Chapter 2: The Cheater's Regret
Halos lumuwa ang mata ni Claire sa pagkagulat. Ni hindi niya nga alam ang pangalan ng lalaki pero kasal na kaagad ang inaalok nito. Ngumuso siya at pa-simpleng umiling. Aalis na sana si Claire pero biglang nagsisisigaw na bumuntot sa kaniya si Logan. “Claire, let me explain. Hindi ko ginusto ang nangyari, natukso lang ako,” paliwanag ng nobyo. Naiiritang pumikit ang dalaga saka hinarap ulit ang lalaki. Mukhang mapipilitan siyang pumayag sa alok ng estranghero. Bago sumagot si Claire, hinawakan niya ang kamay nito. “I’ve seen enough Logan, magpapakasal na ako,” madiing sambit ni Claire. Napaatras ng bahagya ang nobyo at lakas-loob pang tiningnan mula ulo hanggang paa si Sandro. Para bang nanunuya kung paano ngumuwi si Logan. Dinuro niya pa ito at saka tumawa ng malakas. Pati mga residenteng dumadaan nakuha na rin niya ang atensyon. “Look who's talking, nagloloko ka rin pala. Sino naman ‘to? Mukhang ang bilis mong nakapulot sa basurahan ng pulubi.” Nagngitngit ang panga ni Claire pero bago pa makasugod ang dalaga, pinigilan siya ni Sandro. Bumulong siya sa tenga nito, “Let him prove who's the loser. Ipakita mo kung anong nawala sa kaniya.” Mabilis na napakalma si Claire ng paalala ng estranghero. Imbes na sagutin ang mga masasamang pananalita ni Logan, nginitian niya lang ito. Para inisin ang nobyo, mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Sandro. Dumugtong kaagad si Claire, “Magpapakasal na ako, at wala ka nang magagawa. Tara na, hubby.” Hindi na sila nag-aksaya ng panahon at tinalikuran kaagad si Logan. Pag-alis nila maririnig pa kung paano sumigaw ang dating nobyo sa inis. Halos magwala ito sa lobby ng condominium. Nagtawag na rin ang ilang attendant ng security matigil lang ang paninira ni Logan ng ilang gamit. Ni lumingon sa nangyayari sa loob, hindi ginawa ni Claire. Patuloy lang silang naglakad ng lalaki papunta sa parking lot. Sa ngayon, siya naman ang hinihila nito paalis. Bago sila makarating sa kotseng masasakyan, tumigil ng pansamantala si Sandro. Binitawan niya rin ang kamay ni Claire at tinitigan siya ng masinsinan. Seryoso niyang tinanong ulit ang dalaga, “Are you sure you want to get married?” Napalunok si Claire sa kaba. Buong akala niya nagbibiro lang ang lalaki sa tanong nito kanina. Sino ba naman kasi ang mag-aalok ng kasal sa isang babaeng kakakilala niya pa lang? “S-sigurado ka ba sa tanong mo?” nauutal na sagot ng dalaga. Tumango lang si Sandro sa kaniya. Pinindot pa nito ang susi ng kotse bilang senyas na may pupuntahan sila. Mas lalo tuloy kinabahan si Claire, sa bilis ng pangyayari, kinutuban siya ng masama. Inisip niyang modus lang ito kagaya puting van na nandudukot ng mga batang kukuhanan ng internal organs. Akmang tatakbo na sana si Claire pero mariin siyang pinigilan ni Sandro. “Di ako nakikipagbiruan, Miss. Wala akong masamang intensyon sayo, sagutin mo lang ang tanong ko.” Tumigil siya sa paghakbang at tumingala sa halos six footer na lalaki. Wala siya sa maayos na pag-iisip at hindi niya rin alam anong isasagot sa alok nito, pero parang may sariling isip ang dila niya. “Kung papayag ako, what's in it for me?” Sumandal si Sandro sa kotse bago sumagot. “My name, fame, money and security.” Napalunok na lang ang dalaga sa kaba. Mukhang hindi basta-basta ang lalaking