alas-siyete pa lang ng gabi pero nakahain na kaagad ang pagkain sa mesa. Mula sa itaas na palapag, amoy na amoy ito ng magkapatid. Pero kahit kumakalam na ang sikmura, hindi magawang bumaba nila Bryan. Bagama't hindi naman galit si Sandro, abot-langit pa rin ang kaba ni Claire dahil sa sinabi nito sa intercom kanina. “Melba, tawagin mo na si Claire,” walang emosyong utos nito sa katulong. Kasalukuyang nag-aantay sa kabisera ng mesa si Sandro. Mukhang sineryoso yata ng asawa ang biro niya kaya halos ayaw siya nitong makita. Pagkababa ni Melba, kasunod niyang naglalakad ang magkapatid. Kahit ayaw humakbang ni Claire, wala siyang magawa kundi sumunod dahil mas mahirap galitin si Sandro. “Have a seat, join me,” anyaya ng asawa kay Clai

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-01
  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 11: Prostitute

    Chapter 11: Prostitute Naiwan na silang mag-isa sa balkonahe, at mukhang may gusto talagang sabihing importante ang asawa. “You have to change the way how you dress,” seryosong banggit ni Sandro. Nagulat si Claire sa sinabi ng asawa. Tawagin man siyang baduy ng ilan, pero ‘yon talaga ang estilo niya ng pananamit. Baka pati si Sandro hindi rin nagustuhan ang mga sinusuot niya. Bago siya sumagot, sumandal si Claire sa railings ng balkonahe. “Kung gusto mong magsuot ako ng mga damit na kita ang kaluluwa, pwes sinabi ko sayo hindi mo ako mapipilit,” madiin niyang tugon. Napataas ang kilay sa kaniya ni Sandro. Tiningnan din siya nito mula ulo hanggang paa, parang tumatagos sa loob ang mga mata nito sa sobrang talim tumitig. Ang oversized na puting damit ni Claire ay hindi talaga pasok sa panlasa ng asawa. Kung sakaling may makakita sa kaniya kasama si Claire, paniguradong pagtatawanan si Sandro. “I’m not asking you to be a prostitute, dum–” hindi siya pinatapos ni Claire s

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-01

Bab terbaru

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 25: Ice Cream Monster

    Chapter 25: Ice Cream Monster“Ice cream order no.5!” sigaw ng waiter mula sa counter ng shop. Tumayo kaagad si Carlo upang kunin ito. Tahimik namang nagmasid sa kaniya si Claire, unti-unting namamangha kung paanong kalmado at napakapresko ng ugali nito.“I was once Carlo the Barbarian,” turan nito habang naglalakad. “But now, I'm the ice cream monster!” Napatawa sila ng sabay–ang mukha ni Claire halos mamula na sa paghagikhik simula pa kanina. “Bakit ice cream monster pala?” nagtatakang tanong nito sa binata. “You’ll know why later,” misteryosong sagot ni Carlo sa kaniya. Napakibit-balikat na lang si Claire at hindi na nagtanong pa. Pagkalapag pa lang ng ice cream, agad nila itong nilantakan. Habang nagkukwentuhan sila, biglang naungkat ni Carlo ang pagiging manunulat ni Claire. “Can I have an autograph?” wala sa usapang bungad nito. Kumunot ang noo ni Claire sa kaniya, hindi naman kasi siya artista, pero ang isang mayamang katulad ni Carlo ay humihingi sa kaniya ng autograph.

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 24: Lap

    Chapter 24: Lap“We’re going to have an interview with a famous celebrity,” ani ni Sandro habang papasok sila ng kotse. Naayos na nila kanina ang problema sa panloob kaya pupwede nang umalis ang dalawa papunta sa isang rest house ng mga Escalera. Doon kasi gaganapin ang live interview kasama si Marites Cordoves. Pagkaupo nila, nakaramdam kaagad ng antok si Sandro kahit hindi pa nagsisimula ang biyahe. Pati si Claire naawa sa kaniya. Sayang nga lang at wala silang dalang unan sa loob ng sasakyan. Pero habang nagsisimula nang magmaneho ang driver, biglang nagsalita si Sandro. “Sit properly,” utos nito. Napalunok sa kaniya si Claire, pero agaran ding sumunod sa utos.“Bakit?” tanong nito. Huminga ng malalim si Sandro bago sumagot. Di niya akalaing gagawin niya ito sa asawa. “I’ll sleep on your lap,” saad nito, habang papahiga na. Halos hindi makahinga si Claire ng maramdaman niya ang ulo ng ni Sandro sa kaniyang mga binti. Ang init ito ay kakaiba at nakakapagkalma ng kaunti. Kahit

