Chapter 10: My Love
Hindi na hinintay ni Carlo ang hapunan bago umalis. Nagkaroon kasi ito ng biglaang meeting kaya naiwang mag-isa si Bryan at Claire sa mansyon kasama si Sandro. Pasado alas-siyete pa lang ng gabi pero nakahain na kaagad ang pagkain sa mesa. Mula sa itaas na palapag, amoy na amoy ito ng magkapatid.Pero kahit kumakalam na ang sikmura, hindi magawang bumaba nila Bryan. Bagama't hindi naman galit si Sandro, abot-langit pa rin ang kaba ni Claire dahil sa sinabi nito sa intercom kanina.“Melba, tawagin mo na si Claire,” walang emosyong utos nito sa katulong.Kasalukuyang nag-aantay sa kabisera ng mesa si Sandro. Mukhang sineryoso yata ng asawa ang biro niya kaya halos ayaw siya nitong makita. Pagkababa ni Melba, kasunod niyang naglalakad ang magkapatid. Kahit ayaw humakbang ni Claire, wala siyang magawa kundi sumunod dahil mas mahirap galitin si Sandro.“Have a seat, join me,” anyaya ng asawa kay ClaiChapter 11: Prostitute Naiwan na silang mag-isa sa balkonahe, at mukhang may gusto talagang sabihing importante ang asawa. “You have to change the way how you dress,” seryosong banggit ni Sandro. Nagulat si Claire sa sinabi ng asawa. Tawagin man siyang baduy ng ilan, pero ‘yon talaga ang estilo niya ng pananamit. Baka pati si Sandro hindi rin nagustuhan ang mga sinusuot niya. Bago siya sumagot, sumandal si Claire sa railings ng balkonahe. “Kung gusto mong magsuot ako ng mga damit na kita ang kaluluwa, pwes sinabi ko sayo hindi mo ako mapipilit,” madiin niyang tugon. Napataas ang kilay sa kaniya ni Sandro. Tiningnan din siya nito mula ulo hanggang paa, parang tumatagos sa loob ang mga mata nito sa sobrang talim tumitig. Ang oversized na puting damit ni Claire ay hindi talaga pasok sa panlasa ng asawa. Kung sakaling may makakita sa kaniya kasama si Claire, paniguradong pagtatawanan si Sandro. “I’m not asking you to be a prostitute, dum–” hindi siya pinatapos ni Claire s
Chapter 12: Towel“Stop screaming, will you? I did not see anything.” Mabuti na lang at nakapikit kaagad si Sandro bago pa makita ang katawan ng asawa. Wala rin naman siyang balak na tingnan ito o pagnasaan. Ang damit lang naman ang sadya niya rito. “Ano ‘yang dala mo?” tanong ni Claire habang nagtatago sa pader ng CR. “The exact reason why I'm here, you'll be wearing this so you won't look like a noob in the mall,” sagot ng asawa habang nilalapag ang damit sa kama. Pagkalagay, hindi nag-aksaya ng oras si Sandro at kaagad ding lumabas. May kasalanan din naman siya dahil imbes na kumatok, kusa siyang pumasok. Habang humihina ang yabag ni Sandro, nagsimula nang magbihis si Claire. Isang simpleng sundress lang ang binigay sa kaniya ng asawa, pero halatang bago at mamahalin. “Magkano kaya ‘to? Siguro kaya nang magtayo ng tindahan nito kapag binenta.”Mabilis niyang isuot ang damit. Mah
