Jessica's POV
Mabilis ang takbo ng lalaki na pumasan sa akin ngayon papalayo sa abandonadong gusali. Ngunit patuloy pa rin ang naririnig kong putukan. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng lalaking ito. Pero nakakasiguro ako na kagubatan na ito dahil sa mga matataas na damo at kahoy na aming nadadaanan.
Hindi ako makagalaw dahil pasan-pasan ako ng lalaki. Nagtataka ako na hindi man lang siya nakaramdam ng pagod o bigat. Ganon na ba ako ka liit kompara sa matipuno niyang katawan? Kung sa bagay wala nga itong kahirap-hirap na binuhat ako.
"Te..teka lang saan pa tayo pupunta?" tanong ko kahit nahihirapan akong magsalita dahil sa aking posisyon.
Inulit ko ng mas malakas dahil parang hindi niya ako naririnig, "Kuya saan mo ba ako dadalhin?"
"Sa ligtas na lugar," sagot naman nito. Nagulat naman ako dahil marunong pala to magtagalog.
"Ibaba mo nalang kaya ako, kaya ko naman tumakbo."
"No. Mapapabilis ang takbo natin kapag karga kita."
Kasabay ng isang malakas na putok ay ang pagbagsak naming dalawa sa damuhan. Tumilapon ako sa hindi naman kalayuan. Pero ramdam ko ang may tumusok sa aking likuran, mahapdi ito.
Nilingon ko ang lalaki at nakita ko siyang napangiwi sa sakit habang hawak-hawak nito ang sariling binti na may dugo. Agad naman akong gumapang papalapit sa kanya. Sumenyas siya sa akin na mag dahan-dahan ako sa paggalaw ay baka marinig kami ng humahabol sa amin.
Nang makalapit na ako sa kinaroroonan niya ay agad kung sinuri ang sugat niya sa bingi. Mabuti na lamang ay daplis lamang ng bala ang natamo niya. Kung hindi ay baka hindi na siya makakalakad pa.
"Pwede mo bang tanggalin to?" Pakiusap ko sa kanya. Kahit hindi ako doktor o nurse ay may kaunting alam din ako pagdating sa panggagamot ng sugat.
Nagdadalawang isip man ang lalaki pero agad naman niyang kinuha ang isang maliit na kutsilyo at ginamit niya ito sa pagputol ng tali sa aking kamay. Hinawakan ko ang sugat niya. Hindi naman ito gaano ka lalim pero malakas ang daloy ng dugo. At mga ilang oras ay baka manghihina siya kapag patuloy pa rin itong tumatagos.
"Pwede ko bang hiramin yan?" Turo ko sa hawal niyang kutsilyo. Inabot naman niya ito sa akin.
Nagpunit ako ng tila sa aking sariling damit. Pinutol ko na rin ito hanggang sa aking hita. Tinali ko ang mahabang tila sa binti niya upang mapigilan ang pagdaloy ng dugo. Napangiwi naman siya sa sakit. Tumingin ako sa kanya pagkatapos kung maitali ng maayos. Pero nakatingin din pala ito sa akin at agad na umiwas at nagkunwaring kinuha ang kutsilyo.
Tatayo na sana ako ng pigilan niya ako. Nilagay niya ang kanyang daliri sa aking bibig hudyat na huwag akong gumawa ng ingay. Inilibot niya ang kanyang paningin. Hinila niya ako sa isang sulok kung saan may makapal na damo. Alam ko naman ang kanyang ibig ipahiwatig kaya sumuong na lang din ako. Sumunod siya sa akin.
Doon ay tahimik kaming nagmamasid sa mga humahabol sa amin. Sigurado ako na ang mga kasamahan niya ay wala na dahil tumigil na ang putukan. Dumaan ang mga ilang minuto ay wala na kaming narinig na mga kaluskos. Dahan-dahan siya lumagas, at nang masiguro na niya na wala na ang mga ito ay sinenyasan niya akong lumabas na.
Patuloy naming binabaybay ang makapal na damuhan. Hila-hila niya ako at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng lalaking to. Maya-maya ay may narinig kaming isang agos ng tubig. Kaya ipinagpatuloy namin ang aming paglalakad. Pagkahawi niya sa isang damo ay doon lumantad sa aking paningin ang napakalinaw na ilog. Nagpapasalamat naman ako sa Diyos dahil may tubig na kaming pweding inumin. Sobrang tuyo na ng aking lalamunan.
Pagkarating namin ay agad akong yumuko at gamit ang aking dalawang palad ay sumalok ako ng tubig at uminom. Napapikit ako dahil sa lamig ng aking naramdaman. Simula kagabi ay hindi pa ako naka-inom ng tubig.
