Chapter: Chapter FiveJessica's POVNagising ako dahil sa sobrang sakit ng aking ulo. Napahawak pa ako sa aking noo, at marahan ko itong hinihilot.Pagkabukas ng aking mga mata ay nakita ko ang puting kisami. Na saan ba ako? Muli kong ipinikit ang aking mga mata. At bigla akong napabangon nang maalala ko ang ginawa namin ni Marcus.Tiningnan ko ang aking katawan pero suot ko pa rin naman ang damit ko kanina. Napahawak rin ako sa sariling kong pagmamay-ari, pinaramdam ko ito ng maayos kung may pagbabago ba."Thank you Lord," Napabuga ako ng maayos nang sa tingin ko ay wala namang nangyari sa amin. Ibig sabihin ay hindi natuloy ang ginawa namin kanina. Tiningnan ko ang bawat gilid ng kama, pero wala akong makita ni anino ni Marcus.Tumayo ako at tinungo ang pintuan
Last Updated: 2022-04-24
Chapter: Chapter FourCarlo's POV"Nasa amin na po ang kopya ng CCTV footage sa lugar ng pinangyarihan ng krimen. Based from our investigation, dinukot nga ang inyong anak pero wala ito sa kamay ng mga dumukot sa kanya.""Ano po ang ibig sabihin niyo Sir?" tanong ni Tita Lucena."Tatlong kilometro mula sa pinangyarihan ng insidente ay may natagpuan na sasakyan at tadtad ng bala. Ang nasabing sasakyan ay katulad ng sasakyan na nakita sa CCTV footage na sinakyan ng mga suspek. Ibig sabihin ay may ibang grupo ang dumukot sa inyong anak ma'am." mabahang paliwanag ng pulis."Diyos ko po. Kawawa naman ang anak ko." Napahagulgol na sabi ni Tita Lucena at agad naman niyakap ni Tito."Nagsisimula na po kaming kumilos at we trace everything na may kinalaman sa pagkawala ng inyon
Last Updated: 2022-04-24
Chapter: Chapter ThreeJessica's POVNagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking mata. Pagdilat ko ay nakayakap pala ako sa katawan ni Marcus at nakaunan ako sa kanyang matipunong braso. Inangat ko ang aking ulo at pinagmasdan ang maamo nitong mukha. Ang kulay rosa nitong labi na kay sarap halikan. Napakalinis ng pagkaka-ahit ng kanyang balbasDahan-dahan kong nilapit ang aking daliri sa kanyang labi. Bago pa man dumapo ito ay nagulat ako ng marinig ko ang tunog ng isang kambing. Kaya naman ay napatingin ako sa palibot. Nakita ko ang isang matanda na nakasuot ng isang sumbrero na gawa sa dahon habang hawak-hawak ang tali ng mga alaga niyang kambing."Marcus, Marcus," sambit ko sa pangalan ni Marcus habang niyuyog ko nang kanyang katawan. Nang hindi pa ito magising ay bumangon na ako at tinapik siya ng malakas sa dibdib.
Last Updated: 2022-03-21
Chapter: Chapter TwoJessica's POVMabilis ang takbo ng lalaki na pumasan sa akin ngayon papalayo sa abandonadong gusali. Ngunit patuloy pa rin ang naririnig kong putukan. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng lalaking ito. Pero nakakasiguro ako na kagubatan na ito dahil sa mga matataas na damo at kahoy na aming nadadaanan.Hindi ako makagalaw dahil pasan-pasan ako ng lalaki. Nagtataka ako na hindi man lang siya nakaramdam ng pagod o bigat. Ganon na ba ako ka liit kompara sa matipuno niyang katawan? Kung sa bagay wala nga itong kahirap-hirap na binuhat ako."Te..teka lang saan pa tayo pupunta?" tanong ko kahit nahihirapan akong magsalita dahil sa aking posisyon.Inulit ko ng mas malakas dahil parang hindi niya ako naririnig, "Kuya saan mo ba ako dadalhin?""Sa
Last Updated: 2022-03-21
Chapter: Chapter One‘'Dinukot kagabi ng mga hindi pa kilalang mga suspek si Queen of World Philippines, Jessica Laura Molina. Ayon sa pamilya nito at kaibigan ay pauwi na sana sila pagkatapos ang coronation night ng harangan ng itim na sasakyan ang kanilang sinasakyang van. Critical naman ang kalagayan ng aktor at boyfriend nito na si Lucas matapos mabaril ng subukan nitong iligtas si Jessica.'’Pinatay kaagad ng ama ng nawawalang dalaga na si Jessica ang telebisyon. Hindi kaya ng mag-asawa ang kanilang narinig mula sa balita. Trauma at takot ang kanilang nararamdaman ngayon. Hindi sila mapakali sa nangyari sa kanila at sa anak nitong si Jessica.Tanging pagtangis na lamang ang nagawa ng mag-asawa. Wala silang alam kung sino ang dumukot sa kanilang anak. Sa pagkakaalala nila ay wala silang naging kaaway. Kaya imposible naman kung kinuha ang kanilang anak dahil sa
Last Updated: 2022-03-21
Chapter: Prologue“As a psychologist by profession, my advocacy is to help people with depression and mental health issues. Mental health is very important. That's why I am encouraging everyone to be careful and sensitive in talking to others because we don't know what they've been through. Let’s work together to break the stigma of mental disorder and create a better environment for them." mahabang sagot ko sa tanong tungkol sa aking adbokasiya mula sa isa sa mga reporter.Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga sandaling ito. Hindi ako makapaniwala na ako ang nanalo sa prestihiyosong beauty pageant dito sa Pilipinas, ang Queen of the World Philippines.Simula ngayon, pagkatapos ng dalawang buwan na pag-eensayo dito sa Pilipinas ay aalis ako ng bansa upang lumaban sa ibang kandita mula sa iba't-ibang bansa para sa korona.
Last Updated: 2022-03-21