Sa harapan niya, may isang magandang babae na nakatayo.
Pabebe itong nagsalita. “Hi, little boy! Ako si Doc Ella. I'm quite skilled in medicine at gusto kong tulungan ang daddy mo sa kondisyon niya…”
Pagkarinig nito, agad na sumimangot ang maliit na bata.
Tama naman, nandito siya ngayon para samahan si Daddy magpatingin sa doktor… Pero wala naman siyang sinabing naghahanap siya ng bagong mommy!
Sino ba ang nagpakalat ng ganitong kabaliwan?!
At saka, saan ba kumukuha ng lakas ng loob ang babaeng ‘to? Sa kapal ng foundation niya, baka hindi na makahinga ‘yung balat niya…
Disdain was written all over the little guy’s face.
Therese clearly caught his reaction.
Kahit hindi nagsalita ang bata, hindi niya alam kung bakit pero bigla niyang naintindihan ang gustong iparating nito.
“Pfft…”
Hindi napigilan ni Therese ang sarili at napatawa siya. However, her sudden laughter drew the attention of many people around them.
When the crowd saw her, they immediately straightened up and respectfully greeted her. "Doctor P.I!”
May nagbulong pa, “Ay, oo nga pala, how could we forget her? Kahit pansamantala lang siyang nandito para sa isang surgery, siya naman talaga ang pinakamagaling! Hindi ‘yan kaya tapatan ni Doc Ella!”
Realizing she had drawn attention, Therese quickly composed herself.
"Pasensya na sa abala," sabi niya. "Sa tingin ko lang... baka may hindi pagkakaintindihan? Sa palagay ko, hindi naman naghahanap ng bagong mommy ang batang ito.”
Napatingin ang lahat sa maliit na bata, halatang nagdadalawang-isip.
Nagkamali ba sila?
Pero ang tsismis na ‘to, mismong janitress ng ospital—ang ‘intelligence team’ nila ang nakarinig sa harap ng opisina ng director!
Imposibleng mali!
Pinigilan ni Doc Ella ang pagkainis, pero hindi napigilan ang sarili at nagtanong, “Paano mo nasabi na hindi siya naghahanap?”
“Hula lang,” kibit-balikat na sagot ni Therese.
Nangangalumbaba si Doc Ella, mukhang may balak pang sabihin pero bago pa siya makasagot, biglang bumaba mula sa upuan ang maliit na bata.
“Tama si Auntie, wala akong balak maghanap ng bagong mommy,” sabi niyo sa cute na boses. “Pero ngayon, nagbago na isip ko! Auntie, it was love at first sight for me. Pwede ka bang sumama sa’kin pauwi at maging mommy ko?”
Nanahimik ang lahat. Walang nakapagsalita.
Pati si Therese.
Hindi niya inasahang may magpapahayag sa kanya ng ganoon, kaya natigilan siya ng ilang segundo bago mapangiti—natutuwa pero wala ring magawa.
Seryoso ba itong munting bulinggit?
Tumingin siya pababa sa bata at natawa. “Sweetheart, hindi laro ang paghahanap ng bagong ina. Alam ba ng daddy mo 'to?” tanong niya, halatang natatawa pa rin.
Nakakunot-noo, seryosong sinabi ng bata, "Sa bahay namin, ako ang nasusunod! Kung sabi kong oo, oo na 'yun!"
Hindi napigilan ni Therese ang matawa. Sigurado siyang nagbibiro lang ang bata.
Kasi kahit ang anak niyang si Jassy, mahilig ding magbiro. Minsan, kapag nakakakita ng sobrang guwapong lalaki, pabiro nitong sinasabi, "Ang lalaking ito ay may potential na maging daddy ko!"
Baka pareho lang sila!
Yumuko si Therese at marahang hinaplos ang ulo ng bata. "Pasensya na, sweetheart. Hindi ako naghahanap ng magiging stepmom. Humanap ka na lang ng iba. May kailangan pang gawin si Auntie, kaya mauuna na ako."
Pagkasabi niyon, binawi niya ang kamay at umalis at hindi na nagtagal, diretso na siya sa lounge para magpalit ng damit.
Hindi niya masyadong dinamdam ang munting pangyayaring iyon. Pero hindi niya rin maitanggi na may kung anong damdaming gumalaw sa loob niya matapos makilala ang ganitong ka-cute na bata.
Naalala niya ang anak niyang lalaki na nawala sa kanya. Kung nabuhay ito, kasing-edad na siguro ito ng batang iyon.
Anim na taon na ang nakalipas mula nang makipaghiwalay siya kay Ezekiel, at noon, wala siyang matakbuhan.
Sinubukan niyang maghanap ng trabaho para makaraos, pero tinanggalan siya ng pagkakataon ng pamilya Forbes.
Nang halos wala na siyang pag-asa, bigla na lang dumating ang tunay niyang mga magulang at kapatid at dinala siya pabalik sa Bonifacio Global.