Chapter 13: Hard Slap“Is she the wife?” masungit na tanong ni Lian mula sa malayo. Umirap si Stephie at tumango. Nasa loob sila ng coffee shop kung saan aksidente nilang natanaw sila Sandro. Akmang susugod na sana si Stephie kanina, pero pinigilan siya ng ina. Bukod sa ayaw ni Lian mapahiya ang anak, may naiisip siyang mas magandang plano. Pagkatapos nilang magkape, napansin ni Stephie na lumabas si Sandro. “Serves her right, let's go Mom.” Tumayo na ang mag-ina mula sa kinauupuan at tinungo ang lugar kung saan nila isasagawa ang plano. Walang kaalam-alam si Claire sa panganib na nagbabadya. “Ma’am alin po ba ang kukunin ninyo?” tanong ng saleslady sa kaniya. Ilang minuto na kasi siyang nalilito kung iiwan ba ang ilang pares ng sapatos dahil sa sobrang mamahal nito. Pilit niya ring tinatawagan si Sandro pero hindi ito sumasagot. “Di ko alam eh, baka pwedeng tawagin ko muna ang as
Chapter 14: Friend in Him “Hindi ako ang bobo kundi ikaw! You really think Sandro will love you? He hasn't been with a woman for years, and you're nothing special to change that!” galit na litanya ni Stephie habang kinakaladkad si Claire sa rooftop. Habang mas tumatagal, mas lalong humahapdi ang anit niya sa higpit ng paghila ni Stephie. Sinubukan ni Claire na kumalmot at sumipa pero palagi itong naiilagan. “Pakawalan mo ako! May kapatid pa akong nag-aantay sa’kin!” nakiusap sana siya, pero desidido talaga si Stephie sa kaniyang mga binabalak. Pagkarating nila ng rooftop, binalot si Claire ng malamig na simoy ng hangin. Nagsitindigan ang kaniyang mga balahibo sa takot. Tanaw na tanaw kanina kung gaano katayog ang mall, kung ihuhulog siya mula sa tuktok—wala siyang buhayan. Matalim na tumingin si Stephie sa kaniya, “All my life's work gone because of you! Sobrang nanliliit ako dahil mas pinili ni Sandro ang kagaya mo imbes na ang tulad ko!” puno ng hinanakit niyang sumbat. N
Chapter 15: Teacher “You better start training Claire,” bungad ni Carlo. “You’re all-over the news again, Tita Viola’s gonna be darn mad if she sees this.” Inirapan lang siya ni Sandro bago humigop ng kape. May punto ang kaniyang pinsan, sa gulo ng mundong pinasok ni Claire, hindi imposibleng marami pa siyang kahaharaping mas halang ang bituka. Sumandal muna siya sa swivel chair saka sumagot. “Since you initiated, why not you train her?” “Me?! You have got to be kidding me, Sandro,” umaatras na alma ni Carlo. “I know I'm a black belter but I'm also a busy bachelor.” Hindi kinagat ni Sandro ang palusot niya. Kilala niya ang pinsan mula ulo hanggang paa, kabaliktaran sa sinasabi nito ang tunay na laman ng schedule ni Carlo. “Diba matagal ka nang naiinggit sa limited edition kong Porsche?” biglaang singit ni Sandro. “You know, I'm the real busy person. I can't train her myself.” Napatigil sa paghakbang si Carlo sa sinabi niya. Ang kotseng pinagmamayabang kasi ng pinsan ay part
Chapter 16: Buntis“Claire!” sigaw ni Sandro mula sa unang palapag ng mansion. Malapit na kasing maubos ang pasensya nito kakahintay sa asawang naliligo. Kumaripas nang takbo si Claire pababa sa takot na baka nagngingitngit na ang panga ni Sandro. Basang-basa pa ang kaniyang buhok, pero hindi niya kinabahala ang pulmonya. Baka maya-maya dahil sa sobrang tagal nito sa loob, pasukin siyang bigla ng asawa at tuluyang buntisin. Sa sobrang pagmamadali, muntikan pa sanang mapasubsob si Claire sa hagdanan. Mabuti na lang at hindi pa nakakaalis si Carlo, nasalo siya nito sa makikisig niyang braso. “Ay anak ka ng putakteng nanay mo!” malakas na sigaw ni Claire. Napahalakhak sa kaniya ang ibang katulong pati na rin ang pinsan ng asawa. Mula sa ibaba, tahimik lang na nanood si Sandro–malapit nang sumabog sa hindi maipaliwanag na dahilan. Bagama't binitawan na ni Carlo ang asawa, hindi niya pa rin mapigalang ‘wag maghanap
