Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya.
“Y-Yuri.”
Hindi ko alam ngunit bigla akong kinabahan sa hindi niya pagkibo, patuloy lang siya sa pagmamaneho at tila walang naririnig.
Hanggang sa huminto na ang sasakyan kaya’t mabilis akong napatingin sa paligid, madilim.
“U-umuwi na tayo Yuri.” Halos pabulong na lamang iyon dahil nilalamon na ako ng kaba.
“Get out.”Mariin nitong tugon.
“A-ano? Pero madilim dito.”
“I don’t give a damn.”
“P-paano ako makakauwi nito?”
“What the hell? Why are you so noisy? Can you please just get out?”
Wala na akong nagawa kun’di bumaba sa kotse niya kaya’t mabilis na malamig ang hanging yumakap sa akin.
Narinig ko rin ang pagbukas ng sasakyan niya at lumabas naman ito, napakunot ang noo ko, hindi ba niya ako iiwan rito at hahayaang maglakad na lang pauwi?
“Will you just stand there?” Masungit nitong tanong kaya’t mabilis akong tumalima at sumunod sa kaniya. Ngayon ay unti-unti kong nabibigyang pansin ang ganda ng lugar. Pakiwari ko’y nasa mataas na bahagi kami ng kalsada ngunit nadaraananan pa rin naman ng mga sasakyan, at sa harap ko’y isang malalim na bangin habang ang naggagandahang ilaw mula sa syudad ay matatanaw mula rito.
“I like your sister, Britanny.”
Nagulat ako ng basagin nito ang katahimikan. At tila nagpantig ang aking tainga ng tawagin ako nito sa aking pangalan, kailanman simula ng kami’y ikasal ay hindi ako nito tinatawag na Britanny.
“A-alam ko.”
Iyon na lamang ang naitugon ko at huminga nang malalim.
“And I don’t feel anything on you.” Dagdag pa nito.
Nagkibit-balikat na lamang ako, umupo sa damuhan at pumikit.
“Ako rin naman Yuri.” Sagot ko rito.
“You still love him?” Tanong ng lalaki na naging dahilan kung bakit ako napamulat sa di inaasahang tanong.
“O-oo naman, hindi ba halata sa ikinilos ko kanina? Isa pa, kagabi ko lamang nalaman iyon, bago ako umuwi sa bahay.” Halos pabulong ko na lamang nasambit iyon nang makaramdam ako ng bigat sa dibdib.
“H-hindi naman agad nawawala ang pagmamahal ng isang araw lang.” Dagdag ko pa, at muling ibinaling ang atensyon sa magandang tanawin, hanggang hindi ko na namalayan ang isang butil ng luha na umalpas mula sa aking mata.
“Then there’s no reason for this marriage to continue.”
Malamig na tugon nito bago naglakad pabalik sa kotse, gusto ko pa man manatili roon ay kailangan ko nang sundan ang lalaki dahil alam kong hindi ito magdadalawang-isip na iwan ako roon.
“I’ll give you the divorce papers tomorrow to sign.”
Iyon lamang ang sinabi nito bago sinimulang patakbuhin ang sasakyan. Hindi na ako sumagot,sumandal na lamang sa sandalan ng upuan at pumikit.
Napakibilis naman niya makuha ang mga papeles para sa divorce, mahigit isang buwan pa lamang kaming kasal. Kung sa bagay, marami itong pera, madali lamang manipulahin at pabilisin ang proseso para sa mga katulad niya, lalo na’t panigurado akong may koneksyon ito sa taas.
Siguro nga’y dapat ko na lamang itong pirmahan at magpakalayo-layo na lang, pero saan naman ako pupulutin pagnagkataon? Hindi sapat ang pera ko sa bangkong naitago, kung hihingi naman ako sa kanya ng pera ay hindi kakayanin ng pride ko ‘yon. Hangga’t maaari ay ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa kaniya o kung kanino man. Bahala na bukas,sa pagkakataong ito ay gusto ko na lamang magpahinga kaya’t nang tumigil ang sasakyan ay alam kong nasa tapat na kami ng mansyon. Walang imik kaming bumaba sa sasakyan at dumiretso sa kaniya-kaniya naming kwarto na para bang walang nangyari, uhaw na uhaw sa pahinga.
