Carlo's POV
"Nasa amin na po ang kopya ng CCTV footage sa lugar ng pinangyarihan ng krimen. Based from our investigation, dinukot nga ang inyong anak pero wala ito sa kamay ng mga dumukot sa kanya."
"Ano po ang ibig sabihin niyo Sir?" tanong ni Tita Lucena.
"Tatlong kilometro mula sa pinangyarihan ng insidente ay may natagpuan na sasakyan at tadtad ng bala. Ang nasabing sasakyan ay katulad ng sasakyan na nakita sa CCTV footage na sinakyan ng mga suspek. Ibig sabihin ay may ibang grupo ang dumukot sa inyong anak ma'am." mabahang paliwanag ng pulis.
"Diyos ko po. Kawawa naman ang anak ko." Napahagulgol na sabi ni Tita Lucena at agad naman niyakap ni Tito.
"Nagsisimula na po kaming kumilos at we trace everything na may kinalaman sa pagkawala ng inyong anak." dagdag pa nito.
"Maraming salamat Sir." Pasasalamat naman ni Tito.
Pagkatapos sabihin ng pulis yun ay agad na itong tumayo at nagpaalam.
Umupo ako sa tabi ng mag-asawa at pinapatahan si Tita. "Magiging okay lang din ang lahat Tita. Huwag po kayong mag-alala makikita rin nila si Jessica." ani ko habang hinihimas-himas ang likuran niya.
Inabot ni Tita ang isang basong tubig na bigay ni Luna. "Salamat."
"Tama makakaya rin natin ito. Magdasal lang po at huwag po tayong mawalan ng pag-asa." sabat din naman ni Luna.
"Maraming salamat sa inyo. Napaka-tunay niyo sa aking anak. Salamat"
"Sus Tita wala iyon po, matalik na kaibigan namin si Jessica. Turing niya sa amin ay isang pamilya kaya mahal na mahal namin siya. Sino pa ba ang matutulungan dito kundi tayo-tayo lang din naman." ani ni Luna.
"Siya nga pala, kamusta ang kalagayan ni Lucas?" biglang tanong ni Tito.
Umayos ako ng pagkaka-upo at huminga ng malalim. "Sabi ng doctor ay stable na ang kalagayan ni Lucas. Natanggal na din ang bala sa kanyang dibdib."
"Mabuti naman kung ganun. Kailan pala tayo pwede bumisita sa kanyan?" sabi ni Tito.
"Anytime pwede po tayo bumisita. Yun din ang sabi sa akin ng doctor." sagot ko naman.
"Hala sige, magbihis kayo at bibisitahin natin si Lucas. Kawawa naman ang batang iyon." Tumayo si Tita at inalalayan si Tita para makapag-bihis.
Kumilos na rin kami. Siguro ito na ang tamang panahon para bisitahin namin ang boyfriend ng matalik namin na kaibigan. Mahal na mahal talaga ni Lucas si Jessica at handa niyang isugal ang kanyang buhay para sa kanyang minamahal. Napahanga mo kami Lucas sa iyong katapangan.
Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa nangyari. Tila ba isang napaka-panget na bangungot na ayaw maalis sa aking isipan ang gabing iyon. Halos lahat kami hindi makatulog ng maayos kakaisip kung ano na ang nangyari kay Jessica.
Usap-usapan hindi lang sa loob ng bansa pati na rin sa labas ang pagkawala ni Jessica. Marami ang nanghihinayang at nagulat sa pagkawala niya.
Ang nilalaman ng aking panalangin na sana ay nasa mabuting kalagayan si Jessica. At sana ay matatagpuan na siya.
Jessica's POV
Namangha ako sa aking nakikita ngayon. Hindi ko akalain na may ganitong klase pala na lugar sa mundo. Akala ko sa mga teleserye ko lang makikita ang ganitong napakagandang lugar. Nilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Alam kung hindi lang hanggang dito ang aking natatanaw sa ngayon. Sa lawak nito ay tiyak aabutin ako ng isang sa paglilibot.
