Jeaneia’s Point of View
Nagising ako ng may sinag na tumatama sa aking mukha kaya dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at tumambad sa akin ang ‘di paamilyar na kisame na pinagtaka ko, dahil, wala kaming magandang kisame, kaya bigla akong napabangon pero nakaramdam ako ng sakit sa pagitan ng dalawa kong hita. Para akong dinaanan ng malaking truck na aking pinagtaka dahil wala talaga akong naaalala ang aking natatandaan lang ay pumunta ako o kami ni Vannesa sa kaarawan ni sir Adrian at nag inuman kami ni Vannesa at nalasing ako tapos nag-CR ako at muntik na akong matumba pero may sumalo sa aking lalaki at hinalikan ko ito at bukod d’on wala na akong maalala kaya Napatingin ako sa katawan ko at nakaramdam ako ng matinding kaba dahil naka hubad ako.Napansin kong may isang subre kaya kinuha ko ito at naglalaman ito ng maraming pera hindi naman ako bobo para hindi malaman ang ibig sabihin nito at nangyari. May napansin akong kumikinang dahil sa sinag na araw kaya punulot ko ito isa pala itong necklace pinagtitigan ko ito ng mabuti at aking napagtanto kong may nakasulat sa necklace na DCQ kaya napaisip ako anong meaning kaya ng DCQ ng hindi ko talaga nahulaan, napagdesisyonan kong magbihis na iniwan ko yung pera dahil hindi naman ako bayaran at necklace lang ang aking dinala.Pagkalabas na pagkalabas ko sumakay na ako kaagad sa taxi ‘di ko alintana ang mga matang nakatingin sa akin habang naglalakad ako. Pasalamat na lamang ako ng may dumaang taxi kaagad. Hindi nagtagal, nakarating na agad ako at pagkababa ko dumeritso agad ako sa bahay naming. Sinalubong agad ako ni Vannesa at dalawa kong nakababatang kapatid. “Ate ‘san ka ba galing, hinahanap ka kasi ni ate Vannesa bigla ka raw kasi nawala sa party.” Saad ni jessica kaya kinabahan ako.“Ah kasi Jessica ano kasi,” hindi ko natapos ang idadahilan ko ng biglang sumabat si Jesean.“Ate ko!” sigaw na iyak ni Jesean at niyakap ako, kaya niyakap ko din ito pabalik.“Ate bakit po hindi ka umuwi kagabi akala ko po iniwan na ninyo kami gaya ni mama,” saad niya habang umiiyak.“Hindi ko ‘yon gagawin sa inyo,” saad ko at niyakap si Jessica at si Jesean.Hindi pa rin tumitigil katatanong si Vannesa kung saan daw ako pumunta kung saan daw ako natulog pero nanatiling nakatikom ang aking bibig, alangan namang sabihin kong galing ako sa hotel, natulog ako kasama ‘yong lalaking hindi ko kilala at mas malala pa nakipagsiping pa ako.“Besh ano nga?” pagpipilit na saad niya.“Wala nga! Hindi ako nakauwi kasi sobrang lasing ko. Natulog nalang ako sa VIP room,” pagsisinungaling ko sabay tingin sa iba. Kilala ko kasi si Vannesa alam niya kong nagsisinungaling ang isang tao.“Hay bahala ka nga ang damot-damot mo aalis na nga ako kala ko naman may bonggang-bonga kang sasabihin sa akin, hindi pa naman ako naghilamos para hintayin ka, tapos wala, kakainis ka talaga!” Saad niya kaya natawa ako, Marites talaga!“Hay, wala nga akong dapat sabihin sayo kasi wala namang nangyari. Natulog lang ako at wala na,” saad ko pero inirapan lang niya ako alam kong hindi siya naniniwala. At umalis na siya sa bahay naming. Hay salamat ligtas na ako. Pagkasok ko sa kwarto kinuha ko agad ‘yong necklace na nakuha ko sa hotel, ito lang ang naiwan ng walanghiyang lalaking ‘yon.Naligo nalamang ako. Habang naliligo ako hindi ko maiwasang umiyak dahil nawala na ang pinakainiingatan ko simula noong bata pa ako na pangako ko na sa mapapangasawa ko lang ibibigay pero nawala ito dahil sa katangahan ko. Sabon lang