Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kulay ng kisame. Tuluyan nang kumunot ang aking noo nang mapagtantong wala ako sa aking kwarto at ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita ang litrato ng aking asawa sa gilid. Kung gayon ay nasa kwarto ako ni Yuri?
Nasagot ang aking mga katanungan nang bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking nasa isip ko ilang segundo pa lamang ang nakararaan.
“Good that you’re awake now. Fix yourself and get out.” Puno ng otoridad ang boses nito at ang blankong mga mata ay nakapako sa akin. Napatitig ako sa mga asul nitong mga mata, tila nanghihipnotismo ito kahit wala akong emosyong mabasa.
“What the hell are you staring at?! Move fast!” Nabalik ako sa aking wisyo sa kanyang pagsigaw at dali-dali akong tumayo ngunit sa ikalawang pagkakataon ay nanlaki ang aking mga mata ng mapansin kong wala akong suot na damit.
“A-ano, nasaan ang mga damit ko? Bakit wala akong kasuotan? M-may nangyari ba sa atin?” Tuloy-tuloy at kinakabahan kong tanong, maaaring dahil sa kalasingan kagabi ay hindi ko na alam kung ano ang mga pinaggagagawa ko.
“Dream on. I wouldn’t do that on you.” Matapos niyang sabihin iyon ay nilampasan ako at dumiretso ito sa kaniyang pasimano kung saan ay matatanaw ang magandang hardin sa ibaba. Tila nasaktan ang ego ko sa sinabi niyang iyon, parang diring-diri siya sa akin kahit wala naman akong nakakahawang sakit o ginagawang masama sa kaniya. Bagamat iyon ang naramdaman ko ay tila naibsan naman ang aking pangamba na baka naisuko ko na sa maling tao ang aking pinagkakaingatang yaman.
“N-ngunit bakit wala akong kasuotan?” Hindi ko mapigilang maitanong.
Naghintay pa ako ng ilang minuto upang siya’y sumagot ngunit wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Kaya’t gamit ang puting kumot na kanina pa nakatakip sa aking katawan ay ibinalot ko pang maigi ito upang makapaglakad ako nang maayos patungo sa aking kwarto, ngunit bago ako tuluyang makalabas ay nagsalita ito.
“If you don’t know how to go home when you’re drunk, then don’t drink. You’re such a fool to go to that bar alone and dance in the middle of those drunk men, if you want to get in trouble, then don’t drag my name with you .”
Napapikit ako sa kaniyang mga sinabi sapagkat totoo naman iyon, kung hindi ko naisipang maglasing, sana’y naaalala ko ang buong pangyayari kagabi. Ngunit kahit papaano’y naniniwala naman akong walang nangyari sa aming dalawa, dahil wala akong nararamdaman kirot o hapdi sa pagkababae ko, ngunit nananatili pa ring malaking katanungan para sa akin kung bakit wala akong kahit-anong saplot ngayon.
“Leave.”
Nabalik ako sa wisyo nang muli itong magsalita.
“P-patawad.” Iyon lamang ang naisagot ko bago ako dali-daling umalis ng kanyang silid habang mabilis ang tibok ng aking puso sa kaba. Kakaiba talaga ang presensya ng lalaking iyon, pakiwari ko’y sa tono pa lamang ng kanyang boses ay kaya na niyang pumatay. Naiiling akong pumasok sa kwarto sa kadahilanang naging mapamintas ako sa pagkakataong iyon.
Mabilis akong naligo at pilit na inaalala ang lahat ng pangyayari kagabi ngunit ang tagpong sumasayaw ako habang lasing na lasing ang nag-iisang sumasagi sa utak ko.
Alas syete pa lamang ng umaga kaya’t dali-dali akong lumabas ng hardin upang magdilig ng aking mga halaman. Sa loob ng anim na linggo ay isa ito sa mga pinagkakaabalahan ko, maliban sa pasekretong pagbisita sa beach resort nila Kier upang katagpuin ito na mukhang malabo nang maulit pa. Nang maalala ang lalaki ay binalot na namang muli ng sakit ang aking puso, hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa akong pagtaksilan ni Kier at iwan sa pagkakataong kailangang-kailangan ko ang balikat niya. Hindi ko na namalayan ang luhang kanina pa pala nag-uunahang tumulo sa aking mga pisngi.
“We have a party to attend tonight.”
Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang baritonong boses ni Yuri mula sa aking likuran, akala ko’y pumasok na siya sa kanyang kompanya. Kaya dali-dali kong pinunasan ang luha sa aking mga pisngi at nakatungong humarap sa kaniya.