"Move," wika ng aking katabi sabay lapat ng kanyang palad sa aking bewang.
Andito kami sa isang malaking bahay na kasing katulad ng isang mamahaling resort. Hindi ko alam kung sino ang nagmamay-ari nito.
Gayun pa man ay nakaramdam na ako ng takot habang tinitingnan ang mga nakabantay na mga lalaking naka itim na business suit at nakasuot shade.
Mabilis ang aking paglalakad dahil hinahabol ko ang bawat hakbang ni Marcus. Kanina habang kami ay nakasakay sa helicopter ay wala siyang ibang ginawa kundi hawakan ang aking kamay. Napansin niya siguro ang takot ko habang papataas ang aming kinaroroonan.
Sinalubong kami ng apat na babae na naka formal attire din. "Good afternoon Sir. Welcome back," bati nito kay Marcus. Ang gaganda nila, para silang mga flight attendant sa kanilang postura.
Kaya nagdududa na ako sa aking naiisip kung sino ba talaga ang lalaking ito. Tinawag siya ng mga kasamahan niya bilang 'boss' nila, pangalawa ay sinusundo pa siya, at ang pangatlo ay kung bakit kami andito sa lugar na ito.
"Assist her and give her everything what she want," wika ni Marcus sa mga ito.
"Yes Sir," magalang na tugon naman ng mga babae. "Let's go Ma'am, this way." Inilahad ng babae ang kanyang kamay tungo sa daan kung saan kami pupunta.
Bago pa ako sumunod sa kanila ay nilingon ko muna si Marcus. Hindi ko mabasa ang kanyang mga mata. Tila ba ay wala itong pinapakitang emosyon kompara noong mga nakaraang araw na magkasama kami sa kagubatan. At hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan.
Humarap muli ako at hahakbang na sana ng magsalita siya. "Wait," wika niya at napahinto naman ako.
Humarap ako sa kanya. Pero nakatingin siya sa kamay ko na nakatali. Kinuha niya ang kanyang maliit na kutsilyo at pinutol ang tali sa aking kamay. Bago pa man niya bitawan ang aking kamay ay hinaplos niya ng kanyang hinlalaki ang naiwang galos mula sa pagkakatali.
Kita ko sa mga mata niya ang parang nag-alala. Pero bakit naman siya mag-alala sa akin.
Ako na ang bumawi sa aking kamay at muling humarap. Sumunod ako sa mga babae na hindi lumilingon sa kinaroroonan niya.
Nakarating kami sa isang malaking silid. May bahagi dito na salamin lang ang dingding kaya makikita mo ang magagandang tanawin sa labas.
"You can take a shower Ma'am. Just go straight in that way and turn left. If you need a help, we're just here. Okay?" Nakangiti sabi ng isa sa mga babae na kasama ko.
Binigyan ko lang sila ng isang matamis na ngiti bilang tugon bago ako umalis.
Pagkarating ko sa isang malaking pintuan ay agad ko itong binuksan. Tumambad sa aking harapan ang napakalaking shower room. May malaking salamin at kumpleto sa gamit.
Isinara ko muli ng maayos ang pintuan. Humarap ako sa malaking salamin. Tiningnan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. Habang pinagmamasdan ko ng mabuti ang aking sarili ay hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang aking mga luha. Nakikita ko ang aking sarili sa isang malaking stage. Masayang kumakaway-kaway sa mga tao. Nakasuot ako ng magandang damit, may hawak akong flower bouquet at nakapatong sa aking ulo ang isang kumikinang na korona.
"Ano ba ang nangyayari sa akin?" biglang sambit ng aking bibig.
Dali-dali kong hinubad ang aking damit at binuksan ang shower. Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyang mabasa ang aking katawan ng tubig.
Pagkatapos maglinis ay lumabas ako kaagad, tanging bathrobe lang ang pantakip ng aking katawan. Pagkarating ko muli kung saan naghihintay ang mga babae ay nakahanda na ang isang clothing rack. May iba't-ibang kulay at disenyo.
