MAE'S POVNapa titig ako sa patay na ibon at mga nag kalat na mga larawan sa sahig.Mga larawan, na hindi ko na kayang masikmurahan na makita.No.Paano?Hindi pwede!Gumilid na ang luha sa aking mga mata; takot na malaman ng lahat ang aking maitim na sekreto.Hindi na ako nakapag-isip ng matino at lumuhod na ako sa sa tiles para isa-isang damputin ang mga nag kalat na mga larawan."N-No, hindi pwede. Hindi pwedeng malaman ito ng lahat." Paulit-ulit kong nasambit at nataranta na akong pinulot ang mga larawan para madispatsa na. Sa aking pag mamadali; kusa nang bumagsak ang katawan ko sa malamig na tiles at nabahiran ng dugo ang aking katawan. "Hindi dapat na malaman ito nang lahat. Hindi t-talaga pwede," nababaliw na paulit-ulit na sinasabi ni Mae ang katagang iyon kasabay ang pag agos ng luha sa pisngi. Kinuha ko ang litrato at nilagay iyon sa basurahan at pati na rin ang patay na ibon. Sunod ko naman na kinuha ang malinis kong damit at pinunasan ang mantya ng dugo na nag kalat sa
LEA KRISTINE'S POVKanina pa malalim ang iniisip ni Lea sa pag mamaneho. Dapit alas kwatro nang hapon na mapag pasyahan nilang umuwi. Nasa tabi ko lamang si Steven naka-upo, kahit hindi ito mag salita ramdam ko pa din ang pasulyap-sulyap nito na tingin sa akin."Mommy?""Hmm?""Gusto ko po mag ice-cream," pabulong nitong saad."Sige sweetheart."Hininto ko ang sasakyan sa gilid lamang na ice-cream shop na madalas namin puntahan ni Steven. Hindi naman gaanong matao pag punta namin doon kaya mabilis kaming naka-hanap ng pwesto na mauupuan.Nag order na rin ako ng favorite namin pareho na chocolate mint ice-cream."Kumain kana, anak." Nilapag ko sa table ang order at kaharap ko lamang si Steven sa table.Excited na simulan ni Steven na lantakin na kainin iyon. Mga ilang subo pa lang ang nagawa nito; natigilan muli ang anak ko. Nag tatakang tumitig sa akin."Hindi ka po kakain, Mommy?"Umiling ako. "Hindi anak. Busog pa ako. Sige lang kain ka lang nang marami." Pag papasunod ko pa."Bakit
MAE'S POV"Hello, Louie." Nag lalakad si Mae palabas nang kompaniya na tumawag ang mahalagang tauhan."Pinag aralan ko nang mabuti kong sino at saan galing ang regalo na nag padala sa'yo ng package at nakuha ko na ang address,""Talaga? Saan?" Nahinto ako sa pag lalakad na marinig ang sinabi ni Louie. "Maraming salamat Louie," pinatay ko na ang tawag namin sa isa't-isa sabay silid ng cellphone ko sa bulsa. Nilakihan ko ang hakbang ng paa ko at ang mukha ko naging porsigedo na puntahan ang lugar at parusahan kong sino man ang taong nag padala sa akin ng regalo.Hindi na pinansin ni Mae ang mga empleyado na nag babati sakanya bagkus nilampasan niya na lang iyon lahat. Nang maka rating na sa parking area, pinindot niya kaagad ang car keys kaya't bumukas naman ang pintuan para hindi na siya mahirapan pumasok. Sumakay na si Mae sa sasakyan at nilagay na rin doon ang mga mahahalagang gamit na dala niya."Malalaman ko din kong sino ka," tiim-bagang asik sabay hawak nang mahigpit sa manibela
