author-banner
LunariaCuesta
LunariaCuesta
Author

Novels by LunariaCuesta

The Desperate Deal with Sandro Escalera

The Desperate Deal with Sandro Escalera

Habang tinatakbuhan ang nobyong nagtaksil sa kaniya, aksidenteng nakabangga si Claire ng isang bilyonaryo. Imbes na bulyawan o itaboy, inalok siya nito ng kasal. Kapalit ng pera para sa pampaopera ng kapatid, pumayag ang dalaga. Kahit malamig at walang interes sa kaniya ang asawa, ginawa pa rin ni Claire ang lahat para mapagsilbihan si Sandro. Pero ano ang mangyayari kung pati siya'y mapagod na rin sa relasyon nila? Magagawa kaya ni Claire na bitawan si Sandro at ipaubaya na lang sa babaeng nilalaman talaga ng puso nito? Naitali sila hindi dahil sa pag-ibig, pero ngayong ang isa sa kanila ay napamahal na, ano kayang mangyayari sa kanilang malamig na pagsasama—at sa batang nasa sinapupunan ni Claire?
Read
Chapter: Chapter 9: Intercom
Chapter 9: Intercom“Deal. Kahit may sakit ako kaya kitang itumba mag-isa,” mayabang na sagot ni Bryan. Napaatras si Claire sa biglang pagpayag nito. Ginawa yata siyang kuting ng sariling kapatid–basta lang siyang ipinupusta kay Sandro! Pilit siyang umalma sa asawa para kumbinsihing bawiin ang sinabi. “Bakit parang hindi niyo man lang ako tinanong kung payag ba ako sa pustahan ninyo?” naiinis na tanong ni Claire. Napangisi ng malapad si Sandro sa kabilang linya. Alam niyang hindi naman siseryosohin ni Bryan ang banta, gusto niya lang talagang makita ang reaksyon ng asawa. Bago niya ibaba ang tawag, biniro niya muna si Claire.“Why? We're already married, aren't we?,” preskong tanong nito. “So that means I can also impregnate you.”Halos maputol ang hininga ni Claire sa pinagsasabi ng asawa. Naunahan niya pa tuloy itong ibaba ang tawag. Kahit si Carlo na nanonood lang napapatawa kung paanong habulin ni Claire ang kaniyang hininga. Mukhang malayo talaga ito sa ibang babaeng madaling
Last Updated: 2025-02-07
Chapter: Chapter 8: Crinkles
Chapter 8: CrinklesBuong gabing hindi lumabas si Claire sa kwarto ng kapatid. Laman siya ng balita at kwento sa bawat sulok ng ospital. Kahit hindi siya magpakilala sa nurse, magalang siyang binabati ng mga ito bilang Mrs. Escalera. “Kung ako naman talaga maganda na ang apelyido, paniguradong ipagyayabang ko rin ‘yon,” mapagbirong sabi ni Bryan kay Claire habang nag-aayos. Hanggang ngayon kasi mabaho at panget pa rin ang apelyidong Batumbakal para sa kaniya. Ito rin ang sinisisi niyang dalhin kung bakit karamihan ng natitipuhan niya ay umaatras. Umiling na lang sa kaniya si Claire. “Alam mo, ipagpasalamat mo pa rin dapat ‘yan. Tandaan mong walang ibang pamana ang Tatay sa atin kundi ang apelyido niya.” “Oo na, ‘yan ka na naman sa pagiging seryoso. Buti na lang at ‘di ka tinutubuan ng crinkles sa mukha,” pambabarang tugon ng kapatid. Biglang bumukas ang pintuan bago pa makasagot si Claire. Narinig yata ni Carlo ang pinag-uusapan nila habang papasok ito. “Crinkles? Kawawa naman an
Last Updated: 2025-02-05
Chapter: Chapter 7: Mother Knows Best
Chapter 7: Mother Knows Best“I’m telling you,” bungad ni Viola sa kakarating lang na anak. “Divorce that gold digger and marry Stephie!”Walang emosyong lumingon sa kaniya ang anak. Unang tingin pa lang kay Viola, alam ni Sandro kung hanggang saan ang galit nito. Kung kaya lang nitong bumuga ng apoy, paniguradong magiging abo siya kinabukasan. “I have my own life, Mom. I'm not a kid anymore, you shouldn't meddle with my life decisions,” malamig niyang tugon bago umakyat sa itaas na palapag.“She won't be part of this family, I'll never accept her!” pahabol ni Viola bago tuluyang nakaalis ang anak.Hindi na lang pinansin ni Sandro ang nagwawalang ina. Tinungo niya ang sariling kwarto para magpahinga at mag-empake. Bukas na bukas, titira siyang kasama ang babaeng pinakasalan ngayong araw. Sa sobrang pagod, walang ibang nagawa si Sandro kundi ang pumasok sa banyo at maligo. Ang bawat patak ng maligamgam na tubig sa kaniyang balat ay pinaalala kung pa’no hinawakan ni Claire ang kaniyan
