Share

Chapter Three

Author: HeyYou
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Jessica's POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking mata. Pagdilat ko ay nakayakap pala ako sa katawan ni Marcus at nakaunan ako sa kanyang matipunong braso. Inangat ko ang aking ulo at pinagmasdan ang maamo nitong mukha. Ang kulay rosa nitong labi na kay sarap halikan. Napakalinis ng pagkaka-ahit ng kanyang balbas

Dahan-dahan kong nilapit ang aking daliri sa kanyang labi. Bago pa man dumapo ito ay nagulat ako ng marinig ko ang tunog ng isang kambing. Kaya naman ay napatingin ako sa palibot. Nakita ko ang isang matanda na nakasuot ng isang sumbrero na gawa sa dahon habang hawak-hawak ang tali ng mga alaga niyang kambing.

"Marcus, Marcus," sambit ko sa pangalan ni Marcus habang niyuyog ko nang kanyang katawan. Nang hindi pa ito magising ay bumangon na ako at tinapik siya ng malakas sa dibdib.

"Ouch! What?" Tanong niya sa paos na boses at masamang nakatingin sa akin.

Tinuro ko ang kinaroonan ng matanda gamit ang aking labi. Bumangon kaagad si Marcus ng makita niya ang matanda.

"Iha at iho kumain muna kayo." Pareho kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Isang matandang babae at sa tingin ko ay asawa ito ng matandang lalaki. "Pedro, dalhin mo na yang mga yan sa ilalim ng mangga at doon mo itali." Utos nito sa kanyang asawa na may hawak sa tali ng mga kambing. "Sige na, bumangon na kayo dahil mataas na ang araw. Maya-maya ay masyadong mainit na." Baling niya sa amin pagkatapos umalis ang asawa nito.

Agad naman kaming nag-ayos ni Marcus. Tinupi namin ang sako na ginagamit namin bilang sapin. Hindi ko namalayan na pareho pala kaming nakatulog sa labas ng kubo. Ubos na rin ang kahoy na gamit namin sa paggawa ng apoy kagabi.

Nagpatiuna akong maglakad habang nakasunod naman sa aking likuran si Marcus. Sa labas ng kubo ay may isang maliit na lamesa at may mahabang upuan. May nakahanda ring mga pagkain . Kaya bigla akong nakaramdam ng gutom sa mga oras na iyon.

"Kumain na kayo, huwag kayong mahiya," Nakangiting paanyaya ng matandang babae.

"Salamat po." Hinila ko na rin si Marcus para umupo.

"Taga saan pala kayo?" Tanong ng matanda habang nagsasalin ng tubig sa pitsil.

"Taga Maynila po ako," magalang kong sagot.

Dumako naman ang atensyon ng matanda sa katabi ko, "Eh, ikaw naman iho? Taga Maynila ka rin siguro kasi ang pogi mo." Kinilig na sabi nito.

Kaya napangiti na rin ako dahil sa naging reaksyon ng matanda. Hindi na lang din ako nag-usisa kung taga saan si Marcus. Dahil nga ay dinukot lang niya ako. Kahit gusto kong malaman kung taga saan siya pero isinawalang bahala ko na lang iyon. At baka rin ay hindi siya maging komportable.

"Paano pala kayo napadpad sa aming bukid?"

Natigilan ako sa naging tanong ng matanda. Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot. Tiningnan ko ang aking katabi at nakatingin din pala ito sa akin. Ang mga mata nito ay parang may gustong sabihin na hindi ko mawari. Humarap muli ako sa matanda na ngayon ay naghihintay sa aming sagot.

"Uhm, sa totoo lang po Lola ay nawawala po kami. Namamasyal lang kasi kami dito pero hindi na po namin alam yung daan pa uwi. Kaya po ay napagdisisyunan na lamang namin dito na lang magpalipas ng gabi." Nakangiti kong paliwanag.