"Sabi ni Mr. Romano ay aayusan daw ka namin. Naghihintay siya sa taas,"
Hindi ko kilala ang pangalan na binanggit ng babae kaya tinanong ko siya. "Who's Mr. Romano?"
"Yung kasama niya kanina Ma'am, siya po ang nagmamay-ari nito," sagot nito.
Napatakip ako ng sarili kong bibig nang marinig ko iyon mula sa babae. Ngayon ay napagtanto ko na ang aking haka-haka noon pa ay magkatugma sa totoong sinabi ng babae. Kaya pala may kakaiba kay Marcus. Ang itsura niya, kulay at kutis ng balat nito ay hindi balat ng mga nasa mababang antas ng lipunan.
Ang tinutukoy nila na Boss ay si Marcus pala. Ang yaman niya. Kung ganito siya kayaman, ano ang rasyon niya kung bakit niya pa ako dinukot. Napa-upo na lamang ako dahil sa mga bagay na aking nalalaman ngayon. Nalilito ako sa mga oras na ito.
Gusto ko nang umuwi, gusto ko nang umalis sa lugar na ito. At ang tanging makakatulong lang sa akin ay alamin kung ano ang totoo sa likod ng aking pagdukot.
Nasa harapan ako ng isang malaking pintuan. Ito ang itinuro sa akin ng babae matapos niya ako ihatid. Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba ito.
Nanginginig ang aking kamay habang dahan-dahan kong hinawakan ang door knob. Nang lumapat ang aking palad ay may narinig akong tunog at kusa itong bumukas. Napaatras naman ako sa gulat. Pero pumasok din naman ako kalaunan.
"Close the door." Utos ng isang tao na nakaupo Swivel chair at nakatalikod ito sa aking kinaroroonan.
Inilibot ko ang aking paningin sa loob, napakalawak nito. Matapos kong maisara ay dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan nito.
Maya-maya ay humarap ito sa akin habang may hawak na isang baso ng alak. Napalunok ako ng sarili kong laway at napayuko nang pasadahan niya ako ng tingin mula sa baba hanggang ulo.
Tumayo ito at umikot papunta sa aking kinaroroonan. Sumandig sa mesa aking harapan. At inabot sa akin ang baso na may alak.
"Drink,"
Pero hindi ako umimik. Tumayo ito ng maayos at mas lumapit pa sa akin. Pero ako ay nanatiling hindi tumitingin sa kanya. Hinawakan niya ang aking baba at pilit akong pinapatingin sa kanya.
"Pwede mo ba akong sabayan?" Namumungay ang mga mata niya habang kinakausap niya ako.
At sa hindi ko alam na dahilan ay tila ba ay na hypnotized ako sa kanyang mainit na mga titig. Muli niyang itinaas ang baso at inilapit sa aking labi.
"Please," muling sambit niya.
Dahan-dahan kong itinaas ang magkabila kong kamay at hinawakan ang baso, naisali ko rin ang kamay niya na nakahawak rin sa baso.
Tumitig ako sa kanya bago ako pumikit at ibinuka ang aking bibig upang tanggapin ang alak sa aking lalamunan. Napapikit ako ng mariin ng nakaramdam ako ng mainit na pakiramdam sa aking lalamunan. Kaya napa-ubo ako bigla.
Pero agad naman niya akong inabutan ng tubig. Kita ko pa ang pasimple niyang ngisi.
Hindi ko alam kung ano ang pangalan ng alak pero napakatapang nito. Kalahati lang naman iyon pero nakaramdam na ako kaagad ng pagkahilo. Ganito ba talaga to ka tapang.
"Are you okay?" Bakas sa boses niya ang pagalala. Tumango
Inalalayan kaagad ako ni Marcus papunta sa sofa. At maingat niya akong pinaupo. Marahan kong isinandig ang aking ulo. Tumabi siya sa akin kaya naman ay nakaramdam ako ng pagkailang dahil tinitigan din niya ako.