Pagdilat ng aking mga mata ay tumambad sa akin ang isang matipunong katawan ng lalaki. Napakaganda nito tingnan na para bang inukit ng isang mahusay na iskultor. Hindi naman niya himubad ang kanyang maong, ang pang-itaas lang na damit ang tinanggal niya. Pinagmasdan kong mabuti ang katawan ng lalaking kaharap ko hanggang umangat ang aking paningin sa kanyang mukha. Pero nagulat ako ng nakatingin pala ito sa akin. Kaya naman akong umiwas. Pero paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ako habang ito ay may binubuhat na mga bato. Kaya naman ay mas lalong lumitaw ang matipuno nitong braso.
Dahil nakaramdam ako ng pangangati sa katawan ay napag-desisyunan kong maligo na lamang. Lumusong ako sa ilog, sinulyapan ko muna siya bago ako tumalikod. Hinubad ang lahat ng aking saplot sa katawan. Nilagay ko ito sa gilid ng bato. Dahan-dahan kung binabad ang aking katawan sa tubig at napangiwi ako dahil sa hapdi mula sa maliliit na sugat sa aking katawan.
Wala akong paki-alam sa mga oras na ito. Basta ang mahalaga ay mabawasan ang init ng aking naramdaman at ang pangangati ng aking katawan. Nilinisan ko ng mabuti ang aking katawan pati ang aking buhok. Bahagya akong lumingon sa kinaroroonan ng lalaki. Kanina pa pala ito nakatingin sa akin at nang makita niya akong lumingon din ay agad itong umiwas at nagkunwaring may ginagawa.
Dumaan ang ilang minuto ay napag-desisyunan kung umahon na sa tubig. Pagdating ko sa bato ay may isang itim na jacket katabi ng aking mga damit. Tiningnan ko ang lalaki pero abala ito sa pagluluto ng isda. Humanga naman ako sa kanya dahil nagawa niyang manghuli ng isda at nakagawa ng apoy. Kaya napaisip ako kong kidnapper ba to?
Sinuot ko agad ang jacket at tamang-tama na hanggang tuhod ko lang ito. Lumapit ako sa kanya, tinapunan niya ako saglit ng tingin at bumalik muli sa kanyang ginagawa. Umupo ako sa isang bato na katapat niya.
"Here, eat this," ani niya sabay abot sa akin ng isang inihaw na isda.
Ngumiti ako bago ko ito inabot. "Thanks,"
Tahimik kaming kumakain. Dahil mainit-init pa ang isda ay hindi maiiwasan na mapaso ang aking daliri. Nakita niya pala ako kaya kinuha niya yung isda sa aking kamay at ipinalit iyong isda niya. Hindi ito masyadong mainit kaya ay nilantakan ko na ito dahil na rin sa gutom na aking nararamdaman.
Hindi ko alam ang pangalan ng isda pero masarap ang lasa nito kahit walang timpla. Hindi ko namalayan na pinagmamasdan niya pala ako. Kaya napatigil ako saglit. Ipinagpatuloy naman niya ang kanyang pagkain.
Nilunok ko muna ang pagkain sa aking bibig bago magtanong sa kanya, "Ano pala pangalan mo?"
"Marcus," tipid nitong sagot at patuloy na ngumunguya.
Hindi naman siguro masama ang magtanong. Mabuti na siguro na malaman ko ang pangalan niya bago niya ako patayin. Tsaka nalilito ako kung bakit tinulungan ko siya kanina kung alam ko naman na siya ang dumukot sa akin. Ni hindi ko man lang naisip na sumigaw habang papalapit ag humabol sa amin. Baka ay mga pulis iyon na naghahanap sa akin kaya kami hinabol. Pero tila ba'y nawaglit sa aking isipan ang ideyang iyon habang pasan-pasan niya akon
Pinagmamasdan ko ang mukha ni Marcus. Napaka-gwapo nito at sayang na hinayaan na lamang niya ang sarili na maging isang kriminal. Ang matikas, makinis, at maputi nitong katawan. Kung hindi pa niya pinili ang landas na ito ay tiyak na may maraming oportunidad na lalapit sa kanya.
Pero kung may balak ito sa akin ay dapat kanina pa nila ako pinatay. Nagising ako sa aking malalim na pag-iisip ng bigla itong tumingin sa akin.
"Ubusin mo yan at aalis na tayo," tsaka ito tumayo at naghugas ng kamay sa ilog.
Inubos ko naman ang tirang isda. Sayang din naman kung itatapon ko lang to. Baka ay malayo-layo pa ang aming lalakarin at makaramdam ako ng gutom.
Hindi pa man masyadong tuyo ang aking damit ay kinuha ko na ito sa maliit na sanga kung saan ko ito sinampay. Nilingon ko sa Marcus at nakita ko itong nakatayo sa di kalayuan. Nakasuot na ito ng pang-itaas.