"Ganon ba. Buti naman ay nakita niyo ang buko namin. Hala sige kumain na kayo, may maraming ulam diyan."

Nagsimula na akong kumilos, kumuha ng plato at kutsara. Pumili ako ng pagkain na kayang kong ubusin. Pero si Marcus ay nakatingin lang siya sa pagkain. Parang gusto niyang kumain ng kanin. Napansin ko rin kagabi na hindi niya naubos ang isang pirasong kamote na nilaga ko kagabi.

Nakuha ko naman kung ano ang iniisip niya kaya ako na ang sumandok ng kanin sa kanyang plato. Kumuha na rin ako ng pritong tilapya at nilagyan ng tuyo na may sili. Iniabot ko ito sa kanya at agad naman niya itong tinanggap. Nagsimula na rin kaming kumain kasama ang mag-asawa.

Sa kalagitnaan ng aming almusal ay biglang nagsalita ang matandang babae, "Medyo tahimik na tao ang boyfriend mo iha."

Pagkarinig namin sa sinabi ng matanda ay pareho kaming napa-ubo ni Marcus.

"May nasabi ba akong mali?" Tanong ng matanda.

Nagulat ako ng biglang sumagot si Marcus, "Wala naman po, Lola."

"Ayon naman pala. Ang pogi mo naman at maganda pa ang boses. Bagay na bagay na bagay kayong dalawa, maganda at pogi," Puri ng matanda sa aking katabi.

Tiningnan ko si Marcus at nakangisi ito habang kumakain. Kaya inapakan ko ang paa nito, napatingin naman ito sa akin.

"What?" Nakangisi pa rin nitong sabi.

Inirapan ko lang ito. Pero sa kaloob-looban ko ay nakaramdam ako ng kilig. Hindi ko alam pero iyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ni hindi ko rin mawari kung bakit, hindi kami magkakilala. Ang tanging ugnayan lang namin ay ang pagdukot nila sa akin ng kanyang mga kasamahan.

Napag-alaman namin na ang ng matandang babae ay si Pelencia. Matagal na silang naninirahan dito sa bayan. May mga anak na din siya at mga apo pero nasa bahay daw ito. Lagi silang pumupunta dito upang bantayan ang kanilang mga pananim. Minsan daw kasi ay may mga magnanakaw at kinukuha ang kanilang mga pananim kaya lagi na silang nagbabantay dito.

"Alam mo iha, may kamukha ka. Di ko rin alam kung saan ko yun napanood," maya-maya ang nagsalita ito sa kalagitnaan ng aming paghuhugas.

Nakaramdam naman ako ng kaba. Tiningnan ko si Marcus habang kausap nito si Lolo Pedro, pinagsaluhan ng dalawa ang isang bote ng lambanog.

"Si Cherry Cruz, tama si Ms Cherry nga. Idolo ko yun," nakangiti nitong sabi.

Nakahinga naman ako sa kanyang sinabi. Si Cherry Cruz ay isang dakilang artista noong dekada nobenta. At tama si Lola Pelencia, may pagkakahawig kami nito. Akala ko pa naman na mabubuking na ako sa oras na ito. Hindi nila dapat malaman na isa akong beauty queen.

"Ano pala ang trabaho mo ngayon?"

"Uhm, may business po kami Lola." Nakangiti ko rin sagot sa kanya.

"Kaya pala mukha talaga kayong mayaman. Matagal na kayo ng boyfriend mo?"

Sandali akong napatigil sa paghuhugas at nilingon muli si Marcus, dahil nakatingin din pala ito sa akin ay nagtama ang aming paningin. Agad akong umiwas at muling humarap kay Lola Pelencia.

Sa halip na sumagot ay ngumiti lang ako ng bahagya sa matanda.