Kalaunan, nabuntis siya at kambal pa iyon, pero namatay ang kanyang anak na lalaki pagkapanganak, naiwan lamang ang kanyang anak na babae.
Habang inaalala ang nakaraan, unti-unting bumigat ang pakiramdam ni Therese. Tuluyan nang nawala ang maganda niyang mood kanina.
Matapos magpalit ng damit, naghanda na siyang umalis. Pagod na pagod siya matapos ang napakahirap na operasyon, at ang tanging gusto niya ay magpahinga.
Pero pagbukas pa lang ng pinto, bumungad agad sa kanya ang batang lalaki kanina.
Therese raised an eyebrow, surprised.
Was he still not giving up?
Nagliwanag ang mukha ni bulinggit na batang lalaki habang nakangiti sa kanya. "Wow! Naka-mask ka kanina Auntie kaya hindi ko makita ang buong mukha mo. Pero may kutob akong maganda ka—at tama ako! Ang galing talaga ng taste ko! Auntie, ang ganda-ganda mo!"
Napatawa si Therese.
Saan natutunan ng batang ito ang mga ganyang linya?
Ang bata pa niya, pero marunong na siyang mambola? Ano pa kaya pag lumaki siya?
Hindi napigilan ni Therese na kurutin ang malambot na pisngi ng bata. "Kahit paulit-ulit mo akong purihin, hindi pa rin ako papayag na maging mommy mo!"
Napanguso ang bata. "Bakit naman? My daddy is super handsome! Really, really handsome! Bagay na bagay kayo, Auntie!”
He was working hard to sell his dad!
Therese didn’t take it seriously. "No particular reason. Hindi ko lang kilala ang daddy mo, at saka, hindi naman nakakabusog ang pagiging gwapo. Ang pinakaimportante… wala akong balak mag-asawa. So you better give up!”
Medyo nadismaya ang bata.
Kahit first time niya lang makita ang babaeng ito, hindi niya alam kung bakit, pero may isang hindi maipaliwanag na natural na pakiramdam ng pagiging malapit dito. Sa iba, hindi niya ‘to nararamdaman.
Pero ang babaeng ito… mukhang wala talaga siyang ganung iniisip.
Helpless, he could only accept reality. “Sige na nga!”
However, he quickly changed the topic. “Pero Auntie, puwede mo bang gamutin si Daddy? Nagtanong-tanong ako kanina, at sabi nila, ikaw daw ang pinakamagaling na doktor—isang ‘miracle healer.’ Kakatapos mo lang daw gumawa ng isang napakahirap na operasyon! Matagal nang may sakit si Daddy. Ang dami na naming nilapitan na doktor, pero walang nakagamot sa kanya. Kaya puwede bang pumayag ka sa request ko?”
Habang sinasabi niya ‘to, may bakas ng pag-asa sa mukha niya.
Hindi naman talaga balak ni Therese na mag-aksaya ng oras dito. Marami pa siyang kailangang tapusin sa pagpunta niya sa Bonifacio Global. Ang operasyong ginawa niya kanina, ginawa lang niya bilang pabor sa isang tao.
Pero ngayong nakikita niya ang ekspresyon ng bata, hindi niya alam kung bakit, pero lumambot ang puso niya at hindi niya magawang tumanggi.
“Kung tungkol sa gamutan, hindi naman imposible!” sagot ni Therese. “Nasa ospital ba ang Daddy mo? Kung oo, puwede mo akong dalhin sa kanya. Kung kaya kong gamutin, gagawin ko ang lahat para matulungan siya!”
Biglang lumiwanag ang mga mata ng bata, sobrang saya at excited. “Nandito siya, nandito siya! Nasa opisina ni Director si Daddy. Dadalhin kita kay Daddy, Auntie…”
Sabay abot ng mabilog at chubby niyang kamay, hinawakan niya ang kamay ni Therese, parang takot na baka tumakas ito!
Napangiti si Therese at agad na hinigpitan ang hawak sa kamay ng bata, sabay sumunod sa kanya.
**
Sa oras na ‘yon, sa opisina ng direktor…
Katatapos lang ni Ezekiel Craig makipag-usap kay Director Echavez tungkol sa negosyo.
Dumating siya rito ngayon para hilingin kay Director Echavez na ipakilala siya kay Dr. P.I, ang tinaguriang miracle doctor. Kapalit nito, nag-donate siya ng isang batch ng medical equipment sa ospital nang libre.
Right now, Director Echavez was particularly enthusiastic, siya pa mismo ang naghatid kay Ezekiel palabas.
Pero paglabas niya, napansin niyang wala ang anak niya.
His dark, sharp eyes swept across the surroundings, but the little guy was nowhere to be seen. Kaya hindi maiwasang kumunot ang noo niya. “Nasaan si Ethan?”
His assistant, Robert, looked awkward. “Tumakbo po! Matapos kumalat ang balita na darating kayo ngayon, may nakapagsabi siguro. Ang buong ospital ay maingay sa usap-usapan na kung sino man ang makagagamot sa sakit ninyo, may pagkakataong mapangasawa kayo at maging stepmother ni sir Ethan! Sabi niya, gusto niyang malaman kung sino ang nagpakalat ng chismis!”