Chapter 17: Body and Heart Aches“Oh ba’t nakasimangot ka? Dapat nga masaya ka dahil may libreng taekwondo training ka, Ate.” Hinarap ni Claire ang kapatid habang tinataas ang mga brasong may pasa. Kitang-kita sa maputi nitong balat kung anong klaseng pag-eensayo ang pinagdaanan niya ngayong araw. “Ang sakit na ng katawan ko, tapos magtatanong ka pa kung bakit ako nakasimangot? Ikaw na lang kaya magpaturo kay Sandro!” litanya nito kay Bryan. “Ops! Diba dapat ang tawag mo sa kaniya ‘hubby’ at hindi Sandro?” pang-aasar nitong saad. Parang dumaloy ang lahat ng dugo ni Claire sa kaniyang mukha. Kahit ilang beses na niyang tinatanong kung bakit kailangang hubby ang itawag sa kaniya, hindi ito sinasagot ng maayos ni Sandro. Sinaway niya na lang ang kapatid bago pa siya maubusan ng pasensya at mapakitaan ito ng ’deadly moves’ na kung tawagin ng asawa. “Tumahimik ka na nga, umakyat ka na lang dahil baka
Chapter 18: Winter WarDaan-daang luha ang bumuhos mula sa mata ni Claire, dahilan para mamugto ang mata nito kinabukasan.“Umiyak ka ba, hija?” tanong ng mayordoma sa kaniya. Mas piniling hindi sumagot ni Claire at payak na ngumiti lamang. Kahit paulit-ulit niyang sabihin sa sariling hindi dapat ikasama ng loob ang kawalan ng pakialam sa kaniya ni Sandro, hindi niya pa rin maiwasang masaktan. Nagpatuloy sa pagdidilig ng halaman si Claire habang si Sandro naman ay maagang lumangoy sa swimming pool na katabi ng hardin. “Napakagwapo ng alaga ko, hindi ba?” pasimpleng turan ni Manang Melba. Sumang-ayon naman sa kaniya si Claire, “Opo, sa sobrang gwapo niya paniguradong napakaraming babae na ang umiyak dahil sa kaniya,” parinig pa nito. Napalingon sa kaniya ang matanda, ang totoo, lapitin lang ng babae si Sandro pero hindi ito mahilig makipaglaro sa kanila.“Isang babae lang ang minahal ni Sandro, noon hanggang ngayon.” Kumunot ang noo ni Claire sa sinagot niya. “Hanggang ngayon? Ib
Chapter 25: Ice Cream Monster“Ice cream order no.5!” sigaw ng waiter mula sa counter ng shop. Tumayo kaagad si Carlo upang kunin ito. Tahimik namang nagmasid sa kaniya si Claire, unti-unting namamangha kung paanong kalmado at napakapresko ng ugali nito.“I was once Carlo the Barbarian,” turan nito habang naglalakad. “But now, I'm the ice cream monster!” Napatawa sila ng sabay–ang mukha ni Claire halos mamula na sa paghagikhik simula pa kanina. “Bakit ice cream monster pala?” nagtatakang tanong nito sa binata. “You’ll know why later,” misteryosong sagot ni Carlo sa kaniya. Napakibit-balikat na lang si Claire at hindi na nagtanong pa. Pagkalapag pa lang ng ice cream, agad nila itong nilantakan. Habang nagkukwentuhan sila, biglang naungkat ni Carlo ang pagiging manunulat ni Claire. “Can I have an autograph?” wala sa usapang bungad nito. Kumunot ang noo ni Claire sa kaniya, hindi naman kasi siya artista, pero ang isang mayamang katulad ni Carlo ay humihingi sa kaniya ng autograph.