Tumawa naman ito, "Ikaw talaga." Nagpunas muna ito ng kamay bago magsalita muli. "Alam mo ba noong kapanahunan namin ay may tradisyon kaming sinusunod. Ang aking magulang ay nakipagkasundo sa pamilya ng aking mapapangasawa. Tinatawag itong fixed marriage sa panahon ngayon. Noong una ay tutol ako sa plano nila, hindi ko kilala si Pedro at noon ay may iniibig akong iba. Dahil wala akong magawa at kalaunay napapilit nila ako. Kahit biglaan ang aming pagsasama, ay unti-unti ko siyang natutunan na mahalin."

Napaisip naman ako bigla sa sinabi ni Lola Pelencia. Di ko alam kung ano ang ibig niyang ipahiwatig sa kwento niya. Nilingon ko muli si Marcus. Ngayon ay nagtatawanan na ang dalawa. Siguro ay umepekto na ang ininom nilang lambanog.

"Ang pagmamahal ay natutunan. Lalo na kapag itinadhana kayo para sa isa't-isa. Ang totoong pagmamahal ay matatagpuan sa hindi inaasahang pagkakataon." Dagdag pa nito bago pumunta sa kinaroroonan ni Marcus at Lolo Pedro.

Tama naman ang sinabi nito. Pero bakit may epekto ito sa aking damdamin. Naisip ko kaagad ang nangyari sa akin. Ang pagdukot ni Marcus sa akin. Pero hindi ako gaano nagalit sa kanya, ni hindi ako nakaramdam ng takot kapag kasama ko siya. Dapat nga ay mainis at kahimuan ko ang lalaking ito pero salungat ang sinasabi ng aking puso.

Nakita ko itong tumayo at naglakad papalapit sa akin. Namumula na ang mukha at dibdib nito, halatang may tama na. Gusot-gusot ang buhok nito. Pero kahit ganon ang hitsura niya ay napakagwapo parin niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa likod ng kubo.

"Sandali, ano bang ginagawa natin dito?" Sabay piglas ko sa aking kamay.

Sa halip na sumagot ito ay marahan niya akong itinulak sa dingding kaya nagulat ako sa kanyang ginawa.

"Ano bang ginagawa mo?" Sinubukan kong huwag tumaas ang aking boses baka ay may makarinig sa amin.

"Marcu..hmp," Impit ko nang bigla niya hawakan ang makabila kong pisngi at siilin ako ng halik.

Di ako makapaniwala na hinalikan ako ng isang kidnapper. Ang lambot ng labi ni Marcus. Nalalasahan ko ang ininom nilang lambanog. Gusto ko siyang itulak dahil mali ang ginagawa namin. May boyfriend ako at ayaw ko siyang pagtaksilan. Mali ang aming ginagawa. Pangalawa, isa siyang kriminal, siya ang dumukot sa akin. Hindi ko siya dapat pagkatiwalaan.

Gusto ko siyang itulak sa aking isipan pero salungat ang sinisigaw ng aking puso. Nawalan ako ng lakas para gawin iyon. Tumagal din ang aming paghahalikan bago pa ako nakakuha ng lakas para maitulak ko siya. Pareho kaming hingal na hingal. At hindi makatingin sa isat-isa.

"Sorry," sabi niya sa mababang boses na para bang natauhan sa kanyang ginagawa.

Hindi ko na lang iyon pinansin, bagkus napunta ang aking atensyon sa tunog ng isang helicopter. Tiningnan ko si Marcus na nakatingin sa taas. Dali-dali akong tumakbo papunta sa harapan ng kubo. Nabuhayan ako ng loob nang pagkarating ko ay nakita ko ito na papalapag sa patag na bahagi ng bukid.

Nagbabakasakali ako na ito ang pinadala ng aking mga magulang para hanapin ako. Sa wakas ay makakauwi na ako sa amin. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking kuha. Dahil malakas ang hangin ay ginamit ko ang aking kamay pantakip sa aking mata.

