Walang habas na binuksan ni Jade ang pintuan ng opisina dahilan upang mapaigtad si Casey mula sa kinauupuan nito.
Nilingon ni Casey si Jade at napansing humahangos ito habang nakatukod ang kaniyang dalawang palad sa parehong mga tuhod. Magsasalita na sana si Casey upang tanungin siya ngunit kaagad siyang pinutol ni Jade. “Nabalitaan mo naba?” tanong ni Jade habang nakahawak sa kaniyang dibdib at pilit na pinapakalma ang sarili. Biglang kumunot ang noo ni Casey nang mapagtantong malaki at biglaan ang balitang tinutukoy ni Jade kaya nagsimulang kumabog nang mabilis ang puso niya. “Nagising naba siya?” halos hindi marinig ang boses ni Casey habang tinatanong ‘yon. Tumango nang dahan-dahan si Jade dahilan upang mapahalukipkip si Casey sa upuan. Kumurap siya nang ilang beses at kinagat ang pang ibabang labi nito na sa sobrang diin ay muntikan na itong masugatan. “Pero malay mo naman ‘diba? Baka nag bago na ang isip ni Dylan bago pa man nagising si Suzane,” ani Jade na malabong mangyari. Hindi sumagot si Casey at biglang inabot ang kaniyang cellphone na nasa harapan lang nito. Hindi nga siya nagkakamali, hinahanap na siya ni Dylan. Ilang beses siyang tinawagan nito at hindi niya nasagot lahat ng ‘yon. Tinignan niya ang kaisa-isang text ni Dylan. “Casey, mag usap tayo.” Natawa nang mapait si Casey at kinagat ang pang ibabang labi nito. Siguro ay matagal nang hinihintay ng lalake ang pagkakataon na ‘to, habang si Casey ay halos pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi niya maintindihan ang sarili ngunit nag aasam siya na kahit papaano ay tama ang sinabi ni Jade. Lumabas si Casey ng opisina ni Dylan at nag tungo na agad sa parking lot upang kunin ang sasakyan. Wala si Dylan ngayon dahil pabalik-balik ito sa Madrid para sa iba’t-ibang kliyente. Pag umuuwi naman ito ay minsan lang sila magkita dahil mas madalas ito sa hospital, na hindi na ipinagtaka ni Casey. Ngayong natanggap na ni Dylan ang balita marahil ay nakauwi na rin ito ng Pilipinas. Nag tungo agad si Casey sa rest house ng pamilya ni Dylan sa La Union, dito madalas umuuwi ang lalake. Nakita agad ni Casey ang sunod-sunod na mga sasakyan na nakaparada sa labas. Bigla nanamang kumabog ang dibdib niya. Halos hindi na siya makahinga habang iniisip ang mga susunod na mangyayari sa loob. Nadatnan niya si Dylan na nakatayo sa harap ng pool habang may hawak na isang baso ng alak sa kaniyang kanang kamay. Naramdaman ata ng lalake ang pagdating niya kaya bigla siyang nilingon nito. Kahit walang ekspresyon ang mapupungay niyang mga mata ay nababasa parin ni Casey na ngayon lang ito naging interesado sa pag dating niya. “Alam mo na kung bakit pinatawag kita,” ani Dylan at biglang sumenyas sa isang body guard na nakatayo ilang metro malayo sa kanila. Naglakad ito at may bitbit na papel. Sumikip ang dibdib ni Casey nang mapagtanto kung ano ang bagay na ‘yon. Ilang buwan niya nang hinahanda ang sarili na kapag nagising na ang pinsan niya ay marami na ang magbabago, lalo na sa buhay niya. Pero kahit kailan pala ay hinding-hindi siya magiging handa. Nang makuha ni Dylan mula sa body guard ang papel ay kinuha rin nito ang ballpen mula sa bulsa niya at inabot kay Casey ang mga ‘yon. Pakiramdam ni Casey ay nilalamon siya ng kinatatayuan niya ngayon habang nakatitig sa divorce paper na nakalahad sa harapan niya. Hindi manlang makitaan ni Casey ng awa at. pagdadalawang isip ang mukha ni Dylan lalo na ang mga mata nito. Talagang desidido na ito. “Hindi ko sa’yo ipinangako ang buhay