BivianneHalos anim na oras na kami sa daan dahil na rin sa traffic. Nag-stop over lang kami nang isang beses kanina bago nagpatuloy sa byahe. Nang makatulog ang mga bata ay napasandal ako sa upuan ko at napapikit. Nakakaramdam din pala ng pagod ang mga batang ‘to. Akala ko ay hindi titigil sa kwentuhan hanggang sa makarating kami.Napatingin ako sa balikat ko nang may kumalabit sa ‘kin. Nang magtama ang tingin namin ni Oxem ay naintindihan ko agad kung anong gusto niyang iparating. Tiningnan ko muna ang mga batang mahimbing nang natutulog bago dahan-dahang tumayo. Inalalayan naman ako ni Oxem hanggang sa makaupo ako sa tabi niya.Pagkaupong-pagkaupo ko ay agad niya akong niyakap sa beywang at binaon ang mukha sa leeg ko. Napasilip ako sa tabi namin dahil naroon ang dalawa sa mga staff na kasabay nila. Mabuti na lang at natutulog din ang mga ito.Napabuntonghininga siya sa leeg ko. Nagbigay ‘yon nang kiliti sa tiyan ko. “Hindi ko alam na kailangan ko palang makipagkompitensiya sa mga
34BivianneNang matapos kaming kumain ay saglit kaming nagpahinga. Madaldal pa rin si Rodmarc pero kumpara kanina ay halata na talaga ang kaba sa mukha niya. Seryoso rin ang mukha nina Khaianne, Roberto at Oscar. Miski si Oxem ay hindi ko na rin maintindihan kung anong klaseng ekspresyon ang ginagawa.Hinawakan ko ang kamay ni Oxem bago pinisil ‘yon nang marahan. Napatingin siya sa ‘kin kaya agad ko siyang nginitian.“It’s going to be okay,” sabi ko. “You need to be there for the kids.”Agad naman siyang napangiti. “You’re right.” Hinalikan niya ako sa noo. “Thank you.”Pagdating namin sa loob ng room, naroon ang ilang mga computer na naka-set up para sa magiging dry run nila. Wala akong masyadong alam kung paano ang nangyayari tuwing dry run pero sa tingin ko, ito na ang pagkakataon para mas malaman pa. If I’m going to sponsor more e-sport teams in the future, I need to do it the right way.Naupo sina Khaianne at ang buong team sa kanang bahagi ng silid. Sa kaliwang bahagi naman ay
35BivianneNapatayo ako sa kinauupuan ko nang matapos ang laro. Malapad ang ngiti ko habang pinanonood sina Oxem at ang mga player na yakapin ang isa’t isa. Kung namumula lang ang palad ko kanina, tiyak na may pasa na ‘to ngayon.They won. They did it!Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko habang pinanonood ang mga kaganapan sa harap ko. They shook their opponent’s hands and even hugged them. Mukhang matagal na silang magkakakilala at palaging nagkakaharap sa mga tournament.Matapos ang game nila ay mabilis lang din na naghanda ang sunod na game. Dumaan naman sina Oxem sa gawi namin at inaya kaming lumabas. I guess they’re done for the day. Kasama sila sa finals na gaganapin din agad bukas. I wonder if we’ll have time to go on a date due to their busy schedule.Gaya ng nabanggit nina Roberto kanina ay dumeretso sila sa pag-review ng naging game nila. Mukhang wala naman silang angal dahil wala pang sinasabi si Oxem ay tutok na agad sila sa replay. Kaniya-kaniya sila ng panood. Ilang m
Bivianne“When did you have the time to prepare this?” tanong ko habang kumakain. Steak ang in-order namin pareho at wine ang panulak. “Sigurado akong sobrang busy niyo kanina sa paghahanda sa tournament.”“Noong natutulog ka,” nakangiting sagot niya. “Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko kung tumanggi kang matulog kanina. Iyon lang din kasi ‘yong oras na meron ako para paghandaan ‘to.”“I didn’t realize. Sobrang pagod ko rin siguro noong mga oras na ‘yon kaya hindi na ako naghinala. At masyadong magarbo ‘to para sa ilang oras na paghahanda.”“Hindi ko dapat kunin lahat ng credits kasi tinulungan din ako nina Khaianne para mapabilis ‘yong pag-aayos. Pati ‘yong staff, tumulong din sila.”Napangiti ako. “Thank you so much for this, Oxem.”Ngumiti siya pabalik. “Thank you so much din sa pagsama.”“It’s my pleasure.”Nagpatuloy kami sa pagkain habang nagkukuwentuhan. Ngayon na lang kami ulit nakakain sa labas dahil sa sobrang busy namin pareho. Naging blessing-in-diguise pa tuloy ‘yong