“I’ll send someone here to bring your dress and fix other stuff on you for the party. I’ll see you there, our parents will be expecting us.”
Sa bilis niya magsalita ay napatingin ako sa kaniya at laking gulat ko na lamang na blangko itong nakatingin sa akin, at napansin ko rin ang biglang pagkunot ng kaniyang noo ng makita ang aking mukha, o baka imahinasyon ko lamang iyon.
“Don’t be late.”
Iyon lamang ang sinabi niya bago tuluyang tumalikod at naglakad palayo, hanggang marinig ko ang tunog nang paalis na sasakyan at pagsarado ng gate.
Nagugulumihanan man sa tinuran nitong pagdiriwang na aming dadaluhan mamayang gabi ay mabilis pa rin ang kilos ko matapos makaalis ng lalaki upang maglinis ng bahay, gusto ko rin munang ituon sa ibang atensyon ang aking isip upang hindi ko maalala si Kier, mamayang gabi pa naman ang party kaya’t marami pa akong oras para maghanda.
Tagaktak ang pawis ko pagkatapos ko maglampaso sa aking kwarto nang marinig ko ang doorbell na nagmumula sa baba. Dali-dali akong bumaba sapagkat tila mainipin ang taong iyon sa paulit-ulit na pagpindot nito sa doorbell na parang gusto niyang ipaalam pati sa aming kapit-bahay na sampung metro ang layo na naririto siya.
Naiiling kong binuksan ang gate ng mansyon para makita ang isang magandang babae na tila isang modelo sa suot at tindig na matiim na sinuyod ang aking kabuuhan.
“Where’s your master?” Maotoridad na tanong nito.
Si Yuri ba ang tinutukoy nito?
“Nasa trabaho na si Yuri.” malumanay kong sagot rito.
“No, not him. Your other master, his wife.”
Unti-unti kong naproseso ang naging sagot nito at napag-alamang ako ang hinahanap nito at napagkakamalan akong katulong dahil siguro sa aking maruming damit,pawis na tumatagtak sa aking leeg at magulong buhok.
“Ako si Britanny Salcedo…Ivanov.” Pakilala ko, muntik ko nang makalimutan na Ivanov na nga pala ang apelyido na ginagamit ko, mahigit isang buwan na ang nakararaan.
Muli akong pinasadahan ng tingin ng babae mula ulo hanggang paa, tila hindi makapaniwala sa aking tinuran.
“Oh sure, Mrs. Ivanov, my apologies. I mistook you as…” Hindi na naituloy nito ang gustong sabihin at ngumiti na lamang sa akin.
Naintindihan ko naman agad iyon, at wala namang kaso iyon sa akin. Sinuklian ko na lamang ng ngiti ito upang gumaan ang hangin sa pagitan namin.
“Sorry about earlier Mrs. Ivanov.” Sambit nito nang makaakyat kami sa aking kwarto, siya pala ang ipinadala ni Yuri na mag-aayos sa akin para sa party mamayang gabi, si Kate.
“Bree na lang ang itawag mo sa akin, Kate.” Mahinhin kong tugon rito, hindi pa rin ako komportable na tinatawag akong Mrs.Ivanov dahil pakiramdam ko’y hindi ako iyon.
“Alright, Bree.”
Matapos niyang sabihin iyon ay nagtungo na siya sa isang malaking kahon na dinala niya pa rito, kasama ang ilang box ng make up kit at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang isang kulay gintong evening gown , at nasilaw pa ako nang mapatapat ito sa sinag ng araw galing sa labas.
“This will surely looks good on you.” Komento ni Kate ngunit hindi ko na iyon napagtuunan pa ng pansin dahil naistatwa ang mga mata ko sa kabuuhan ng gown.Bagamat may kalaliman ang bahaging dibdib niyon na paniguradong luluwa ang dalawa kong kabundukan at mahaba ang siwang sa kaliwang bahagi ng laylayan na maaaring magpatingkad ng mahaba kong binti ay napaka elegante at pormal nitong tingnan.
“This is one of the designs of a famous designer from Paris, Bree.Did you like it?” Tanong nito kaya’t itinuon kong muli ang tingin ko sa kanya at marahang tumango.
“This design is actually personally picked by your husband, Mr. Ivanov.” Dagdag pa nito kaya’t napamaang na lamang ako at pinproseso pa ang sinabi niya.