na meron ka ngayon, kay Suzane. At ngayong gising na siya wala nang dahilan para ituloy pa natin to,” parang malamig na tubig na bumuhos kay Casey ang boses nito. “Sa tingin mo ba papayag ang lola sa gagawin mo?” sambit ni Casey, pinipilit na ‘wag bumagsak mula sa kinatatayuan niya. Suminghap si Dylan, “Wag kana umasa sa suporta niya, Casey, dahil kahit siya ay walang magagawa sa desisyon ko,” aniya at nilahad ulit ang papel. Ilang segundong tinitigan ito ni Casey nang muling mag salita si Dylan, “Huwag na natin pahirapan ang isa’t-isa. Simula’t sapul alam mo kung bakit tayo kinasal. Pabor din naman sa’yo to ‘diba? Hindi kana mahihirapan sa sitwasyon natin. Pirmahan mo na.” Kinuyom ni Casey ang kaniyang kamay upang pigilan ang sarili na sampalin ito, “Kating-kati kana ba talagang makaalis ako?” Kumurap ang mga mata ni Dylan at tumayo nang maayos, “Hindi mo naman kailangan umalis. Ibibigay ko sa’yo ang rest house na’to alang-alang sa pinagsamahan natin.” Halos matawa si Casey sa sinabi nito, “Ganon ba? Huwag na, ayoko rin naman ng mga bagay na magpapaalala sa’yo sakin.” Pinanlisikan ni Casey ng mata si Dylan saka hinablot ang papel at pinirmahan ito. Kitang-kita niya rin ang pirma nito na sariwa pa ang tinta. Tinalikuran ni Casey si Dylan at agad na lumabas patungo sa sasakyan niya. Bago pa man siya makapasok ay inalis niya ang wedding ring na nasa daliri niya pa. Ilang segundo niya ito tinitigan bago hinagis sa daan kung saan biglang may sasakyan na dumaan at tumama ang singsing sa side mirror nito. Napangiwi si Casey. “Mrs. Almendras, si sir Dylan po ba?” lumapit kay Casey ang isang body guard na nag aakalang kakarating niya lang. Umiling si Casey, “Paalis na ako. Huwag niyo na rin ako tatawaging Mrs. Almendras,” sagot niya at tinaas ang kaliwang kamay para ipakita ang daliri niyang wala ng singsing. Nagtataka man ay tumango na lamang ang body guard. Binuhay na ni Casey ang sasakyan at nag tungo sa law firm. Bukod sa isang asawa ay isa rin siyang lawyer. At iilang tao lamang ang may alam nito. Isang katauhan na nakatago sa pangalan Hera, isang lawyer na kahit sinong malalakas na abogado ay nanginginig ang mga kalamnan sa tuwing naririnig ang pangalang ito. Padabog niyang binuksan ang pintuan ng meeting room at agad na umupo sa bakanteng upuan. Gulat na mga mata ang sinalubong sa kaniya ni Ingrid. Tama lang pala na walang meeting ngayon dito. “Casey! Hindi kana nga tumawag na pupunta ka muntik mo pa masira ang pinto,” ani nito at naglalakad papunta kay Casey. “Divorced na kami,” sagot ni Casey at hinilot ang kaniyang sentido, “Kaya ang kailangan ko ay bagong mga cases at hindi ang ka-OAhan mo, Ingrid.” “ANO?!” Tinignan siya nang masama ni Casey dahilan upang mapatikhim siya at mapaupo sa harap ni Casey. “Oo na, hindi na kita kukulitin tungkol dyan. Sa ngayon,” pahabol ni Ingrid kaya napairap nalang si Casey. Inilapag ni Ingrid sa harap ni Casey ang isang folder. Inabot ito ni Casey at binuksan. “Malalaking tao ang involve sa divorce case na ‘yan. Lahat ng binigyan ko n’yan ay tinanggihan ako sinasabing delikado raw. Ang huling lawyer na humawak sa kaso na yan ay hindi rin umubra,” pagpapaliwanag nito, “Kaya sa tingin ko ay palampasin mo nalang din.” Tinitigan ni Casey nang matagal ang divorce case sa kaniyang harapan. Nagka-interest siya rito. “Kukunin ko,” saad niya na ikinagulat ni Ingrid. “Cas, kakasabi ko lang e, delikado ‘yan kaya nga tinanggihan nila—“ “Hindi ng isang katulad ko, Ingrid. Hindi ng isang Hera,” putol ni