Ngunit napawi ang aking kasiyahan nang bumaba ang dalawang sakay nito na may dalang mga armas rin. Inihakbang ko muli ang aking mga paa paatras. Hanggang sa mabunggo ko sa likuran si Marcus. Agad naman niya akong inakbayan.

Tiningnan ko siya pero wala akong nakikitang bakas na takot sa kanyang mukha. Tiningnan ko rin sila Lolo Pedro na magkatabing inakbayan ang asawa na si Lola Pelencia.

Biglang nagsalita ang isang lalaki na may dalang suitcase.

"Pasensya na Boss kong natagalan kami sa paghahanap sa inyo," sabi nito pero hindi sa akin nakatangin.

Sino ba ang tinutukoy ng lalaki ito? Sino ba ang kausap nito na "Boss"? Mga katanungan sa aking isipan ngayon. Kunot-noo kong tiningala si Marcus.

"Give it to them," utos naman ni Marcus dito.

"Sige Boss." Sinundan ko ng tingin ang lalaki hanggang makarating ito sa dalawang matanda.

Binuksan ng lalaki ang suitcase sa harapan nila at kita ko ang paglaki ng kanilang mga mata. Hindi ko alam kung ano ang nakita nila at napatakip pa sa bibig si Lola Palencia. Nalilito man si Lolo Pedro pero kinuha pa rin niya ang isang suitcase. Tapos ay tumingin sa aming kinaroroonan.

Mula sa pagkaka-akbay ay inilipat ni Marcus ang kanyang kamay sa aking likuran at marahan niya akong itinulak na para bang gusto niya akong palakarin.

"Teka saan tayo pupunta?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Just walk," tipid nitong sagot.

Magkahalong kaba at lito ang aking nararamdaman ngayon. Ito na ba ang panahon na dadalhin na nila ako sa isang lugar at kilitin ang buhay ko. Sa tingin ko ay wala na talagang pag-asa na masilayan ko muli ang aking pamilya. Diyos ko, kayo na ang bahala sa kanila. Huwag niyo sana silang pabayaan.

Ang nararamdaman kong kaligayahan habang kasama ko si Marcus ay bahagi lamang ng aking imahinasyon.

Bago pa ako umakyat sa helicopter ay muli kong tinapunan ng tingin sila Lolo Pedro at Lola Palencia. Kahit sa maikling panahon ay nakilala ko sila. At kahit sa maikling panahon ay naramdaman ko muli ang pagmamahal ng mga magulang.

Nakita ko na nakangiti si Lola Pelencia at kumaway-kaway sa aming kinaroroonan. Sinuklian ko na lamang sila ng isang matamis na ngiti. Bago pa man nila makita ang pagpatak ng aking luha ay tumalikod na ako at umakyat sa loob ng helicopter.

Related chapters

  • The Broken Past of a Billionaire   Chapter Four

    Carlo's POV"Nasa amin na po ang kopya ng CCTV footage sa lugar ng pinangyarihan ng krimen. Based from our investigation, dinukot nga ang inyong anak pero wala ito sa kamay ng mga dumukot sa kanya.""Ano po ang ibig sabihin niyo Sir?" tanong ni Tita Lucena."Tatlong kilometro mula sa pinangyarihan ng insidente ay may natagpuan na sasakyan at tadtad ng bala. Ang nasabing sasakyan ay katulad ng sasakyan na nakita sa CCTV footage na sinakyan ng mga suspek. Ibig sabihin ay may ibang grupo ang dumukot sa inyong anak ma'am." mabahang paliwanag ng pulis."Diyos ko po. Kawawa naman ang anak ko." Napahagulgol na sabi ni Tita Lucena at agad naman niyakap ni Tito."Nagsisimula na po kaming kumilos at we trace everything na may kinalaman sa pagkawala ng inyon

