Share

CHAPTER 2

Jeaneia’s POV

HINDI naman nagtagal nakaubos na ako at laking pasasalamat ko ‘yon sapagkat maaga kaming nakaubos. Bago kami umuwi dumaan muna kami sa pamilihan ng mga manok upang bumili ng aming uulamin sa hapunan. Habang naglalakad kami napapansin kong napapatingin ang bunso kong kapatid sa mga laruang nadadaanan namin kaya tinanong ko siya.

“Gusto mo ba ‘yan bunso?” tanong ko pero umiling lang siya.

“Hindi na ate, sayang lang po hindi naman po importante,” saad niya. Alam kong gusto niya talaga ng laruan gaya ng sa mga kalaro niya.

Kaya kahit kulang sa pera ay agusto ko siyang bilihan para maranasan niya ang ‘di pa namin nararanasan ni Jessica. Hinili ko siya papasok sa loob ng mga laruan kong saan makikita mo talaga lahat ng uri ng laruan. Talagang mamamangha ka sa ganda ng quality ng mga laruan ngunit luluwa rin ang dalawang mata mo sa price na mayroon sila

Pagkalabas namin sa bilihan ng laruan ay binigay ko agad kay Jesean iyon. Kita ko sa mata niya na maligayang-maligaya talaga siya. Dumiretso na kami sa bilihan ng manok dahil iyon naman talaga ang pakay namin. Nang matapos kaming bumili ng manok ay napagpasiyahan na namin umuwi na.

Habang naglalakad kami ay biglang tumunog Ang cellphone ko, si Vannesa ang tumatawag.

“Ano besh, naka-ayos ka na ba pupunta na ako riyan,” saad niya kaya bigla kong naalala na ngayon pala ‘yong kaarawan ni Sir Adrian kaya hindi ko alam ang ipapalusot ko.

“Ano kasi besh, kasi ano, may ano? Kasi ‘yon kasing ano?” Hindi ko talaga alam ang ipapalusot ko kay Vannesa.

“Ang sabihin mo hindi ka pa nakakapag ayos, am I right?” saad niya kaya tumango ako kahit hindi naman niya ako nakikita.

“Oo, besh ganoon na nga hindi pa ako nakakapag-ayos at ala din akong susuoting magandang damit kaya hindi nalang ako pupunta. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay sir Adrian,” saad ko para makapag-bonding din kami ng dalawa kong kapatid kahit isang araw lang.

“Ako na ang bahala sa susuotin mo basta dapat pagkarating ko riyan, nakaligo ka na,” saad niya. Wala akong magawa kung ‘di ang sumang-ayon sapagkat gaya ng sinabi ko, wala akong laban pagdating kay Vannesa.

Nangsimula na kaming maglakad patungong bahay. Pagkarating namin wala pa si Jessica kaya inayos ko na yung lulutuin ko. Hinugasan ko muna yung manok at maghiwa ng mga sangkap napagkasiyahan kong magluto ng tinulang manok,Ng natapos na akong magluto naligo na ako.

Pagkatapos kong maligo saktong pagkarating ni Vannesa. May dala siyang isang box, masasabi kong maganda si Vannesa maputi,matangos ang ilong at merong perpektong hugis ng mukha

Mas lalo siyang gumanda sa ayos niya ngayon.

“Hay naku besh, alam kong maganda ako ngayon, mali araw-araw pala,” saad niya kaya natawa ako, tiningnan lang niya ako ng masama.

“Halika na nga aayusan na kita,” saad niya at pinaupo ako sa silya at nagsimulang ipunas-punas ang konganu-ano sa aking mukha.

Hindi naman nagtagal ay natapos na ang mahabang pag-aayos niya sa akin mukha at inabot niya sa akin ang paper bag kaya tinanggap ko iyon at nagtungong sa silid para isukat ang dala niyang dress.

Nang nasuot kona ito masasabi kong maganda ito kaso masyadong madibdib at fit na fit sa akin.

Nahihiya akong lumabas dahil baka hindi bagay sa akin.

“Wow, besh bagay sayo ang galing ko talagang pumili,” saad niya at paulit ulit na binabangit na bagay na bagay daw sa akin.

“Jessica ikaw na muna ang bahala kay Jesean,” saad ko sa ‘king kapatid.

“Opo, ate. Mag-ingat po kayo at ate, saan po pala kayo pupunta at bakit po nakaayos po kayong dalawa ni ate Vannesa?” tanong ni Jessica.

“Ah kasi birthday ngayon ng boss namin at kailangan nandoon kami ayaw ko nga sanang sumama para nakapag-bonding naman tayo ito kasing si Vannesa.” Saad ko.

“Okey lang ate basta mag-enjoy po kayo doon h’wag na po ninyo kaming isipin, ako na po ang bahala may Jesean.” Saad niya kaya tumango ako at niyakap silang dalawa dahil aalis na kami, baka malate pa kami sa party ni Sir Adrián, hindi pa naman kami importante.

Nang nakalabas na kami sumakay na kami sa kotse ni Vannesa, ewan ko ba sa babaeng ito, may kaya naman sila bakit nagtratrabaho pa.

Siya si Vannesa Reyes ang nag-iisang kaibigan ko, kong ide-describe ko siya, she’s pretty, clever, Mild and strategical, nasa kanya na ‘ata lahat.

Ang kwento niya sa akin gusto niyang maging independent kaya, ayon, nagtratrabaho siya.

Nang makarating na kami bumungad sa aamin ang napakaraming tao at malakas na tugtugin. Nang tuluyan kaming nakapasok napadako ang aking mata sa grupo ng kalalakihan masasabi kong napakagwapo talaga ni Sir Adrian lalo na sa suot niyang polong gray at black na pants. Napatingin ako sa isang kaibigan ni Sir Adrian nakatingin din pala siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

I know them all because they seem to be mouths to my coworkers, especially Vannesa, she has a crush on Sir Reid. First of all, Sir Adrian said that he likes women so he built his own bar, he is also the oldest of their friends, he is 26 years old and he has another business.

Second, Sir Ethan is a good doctor, but when he is obsessed with something, he will take it, he is also from a rich family, he is also 26 years old, he and Sir Adrian are the same.

Third, is Sir Reid not Red, he is a famous actor, many people admire him whether it’s a woman or a man, Vannesa is one, because of his acting skills, he’s 25 years old. And lastly, Sir Draver is a famous businessman in the whole country, many people are afraid of him because of the coldness with which he treats everyone, but despite his terrifying treatment, there are many women and girls who are obsessed with him.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status