Casey sa kaniya at sumandal sa upuan. Napabuntong hininga na lamang si Ingrid at walang nagawa. “Isesend ko nalang sa email mo ang ibang detalye ng kaso,” saad nito. Napagsalamat si Casey kay Ingrid at umalis na rin ito, nag tangka pa siyang pigilan ulit si Casey ngunit desidido na ito. Hindi si Dylan o ang divorce nila ang sisira sa kaniya. Lahat ng mga nangyari ay simula palang at handa na siyang harapin ang bagong buhay na hindi kontrolado ng ibang tao. Buhay na hindi nakatago sa likuran ng isang Dylan Almendras.Hindi mapakali si Casey na kanina pa patingin-tingin sa kaniyang cellphone na nasa ibabaw ng mesa niya. Dalawang araw na ang lumipas at wala paring email na pinapasa sa kaniya si Ingrid. Nagdududa na siya at baka desidido rin talaga ito na huwag ipahawak sa kaniya ang kaso. Naging interesado si Casey sa kaso dahil bukod sa divorce case ito, nabanggit din ni Ingrid na may dalawang malaking tao ang involve rito. Ganitong mga kaso ang gusto ni Casey, ‘yong pagpapawisan siya. Biglang tumunog ang cellphone ni Casey dahilan upang mapabalikwas siya sa pagkakaupo. Inabot niya ‘yon at umaasa na pangalan ni Ingrid ang bubungad sa kaniya. Ngunit hindi email ni Ingrid ang natanggap niya kundi ang text nito. “Sa coffee shop mo nalang kunin ang mga detalye na hinahanap mo. Parang masarap mag kape ngayon, lalo na kapag libre.” Napatampal sa noo si Casey at wala ng nagawa kundi mag ayos para tumungo sa coffee shop. Nang makarating si Casey sa coffee shop ay bumungad agad sa kaniya ang ta
Walang kahit na sino ang pumagitna sa nag iinit na tensyon mula kina Casey at Dylan. Nanatiling nakatayo si Casey habang kumakabog nang malakas ang puso niya na tila ba ay pwede na itong marinig ng lalakeng nasa harapan niya. Hindi niya inaalis ang kaniyang mga mata kay Dylan na puno ng iritasyon at galit ang mukha at mga mata nito. Ilang sandali pa ay natagpuan na lamang niya ang kaniyang sarili na tila gusto pa ulit magsalita ngunit ‘di na magawa.Kasabay ng ihip ng hangin mula sa labas ay ang biglaang pag tanaw ni Casey sa mga alalaang meron sila ni Dylan noon. Hindi naman puro sakitan ang buong tatlong taon nilang pagsasama. Nagkakaroon din ng pagkakataon na sabay silang tumatawa sa biro ng isa’t-isa, may panahon din na pareho silang nangarap, ngunit sa kabila ng lahat ng ‘yon, nauwi parin sila sa sitwasyon na kamumuhian nila ang isa’t-isa. Sino nga ba ang mag aakala?Naramdaman niya ang paghawak ni Ingrid sa kaniyang braso bago ito magsalita, “Huwag kang papatalo sa mga ‘yan. Hu
Ipinagsawalang bahala na lamang ni Casey ang taong naka sunod umano sa kaniya kahit pa halos tumalon na ang puso nito sa kaba nang malaman ‘yon. Ibinilin niya sa mga body guard na mag masid na lamang nang mabuti sa paligid at sinabi na baka wala naman daw masamang gagawin ang kung sino mang naka sunod sa kaniya.Pumasok si Casey sa kaniyang kwarto sa ikalawang palapag ng mansyon. Saglit siyang naligo at bago lumabas sa banyo ay napatingin siya sa kaniyang sarili sa salamin. Masyadong mabigat ang pag haharap nilang tatlo ngayong araw at hindi siya sigurado sa mga susunod na mangyayari. Ngunit isa lang ang nakakasiguro siya, ‘yon ay payapa na siyang makakatulog sa gabi nang walang iniisip bilang isang Mrs. Almendras. Sa wakas ay nakalaya na siya sa bagay na pilit niyang pinapasan sa loob ng ilang taon. Hindi na siya magigising sa bungad ng masakit na pagsasama nila ni Dylan. Mabigat man para sa kaniya wakasan ang lahat sa isang kumpas lang ng kamay, hindi niya naman pinagsisisihan ang
