Kabanata 1
Bakit ba parang puro kamalasan ang nangyayari sa buhay ko ngayon? Bakit din sa ganoong pagkakataon ko nakita si Aciel?
Teka... si Aciel ba talaga 'yon? Hindi kaya kamukha niya lang 'yon? Posible ba na makitang pagala-gala sa mall ang isang businessman na ang hawak ay ang isa sa malaking kompanya dito sa Pilipinas? Hindi ba busy ang mga katulad niya?
Baka naman namamalik-mata lang ako? Napa-ayos tuloy ako ng upo dahil sa realizations ko.
"Tama! Kamukha niya lang 'yon. Ano nga naman gagawin ng isang katulad niya sa mall na maraming tao? Isa pa, wala akong nakita na may kasama siyang body guards. 'Di ba mostly ng mga businessman, maraming hired na body guards for their safety?"
Napa-buga ako ng hangin. Bakit ba hindi ko 'yon naisip kanina? Naubos ang isang buong araw ko sa kaka-isip kung siya ba 'yon o hindi, idagdag pa yung paano kapag pinuntahan ko na siya para maka-usap?
Well, the latter part, that's quite impossible this time. Asa naman na maka-usap ko siya 'di ba?
Tamad akong humiga sa sofa habang iniisip naman sa pagkakataong ito kung paano ko makaka-usap si Miss Salvacion. Katulad ng sinabi ni Jia kagabi, aside kay Aciel, wala ng ibang way since hindi naman nagpapakita sa public ang matanda.
Isa pa, bakit ba sa dinami-daming hihingian ng tulong nila Lola, bakit sakaniya pa? Sa isang milyonarya— no, bilyonarya 'yon, sa katulad pa nila kami hihingi ng tulong?
"Mapple! Mapple!"
Hindi na ako nag-abala na bumangon at hinintay ko na lang na makarating dito sa sofa si Jianette na kaka-uwi lang galing trabaho.
"Mapple, naka-hanap na ako ng way para maka-usap mo si Aciel!" excited na sabi niya.
Bumangon na ako at tiningnan siya. Noong makita niya ang hitsura ko ay napa-ngiwi siya.
"Sandali nga, anong klaseng hitsura 'yan? Naligo ka ba kanina?"
Sinimangutan ko siya at hindi pinansin ang tanong niya.
"Anong way ang naiisip mo?"
Ngumiti siya kaagad at umupo sa tabi ko.
"Naka-kuha ako ng sched ni Aciel. Yung palaging ginagawa nya sa loob ng isang linggo kasama ang oras."
Napataas ang isang kilay ko.
"Now, we need to be on those places at hahanap tayo ng paraan. Kornerin or what so ever."
Ko-kornerin? Parang hindi ko ata kaya. Atsaka...
"Paano naman natin magagawa 'yon? How about his bodyguards?"
"He doesn't have bodyguards. Isa lang ang palaging nasa tabi at kasama niya. He's secretary, Winston. Other than him..." umiling si Jianette. "So, kailangan natin i-distract ang kasama niya para maka-usap mo sya."
Hindi ko mapigilan na mapa-ngiti noong sabihin ni Jia ang 'natin.'
"Ibig sabihin ba, sasamahan mo ako?"
"Ako ang mas nakaka-alam kaya naman oo. Isa pa, dalawa sila tapos hahayaan kitang mag-isa? Baka sa presinto ang bagsak mo at ipa-blatter ka pa. E 'di hindi mo na magagawa yung pinapagawa sa 'yo nila Tita."
I leaned on sofa and sighed.
"Bakit ba kasi si Miss Salvacion Lu pa ang kailangan kong hanapin?"
"Hayaan mo na. Let's ready for dinner kasi after 'non, pag-uusapan na natin ang gagawin natin."
Sumunod ako sa sinabi ni Jia at katulad nga ng napa-usapan ay after ng dinner ay sinabi niya sa akin ang plano. Sa totoo lang ay kinakabahan ako pero sabi niya rin sa akin, it's now or never. Kung hindi ko man magawang maka-usap si Miss Salvacion, atleast ginawa ko ang best ko 'di ba?
Kinabukasan ay sinimulan namin ang plano kaya lang mukhang nanadya ata ang tadhana o baka naman mali ang impormasyon na nakuha ni Jia dahil hindi nagpakita si Aciel kahit isang beses. Naubos ang tatlong araw na ganoon ang nangyari kaya naman I decided na tumigil na lang muna.
"I can extend my leave, Mapple. Walang problema doon," si Jia while we are eating our dinner.
Agad akong umiling dahil sa sinabi niya.