"Can I just go home," biglang sambit ko sa kawalan. Tumitig din ako sa kanya pabalik.
Hindi sumagot si Marcus, bagkus ay ngumiti lang ito at hinawi ang buhok sa aking mukha. Sa tingin ko ay hindi ito makikinig sa akin, kahit anong pakiusap ko siguro ay wala akong magagawa.
Pero ang pinataka ko kung bakit hindi man lang niya ako sinaktan. Ni hindk niya ako pinagbuhatan ng kamay katulad ng mga napapanood ko sa telebisyon o naririnig ko sa mga balita.
Bagkus ay iniligtas pa niya ako sa mga humabol sa amin, kung totoong may masamang balak talaga ang mga iyon sa amin. Pero iba ang nararamdaman ko sa lalaking ito. Hindi siya masamang tao.
Patuloy pa rin ang pagtitigan. "What..what do you want from me, Marcus?" Wika ko sa mahinang boses habang pilit na nilalabanan ang antok sa aking mga mata.
Napatigil ito sa paglalaro sa aking buhok. Bumuntong hininga siya, at kahit nakainom ito ng alak ay mabango pa rin ang kanyang hininga.
"You," ani nito.
Inilapat ko ang aking palad sa kanyang matipunong dibdib. Dahan-dahan kong tinanggal ang mga botones nito. Ngunit hinawakan niya ang kamay ko at napatingin rito. Muli siyang tumingin sa akin nang ipagpatuloy ko pa rin ang pagtanggal nito.
Bigla niya akong siniil ng halik. Hindi ako kaagad tumugon, pero kalaunay gumanti rin ako. Bahala na, ito na rin siguro ang panahon. Kung mawala man ang bagay na iniingatan ko, walang problema iyon kung sa lalaking ito lang mapupunta.
Sa mga oras na ito ay tila nawala na ako sa sarili kong pag-iisip.
Hinayaan ko na lamang ang aking sarili na magpalamon sa bugso ng aking damdamin. Kung may pagsisisihan man ako ngayon sa tingin ko ay wala. Dahil ginusto ko rin naman ito.
Kahit bago man ako mawala ay maranasan ko man lang ang paunang langit.
Jessica's POVNagising ako dahil sa sobrang sakit ng aking ulo. Napahawak pa ako sa aking noo, at marahan ko itong hinihilot.Pagkabukas ng aking mga mata ay nakita ko ang puting kisami. Na saan ba ako? Muli kong ipinikit ang aking mga mata. At bigla akong napabangon nang maalala ko ang ginawa namin ni Marcus.Tiningnan ko ang aking katawan pero suot ko pa rin naman ang damit ko kanina. Napahawak rin ako sa sariling kong pagmamay-ari, pinaramdam ko ito ng maayos kung may pagbabago ba."Thank you Lord," Napabuga ako ng maayos nang sa tingin ko ay wala namang nangyari sa amin. Ibig sabihin ay hindi natuloy ang ginawa namin kanina. Tiningnan ko ang bawat gilid ng kama, pero wala akong makita ni anino ni Marcus.Tumayo ako at tinungo ang pintuan
“As a psychologist by profession, my advocacy is to help people with depression and mental health issues. Mental health is very important. That's why I am encouraging everyone to be careful and sensitive in talking to others because we don't know what they've been through. Let’s work together to break the stigma of mental disorder and create a better environment for them." mahabang sagot ko sa tanong tungkol sa aking adbokasiya mula sa isa sa mga reporter.Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga sandaling ito. Hindi ako makapaniwala na ako ang nanalo sa prestihiyosong beauty pageant dito sa Pilipinas, ang Queen of the World Philippines.Simula ngayon, pagkatapos ng dalawang buwan na pag-eensayo dito sa Pilipinas ay aalis ako ng bansa upang lumaban sa ibang kandita mula sa iba't-ibang bansa para sa korona.