Natatandaan pa ni Casey kung paano isuot ni Dylan sa kaniya ang singsing. Mabigat at tila ayaw gumalaw ang mga kamay nito. Nararamdaman niya noon kung gaano kalabag sa loob ni Dylan ang ikasal silang dalawa. Halos hindi nga niya makitang suot ng lalake ang sarili nitong wedding ring. Ilang beses niya itong nakikita na nasa loob lamang ng kanilang drawer. Pinapaalala pa nito na nakalimutan ng lalake suotin ang kaniyang singsing ngunit palagi itong walang kibo. Ngunit ngayon ay hawak ni Dylan ang wedding ring ni Casey. Pilit man isawalang bahala ito ni Casey ay nagtataka pa rin siya kung bakit nangyari ito, ‘e tinapon niya na ito sa labas ‘nong huling punta niya rito sa rest house. Napansin ni Dylan na nakatitig lamang si Casey sa kaniyang kamay na may hawak na singsing kaya agad niyang tinago ang kamay sa kaniyang bulsa. Ang kaninang malambot na ekspresyon ni Dylan ay napalitan muli ng pagkainis. “Kung balak mo lang din namang itapon ang singsing, edi sana ginawa mo nang maayo
Nag tungo agad sina Casey sa dining room matapos ang maikling kwentuhan kay Lola Isabel. Bago pa man sila tuluyang makaupo ay agad na kinalabit ni Casey si Via para mag tanong. “Alam ba ni lola ‘yong tungkol sa…” bulong ni Casey at nag aksyon na parang nag susulat. Agad namang umiling si Via. “Hindi niya alam ‘yong divorce. Ang alam niya lang ay pinapahirapan ka ng kumag na ‘yan,” sagot ni Via at nginuso ang lalakeng naka tayo lamang sa likod ng upuan. Tila nabunutan ng tinik sa lalamunan si Casey nang malaman na hindi pala ang divorce nila ni Dylan ang nakarating kay Lola Isabel. Ayaw niyang mag konsumisyon ang matanda sa nangyayari sa kanilang dalawa. Naupo na rin si Casey katabi ni Via, maliban kay Dylan na nakatayo pa rin. “Hayaan mo siya, Casey. Kung mag mamatigas siya at gusto niyang umalis, hindi niya magugustuhan ang gagawin ko sa kaniya,” pag babanta ni Lola Isabel. Nag dilim na naman ang ekspresyon ni Dylan kaya suminghal si Via, “Oh, ano? Kailangan pa ba kit
Wala ng nagawa si Dylan kundi buksan ang pinto ng passenger seat at tinignan si Casey, nag aantay na pumasok ito. Nang mapansin ni Lola Isabel na nakatayo lamang si Casey ay agad niya itong hinatak palapit sa kotse. “Dali na, pumasok kana!” sambit ng matanda. Hinarap naman siya ni Casey at hinaplos ang kaniyang kamay, “La, masyado nang malamig dito sa labas. Pumasok na ho kayo, aalis na rin kami,” saad ni Casey at nginitian si Lola Isabel. Niyakap ni Lola Isabel si Casey, samantalang si Dylan naman ay kinurot niya sa kaliwang tenga nito. Napa-aray naman si Dylan ngunit natahimik siya nang pinanlisikan siya ng mata ni Lola Isabel. Napaisip si Dylan kung sino nga ba ang apo sa kanilang dalawa ni Casey. Nag bilin si Lola Isabel na mag ingat sila sa biyahe saka ito naunang pumasok sa loob. Nang makapasok na si Lola Isabel sa loob ay naisip naman ni Casey na tumawag nalang ng taxi o mag grab. Naamoy ata ni Via ang binabalak nito kaya hindi pa rin siya sumusunod kay Lola Isabel sa
Nang makauwi si Casey ay agad siyang dumiretso sa banyo upang maligo bago magpahinga. Sobrang lagkit ng kaniyang katawan dahil sa pawis na natamo siya paglalakad hanggang makarating sa town. Paano ba naman kasi ay nag lakad na lamang siya upang ibuhos dito ang sobrang inis kay Dylan. Sa town niya na napag pasyahang tumawag sa kaniyang driver para sunduin siya. Kahit papaano naman ay nakatulong kaniyang paglalakad sa bigat na nararamdaman niya kanina. Kahit sanay si Casey mabuhay mag isa ay iba pa rin ang pakiramdaman na ngayon ay wala na siyang asawang inaalala; kung kailan ba ito uuwi o magpapakita sa kaniya. Ngayong wala na sa buhay niya si Dylan ay makakapag-focus na siya sa career niya. Masyado ring naubos ang kaniyang sarili sa kasal nila, masyadong nasayang ang lahat ng paghihirap niya sa lalaking ‘yon. Agad na nakatulog nang mahimbing si Casey, samantalang sa kabilang dako naman ay hindi mapakali si Dylan sa kaniyang higaan. Palipat-lipat ito ng puwesto, paikot-ikot, at hin
Bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Casey at nagsalita, “Correction, ex-wife,” aniya at sumandal sa upuan. Mahalagang linawin niya ang kaniyang pagkatao kay Mr. Ybañez dahil kailangan niyang makuha ang tiwala nito.Kahit na pilit pakalmahin ang sarili ay hindi pa rin mapigilang dumaan ang gulat sa mukha ni Mr. Ybañez nang marinig ang mga katagang ‘yon mula kay Casey, “Ex-wife?” pag ulit niya sa sinabi nito.Tila naisip naman ni Casey na kailangan niya muling magpakilala kay Mr. Ybañez bilang abogado nito. Nilahad niya ang kaniyang kanang kamay sa harap nito, “Mr. Ybañez, I’m Hera. Ako ang abogadong hahawak sa kaso mo. I hope we work well together,” magpapakilala niya at gumawad ng ngiti.Napangiti naman si Mr. Ybañez at inabot ang kamay ni Casey. “Nice to meet you, Ms. Hera. Pero ano ba’ng nangyari sa inyo ni Mr. Almendras?” biglang pag usisa nito.Nawala ang ngiti sa labi ni Casey at bahagyang napakamot sa kaniyang batok at hindi alam ang sasabihin. Dapat ba siyang mag kwento? E
Nanatiling nakatingin lamang si Casey at Daisy sa isa't-isa, parehong nag iniisip kung sino ang kumatok at kung sino sa kanilang dalawa ang magbubukas ng pinto.Kanina pa sana nila pinagbuksan yan kung hindi lang na-trauma itong si Casey sa posibleng nasa labas ng condo. Baka kasi natagpuan na rin ni Dylan ang condo niya. Mansyon nga niya nahanap ng lalakeng yon, ito pa kayang condo na nasa town area.Iniisip ni Casey na baka si Lincoln lang yon at bumalik. Luminga-linga naman siya sa paligid upang i-check kung may naiwan ito pero wala naman."Cas, bubuksan ko ha. Sisigaw nalang ako ng malakas pag tama ang hinala natin tapos magtago ka agad sa kwarto," ani Daisy at mariing nakatitig sa pintuan.Kumunot naman ang noo ni Casey sa sinabi ng kaibigan, "Ha? Anong sinasabi mo dyan?""Ah basta! Makinig ka nalang! Baka bitbitin ka na naman nito pa-La Union e!" Ilang sandali pa ay naglakad na si Daisy papunta sa pinto. Sumilip siya sa peephole at nanlaki ang kaniyang mga mata kay agad niyang
Agad napatingin si Casey kay Lincoln at nakitang pinasok ng lalake ang cellphone sa kaniyang bulsa.Andito sila ngayon sa condo ni Casey dahil sumang-ayon siya sa hiling ng lalake na ipagluto ito. Tama rin na ganito ang desisyon niya dahil ayaw niyang kumain sila sa labas at pag piyestahan pa ng mga tao."Hindi magandang nagbabasa ka ng mga hate comments. Pinapasama mo lang ang loob mo," saad ni Lincoln at naupo sa kaharap na sofa ni Casey.Bahagyang napanguso si Casey, "Wala naman akong pakialam sa mga sinasabi nila. Gusto ko lang malaman kung may magbabato ba ng mga itlog sa akin kapag lalabas ako," sagot naman ni Casey.Natawa si Lincoln, "Mahal ang itlog ngayon, hindi nila gagawin yan."Napairap na lamang si Casey, napaka-epal talaga.Tumayo si Lincoln at mariing tinitigan si Casey, "Thank you for the meal. Parang nasasanay na ako sa luto mo at baka mapapadalas ang request ko," naka ngising saad nito sabay kuha mula sa kaniyang bulsa ang cellphone ni Casey at binigay ito sa babae.
