Kabanata 3
Dahil sa nangyari kahapon, I decided na maglakad-lakad muna para maaliw naman ako sa nakikita ko. Nitong mga nakaraang araw kasi ay palagi akong maagang gumigising at nagmamadali para lang maabutan si Aciel.
Mag a-alas onse na kaya naman naisipan ko na dumaan sa 7/11 para bumili ng lunch ko dahil ubos na ang niluto kanina. Tinanaw ko ang loob at nakitang kakaunti lang ang tao bago itulak ang glass door. Humakbang na ako papasok noong biglang lumabas sa may stante si Nicolle dala ang mga bibilhin niya at tinungo ang cashier.
"Ate, papasok ka po ba?"
Napalingon ako sa nagsalita at nakita ang bata na mukhang hinihintay na pumasok ako sa loob. Nginitian ko siya at pinagbuksan ng malaki para makapasok at akmang tumalikod pero narinig ko ang pagtawag ni Nicolle sa akin.
I pretend that I didn't hear her kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. Paglingon ko ay kita ko na papalabas na siya ng 7/11 kaya naman nag decide na akong tumakbo, 'wag lang niya akong maabutan.
Alam ko naman na puro hate speech lang ang ibabato niya sa akin kaya ayaw ko siyang kausapin. Ganoon naman siya palagi, ang kaibahan lang, siya lang ang mag-isa at wala ang manloloko kong ex-boyfriend na inagaw niya. Kung makapagsalita sa akin ang dalawang 'yon, akala mo sila ang nagpapakain sa akin, e.
"Mapple!"
Mariin akong napa-pikit noong sinigaw niya ang nickname ko at mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko. Ano bang kailangan niya? Hindi ba obvious na ayaw ko siyang kausap? Bakit ba napaka-mapilit niya?
Lumingon ako at nakita kong tumatakbo din siya at hinahabol ako kaya naman nagmadali ako lalo pero dahil nasa kaniya ang atensyon ko ay hindi ko namalayan na may bato pala. Nanlaki ang mata ko ng matapilok ako at hinintay ang sarili ko sa pagbagsak sa simento pero naka-ramdam ako ng may sumuporta sa akin para hindi tuluyang bumagsak.
"Miss, ayos ka lang?" tanong nito at biglang sumulpot ang isa pa na mukhang kasamahan niya lang.
Umayos ako ng tayo pero mukhang hindi 'yon maganda. Napangiwi ako ng naramdaman ang pagsakit ng isang paa ko, yung natapilok.
"We will take you to the hospital, Miss," sabi nung isa pa at agad akong binuhat.
"No, mga Kuya... I mean, I'm okay..." hindi ako pinakinggan nung dalawa at binuhat ako ng walang pasabi. "Hey! No need. Ibaba mo 'ko... wait..."
Napatigil ako sa pagsasalita noong sumara ang pinto ng backseat at naglakad ang dalawa papunta sa driver's seat at front seat.
I'm so speechless right now at naisip ko rin, kung may masasabi man ako, panigurado na hindi nila ako papakinggan. Ni hindi nga pinakinggan yung sinabi ko kanina na ayos lang, e.
Mabilis na tumakbo ang sasakyan at dinala ako sa pinaka-malapit na pribadong ospital.
Sa totoo lang ay hiyang-hiya ako. Pagdating kasi doon ay may wheel chair na naka-handa na para bang talagang hinihintay ako. Napatakip ako sa mukha ko noong papasok na kami sa loob at dinala sa ortho to check my injured foot.
"Good thing ay sprained ankle lang ang nangyari sa 'yo at wala namang nabali na buto. Expect na masakit kaya naman it's better kung hindi ka muna maglalakad-lakad para hindi mapwersa at mamaga. You should also apply this ointment na irereseta ko sa 'yo at naka-sulat na rin ang instructions. For now, just rest first, okay?" sabi ng Doctor na nag-assist sa akin. Ibinigay rin niya ang sinasabi niyang reseta at tinanggap ko 'yon.
"Thank you po, Doc."
Nginitian ko siya at nagpaalam na lalabas na dahil may aasikasuhin pa.
Tiningnan ko ang paa ko na na-injured at sinubukan kong tumayo. Kaya naman pero ramdam ko ang kirot. Ngayon ay iniisip ko kung paano ako uuwi? Hindi naman ako pwedeng gumapang at nasa trabaho naman si Jia.
"You should sit down."
Napalingon ako sa nagsalita at napa-kunot ang noo ko nung makita si Aciel at nasa may likuran niya si Winston.