Pagkalapit ko sa kanya ay binigay niya sa akin ang isang pares ng medyas. Nakaka-sigurado ako na sa kanya ito galing dahil nakasuot siya ng sapatos.
"Suotin mo yan, proteksyon mo sa paa," Napaka-cold naman nito magsalita.
Hindi na rin ako nagtanong pa at agad na sinuot ang mga ito. Makapal ang tila ng medyas kaya pwede siyang pananggala sa mga matutulis na bagay. Naunang maglakad si Marcus, at kahit na wala akong ideya kung saan na naman niya ako dadalhin ay sumunod na lang din ako sa kanya. Kaysa naman bumalik sa aming pinanggalingan na wala din naman akong kasiguraduhan na maliligtas ako.
Medyo madilim na ang paligid nang makarating kami sa isang malawak na palayan. Mabuti naman at may nakita kami na isang kubo. Dahil hindi ko na matanaw ang bawat dulo nito ay hindi ko alam kung may mga bahay ba na nakatirik sa malapit.
Nauna siyang pumasok sa maliit na kubo at sumunod naman ako. May isang kama na sa tingin ko ay pahingahan ito ng mga magsasaka. At sa kabilang sulok naman ay isang maliit na kusina. Agad akong na-upo sa kama dahil sa pagod. Samantal si Marcus ay gumagawa ng apoy gamit ang kahoy at posporo na nakaipit sa dingding.
Na isip ko rin ang aming kakainin sa gabing ito, kaya ay sinubukan kong maghanap ng pwede naming kainin. Sa awa ng Diyos ay may isang sako na naglalaman ng kamote kaya nabuhayan ako ng loob dahil hindi na kami magugutom. Tamang-tama ay may maliit din na kaldero. Kaya hindi na ako nag aksiya pa ng oras at sinimulan ang paglilinis nito. Hindi man ako lumaki sa hirap pero tinuturuan ako ng aking namayapang lola at lolo sa mga gawaing bukid.
Kasalukuyan kaming nasa labas ng kubo ni Marcus. Katatapos lang namin kumain. Ang nagsisilbing liwanag sa amin ay ang ginawa niyang apoy. Ang paghahalo ng lamig at init ay kay sarap sa pakiramdam. Tumingala ako sa langit, napakaganda pagmasdan ang mga kumikislap na bituin. Nakikita din ba ng aking pamilya ang mga bituin na aking natatanaw ngayon? Kasabay ng aking pagpikit ay ang pagtulo ng aking mga luha.
Nilingon ko ang aking katabi, tahimik lang din itong nakatingin sa apoy. Kahit nakatagilid ito ay napakagwapo parin nitong tignan.
"Uhm, Marcus," tawag pansin ko sa kanya. Ngunit hindi siya kumibo. "May I know the reason kung bakit niyo ako dinukot?" Kalmado kong sabi.
Katulad ng kanina ay nanatiling tikom ang mga bibig nito. Kaya humarap na lang ako sa apoy. "I just want to see my family at the last moment before I leave this world." Hindi ko na mapigilan pa ang umiyak. At hinayaan ko na lang ang aking sarili na malunod sa sariling kong damdamin.
Akala ko kapag ako ang mananalo ay magbabago na ang aking buhay. Pero kabaliktaran lang pala ang lahat ng aking iniisip.
"If this is destined for the last moment of my life, I will accept it. I ain't owned this life after all." Humiga ako sa damuhan at marahang sinara ang aking mga mata. Pagod na pagod na ako. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.
Maya-maya ay nakaramdam ako ng antok kaya hinayaan ko na lamang ang aking sarili na makatulog. Kung magigising man ako bukas ay malaking biyaya na iyon sa akin. Pero kapag hindi ay tatanggapin ko ma lang. Kaysa sa habambuhay akong magtitiis sa ganitong buhay.
Jessica's POVNagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking mata. Pagdilat ko ay nakayakap pala ako sa katawan ni Marcus at nakaunan ako sa kanyang matipunong braso. Inangat ko ang aking ulo at pinagmasdan ang maamo nitong mukha. Ang kulay rosa nitong labi na kay sarap halikan. Napakalinis ng pagkaka-ahit ng kanyang balbasDahan-dahan kong nilapit ang aking daliri sa kanyang labi. Bago pa man dumapo ito ay nagulat ako ng marinig ko ang tunog ng isang kambing. Kaya naman ay napatingin ako sa palibot. Nakita ko ang isang matanda na nakasuot ng isang sumbrero na gawa sa dahon habang hawak-hawak ang tali ng mga alaga niyang kambing."Marcus, Marcus," sambit ko sa pangalan ni Marcus habang niyuyog ko nang kanyang katawan. Nang hindi pa ito magising ay bumangon na ako at tinapik siya ng malakas sa dibdib.