ako ng sabon para maalis ang dumi ng aking katawan na kahit anong gawin ko hindi na mababalik. Hanggang sa napagpasiyahan kong lumabas na sa CR dahil hindi na maalis ang dumi ng katawan ko. Madumi na akong tao.Pagtapos kong magbihis humiga na ako sa kama at nagpatuloy sa pag-iyak hanggang sa nakatulog ako.AFTER TWO WEEKSPilit kong kinakalimutan ang nangyari sa akin sa loob ng dalawang linggo pinipilit kong maging normal at wag isipin ang nangyari. Napapasin kong maraming nagbabago sa akin sa loob ng dalawang linggo na hindi ko naiintindihan. May mga gusto kong ayaw ko naman dati at napaka-moody ko din, naiinis ako sa maliit na bagay. Nandito ako ngayon sa CR kasi naduduwal na naman ako pero wala namang lumalabas.“Besh okey ka lang ba napapansin kong araw-araw nalang ganyan sabi ko kasi sayo magpa-check-up aka na eh,” nangungulit na saad niya sa akin pinipilit kasi niya akong magpatingín sa doctor pero natatakot ako mamaya mas sakit pala ako paano na ‘yong dalawa kong kapatid.“Okey lang ako besh hindi lang ako nag-almusal bago pumasok.” Pagsisinungaling ko. Nagtataka man ako sa nangyayari sa akin tumayo na ako upang bumalik sa aking naudlot na trabaho. Paglabas ko sa CR biglang umikot ang aking paningin.Vanessa’s Point of ViewNagtataka na ako kay Jeaneia sa nangyayari sakanya. Magbabago na kasi siya at lagi Lagi nalang nagsusuka, nandito kami ngayon sa CR dahil naduduwal nanaman siya. Pinilipit ko siyang magpacheck up na pero ayaw niya alam kong natatakot siya kaya ayaw niya. Nang natapos na siya lumabas na s’ya kaya sumunod naman ako. Habang palabas kami napansin kong nanghihina siya nagulat nalang ako ng matumba siya laking pasasalamat ko at nasalo ko siya.Humingi ako ng tulong sa katrabaho ko upang madala sa hospital si Jeaneia.Nang nakarating kami sa hospital inasikaso na siya may lumapit naman sa akin ang doctor at tinanong ako.“What happen to the patient?” tanong ng gwapong doctor. Omg! nalaglag ‘ata panty ko.“Kasi po naahihilo po siya tapos nagsusuka at bigla po siyang nawalan ng malay,” marami pa siyang tinanong kaya ako sagot lang ng sagot. Hanggang sa natapos na naghintay nalang ako na lumabas ang doctor na umaasikaso kay Jeaneia upang malaman ko ang kalagayan ng aking BFF.Mayamaya lumabas na ang doctor kaya lumapit ako.“Doc, kamusta na po ‘yong kaibigan ko,” tanong ko. Pagkalapit na pagkalapit ko’y kinakabahan ako kung ano ang magiging resulta.“She’s fine, but I have something to tell you,” ani ng doctor kaya lalo akong kinabahan.“Your friend is…”Jeaneia’s Point of ViewPagmulat ko ng aking mata bumungad sa akin ang puting kisame. Napagtanto ko na nasa hospital ako kaya inilibot ko ang aking patingin. Napatigil ako at napatingin kay Vannesa ang sama ng tingin niya saakin kaya nagtaka ako.“Bakit buntis ka?” malakas na sigaw ni Vannesa kaya nagulat ako. Ako buntis hindi ito pwede.“Ano? Ako?” gulat na saad ko dahil hindi kayang tanggapin ng utak ko ang sinabi niya.“Alangan namang ako?” masungit na saad ni Vannesa kaya napayuko nalang ako dahil hindi ko alam ang dapat kong isagot.“Ngayon mo sabihing wala kang boyfriend, sabi mo walang lihiman?” Saad niya kaya nanatiling nakayuko lang ako alam kong sa pagkakataong ito galit talaga siya.“Sorry besh patawarin mo ako please,”s aad ko at lakas-loob na tumingin sakanya sabay hawak sa kamay niya ako naman ang may kasalanan kong sinabi ko lang sa kanya una palang hindi siya magagalit ng ganito.“Mapapatawad lang kita kong sasabihin mo sa’kin kong sino ang ama ng batang nasa sinapupun