MARK SAMUEL'S POV"Maraming salamat, Mr. Montecillo. Malaking tulong na rin ang pag donate mo ng malaking halagang pera para sa skwelahan na ito. Maidagdag namin ang perang ito para sa mga pangangailangan ng mga mata dito sa skwelahang ito," kasalukuyan naroon si Mark sa Opisina ng Principal kong saan nag-aaral ang kanyang anak. Hindi lamang ito ang unang pag kakataon na mag bigay si Mark ng donation sa skwelahan pero matagal niya na itong ginagawa. Hindi lamang skwelahan ang sinu-suportahan niya kundi rin mga charities at ilan pang mga bahay-ampunan. Ilang taon na rin simula na mag lago ang kompaniya ni Mark; at isa rin sa naging goal na gawin ang mga bigay nang tulong sa mga nangangailangan. "Sandali lang, at ipag uutos ko sa tauhan kong ipag handa ka ng maiino—-" tinaas ni Mark ang kaliwang kamay; senyales na pag tatanggi sa offer nito.Nataranta naman kaagad ang principal sa pag-tayo ni Mark. Para sa principal, isa si Mark sa mga taong nirerespetado dahil ito na rin ang isa sa m
MARK SAMUEL'S POV"Hello? Yes! Papunta na ako diyan!" Iba ang mustra nang mukha ni Mark sa kausap sa telepono. Simula pang umaga siya nakakatanggap ng samo't-sarong text at tawag, mula sa secretary at mahalagang kasusyo niya.Inulan na ng maagang problema na kinakaharap ang kompaniya niya kaya't hindi na maganda ang gising ni Mark. Katapos lamang kausapin ni Mark ang secretary, sumunod naman ang tawag mula sa importanteng tao. "Fuck! I don't know how it happened at hindi ko alam kong bakit naka-labas ito." Asik niya sa kausap. "Please tell Mr. Hamington I will fix this problem. I'm going to the company now," napa-hilot si Mark sa sariling noo at binabaybay pababa nang hagyan at sinilid na ang cellphone sa bulsa."Hon, saan ka pupunta?" Salubong ni Mae; nag tataka rin ito na kailangan niya ng umalis. "Papunta kana ba sa kompaniya? Sumabay kana sa amin ni Mia, kumain nang almusal. Tumulong din ako kay Manang sa pag-luluto ngayon." Paanyaya nito.Gustuhin man sana ni Mark na sumabay sak
MAE'S POV"Lea," sa paraang tinig ni Mae, may galit na makita ito.Anong ginagawa niya dito?"Narito ka lang naman Mae, ipapakala ko sa'yo ang bago nating investor. I would like you to meet Lea Kristine Sandoval- Montecillo," pakilala ni Dad na labis ko naman kina-baling ng tingin sa sinabi nito. Ha? Ano investors? Bakit hindi ko alam ito?Anong ibig sabihin nito?Maraming katanungan sa isipan ko sa mga nangyari. Natural lamang nakikipag-usap si Dad, pangiti-ngiti pa na kaharap si Lea.Gusto ko sanang sumagot at tumutol sa naging desisyon ni Dad, subalit pinili na lang ni Mae na manahimik. Hindi niya pwedeng kontrahin ang Ama sa desisyon nito, at posibilidad na pagalitan siya nito. Kahit retired na ang Ama ni Mae takot pa din sila ng kanyang Ina na kontrahin lahat ng mga desisyon at gusto nito."Pasensiya na po Mr. Chavez, kong ako ang pumunta dito. May mahalaga kasing business meeting ang kapatid kong si Reynard sa Dubai at ganun din ang isa ko pang kapatid," "Naiintindihan ko nam
MAE'S POVKanina pa pabalik-balik nag lakad si Mae sa loob mismo ng silid nila Mark. Aligaga at hindi alam ang dapat gawin.Mamula-mula na ngayon ang mukha sa galit dahil na rin sa nangyari kanina sa Opisina ng kanyang Daddy at isa na rin ang napa-galitan siya nito dahil sa kapalpakan niya.Simula no'ng maging CEO si Mae ng kanilang kompaniya, sinikap niya talaga na hindi magalit o madissapoint ang kanyang Ama. Pinipilit niyang mahigitan na mahalin at mapansin din siya ng Ama gaya nang pag-mamahal nito kay Ivonne.Gusto niya maramdaman na puriin ng Ama sa lahat na mga achievement sa pamamalakad niya sa kompaniya.Lahat nasira dahil sa'yo Lea!"Hayop ka talaga, Lea." Nanlilisik na ang mata ni Mae sa galit. Sinisisi niya ngayon si Lea kong bakit nagalit ang Daddy niya sakanya. "Pag babayaran mo ang ginawa mo sa akin! Tandaan mo ito ughh!" Napa-sigaw si Mae sa galit.Hindi lang ngayon, galit nang Ama ang kinakaharap ni Mae kundi kailangan na kausapin niya si Lea na mag tuloy ng investm
