Kabanata 5
"I can't imagine that I'm going to live alone now, Mapple." Bakas sa boses ni Jianette ang kalungkutan ng sabihin niya iyon.
Ipinatong ko ang handbag ko sa maleta pagkatapos ay tumabi sakaniya at inakbayan siya.
"You can visit me anytime naman sa Villa since wala pa rin naman akong trabaho," ani ko.
Kumunot ang noo ni Jia kaya naman napataas ang kilay ko. Why? Did I said something wrong?
"Magta-trabaho ka pa?" tanong niya at maya-maya pa'y tumawa. "Mapple, asawa mo si Aciel... si Aciel na isa sa pinaka-mayaman na tao sa buong Pilipinas at Asia. Kaya na niyang ibigay ang lahat ng gusto mo in just a snap. Baka nga kung sabihin mo na bilhan ka nya ng condo unit, buong building pa ang ibigay sa 'yo, e," pagpapaliwanag nya.
Inalis ko ang pagkaka-akbay ko sakaniya at hinarap siya ng maayos.
"Jia, gusto ko pa rin naman maranasan yung magka-trabaho at tumanggap ng unang sweldo. Gusto ko maranasan yung i-lilibre kita, magpapadala ako ng pera sa probinsya kasabay nung mga pinamili ko na regalo para sa kanila kahit simple at maliit lang. Gusto ko rin ng remembrance."
Bigla akong nalungkot noong maalala ko na yung mga kaklase at kaibigan ko noong college ay nakakuha na ng trabaho, ako na lang ang hindi.
"...atsaka, lahat sila, pati ikaw, may trabaho na... ako? Wala. Hindi ko alam kung may problema ba sa akin kaya ayaw akong tanggapin."
"Stop worrying about that, Mapple. Hindi mo na dapat problemahin 'yan ngayon. Remember how influential your husband is? You can use that. Tandaan mo, may matibay na pundasyon ka na ngayon at madali na lang para sa 'yo ang bagay bagay."
"No, Jia." umiiling na saad ko. "Ayokong gamitin si Aciel. I want to do this on my own to prove myself na kaya ko at natanggap ako sa trabahong gusto ko kasi karapat-dapat ako."
Mas gusto ko 'yon at isa pa, mas feel ko yung achievements ko. Mas masaya i-brag yung ganoon sa iba kasi ibig sabihin, katulad nila ay kaya ko rin. Kung hindi man ako matatanggap ngayon, marami pang next time.
"Hindi mo dapat tinatanggihan ang grasya pero sige, ayan ang gusto mo, e. May mas madaling way pero gusto mo pahirapan."
"Alam mo 'yan!"
Nagtawanan kami pareho dahil sa sinabi ko.
"Sandali... 'wag mo kakalimutan ang bilin ko sa 'yon, 'ha? Sabi nila sa A club, never daw nagka-girlfriend 'yan si Aciel kaya naman nati-tsismis na baka daw bakla. You need to guard your heart para hindi ka luhaan bandang dulo."
Napa-ngiti ako dahil sa sinabi ni Jia at tumango. Napag-usapan rin kasi namin kanina pagdating niya na baka kaya ako inalok ng kasal ni Aciel ay para pagtakpan ang rumors sa kaniya. Syempre, kapag nagka-gipitan na at maiipit siya, sasabihin niya sa lahat na may asawa siya at boom! Tapos ang issue.
"Oo na. Sige na, aalis na ako. Kanina pa ako hinihintay nung driver." Tumayo na ako at ganoon rin si Jia. "Mag-iingat ka dito, 'ha? Always lock the door lalo na mag-isa ka na lang dito."
Ngumiti si Jia at tumango.
"Bye, Mapple! Ingat ka, 'ha! Just call or text me if you need help."
"Ikaw rin. Lalabas na ako. Ba-bye!"
We hugged each other and after that ay lumabas na ako. Hindi na ako nagpahatid kay Jianette dahil alam ko naman na pagod siya at hindi naman mabigat ang dala ko.