  • The Broken Past of a Billionaire   Chapter Five

    Jessica's POVNagising ako dahil sa sobrang sakit ng aking ulo. Napahawak pa ako sa aking noo, at marahan ko itong hinihilot.Pagkabukas ng aking mga mata ay nakita ko ang puting kisami. Na saan ba ako? Muli kong ipinikit ang aking mga mata. At bigla akong napabangon nang maalala ko ang ginawa namin ni Marcus.Tiningnan ko ang aking katawan pero suot ko pa rin naman ang damit ko kanina. Napahawak rin ako sa sariling kong pagmamay-ari, pinaramdam ko ito ng maayos kung may pagbabago ba."Thank you Lord," Napabuga ako ng maayos nang sa tingin ko ay wala namang nangyari sa amin. Ibig sabihin ay hindi natuloy ang ginawa namin kanina. Tiningnan ko ang bawat gilid ng kama, pero wala akong makita ni anino ni Marcus.Tumayo ako at tinungo ang pintuan

  • The Broken Past of a Billionaire   Prologue

    “As a psychologist by profession, my advocacy is to help people with depression and mental health issues. Mental health is very important. That's why I am encouraging everyone to be careful and sensitive in talking to others because we don't know what they've been through. Let’s work together to break the stigma of mental disorder and create a better environment for them." mahabang sagot ko sa tanong tungkol sa aking adbokasiya mula sa isa sa mga reporter.Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga sandaling ito. Hindi ako makapaniwala na ako ang nanalo sa prestihiyosong beauty pageant dito sa Pilipinas, ang Queen of the World Philippines.Simula ngayon, pagkatapos ng dalawang buwan na pag-eensayo dito sa Pilipinas ay aalis ako ng bansa upang lumaban sa ibang kandita mula sa iba't-ibang bansa para sa korona.

  • The Broken Past of a Billionaire   Chapter One

    ‘'Dinukot kagabi ng mga hindi pa kilalang mga suspek si Queen of World Philippines, Jessica Laura Molina. Ayon sa pamilya nito at kaibigan ay pauwi na sana sila pagkatapos ang coronation night ng harangan ng itim na sasakyan ang kanilang sinasakyang van. Critical naman ang kalagayan ng aktor at boyfriend nito na si Lucas matapos mabaril ng subukan nitong iligtas si Jessica.'’Pinatay kaagad ng ama ng nawawalang dalaga na si Jessica ang telebisyon. Hindi kaya ng mag-asawa ang kanilang narinig mula sa balita. Trauma at takot ang kanilang nararamdaman ngayon. Hindi sila mapakali sa nangyari sa kanila at sa anak nitong si Jessica.Tanging pagtangis na lamang ang nagawa ng mag-asawa. Wala silang alam kung sino ang dumukot sa kanilang anak. Sa pagkakaalala nila ay wala silang naging kaaway. Kaya imposible naman kung kinuha ang kanilang anak dahil sa

  • The Broken Past of a Billionaire   Chapter Two

    Jessica's POVMabilis ang takbo ng lalaki na pumasan sa akin ngayon papalayo sa abandonadong gusali. Ngunit patuloy pa rin ang naririnig kong putukan. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng lalaking ito. Pero nakakasiguro ako na kagubatan na ito dahil sa mga matataas na damo at kahoy na aming nadadaanan.Hindi ako makagalaw dahil pasan-pasan ako ng lalaki. Nagtataka ako na hindi man lang siya nakaramdam ng pagod o bigat. Ganon na ba ako ka liit kompara sa matipuno niyang katawan? Kung sa bagay wala nga itong kahirap-hirap na binuhat ako."Te..teka lang saan pa tayo pupunta?" tanong ko kahit nahihirapan akong magsalita dahil sa aking posisyon.Inulit ko ng mas malakas dahil parang hindi niya ako naririnig, "Kuya saan mo ba ako dadalhin?""Sa