MARK SAMUEL'S POV"Hello, Mr. Hamington? Inaayos ko na lahat na problema. Ako na bahala mag-ayos nito a—- Hello? Hello?" Tinignan ni Mark ang cellphone at wala na doon ang kausap.Kina-pikit niya nang mata at kulang na lang wasakin ang cellphone na hawak sa gigil at galit na nadarama. "Putangina talaga!" Nasuntok ni Mark sa galit ang lamesa.Bumigat ang kanyang pag-hingga na ngayon sunod-sunod nag sidatingan ang mga problema na kinakaharap ng kanyang kompaniya.Pabalang na binagsak ni Mark ang hawak na cellphone sa table; hindi pa rin humuhupa ang galit na kanyang nadarama. Ilang minuto bumukas ang pintuan ng Opisina ko at pumasok ang secretary ko na pawisang nag mamadali."S-Sir," hinahabol pa nito ang pag-hingga para lamang ipamalita sa akin kong ano man ang nalaman nito."What?!" Bulyaw na sigaw ni Mark sa secretary nito, namutla sa takot na paninigaw sakanya ng kanyang Amo. "Ano? Nahanap mo na ba ang tarantadong nag labas ng mga impormasyon sa JTB Corporation?""H-Hindi po Sir." A
Special ChapterLEA KRISTINE'S POV"Lea." Ang boses ng bagong dating sa aking likuran ang mag pangiti sa akin. Sinalubong ko ng halik at biso ang bagong dating na sina Mom and Dad kasama nila si Jamie. Lahat sila naka porma at sosyal ang mga damit. Alas tres pasado ng hapon na sila naka rating sa bahay namin, saktong-sakto sa oras na mag sisimula ang party."Mom, Dad." Nag mano ako sa mga magulang ni Mark."Late na ba kami Hija? Ito kasing Mommy mo, ang tagal-tagal mag mag bihis kaya nahuli na kami." Tugon ni Dad at sinisisi ang asawa. "Oh bakit ako? Kong hindi lang tayo naipit kanina sa traffic at baka kanina pa tayo naka rating dito." Depensa naman ni Mom na hindi mag papatalo. Napapangiti na lang ako sa pag tatalo ng dalawa, na kahit ganun ang sweet tignan."Okay lang po iyon. Sakto lang naman ang dating niyo at mag sisimula pa lang naman po ang Party. Naroon na rin ang ibang bisita sa loob," wika ko pa. "Halika po, pasok na tayong lahat sa loob." Paanyaya ko at nauna na akong pu
LEA KRISTINE'S POVHininto ko ang sasakyan sa tapat ng bahay at napansin ko kaagad ang isang babaeng naka tayo sa labas ng gate namin,suot ang simpleng kasuotan. Pasilip-silip ito pero hindi ko makilanlan kong sino nga ba talaga ito dahil naka talikod ito sa akin.Hindi siguro napansin ng babae ang aking pag dating, kaya lumabas ako sasakyan para lapitan at alamin kong ano nga ba talaga ang sadya nito."Miss?" Pukaw kong tawag dito at pareho kaming dalawa nagulat nang makilala namin ang isa't-isa."Jamie?" Hindi ko alam kong ano ang ginagawa niya sa tapat ng bahay ko na pasilip-silip kanina pa."Lea," alangan itong tawag sa aking pangalan na nahihiya pa. "Nandito ka pala. Sinabi kasi sa akin ni Kuya Mark na dito kayo naka tira, kaya pumunta ako dito at nag babakasali na makita ang pamangkin ko.. Huwag kang mag-alala aalis din naman ako at hindi ako makikigul——" tangka itong lilisan na na kaagad naman akong suminggit."Jamie,gusto mo bang mag meryenda muna sa loob?" Ang tanong ko ang m