Chapter 24: Lap“We’re going to have an interview with a famous celebrity,” ani ni Sandro habang papasok sila ng kotse. Naayos na nila kanina ang problema sa panloob kaya pupwede nang umalis ang dalawa papunta sa isang rest house ng mga Escalera. Doon kasi gaganapin ang live interview kasama si Marites Cordoves. Pagkaupo nila, nakaramdam kaagad ng antok si Sandro kahit hindi pa nagsisimula ang biyahe. Pati si Claire naawa sa kaniya. Sayang nga lang at wala silang dalang unan sa loob ng sasakyan. Pero habang nagsisimula nang magmaneho ang driver, biglang nagsalita si Sandro. “Sit properly,” utos nito. Napalunok sa kaniya si Claire, pero agaran ding sumunod sa utos.“Bakit?” tanong nito. Huminga ng malalim si Sandro bago sumagot. Di niya akalaing gagawin niya ito sa asawa. “I’ll sleep on your lap,” saad nito, habang papahiga na. Halos hindi makahinga si Claire ng maramdaman niya ang ulo ng ni Sandro sa kaniyang mga binti. Ang init ito ay kakaiba at nakakapagkalma ng kaunti. Kahit
Chapter 23: Dosage of SerotoninBago umalis si Sandro, bigla niyang naalala ang isang interview kasama ang sikat na TV host. Habang hinahatid siya ni Claire sa garahe, sinabi niya ito sa asawa.“Pack your things, we'll be leaving tonight,” payak na sabi nito. Naguluhan sa kaniya ang asawa dahil sa pagiging biglaan. “Bakit? Saan tayo pupunta? Di ka man lang nagsabing aalis pala tayo,” pag-alma ni Claire sa kaniya. Huminga ng malalim si Sandro, ang pagiging madaldal ng asawa ay unti-unting nakakaubos ng kaniyang social battery. Kailangan niya pa naman ito sa trabaho.“No more buts, pack your best clothes. I'll be back tonight.” Napangiwi sa kaniya si Claire. Hindi naman nito sinagot ang kaniyang tanong. Pero imbes na kumontra, hinayaan niya lang na umalis ang asawa. Kahit anong dada kasi ni Claire, parating si Sandro pa rin ang masusunod. Pagkaakyat niya ng kwarto, tumambad ulit ang isang piraso ng bulaklak. Sa tangkay nito, may nakadikit na kapirasong papel. ‘C’Hindi maiwasang m
Chapter 22: Hubby! “I said, call me hubby!” galit niyang sambit. Mabilis naman itong sinagot ni Claire, “Hubby!” natataranta niyang sambit. Dahil sa nalibang sila pareho, nakalimutan ni Sandro na malapit nang bumukas ang elevator. Pagtunog nito, naabutan sila sa parehong posisyon ng mga empleyado. Kumuha ng litrato ang ilan, at nakapagtatakang hindi ito pinakialaman ni Sandro.Lumabas lang sila ng elevator na parang walang nangyari. Alam niyang kakalat sa internet ang mga litrato, at ‘yon mismo ang plano niya. Pagdating nila sa kotse, bumalik ulit ang malamig na pag-uugali ni Sandro. Ni kibuin ang asawa, hindi nito ginawa. Kailangan pang mauna si Claire na magsalita. “Ano pala ang gusto mong kainin na hapunan? Ipagluluto kita ulit,” alok nito. Binuksan ni Sandro ang makina nang hindi man lang tinitingnan si Claire. Sumagot ito ng walang amok, “I’m already full.”Muling nasaktan si Claire sa pagtanggi nito. Unti-unti siyang nakararamdam na may pakialam lang sa kaniya ang asawa sa
Chapter 21: Carlo the BarbarianIsang malakas na kalampag ang gumising kay Claire. Sa wakas, matapos ang ilang oras na paghihintay sa loob ng banyo, may makapansin na ring mawawala siya. Inakala niyang si Sandro ito kaya dali-dali siyang yumakap pagkabukas pa lang ng pinto. “Thank you, akala ko ro’n na ako mabubulok,” mangiyakngiyak niyang sabi. Nanigas si Carlo sa biglaan nitong pagyapos sa kaniya. Ang mabango niyang buhok ay nakapang-agaw pansin din sa binata. May pinaalala itong babae. Isang mahinang tawa na lang ang sinagot ni Carlo sa kaniya, “Uhmm… I'm not your husband,” pambabasag nito ng katahimikan. Agad na bumitaw si Claire sa kaniya. Namula ito sa hiya at napayuko. “Pasensya na po Sir, akala ko kasi si Sandro,” paghingi nito ng paumanhin. Tumawa nang payak sa kaniya si Carlo, sinusubukang maging kampante sa kaniya si Claire. “Don’t mention it, I'm totally cool with it.” Napangiti sa kaniya ito bago yumakap ulit. Sa sobrang tuwa ay wala na siyang mapagsidlan ng sarili.