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 23: Dosage of Serotonin

    Chapter 23: Dosage of SerotoninBago umalis si Sandro, bigla niyang naalala ang isang interview kasama ang sikat na TV host. Habang hinahatid siya ni Claire sa garahe, sinabi niya ito sa asawa.“Pack your things, we'll be leaving tonight,” payak na sabi nito. Naguluhan sa kaniya ang asawa dahil sa pagiging biglaan. “Bakit? Saan tayo pupunta? Di ka man lang nagsabing aalis pala tayo,” pag-alma ni Claire sa kaniya. Huminga ng malalim si Sandro, ang pagiging madaldal ng asawa ay unti-unting nakakaubos ng kaniyang social battery. Kailangan niya pa naman ito sa trabaho.“No more buts, pack your best clothes. I'll be back tonight.” Napangiwi sa kaniya si Claire. Hindi naman nito sinagot ang kaniyang tanong. Pero imbes na kumontra, hinayaan niya lang na umalis ang asawa. Kahit anong dada kasi ni Claire, parating si Sandro pa rin ang masusunod. Pagkaakyat niya ng kwarto, tumambad ulit ang isang piraso ng bulaklak. Sa tangkay nito, may nakadikit na kapirasong papel. ‘C’Hindi maiwasang m

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 22: Hubby! 

    Chapter 22: Hubby! “I said, call me hubby!” galit niyang sambit. Mabilis naman itong sinagot ni Claire, “Hubby!” natataranta niyang sambit. Dahil sa nalibang sila pareho, nakalimutan ni Sandro na malapit nang bumukas ang elevator. Pagtunog nito, naabutan sila sa parehong posisyon ng mga empleyado. Kumuha ng litrato ang ilan, at nakapagtatakang hindi ito pinakialaman ni Sandro.Lumabas lang sila ng elevator na parang walang nangyari. Alam niyang kakalat sa internet ang mga litrato, at ‘yon mismo ang plano niya. Pagdating nila sa kotse, bumalik ulit ang malamig na pag-uugali ni Sandro. Ni kibuin ang asawa, hindi nito ginawa. Kailangan pang mauna si Claire na magsalita. “Ano pala ang gusto mong kainin na hapunan? Ipagluluto kita ulit,” alok nito. Binuksan ni Sandro ang makina nang hindi man lang tinitingnan si Claire. Sumagot ito ng walang amok, “I’m already full.”Muling nasaktan si Claire sa pagtanggi nito. Unti-unti siyang nakararamdam na may pakialam lang sa kaniya ang asawa sa

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 21: Carlo the Barbarian

    Chapter 21: Carlo the BarbarianIsang malakas na kalampag ang gumising kay Claire. Sa wakas, matapos ang ilang oras na paghihintay sa loob ng banyo, may makapansin na ring mawawala siya. Inakala niyang si Sandro ito kaya dali-dali siyang yumakap pagkabukas pa lang ng pinto. “Thank you, akala ko ro’n na ako mabubulok,” mangiyakngiyak niyang sabi. Nanigas si Carlo sa biglaan nitong pagyapos sa kaniya. Ang mabango niyang buhok ay nakapang-agaw pansin din sa binata. May pinaalala itong babae. Isang mahinang tawa na lang ang sinagot ni Carlo sa kaniya, “Uhmm… I'm not your husband,” pambabasag nito ng katahimikan. Agad na bumitaw si Claire sa kaniya. Namula ito sa hiya at napayuko. “Pasensya na po Sir, akala ko kasi si Sandro,” paghingi nito ng paumanhin. Tumawa nang payak sa kaniya si Carlo, sinusubukang maging kampante sa kaniya si Claire. “Don’t mention it, I'm totally cool with it.” Napangiti sa kaniya ito bago yumakap ulit. Sa sobrang tuwa ay wala na siyang mapagsidlan ng sarili.

