Share

CHAPTER 5

Jeaneia’s Point of View

Pagmulat ko ng aking mata bumungad sa akin ang puting kisame. Napagtanto ko na nasa hospital ako kaya inilibot ko ang aking patingin. Napatigil ako at napatingin kay Vannesa ang sama ng tingin niya saakin kaya nagtaka ako.

“Bakit buntis ka?” malakas na sigaw ni Vannesa kaya nagulat ako. Ako buntis hindi ito pwede.

“Ano? Ako?” gulat na saad ko dahil hindi kayang tanggapin ng utak ko ang sinabi niya.

“Alangan namang ako?” masungit na saad ni Vannesa kaya napayuko nalang ako dahil hindi ko alam ang dapat kong isagot.

“Ngayon mo sabihing wala kang boyfriend, sabi mo walang lihiman?” Saad niya kaya nanatiling nakayuko lang ako alam kong sa pagkakataong ito galit talaga siya.

“Sorry besh patawarin mo ako please,”s aad ko at lakas-loob na tumingin sakanya sabay hawak sa kamay niya ako naman ang may kasalanan kong sinabi ko lang sa kanya una palang hindi siya magagalit ng ganito.

“Mapapatawad lang kita kong sasabihin mo sa’kin kong sino ang ama ng batang nasa sinapupunan mo,” saad niya kaya tumanggo ako.

“Eh, kasi besh naalala mo ba ‘yong birthday ni Sir Adrian?” tanong ko kaya tumango siya.

“At yung nagpaalam ako sayong mag-C-CR ako,” tanong ko ulit kaya tumanggo ulit siya.

“Kasi besh habang naglalakad ako papuntang CR nawalan ako ng balanse at hinintay ko nalang na bumagsak ako pero lumipas na ang oras wala akong naramdaman kaya iminulat ko nalang ang aking mata tapos nakita ko ang isang mala-anghel na mukha tapos wala na akong naalala. Noong nagising ako nasa hotel na ako at walang suot na damit.” Saad ko at umiyak. Niyakap naman niya ako.

“Sorry besh kong nagalit ako sayo. Hindi ko kasi alam, sorry talaga.” Saad niya kaya lalo akong naiyak habang nagkayakap kami.

“Besh may tanong ako, sino ang ama ng batang dinadala mo?” tanong niya kaya umiling ako, dahil hindi ko naman talaga kilala kong sinong ama nito.

“Hindi ko alam besh pagising ko wala na akong kasama tanging pera at necklace lang na naiwan.” Saad ko kaya tumanggo siya.

“Nasaan ‘yong pera at necklace?” tanong niya.

“’Yong pera iniwan ko ‘yong necklace lang dinala ko,” saad ko kaya tumaggo siya.

“Besh pano na ako? Hindi ko alam ang gagawin ko, ako lang ang inaasahan ng dalawa kong kapatid.” Saad ko.

“H’wag kang mag-alala nandito lang ako, tutulungan kita, promise.” Saad niya kaya niyakap ko siya napakaswerte ko kay Vannesa dahil meron akong kaibigan na parang kapatid ko na din. Hindi na din ako nagtagal sa hospital dahil baka lumaki lang ang bayarin ko kaya minabuti kong lumabas na lang.

Kinabukasan. Pumasok na agad ako. Ayaw sana akong papasukin ni Vannesa dahil magpahinga nalang daw ako, pero, hindi pwedeng pabayaan ko ang trabaho ko. Dala ko rin ngayon ang kwentas na iniwan ng estangherong lalaki para ipakita kay Vannesa.

Habang naglalakad ako may nabangga ako kaya nahulog ang kwentas na hawak-hawak ko.

Napatingin nalang ako sa taong nabangga ko isa pala ito sa kaibigan ni Sir Adrian.

“Sorry po, sir Ethan.” Saad ko habang nakayuko pero wala akong narinig na sagot kaya napatinging ako kay Sir Ethan nakatingin pala ito kwentas na nahulog.

“Kay Draven ‘yang kwentas.” Saad niya kaya nagtaka ako.

“Sure po kayo sir?” tanong ko paano ba naman kung kay sir Draven ‘yong necklace ibig sabihin siya ang ama ng dinadala ko.

“Matagal na niyang hinahanap ‘yan, pagkatapos kasi ng party ni Adrian nawala daw yan. Saan mo nakita yan?” Saad niya.

“Ah, nakita ko po ito habang naglilinis kaya nga po dala-dala ko kasi hinahahap ko po ‘yong may ari,” pagsisinungaling ko.

“Ah okey mauna na ako sayo, I have something important to do, ikaw na din ang magbalik kay Draven ng necklace, important kasi sakanya yan at ito ‘yong address niya,” saad niya kaya tumanggo nalang ako. At umalis na siya pagkatapos ibigay sa’kin ang address ni Sir Draven. Nanatiling nakatingin lang ako sa pinaglabasa ni Sir Ethan. Nagulat nalang ako ng may tumawag saakin ng malakas.

“Jeaneia Arevalo, pumagpag-ibig si buntis ah!” Saad niya kaya inirapan ko siya kaya tumawa ni Vanessa. Gaga talaga!

“Hindi kaya,” pagtanggi ko.

“Anong hindi daw, ayaw mo na ngang tanggalin ang tingin mo kay sir Ethan,” saad niya patuloy lang siya sa pang-aasar sa’kin.

“Pwede ba besh tumigil ka na may importante akong sasabihin sayo.” Saad ko kaya sumeryoso siya alam niya sigurong seryoso ako. Sinabi ko sakanya ang lahat ng nalaman ko na kay sir Draven ang kwentas kaya, ayon, gulat na gulat siya.

“Sure ka besh?” Tanong niya kaya tumango ako. Alam kong hindi siya makapaniwala na gaya ko.

“Hindi naman siguro magsisinungaling si Sir Ethan ‘di ba?” Saad ko kaya tumango siya.

“Tama Hindi naman nagsisinungaling si Sir Ethan.” Saad niya.

“At besh ano na plano mo ngayong alam mo na kung sino ‘yong ama ng anak mo?” tanong niya na hindi ko alam ang isasagot ko o gagawin.

“Hindi ko alam, besh. Hindi ko alam ang gagawin ko.” Sagot ko.

“Besh naman! May karapatan siyang malaman na may anak kayo, kaya pumunta ka sa address na binigay ni Sir Ethan at sasabihin mo na dinadala mo ang anak niya.” Saad niya kaya umiling ako.

“Besh, hindi ganoon kadali, natatakot ako sa pwedeng mangyari paano kong hindi niya tanggap. Paano kong ayaw niya?” Saad ko.

Kinakatakot ko talaga na baka hindi niya ito ituring na kaniya.

“Tanggapin man o hindi ang mahalaga sinabi mo.” Saad niya.

Tama naman siya. “Pupunta ka sa address na binigay ni Sir Ethan at sasabihin mo na buntis ka, nagkakaintindihan ba tayo?” Saad niya kaya tumanggo na lang ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status