Kinabukasan ay mabilis ang naging kilos ko dahil pupunta akong simbahan ngayon.Ilang linggo na rin akong hindi nakakasimba, at napakalaki na ng kasalanan ko dahil ginagamit ko pa ang simbahan sa tuwing aalis ako at makikipagkita kay Kier.
Hindi na ako nag-abala pang magluto dahil hindi ko na naabutan si Yuri. At nang makababa ako sa hagdan pumasok muna ako sa kusina upang uminom ng tubig, sa labas na lang ako kakain, napukaw ang aking atensyon ng isang papel sa ibabaw ng lamesa.
Kunot-noo akong lumapit dito at binasa iyon. Hindi na ako nagulat na Divorce papers iyon, seryoso pala talaga si Yuri na makipaghiwalay sa akin. Ngunit bakit dito niya kailangang ipatong pa? Kung sa bagay lagi naman akong tambay ng kusina.
Huminga ako nang malalim bago tinitigang maigi ang papel, at napagdesisyonang mamaya ko na lang pipirmahan pagkauwi, siguro’y kailangan ko din munang pag-isipan iyon .
Nang makarating ako sa simbahan ay agad akong nagtirik ng kandila at taimtim na nagdasal na sana’y maging maayos na ang lahat, bagamat nawawalan na ako ng pag-asa na bumalik si ate Beatrice ay may mumunti pa ring parte sa puso ko na naniniwala na babalikan niya ako at siya na ang aako sa kanyang responsibilidad na iniwan sa akin.
Bago ako lumabas ay may grupo ng mga kolehiyo na papasok sa simbahan, nakasuot sila ng uniporme na taas-noo ko ring sinusuot noo, nang dumaan sila sa gawi ko ay namukhaan ko kung sino ang mga ito. Sila Kier, kasama si Amber at ang iba pa naming kaklase sa medisina.
Napayuko ako nang magtama ang mata namin ni Kier.
“Is that Britanny?” Boses iyon ni Clarissa, isa naming kaklase.
“She lost much weight.” Dagdag pa nito.
Napahinga ako nang malalim at pilit na iniiwas sa kanila ang tingin at nagpatuloy sa paglalakad.
“I still can’t believe that she won’t pursue medicine anymore.” Narinig ko pang pahabol nito bago ako tuluyang makalabas ng simbahan habang patuloy na dinadaga ang puso ko.Kasunod nito ang panghihinayang at di maiwasang inggit ang namuo sa aking puso. Napangiti na lamang ako ng mapakla at sumakay sa aking sasakyan.
Noon ay sila itong umamin na naiinggit sa aking estado sa buhay, bilang bunsong anak ng mga Salcedo, para sa kanila ay isang malaking pribelihiyo iyon, ngunit kung masasaksihan lang nila ang kaganapan sa aming mansyon ay hindi na nila nanaisin pang maging isang anak ng mga Salcedo.
Tumingin ako sa salamin ng aking kotse at hindi ko na namalayan pa ang luha na kanina pa pala umaagos. Mariin ko itong pinahid at sinimulan nang paandarin ang kotse.
Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ko at dinala ako nang aking pagmamaneho sa kompanya ng mga Ivanov.
Kailanman ay hindi pa ako nagagawi rito. Sadya ngang tunay na kahanga hanga ang gusali, napakataas nito at napaka elegante ng desenyo.Hindi ko maiwasang hindi humanga nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng kompanya.
“Good morning Ma’am do you have a scheduled appointment today?” Bungad sa akin ng babae ng lapitan ko iyon upang magtanong kung saan ang opisina ni Yuri.
“Hi, saan dito ang opisina ni Yuri Ivanov?” Tanong ko rito at bahagyang ngumiti.
Natigilan ito saglit at hindi nakaligtas ang paginspeksyon nito sa aking mula ulo hanggang paa.
“Your name please?” Tanong nito at inilipat ang tingin sa monitor. Tila nawala ang masigla nitong boses.
“Britanny Salcedo… Ivanov.”
Muntik ko na namang makalimutan ang apelyido ng lalaki na apelyido ko na rin ngayon.
Muling napatingin ang babae sa akin at sa pagkakataong ito at nanlaki ang mga mata.
“K-kayo po ang asawa ni Mr. Ivanov?” Tanong nito na mukhang hindi pa rin makapaniwala.
Bahagya lamang akong tumango.
“I-I’m sorry Ma’am, akala ko po’y isa kayo sa mga babae na naghahanap kay Mr.Ivanov at sasabihing nabuntis po sila.” Halos pabulong ang huli nitong sinabi.