What he's doing here? Hindi pa ba sapat yung mga men in black niya na tumulong sa akin kanina at kailangan personal rin siyang nandito?
Ang sweet 'ha. Please note the sarcasm.
"Why you're here?" I asked habang inaalalayan niya akong umupo. Tinaasan ko siya ng kilay. "Sinusundan mo ba ako?"
"Why would I do that? We own this hospital that's why I'm here. Don't get the wrong idea." supladang sagot niya.
Tumayo siya ng maayos at pinasok sa pocket niya ang dalawang kamay habang nasa akin pa rin ang tingin.
"How do you explain your men in black earlier? Anong ginagawa nila sa area malapit sa amin?"
Kumunot ang noo ni Aciel dahil sa tanong ko.
"May inutos ako sakanila. Nasaktohan ka lang ata kaya 'wag ka na mag-isip ng kung ano-ano dyan."
Pinanliitan ko ng mata si Aciel dahil hindi ako masyaadong kumbinsido sa sinabi niya. Okay, kung totoo nga na inutusan niya ang men in black niya, no problem pero paano niya nalaman ang exact location ko dito sa ospital?
"Then... why you're here? Sa kwartong 'to. Aren't you busy Mister Lu?"
"I saw you earlier noong ipasok ka dito. May kinausap ako saglit at dinaanan kita. Bawal ba, Miss Rafols? Isa pa, tauhan ko ang nagdala sa 'yo dito."
Binigyan ko siya ng isang sumusukong tingin. Naalala ko ang gusto kong itanong sakaniya, sana lang ay sagutin niya ako ng maayos.
"Nga pala, may gusto sana akong itanong..." muli ko siyang tiningnan at nagkasalubong ang tingin naming dalawa. "About sa alok mo. Ano kasi..." napakamot ako sa ulo ko.
"Ano 'yon? May sagot ka na?" tanong niya at naupo sa tabi ko.
"Wala pa," sagot ko at umiling. "Kasi... hindi ba... ang unfair niya kasi... for me?" nag-aalangan kong tanong.
Hindi agad sumagot si Aciel kaya naman kinabahan ako nag decide na sabihin sa kaniya ang rason ko kung bakit ko nasabi na unfair 'yon sa part ko.
"Hindi pa naman kasi sigurado ang lahat. Kakausapin ko lang ang Lola mo at hindi ako sure kung papayag siya. Paano kung hindi? E 'di lugi ako 'di ba? Isa pa, businessman ka 'di ba? Paano kung maapektohan ang image mo dahil lang nagpakasal ka sa isang babaeng namumuhay lang ng normal. Hindi mayaman at wala rin akong maitutulong sa 'yo sa kompanya mo..." napa-isip ako sandali.
Business graduate ako so kahit papaano ay may maitutulong ako pero hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin. It's about sa votes ng board of directors since wala naman akong shares sa kompanya niya.
"Well... based sa kaka-sabi ko lang, parehas pala tayong walang mapapala if ever kaya naman pwedeng iba na lang?"
Sinubukan kong ngumiti at tumawa ng pilit pero nawala rin 'yon noong pumasok si Winston na hindi ko namalayan na lumabas pala.
"Sir, gising na daw ang Lola mo."
Napatingin ako kay Aciel at kita ko na parang umaliwalas ang mukha niya dahil sa sinabi ni Winston. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kung ano na hindi ko maintindihan.
"Is everything... okay?" marahang tanong at nagpalipat-lipat ng tingin kay Winston at Aciel pero mukhang walang balak magsalita si Winston dahil yumuko siya.
"No."
Napatingin ako kay Aciel na nakatingin na pala sa akin ngayon. Kita ko ang pamumula ng mata niya na para bang maiiyak.
"Lola's here at naka-confine because of high blood. That's the reason kung bakit ayaw ko na maka-usap mo si Lola. Madalas syang ma-high blood at hindi 'yon maganda. Kung totoo man ang sinasabi mo, pwedeng maging dahilan 'yon para atakihin ulit si Lola at ayaw ko na mag-alala siya sa kakaisip. I'm willing to help you na hindi na kailangan pang malaman ni Lola at bilang kapalit, I want you to marry me para kung niloloko mo man ako..." nilapit niya ang mukha sa akin kaya naman napa-usog ako. "...wala kang kawala sa akin."
Sa gulat ko dahil sa sinabi at paglapit ng mukha niya sa akin ay hindi ko magawang makapagsalita pa. Hindi ko naman kasi alam na ganito pala ang sitwasyon at kung ano-ano pa ang iniisip ko simula kagabi. Hindi ko naman alam na katulad ko ay pino-protektahan rin niya ang Lola niya.