nakilala niya ngayong araw. Bagama't may prinsipyo si Claire at hindi niya ugaling humingi lang ng pera, naalala niya ang kalagayan ni Bryan. Dapat na itong maoperahan at masalinan ng dugo. “Hindi ko kailangan ang lahat ng yan, mabayaran lang ang bill sa ospital ng kapatid ko, ayos na sa akin ‘yon.” mapakumbabang saad ni Claire. Sa unang pagkakataon, nakakilala si Sandro ng babaeng walang interes sa yaman nito. Sinubukan niya pang suhulan ang dalaga para makita kung nagkukunwari lamang ito. “I can buy the entire hospital for you, aren't you interested?” “Di ko kailangan ang buong ospital. Paggaling lang ni Bryan ang gusto ko. Babayaran din kita sa lahat ng ginastos mo.” Napahanga ang bilyonaryo sa prinsipyo ni Claire, kaya hindi na nag-aksaya ng panahon si Sandro at agad na binuksan ang pinto ng katabing Lamborghini. Sa sobrang gulat ni Claire, hindi niya nagawang isara ang bibig. Umiling na lang ang binata saka tumuloy sa driver's seat. Walang humpay niyang pinaharurot ang kotse papunta sa munisipyo. Doon nag-aantay ang pinsang kasabwat ni Sandro sa plano. Ang inakalang imposible ni Carlo ay magagawa pala ng matinik na bachelor, dahil lang sa ayaw nitong maikasal sa babaeng pinagkasundo ng lola niya. Pagdating nila sa opisina, nakangising sumalubong si Carlo. Hahalikan pa sana nito sa pisnge si Claire, pero pinigilan siya ni Sandro. Hinarang nito ang kamay sa labi ng pinsan at mahinang tinulak palayo si Carlo. “No one's messing with my wife,” paalala niya. Mahinang tumawa si Carlo at sumagot, “Woah! You're that desperate dude? Kilala mo man lang ba ‘to?” Kumunot ang noo ni Sandro, roon niya lang napagtantong hindi niya alam ang pangalan ng babaeng kasama niya. Binalingan niya si Claire at saka tinanong. “Your name again? I forgot to ask earlier.” Inunat ni Claire ang kamay, “Claire, Claire Batumbakal.” Halos mamula sa pagpipigil ng tawa si Carlo sa apelyido ng dalaga. Sa TV niya lang naririnig ang gano’ng mga apelyido at para sa kaniya, napakabaduy nito. Hindi na lang pinansin ni Sandro ang asal ng pinsan, at nagpatuloy sa pagpapakilala. Nakipagkamayan ito kay Claire, “Sandro, Sandro Escalera.” Pangalan pa lang ng lalaki, parang naglalaway na ang dalaga. Unang beses niya ring makahawak ng gano’n kalambot na kamay. Buong buhay niya nasanay siya sa kubal at magaspang na kutis. Inisip tuloy ni Claire na napakayaman ng lalaking kaharap niya. Baka kayanin pang bilhin ni Sandro pati buhay nilang magkapatid. Sa sobrang pagkatulala niya, kinailangan pang tawagin ng ilang ulit ni Carlo ang pangalan niya. “Claire? Kailangan na nating pumasok.” Nahihiyang tumango naman ang dalaga. Pagtuloy nila sa opisina, nag-aantay ang isang abogadong nakadamit pormal at ilang papeles na nakalatag sa mesa. Mukhang hindi talaga nagbibiro si Sandro sa sinabi nitong kasal. Kahit nakatodo ang aircon, di maiwasang magpawis ni Claire sa kaba. Ultimo ballpen na gagamitin sa pagpirma gawa sa ginto. Magbulsa lang siya ng isang bagay dito, sasapat na agad sa panggastos nila sa ospital. “Are you sure with what you're doing Mr. Escalera?” tanong ng abogado. Matipid lang na tumango si Sandro. Ni pasadahan ng tingin ang papeles hindi na niya ginawa. Desido na ang binata sa kaniyang desisyon kahit hindi niya kilala ang babaeng kasama nila sa silid ngayon. Handa siyang