MAE'S POV"Ano ka ba Attorney, gumawa ka naman ng paraan para maka-alis ako sa lintik na lugar na ito. Hindi dapat ako makulong dito, gumawa ka ng paraan!" Hinampas ko nang malakas ang lamesa na nag haharang sa pagitan naming dalawa kasabay ng malakas na tunog na umalingawngaw sa silid na iyon. Hindi ko maiwasan na mag labas ng galit at mag taas ng boses sa nakuha kong attorney na wala naman ginagawang hakbang para tulungan akong maka-labas dito.Nag uusap silang dalawa sa pribadong silid at ang pulis, naka bantay sa labas.Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang palad ko, nangangayat at nangingitim na ang ilalim ng aking mata na hindi maka tulog at maka isip ng matino na ngayo'y naka piit ako sa kulungan at wala masyadong magandang tulugan na magiging komportable para sa akin.Hindi ito ang kailangan ko.Kailangan kong maka alis sa lalong madaling panahon para pag bayaran ko ang mga tao sa likod ng aking pag bagsak.At isa kana doon Lea!"Ang laki-laki ng binabayad ko sa'yo, tapos sin
LEA KRISTINE'S POV"Iyong hini-hinggi ko sa'yong mga files, kailangan ko na iyon mamayang hapon." Nasa Opisina ako at kasama ang secretary, binibilin ang dapat gawin."Yes Mam.""Basta maipasa mo na sa akin ang mga reports at huwag mong kakalimuta—-" hindi ko na natapos ang sasabihin at napahinto ako sa pag lalakad ng mag paagaw ang atensyon sa akin na makita ang familiar na bulto na naka tayo at bagong dating lamang.Napa-lunok na lamang ako ng laway na makilalanlan kong sino ito.Insoo?Mag kaharap kaming naupo ni Insoo sa upuan sa cafeteria sa loob ng kompaniya. Bandang alas dos na nang hapon kaya wala na masyadong mga taong kumakain at bilang mo na din talaga ang naiwan doon ang ilan umiinom o kaya naman tumatambaly saglit.Pinag lalaruan ko na lang ang kamay ko, at pinakiramdaman si Insoo na tahimik lamang naka upo sa harapan ko. Kanina pa ito tahimik simula no'ng dumating kami dito, nag hihintay siguro ng tyempo kong paano sisimulan ang pag-uusap naming dalawa.Mahigit limang ar
MAE'S POVLea?Siya ang may kagagawan nito?Ang malakas na palakpak lamang ni Lea ang maririnig mo sa loob ng venue, nanahimik ang lahat ng naroon at bumaling ang tingin nila sa akin. Lahat sila galit na galit at nililitis nila ako sa paraang titig nila, sabay takpan ng mukha ko na nasisilaw sa paulit-ulit na kinukuhanan nila ako ng litrato."This is not, happening. Hindi ito totoo, h-hindi." Iyan na lang ang paulit-ulit kong sinasabi, winawaksi sa isipan kong hindi totoo ang mga ito at gusto ko ng magising sa masamang bangungot."Mae!" Ang malakas na sigaw ni Dad ang mag balik takot sa aking puso. Naka tayo na ito at ang mukha sobrang dilim na hindi mailabas ang galit at sama ng loob na ako ang may kagagawan sa pag kamatay ng paborito niyang anak na si Ivonne. "Ikaw! Walang-hiya ka! Ikaw ang pumatay sa kapatid mo-ahhh!" Humawak si Dad sa bahagyang dibdib, bahagyang naninikip ang dibdib."Hon, Hon." Mabilis naman itong inalalayan ni Mom si Dad na hihimatayin kasama ang ilan pa naming
MAE'S POV"Lea?" Kahit na rin ako nagulat nang makita ko si Lea sa harapan ko na may ngiti sa labi. Suot ang fiited tube red dress, at sa gilid may slit kaya lumabas ang maganda at maputi nitong legs sa suot. Hinayaan lamang nitong naka lugay mahabang buhok at sa laylayan bahagyang kinulot."Hi, Mae." Tinaas ang kaliwang kamay para lamang batiin ako. Hindi ko nagustuhan ang pag bati nito maski na rin ang presinsiya nito na naroon sa birthday party ni Dad. Imbes na sumagot, lumapit ako sakanya sabay hablot nang braso nito na galit na paraan para paalisin. "What are you doing here? Umalis kana, kong sisirain mo lang ang magandang gabi na ito sa Daddy ko." Humigpit ang pag kakahawak ko sa braso nito at nanlaban din si Lea sa pag hila ko sakanya.Hindi ko hahayaan na ang isang kagaya niya, sisirain lamang ang magandang araw na ito sa Dad ko."Oh my god Mae, seriously? Ganiyan kana ba ngayon mag isip?" Makatwang tumatawa itong hindi makapaniwala. "Paano mo naman nasabing sisirain ko ang g