‘'Dinukot kagabi ng mga hindi pa kilalang mga suspek si Queen of World Philippines, Jessica Laura Molina. Ayon sa pamilya nito at kaibigan ay pauwi na sana sila pagkatapos ang coronation night ng harangan ng itim na sasakyan ang kanilang sinasakyang van. Critical naman ang kalagayan ng aktor at boyfriend nito na si Lucas matapos mabaril ng subukan nitong iligtas si Jessica.'’Pinatay kaagad ng ama ng nawawalang dalaga na si Jessica ang telebisyon. Hindi kaya ng mag-asawa ang kanilang narinig mula sa balita. Trauma at takot ang kanilang nararamdaman ngayon. Hindi sila mapakali sa nangyari sa kanila at sa anak nitong si Jessica.Tanging pagtangis na lamang ang nagawa ng mag-asawa. Wala silang alam kung sino ang dumukot sa kanilang anak. Sa pagkakaalala nila ay wala silang naging kaaway. Kaya imposible naman kung kinuha ang kanilang anak dahil sa
Jessica's POVMabilis ang takbo ng lalaki na pumasan sa akin ngayon papalayo sa abandonadong gusali. Ngunit patuloy pa rin ang naririnig kong putukan. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng lalaking ito. Pero nakakasiguro ako na kagubatan na ito dahil sa mga matataas na damo at kahoy na aming nadadaanan.Hindi ako makagalaw dahil pasan-pasan ako ng lalaki. Nagtataka ako na hindi man lang siya nakaramdam ng pagod o bigat. Ganon na ba ako ka liit kompara sa matipuno niyang katawan? Kung sa bagay wala nga itong kahirap-hirap na binuhat ako."Te..teka lang saan pa tayo pupunta?" tanong ko kahit nahihirapan akong magsalita dahil sa aking posisyon.Inulit ko ng mas malakas dahil parang hindi niya ako naririnig, "Kuya saan mo ba ako dadalhin?""Sa
Jessica's POVNagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking mata. Pagdilat ko ay nakayakap pala ako sa katawan ni Marcus at nakaunan ako sa kanyang matipunong braso. Inangat ko ang aking ulo at pinagmasdan ang maamo nitong mukha. Ang kulay rosa nitong labi na kay sarap halikan. Napakalinis ng pagkaka-ahit ng kanyang balbasDahan-dahan kong nilapit ang aking daliri sa kanyang labi. Bago pa man dumapo ito ay nagulat ako ng marinig ko ang tunog ng isang kambing. Kaya naman ay napatingin ako sa palibot. Nakita ko ang isang matanda na nakasuot ng isang sumbrero na gawa sa dahon habang hawak-hawak ang tali ng mga alaga niyang kambing."Marcus, Marcus," sambit ko sa pangalan ni Marcus habang niyuyog ko nang kanyang katawan. Nang hindi pa ito magising ay bumangon na ako at tinapik siya ng malakas sa dibdib.

Carlo's POV"Nasa amin na po ang kopya ng CCTV footage sa lugar ng pinangyarihan ng krimen. Based from our investigation, dinukot nga ang inyong anak pero wala ito sa kamay ng mga dumukot sa kanya.""Ano po ang ibig sabihin niyo Sir?" tanong ni Tita Lucena."Tatlong kilometro mula sa pinangyarihan ng insidente ay may natagpuan na sasakyan at tadtad ng bala. Ang nasabing sasakyan ay katulad ng sasakyan na nakita sa CCTV footage na sinakyan ng mga suspek. Ibig sabihin ay may ibang grupo ang dumukot sa inyong anak ma'am." mabahang paliwanag ng pulis."Diyos ko po. Kawawa naman ang anak ko." Napahagulgol na sabi ni Tita Lucena at agad naman niyakap ni Tito."Nagsisimula na po kaming kumilos at we trace everything na may kinalaman sa pagkawala ng inyon