Sinalubong ako nung tauhan ni Aciel at kinuha ang maleta na na dala ko. Pinagbuksan niya ako sa backdoor at noong ayos na ako sa loob ay nilagay niya sa compartment ang maleta ko pagkatapos ay tumuloy na sa driver's seat.
Inilabas ko ang cellphone ko para aliwin ang sarili ko since wala rin music sa loob.
"Nandito na po tayo, Mrs. Lu."
Pakiramdam ko ay mabilis lang ang byahe dahil naka-focus ako sa pagsi-cellphone. Inilibot ko ang tingin sa paligid at hindi nga ako nagkamali, malaki ang villa ni Aciel.
Hindi ko na hinintay pa na pagbuksan ako kaya lumabas na rin ako kaagad habang kinukuha niya ang maleta ko. Nginitian ko siya at kinuha iyon sa kaniya.
"Mrs. Lu!"
Napalingon ako noong may biglang nagsalita sa gilid ko at nakita ko ang isang babae na may edad na.
"Maligayang pagdating sa Villa, Mrs. Lu!" masayang bati niya. Alanganin akong ngumiti at tumingin sa paligid.
"Mapple na lang po ang itawag niyo sa akin."
Hindi ko kasi type yung Mrs. Lu. Super formal atsaka parang hindi ako ang tinatawag nila. Hindi rin ako sanay.
"Sige, walang problema Miss Mapple..." naka-ngiting saad niya. "Ako nga pala si Glenda pero ang tawag nila sa akin dito ay Manang Glen."
"Hello po, Manang Glen."
"O siya, tara na sa loob. Ihahatid na kita sa kwarto niyo ni Aciel."
Natigilan ako noong marinig ang sinabi niyang ihahatid ako sa kwarto namin. 'Namin' at ibig sabihin ay magkasama kami sa iisang kwarto. Bakit ba nakalimutan ko ang bagay na 'yan? Sana pala ay nai-open ko 'yan kanina noong nag-usap kami. Hindi rin kasi sumagi sa isip ko na sa iisang kwarto kami mag i-stay.
"Miss Mapple?"
Napatingin ako kay Manang Glenda noong tawagin niya ako at alanganin ko siyang nginitian.
"Ah... t-tara na po."
Pumasok na kami sa loob at hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na igala ang paningin ko sa buong bahay. Kahit sobrang laki at iilan lang ang tao ay sobrang linis ng paligid at wala akong makitang maalikabok na part. Kahit ang mga lamesa o cabinet ay walang takas na alikabok kahit katiting.
Pumanhik kami sa second floor. Kanina pa pala salita ng salita si Manang Glen pero hindi ko na maintindihan since nasa buong bahay ang atensyon ko.
"Dito ang kwarto niyo." Itinuro ni Manang Glen ang kwarto na katapat namin. "Pumasok ka na sa loob para makapagpahinga. Ipapahanda ko na ang hapunan."
Muli kong tiningnan ang pinto na nasa katapat namin pagkatapos ay ibinalik ko ang tingin kay Manang Glen para nginitian sya at magpasalamat. Pagkatapos ng pag-hatid niya sa akin ay bumaba rin siya.
Dahan-dahan kong binuksan ang kwarto ni Aciel. Gumawa ako ng maliit na puwang na kakasya ang ulo ko at dumungaw doon. Iginala ko ang tingin sa loob, walang tao. Ibig sabihin ay hindi pa nakakarating si Aciel.
Binuksan ko na ng malaki ang pinto at itinulak papasok ang maleta pagkatapos ay isinara ang pinto. Iginala ko ang tingin ko sa buong kwarto niya. Katulad ng kulay ng opisina niya at black, gray, white rin ang makikita rito pero hindi pangit tingnan. Ngayon ko lang napagtanto na mahilig sa monochrome colors si Aciel.
Malaki ang kama niya at sigurado akong ang kwarto na ito ang master's bedroom. Naglakad ako papalapit doon. Siya lang talaga ang natutulog dito? Sa laki ng kama niya, hindi ba niya naisip minsan na baka may tumabi sa kaniya na hindi naman tao katulad sa mga horror movies?