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 20: Closed Doors

    Chapter 20: Closed Doors Habang pinupunasan ni Claire ang basang katawan ng asawa, hindi niya maiwasang kabahan. Bagama't walang pakialam sa reaksyon niya si Sandro, labis-labis pa rin ang pag-iingat ni Claire. Ang maliit niyang kamay ay nanginginig at malapit nang mawalan ng lakas. Sa oras na magkatitigan sila ng asawa niya, napalunok ito ng lalalim. Hinawakan ni Sandro ang kamay ni Claire at siya mismo ang gumabay dito para matuyo ang basang parte ng kaniyang katawan. “Be careful next time,” paalala nito. Bago pa makasagot ang asawa, bumalik kaagad si Sandro sa pagtitipa sa laptop. Halatang busy ito at seryoso sa ginagawa. Marahil isang malaking proyekto ang kaniyang inaasikaso. “May kailangan ka pa ba?” masugid na tanong ni Claire. Huminto ng saglit ang kaniyang asawa at nag-isip. Ang katotohanan wala na siyang gustong ipagawa sa asawa pero nalilibang siyang may kasama. Kahit papano, hindi umiinit ang ulo niya sa mga dapat gawin kapag may maasar o mapapagalitan siya. “I

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Cbapter 19: A Flower a Day

    Chapter 19: A Flower a DayMaagang nakatulog si Claire nang araw na iyon dahil sa pagod. Hindi na niya nagawang antayin pa ang asawang makauwi para humingi ng tawad sa nagawang kasalanan. Pero pagkagising niya, hindi inaasahang may isang piraso ng bulaklak ang nag-aantay sa labas ng kaniyang pintuan.Hindi maiwasang mapangiti siya, “Ang bango, paniguradong galing kay Sandro ‘to. Humihingi siguro siya ng sorry.” Nagmamadali siyang bumaba para magpasalamat pero pagdating niya sa kusina, nakaalis na pala ito. Tinamaan kaagad ng lungkot si Claire. “Hayy naku ate, masyado mo na namang dinidibdib lahat. Babalik din ‘yon, pasalamat ka na lang sa bulaklak,” pabirong sabi ni Bryan. Sumang-ayon sa kaniya ni Manang Melba, “Tama nga naman ang bata. Isipin mo, napakabihirang magbigay ng bulaklak ni Sandro.” Habang inaamoy niya ang bulaklak, bigla niyang nakapa ang isang maliit na papel sa tabi ng tangkay nito. A flower a day…Mas lalong napangiti si Claire, buong umaga tuloy siyang masaya at

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 18: Winter War

    Chapter 18: Winter WarDaan-daang luha ang bumuhos mula sa mata ni Claire, dahilan para mamugto ang mata nito kinabukasan.“Umiyak ka ba, hija?” tanong ng mayordoma sa kaniya. Mas piniling hindi sumagot ni Claire at payak na ngumiti lamang. Kahit paulit-ulit niyang sabihin sa sariling hindi dapat ikasama ng loob ang kawalan ng pakialam sa kaniya ni Sandro, hindi niya pa rin maiwasang masaktan. Nagpatuloy sa pagdidilig ng halaman si Claire habang si Sandro naman ay maagang lumangoy sa swimming pool na katabi ng hardin. “Napakagwapo ng alaga ko, hindi ba?” pasimpleng turan ni Manang Melba. Sumang-ayon naman sa kaniya si Claire, “Opo, sa sobrang gwapo niya paniguradong napakaraming babae na ang umiyak dahil sa kaniya,” parinig pa nito. Napalingon sa kaniya ang matanda, ang totoo, lapitin lang ng babae si Sandro pero hindi ito mahilig makipaglaro sa kanila.“Isang babae lang ang minahal ni Sandro, noon hanggang ngayon.” Kumunot ang noo ni Claire sa sinagot niya. “Hanggang ngayon? Ib

  • The Desperate Deal with Sandro Escalera    Chapter 17: Body and Heart Aches

    Chapter 17: Body and Heart Aches“Oh ba’t nakasimangot ka? Dapat nga masaya ka dahil may libreng taekwondo training ka, Ate.” Hinarap ni Claire ang kapatid habang tinataas ang mga brasong may pasa. Kitang-kita sa maputi nitong balat kung anong klaseng pag-eensayo ang pinagdaanan niya ngayong araw. “Ang sakit na ng katawan ko, tapos magtatanong ka pa kung bakit ako nakasimangot? Ikaw na lang kaya magpaturo kay Sandro!” litanya nito kay Bryan. “Ops! Diba dapat ang tawag mo sa kaniya ‘hubby’ at hindi Sandro?” pang-aasar nitong saad. Parang dumaloy ang lahat ng dugo ni Claire sa kaniyang mukha. Kahit ilang beses na niyang tinatanong kung bakit kailangang hubby ang itawag sa kaniya, hindi ito sinasagot ng maayos ni Sandro. Sinaway niya na lang ang kapatid bago pa siya maubusan ng pasensya at mapakitaan ito ng ’deadly moves’ na kung tawagin ng asawa. “Tumahimik ka na nga, umakyat ka na lang dahil baka

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status