Carlo's POV"Nasa amin na po ang kopya ng CCTV footage sa lugar ng pinangyarihan ng krimen. Based from our investigation, dinukot nga ang inyong anak pero wala ito sa kamay ng mga dumukot sa kanya.""Ano po ang ibig sabihin niyo Sir?" tanong ni Tita Lucena."Tatlong kilometro mula sa pinangyarihan ng insidente ay may natagpuan na sasakyan at tadtad ng bala. Ang nasabing sasakyan ay katulad ng sasakyan na nakita sa CCTV footage na sinakyan ng mga suspek. Ibig sabihin ay may ibang grupo ang dumukot sa inyong anak ma'am." mabahang paliwanag ng pulis."Diyos ko po. Kawawa naman ang anak ko." Napahagulgol na sabi ni Tita Lucena at agad naman niyakap ni Tito."Nagsisimula na po kaming kumilos at we trace everything na may kinalaman sa pagkawala ng inyon
Jessica's POVNagising ako dahil sa sobrang sakit ng aking ulo. Napahawak pa ako sa aking noo, at marahan ko itong hinihilot.Pagkabukas ng aking mga mata ay nakita ko ang puting kisami. Na saan ba ako? Muli kong ipinikit ang aking mga mata. At bigla akong napabangon nang maalala ko ang ginawa namin ni Marcus.Tiningnan ko ang aking katawan pero suot ko pa rin naman ang damit ko kanina. Napahawak rin ako sa sariling kong pagmamay-ari, pinaramdam ko ito ng maayos kung may pagbabago ba."Thank you Lord," Napabuga ako ng maayos nang sa tingin ko ay wala namang nangyari sa amin. Ibig sabihin ay hindi natuloy ang ginawa namin kanina. Tiningnan ko ang bawat gilid ng kama, pero wala akong makita ni anino ni Marcus.Tumayo ako at tinungo ang pintuan
“As a psychologist by profession, my advocacy is to help people with depression and mental health issues. Mental health is very important. That's why I am encouraging everyone to be careful and sensitive in talking to others because we don't know what they've been through. Let’s work together to break the stigma of mental disorder and create a better environment for them." mahabang sagot ko sa tanong tungkol sa aking adbokasiya mula sa isa sa mga reporter.Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga sandaling ito. Hindi ako makapaniwala na ako ang nanalo sa prestihiyosong beauty pageant dito sa Pilipinas, ang Queen of the World Philippines.Simula ngayon, pagkatapos ng dalawang buwan na pag-eensayo dito sa Pilipinas ay aalis ako ng bansa upang lumaban sa ibang kandita mula sa iba't-ibang bansa para sa korona.
‘'Dinukot kagabi ng mga hindi pa kilalang mga suspek si Queen of World Philippines, Jessica Laura Molina. Ayon sa pamilya nito at kaibigan ay pauwi na sana sila pagkatapos ang coronation night ng harangan ng itim na sasakyan ang kanilang sinasakyang van. Critical naman ang kalagayan ng aktor at boyfriend nito na si Lucas matapos mabaril ng subukan nitong iligtas si Jessica.'’Pinatay kaagad ng ama ng nawawalang dalaga na si Jessica ang telebisyon. Hindi kaya ng mag-asawa ang kanilang narinig mula sa balita. Trauma at takot ang kanilang nararamdaman ngayon. Hindi sila mapakali sa nangyari sa kanila at sa anak nitong si Jessica.Tanging pagtangis na lamang ang nagawa ng mag-asawa. Wala silang alam kung sino ang dumukot sa kanilang anak. Sa pagkakaalala nila ay wala silang naging kaaway. Kaya imposible naman kung kinuha ang kanilang anak dahil sa

Jessica's POVMabilis ang takbo ng lalaki na pumasan sa akin ngayon papalayo sa abandonadong gusali. Ngunit patuloy pa rin ang naririnig kong putukan. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng lalaking ito. Pero nakakasiguro ako na kagubatan na ito dahil sa mga matataas na damo at kahoy na aming nadadaanan.Hindi ako makagalaw dahil pasan-pasan ako ng lalaki. Nagtataka ako na hindi man lang siya nakaramdam ng pagod o bigat. Ganon na ba ako ka liit kompara sa matipuno niyang katawan? Kung sa bagay wala nga itong kahirap-hirap na binuhat ako."Te..teka lang saan pa tayo pupunta?" tanong ko kahit nahihirapan akong magsalita dahil sa aking posisyon.Inulit ko ng mas malakas dahil parang hindi niya ako naririnig, "Kuya saan mo ba ako dadalhin?""Sa