“You seemed surprised and not aware. Mr.Ivanov has been very meticulous when it comes to dressing, especially if there’s an occasion. For him, wearing the best dress or suit is a good way to introduce yourself to people, even without saying any word.”
Tumango na lamang ako nang tuluyan kong maintindihan ang kanyang sinabi. Tila pinakaiingatan talaga ng mga Ivanov ang kanilang pangalan kaya’t maging sa pagpili ng isusuot ay sila ang magdedesisyon upang walang maipintas o masabi ang mga tao.Siguro’y iyon rin ang dahilan kung bakit natuloy ang kasal namin ng araw na iyon bagamat nababakas ang gulat, pagkadismaya at pagkadisgusto ng makita ako ni Yuri , sa dami ng media na naroon ay paniguradong malaking iskandalo kung hindi matutuloy ang kasal para sa pamilya ng mga Ivanov. Ilang milyon din ang nagastos kaya’t nakapanghihinayang din naman kung hindi matutuloy, ngunit hindi pa rin sapat na dahilan para ikulong ako sa sitwasyong ito at tuluyang bawiin sa akin ang mga pangarap na kahit kalahati’y hindi ko pa natutupad.
Napapikit ako nang mariin, wala na akong magagawa, dapat tanggapin ko na ang kapalaran ko.
“Bree, are you okay?”
Napamulat ako nang makita si Kate na mukhang nag-aalala sa akin. Tumango ako nang bahagya at ngumiti nang pilit.
“A-ayos lang ako. Simulan na natin?” Suhestiyon ko rito upang malihis ang usapan.
Mukha namang siyang kumbinsido sa naging sagot ko at sinimulan na ang pag-aayos sa akin, itinaas muna niya ang aking buhok bago sinimulang ayusan ang aking mukha.
Sanay naman akong magsuot ng make up ngunit hindi ganoon kakapal dahil si Ate Beatrice ang nag-aayos sa akin, at lagi kong pinapaalala na gusto kong magmukhang natural kahit may make up.Hindi ako komportable kapag masyadong marami ang nakapinta sa mukha ko, pakiramdam ko’y napakabigat noon at hindi na kaaya-aya pang tingnan.
Napangiti ako nang masilayan ang repleksyon sa salamin, mahusay si Kate, bagamat magkaiba sila ni Ate Beatrice ng paraan ng pag-aayos sa akin ay nagustuhan ko naman ang kinalabasan.
“You’re so pretty Bree.” Komento nito nang mapansing nakatitig pa rin ako sa salamin.
“S-salamat.” Iyon na lamang ang naitugon ko at sinimulan naman nitong ayusin ang aking buhok na hanggang bewang at hinayaang nakalugay ngunit kinulot ng elegante ang dulo.
Matapos ang ilang oras ay suot ko na ang kulay gintong evening gown na isimo’y isinukat sa akin ng designer bago gawin. Hapit na hapit iyon sa aking bewang at tama nga ako sa aking hinala na luluwa ang aking harapan sa lalim ng damit sa parteng iyon, maging ang kaliwa kong mahahabang binti ay lantad na lantad dahil sa mahabang slit at pumaibabaw rin ang kulay ng aking balat dahil bumagay ito sa kulay ng damit.
“You look perfect.”
Nahihiya akong ngumiti kay Kate at inalalayan naman niya akong isuot ang dalawang pulgadang heels na kulay ginto rin sa pagkakataong ito. Maging ang mga alahas na ipinasuot sa akin ni Kate ay bumagay sa suot ko at sa wari ko’y nagkakahalaga iyon ng ilang daang-libong piso o baka milyon pa.
Ilang minuto lang ang lumipas ay narinig ko na ang pumaradang sasakyan sa labas ng mansyon, sa pagkakataong ito ay hindi ako magmamaneho sapagkat may ipinadalang sasakyan si Yuri na susundo sa akin upang makasiguro ito na hindi ako mahuhuli sa event.
“Salamat Kate.”
Inalalayan niya akong makapasok sa likod ng kotse.
“Don’t thank me, Bree, this is my job and your husband paid me for this.”
“Enjoy!” Dagdag pa nito bago kumaway at isinara ang pintuan ng sasakyan.
“Manong nandoon na ba si Yuri sa event?”
“Opo Ma’am, pati po ang mga magulang ninyo at magulang ni Sir Yuri ay naroon na rin.” Sagot nito.
Nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa tagpong iyon, hindi naging maganda ang usapan namin kagabi at hindi pa ako nakakahingi ng paumanhin. Hindi ko tuloy mawari kung paano ko sila haharapin mamaya.
Nang sinimulan ng paandarin ni Manong ang sasakyan ay ikinalma ko ang aking sarili at pinanood na lamang ang mga nagtataasang building na nadaraanan namin.
At nang huminto ang sasakyan ay pakiramdam ko’y gusto ko na lamang manatili dito at huwag na lumabas. Ngunit nang pagbuksan na ako ni Manong ng pinto ay wala na akong nagawa.
Bumungad sa akin ang napakalaking building na mukhang 5 star hotel at mapapansin ang pulang carpet sa gitna kung saan sopistikadang dumadaan ang mga bisita papasok. Mayroon ding media sa gilid kaya’t lalong dumoble ang aking kaba. Natatakot akong magkamali dahil asawa ako ng isang Ivanov, ngunit nilakasan ko na lamang ang aking loob at sinimulan nang maglakad sa gitna ng pulang tela.
Unang pagapak ko pa lamang papasok ay kapansin-pansin ang atensyong ibinigay sa akin ng mga bisita, at mababasa doon ang kakaibang paghanga, kung hindi ako nagkakamali. Sa kabila ng kabang nararamdaman ay gusto kong palakpakan ang aking sarili dahil nagawa ko pa ring ngumiti na tila hindi pilit at naglakad ng taas noo dahil hindi naman ako nakararamdam ng hiya sa suot ko.
Nadako ang tingin ko sa kaliwang bahagi ng hotel at laking gulat ko nang makilala ang isang pamilyar na lalaki sa gawing iyon. Bakit siya nandito? Katabi niya si Amber at masayang nagkkuwento iyon sa kanya, sa nasaksihang iyon ay mabilis na bumigat ang aking dibdib hanggang hindi ko na napansin ang waiter na mabilis na naglalakad sa gawi ko at hindi sinasadyang mabangga ako at matapunan ng dala niyang mga alak.
Napasinghap ang halos lahat ng bisita, maging ako’y napatingin sa damit kong hindi na ganoon katingkad ang pagka-ginto nito sa harap dahil nabahiran na ito ng kulay pula dahil sa alak.
“S-Sorry po Ma’am, hindi ko po sinasadya.” Panay ang yuko ng waiter na nakabangga sa akin kaya’t nginitian ko siya.
“Ayos lang ‘yon. Aksidente naman ito, makakaalis ka na baka may trabaho ka pa.” Sagot ko rito at tila nakahinga na ito nang maluwag sa tinuran ko.
Siguro’y uuwi na lamang ako dahil wala na akong mukhang ihaharap pa sa mga bisita, lalo na sa mga Ivanov na maaaring hindi pa naman napapansin ang pagdating ko.
Akma na akong tatalikod at maglalakad palabas nang may magsalita sa aking likuran.
“Where do you think you are going? The party isn’t starting yet.”
Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa boses na iyon.
Unti-unti ko itong hinarap at napansin ko pa rin ang mga matang nakatuon sa akin sa gilid, tila nanunuod sila ng isang pelikula at ako ang kawawang bida.
Nang magtama ang mata namin ng aking asawa ay triple ang naging kaba sa aking dibdib. Matalim ang titig na ibinigay niya sa akin lalo na nang mapansin ang aking damit. Nakagat ko ang aking labi, hindi malaman kung ano ang dapat sabihin.
“Right, just go home. I don’t need a trash-looking wife here.”
“No, you should stay here.”
“Iha.”Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon, si Don Carlito.“What are you saying, Yuri? The host will soon introduce you and your wife.”Muli akong napalingon sa lalaki na hindi pa rin nagbabago ang matiim na tingin sa akin.“There’s no way I’ll bring her with me. Look at her dress, damn! How messy and irresponsible.”Nangunot ang noo ko sa kaniyang tinuran. Paano akong naging iresponsable kung aksidente naman ang nangyari?“Oh c’mon son, it’s just a stain. Besides, there were extra gowns at the VIP rooms.”Sa totoo lang ay madali lang naman ang solusyon dito.“Uuwi na lamang po ako Don Carlito.”Sambit ko upang basagin ang namumuong pagtatalo ng mag-ama.Napatingin naman ito sa akin s
Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya.“Y-Yuri.”Hindi ko alam ngunit bigla akong kinabahan sa hindi niya pagkibo, patuloy lang siya sa pagmamaneho at tila walang naririnig.Hanggang sa huminto na ang sasakyan kaya’t mabilis akong napatingin sa paligid, madilim.“U-umuwi na tayo Yuri.” Halos pabulong na lamang iyon dahil nilalamon na ako ng kaba.“Get out.”Mariin nitong tugon.“A-ano? Pero madilim dito.”“I don’t give a damn.”“P-paano ako makakauwi nito?”“What the hell? Why are you so noisy? Can you please just get out?”Wala na akong nagawa kun’di bumaba sa kotse niya kaya’t mabilis na malamig ang hanging yumakap sa akin.