Chapter 20: Closed Doors Habang pinupunasan ni Claire ang basang katawan ng asawa, hindi niya maiwasang kabahan. Bagama't walang pakialam sa reaksyon niya si Sandro, labis-labis pa rin ang pag-iingat ni Claire. Ang maliit niyang kamay ay nanginginig at malapit nang mawalan ng lakas. Sa oras na magkatitigan sila ng asawa niya, napalunok ito ng lalalim. Hinawakan ni Sandro ang kamay ni Claire at siya mismo ang gumabay dito para matuyo ang basang parte ng kaniyang katawan. “Be careful next time,” paalala nito. Bago pa makasagot ang asawa, bumalik kaagad si Sandro sa pagtitipa sa laptop. Halatang busy ito at seryoso sa ginagawa. Marahil isang malaking proyekto ang kaniyang inaasikaso. “May kailangan ka pa ba?” masugid na tanong ni Claire. Huminto ng saglit ang kaniyang asawa at nag-isip. Ang katotohanan wala na siyang gustong ipagawa sa asawa pero nalilibang siyang may kasama. Kahit papano, hindi umiinit ang ulo niya sa mga dapat gawin kapag may maasar o mapapagalitan siya. “I
Chapter 19: A Flower a DayMaagang nakatulog si Claire nang araw na iyon dahil sa pagod. Hindi na niya nagawang antayin pa ang asawang makauwi para humingi ng tawad sa nagawang kasalanan. Pero pagkagising niya, hindi inaasahang may isang piraso ng bulaklak ang nag-aantay sa labas ng kaniyang pintuan.Hindi maiwasang mapangiti siya, “Ang bango, paniguradong galing kay Sandro ‘to. Humihingi siguro siya ng sorry.” Nagmamadali siyang bumaba para magpasalamat pero pagdating niya sa kusina, nakaalis na pala ito. Tinamaan kaagad ng lungkot si Claire. “Hayy naku ate, masyado mo na namang dinidibdib lahat. Babalik din ‘yon, pasalamat ka na lang sa bulaklak,” pabirong sabi ni Bryan. Sumang-ayon sa kaniya ni Manang Melba, “Tama nga naman ang bata. Isipin mo, napakabihirang magbigay ng bulaklak ni Sandro.” Habang inaamoy niya ang bulaklak, bigla niyang nakapa ang isang maliit na papel sa tabi ng tangkay nito. A flower a day…Mas lalong napangiti si Claire, buong umaga tuloy siyang masaya at
Chapter 18: Winter WarDaan-daang luha ang bumuhos mula sa mata ni Claire, dahilan para mamugto ang mata nito kinabukasan.“Umiyak ka ba, hija?” tanong ng mayordoma sa kaniya. Mas piniling hindi sumagot ni Claire at payak na ngumiti lamang. Kahit paulit-ulit niyang sabihin sa sariling hindi dapat ikasama ng loob ang kawalan ng pakialam sa kaniya ni Sandro, hindi niya pa rin maiwasang masaktan. Nagpatuloy sa pagdidilig ng halaman si Claire habang si Sandro naman ay maagang lumangoy sa swimming pool na katabi ng hardin. “Napakagwapo ng alaga ko, hindi ba?” pasimpleng turan ni Manang Melba. Sumang-ayon naman sa kaniya si Claire, “Opo, sa sobrang gwapo niya paniguradong napakaraming babae na ang umiyak dahil sa kaniya,” parinig pa nito. Napalingon sa kaniya ang matanda, ang totoo, lapitin lang ng babae si Sandro pero hindi ito mahilig makipaglaro sa kanila.“Isang babae lang ang minahal ni Sandro, noon hanggang ngayon.” Kumunot ang noo ni Claire sa sinagot niya. “Hanggang ngayon? Ib
Chapter 17: Body and Heart Aches“Oh ba’t nakasimangot ka? Dapat nga masaya ka dahil may libreng taekwondo training ka, Ate.” Hinarap ni Claire ang kapatid habang tinataas ang mga brasong may pasa. Kitang-kita sa maputi nitong balat kung anong klaseng pag-eensayo ang pinagdaanan niya ngayong araw. “Ang sakit na ng katawan ko, tapos magtatanong ka pa kung bakit ako nakasimangot? Ikaw na lang kaya magpaturo kay Sandro!” litanya nito kay Bryan. “Ops! Diba dapat ang tawag mo sa kaniya ‘hubby’ at hindi Sandro?” pang-aasar nitong saad. Parang dumaloy ang lahat ng dugo ni Claire sa kaniyang mukha. Kahit ilang beses na niyang tinatanong kung bakit kailangang hubby ang itawag sa kaniya, hindi ito sinasagot ng maayos ni Sandro. Sinaway niya na lang ang kapatid bago pa siya maubusan ng pasensya at mapakitaan ito ng ’deadly moves’ na kung tawagin ng asawa. “Tumahimik ka na nga, umakyat ka na lang dahil baka