Bivianne“Congratulations, everyone!” bungad na bati ko sa kanila pagkalabas namin ng venue. Medyo nagtagal kasi kami sa loob lalo na at deretso awarding na rin ang nangyari.“Thank you, ate Bivianne!”“Thank you, Bi!”Sabay-sabay nila akong niyakap kaya halos mawalan kami ng balanse. Mabuti na lang at naging maagap si Oxem at nahawakan ako agad sa beywang para hindi kami tumumba lahat.“Calm down, guys,” ani Oxem. “Baka madisgrasya pa kayo.”Napanguso ang mga ito kaya naman napangiti ako bago sila niyakap isa-isa. “I guess hindi naman tayo madidisgrasya kung isa-isa ko kayong yayakapin.”Malawak naman silang napangiti lahat at sinuklian ang yakap ko. Matapos ‘yon ay naglakad na kami papunta sa hallway. Ang buong akala ko ay mag-d-dinner na kami pero nabigla ako nang dumeretso sila sa room para i-review ang game nila.Pero bago pa sila makapasok ay hinarangan ko na agad sila. “Hep! Alam kong nakasanayan niyo nang i-review ang game niyo pagkatapos pero you guys won! You need to take it
BivianneDumaan ang maraming araw na paulit-ulit ang ginagawa namin. Pero kumpara noon, madalas na kaming magkasama ni Oxem matapos ang trabaho namin. May mga pagkakataon mang hindi kami sabay umuuwi ay madalang na lang mangyari ‘yon.Ayon sa kaniya, hindi na sila ganoon ka-busy dahil katatapos lang ng finals. Ilang buwan pa ulit ang kailangan nilang hintayin para sa susunod na patimpalak. Kailangan pa rin nilang mag-ensayo araw-araw at makipag-scrim sa ibang team.Scrim o scrimmage ang tawag sa pakiki-match sa ibang team. Ina-apply nila ang rules and regulations ng mga patimpalak para malaman kung sino ang mananalo. Hindi man ‘to isang official match, nakakatulong naman ‘to para sa training nila dahil ang mga nakaka-scrim nila ay sila ring mga nagkakaharap sa mismong tournament.Matapos ang trabaho ko sa araw na ‘yon ay dumeretso ako sa dorm ng FXNK. Patapos na ang scrim nila kaya pwede na akong magpunta. Day off ng mga bata bukas kaya naman pauuwiin niya ang mga ito mamaya. On the o
BivianneNapadilat ako nang marinig ang katok sa pinto. Ilang segundo bago ko napagtanto kung nasaan ako kaya napadilat ako nang tuluyan. Pagtingin ko kay Oxem ay tulog na tulog pa siya at mukhang hindi narinig ‘yon.“Wait!” sambit ko sa kumakatok. Tumigil naman ‘yon agad.Nagbihis na muna ako bago lumabas. Kahit anong gising kasi ang gawin ko kay Oxem ay hindi siya magising. Mukhang napagod yata siya sa scrim nila kahapon at sa nangyari kagabi. Natawa tuloy ako sa sarili ko.Pagbukas ko ng pinto, hindi ko inaasahan kung sino ang bumungad sa ‘kin. “Khaianne? What are you doing here? It’s supposed to be your day off.” Napatingin ako sa likod para siguraduhing hindi makikita ni Khaianne si Oxem. “Bi? Anong ginagawa—” Mabilis siyang umiling. “Hindi mo kailangang sagutin ‘yong tanong ko. Hindi ko kailangang malaman.”Napakamot tuloy ako sa pisngi ko at bahagyang hinarang ang katawan ko sa pinto. “He’s still asleep. Kumain ka na ba?”“Ininit ko lang ‘yong kare-kare. Tatawagin ko sana si b
Bivianne“Oxem!” bulalas ng mama niya pagkabang-pagkababa namin ng sasakyan. Pinudpod niya ng halik sa mukha ang anak bago niyakap nang mahigpit. Natatawa lang si Oxem habang ginagawa ng mama niya ‘yon at mukhang sanay na talaga siya.“Na-miss kita, ‘Ma. Pero may kasama ako.” Tinuro pa niya kami sa likod.“Hindi ka naman umaangal noon kahit sinong kasama mo, ah?” Ngunit nang magtama ang mga mata namin ay napaawang ang bibig niya. Napaiwas na lang ako ng tingin. “Ah, I see.”“‘Ma, nakilala mo na noon si Khaianne noon. Isa sa mga member ng FXNK.” Nagmano naman agad sa kaniya si Khaianne. “Mano po. Kumusta po kayo?”“Mabuti naman. Oo at naalala kita. Ikaw ‘yong sweet na bata. Hinding-hindi kita makakalimutan! Saka si ano… ano nga ang pangalan nang makulit na batang ‘yon? Si Rodmarc!” Natawa naman sila sa pagbanggit ng pangalan nito.“Day off nila, ‘ma, kaya si Khaianne lang ang nakasama namin. Umuwi sila sa mga pamilya nila.”“Mas mainam ‘yon at para makapag-bonding silang pamilya.”Nap