maikasal sa kahit sino ‘wag lang kay Venice. “How about you, Miss? Kasal ang papasukin mo, sana pinag-isipan mong mabuti ang desisyon mo.” Baling ni Atty. Demitri kay Claire. “K-kanina ko lang po siya nakilala.” Napailing ang abogado sa sagot niya. Pinagdarasal niya na lang na hindi aatras ang babaeng dinala ngayon ni Sandro. “Kung gano’n, sigurado ka bang gusto mong pakasal sa lalaking kasama mo ngayon?” Biglang napaisip si Claire sa gagawin niya. Ngayong binigyan siya ng pagkakataong tumanggi, unti-unti siyang hinila ng pagdadalawang-isip. “Ms. Batumbakal I need your final answer, are you willing to marry Mr. Escalera?”Chapter 3: Instant BillionaireImbes na si Claire ang sumagot, si Sandro ang nagsalita. “She’ll receive just compensation. Her decision is final, Attorney. Ms. Claire will marry me.”“That settles it, can we now move on to the contract signing?” dugtong ng abogado. Parang kaswal na pirmahan lang ang naganap sa loob ng opisina. Limang minuto pagkatapos, kasal na kaagad si Claire at Sandro. Masigabo silang pinalakpakan ni Attorney at Carlo. Hanggang ngayon, hindi pa rin sila makapaniwalang nakatali na ang pinaka-hot na bachelor ng Metro Manila sa isang babaeng wala man lang sinabi sa yaman niya. “We’ll discuss the terms and conditions in the car,” seryosong saad ni Sandro. Parang mekaniks lang sa laro kung magsalita si Sandro. Wala namang ibang nagawa si Claire kundi sumunod dahil huli na kung uurong pa siya. Paglabas nila ng opisina, pinapasok ni Sandro ang asawa sa kotse. Sabay silang nagkatitigan at ang dating pala-ngiting binata ay biglang naging malamig makitungo. Unang nagsal
Chapter 4: In-law Wars“Pero Ma'am, Hindi ko po intensyong magpakayaman dahil sa pera ninyo. Mahirap lang po kami pero hindi ko tatanggapin ‘yan.”May dignidad na tinanggihan ni Claire ang bulto ng perang iniharap sa kaniya ni Viola. Isinara niya pa ang brief case at itinabi iyon. Kinagalit ito ng biyenan niya, “You’re a proud one, huh? Just admit it, sinadya mong pakasalan ang anak ko dahil kailangan mo ng perang pampa-opera.”Bahagyang naluha si Claire sa masakit na bintang ni Viola. Hindi niya maitatanggi na tama ito. Nagawa niyang magpakasal kay Sandro maisalba lang ang kapatid mula sa bingit ng kamatayan. “Babayaran ko rin po agad ang lahat ng ginastos. Hindi ko po sinasadyang galitin kayo. Kailangan ko lang po talaga ngayon ng pera.” Sinubukan pang magpaliwanag ni Claire pero taas noo lang na nagmatigas ang kaniyang biyenan. Malamig na tumugon si Viola, “I’ll never accept a rat like you in my family. Don't put up your hopes about your brother's recovery, you don't have the me
Chapter 5: Damsel in Distress “Logan wag! Parang awa mo na!” humihikbing turan ni Claire habang nakaibabaw sa kaniya si Logan. Agresibo siya nitong hinahalikan at madiing hinahawakan ang mga kamay. Sa sobrang lakas nito, hindi niya magawang kumawala. Habang mas nagpupumiglas si Claire, mas lalong tumitindi ang pagnanasa sa kaniya ni Logan. “Dapat pala matagal ko nang ginawa ‘to,” sumisinghot na sambit ni Logan. Halos maubos na niya ang pabangong nakadikit sa balat ni Claire pero hindi pa rin siya makontento. Unti-unting bumaba ang kamay niya sa damit ng dating nobya. Patuloy na nagmakaawa sa kaniya si Claire. “Logan, kilala kita at hindi ikaw ‘to. Pakawalan mo na ako…” umiiyak na pagsusumamo nito.Parang nabingi si Logan sa lahat ng pakiusap sa kaniya. Pati konsensya yata ay wala na siya. Ngayong makukuha na niya ang gusto mula kay Claire, hindi na papayag si Logan na may pumigil sa kaniya. Pinunit nito ng buong pwersa ang damit, kahit natatakpan pa ng panloob, mas lalong nag-ini