Umiiling ako para tanggalin ang kung ano man na naiisip ko. Hindi naman ako dito mag i-stay dahil makiki-usap ako kay Aciel na sa guestroom na lang ako matutulog.
Nagpunta ako sa walk-in closet at lumapit sa may cabinet, dahan-dahang binuksan 'yon. Doon ay maayos naka-sabit ang mga coat niya na ginagamit sa trabaho. Sa pangalawang bukas ko naman ng cabinet ay nandoon naman ang mga polo niya na plantsado at naka-hanger. Maayos naman pala sa gamit si Aciel at hindi siya makalat. Pansin ko rin na maayos ang kwarto niya.
Isinara ko na ang cabinet at napatili ako noong may nakita akong kamay sa may gilid ko na nakalapat sa may cabinet ang palad. Bago pa ako tuluyang maka-alis sa pwesto ko kanina ay nagawa na niya akong kornerin ng isa pa niyang kamay.
Kailan pa pumasok dito si Aciel at bakit hindi ko namalayan?
Dahan-dahan akong humarap sa kaniya at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Basa ang buhok niya at tumutulo pa pababa sa dibdib niya. Naka-takip ang kalahating part ng katawan nya ng towel nung ibaba ko ang tingin ko. I can smell his fresh scent at para akong nahiya dahil kanina pa akong pawis na pawis sa apartment pa lang at hindi na ako nag-abala pa na maligo bago magpunta dito.
Hindi ko rin naman kasi akalain na may ganitong sasalubong sa akin atsaka akala ko ba may meeting siyang aattendan ngayon?
Gamit ang dalawang hintuturo ko ay unti-unti kong tinulak si Aciel pero syempre, hindi siya natinag. Ayoko naman din idikit ang palad ko sa chest niya, nakaka-hiya.
Tinangala ko siya at alanganin na nginitian noong nagsalubong ang tingin namin.
"A-andyan ka p-pala? H-hindi ko n-napansin na p-pumasok ka d-dito..."
Pigil na pigil ko ang paghinga ko habang nagsasalita kaya naman nahihirapan din ako. Hindi rin kasi ako nag-toothbrush bago ako nagpunta dito sa bahay niya kasi nga hindi ko naman alam na may paganitong encounter kaming dalawa.
"You're home," sabi niya. Muntik pa akong mapa-pikit noong maamoy ang mint nyang hininga, mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko.
Hindi na ako nagsalita at dahan dahan na lang na tumango. Napalunok ako noong bumaba ang tingin niya sa may labi ko at tinintigan 'yon. Lumingon ako sa kung saan at hindi ko napigilan na basain ang ibabang labi ko sa hindi malamang dahilan.
Bakit ba ganito si Aciel? I know naman na hindi katulad ko ang type nya pero bakit ganito niya ako tratuhin? My gosh! Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng kalabog.
Kita ko sa peripheral vision ko ang unti-unting paglapit ng mukha ni Aciel sa akin kaya naman pabigla akong umupo para maka-alis sa pagkakakulong niya sa akin at tumakbo palabas ng walk in closet. Ramdam ko ang init ng pagmumukha ko at ang mabilis na tibok ng puso.
Oh gosh! That was close!
Gamit ang kamay ko ay pinaypayan ko ang sarili ko. Pakiramdam ko ay sobrang init dito sa kwarto niya kaya naman nagdesisyon akong lumabas na lang muna. Pagbukas ko ng pinto ay natigilan ako ng may isang magandang babae na nakatayo at bakas ang gulat sa mga mata niya noong magtama ang tingin namin. She looks like an angel.
"Who are you? What are you doing at Aciel's room?" masungit na tanong niya. Ngayon ko lang napansin na nakataas na pala ang isang kilay nya at matalim na tingin ang ipinupukol niya sa akin.
"I'm asking you, who are you?!"