Matapos marinig ang sinabi, agad na kumunot ang noo ni Ezekiel. His voice was cold and deep. "Alam ng lahat na nandito ako?" Mabilis namang sumagot si Robert, "Hindi po nila alam ang eksaktong identity mo. Ang alam lang nila, may isang makapangyarihang tao mula Bonifacio Global na nandito. Huwag kang mag-alala, inayos ko na! Sasabihin ko rin kay Director Echavez mamaya—walang ibang makakaalam.” Bahagyang tumango si Ezekiel, pero halata pa rin ang inis sa mukha niya. "Nasaan si Ethan ngayon?" Lalong naging alanganin ang ekspresyon ni Robert. "Uh… hindi ko po alam. Ayaw ni Sir Ethan na may sumunod sa kanya. Sinubukan kong i-track gamit ang GPS, pero nawala na 'yung tracking function ng phone niya. Malamang, nahalata niya at in-hack na naman." Ezekiel was silent for a few seconds, at tsaka ito nag-utos. "Pagbalik natin, sabihin mo sa tech department na gumawa ng bago. If even he can crack it, then they’re useless!" "Understood." Agad na tumango si Robert, pero sa loob-loob niya
Sa sandaling iyon ay napansin na siya ni Ethan.Mukhang masama ang loob ng bata, halatang nalungkot nang umalis ang magandang babae. "Daddy, bakit ang tagal mo? Wala na ang magandang babae!” nakanguso itong nagreklamo.Nakita ni Ezekiel ang panlulumo ng anak, kaya wala siyang nagawa kundi isantabi muna ang iniisip niya. Baka... nagkamali lang siya? Matagal nang wala ang babaeng ‘yon—anim na taon ng hindi nagpapakita, parang naglaho na parang bula. Kahit anong gawin niya, hindi niya ito matagpuan. Paano siya biglang lilitaw dito? Mabilis na ibinalik ni Ezekiel ang atensyon sa anak. "Sino'ng magandang babae? ‘Yung miracle doctor na sinabi mo sa tawag?" "Mm-hmm!" Tumango si Ethan, saka lumingon sa direksyong pinuntahan ni Therese, halatang may panghihinayang. Kung habulin niya kaya, aabutan pa niya? Hindi naintindihan ni Ezekiel ang gustong ipahiwatig ng anak, kaya hindi na niya ito pinansin. "Kung wala na siya, wala na." Hindi naman talaga siya naniniwala na nakilala ng an
“Dalawang buwan kang nawala, tapos isang round lang? May problema ka ba sa bato? O baka naman… hindi mo na kaya?”Magaan na liwanag ng umaga ang sumisilip sa kwarto, at matapos ang isang gabi ng matinding pagtatalik, pakiramdam ni Therese ay parang namatay at nabuhay siyang muli.Basang-basa ng pawis ang katawan niya, pagod ang bawat kalamnan, at hirap siyang huminga nang pantay. Pero sa kabila ng lahat, nakayakap pa rin siya sa matipunong baywang ng asawa, nang-aasar. Paalis na ng kama si Ezekiel para maligo nang marinig ang sinabi nito. Napahinto ito, saka lumingon at hinawakan ang baba niya. His deep voice laced with a dangerous edge. “Hmm? Wasn't that enough for you?"Ngumiti siya at sumagot nang pabiro, "Syempre hindi. Masyado mo kasi akong nasanay." Pinanood niya itong umalis ng kama at tumayo. "Pero kung may problema ka nga sa bato, magpatingin ka na lang sa doktor. Huwag mo nang itanggi—"Bago pa niya matapos ang sinasabi, sinakop na nito ang kanyang labi sa isang madiin a

Sa harapan niya, may isang magandang babae na nakatayo. Pabebe itong nagsalita. “Hi, little boy! Ako si Doc Ella. I'm quite skilled in medicine at gusto kong tulungan ang daddy mo sa kondisyon niya…”Pagkarinig nito, agad na sumimangot ang maliit na bata. Tama naman, nandito siya ngayon para samahan si Daddy magpatingin sa doktor… Pero wala naman siyang sinabing naghahanap siya ng bagong mommy! Sino ba ang nagpakalat ng ganitong kabaliwan?!At saka, saan ba kumukuha ng lakas ng loob ang babaeng ‘to? Sa kapal ng foundation niya, baka hindi na makahinga ‘yung balat niya… Disdain was written all over the little guy’s face.Therese clearly caught his reaction.Kahit hindi nagsalita ang bata, hindi niya alam kung bakit pero bigla niyang naintindihan ang gustong iparating nito. “Pfft…” Hindi napigilan ni Therese ang sarili at napatawa siya. However, her sudden laughter drew the attention of many people around them.When the crowd saw her, they immediately straightened up and res