Jeaneia 🌻 POINT OF VIEW Nandito ngayon si Vannesa sa bahay namin, ewan ko ba sa babaeng toh bakit nandito?"Besh nagdala akong apple na green, gusto mo daw ito sabi ni Jessica. " Saad niya kaya napatingin ako sa apple na green, parang kuminang ang aking dalawang eyes habang nakatingin sa apple."Thank you besh" saad ko, kung kanina naiinis ako ngayon masaya na ako dahil makakain ko na ang gusto ko epekto siguro ito ng pagbubuntis ko.Marami pa kaming pinag usapan tungkol sa gagawin ko bukas.Bilin niya sa'kin punta daw ako sa address ni Sir Draven at sabihing sakanya...malay ko daw at tanggapin niya ang anak namin.Hindi naman nagtagal umalis na sya may gagawin pa raw siya.Wala naman akong gagawin kaya umakyat na ako sa kwarto para magpahinga.Nanatiling nakatingin lang ako sa bubong namin dahil kinakabahan kasi ako sa pweding mangyari bukas. Natatakot at may excitement, may pangamba na baka ayaw niya at may saya kung tatanggapin niya kami ng anak nya.Hanggang sa napagpasiyahan
JEANEIA's POVNang nakalabas na ako office niya umiyak lang ako ng umiyak diko alinta ang mga matang nakatingin sa'kin hanggang tuluyan na akong makalabas. Nasa gitna na ako ng paglalakad biglang bumuhos ang malakas na ulan pati ba naman ulan nakikisabay sa sakit na nararamdaman ko.Patuloy lang ako sa paglalakad kahit walang Patutunguan wala na ako sa tamang katinuan habang tinatahak ang madilim na daan.Hindi alinta ang malakas na buhos ng ulan dahil paulit ulit kong naalala ang pang lalait ng lalaking yun.Napatingin nalang ako sa sinag na nanggagaling sa harapan ko kaya napahinto ako at hinintay ang pagtama nito sa'kin.Pero laking gulat ko ng wala akong naramdaman nakita kong nakahinto ang kotseng muntik ng kumitil sa buhay ko at buhay ng anak ko.Mayamaya lumabas ang may ari ang sasakyan at lumapit sa'kin."Miss are you okey" Saad ng may ari ng sasakyan, hindi ko ito sinagot wala akong lakas ng loob sa lahat ng bagay.Nang napansin ng binata na wala akong balak sagutin ang tan
JEANEIA'S 🌻 (Point of View)Nagmuni muni nalang ako hindi naman nagtagal dumating na ang kaibigan kong marites. Pagkarating na pagkadating niya nagtanong agad siya tungkol sa nangyari ngunit nananatiling tahimik lang ako. "Besh! ano ba talaga ang nangyari sayo please sabihin muna nag aalala kasi ako sayo." Saad niya hindi naman nakatakas sa'kin ang pagtulo ng luha niya kaya nakunsensya ako kaya niyakap ko siya at nagsimulang ikwento sa kanya ang nangyari hindi ko maiwasang di napaluha habang paulit ulit na inaalala Ang nangyari."Sorry besh kong binantayan sana kita ng gabing yun hindi sana nangyari sayo yan"Saad niya kaya niyakap ko siya ng mahigpit dahil ayaw kong sisihin nya ang sarili niya sa hindi namin ginustong pangyayari."Shhhh hindi mo kasalanan, hindi naman natin ginusto ito walang may gusto nito"Saad ko habang hindi napuputol ang pagyayakapan namin."Ahhh sorry labas muna ako " Saad ni Bryan kaya nakaramdam naman ako ng hiya kaya tumango nalang ako. Nang nakalabas na s