Chapter 1: Shotgun MarriageMahinang umungol ang kapatid ni Claire sa sakit habang nasa ospital. Halos mag-iisang buwan na siyang naka-confine pero wala pa ring pinagbabago ang kalagayan niya. Ang sabi ng ilang doktor, kakailanganin daw ng operasyon bago tuluyang gumaling si Bryan. Walang ibang magawa si Claire kundi magdasal habang naghahanap ng iba’t-ibang pagkakakitaan. “Ate, hindi ko na yata kaya...” mahinang turan ni Bryan. Hinaplos lang ni Claire ang mukha ng kapatid habang pinupunasan ang mga luha nito. Gustuhin niya mang kunin ang sakit nito pero hindi niya magawa. “Gagaling ka pa,” sagot ni Claire. “Pangako hahanap ako ng paraan para maoperahan ka na.”Mahinang tumango si Bryan bago pinikit ang mata para makapagpahinga. Sa oras na makatulog ito, lumabas na si Claire para tawagan si Logan. Balak kasi ng dalagang mangutang muna kahit 10,000. Nakakahiya mang humiram sa sariling nobyo, pero wala nang ibang maisip na paraan si Claire. Nakailang ring ang tawag pero walang sumas

Chapter 3: Instant BillionaireImbes na si Claire ang sumagot, si Sandro ang nagsalita. “She’ll receive just compensation. Her decision is final, Attorney. Ms. Claire will marry me.”“That settles it, can we now move on to the contract signing?” dugtong ng abogado. Parang kaswal na pirmahan lang ang naganap sa loob ng opisina. Limang minuto pagkatapos, kasal na kaagad si Claire at Sandro. Masigabo silang pinalakpakan ni Attorney at Carlo. Hanggang ngayon, hindi pa rin sila makapaniwalang nakatali na ang pinaka-hot na bachelor ng Metro Manila sa isang babaeng wala man lang sinabi sa yaman niya. “We’ll discuss the terms and conditions in the car,” seryosong saad ni Sandro. Parang mekaniks lang sa laro kung magsalita si Sandro. Wala namang ibang nagawa si Claire kundi sumunod dahil huli na kung uurong pa siya. Paglabas nila ng opisina, pinapasok ni Sandro ang asawa sa kotse. Sabay silang nagkatitigan at ang dating pala-ngiting binata ay biglang naging malamig makitungo. Unang nagsal
Chapter 2: The Cheater's RegretHalos lumuwa ang mata ni Claire sa pagkagulat. Ni hindi niya nga alam ang pangalan ng lalaki pero kasal na kaagad ang inaalok nito. Ngumuso siya at pa-simpleng umiling. Aalis na sana si Claire pero biglang nagsisisigaw na bumuntot sa kaniya si Logan. “Claire, let me explain. Hindi ko ginusto ang nangyari, natukso lang ako,” paliwanag ng nobyo. Naiiritang pumikit ang dalaga saka hinarap ulit ang lalaki. Mukhang mapipilitan siyang pumayag sa alok ng estranghero. Bago sumagot si Claire, hinawakan niya ang kamay nito. “I’ve seen enough Logan, magpapakasal na ako,” madiing sambit ni Claire. Napaatras ng bahagya ang nobyo at lakas-loob pang tiningnan mula ulo hanggang paa si Sandro. Para bang nanunuya kung paano ngumuwi si Logan. Dinuro niya pa ito at saka tumawa ng malakas. Pati mga residenteng dumadaan nakuha na rin niya ang atensyon. “Look who's talking, nagloloko ka rin pala. Sino naman ‘to? Mukhang ang bilis mong nakapulot sa basurahan ng pulubi.”