Latest chapter

  • The Broken Past of a Billionaire   Chapter Three

    Jessica's POVNagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking mata. Pagdilat ko ay nakayakap pala ako sa katawan ni Marcus at nakaunan ako sa kanyang matipunong braso. Inangat ko ang aking ulo at pinagmasdan ang maamo nitong mukha. Ang kulay rosa nitong labi na kay sarap halikan. Napakalinis ng pagkaka-ahit ng kanyang balbasDahan-dahan kong nilapit ang aking daliri sa kanyang labi. Bago pa man dumapo ito ay nagulat ako ng marinig ko ang tunog ng isang kambing. Kaya naman ay napatingin ako sa palibot. Nakita ko ang isang matanda na nakasuot ng isang sumbrero na gawa sa dahon habang hawak-hawak ang tali ng mga alaga niyang kambing."Marcus, Marcus," sambit ko sa pangalan ni Marcus habang niyuyog ko nang kanyang katawan. Nang hindi pa ito magising ay bumangon na ako at tinapik siya ng malakas sa dibdib.

  • The Broken Past of a Billionaire   Chapter Two

    Jessica's POVMabilis ang takbo ng lalaki na pumasan sa akin ngayon papalayo sa abandonadong gusali. Ngunit patuloy pa rin ang naririnig kong putukan. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng lalaking ito. Pero nakakasiguro ako na kagubatan na ito dahil sa mga matataas na damo at kahoy na aming nadadaanan.Hindi ako makagalaw dahil pasan-pasan ako ng lalaki. Nagtataka ako na hindi man lang siya nakaramdam ng pagod o bigat. Ganon na ba ako ka liit kompara sa matipuno niyang katawan? Kung sa bagay wala nga itong kahirap-hirap na binuhat ako."Te..teka lang saan pa tayo pupunta?" tanong ko kahit nahihirapan akong magsalita dahil sa aking posisyon.Inulit ko ng mas malakas dahil parang hindi niya ako naririnig, "Kuya saan mo ba ako dadalhin?""Sa

  • The Broken Past of a Billionaire   Chapter One

    ‘'Dinukot kagabi ng mga hindi pa kilalang mga suspek si Queen of World Philippines, Jessica Laura Molina. Ayon sa pamilya nito at kaibigan ay pauwi na sana sila pagkatapos ang coronation night ng harangan ng itim na sasakyan ang kanilang sinasakyang van. Critical naman ang kalagayan ng aktor at boyfriend nito na si Lucas matapos mabaril ng subukan nitong iligtas si Jessica.'’Pinatay kaagad ng ama ng nawawalang dalaga na si Jessica ang telebisyon. Hindi kaya ng mag-asawa ang kanilang narinig mula sa balita. Trauma at takot ang kanilang nararamdaman ngayon. Hindi sila mapakali sa nangyari sa kanila at sa anak nitong si Jessica.Tanging pagtangis na lamang ang nagawa ng mag-asawa. Wala silang alam kung sino ang dumukot sa kanilang anak. Sa pagkakaalala nila ay wala silang naging kaaway. Kaya imposible naman kung kinuha ang kanilang anak dahil sa

  • The Broken Past of a Billionaire   Prologue

    “As a psychologist by profession, my advocacy is to help people with depression and mental health issues. Mental health is very important. That's why I am encouraging everyone to be careful and sensitive in talking to others because we don't know what they've been through. Let’s work together to break the stigma of mental disorder and create a better environment for them." mahabang sagot ko sa tanong tungkol sa aking adbokasiya mula sa isa sa mga reporter.Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga sandaling ito. Hindi ako makapaniwala na ako ang nanalo sa prestihiyosong beauty pageant dito sa Pilipinas, ang Queen of the World Philippines.Simula ngayon, pagkatapos ng dalawang buwan na pag-eensayo dito sa Pilipinas ay aalis ako ng bansa upang lumaban sa ibang kandita mula sa iba't-ibang bansa para sa korona.

DMCA.com Protection Status