"No, Jia. Malaki na yung naitulong mo. Ayoko na maapektohan pa pati trabaho mo. Problema na yung kinakaharap ko, ayokong madagdagan tapos damay ka. Ako na ang bahala."
"Sigurado ka? Ano na bang plano mo ngayon?" tanong niya na nagpatigil sa akin.
Plano? Hindi ko rin alam pero ang malinaw sa akin ay hindi ako susuko. Wala ng rason since naumpisahan ko na 'to.
"Hindi ko alam basta sisiguraduhin ko na makaka-usap ko siya kahit na anong mangyari."
Kinabukasan ay ako na lang ang mag-isang lumakad. Papunta ako ngayon sa Lu Corporation kahit na alam kong imposible na maka-usap ko siya since wala akong appointment. Ganoon naman talaga kapag nasa company 'di ba? Kailangan pa mag-set ng appointment. Maybe, mag-aabang na lang ako dito sa labas kapag pinaalis ako sa loob.
Pagpasok ko ay sa information desk ako nagpunta para itanong kung nandoon na ba si Aciel at ang sabi ay nandoon na daw pero syempre, katulad ng inaasahan ay hindi ko siya makaka-usap. I'll just go to my last card, I'll wait for him outside since walang upuan dito sa loob dahil kailangan ko pang pumasok sa pinaka-looban. Hindi ko 'yon magagawa dahil hindi naman ako empleyado.
Kung mina-malas nga naman... umulan pa.
Nagpunta ako sa gilid para hindi ako mabasa at kinuha ang payong ko sa bag. Saktong pagbukas ko ng payong ay dumaan ang isang itim na sasakyan habang dahan-dahan na tumataas ang bintana ng kotse. Sa sobrang gulat ko ay hindi ako kaagad nakapag-salita at tuluyan ng naka-layo bago nag sink in sa akin na si Aciel ang nasa backseat ng kotse.
Inis akong napatampal sa noo ko.
I lost him. Nakaka-inis!
Dahil hindi ko na alam kung paano ko siya mahahanol at hindi ko rin naman alam kung saan siya pupunta, nagpasya ako na umuwi na lang at bumalik kinabukasan.
It's my fifth day at sana naman sa pagkakataon na 'to ay maka-usap ko na sya. Sayang na rin kasi ang pamasahe na nagagastos ko tapos wala naman akong napapala. Idagdag pa yung gastos ko sa lunch since hindi naman ako pwedeng magpalipas ng gutom dahil nagka-mild ulcer na ako noong senior high.
Dahan-dahan akong naglalakad habang nililibot ang tingin sa naglalakihang building dito sa area hanggang sa mapunta ang tingin ko sa may coffee shop at natanaw si Aciel. Nakikipag-usap siya sa isang lalaki na naka-coat din. I think, they're having a business meeting.
Napunta ako sa may gilid para hintayin na matapos sila. Hindi ko alam kung gaano ako katagal doon at noong makita ko silang tumayo ay para akong nabuhayan.
Nagtago muna ako sa may gilid hanggang sa tuluyan ng nakalabas ang dalawa. They parted their ways since nakarating na ang kotse na sinasakyan nung isa at noong tuluyan ng makaalis ang kotse ay lumabas na ako at nagpakita kay Aciel.
"Aciel Lu!"
Malakas na tawag ko sa pangalan niya noong tumalikod at nagsimula na siyang maglakad. Agad naman siyang napahinto noong marinig ang pangalan niya at agad kong tinunton ang kinatatayuan niya.
"Mister Lu, I just want to talk to you, please?"
Isang malamig na tingin ang natanggap ko sakaniya at habang nakatitig sa mukha niya ay doon ko napagtanto na siya nga talaga ang lalaki sa mall. Hindi ako pwedeng magkamali. Magkamukhang-magkamukha sila.
"Me? Why? Hindi ko maalala na ka-transact kita sa business."
"By the way, I'm Maliyah Rafols but you can call me Mapple... and y-yes. I'm not the one of your business—"
"If that's the case, why do I talk to you?"
Hindi ako kaagad naka-sagot dahil sa tanong niya. Napalunok ako noong tiningnan niya ako mula hanggang paa as if he's checking me.
May dumating na kotse at tumigil sa harapan namin. Mula sa driver's seat ay lumabas ang secreatary niya na naka-kunot ang noo habang naka-tingin sa akin.
"I don't have that much time, Miss. I know that you're aware that I am a busy person."
His secretary opened the car door kaya naman hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. Isang gulat na tingin ang ibinato niya sa akin pagkatapos ay inilipat ang tingin sa kamay namin kaya agad akong bumitaw. Dahil sa nangyari ay bigla akong kinabahan.
What if galit na siya at dahil sa ginawa ko ay hindi na ako makakalapit pa? No way!
