Nanuot ang matapang nitong pabango sa aking ilong. At napamaang ako nang mamasdan nang malapitan ang kanyang mukha. Kitang kita ang ebidensya kung bakit hindi mawari sa pagtili ang mga kababaihan.
“Stop staring at me, woman.”
Nabalik ako sa katinuan nang mapagtantong nasa loob na pala kami ng kanyang sasakyan at siya’y naka puwesto na sa manibela. Masyado atang okupado ang utak ko upang hindi mapansin ang mga nangyari. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at ibinaling na lamang ito sa labas kung saan naroon pa rin ang mapanuksong ngiti ng mga estudyante, and ilan naman ay nakakunot ang noo at tila naiiinis sa kanilang nasaksihan.
“I won’t ask why you are like that earlier.”
“But I want you to know that you’re my wife, and you shouldn’t have behaved that way.”
“You’re an Ivanov now, what you&rsquo
Habang pinagmamasdan ko ang kabuuhan ng isla at kalmadong asul na dagat,isang malamig na hangin ang yumakap sa’kin kasabay nang mainit na haplos ng isang presensya sa aking likuran.“Kier.”Naramdaman kong ipinalibot niya ang kanyang mahahabang braso sa aking bewang at ipinatong ang baba sa aking balikat, ang mabango at mainit niyang hininga ay tumatama sa aking leeg.“Second-year college na tayo Bree, hindi pa rin tayo legal sa mga magulang natin,” bulong nito.“Maghintay lang tayo nang tamang panahon Kier. Siguro’y pag nakapagtapos na tayo ng pag-aaral ay may mukha na tayong maihaharap sa kanila.” Sagot ko rito.Ngunit hindi ko pa rin inaalis ang aking mga mata sa nakakakalmang tanawin, tila nawawala ang aking mga suliranin kapag napagmamasdan ko ito. Tuwing linggo matapos akong magsimba ay dito ako dumidiretso sa
“Where are you going?”Naistatwa ako sa aking kinatatayuan nang umalingawngaw ang baritonong boses na iyon sa loob ng mansyon.Mabibigat ang yabag ng lalaki papunta sa akin, nakabihis na ito at handa nang pumasok sa kaniyang kompanya. Malamig pa rin ang mga tingin nitong ipinupukol sa akin nang tumigil ito sa harap ko, kasabay nang paglunok ko.“Pupunta muna ako sa simbahan.” Ang mahina kong tugon dito ngunit sapat na iyon para marinig niya.Siya si Yuri Ivanov, isang Russian at ang aking asawa. Matikas ang kanyang tindig at pati ang pisikal na kaanyuan ay mababakas ang dayuhang katangian na nananalaytay sa kaniyang dugo. Sa pagkakaalam ko’y kalahating pinoy ito ngunit hindi marunong magtagalog dahil lumaki sa Russia, nito na lamang siya nanatili sa bansa para sa kanilang mga negosyo at kompanya. Ang matapang niyang pabango ay nanuot sa aking ilong at ba
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kulay ng kisame. Tuluyan nang kumunot ang aking noo nang mapagtantong wala ako sa aking kwarto at ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita ang litrato ng aking asawa sa gilid. Kung gayon ay nasa kwarto ako ni Yuri?Nasagot ang aking mga katanungan nang bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking nasa isip ko ilang segundo pa lamang ang nakararaan.“Good that you’re awake now. Fix yourself and get out.” Puno ng otoridad ang boses nito at ang blankong mga mata ay nakapako sa akin. Napatitig ako sa mga asul nitong mga mata, tila nanghihipnotismo ito kahit wala akong emosyong mabasa.“What the hell are you staring at?! Move fast!” Nabalik ako sa aking wisyo sa kanyang pagsigaw at dali-dali akong tumayo ngunit sa ikalawang pagkakataon ay nanlaki ang aking mga mata ng mapansin ko
“Iha.”Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon, si Don Carlito.“What are you saying, Yuri? The host will soon introduce you and your wife.”Muli akong napalingon sa lalaki na hindi pa rin nagbabago ang matiim na tingin sa akin.“There’s no way I’ll bring her with me. Look at her dress, damn! How messy and irresponsible.”Nangunot ang noo ko sa kaniyang tinuran. Paano akong naging iresponsable kung aksidente naman ang nangyari?“Oh c’mon son, it’s just a stain. Besides, there were extra gowns at the VIP rooms.”Sa totoo lang ay madali lang naman ang solusyon dito.“Uuwi na lamang po ako Don Carlito.”Sambit ko upang basagin ang namumuong pagtatalo ng mag-ama.Napatingin naman ito sa akin s
Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya.“Y-Yuri.”Hindi ko alam ngunit bigla akong kinabahan sa hindi niya pagkibo, patuloy lang siya sa pagmamaneho at tila walang naririnig.Hanggang sa huminto na ang sasakyan kaya’t mabilis akong napatingin sa paligid, madilim.“U-umuwi na tayo Yuri.” Halos pabulong na lamang iyon dahil nilalamon na ako ng kaba.“Get out.”Mariin nitong tugon.“A-ano? Pero madilim dito.”“I don’t give a damn.”“P-paano ako makakauwi nito?”“What the hell? Why are you so noisy? Can you please just get out?”Wala na akong nagawa kun’di bumaba sa kotse niya kaya’t mabilis na malamig ang hanging yumakap sa akin.
“A-Ano pasensya na, nagkamali ako ng pintong pinasukan.” Ngumiti ako nang pilit at hindi nakaligtas sa akin ang pagtaas ng kilay ng babae.Tumayo si Yuri at hudyat iyon na nararapat na akong umalis. Tumungo ako at tumalikod ngunit bago ko pa man maihakbang ang aking mga paa…“Come in Britanny, Cleo get out.” Baritonong boses nito ang umalingawngaw sa buong palapag, habang ako’y tila nanigas sa aking kinatatayuan.“But we’re not yet done Yuri.”Malanding tugon naman ng babae. Gusto ko na lang maglaho sa nasaksihan ngunit hindi ko mahanap ang lakas para umalis sa kinatatayuan ko, tila ang maotoridad na boses ni Yuri ang pumipigil sa akin.“Didn’t I told you to call me Mr.Ivanov?”Masungit na tugon pabalik ng lalaki.“But…”“I said get out!” Nag