Dali-daling dinampot ni Suzanne ang kaniyang cellphone at agad na sinagot ang tawag.Tahimik siyang nakikinig sa sinasabi ng taong inutusan niyang mag report sa kaniya ng mga ganap sa Civil Affairs.Ilang sandali pa ay unti-unting nabuo ang malaking ngisi sa kaniyang labi nang marinig na ang balitang matagal nilang inaantay ng kaniyang pamilya. Mariin lamang na naghihintay sina Regina at Paulo habang nakatingin kay Suzanne na nakatalikod sa kanila at nakikipag usap sa cellphone nito."Okay, okay. Thank you, I appreciate it," ani Suzanne at binaba na ang tawag.Nag tinginan naman ang mag asawa.Agad na lumingon si Suzanne sa kaniyang mga magulang suot ang malaking ngiti sa kaniyang labi.Luminawag naman ang mukha ni Regina at tila nababasa ang reaksyon ng anak."Tapos na ba?" tanong ni Regina.Tumango-tango si Suzanne, "Talagang wala na sila. Tapos na ang divorce!" Malakas na napasigaw ng "Yes" si Regina habang si Paulo naman ay napabuga ng hangin at malawak din na napangiti. Sa wak
Patuloy lamang ang pag lalabas ni Lola Isabel ng kaniyang sama ng loob sa kabilang linya habang si Casey naman ay tahimik na nakikinig lang sa kaniya."Pera rito, pero roon! Puro pera! Nagpabulag na silang lahat sa pera na yan!" naiinis na saad ng matanda, kahit nasa cellphone lamang ay nakikita niya pa rin ang naiinis na itsura nito sa kaniyang isip,"Talaga bang yaman at reputasyon nalang ang natatanging mahalaga sa kanila ngayon? Pera ang dapat na pinapaikot nila at hindi pera ang dapat na magpaikot sa kanila! Hindi na tuloy ako makapag hintay na dumating ang panahon na aayon ang mundo sa tama at sasampalin ng katotohanan si Joaquin sa kaniyang mga maling desisyon at mga walang kwenta niyang turo kay Dylan!" patuloy na saad ni Lola Isabel.Mariin namang napapikit si Casey at sinusubukan na pakalmahin ang matanda dahil sa lagay na ito ay masyado nang nagpapadala sa kaniyang galit si Lola Isabel at nag-aalala si Casey sa kaniyang kalusugan."La, baka hindi lang po alam ni Lola Joaqui
Huminga nang malalim si Casey at mahigpit na hinawakan ang divorce certificate sabay lingon kay Dylan. Sinalubong naman siya ng malalamig ngunit nangungusap na tingin ng lalake. Napakurap ng mga mata si Casey ngunit hindi pa rin bumibitaw ng tingin si Dylan.Parang kailan lang ay noong tatlong tao na ang nakakalipas ay may eksena rin silang ganito. Kapwa naka harap sa isa't-isa at parehong nangako na magsasama sa hirap at ginhawa. Ngunit iba ngayon, dahil sa araw na ito ay tuluyan nang matutuldukan ang kanilang pagsasama. Mapait na ngumiti si Casey kay Dylan, "Goodbye, Dylan," saad nito.Hindi sumagot si Dylan at bigla na lamang itong tumalikod upang lumabas sa hall. Malalim na bumuntong hininga si Casey at agad sumunod sa lalake upang umalis na rin sa lugar. Nakayuko lamang siya dahil ayaw niyang makuhanan ng litrato ang kaniyang mukha at dahil na rin sa napakaraming flash ng mga camera na nakakasilaw sa kaniya. Gulat naman na napahinto si Casey sa kaniyang paglalakad nang mabunggo
Hindi naman umimik si Dylan at nanatili lamang na tahimik hanggang sa makabawi na siya mula sa nangyari. Agad siyang naglakad paalis at nilagpasan ang kaniyang ina. Nagulat naman si Claudine sa kilos ng kaniyang anak kaya tinawag niya ito."Dylan! Sandali!" sigaw niya dahilan upang mapahinto si Dylan.Lumingon naman si Dylan sa kaniya at walang emosyon na tinignan siya, "Mom, ano na naman ba?" tamad na tanong nito.Napabuntong hininga si Claudine, "Sabihin mo nga sa akin. Totoo ba na ikaw ang humiling ng divorce?"Nanatiling kalmado si Dylan at tumango, "Wala na tayong magagawa. Hindi ko na rin mababawi ang desisyong yon dahil nag usap na kami ni lolo," sagot ni Dylan.Kumunot naman ang noo ni Claudine at tila hindi niya na rin alam ang kaniyang gagawin sa nangyayaring gulo, "Hindi maganda ang mga nangyayaring ito para sa pamilya natin, Dylan. Kung alam ko lang na babawian tayo ng babaeng yon ay sana noon pa lang hindi na ako pumayag na pakasalan mo yon! She's a walking shame! Siya an