Hinugot ko ang lahat ng lakas ng loob ko bago nagsalita.
"Mister Lu, please? I'm sorry for holding you. I did that para pigilan ka na umalis kasi I need you... I mean, I really need your help. Wala ng iba pang makakatulong sa akin, ikaw at ikaw lang." pagmamakaawa ko.
Hindi siya sumagot kaagad at ang gulat na tingin niya kanina ay napalitan ng pagkunot ng noo.
"I know na hindi ganoon kadaling intindihin pero I really need you... I mean your help. Ikaw lang ang makakatulong sa akin." pag-uulit ko pa.
"What is it?"
Pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng pag-asa dahil sa tanong niya. Umayos ako ng tayo ay huminga ng malalim.
"I need to talk to you grandmother. I need to talk to Miss Salvacion Lu. Can you do me a favor, please?"
Umayos ng harap sa akin si Aciel at humakbang kaya naman napa-atras ako. Hinawakan niya ang isang braso ko at inilapit ang mukha sa akin kaya naman iniatras ko ang ulo ko kaya lang nilapit niya pa rin kaya wala na akong magawa.
"And you think tutulungan kita?" pabulong na tanong niya.
Umayos na siya ng tayo at ganoon din ako. Hindi ko mapigilan na malungkot dahil sa tanong niya pero hindi ako pwedeng sumuko. This is not for me, para 'to sa pamilya ko.
Sasabihin ko na sakaniya ang rason at baka magbago pa ang isip niya.
"I know na hindi mo ako tutulungan but hear me out first, please?"
Inalis ko ang tingin ko sakaniya noong maramdaman kong naiiyak ako pero agad ko rin pinakalma ang sarili ko. Noong maayos na ang pakiramdam ko ay tiningnan ko siya ulit.
"I need to talk to you Lola para sa pamilya ko. Siya lang kasi ang makakatulong kila Lolo at Papa. Kailangan ko siyang maka-usap sa lalong madaling panahon. Nasa ospital sila pareho kaya for me and my family, every minutes counts. Sabi ni Lola, ang Lola mo daw ang natitirang pag-asa namin. I don't know what she mean by that pero ang sabi niya, sabihin ko lang daw ang pangalan ni Lola, alam na daw ni Miss Salvacion ang ibig sabihin 'non."
"I wont help you. Ano bang malay ko kung niloloko mo lang ako?"
Binitiwan niya ako pagkatapos ay tumalikod para pumasok sa sasakyan. Gusto ko sana siyang pigilan pero hindi ko na ginawa. Hinayaan ko na lang na sundan ng mata ko ang papalayong kotse kung saan siya naka-sakay habang pinipigil ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.
No, Aciel. Sorry pero hindi kita titigilan. Ngayon pa ba kung kailan nagawa na kitang kausapin? Hindi ako susuko. Gagawin ko ang lahat para lang mapapayag kita.
Kabanata 2 Maaga akong nagpunta sa Lu Corporation para maghintay sa labas sa pagdating ni Aciel. Kung hindi man niya ako kakausapin ngayon ay hindi ako titigil at babalik ako bukas hanggang sa mapapayag ko siya. Wala naman akong masamang intensyon. I just want to talk to his grandmother for my family. Kung ayaw ng Lola niya, e 'di wala akong magagawa. Saka lang ako susuko kapag ang Lola na niya mismo ang nagsabi na ayaw niyang tulungan kami. Umupo ako sa may gilid habang naghihintay. Naka-jeans naman ako kaya walang problema. I turned my hair into messy bun at after 'non ay ibinalik ko ang tingin ko sa kalsada para hintayin ang pagdating ni Aciel. I still have an hour before magsimula ang office hours ng Lu Corporation at ang sabi ni Jianette sa akin ay pumapasok si Aciel sa trabaho. Inaantok pa nga ako since hindi ako nakatulog agad kagabi tapos maaga
Kabanata 3Dahil sa nangyari kahapon, I decided na maglakad-lakad muna para maaliw naman ako sa nakikita ko. Nitong mga nakaraang araw kasi ay palagi akong maagang gumigising at nagmamadali para lang maabutan si Aciel.Mag a-alas onse na kaya naman naisipan ko na dumaan sa 7/11 para bumili ng lunch ko dahil ubos na ang niluto kanina. Tinanaw ko ang loob at nakitang kakaunti lang ang tao bago itulak ang glass door. Humakbang na ako papasok noong biglang lumabas sa may stante si Nicolle dala ang mga bibilhin niya at tinungo ang cashier."Ate, papasok ka po ba?"