“Ha?”
“Hehe opo Ma’am, kaya mahigpit pong bilin sa akin ni Mr.Ivanov na ‘wag magpapapasok ng kahit sinong babae sapagkat piniperahan lamang siya nito maliban po kay Mrs. Ivanov na nanay nito. Pero kung kayo po ang asawa ni Mr.Ivanov ay malaya po kayong makakapunta sa opisina nito.” Mahabang litanya ng babae at ngumiti pa ito nang bahagya.
“Sa 50th floor po ang opisina ni Mr.Ivanov, sa kaniya po ang nag-iisang pintuan sa buong palapag.” Tumango na lamang ako rito at nagpaalam bago dumiretso sa elevator.
Medyo nagugulumihanan ako sapagkat hindi ba’t naging matunog ang pag-iisang dibdib namin sa buong bansa? Dahil kasabay ng kasal na iyon ay ang pagsasanib-pwersa ng mga Ivanov at Salcedo. Ngunit bakit tila wala nakakakilala sa akin, gayong kalat ang media sa araw ng aming kasal at ang mukha namin ni Yuri ang laman ng mga dyaryo at balita kinabukasan.
Napukaw ang aking atensyon nang bumukas ang pintuan ng elevator at bumungad sa akin ang palapag na kakaiba ang disensyo, ang dingding nito’y kulay abo at itim, at kakaiba kumpara sa bumungad sa akin sa unang palapag na puro puti at makikinang na kagamitan na kulay ginto. Sa dulo ng palapag ay napansin ko ang nag-iisang pinto na tinuran ng babae kanina. Nang makarating ako sa harap ng pinto ay biglang dinaga ang aking dibdib at atubiling kumatok. Ngunit nagulat na lamang ako ng awtomatikong bumukas ang pinto nang may biglaw umilaw na pula sa gilid.
At nang bumukas ang pinto ay labis ang pagsisisi kong bumisita rito.Isang babae ang nakapaibabaw rito habang walang pakundangang nagtatagpo ang kanilang mga labi na tila sabik na sabik, ang kamay naman ng lalaki ay patuloy na nangangahas at naglalandas sa maseselang parte ng babae sa ibabaw niya,wala na rin silang parehong saplot pang-itaas.Napangaga ako sa eksenang nasasaksihan ko. At naging triple ang kabang nararamdaman nang magtama ang mata namin ng asawa ko.
“What are you doing here Britanny?”
“A-Ano pasensya na, nagkamali ako ng pintong pinasukan.” Ngumiti ako nang pilit at hindi nakaligtas sa akin ang pagtaas ng kilay ng babae.Tumayo si Yuri at hudyat iyon na nararapat na akong umalis. Tumungo ako at tumalikod ngunit bago ko pa man maihakbang ang aking mga paa…“Come in Britanny, Cleo get out.” Baritonong boses nito ang umalingawngaw sa buong palapag, habang ako’y tila nanigas sa aking kinatatayuan.“But we’re not yet done Yuri.”Malanding tugon naman ng babae. Gusto ko na lang maglaho sa nasaksihan ngunit hindi ko mahanap ang lakas para umalis sa kinatatayuan ko, tila ang maotoridad na boses ni Yuri ang pumipigil sa akin.“Didn’t I told you to call me Mr.Ivanov?”Masungit na tugon pabalik ng lalaki.“But…”“I said get out!” Nag
Nanuot ang matapang nitong pabango sa aking ilong. At napamaang ako nang mamasdan nang malapitan ang kanyang mukha. Kitang kita ang ebidensya kung bakit hindi mawari sa pagtili ang mga kababaihan.“Stop staring at me, woman.”Nabalik ako sa katinuan nang mapagtantong nasa loob na pala kami ng kanyang sasakyan at siya’y naka puwesto na sa manibela. Masyado atang okupado ang utak ko upang hindi mapansin ang mga nangyari. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at ibinaling na lamang ito sa labas kung saan naroon pa rin ang mapanuksong ngiti ng mga estudyante, and ilan naman ay nakakunot ang noo at tila naiiinis sa kanilang nasaksihan.“I won’t ask why you are like that earlier.”“But I want you to know that you’re my wife, and you shouldn’t have behaved that way.”“You’re an Ivanov now, what you&rsquo