Mariing pinuwesto ni Dylan ang kaniyang kanang kamay sa gilid ng ulo ni Casey habang nakasandal ito sa pader, at ang kaniyang kaliwang kamay naman ay mahigpit na nakahawak sa kamay ng babae. Mabigat ang tensyon sa kanilang pagitan at kapwa rin nilang nararamdaman ang init ng hininga ng bawat isa.Mariin ang bawat tinginan na binabato nila sa isa't-isa at ni isa sa kanila ay matapang na tinatanggap ang mga tingin na ito at hindi tumitiklop. Taas baba ang kanilang mga dibdib dahil sa bigat ng kanilang bawat pag hinga. Bumaba ang tingin ni Dylan sa labi ni Casey at napansin na bahagya itong nanginginig. Umangat muli ang kaniyang tingin sa mga mata nito ay mas lalong inilapit ang kaniyang mukha sa babae. Napapikit si Casey at tila may naramdaman siyang kuryente nang mag lapit na ang kanilang mga mukha kaya agad siyang dumilat at tinignan nang masama ang lalake.Bumalik sa dati ang ekpresyon ni Casey, puno ng inis ang kaniyang itsura at nakakunot ang noo nito habang si Dylan naman ay hindi
Nag iba na naman ang timpla ng itsura ni Lola Isabel at mas lalong hindi nagustuhan ang kaniyang mga narinig mula sa bibig ni Claudine, "Sumosobra ka na! Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Claudine?! Napakabastos ng bunganga mo! Umalis ka nga rito sa harapan ko!" sigaw ni Lola Isabel, rinig sa buong mansyon ang boses nito.Hindi nag patinag si Claudine at pinandigan ang kaniyang sinabi, binalewala ang galit ni Lola Isabel. Huminga siya nang malalim at nilingon si Casey, "Sige, pairalin mo ang katigasa ng ulo mo at panindigan mo yang katapangan mo. Pero sana kayanin mo rin ang kayang ibigay ng pamilya ko sa gagawin mo," ani Claudine.Nanliit ang mga ni Casey, iniisip kung ano ang ibig sabihin ni Claudine, "I would love to hear that," saad ni Casey.Mulinh bumalik ang galit na nararamdaman ni Claudine. Mariin niyang tinignan si Casey nang may lakas ng loob upang ipakita na mali ang piniling desisyon ng babae na ipahiya ang kanilang pamilya at sabihin sa lahat ang divorce na naganap, "Hind
Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Casey at sumagot, "Thank you, Mrs. Almendras. Kung wala na po kayong sasabihin ay hindi ko iistorbohin ang inyong pahinga ngayong gabi."Huminga nang malalim si Claudine at pilit na kinakalma ang kaniyang sarili. Tila may pangungutya sa kaniyang itsura nang muling maisip ang divorce ng dalawa, "Casey, masyado ka atang nagmamadali na ma-divorce sa anak ko. Alam mo naman siguro na kapag humarap sa divorce settlement ang pamilya namin ngayon ay pwede kaming mawalan ng sampung bilyong piso mula sa isang project na tapos na namin i-negotiate. Umaasa ka ba sa shares na makukuha mula rito? Gagamitin mo ba ang divorce na ito upang kumubra ng pera mula sa pamilya ko?"Hindi na napigilan ni Casey ang sarili at bahagya itong natawa nang dahil sa sinabi ni Claudine. Seryoso ba ito? Alam ba niya na kahit kailan ay hindi problema kay Casey ang pera?"Mawalang galang na ho ngunit masyado ata niyo na ata inooverthink ang mga bagay-bagay," sagot ni Casey, "Wala po ak