Kabanata 4"I have my terms, Mister Lu."Naglalakad kami ngayon papunta sa opisina niya. Hindi ko mapigilan na mamangha habang pinagmamasdan ang paligid. Masasabi kong mayaman nga talaga ang mga Lu. Paano kaya naging friends ni Lola ang Lola niya?Ang alam ko may kaya lang kami noon pero hindi ganito kayaman. Nag abroad kasi sila Mama at doon din ako pinanganak. Bale double citizen ako, hindi lang halata. Bago ako mag-aral ng kinder ay bumalik rin kami dito sa Pilipinas."What is it?"
Kabanata 5"I can't imagine that I'm going to live alone now, Mapple." Bakas sa boses ni Jianette ang kalungkutan ng sabihin niya iyon.Ipinatong ko ang handbag ko sa maleta pagkatapos ay tumabi sakaniya at inakbayan siya."You can visit me anytime naman sa Villa since wala pa rin naman akong trabaho," ani ko.Kumunot ang noo ni Jia kaya naman napataas ang kilay ko. Why? Did I said something wrong?
Kabanata 6 "Your wife? Did I heard it right?" hindi makapaniwalang tanong nung babae na nag ngangalang Antoinette. Napa-iwas ako ng tingin sakaniya. Pasimple kong tinatanggal ang kamay ni Aciel pero mas lalo lang 'yon humigpit. "Yes, she is. Nga pala, why you're—" "Tonet! Nandito ka lang pa— oh, Aciel..." Mariin akong napa-pikit noong may dumagdag pa na isang lalaki n
Kabanata 7Late na akong nagising dahil hindi ko rin magawang makatulog kagabi. Masyado kasi akong na-busy sa paghahanap ng trabaho na pwedeng mapasukan. Hanggang ngayon kasi ay iyon pa rin ang goal ko at hindi magbabago 'yon.Iniisip ko rin kagabi kung kailan ko pu-pwedeng mai-open kay Aciel ang tungkol sa pamilya ko. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko, para kasi akong nahihiya lalo na't kakatapos lang namin mag pirmahan ng marriage contract.Sa totoo lang noong una ay iniisip ko na right after namin ikasal ay gagawin ko na agad ang pinapagawa nila Mama pero ngayon na narito na ako sa sitwasyon na 'to ay hindi ko na alam. Isa pa, Aciel is a busy person at sa mga oras na 'to, sigurado akong naka-alis na 'yon at nasa kumpanya na niya.Naalala ko na naman tuloy ang nangyari kahapon. Ramdam ko na hindi ako gusto ng mga kaibigan ni Aciel, mapa-lalaki man o babae. Hindi rin
Kabanata 8 "Antoinette?" Bakas ang gulat sa mukha ni Jia nang marinig niya ang sinabi ko. Kinuwento ko sa kaniya na bago umalis si Aciel kanina ay tumawag si Antoinette, at mukhang doon ang unang destinasyon ni Aciel ngayon. "And you let him leave like that? You should have ask him kung saan siya pupunta." Pabagsak akong naupo sa couch at bumuga ng hangin. Nandito kami ngayon sa apartment niya na dati ko rin tinuluyan. "What do you want me to do, Jia? Hindi ko naman pwedeng tanungin si Aciel nang basta-basta. Naka-limutan mo na bang hindi normal ang set up namin bilang mag-asawa?" Tumabi sa akin si Jia at inakbayan ako. "Kahit na, Mapple. May karapatan ka pa rin naman kasi kahit saang anggulo tingnan, mag-asawa kayo ni Aciel. Isa pa, ikaw na rin ang may sabi, halata kay Antoinette na gusto niya si Aciel." Sa totoo lang, nag sisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ko gustong malaman kung saan ang punta ni Aciel kanina at kung bakit tumawag si Antoinette. Base kasi sa convers
Simula Ilang beses kong mahinang inuntog ang ulo ko sa pader habang nakatulala at iniisip kung ano ba ang dapat kong unahin. Maghanap ng trabaho o hanapin yung sinasabi nila Mama na makakatulong sa amin na nandito sa Manila? Naramdaman ko na may humawak sa ulo ko para mapigilan na mauntog sa pader. Umayos ako ng tayo at naka-simangot na hinarap siya. "Anong ginagawa mo, Mapple? May problema ba?" tanong ni Jia na kadarating lang mula sa trabaho niya. Tumango ako bago sumagot. "I don't know what to do. Do I need to find a job first para matustusan ko ang gastusin nila Lolo at Papa o hahanapin ko na yung pinapahanap nila Lola na makakatulong daw sa amin na mabayaran ang lahat ng utang namin? Ganoon pa rin naman kasi kahit mahanap ko yung pinapahanap nila, e. Magkaka-utang pa rin kami." "Pero atleast nabaya