Last Updated: 2025-02-03
Chapter: Chapter 6: The Newly Weds
Chapter 6: Newly Weds“Do you want me to drop you off at the hospital?” walang emosyong tanong ni Sandro. Hindi na lang pinansin si Claire ang tono ng asawa, “Bisitahin ko muna si Bryan. Do’n na rin muna ako matutulog,” tugon nito habang nakatingin sa bintana ng kotse. Ramdam na ramdam niya ang lamig sa loob, ngunit hindi ito dahil sa aircon. Ni lingunin siya ni Sandro, hindi nito ginawa. Buong biyahe silang tahimik at nagsasalita lang kung may kailangang itanong ang asawa kay Claire. Sa bilis nitong magmaneho, nakarating sila kaagad ng ospital. Bago bumaba si Claire, nagbilin sa kaniya si Sandro. “I’ll have one of my bodyguards to look after you. I've also decided to bring Bryan home. He'll be treated by the best doctors there.”Umalma si Claire sa kaniya. Kagaya ng paglipat kay Bryan, hindi man lang ito nagpaalam sa kaniya; ngayon uulitin niya na naman ito. “Dapat siguro tanungin mo muna ako kung anong balak ko, hindi ba?” Bumaling sa kaniya ang asawa habang nakapikit na minama
Last Updated: 2025-02-01
Chapter: Chapter 5: Damsel in Distress 
Chapter 5: Damsel in Distress “Logan wag! Parang awa mo na!” humihikbing turan ni Claire habang nakaibabaw sa kaniya si Logan. Agresibo siya nitong hinahalikan at madiing hinahawakan ang mga kamay. Sa sobrang lakas nito, hindi niya magawang kumawala. Habang mas nagpupumiglas si Claire, mas lalong tumitindi ang pagnanasa sa kaniya ni Logan. “Dapat pala matagal ko nang ginawa ‘to,” sumisinghot na sambit ni Logan. Halos maubos na niya ang pabangong nakadikit sa balat ni Claire pero hindi pa rin siya makontento. Unti-unting bumaba ang kamay niya sa damit ng dating nobya. Patuloy na nagmakaawa sa kaniya si Claire. “Logan, kilala kita at hindi ikaw ‘to. Pakawalan mo na ako…” umiiyak na pagsusumamo nito.Parang nabingi si Logan sa lahat ng pakiusap sa kaniya. Pati konsensya yata ay wala na siya. Ngayong makukuha na niya ang gusto mula kay Claire, hindi na papayag si Logan na may pumigil sa kaniya. Pinunit nito ng buong pwersa ang damit, kahit natatakpan pa ng panloob, mas lalong nag-ini
Last Updated: 2025-01-20
Chapter: Chapter 4: In-law Wars
Chapter 4: In-law Wars“Pero Ma'am, Hindi ko po intensyong magpakayaman dahil sa pera ninyo. Mahirap lang po kami pero hindi ko tatanggapin ‘yan.”May dignidad na tinanggihan ni Claire ang bulto ng perang iniharap sa kaniya ni Viola. Isinara niya pa ang brief case at itinabi iyon. Kinagalit ito ng biyenan niya, “You’re a proud one, huh? Just admit it, sinadya mong pakasalan ang anak ko dahil kailangan mo ng perang pampa-opera.”Bahagyang naluha si Claire sa masakit na bintang ni Viola. Hindi niya maitatanggi na tama ito. Nagawa niyang magpakasal kay Sandro maisalba lang ang kapatid mula sa bingit ng kamatayan. “Babayaran ko rin po agad ang lahat ng ginastos. Hindi ko po sinasadyang galitin kayo. Kailangan ko lang po talaga ngayon ng pera.” Sinubukan pang magpaliwanag ni Claire pero taas noo lang na nagmatigas ang kaniyang biyenan. Malamig na tumugon si Viola, “I’ll never accept a rat like you in my family. Don't put up your hopes about your brother's recovery, you don't have the me
Last Updated: 2025-01-20
You may also like
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status