LEA KRISTINE'S POVKanina pa ako hindi mapakali na tinatawagan simula kagabi ang numero ni Insoo, ngunit hindi nito sinasagot ang tawag ko sa kanya kahit na rin ang text. Simula no'ng pumunta ito sa aking Opisina kahapon at ipag tapat ang tunay na nararamdaman sa akin, hindi na ako nag karoon ng pag kakataon na mag kausap kaming dalawa ng masinsinan at ipaliwanag dito ang lahat.Alam kong nasaktan ko siya.Hindi ako sanay na ganito kami na dalawa na may hindi pag kakaintindihan na dalawa.Paano na lang kong hindi niya na ako kausapin?Paano na lang, kong tuluyan na niya akong iwasan at layuan?Iniisip ko pa lang na mangyayari iyon, may takot na kaagad sa aking dibdib. Naranasan ko na noon na iwan ng mga taong importante sa akin at ayaw ko na muling ranasin pa ang sakit at bigat sa dibdib kapag ganun."Pick up the phone, Insoo. Pick it up," taimtim kong dasal na ngayo'y nag ri-ring naman ang cellphone nito sa kabilang linya at hindi ako nauubusan ng pag-asa na mag kausap kaming dalawa.
MAE'S POV"So you we're saying na nakita mo ang babaeng naka-dress no'ng pumunta siya dito sa kompaniya?" nabuhayan ang aking dibdib ng pinamalita ko sa aking mga empleyado na pinapahanap ko kong sino ang naka-kita sa babaeng naka-dress. Pangalawa lamang ang babaeng ito na lumapit sa akin na nakilanlan nito ang babaeng hinahabap ko."Yes Mam," pag sasang-ayon nito. Nag trabaho ito sa ibang department na aking nasasakupan pa naman at base pa lang sa kilos at galaw nito mukhang may alam nga talaga ito. "Nakita ko po ang babaeng hinanap niyo nang bandang hapon na po iyon. Naka sabay ko pa nga siya sa elevator at kami lang na dalawa ang sakay ng mga oras na iyon," sagot pa nito na hindi na ako mag padaunggaga sa aking kina tatayuan na malaman pa sakanya ang iba."So what else? May napansin ka bang kakaiba? Nakilalanlan mo ang mukha niya, ano?" Nilapit ko pa ang mukha ko sakanya na hindi na makapag hintay na malaman pa sakanya ang iba pang detalye. Hindi na rin ako pinapatulog kakaisip kon
LEA KRISTINE'S POV"Mommy, bilisan mo po." Excited na hini-hila ni Steven ang aking kamay para bilisan ang aking pag lalakad. Nag patanggay na lamang ako sa pag hila niya sa akin at hindi na maitago sa mukha ng anak ko ang excitement."Sandali lang anak," wika ko pa. Ramdam ko ang pag sunod sa amin ni Mark sa likuran namin na naka-pamulsa at pinapanuod kaming nauna na.Matapos naming kumain ng tanghalian, dumiretso na kaming tumunggo sa Manila Ocean Park para mamasyal, dahil iyon ang pangako ni Mark sa anak ko na pupunta sila na mag kakasama doon. Tutol man sana ako na kasama namin siya ngayon, pero ayaw ko naman na ipag kait sa anak ko ang maging masaya kahit sandali lamang.Ramdam ko naman talaga na gusto nitong makasama si Mark.Pag dating namin sa mismong entrance, marami ng mga tao ang naka abang at ilan sa mga ito naka-pila na. Iilan sa mga nakita ko ang mga mag kakaibigan, mag asawa at ang iba naman kasama ang kanilang mga anak sa pamamasyal.Pumila na kaagad kami para maagang