“A-Ano pasensya na, nagkamali ako ng pintong pinasukan.” Ngumiti ako nang pilit at hindi nakaligtas sa akin ang pagtaas ng kilay ng babae.Tumayo si Yuri at hudyat iyon na nararapat na akong umalis. Tumungo ako at tumalikod ngunit bago ko pa man maihakbang ang aking mga paa…“Come in Britanny, Cleo get out.” Baritonong boses nito ang umalingawngaw sa buong palapag, habang ako’y tila nanigas sa aking kinatatayuan.“But we’re not yet done Yuri.”Malanding tugon naman ng babae. Gusto ko na lang maglaho sa nasaksihan ngunit hindi ko mahanap ang lakas para umalis sa kinatatayuan ko, tila ang maotoridad na boses ni Yuri ang pumipigil sa akin.“Didn’t I told you to call me Mr.Ivanov?”Masungit na tugon pabalik ng lalaki.“But…”“I said get out!” Nag
Nanuot ang matapang nitong pabango sa aking ilong. At napamaang ako nang mamasdan nang malapitan ang kanyang mukha. Kitang kita ang ebidensya kung bakit hindi mawari sa pagtili ang mga kababaihan.“Stop staring at me, woman.”Nabalik ako sa katinuan nang mapagtantong nasa loob na pala kami ng kanyang sasakyan at siya’y naka puwesto na sa manibela. Masyado atang okupado ang utak ko upang hindi mapansin ang mga nangyari. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at ibinaling na lamang ito sa labas kung saan naroon pa rin ang mapanuksong ngiti ng mga estudyante, and ilan naman ay nakakunot ang noo at tila naiiinis sa kanilang nasaksihan.“I won’t ask why you are like that earlier.”“But I want you to know that you’re my wife, and you shouldn’t have behaved that way.”“You’re an Ivanov now, what you&rsquo
Habang pinagmamasdan ko ang kabuuhan ng isla at kalmadong asul na dagat,isang malamig na hangin ang yumakap sa’kin kasabay nang mainit na haplos ng isang presensya sa aking likuran.“Kier.”Naramdaman kong ipinalibot niya ang kanyang mahahabang braso sa aking bewang at ipinatong ang baba sa aking balikat, ang mabango at mainit niyang hininga ay tumatama sa aking leeg.“Second-year college na tayo Bree, hindi pa rin tayo legal sa mga magulang natin,” bulong nito.“Maghintay lang tayo nang tamang panahon Kier. Siguro’y pag nakapagtapos na tayo ng pag-aaral ay may mukha na tayong maihaharap sa kanila.” Sagot ko rito.Ngunit hindi ko pa rin inaalis ang aking mga mata sa nakakakalmang tanawin, tila nawawala ang aking mga suliranin kapag napagmamasdan ko ito. Tuwing linggo matapos akong magsimba ay dito ako dumidiretso sa
“Where are you going?”Naistatwa ako sa aking kinatatayuan nang umalingawngaw ang baritonong boses na iyon sa loob ng mansyon.Mabibigat ang yabag ng lalaki papunta sa akin, nakabihis na ito at handa nang pumasok sa kaniyang kompanya. Malamig pa rin ang mga tingin nitong ipinupukol sa akin nang tumigil ito sa harap ko, kasabay nang paglunok ko.“Pupunta muna ako sa simbahan.” Ang mahina kong tugon dito ngunit sapat na iyon para marinig niya.Siya si Yuri Ivanov, isang Russian at ang aking asawa. Matikas ang kanyang tindig at pati ang pisikal na kaanyuan ay mababakas ang dayuhang katangian na nananalaytay sa kaniyang dugo. Sa pagkakaalam ko’y kalahating pinoy ito ngunit hindi marunong magtagalog dahil lumaki sa Russia, nito na lamang siya nanatili sa bansa para sa kanilang mga negosyo at kompanya. Ang matapang niyang pabango ay nanuot sa aking ilong at ba