JEANEIA 🌻 point of view Lumipas ang ilang buwan medyo malaki na ang tyan ko kaya mapaghahalataang nagdadalang tao na ako.Maraming balita na rin ang kumakalat na nagbenta daw ako ng katawan kaya walang ama ang aking magugujg anak.Masakit kasi nanghuhusga sila, hindi naman nila alam ang totoong dahilan kong bakit ako nabuntis.Ang bilis talagang ichismis ka ng mga kapit bahay mo, akala ko dati naiintindihan nila ako o sila ang unang makakaintindin sa'kin pero hindi pala kasi sila ang unang manghuhusga sa at idadown ka ng idadadownButi nalang laging nasa tabi ko si Vanessa at Bryan.Si Vannesa at Bryan super protective parang nanay at tatay ko, palaging pumupunta sa bahay namin si Bryan upang kamustahan ako kung minsan pa nga may dalang prutas o vitamins o kaya gatas.Si Vannesa naman laging akong sinasamahan magpacheck up at sinasamahan nya rin ako sa mga lakad ko kaya laking pagpapasalamat ko talaga dahil nasa tabi ko sila at hindi ako pinabayaan.At tungkol sa nangyari months ag
Jeaneia's 🌻 Point of ViewBago ako magpahinga inayos ko muna ang gamit ko.Habang nag aayos ako ng gamit namin biglang may kumatok kaya binuksan ito ni Jesean.Nang tuluyang nakapasok si Vannesa umupo siya sa aking tabi kaya napatingin ako sakanya."Kain na daw tayo sabi ni mama"Saad niya "Hindi ba nakakahiya sa mama't papa mo na nandito kami ng dalawa kong kapatid" Saad ko, kasi totoo namang nakakahiya sa magulang ni Vannesa.Mamaya sabihin nila inaabuso ko ang kabaitan ng anak nila." Baka maging pabigat lang kami sainyo"saad ko."Ano ka ba, alam na nila mama't papa kaya wag na ng mahiya parang kapatid na rin ang turing ko sainyo. Halika na nga tama na ang dramahan hindi tayo artista nagugutom na ako"Saad niya habang nakanguso kaya natawa ako."Wag ka nga ngumuso mukha kang bisugo" Saad ko sabay tawa kaya sinamaan niya ako ng tingin."Anong bisugong pinagsasabi mo, sa gsnda kong ito para maging mukhang bisugo"Saad niya sabay hawi ng mahaba niyang buhok na mas lalong kinatawa ko.
Jeaneia's 🌻 Point of ViewSa loob ng limang taon pinalaki ko ang aking anak na kasama sila Bryan at Vannesa lalo na ang magulang ni Vannesa. Nang nag isang taon na si Duke naghanap agad ako ng pweding pasukan, sa kasamaang palad hindi agad ako nakahanap dahil na rin siguro sa elementary lang ang natapos ko. Pero hindi ako sumuko patuloy lang ako sa paghahanap na trabaho.Hanggang sa nakahanap na ako pero hindi gaanong kalakihan ang kita kaya wala akong nagawa kong di humanap ng iba dahil hindi na kakasya ang kinikita ko sa pang araw araw namin lalo na't malapit ng mag aral si Duke. Mabilis naman akong nakahanap ng bagong mapapasukan sa isang tanyag na bake shop pero hindi lang basta basta bakery dahil ito ang pinakasikat sa buong probinsya ng zambales.Ang three angel bake shop. Three years na akong nagtratrabaho sakanila pero kahit minsan hindi ko pa nasilayan ang mukha ni Mrs. Gonzales tangging manager lang bakery ang nakikita ko."Nay! Are you out you're mind again"Saad ng anak
JEANEIA'S POVWe eat quietly as I decide. Now tell them my good news."Ahm everyone, may good news po ako "basag ko sa katahimikan nila kaya napatingin nalang sila sa'kin."Ano yun nak? Mukhang good news talaga nakikita ko sa mata mo na masaya ka" Saad ni tita Veron, tama anak ang tawag niya sa'kin at sa dalawa kong kapatid gusto din sana ni tita Veron na mama nalang pero dahil nahihiya ako kaya tita Veron ang tinatawag ko sa kanya."Kasi po tita!, ako po ang napiling maghanda sa malaking event na gaganapin sa Manila next month "Masayang balita ko."Talaga!! congrats anak, nailangan nating mag celebrate" Saad ni tita Veron na sinang ayonan ng lahat."Kailan ang alis ninyo???, isasama mo ba si Duke?, Sino mag aalaga sakanya doon?" Basag ni Bryan sa kasinyahan namin sa sunod sunod na tanong niya."Hello!!! ako ang mag aalaga kay Duke, sasama ako doon. Don na rin ako maghahanap ng trabaho" Saad ni vannesa."But you have work here?" Tanong ni Bryan kay Vannesa."Ayaw ko na don sawa na ako