Bigla tuloy ako nakonsensya sa naisip ko na kaya siya nag alok ng kasal kasi ayaw niya akong tulungan. Hindi ko akalain na he's very willing to help pero wala bang ibang way if ever na nagsisinungaling nga ako? Ah! Bahala na.
Marahan ko siyang tinulak pabalik sa pwesto niya kanina bago nagtanong.
"Sure ka? Baka pagsisihan mo 'yan, 'ha? Hindi naman kasi kita niloloko."
Tumango si Aciel at nginitian ko naman siya.
"Okay. I'll marry you. Let's get married, Mister Lu."
Kumunot ang noo ni Aciel pero maya-maya pa'y tumaas ang kilay nya.
"Bilis magbago ng desisyon mo? Kanina ramdam ko pa na ayaw mo sa alok ko."
Natawa ako dahil sa sinabi niya. Inalis ko ang tingin ko sakaniya at sumandal sa pader.
"Kasi na-realized kong hindi ka naman pala masamang tao. Akala ko kasi ginawa mo lang 'yon para tigilan kita. I also realized na ikaw yung mas kawawa kasi ikaw yung mag sa-sacrifice ng todo sa ating dalawa kaya tinanong ulit kita kanina kung sure ka ba talaga na kasal ang gusto mong kapalit."
"Naka-depende ang kabutihan at kasamaan ng ugali ko. Kung mabait ka sa akin, mabait din ako sa 'yo."
Nginitian ko siya at tumango.
"Promise, hindi kita niloloko," sabi ko at itinaas ang right hand ko na ayos ng panunumpa.
Tumaas ang isang kilay ni Aciel at ngumisi kaya naman unti-unting nawala ang ngiti ko ngayon-ngayon lang at bigla akong nakaramdam ng kaba.
Inilapit nya muli ang mukha sa akin pero sa pagkakataong ito ay hindi ako tuluyang naka-usog dahil hinawakan niya ang magkabilang braso ko.
"Since you agreed, you need to remember this Maliyah. I will only get married once."
Kabanata 4"I have my terms, Mister Lu."Naglalakad kami ngayon papunta sa opisina niya. Hindi ko mapigilan na mamangha habang pinagmamasdan ang paligid. Masasabi kong mayaman nga talaga ang mga Lu. Paano kaya naging friends ni Lola ang Lola niya?Ang alam ko may kaya lang kami noon pero hindi ganito kayaman. Nag abroad kasi sila Mama at doon din ako pinanganak. Bale double citizen ako, hindi lang halata. Bago ako mag-aral ng kinder ay bumalik rin kami dito sa Pilipinas."What is it?"
Kabanata 5"I can't imagine that I'm going to live alone now, Mapple." Bakas sa boses ni Jianette ang kalungkutan ng sabihin niya iyon.Ipinatong ko ang handbag ko sa maleta pagkatapos ay tumabi sakaniya at inakbayan siya."You can visit me anytime naman sa Villa since wala pa rin naman akong trabaho," ani ko.Kumunot ang noo ni Jia kaya naman napataas ang kilay ko. Why? Did I said something wrong?