Halos mapatalon ako dahil sa pagsigaw niya. Hindi ko mapigilan na mamangha. Hindi ko akalain na sa likod ng maamo niyang mukha ay kaya niyang sumigaw. Ako kasi ay hindi ko kaya, nababasag ang boses ko kapag sumisigaw pero sakanya ay buo at ang cool ng dating nya sa akin.
Ngumiti ako para ipakita sa kaniya na wala naman akong masamang intensyon at magsasalita na sana ako pero natigilan ako noong maramdaman kong may humawak sa bewang ko. Hindi ko na kailangan pang lingunin kung sino 'yon dahil si Aciel lang naman ang nandito sa loob. Hinila niya ako papalapit sa kaniya at tumama ang katawan ko sa katawan niya.
"Antoinette, don't shout at my wife. Don't scare her."
Nanlaki ang mata ko na napalingon kay Aciel.
Did he say that I'm his wife in front of other person? Nakalimutan na ba niya ang usapan namin?
Kabanata 6 "Your wife? Did I heard it right?" hindi makapaniwalang tanong nung babae na nag ngangalang Antoinette. Napa-iwas ako ng tingin sakaniya. Pasimple kong tinatanggal ang kamay ni Aciel pero mas lalo lang 'yon humigpit. "Yes, she is. Nga pala, why you're—" "Tonet! Nandito ka lang pa— oh, Aciel..." Mariin akong napa-pikit noong may dumagdag pa na isang lalaki n
Kabanata 7Late na akong nagising dahil hindi ko rin magawang makatulog kagabi. Masyado kasi akong na-busy sa paghahanap ng trabaho na pwedeng mapasukan. Hanggang ngayon kasi ay iyon pa rin ang goal ko at hindi magbabago 'yon.Iniisip ko rin kagabi kung kailan ko pu-pwedeng mai-open kay Aciel ang tungkol sa pamilya ko. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko, para kasi akong nahihiya lalo na't kakatapos lang namin mag pirmahan ng marriage contract.Sa totoo lang noong una ay iniisip ko na right after namin ikasal ay gagawin ko na agad ang pinapagawa nila Mama pero ngayon na narito na ako sa sitwasyon na 'to ay hindi ko na alam. Isa pa, Aciel is a busy person at sa mga oras na 'to, sigurado akong naka-alis na 'yon at nasa kumpanya na niya.Naalala ko na naman tuloy ang nangyari kahapon. Ramdam ko na hindi ako gusto ng mga kaibigan ni Aciel, mapa-lalaki man o babae. Hindi rin
Kabanata 8 "Antoinette?" Bakas ang gulat sa mukha ni Jia nang marinig niya ang sinabi ko. Kinuwento ko sa kaniya na bago umalis si Aciel kanina ay tumawag si Antoinette, at mukhang doon ang unang destinasyon ni Aciel ngayon. "And you let him leave like that? You should have ask him kung saan siya pupunta." Pabagsak akong naupo sa couch at bumuga ng hangin. Nandito kami ngayon sa apartment niya na dati ko rin tinuluyan. "What do you want me to do, Jia? Hindi ko naman pwedeng tanungin si Aciel nang basta-basta. Naka-limutan mo na bang hindi normal ang set up namin bilang mag-asawa?" Tumabi sa akin si Jia at inakbayan ako. "Kahit na, Mapple. May karapatan ka pa rin naman kasi kahit saang anggulo tingnan, mag-asawa kayo ni Aciel. Isa pa, ikaw na rin ang may sabi, halata kay Antoinette na gusto niya si Aciel." Sa totoo lang, nag sisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ko gustong malaman kung saan ang punta ni Aciel kanina at kung bakit tumawag si Antoinette. Base kasi sa convers