Habang pinagmamasdan ko ang kabuuhan ng isla at kalmadong asul na dagat,isang malamig na hangin ang yumakap sa’kin kasabay nang mainit na haplos ng isang presensya sa aking likuran.“Kier.”Naramdaman kong ipinalibot niya ang kanyang mahahabang braso sa aking bewang at ipinatong ang baba sa aking balikat, ang mabango at mainit niyang hininga ay tumatama sa aking leeg.“Second-year college na tayo Bree, hindi pa rin tayo legal sa mga magulang natin,” bulong nito.“Maghintay lang tayo nang tamang panahon Kier. Siguro’y pag nakapagtapos na tayo ng pag-aaral ay may mukha na tayong maihaharap sa kanila.” Sagot ko rito.Ngunit hindi ko pa rin inaalis ang aking mga mata sa nakakakalmang tanawin, tila nawawala ang aking mga suliranin kapag napagmamasdan ko ito. Tuwing linggo matapos akong magsimba ay dito ako dumidiretso sa
“Where are you going?”Naistatwa ako sa aking kinatatayuan nang umalingawngaw ang baritonong boses na iyon sa loob ng mansyon.Mabibigat ang yabag ng lalaki papunta sa akin, nakabihis na ito at handa nang pumasok sa kaniyang kompanya. Malamig pa rin ang mga tingin nitong ipinupukol sa akin nang tumigil ito sa harap ko, kasabay nang paglunok ko.“Pupunta muna ako sa simbahan.” Ang mahina kong tugon dito ngunit sapat na iyon para marinig niya.Siya si Yuri Ivanov, isang Russian at ang aking asawa. Matikas ang kanyang tindig at pati ang pisikal na kaanyuan ay mababakas ang dayuhang katangian na nananalaytay sa kaniyang dugo. Sa pagkakaalam ko’y kalahating pinoy ito ngunit hindi marunong magtagalog dahil lumaki sa Russia, nito na lamang siya nanatili sa bansa para sa kanilang mga negosyo at kompanya. Ang matapang niyang pabango ay nanuot sa aking ilong at ba
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kulay ng kisame. Tuluyan nang kumunot ang aking noo nang mapagtantong wala ako sa aking kwarto at ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita ang litrato ng aking asawa sa gilid. Kung gayon ay nasa kwarto ako ni Yuri?Nasagot ang aking mga katanungan nang bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking nasa isip ko ilang segundo pa lamang ang nakararaan.“Good that you’re awake now. Fix yourself and get out.” Puno ng otoridad ang boses nito at ang blankong mga mata ay nakapako sa akin. Napatitig ako sa mga asul nitong mga mata, tila nanghihipnotismo ito kahit wala akong emosyong mabasa.“What the hell are you staring at?! Move fast!” Nabalik ako sa aking wisyo sa kanyang pagsigaw at dali-dali akong tumayo ngunit sa ikalawang pagkakataon ay nanlaki ang aking mga mata ng mapansin ko
“Iha.”Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon, si Don Carlito.“What are you saying, Yuri? The host will soon introduce you and your wife.”Muli akong napalingon sa lalaki na hindi pa rin nagbabago ang matiim na tingin sa akin.“There’s no way I’ll bring her with me. Look at her dress, damn! How messy and irresponsible.”Nangunot ang noo ko sa kaniyang tinuran. Paano akong naging iresponsable kung aksidente naman ang nangyari?“Oh c’mon son, it’s just a stain. Besides, there were extra gowns at the VIP rooms.”Sa totoo lang ay madali lang naman ang solusyon dito.“Uuwi na lamang po ako Don Carlito.”Sambit ko upang basagin ang namumuong pagtatalo ng mag-ama.Napatingin naman ito sa akin s

Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya.“Y-Yuri.”Hindi ko alam ngunit bigla akong kinabahan sa hindi niya pagkibo, patuloy lang siya sa pagmamaneho at tila walang naririnig.Hanggang sa huminto na ang sasakyan kaya’t mabilis akong napatingin sa paligid, madilim.“U-umuwi na tayo Yuri.” Halos pabulong na lamang iyon dahil nilalamon na ako ng kaba.“Get out.”Mariin nitong tugon.“A-ano? Pero madilim dito.”“I don’t give a damn.”“P-paano ako makakauwi nito?”“What the hell? Why are you so noisy? Can you please just get out?”Wala na akong nagawa kun’di bumaba sa kotse niya kaya’t mabilis na malamig ang hanging yumakap sa akin.