Kabanata 6 "Your wife? Did I heard it right?" hindi makapaniwalang tanong nung babae na nag ngangalang Antoinette. Napa-iwas ako ng tingin sakaniya. Pasimple kong tinatanggal ang kamay ni Aciel pero mas lalo lang 'yon humigpit. "Yes, she is. Nga pala, why you're—" "Tonet! Nandito ka lang pa— oh, Aciel..." Mariin akong napa-pikit noong may dumagdag pa na isang lalaki n
Kabanata 7Late na akong nagising dahil hindi ko rin magawang makatulog kagabi. Masyado kasi akong na-busy sa paghahanap ng trabaho na pwedeng mapasukan. Hanggang ngayon kasi ay iyon pa rin ang goal ko at hindi magbabago 'yon.Iniisip ko rin kagabi kung kailan ko pu-pwedeng mai-open kay Aciel ang tungkol sa pamilya ko. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko, para kasi akong nahihiya lalo na't kakatapos lang namin mag pirmahan ng marriage contract.Sa totoo lang noong una ay iniisip ko na right after namin ikasal ay gagawin ko na agad ang pinapagawa nila Mama pero ngayon na narito na ako sa sitwasyon na 'to ay hindi ko na alam. Isa pa, Aciel is a busy person at sa mga oras na 'to, sigurado akong naka-alis na 'yon at nasa kumpanya na niya.Naalala ko na naman tuloy ang nangyari kahapon. Ramdam ko na hindi ako gusto ng mga kaibigan ni Aciel, mapa-lalaki man o babae. Hindi rin
Kabanata 8 "Antoinette?" Bakas ang gulat sa mukha ni Jia nang marinig niya ang sinabi ko. Kinuwento ko sa kaniya na bago umalis si Aciel kanina ay tumawag si Antoinette, at mukhang doon ang unang destinasyon ni Aciel ngayon. "And you let him leave like that? You should have ask him kung saan siya pupunta." Pabagsak akong naupo sa couch at bumuga ng hangin. Nandito kami ngayon sa apartment niya na dati ko rin tinuluyan. "What do you want me to do, Jia? Hindi ko naman pwedeng tanungin si Aciel nang basta-basta. Naka-limutan mo na bang hindi normal ang set up namin bilang mag-asawa?" Tumabi sa akin si Jia at inakbayan ako. "Kahit na, Mapple. May karapatan ka pa rin naman kasi kahit saang anggulo tingnan, mag-asawa kayo ni Aciel. Isa pa, ikaw na rin ang may sabi, halata kay Antoinette na gusto niya si Aciel." Sa totoo lang, nag sisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ko gustong malaman kung saan ang punta ni Aciel kanina at kung bakit tumawag si Antoinette. Base kasi sa convers
Simula Ilang beses kong mahinang inuntog ang ulo ko sa pader habang nakatulala at iniisip kung ano ba ang dapat kong unahin. Maghanap ng trabaho o hanapin yung sinasabi nila Mama na makakatulong sa amin na nandito sa Manila? Naramdaman ko na may humawak sa ulo ko para mapigilan na mauntog sa pader. Umayos ako ng tayo at naka-simangot na hinarap siya. "Anong ginagawa mo, Mapple? May problema ba?" tanong ni Jia na kadarating lang mula sa trabaho niya. Tumango ako bago sumagot. "I don't know what to do. Do I need to find a job first para matustusan ko ang gastusin nila Lolo at Papa o hahanapin ko na yung pinapahanap nila Lola na makakatulong daw sa amin na mabayaran ang lahat ng utang namin? Ganoon pa rin naman kasi kahit mahanap ko yung pinapahanap nila, e. Magkaka-utang pa rin kami." "Pero atleast nabaya
Kabanata 1 Bakit ba parang puro kamalasan ang nangyayari sa buhay ko ngayon? Bakit din sa ganoong pagkakataon ko nakita si Aciel? Teka... si Aciel ba talaga 'yon? Hindi kaya kamukha niya lang 'yon? Posible ba na makitang pagala-gala sa mall ang isang businessman na ang hawak ay ang isa sa malaking kompanya dito sa Pilipinas? Hindi ba busy ang mga katulad niya? Baka naman namamalik-mata lang ako? Napa-ayos tuloy ako ng upo dahil sa realizations ko. "Tama! Kamukha niya lang 'yon. Ano nga naman gagawin ng isang katulad niya sa mall na maraming tao? Isa pa, wala akong nakita na may kasama siyang body guards. 'Di ba mostly ng mga businessman, maraming hired na body guards for their safety?" Napa-buga ako ng hangin. Bakit ba hindi ko 'yon naisip kanina? Naubos ang isang buong araw ko sa kaka-isip kung siya ba 'yon o hindi, idagdag p
Kabanata 2 Maaga akong nagpunta sa Lu Corporation para maghintay sa labas sa pagdating ni Aciel. Kung hindi man niya ako kakausapin ngayon ay hindi ako titigil at babalik ako bukas hanggang sa mapapayag ko siya. Wala naman akong masamang intensyon. I just want to talk to his grandmother for my family. Kung ayaw ng Lola niya, e 'di wala akong magagawa. Saka lang ako susuko kapag ang Lola na niya mismo ang nagsabi na ayaw niyang tulungan kami. Umupo ako sa may gilid habang naghihintay. Naka-jeans naman ako kaya walang problema. I turned my hair into messy bun at after 'non ay ibinalik ko ang tingin ko sa kalsada para hintayin ang pagdating ni Aciel. I still have an hour before magsimula ang office hours ng Lu Corporation at ang sabi ni Jianette sa akin ay pumapasok si Aciel sa trabaho. Inaantok pa nga ako since hindi ako nakatulog agad kagabi tapos maaga