Simula Ilang beses kong mahinang inuntog ang ulo ko sa pader habang nakatulala at iniisip kung ano ba ang dapat kong unahin. Maghanap ng trabaho o hanapin yung sinasabi nila Mama na makakatulong sa amin na nandito sa Manila? Naramdaman ko na may humawak sa ulo ko para mapigilan na mauntog sa pader. Umayos ako ng tayo at naka-simangot na hinarap siya. "Anong ginagawa mo, Mapple? May problema ba?" tanong ni Jia na kadarating lang mula sa trabaho niya. Tumango ako bago sumagot. "I don't know what to do. Do I need to find a job first para matustusan ko ang gastusin nila Lolo at Papa o hahanapin ko na yung pinapahanap nila Lola na makakatulong daw sa amin na mabayaran ang lahat ng utang namin? Ganoon pa rin naman kasi kahit mahanap ko yung pinapahanap nila, e. Magkaka-utang pa rin kami." "Pero atleast nabaya
Kabanata 1 Bakit ba parang puro kamalasan ang nangyayari sa buhay ko ngayon? Bakit din sa ganoong pagkakataon ko nakita si Aciel? Teka... si Aciel ba talaga 'yon? Hindi kaya kamukha niya lang 'yon? Posible ba na makitang pagala-gala sa mall ang isang businessman na ang hawak ay ang isa sa malaking kompanya dito sa Pilipinas? Hindi ba busy ang mga katulad niya? Baka naman namamalik-mata lang ako? Napa-ayos tuloy ako ng upo dahil sa realizations ko. "Tama! Kamukha niya lang 'yon. Ano nga naman gagawin ng isang katulad niya sa mall na maraming tao? Isa pa, wala akong nakita na may kasama siyang body guards. 'Di ba mostly ng mga businessman, maraming hired na body guards for their safety?" Napa-buga ako ng hangin. Bakit ba hindi ko 'yon naisip kanina? Naubos ang isang buong araw ko sa kaka-isip kung siya ba 'yon o hindi, idagdag p
Kabanata 2 Maaga akong nagpunta sa Lu Corporation para maghintay sa labas sa pagdating ni Aciel. Kung hindi man niya ako kakausapin ngayon ay hindi ako titigil at babalik ako bukas hanggang sa mapapayag ko siya. Wala naman akong masamang intensyon. I just want to talk to his grandmother for my family. Kung ayaw ng Lola niya, e 'di wala akong magagawa. Saka lang ako susuko kapag ang Lola na niya mismo ang nagsabi na ayaw niyang tulungan kami. Umupo ako sa may gilid habang naghihintay. Naka-jeans naman ako kaya walang problema. I turned my hair into messy bun at after 'non ay ibinalik ko ang tingin ko sa kalsada para hintayin ang pagdating ni Aciel. I still have an hour before magsimula ang office hours ng Lu Corporation at ang sabi ni Jianette sa akin ay pumapasok si Aciel sa trabaho. Inaantok pa nga ako since hindi ako nakatulog agad kagabi tapos maaga
Kabanata 3Dahil sa nangyari kahapon, I decided na maglakad-lakad muna para maaliw naman ako sa nakikita ko. Nitong mga nakaraang araw kasi ay palagi akong maagang gumigising at nagmamadali para lang maabutan si Aciel.Mag a-alas onse na kaya naman naisipan ko na dumaan sa 7/11 para bumili ng lunch ko dahil ubos na ang niluto kanina. Tinanaw ko ang loob at nakitang kakaunti lang ang tao bago itulak ang glass door. Humakbang na ako papasok noong biglang lumabas sa may stante si Nicolle dala ang mga bibilhin niya at tinungo ang cashier."Ate, papasok ka po ba?"
Kabanata 4"I have my terms, Mister Lu."Naglalakad kami ngayon papunta sa opisina niya. Hindi ko mapigilan na mamangha habang pinagmamasdan ang paligid. Masasabi kong mayaman nga talaga ang mga Lu. Paano kaya naging friends ni Lola ang Lola niya?Ang alam ko may kaya lang kami noon pero hindi ganito kayaman. Nag abroad kasi sila Mama at doon din ako pinanganak. Bale double citizen ako, hindi lang halata. Bago ako mag-aral ng kinder ay bumalik rin kami dito sa Pilipinas."What is it?"